Friday May, 03 2024 11:21:21 PM

NDBC BIDA BALITA (April 30, 2016)

 • 06:58 AM Sat Apr 30, 2016
1,296
By: 
NDBC

NEWSCAST

APRIL 29,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA BOTANTE sa Sultan Mastura,
Maguindanao, takot nang bomoto sa May 9 makaraang pasabugan ng bomba ang 6 na paaralan

2. Presensya ng NPA sa tatlong mga
barangay sa Antipas North Cotabato, posibleng magdulot daw ng gulo sa nalalapit
na eleksyon

3. MAGSASAKA NA PINANINIWALAANG dinukot
sa Isulan, Sultan Kudarat, pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

4. Bureau of Treasury office ng Maguindanao, pinasok ng magnanakaw

NABABALOT ngayon ng takot ang mga
mamamayan ng Sultan Mastura, Maguindanao matapos na paulanan ng bala at
pasabugan pa ng Granada ang anim na mga paaralan sa kanilang lugar na gagamitin
sana bilang mga polling precincts sa May 9 general elections.

Marami sa mga residente ang
nag-aalangan na tuloy lumabas at bomoto sa araw ng halalan. Ang iba naman,
makikiramdam muna bago magpapasya kung boboto o hindi.

Maging ang mga gurong magsisilbing
Board of Election Inspectors ay nagdadalawang-isip na rin kung itutuloy pa ang
kanilang serbisyo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy
ng mga Sultan Mastura PNP kung anong grupo ang nasa likod ng naturang
pang-aatake sa Tapayan Central School,
Dagurungan Elementary School, Tuka
Elementary School, Darping Elementary School, Tareken Primary, at Simuay
Seashore Elementary School.

Sa inisyal na report ng Explosive
Ordnance and Disposal o EOD team, gumamit ang mga suspek ng M-16 armalite rifle
at grenade launchers sa pag-atake.

Nawasak ang mga bakod, bintana at maraming
mga gamit sa ilang classrooms ng nabanggit na mga paaralan.

Sinabi ni PNP-ARMM spokesperson Sr.
Insp. Ronald de Leon, wala namang nasaktan o nasugatan sa nasabing pagsabog.

Sa ngayon ay naghahanap na ng
alternatibong lugar na maaaring gawing polling precincts. NAKATAKDANG
IPRESENTA NG Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM ang mga narekober
na ebidensya sa prosecutor's office matapos ihain ang search warrant laban kay
Datu Alip Mangegin, sa mismong bahay nito pasado ala una nang madaling araw
kahapon sa Purok Lumayon, Mother Barangay Poblacion, Cotabato city.

Ito ay para
masampahan ng kaukulang kaso si Mangegin matapos mahkuha sa bahay nito ang
isang caliber 40 armscor pistol kasama ang dalawang magazine na may lamang mga
bala, caliber 22 rifle na may isang magazine at isang sachet ng shabu na may
bigat na sampung gramo at tinatayang nagkakahalaga ng 15,000 pesos.

Ayon sa
report ng PDEA-ARMM, natunugan ng suspek ang kanilang pagdating kaya agad itong
nakatakas sa pamamagitan ng butas sa kwarto nito.

Itinanggi
naman ng mga magulang ng suspek na may alam sila hinggil sa mga naka imbak na mga
baril at shabu sa kanilang bahay.

Umaasa naman
ang PDEA-ARMM na masasampahan ng kasong Illegal Possession of Firearms at
paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si
Mangegin para mas madali nila itong madakip at mapanagot sa batas.

PINASOK
NA NAMAN ng mga kawatan ang tanggapan ng Bureau of Treasury Maguindanao
Provincial Office sa 5th floor ng Landbank building, Don Rufino Alonzo street,
Poblacion 5, Cotabato city.

Batay
sa report ng City PNP, pasado alas otso na ng umaga kahapon nang matuklasan ng
mga empleyado na pinasok ang kanilang opisina.

Sa
kisame dumaan ang kawatan at tinangay ang isang Samsung Computer Monitor na
nagkakahalaga ng 5,500 pesos at tseke mula sa Landbank na nagkakahalaga ng
13,500 pesos.

May CCTV
camera ang gusali pero wala sa loob mismo ng Bureau of Treasury Maguindanao
office.

Ito na
ang ikalawang pagkakataon na ninakawan ang naturang tanggapan.

Sa iba
pang balita, patuloy sa pag-arangkada ang riding in tandem snatchers at basag
kotse sa Cotabato city.

