Monday Apr, 15 2024 08:06:15 PM

NDBC BIDA BALITA (9.26.19)

NDBC BALITA • 12:00 PM Thu Sep 26, 2019
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. Apat na mga suspek sa Isulan blast kabilang ang isang Swedish National, hawak na ngayon ng militar

2. PAMILYA MASTURA, nag-donate ng anim na ektaryang lupain para mapagtayuan ng mga bahay ng mga pamilyang apektado ng road-clearing sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

3. LABORER, patay matapos malunod sa NIA canal sa Surallah, South Cotabato

4. Presyo ng LPG, tatas na naman

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

NAHAHARAP ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act. 10591 ang 40 anyos na lalaking nakunan ng di lisensyadong baril sa checkpoint ng pinagsanib na pwersa ng Marine Battalion Landing Team 2, Provincial PNP Mobile Force Company at Barira PNP Station kahapon ng hapon.

Nakilala ang naarestong suspek na si Mamintal Arab Panarabon na naharang ng mga otoridad pasado alas singko ng hapon sa Sitio Bumbaran, Brgy. Tugaig, Barira Maguindanao.

Nakuha mula kay Panarabon ang isang cal. 45 pistol, may isang magazine at tatlong mga bala.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa lockup cell ng Barira PNP station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ngayong araw.

 

-0-

 

Apat na suspek sa Isulan blast kabilang ang isang Swedish National, isinailalim na ngayon sa interogasyon – ayon sa militar

Patuloy na isinailalim ngayon sa interogasyon ang isang Swedish national at tatlong mga pinoy na suspek sa pagpapasabog sa Isulan na ikinasugat ng walo ka tao matapos na maaresto ng mga otoridad.

Ayon kay Western Mindanao Command o Westmincom spokesperson Major Arvin Encinas, ang mga naaresto ay sina Hassan Akgun kasama sina Abedin Camsa, Normia Camsa, at Norshiy Puja Camsa sa Barangay Kapaya, Bagumbayan, Sultan Kudarat kamakalawa.

Ito’y resulta sa kanilang patuloy na isinasagawang law enforcement operation at sa pakikipagtulungan na rin ng mga mamamayanat mga saksi ng pangyayari sa lugar.

Narekober sa mga suspek ang mga sangkop sa pag gawa ng bomba na kanilang ginagamit sa pagpapasabog.

Samantala, pinabulanan din ng opsiyal ang ulat na may nakumpiska silang bandila ng ISIS na una ng lumalabas ng ulat at iniimbestigahan kung sa anong grupo galing ang mga naarestong suspek. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Publiko, pinag-iingat laban sa mga modus matapos na mabiktima ang isang establisyemento at ginamit pa ang pangalan ng alkalde sa Kabacan, North Cotabato

Pinaaalahanan ngayon ang mga mamamayan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato na wag agad magpadala at eberipika muna ang mga nagiging katransakyon lalo na kapag sa hindi kakilala. Ito matapos na mabiktima ang isang establisyemento ng abot sa 55,000 pesos na cellphone load at nagpaluto pa ng mamahaling pagkain.

Sa report, ginamit umano ng mga suspek sa kanilang modus ang pangalan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., at ihahain ang pagkain sa kanyang bisita na mula sa Maynila.

Kahapon, naglabas ng paglilinaw ang Alkalde na wala itong isinagawang mga transakyon sa pagitan ng mga business sector sa bayn at kung meron man anya ay personal nitong pinupuntahan. Sinisiguro naman ngayon ng alkalde na agad itong bigyan ng aksyun ng PNP upang mahuli ang responsible sa nasabing modus.

