Saturday May, 25 2024 01:39:40 PM

NDBC BIDA BALITA (April 28, 2016)

 • 17:19 PM Thu Apr 28, 2016
1,296
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 28,
2016 (THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Local candidates forum, gagawin sa Cotabato City ng IAG at NDBC2. Laban ng armadong
grupo, sumiklab sa Pagalungan, Maguindanao isa patay

3. HINIHINGING umento sa sahod ng mga
mangagawa sa region 12, pag-aaralan ng RTWPB 12

4. Rice distribution sa Kidapawan drought victims, sinimulan na MABIBIGYAN MULI ng pagkakataon ang mga
lokal na kandidato sa Cotabato city para mailahad ang kanilang mga plataporma.

Ito ay sa pamamagitan ng ilulunsad na
candidates forum ng Notre Dame Broadcasting Corporation Happy Fm at Radyo Bida
katuwang ang Notre Dame University at Institute for Autonomy and Governance.

Ang Tatlong Oras na Candidates Forum ay
gaganapin ngayong Sabado, April 30, sa Tanghalang Michael Clark ng Notre Dame
University.

Unang maglalatag ng kanilang mga plano
at programa ang partidong United Nationalists Alliance o UNA na pangungunahan
ni mayoralty candidate at incumbent mayor Japal ‘Jojo’ Guiani Jr. sa ganap na
alas dos hanggang alas tres ng hapon.

Susunod na maghahayag ng kanilang
plataporma de gobyerno ang Liberal Party sa pangunguna ni mayoralty candidate
at former city vice mayor Muslimin Sema sa ganap na alas tres hanggang alas
kwatro ng hapon.

Ilalatag din ng Partido Demokratiko
Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP – LABAN ang kanilang mga plano at mga programa sa
ganap na alas kwatro ng hapon hanggang alas singko.

Ang Candidates Forum ay mapapakinggan
din ng live sa DXMS AM Radyo Bida.

Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat ng
mga mamamayan ng lungsod na kung hindi man makadalo ng personal sa candidates
forum, ay pakinggan ito sa kanilang mga radyo upang magkaroon ng gabay at sapat
na basehan sa pagpili ng mga ibobotong kandidato sa May 9, general elections. IDINEKLARA
na ng Malacanang bilang special non-working holiday ang araw ng eleksyon, sa
May 9.

Sinabi
ni Communications Sec. Sonny Coloma na nakapaloob ito sa Proclamation No. 1254
na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong April 25.

Sa
nasabing araw, iiral ang Department of Labor and Employment salary rules kung
saan karagdagang 30 percent ng arawang sahod ng manggagawa ang ipapatong bilang
dagdag bayad sa unang walong oras ng trabaho.

Samantala, inaasahan
naman ng Commission on Elections o Comelec na dadalo ang mahigit 24 na libong
mga botanteng nagpalista sa tatlong araw ng Local Absentee Voting na nagsimula
na kahapon.

Ito ay para
sa mga botante na hindi makakaboto sa aktuwal na araw ng botohan sa May 9.

Ayon kay
Committee on Local Absentee Voting head, Commissioner Rowena Guanzon nasa
24,814 voters ang kanilang inaprubahan na nag-apply para sa Local Absentee
Voting.

Kabilang dito
ang mga kawani ng gobyerno, Philippine National Police at Armed Forces of the
Philippines maging ang mga miyembro ng media na abala sa pagbabantay sa araw ng
eleksyon.

Pero tanging
ang mga posisyon lamang ng presidente, bise-presidente, senador at partylist
group ang maaring iboto ng mga lalahok sa LAV gamit ang manual voting system.

Bibilangin
ang boto ng LAV sa pagtatapos ng botohan sa May 9.

Sa kabilang
dako pa, pormal namang kinansela na ng Comelec ang mall voting.

Kinumpirma
ito ni Comelec chairperson Andres Bautista matapos nakakuha ng 4 to 3 votes pabor
sa pagbasura sa naunang desisyon ng poll body. TATLO katao ang naaresto ng Midsayap PNP sa isinagawang raid sa Puork Otso, Barangay San Isidro, Midsayap kaninang madaling araw.Kalaboso ngayon ang mga suspek na sina Bryan Carlos at Misuari Ayob matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng droga.Nakuha mula sa kanila ang maraming sachet ng Shabu at mga drug paraphernalia.Sa eksklusibong panayam ng DXMS AM Radyo Bida sa suspek na si Bryan, inamin niya na limang buwan na siyang nagbebenta ng iligal na droga sa Midsayap at ang stocks ng droga ay binibili niya sa barangay Simsiman, Pigcawayan sa isang kagi Sali.Narito ang bahagi ng panayam ni Rex Torino sa suspek.Samantala, nakatakas naman ang isa pang kasamahan nito na si Benjie Carlos, 30 years old.Nakaposas na ang naturang suspek ngunit habang naglalakad ay siniko nito ang pulis na may hawak sa kanya at saka mabilis siyang na tumakbo at nagtago.Hanggang ngayon ay tinutugis pa rin ito ng mga otoridad.Hinuli naman ng pulisya ang asawa nitong si Rakma Carlos na pinaniniwalaang sangkot din sa pagbebenta ng iligal na droga. NAKATAKDA
NANG BUKSAN at gamitin ang kauna-unahang halal slaughter house sa Pilipinas na
matatagpuan sa Cotabato city.