Pinakahuling
biktima ng mga snatcher na nakasakay sa motorsiklo ang isang empleyado ng
DepEd-ARMM na nahablutan ng bag sa Bishop Mongeau street, Barangay Rosary
Heights 8, Cotabato city.

Kinilala
ang biktima na si Priscilla Mayan, 41 anyos, residente ng Zenaida Subdivision,
sa nasabi ring barangay.

Sabi
ng biktima, ala una nang hapon kahapon nang hinablot ng mga snatcher na
nakasakay sa motorsiklo ang kanyang bag na naglalaman ng wallet na may 1,400
pesos cash, Samsung cellphone at mga mahahalagang papeles at IDs.

Pagkalipas
ng ilang minuto, nagreport naman sa pulisya ang isang propesor ng
MSU-Maguindanao na si Dr. Danilo Sarcon Jose, 60, at taga- SPDA village, Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sumbong
pa ni Jose, ipinarada niya sa kahabaan ng Sinsuat avenue ang kanyang kulay
silver na Suzuki SX4 na may license plate KFS 696 at nang balikan niya ito ay basag
na ang windshield ng kanyang sasakyan.

Hindi
naman nabanggit sa report kung ano ang mga ninakaw kay Jose.

KASALUKUYANG
naka hospital arrest sa isang pagamutan sa Cotabato city ang dating alkalde ng
Shariff Aguak Maguindanao matapos itong boluntaryong sumuko sa Crime
investigation and detection group o CIDG-ARMM kamakalawa ng umaga.

Sa
report ng CIDG-ARMM, mismo si Sahara Ampatuan ang nagtungo sa kanilang opisina
para isuko ang sarili matapos ang dalawang taong paghahanap sa kanya dahil sa
kasong murder na isinampa laban sa dating alkalde.

Si
Sharif Aguak former Mayor Sahara Ampatuan ay nahaharap sa kasong murder
makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang RTC branch 12 noong September
2014.

Inaakusahan
si Ampatuan na sangkot sa pagpatay sa isang council secretary ng bayan noong
Abril ng kaparehong taon.

Patuloy
naman pinaghahanap ang ibang pang suspek na sina Kanurin Tayuan at Rambo
Guiasalin na umano ay gunmen sa krimeng kinasangkutan ng dating alkalde. Isang
kinatawan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang nagsabing may isang grupo
ng MILF ang hindi boboto sa halalan sa May 9 dahil hindi naipasa ang Bangsamoro
Basic Law o BBL.

Sabi
pa ni Aldullah Camlian, hindi pa rin nag-eendorso ang MILF ng kanilang
kandidato sa halalan dahil na rin sa pagka-purnada ng BBL.

Gayunman,
sinabi ni Camlian na miyembro ng Bangsamoro Transition Commission o BTC, na
hindi naman pipigilan ng MILF ang kanilang mga kasapi na nais pa ring bumoto sa
eleksyon.

