Saturday Jul, 02 2022 07:53:49 AM

NDBC BIDA BALITA (5.6.19)

NDBC BALITA • 22:00 PM Mon May 6, 2019
969
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 06, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. PAGDIRIWANG ng Ramadan para sa mga mananampalatayang Muslim, nagsimula na!

2. LIMANG mga High Value Target, arestado sa buy-bust operation ng PDEA at PNP sa Isulan, Sultan Kudarat

3. LALAKI, patay umanong malason sa Matalam, North Cotabato.

4. Apat patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Cotabato City nitong weekend.

-0-

NAGSIMULA na ang isang buwang pag-aayuno ng mga mananampalatayang Muslim bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ramadan.

Sa Cotabato city, sinabi ni city information officer Halima Satol-Ibrahim na asahan ang mas masaya at makulay na selebrasyon ng Ramadan.

Ayon kay Ibrahim, natakdang magbukas ang Flavors of Cotabato: Food Festival kung saan tampok ang masasarap na traditional dishes at Muslim delicacies.

Aniya, ang food fair ay bukas mula alas singko ng hapon hanggang alas dyes ng gabi na matatagpuan sa old city hall, malapit lamang sa city plaza.

Meron din umanong mga inihandang programa gabi-gabi kung saan maaaring manalo ng mga surpresang papremyo ang mga dadalo.

Sinabi ni Satol na nais ni city mayor Cynthia Guiani na tiyaking magiging masaya, makulay at kapana-panabik hindi lamang sa mga Muslim kundi maging sa iba pang mga residente ng syudad, ang buwan ng Ramadan.

Samantala, magbubukas naman sa May 8 ang BARMM Ramadan Trade Fair sa BARMM regional center grounds.

Tampok din dito ang iba’t ibang mga produkto at pagkain. Mayroon ding mga aktibidad gaya ng Qur’an Reading, libreng concert, parlor games at iba pa. Kaugnay nito, todo bantay naman ang mga pulis at sundalo sa lungsod para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan ng syudad ngayong Ramadan.

Ang Ramadan ay bahagi ng five pillars of Islam at nailalapit ng panahong ito ang mga Muslim kay Allah. Sa loob ng isang buwan ay iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat at paglubog ng araw Iniiwasan din ang mga makamundong gawain tulad ng sexual activities at mga bisyo.

Dapat ding may supplementary prayers ang mga Muslim bukod pa sa arawang limang beses na pagdarasal. Magtatapos ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari Raya Puasa.

-0-

SINUNOG ng mga sundalo at pulis ang mga abandonadong bahay sa Barangay Bulod, Sultan Sa Barongis, Maguindanao.

Sinabi ni Army’s 33rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Elmer Boongaling na batay sa kanilang nakalap na impormasyon, ginagawa kasing drug den ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang naturang mga bahay at pagawaan din umano ng bomba ang iba rito.

Ayon kay Boongaling, aksidente lamang na nadiskubre ng mga otoridad ang naturang lugar nang magsagawa sila ng Law Enforcement Operation. Napansin ng mga pulis at sundalo na napalibutan ng mga barb wires at may mga barrier pa ang naturang mga bahay kaya nagpasya silang halughugin ang mga ito.

Doon na tumambad sa kanila ang mga sangkap sa paggawa ng mga bomba gaya ng mga wire, pako, cellphones, scrap metals at mga bakal. May mga naiwan ring military Uniforms.

Natagpuan din sa gilid ng mga bahay ang mga puno ng Marijuana na agad na binunot ng raiding team. Ito ay maliban pa sa mga marijuana seeds at mga dahon na nakuha sa loob ng mga bahay. Gayunman, wala nang naabutang mga tao sa naturang mga bahay ang mga otoridad.

Nabatid na kasama ng Army’s 33rd IB na nagsagawa ng raid ang CIDG BARMM, Army’s 2nd Mechanized Company, at 43rd Special Action Company, 4th Special Action Battalion at mga opisyal ng Barangay Bulod. Nagpasya ang mga otoridad na sunugin ang naturang lugar para hindi na mabalikan pa at mapakinabangan ng mga suspek.