Sinabi
ni Cotabato city Mayor Japal Guiani Jr. na ang naturang halal slaughter house
ay binigyan ng CLASS 2A classification ng National Meat Inspection Commission.

Ayon
kay Guiani, 20 milyong piso ang inilaang pondo para sa naturang world class
facility.

Inaasahan
naman ni Guiani na makikinabang sa halal slaughter house hindi lamang ang mga
taga Cotabato city at mga karatig na bayan, kundi maging ang mga karatig na
bansa.

Sabi
ni Guiani, bukod sa makakasiguro ang mga mamamayan na produktong Halal ang
manggagaling sa naturang pasilidad, magbubukas din ito ng panibagong
oportunidad na trabaho at pangkabuhayan sa mga mamamayan ng lungsod at mga
karatig na lugar.

Katunayan,
may mga foreign investor na ang nagpahayag ng interes na gamitin ang halal
slaughter house.Aniya,
may mga nakausap na rin silang livestock supplier na mula sa mga karatig na
lalawigan tulad ng North Cotabato at Maguindanao.Samantala,
sinabi ng alkalde na may 20 milyong pondo rin na nakalaan para naman sa
rehabilitasyon ng lumang slaughter house na gagamitin naman sa pagproseso ng
mga pork meat. SA
PAGSAGAWA nang ikatlong 2016 Investments Priorities Plan o IPP Consultation and
roadshow ng Regional Board of investments o RBOI sa rehiyon, napili nila itong
idaos sa bayan ng Upi, Maguindanao kahapon.

Ayon
kay ARMM-RBOI Chairperson Atty. Ishak Mastura, malaki ang potensyal ng bayan ng
Upi para sa pagpasok ng investors lalo na't mayaman ang nasabing bayan sa
agrikultura at kultura ng tri-people kabilang ang Teduray, Moro at Kristiyano.

Inihayag
ni Mastura na maliban sa mais, malaki rin ang investment potential ng rubber
industry sa bayan na kinakailangan lamang paunlarin ng mga negosyante at
suportahan ng regional government.

Si
ARMM-RBOI Chairperson Atty. Ishak Mastura.

Sa
naturang IPP consultation and roadshow, iprinisenta rin ng RBOI ang ilang mga
economic activities na magiging basehan na maari nilang ipagkaloob ang fiscal o
non-fiscal incentives sa mga maliliit na negosyante mula sa Upi.

Kaugnay
nito, Magiging bukas na rin ang Polloc freeport and ecozone sa lungsod ng
Cotabato para sa mas madaling pagangkat ng kanilang produkto.