Nabatid na kaparehas na istilo rin ang ginamit upang makabiktima ng mga budol-budol gang sa isang ring kainan sa bayan naman ng Mlang, North Cotabato. Kung saan ginamit din sa kanilang modus ang pangalan ng isang kilalang pulitiko. Kung kaya’t pinaalalahanan ngayon ng mga otoridad ang publiko na alamin at kilalanin muna ang lahat ng katransakyon. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit 200 nga mga swine raisers sa Kidapawan City, dumalo sa isinagawang African swine Fever o ASF awareness forum ng Office of the City Veterinarian
Sa layuning makakapagbigay ng kaalaman patungkol sa African Swine Fever at maaring maidulot nito ay nagsagawa ng ASF awareness forum ang Veterinary Office sa Kidapawan City. Umabot naman sa mahigit dalawang daan na mga large scale at back yard hog raisers ang dumalo sa panawagan ng Office of the City Veterinarian.
Ayon sa report, walang gamot, walang bakuna at 100 percent ang mortality rate para sa mga baboy na nagpopositibo sa ASF. Dumalo din sa nasabing forum ang tauhan mula sa Bureau of Animal Industry Regional Quarantine Services 12 na nagbahagi rin patungkol sa naturang usapin.
Malaki din ang epekto ng ASF sa mga babuyan dahil kapag isa sa mga baboy ang nagpositibo rito ay dapat ng ilibing upang hindi na kumalat pa sa iba pang mga baboy. Kasalukuyan na ring ipinatutupad ang 1-7-10 Protocol upang masigurong hindi kakalat ang ASF sa mga babuyan sa lungsod.
Ibig sabihin ay isang kilometrong quarantine zone para sa infected na mga baboy at pagbabawal sa paglalabas ng mga ito, seven kilometers na surveillance zone kung saan ay oobserbahan ang mga baboy kung may ASF at hindi ilalabas ang mga ito at 10 kilometers naman para control zone kung saan ay pwede ng ilabas ang mga baboy na negatibo sa ASF. Makokontrol ang pagkalat ng ASF kung magtutulungan ang mga komunidad, giit pa ng mga otoridad. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Construction worker patay habang isang pulis sugatan naman sa magkahiwalay sa pamamaril sa North Cotabato

Dead on the spot ang isang construction worker makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa Barangay Ladtingan, Pikit, Cotabato alas 7:20 ng umaga kahapon.

Sa ulat ng Pikit PNP, hindi na naisugod pa sa ospital ang biktima na nakilalang si Alven Taya, 31 anyos, may asawa, isang construction worker at nakatira sa Barangay Tapodoc, Aleosan, Cotabato. Sakay ng kanyang motorisklo ang biktima na tinatahak ang provincial road patungo sa Barangay poblacion ng bayan nang pagbabarilin siya sa ibat-ibang bahagi ng katawan dahilan ng kanyang kamatayan.

Nakuha sa crime scene ang limang mga basyo ng caliber 45 pistol na ginamit sa pagbaril kay Taya. Samantala, sugatan naman ang siang pulis matapos na barilin ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Kitulaan, Carmen Cotabato alas 5:50 ng hapon kahapon.

Patuloy na ginagamot ngayon sa pagamutan si Police Staff Sargeant Abegay Dandan ng PNP 12. Sa ulat, sakay ng kanyang Ford Ranger na sasakyan na binabaybay ang National Highway ang nasabing pulis nang barilin siya.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima pero nagawa pa nitong maimaneho ang kanyang sasakyan patungo sa Police station. Mabilis siyang naisugod sa Ospital na patuloy namang nagpapagamot ngayon.

Narekober sa crime scene ang 29 fired cartridge cases ng 5.56MM at basyo ng caliber 45 pistol. Patuloy ang pursuit operation ng mga otoridad upang mahuli ang suspek at inaalam ang motibo sa pananambang. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

32 mga barangay sa Magpet, North Cotabato, drug-cleared na ayon sa PNP

Drug cleared na ang tatlumpu’t dalawang mga barangay sa Magpet, North Cotabato matapos isailalim ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa isang drug clearing evaluation sa ilalim ng programang Oplan Double Barrel.

Ayon kay Magpet PNP Chief Police Captain Rolando Diller Jr., mas masusi ang ginawang validation ngayon ng nasabing ahensiya katuwang ang Police Regional Office 12 at ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Dagdag pa ni Dillera na malaki ang naging papel ng mga barangay officials upang maideklarang drug cleared ang buong bayan ng Magpet. Sinabi rin ng opisyal na malaki ang maitutulong ng nasabing pagdeklara sa pag-abot ng Seal of Good Local Governance o SGLC ng nasabing bayan. 

Samantala, magtu-tuloy pa rin ang mga hakbang sa isasagawa ng PNP upang masugpo ang mga nasasangkot sa iligal na droga. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

Mental health, pinagusapan sa Solo parents summit ng DSWD 12 sa Koronadal City

Nakatuon sa mga mahahalagang usapin sa mental health ang katatapos lang na Solo parents summit ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 sa Koronadal City.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mahigit isang daang mga solo parents sa SOCCKSARGEN. Layon nito na maiwasan ang depression dahil sa paghihiwalay ng magasawa, pagkamatay ng kabiyak at kahirapan.

Ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo kadalasan kasi nagiging sanhi ang mga ito ng mental disorder at pangaabuso sa mga kabataan. Kaugnay nito sinabi ni Espejo na para mayroong masasandalan, hinihikayat nila ang mga solo parents na bumuo ng grupo.

Isinulong din sa nasabing aktibidad ang pitong araw na parental leave with pay sa mga solo parents na tumagal ng ng anim buwan na pagtatrabaho sa isang kompanya. Nais naman ng ilang mga mambabatas na palawakin pa ang mga benipisyo sa Solo Welfare Act na inaprubahan noong taong 2000.

Kalakip sa mga ito ang 20 percent discount sa pagbili ng gatas at food supplements, gamot at bakuna, hospital bills at mga public at private recreational facilities para sa mga solo parents at kanilang mga anak.

 

-0-

 

Laborer patay matapos malunod sa NIA canal sa Surallah, South Cotabato

Kinilala ng Surallah PNP na pinamumunuan ni Police Major Marifel Maganto ang biktima na si Ronaldo Diaz, 44 years old , laborer. Ang biktimang si Diaz ay nalunod sa irrigation canal sa kanilang lugar sa Barangay Colongulo Surallah.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na si Diaz ay naligo umano sa main canal ng NIA. Ito ay matapos makipaginuman sa isang kaibigan na nagulat na lamang nang mawala habang naliligo ang nasabing biktima.

Agad namang hinanap ng iba pang mga kaibigan nito na si Diaz ngunit ito ay patay na nang kanilang matagpuan sanhi ng pagkalunod. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

 

-0-

 

Temporary ban sa mga baboy at process pork products dahil sa African Swine Fever outbreak sa Luzon nais ipatupad ng city veterinary office ng Gensan

Isinusulong ng veterinary office ang temporaryong pagbabawal ng pagpasok ng mga baboy, karne at processed meat products sa General Santos City. Saklaw lamang ng temporary ban ang mga meat products mula Luzon tulad ng tocino at longganisa lalong lalo na sa mga lalawigan na may African Swine Fever o ASF Outbreak

Ito ay ayon kay Gensan City Veterinarian Dr. Antonio Ephrem Marin. Ipinahayag ni Marin na ito ay kanya nang hiniling kay Gensan Mayor Ronnel Rivera . Tiniyak din ni Marin ang mahigpit na monitoring ng ASF Task force lalong lalo na sa mga border ng Gensan.

Nilinaw ni Marin na maari pa ring makapasok sa Gensan ang mga karne mula sa ibang lugar na may meat inspection certificate mula sa National Meat Inspection Services o NMIS. Habang ang mga mayari o consignee ng mga processed pork ay kailangan naman magpakita ng lincense-to-operate mula sa Food and Drugs Administration.

Ibig sabihin nito ayon kay Marin kukumpiskahin nila ang mga meat products na walang kaukulang mga dokomento. Layon nito na maprotektahan laban sa ASF ang may P20 billion na hog industry sa Gensan at karatig lugar sa region 12.

 

-0-

 

Pagkandado sa 7 establisemento sa rehiyon ipinaliwanag ng BIR-Revenue Region Number 18 Acting Assistant Director

Makapagbubukas lamang ang pitong mga establisemento na ipinakandado ng Bureau of Internal Revenue o BIR kapag nabayaran ang arrears sa buwis at iba pang penalidad.

Ito ay ayon kay BIR-Revenue Region Number 18 Acting Assistant Director Noel Gonzales

Tig Dalawa sa mga establisemento na ikinando ng BIR ay nasa Koronadal City at General Santos City at tig isa sa mga bayan ng Polomolok sa South Cotabato, Kiamba sa Sarangani at Tacurong City sa Sultan Kudarat.

Ito ay dahil sa kabiguan umano na pag-isyu ng resibo, pag file ng value added tax return, o underdeclaration ng sales o resibo ng mahigit sa 30%. Tiniyak naman ni Gonsales na dumaan sa proseso ang pagpapasara nila sa nasabing mga establisemento.

Sinabi nito na pinadalhan nila ng notice sa kanilang paglabag ang mga establisemento 48 na oras bago ikinandado. Ito ay bukod pa sa pagbibigay sa kanila ng limang araw para liwanagin ang umanoy mga paglabag at dagdag na limang araw para sa Value Added Tax o Vat notices.