-0-

ISANG PULIS, gwardya, negosyante at menor de edad ang magkakasunod na nabaril at napatay sa magkakahiwalay na lugar sa Cotabato city ilang araw bago ang Ramadan.
Biyernes ng gabi nang barilin ang 27 anyos na pulis na si Patrolman Franklin Moyet. Off-duty noon si Moyet at minamaneho ang kanyang motorsiklo nang dikitan siya ng motorcycle-riding suspects sa bahagi ng De Mazenod Avenue at binaril sa ulo.

Nabatid na maglalabin-limang buwan pa lamang na nadestino sa Cotabato Mobile Force Company ng lungsod si Moyet na nagmula sa Kalamansig, Sultan Kudarat. Samantala, halos isang oras lamang matapos mabaril si Moyet ay pinagbabaril rin ang negosyanteng si Bjorn "Bonbon" Herrera.

Pauwi na sana si Herrera kasama ang asawa at mga anak nang dikitan ng dalawang mga naka-motorsiklo suspek at agad silang pinagbabaril.

Dalawang tama ng bala ang tinamo ng biktima sa hita at balakang. Naisugod pa ito sa ospital pero binawian rin ng buhay habang ginagamot.

Pasado alas singko naman ng hapon nitong Sabado nang mabaril at mapatay din ang isang security guard sa lungsod.

Nakilala ang biktima na si ANTOLIN BORDA MORALES, 41 years old, taga Palma Street, Barangay Poblacion 6 ng lungsod.

Sakay din ng kanyang motorsiklo si Morales nang dikitan ng riding tandem criminals sa bahagi ng Bonifacio Street at pinagbabaril sa ulo at dibdib. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima. Samantala, dahil naman sa sunod-sunod na insidente ng mga pamamaril ay nagset-up na ng random checkpoint ang mga pulis at militar sa lungsod.

Ngunit isang kinse anyos na lalaki ang nabaril ng isang sundalo matapos umanong umiwas sa checkpoint. Paliwanag ni Army’s 6th Infantry Division spokesperson Major Arvin Encinas, nung nakita ng mga sundalo na medyo takot at kahina-hinala ang ikinikilos ng mga binatilyo ay nagpaputok ng warning shot ang sundalo.

Pero patuloy pa rin aniya ang pagpaharurot ng mga binatilyo at hindi bumalik para dumaan sa checkpoint.
Gayunman, na-corner pa rin sila ng mga mga sundalo na nasa likuran at tila nagtangka umanong bumunot ng baril ang isa sa mga binatilyo kaya’t inunahan na ng isa sa mga sundalo.

Tumanggi naman si Encinas na pangalanan ang nakabaril na sundalo. Pero kuwento ng pinsan ng nasawing binatilyo, sakay sila ng motorsiklo para bumili sana ng pagkain nang binaril sila ng isa sa mga sundalo sa checkpoint.

Bumalik umano sila at hindi na tumuloy sa checkpoint dahil nakalimutan ng kanilang driver ang kanyang lisensiya. Napuruhan at napatay ang biktima na tinamaan ng bala ng M-14 armalite rifle sa tagiliran.
Desidio naman ang pamilya ng binatilyong sadyang di kinilala sa report, na magsampa ng kaso laban sa nakabaril na sundalo.

-0-

KULUNGAN ANG BAGSAK ng isang lalaki matapos makuhanan ng dalawang sachets ng pinaniniwalaang shabu sa Purok Maganda, Barangay Poblacion Dos, Cotabato City.

Kinilala ang suspek na si Nasrula Maka-Alay Kansi, 32 anyos at taga SK Pendatun Extension, Barangay Poblacion Dos ng lungsod.

Sa report ng City PNP, una sinita ng mga otoridad ang suspek dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar ngunit nang kapkapan ay doon na nakita ang iligal na droga.