Nakatanggap ng petition para sa salary increase ang Department of Labor and Employment o DOLE 12 ilang araw bago pa man ang Labor Day Celebration sa May 1. Ayon kay Regional Triparite Wages and Productivity Board o RTWPB Secretay Jessie dela Cruz, ang umento sa sahod ay hiniling ng Trade Union Congress of the Philippines.
Ito ayon kay Dela Cruz ay kanilang natanggap noong April 21.
Ang ahensya ayon kay Dela Cruz ay mayroon namang 30 araw para talakayin ang propsed wage increase.
Ipinahayag ni Dela Cruz na paguusapan ng RTWPB ang petisyon sa Mayo 5.
Kasabay nito ayon kay Dela Cruz ang pagsasagawa nila ng public consulation.
Huling nagkaroon ng umento sa sahod ang mga mangagawa sa rehiyon dose isang taon at walong buwan na ang nakararaaan.
Ito naman ang ipinahayag ni Dela Cruz kaugnay sa nalalapit na Labor day celebration sa Mayo 1. Nagsimula nang mamahagi ng tulong ang Philippine Red Cross o PRC sa mga drought victims ng South Cotabato.
Sa katunayan ayon kay PRC South Cotabato Chapter Administrator Erwin del Carmen, unang nabiyayaan ng bigas ang mga apektado ng dry spell sa bayan ng T’boli kahapon.
Target ng PRC na matatapos ang rice distribution sa 28,000 drought victims mula sa 25 barangay sa T’boli.Ayon kay Del Carmen, dalawang araw bago gagawin ang pamimigay ng bigas, pumupunta na sa lugar ang team ng PRC.
Ito ay upang magsagawa ng pre-validation sa talaan ng mga benipisyaryo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.
Binigyan din ng claim stub ang mga drought victims para sa mas maayos na pamimigay ng tulong.
Katuwang naman ng PRC sa repacking ng bigas ngayon sa Provincial Capitol Covered Court ang mga volunteer.
Umaapela naman si South Cotabato Governor Daisy AVance Fuentes sa publiko na huwag nang pumunta sa provincial capitol.
Sa halip ayon kay Fuentes mas makabubuting hintayin na lamang ng mga ito ang pagdating ng PRC sa kanilang lugar upang mamigay ng tulong.
Sinimulan ang rice distribution sa mga biktima ng Tagtuyo’t sa South Cotabato matapos katigan ng Comelec ang hiling na exemption sa election ban ng pamahalaang panlalawigan.
Naglalan ang South Cotabato Provincial Government ng P16 million para pambili ng mahigit 12,000 sako ng bigas para sa mga mamamaayang apektadong El Nino Phenomenon.
Tampok sa Flavors of SOX o SOCCSKSARGEN na ilulunsad ng Department of Tourism o DOT 12 at Gensan Hoteliers ang 12 food tour packages.
Ayon kay DOT 12 Regional Director Nellie Nita Dillera kabilang dito ang Single Origin Cultural Food Package na Blaan Knaan sa Lamlifew cultural village, Tbolo Ken sa Bacngeb at Kule Homestays sa Tboli , Lake Sebu Specialties sa Lake SEbu, pawang nasa South Cotabato at Halal Goodness sa Cotabato City .Isinusulong din ng DOT 12 ang SOX Tour Packages in a Strip .Kabilang naman dito ang Great Glan Gourmet Getaway sa Glan, Sarangani Gensan Tuna Tour Matutum Fruit Trip Talakudong Food Overload Sayap Food Sarap sa Midsayap, Cotabato Sarap Sarangani Lebak Coast to Toast at Upper Valley Food To Go sa South Cotabato.Layon ng programa ayon kay Dillera na mahiyat pa ang mga turista sa pamamagitan ng pagbibigay ng ideya sa kanila ng kakaibang luto at pagkain sa rehiyon dose.Kikita din dito ayon kay Dillera ang mga supplier ng raw materials, chef or traditional cooks, restaurants at mga tour operators na mag bebenta ng tour packages.Ayon kay Dillera ang Flavors of SOX ay ilulunsad ng DOT at Gensan Hoteliers sa SM City Mall sa General Santos City mamamayang hapon.Ito ay dadaluhan naman ni Philippne Association of Convention, Exhibition Organizers and Suppliers, INc. President Marissa Nallana at mga opisyal mula sa DOT Market Development group .Ang mga ito ayon kay Dillera ang siyang nag organisa ng Madrid Fusion Manila at World Street Food Congress bilang bahagi ng Flavors of the Philippines program. Magaalok ng mahigit 2,500 na trabaho ang mga employeer na makikilahok sa Jobs Fair ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 sa April 28.Ito ay magaganap naman sa SM-City Mall at KCC mall sa General Santos City.Ipinihayag ni DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib sa isang balitaan, na 62 na mga kompanya na lalahok sa jobs fair ay magaalok ng lokal na trabaho habang walo naman ay magaalok ng trabaho sa labas ng bansa.Ayon kay Gutib karamihan sa mga local employer ay naghahanap ng mga production workers sa mga canning industry, call center agents, customer service representatives, technical support representatives,at outbound sales representatives .