Layun sana nito na maayos ng mayari ng nasabing mga establisemento ang kanilang bayarin sa tax na ayon kay Gonzales ay hindi nila nagawa. Ang pagpapasara ng BIR sa mga establisemento na may tax violation ay bilang pagpapatupad ng kanilang “Oplan Kandado” Program.

 

-0-

 

Mga magsasaka sa Sarangani sinanay sa Abaca Production ng DA-PRDP

Isang serye ng pagsasanay sa abaca production ang isinagawa ng Department of Agriculture -Philippine Rural Development Project o DA PRDP sa mga magsasaka sa Sarangani.

Noong ikalawa at ikatlong linggo ng Setyembre ay tatlong batches ng mga magsasaka ang sinanay sa produksyon ng abaka. Sa pakikipagtulungan sa Philippine Fiber Development Authority at US AID, naihatid ng maayos ang mga kaalaman sa mga abaca farmers. Karamihan sa mga partisipante ay mga miyembro ng abaca cluster ng Sarangani.

Ang mga ito ay pawang mga benepisyaryo ng enterprise subproject ng PRDP na nagkakahalaga ng 35-milyong piso. Ang aktibidad na ito ay produkto ng convergence initiative ng PRDP.

Kasama rito ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor na naglalayong maibigay ang mga pinakaangkop na mga interbensyon at kaalaman sa mga stakeholders ng mga priority commodities sa bawat lalawigan.

 

 

-0-

 

NATIONAL....

Nagbabala si Pangulong Duterte laban sa mga banyagang masasangkot sa kidnap-for-ransom activities sa bansa.

Sinabi ng pangulo na inatasan niya ang pulisya na hulihin buhay man o patay ang mga banyaga na sangkot sa loan shark abductions.

Ang babala ng pangulo ay sa gitna ng mga kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng Chinese nationals sa bansa.

Ayon kay Duterte, maraming foreign nationals ang pumupunta sa Pilipinas para magpahiram ng pera ngunit kapag hindi nakabayad sa utang ang pinahiram ay kinikidnap ito at ang iba ay pinapatay pa.

Ayon sa pangulo, hindi siya magdadalawang-isip na patayin ang sinumang banyaga na masasangkot sa kidnap-for-ransom kapag hindi nila ititigil ang kanilang iligal na gawain.

 

-0-

 

Nakaambang tumaas ang presyo ng liquified petroleum gas o LPG sa susunod na buwan.

Posibleng umabot hanggang limang piso kada kilogram ang taas-presyo ng LPG.

Ito ay epekto pa rin ng pag-atake sa oil facilities sa Saudi Arabia.

Sa ngayon ay nasa mahigit P600 ang kada tangke ng regular LPG pero sa Oktubre ay tataas ito ng mahigit P700.

Samantala, posible namang bumaba ang presyo ng produktong petrolyo batay sa resulta ng kalakalan ng imported petroleum sa unang dalawang araw ngayong linggo.

Napipinto ang mahigit pisong rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina, 34 centavos sa diesel at 64 centavos sa kerosene.

 

-0-

 

 

PASADO NA sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang barangay at sangguniang kabataan election na unang itinakda sa May 2000.

Pagkatapos ng eleksyon sa 2022, gagawin ang mga susunod na barangay at SK election kada tatlong taon na.

Sinabi ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto na mas magiging madali para sa Commission on Elections na isagawa ang eleksiyon isang taon bago at pagkatapos ng pambansang halalan.

Inaasahan namang magkakaroon ng bicemaral conference committee matapos pumasa ang panukala sa House of Representatives.

Peaceful BARMM plebiscite beckons hope for new citizens of BARMM

COTABATO CITY  – The voters in 63 villages in North Cotabato on Saturday ratified the creation of eight new municipalities in the Bangsamoro...

4 MILF slain in MagSur ambush triggered by 'rido'

PATAY ANG APAT na miembro ng MILF sa isang ambush na pinaniniwalaang dahil sa rido sa Barangay Satan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur kahapon....

NDBC BIDA BALITA (April 15, 2024)

HEADLINES 1   PLEBISITO sa BARMM Special Geograpic Area, tahimik, mapayapa, at maayos, ayon sa Comelec; YES vote panalo 2 ...

MOLE orders employers to protect workers from heat stress

COTABATO CITY - The Bangsamoro labor ministry has ordered owners of private establishments in the autonomous region to protect workers from...

SGA okays 8 new towns, MP Antao describes plebiscite as culmination of Bangsamoro aspirations

COTABATO CITY - A Moro enclave that became an official part of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) through a plebiscite in...