Nasa kustodiya na ng Police Station 1 si Kansi habang hinihintay na masampahan ng kaukulang kaso.

-0-

NASA WALONG LIBONG mga pulis ang itatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para sa mid-term elections sa May 13.

Ang naturang mga pulis ay manggagaling sa regional standby troops, Special Weapons and Tactics o SWAT team mula Cotabato City, support units, Regional Mobile Force Battalion at Highway Patrol group. Ang Bureau of Fire Protection o BFP at AFP ay magiging bahagi rin ng contingent.

Nasa mahigit 800 police personnel din ang naka-standby bilang backup sakaling umatras o mabigo ang Board of Election Inspectors sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa araw ng halalan. Nabatid na ang mga naturang pulis ay sumailalim na sa COMELEC training noong nakaraang linggo.

Sa kanyang mensahe sa send-off ceremony sa Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun sa Parang, Maguindanao, pinaalalahanan ni PNP BARMM Director, Police Brig. Gen. Graciano Mijares ang tropa na paigtingin ang seguridad sa polling precincts at maghanda sa anumang gulo kasabay ng eleksyon.

-0-

Mga pulis sa region 12 naka-heightened alert bilang paghihigpit ng seguridad kaugnay sa May 13 elections.

Bahagi ng Security plan para matiyak ang maayos at matiwasay sa Election sa May 13 ang paglalagay sa heightened alert ng buong police units sa region 12 . Ito ang ipinahayag ni PNP 12 Regional Director Brig. Gen. Eliseo Tam Rasco.

Ayon kay Rasco kalakip sa kanilang mga security measures ang pagtalaga ng mga pulis sa mga polling centers, presinto at iba pang strategic areas. Tiniyak ni Rasco na pinaghahandaan rin ng PNP ang posibleng mga pagbabanta sa darating na halalan.

Dinagdag din ng nasabing police official na ang mga ito ay napagusapan sa pagpupulong ng mga kasapi ng Regional Joint Security Control Center o RJSCC. Ang RJSCC ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Militar, Comelec, Deped, National Grid Corporation of the Philippines, National Intelligence Coordinating Agency, at Bureau of Local Government Finance.

Ayon kay Rasco kasama rin nila sa final coordinating conference ang mga kinatawan ng Social Action Center ng Diocese of Marbel at ang official courier ng mga election parapernalia na F2 Logistics. Itinalaga din ng Comelec na maging main hub ng mga vote counting machine at iba pang equipment sa election sa rehiyon ang General Santos City.

Walang isinapublikong listalan ng potential hotspots sa rehiyon ang Police Regional Office 12. Gayunpaman ayon kay Rasco, mariin nilang minomonitor ang ilang mga mga lugar sa SOCCKSARGEN dahil sa election related incidents, intense political rivalry at presensya ng armadong grupo noong mga nakaraang eleksyon.

Matatandaan na ang ang buong Mindanao ay idineklara ng Comelec bilang hotspot sa ilalim ng Red Category kaugnay sa May 13 elections.

-0-

Region 12 Top 4 sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao City.

Nakuha ng SOCCKSARGEN Warriors ang rank 4 na target nila bago pa man sumabak sa katatapos lang na 2019 Palarong Pambansa sa Davao City. Ang SOCCKSARGEN rin ang nanguna sa nasabing palaro sa mga rehiyon sa Mindanao. Ito ay matapos makasungkit ang mga manlalaro nito ng 26 gold medals, 43 silver at 40 bronze medals.

Na- outranked din ng SOX ang Northern Mindanao Region Ahtletic Association, Cordillera Administrative Region Athletic Association at Central Visayas Region Athletic Association.