Ang mga nais naman mangibang bansa ayon kay Gutib ay maaring mag-apply para maging mason, nurse, babysitter, at sales personnel. Paalala ni Gutib sa mga jobseekers huwag kaligtaang dalhin ang mga imporanteng dokomento tulad ng school credentials, certificate of training o certificate of employment.
Bentahe rin kung ang isang aplikante ay may dalang NBI clearance, police clearance at iba pa .Ang mga nais magparehistro sa May 1 Labor Day Jobs Fair ay dumulog lamang sa pinakamalapit na Public Employment Service Office o PESO . Naghahanda na para sa Search for Best Prepared Local Disaster Risk Reduction and Management Council o LDRRMC ang provincial government ng South Cotabto.
Nabatid na ang schedulue ng evaluation at criteria sa parangal ay naisaayos na ng Provincial Evaluation and Selection Committee.
Pararangalan naman ang mga barangay, Municipal at City Disaster Risk Reduction and Management Councils batay sa apat na mga thematic areas.
Kabilang sa mga ito ang disaster prevention and mitigation, disaster preparedness,disaster reponse at disaster rehabilitation and Recovery.
Ayon kay South Cotabato Department of Interior and Local Government Assistant Provincial Director at Committee Chair Audrey de Pedro, unang isasailalim sa evaluation ang mga pinakamapanganib na barangay sa lalawigan.
Idedeklara namang ang mga magwawagi kasabay ng National Disaster Consciousness Month Celebration sa Hulyo.
Isa din ito sa magiging tambok na aktibidad sa T’nalak Festival ng lalawigan.
Ang mga magwawaging LGU ang kakatawan naman sa South Cotabato sa Regional Search ng Gawad Kalasag. Blanko pa ngayon ang Kidapwan City PNP sa motibo sa nangyaring pamamaril sa isang binata sa Datu Ingkal Street, Barangay Poblacion, Kidapawan City alas dyes ng gabi kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Roel Mellumeda, 23-anyos na taga Santo Thomas, Davao del Norte.
Lumabas sa report ng PNP na habang nakatayo lamang ang biktima sa harap ng isang tindahan sa lugar ay bigla na lamang itong hinintuan ng riding tandem criminals at agad siyang pinagbabaril.
Pitong bala mula sa kalibre 45 na baril ang tumama sa ulo at katawan ng biktima base na rin sa narekober ng mga otoridad sa crime scene.
Patay noon din ang biktima.
Agad namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek matapos ang krimen na ngayon ay tinutugis na ng PNP.
Nagdulot nang paglikas ng higit dalawang daang indibidwal o nasa 30 mga pamilya ang nangyaring enkwentro sa pagitan ng dalawang armadong grupo kahapon ng madaling araw sa brgy. Kilangan, Pagalungan, Maguindanao.
Ito ay sa pagitan naman ng dalawang pamilya na pinamumunuan nina Renedo Galyel at Jojo Matalam.
Sinabi ni Pagalungan PNP Chief of Police Senior Ins. Blaine Lumase na matagal nang may hidwaan ang dalawang grupo.
Sa imbestigasyon ng pulisya unang inatake ng grupo ni Matalam ang grupo ni Galyel.
Dahil sa naturang enkwentro kung saan umabot ng higit apat na oras ang nagyaring palitan ng putok ay aksidenteng natamaan si Galyel at naisugod pa sa Polymedic Hospital pero ideneklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.
Samantala itinanggi naman ni Lamase na politika ang naging dahilan sa insidente.
May report kasing kumakalat na may kaugnayan umano ito sa politika dahil ang grupo ni Galyel ay kamag-anak ng incumbent Mayor ng Pagalungan habang kaanak rin ni Matalam ang tumatakbong bagong alklade sa bayan.
Ang naturang impormasyon ay mariing pinabulaanan ng opisyal.
Personal Grudge ang kanilang sinusundang anggulo ngayon na posibleng dahilan sa insidente.
Nabatid na nasa iisang grupo lamang noon sina Gamalyel At Matalam pero dahil sa mga di inaasahang pangyayari at personal na mga dahilan nahati ang grupo.
Sa ngayon ay kontrolado na ang lugar at tiniyak naman ni Lamase na hindi na mauulit pa ang naturang insidente.
Nanatili naman muna sa kanilang mga kaanak ang lumikas na mga pamilya.
Nakumpleto na ng Kidapawan City Government ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang pamilya ng El Nino Phenomenon.
Ito ay pinangunahan mismo ng City LGU at Philippine Red Cross kung saan lahat ng indigent families o 11 thousand na mga pamilya ang kanilang nabigyan ng rice assistance.
Ipinasiguro ni City Mayor Joseph Evangelista na mabibigyan ng labindalawang kilo ng bigas ang bawat pamilya mula sa DRRM Fund ng City LGU.