Nagbigay ng pinakamaraming 14 na gold medal sa region 12 sa Palarong Pambansa ang mga Arnis Players ng Tacurong city, Sultan Kudarat. Matatandaan na nabuwag din ng dose anyos at T’boli Jumper na si Hazel Domocum na nakapagtala ng 5.08 meter sa long jump elementary girls ang 5.07 meter record na siyam na taong hinawakan ng taga Western Visayas na si Alyssa Marie Andrade.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Deped 12 Regional Sports Supervisor Magdaleno Duhilag na may mga eskwelahan nang nagka-interes sa ilang atleta ng rehiyon na nagpakitang gilas sa Palarong Pambansa.

Ang pangtaggap ng offer na scholarship sa kanila ayon kay Duhilag ay nakadepende na sa nasabing mga atleta.

Tulad ng inaasahan nanguna naman sa 2019 Palarong Pambansa ang defending champion na National Capital Region may 86 gold, 71 silver, at 56 bronze medals. Pangalawa ang Southern Tagalog o Region IV-A nakasungkit ng 66 gold, 49 silver at 73 bronze medals. Ang Western Visayas o Region VI na mayroong 49 gold, 40 silver at 58 bronze medal ay nasa pangatlong pwesto.

-0-

Limang High Value Target, arestado sa drug buy-bust operation ng PDEA at PNP sa Isulan, Sultan Kudarat

Kinasuhan na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang lima katao na naaresto sa kanilang bust operation sa National Highway, Barangay Kalawag 3, Isulan Sultan.

Kasama ng mga kasapi ng PDEA 12 na umaresto sa mga suspek na nasa kanilang high value ang kanilang mga Special Enforcement Team sa Sultan Kudarat at South Cotabato, Isulan PNP at South Cotabato Police Drug Enforcement Unit o SCPDEU.

Kinilala ni PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan ang mga inaresto na sina Noraida Sabang alias “Madam”, 34 years old, walang trabaho ng Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato at Namraida Sengkong, 32, OFW , nakatira sa bayan ng Tantangan, sa nasabing lalawigan.

Arestado din ang mga umanoy kasama nilang sina Baldido Nasser, 25, negosyante , Anawar Macapendeg, 26 , MILF Member at Zainoden Until, 29 pawang mga taga Cotabato City.

Nakuha sa mga drug suspek ang may 100 grams ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit 700 thousand pesos, at 1,000 pesos marked money. Kabilang din sa mga nakumpiska ng mga otoridad sa mga ito ang isang cellphone, at van na ginagamit umano sa kanilang illegal drug transaction.

Ayon kay Duquiatan ang nasabing mga drug suspek ay pawang mga myembro ng Ameril Drug Group na mayroong operation sa region 12. Ang grupo ay patuloy pa rin umano sa kanilang illegal drug activities sa kabila ng pagkakaaresto ng kanilang leader na si Allan Ameril sa Tacurong City, Sultan Kudarat noong nakaraang taon. Ang mga inarestong drug suspek ay nakakulong ngayon sa detention facility ng PDEA region 12 sa General Santos City.

0-0

Kahandaan sa mga magiging aberya sa May 13 election, tiniyak ng City Comelec Officer ng General Santos City

Hindi man nila inaasahan , nakahanda pa rin ang Comelec sa mga maaring aberya sa May 13 midterm elections sa General Santos City. Ayon kay Gensan, City Comelec Officer Atty. April Mithcor-Miguel, mayroon na silang mga contingency measures sakali mang magkaproblema sa araw mismo ng halalan ang mga vote counting machine o VCM at iba pang mga equipment.

Ipinahayag ni Miguel na pinaghandaan na rin nila ang kawalan ng telecommunication signal sa mga malalayong lugar ng Gensan.

Ayon kay Miguel mayroon nang natukoy na lugar malapit sa mga polling precint para makapag-transmit ng election result ang mga myembro ng Election Board sa Barangay Upper Labay. Sinabi ni Miguel na madalas ang Gensan ay ikalawang lugar sa bansa na makapag-transmit ng kumpletong election result sa central server ng comelec.

Tiniyak din ni Miguel na ang mga guro na magsisibing electoral board sa Gensan ay may sapat na kaalaman kung papaano rendahan ang mga magka-problemang VCM. Nilinaw ni Miguel na hindi rin problema ang brownout dahil ang VCM ay mayroong magagamit agad na back up batteries.

Ang General Santos City ay mayroong mahigit 300 thousand na botante sa May 13 elections. Ito ay mas matas naman ng may 53 thousand sa mahigit 247 thousand na botante ng syudad noong 2016 local at national election.

-0-

National Irrigation Map para sa pagpapalawak ng mga food production areas sa bansa bubuuin ng DA kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno

Layunin ng National Irrigation Map o NIM na tukuyin ang mga food production areas na nangangailangan ng supply ng tubig sa bansa. Ayon kay DA Secretary Manny Pinol ang Inter-Agency Committee na gagawa nito ay pangungungahan ng Department of Agriculture.

Kinabibilangan ito ng National Irrigation Administration , National Economic Development Authority , Department of Budget and Managgement, Department of Finance at Bureau of Soils and Water Management. Ayon kay Pinol unang tutukuyin sa NIM ang may 500,000 ektaryang sakahan.

Ang mga ito ayon sa kalihim ay lalagyan ng mahigit 6,000 Solar-Powered Irrigation System o SPIS na isinusulong ng isang Israeli-agro industrial company. Ayon kay Pinol saklaw din ng NIM ang plotting ng dagdag na dalawang milyong ektaryang sloping areas na tutukuyin ng mga regional offices ng DA para gawing palayan.

Ipinahayag ni Pinol na 2.7 million sa 3.9 million hectres na palayan sa bansa ang wala pa ring irrigation facilities at umaasa lamang sa ulan. Naging sanhi naman ito ng mababang produksyon ng mga magsasaka.

Ang pagbuo ng DA ng nasabing inter-agency group ay bilang pagtalima na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

-0-

Tumanggap ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Arakan mula Department of Labor and Employment 12, Integrated Livelihood Project.

Ang nasabing tulong ay para sa limampu’t isa na mga beneficiaries na mula sa barangay San Miguel, Arakan.

Isinagawa ang programa kasabay ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job fair and business opportunity sa KCC Mall, Convention Center, General Santos City nitong araw ng mga manggagawa.

Kabilang sa mga proyekto ay ang Tailoring,Vulcanizing, street food vending paggawa ng cakes and pastries , carpentry at maramai pang iba

Pinasalamatan din ng lokal na pamahalaan ng Arakan ang taga DOLE 12 dahil sa mga ayudang ibinibigay sa kanilang mga nasasakupan. Ang naturang proyekto ay malaking tulong para sa pangkabuhayan ng mga benepisyaryo at maging ang epekto ng ekonomiya sa bayan.

Nangako naman ang mga recipients na kanilang pahahalagahan ang tulong na ibinigay sa kanila ng DOLE 12 at upang masiguro din na maayos na implemantasyon ng proyekto ay mahigpit ang pagmonitor ng LGU sa pamamagitan ng monitoring team ng PESO office. NDBC BIDA BALITA

-0-

Mga preso at tauhan ng North Cotabato District Jail, sumailalim sa drug testing Nag-negatibo sa ipinagbabawal na droga ang mga Bureau of Jail Management and Penology personel maging ang mga inmates.

Ito ay matapos ang isinagawang mandatory drug testing sa lahat ng tauhan ng nasabing pamunuan at maging sa mga inmates sa sumailalim din sa random drug testing.

Napag-alaman na higit pitumpong mga jail officers ang sumailalim sa drug test at higit limampu naman sa mga inmates. Mismong ang mga personahe ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang nagsagawa ng nasabing drug test.

Dahil dito, nanindigan ang North Cotabato District Jail na hindi na nakakapasok sa loob ang mga droga na galing sa labas at sa mga dalaw.