Sa report ng City Social Welfare and Development Office, huling nabigyan ng bigas ang mga indigent families ng Perez Meohao Ginatilan Balabag Ilomavis Indangan at Poblacion.
Ang Rice Assistance Program ay ginawa bilang pangunahing intervention matapos isailalim ang lungsod sa State of Calamity ng dahil sa El Niño.
Bago pa man ang pamimigay ng bigas ay gumawa ng validation ang CSWDO kung sino-sinong mga indigent families ang nararapat bigyan ng bigas.
Una nang nasuspende ang pagsasagawa ng relief distribution ng mga LGU sa North Cotabato dahil na rin sa umiiral na COMELEC Ban.
Kaya naman para maipagpatuloy ito kinakailangan muna ng LGU ng clearance mula sa COMELEC at sa pamamagitan ng Red Cross at DSWD ay maibabahagi nila ang naturang tulong.
Maliban sa Kidapawan City, natapos na rin ng Makilala LGU ang kanilang relief operation sa mga El Nino affected families kung saan nagpapatuloy naman ang ibang LGU sa nabanggit na relief distribution. Wala pa ring pagkakakilanlan hanggang sa ngayon ang dalawang bangkay na nahukay sa brgy. Marbel Kidapawan City kahapon ng umaga.
Ayon sa report ng City PNP, nakatanggap lamang sila ng tawag mula sa isang opisyal sa lugar sa umano nahukay na bangkay ng dalawang indibidwal sa gitna ng isang Banana Plantation.
Bago paman nakita ang dalawa napansin umano ng tatlong trabahante ng saging sa area na parang may kakaiba sa lugar kung saan nakita nilang parang may nakabaon na hindi nila mailarawan.
Agad na tumawag ang tatlo sa kanilang barangay chairman at ipinaalam ang pangyayari.
Mabilis namang tinungo ng mga otoridad ang area kung saan hinukay nila ito at doon na tumambad sa kanila ang isang babae at isang lalaki na wala nang buhay.
Kapwa nakatali ang mga kamay at paa ng dalawa ng tie box.
Nakabalot rin ng masking tape ang ulo ng mga ito.
Tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 ang mga biktima.
Narekober din sa dalawa ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu.
Samantala, sinabi rin ni brgy. Marbel Chair Jeffery Balawro na posibleng hindi doon pinatay ang biktima at doon lamang inilibing.
Nagtanong rin si Balawro sa area partikular sa mga residente ng brgy. Marbel at Barangay Mateo at wala naman umano silang mga kaanak na nawawala.
Hindi rin nila namumukhaan ang mga ito. Si Barangay Marbel Chair. Jeffery Balawro
Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng PNP ang nabanggit na pangyayari.
Sugatan ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng isang Video House sa brgy. Bangbang, Matalam, North Cotabato alas dose ng madaling araw kahapon.
Kinilala ni Matalam Chief Of Police Chief Ins. Sunny Leoncito ang mga biktima na sina Pabrito Vicente, 49-anyos at Ramil Peres, 36, kapwa taga brgy. Alimodian, Matalam.
Habang tukoy na ng PNP ang suspek pero tumanggi naman muna silang pangalanan ito.
Ayon sa report nagvivideoke lamang ang mga biktima kasama ang kanilang mga kaibigan sa lugar at dahil sa ingay ng mga ito ay nagising ang umano lasing na suspek.
Nabatid na una nag-amok ang suspek bago ang insidente.
Agad raw umuwi ang suspek para kumuha ng baril at doon na niya binalikan ang dalawang biktima at pinagbabaril.
Tama sa paa ang tinamo ng dalawa habang mabilis namang tumakas ang suspek.
Sa Kidapawan City, patuloy namang ngayon nagpapagaling ang walong mga susgatan matapos masangkot sa vehicular Accident ang kanilang sinasakyang tricycle sa brgy. Mateo, Kidapawan City.
Sa report ng Kidapawan City PNP Traffic Division, tatlong mga sasakyan ang sangkot sa aksidente, dalawang tricycle at isang multicab na pagmamay-ari ng Magpet LGU.
Parehong binabaybay ng mga sasakayan ang daan patungong Magpet pero pagdating nila sa bahagi ng brgy. Mateo ay magkasabay na nag overtake ang tricycle at multicab dahilan para mahagip nito ang unang tricycle kung saan doon nakasakay ang mga bitkima.
Dahil dito nawalan ng kontrol ang driver ng tricycle at nahulog sa bangin na may lalim na umaabot sa labin dalawang talampakan.
Anim ngayon sa walong mga biktima ang nasa pagamutan na nilalapatan ng lunas.

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...

Zamboanga dealer busted for P8.1-M shabu `linked’ to dealers in other provinces

COTABATO CITY - Plainclothes policemen seized before dawn Friday P8.1 million worth of shabu from a dealer in Zamboanga City who reportedly has...

3 drug suspects arrested in Tacurong

ISULAN, Sultan Kudarat - Operatives of Sultan Kudarat police provincial office, under the supervision of Colonel Arnold Santiago, deputy regional...