Napag-alaman na noong mga nakaraang taon mismong ang dalaw ng mga preso ang pumapasok ng droga. Mahigpit na din ang magbusisi sa mga bagay, pagkain at iba bago ito makapasok sa loob upang hindi na makakapasok ang mga kontrabando maging ang iligal na droga. NDBC BIDA BALITA

-0-

Patay ang isang 21 anyos na binata habang ginagamot sa isang ospital sa Davao City matapos na pinaniniwalaang nakakain ng may lason na pagkain sa barangay Sarayan sa bayan ng Matalam, Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Jerry Mark Guillerno na taga Barangay La Fortuna sa nasabing bayan. Ayon sa ulat na nakarating sa Radyo-Bida, pumunta at nakikain umano ang biktima sa hindi nito kakilala na tao at pag uwi sa bahay ng kanyang lolo ay biglang nanamlay at sumakit ang kanyang tiyan.

Mabilis namang naisugod si Guillermo ng kanyang kaanak sa pagamutan sa bayan at inilipat sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City pero kalauna’y binawian rin ng buhay.

Pero patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay at kung nakakain ng lason na posibleng dahilan ng kanyang kamatayan. Naulila ng 21-anyos na lalaki ang kanyang isang anak sa bayan ng Mlang. NDBC BIDA BALITA

-0-

Sugatan ang isang 35-anyos na drayber ng ten wheeler truck habang hindi naman nasaktan ang helper nito matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang truck sa puno ng Mangga sa Purok Talisay, Barangay Malasila, Makilala, North Cotabato.

Sa ulat ni SPO1 Xerxes Anthony Fiel, ang traffic investigator ng Makilala PNP kinilala ang sugatang drayber na si Bernie Dagpin Bolo na taga Agusan del Sur.

Batay sa ulat, binabaybay ng nasabing Ten Wheeler truck ang kahabaan ng Davao-Cotabato Highway nang mawalan ng preno sa harap ng Malasila Elementary School. Pagdating sa pinangyarihan ng aksidente ay nabangga ito sa puno ang bandang alas-5:30 nitong sabado.

Wasak ang ulo at ilang bahagi ng sasakyan na may lulang 20 tonelada ng semento. Agad namang isinugod sa ospital ng mga rumespondeng residente sa lugar ang drayber ng truck habang di naman nasaktan ang helper nito. NDBC BIDA BALITA

-0-

Arestado ang lalaking drug suspek sa inilunsad na anti-illegal drug operation ng mga ototridad sa Digos City.

Kinilala ng City PNP ng nahuling suspek na si Gregorio Catalan Barsalote alyas tonton at nakatira sa Del Pilar Luna St. sa Digos City.

Isinagawa ang operasyon alas 8:30 ng umaga kahapon sa barangay Zone 3 partikular sa public market. Dala ng pulisya ang warrant of arrest na inisyu ng isang hukom na may kinalaman sa pag gamit ng iligal na droga.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng nasabing suspek na nagyon ay nakapiit na sa detention facility ng Digos City Police office.

2 Maute group member surrender in Marawi

MARAWI CITY - Two remnants of the Dawlah Islamiya-Maute Group surrendered with their firearms to police authorities on Thursday in Marawi City....

5 arrested, drug den dismantled in Cotabato City anti-drug ops

COTABATO CITY - NAARESTO ANG LIMA KATAO sa buy bust operation ng mga otoridad sa Purok, Silangan, Datu Balabaran Mother Barangay, Cotabato City...

Active cop wanted for carnapping falls in Cotabato City

MANILA – Members of the anti-scalawag unit of the Philippine National Police (PNP) have arrested an active police officer wanted for carnapping...

BARMM CIDG agents arrest vice mayoral aspirant, seize guns

COTABATO CITY  – A defeated vice mayoral candidate in Maguindanao was arrested and seized high- powered firearms during law enforcement...

Villager dead, 2 hurt in North Cotabato gun attack

COTABATO CITY --- A villager was killed while two others were seriously wounded when suspected members of a local terrorist group shot with assault...