Ang
BTC ay isang komisyon na binubuo ng 15 miyembro mula sa pamahalaan at MILF na
ang tungkulin ay ang gawing batas ang mga napagkasunduan ng gobyerno at MILF sa
Comprehensive Agreement on the Bangsamoro. Ang walay humpay na kaguluhan sa Mindanao ang isa sa naging dahilan ng pagtakbo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka presidente ng bansa. Ito ang naging pahayag ng opisyal noong nakaraang martes kasabay ng pagpapalaya ng sundalong si Private First Class Edgardo Hilaga Jr. ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army matapos dukutin ng rebldeng New People's Army.Nabatid na hinintay pa ng ilang oras si Duterte bago pormal na itinurn over ng NPA si Hilaga sa kanyang pamilya.Ang pagpapalaya kay Hidalgo ay kagaya rin ng pagpapalaya ng NPA sa limang mga dinukot nilang pulis sa Davao City kung saan naroon rin ang presensya ng alkalde.Sa naging mensahe ni Durtete, dito niya ibinunyag na sakaling makakaupo na siya sa pwesto bilang presidente ay tiniyak niyang babaguhin nito ang sistema ng gobyerno.Nabangit rin ng opisyal ang kanyang paglalagay ng mga doktor sa bawat barangay sa bansa.Tatanggalin nito ang anuman at sinumang magiging sangkot sa kurapsyon.Ang pahayag na ito ni Duterte ay ginawa sa harap ng halos tatlumpong miembro ng NPA sa isang barangay sa Tulunan, North Cotabato kung saan isinagawa ang pagpapalaya sa dinukot na sundalo nitong nakaraang araw. Nagsisimula na ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad ng Antipas PNP sa buong bayan ng Antipas, North CotabatoIto matapos matukoy na ng PNP ang tatlong mga barangay na kabilang sa election watch list o posibleng may mangyaring kaguluhan sa eleksyon.Sinabi ni Antipas PNP Chief of Police Senior Ins. Rolly Oranza, kabilang na rito ang brgy. Maliri, Malangag at brgy. Kamutan kung saan malapit na sa hanggangan ng Magpet at Arakan.Ayon kay Oranza may report kasi silang natatanggap mula sa mga residente na may mga araw na namamataan ang presensya ng umano mga miembro ng New Peolpe's Army sa lugar.Nababahala ang mga residente lalo pa’t malapit na ang halalan kung saan kadalasang nagsasagawa ng krimen ang nabanggit na grupo.Kaya naman, doble ingat at nakaalerto ngayon ang buong hanay ng Antipas PNP para panatilihin ang seguridad at kapayapaan sa lugar lalo na sa araw ng eleksyon sa tulong na rin ng mga bararangay officials, militar at iba pang force multipliers kagaya ng BPAT at iba pa.Hinikayat naman ng PNP ang mamamayan na tumulong sa pagmonitor pati na ang kanilang at kaagad na makipag-ugnayan sakali mang mapansing kahina hinalang tao o bagay sa kanilang lugar. Mula sa sampung mga bayan na kabilang sa nabigyan ng RED Orchid Award ng Department of Health sa buong Region 12 nanguna rito ang bayan ng Mlang.Sinabi ni Municipal Rural Health Unit Chief Dr. Jun Sotea, bunga ito sa mahusay na implentasyon ng Anti- Smoking Ordinance na sinimulan noong nakaraang taon.Nabatid na sa sampung mga bayan sa rehiyon ang anim rito ay nagmula sa North Cotabato.Naniniwala si Sotea na dahil na rin sa pagkakaisa at pagsunod ng mga mamamayan ng Mlang ay nakamit ang naturang award.Sa kabila naman ng nabanggit na parangal ayon pa kay Sotea ay magpapatuloy pa rin raw ang kanilang paglalagay ng mga posters sa mga pampublikong lugar, mga tindahan, tricycle at iba para maipaalam sa publiko ang masamang dulot ng paninigarilyo.Una na ring nagpulong ang mga barangay officials ng Mlang kaugnay sa pagsunod na rin ng barangay LGU sa nasabing ordinansa kung saan mahigpit na ring ipagbabawal ang paninigarilyo sa mga public places ng barangay.Base sa datus mas bumaba naman ang bilang ng mga nahuhuling naninigarilyo sa bayan.Ibig sabihin nito mas nagiging epektibo na ang kampanya ng LGU kaugnay rito.Mapupunta naman ang pondong nakokolekta sa mga violators sa General Services Fund para magamit rin sa mga dagdag na programa para mapanatili at mas mapalakas pa ang nabanggit na ordinansa.Pinasalamatan naman ni Sotea ang publiko sa maayos nilang pagtanggap at pagsunod sa ordinasa dahil kung wala umano ang kanilang tulong at kooperasyon ay hindi nila makakamit ang naturang Award.Ang Orchid Award ay una na ring natanggap ng bayan ng Makilala, Pigcawayan at Kidapawan City dahil sa mahusay rin nilang implementasyon ng naturag batas. Tukoy na ang isa sa dalawang bangkay na natagpuan sa isang Banana Plantation sa brgy. Marbel, Kidapawan City noong nakaraang araw.Mismong ang dalawang kapatid ng babaeng biktima ang tumukoy rito na kinilalang si Fatima Ondot Sarip, 42-anyos, may-asawa na taga Marawi City.Kahapon ay tinungo ng magkapatid ang Collado Funeral Homes sa Kidapawan City at doon nila nakumpirma na ang biktima ay kanilang nakababatang kapatid.Wala namang naging pahayag ang magkapatid ng taga brgy. Buhay, Makilala, North Cotabato sa insidente, kung saan tumungo lamang sila sa City PNP para ipaalam ito.Una rito isang tawag ang natanggap ng PNP kaugnay sa bangkay na narekober sa gitna ng Banana plantation sa brgy. Marbel at doon nga nakumpirma ng mga otoridad ang pangyayari.Nakatali ang kamay at paa ng mga biktima ng tie box at nakuhanan pa ng ilegal na droga.Naging mahirap rin para sa mga barangay officials at residente sa lugar na kilalanin ang biktimang babae dahil na nakabalot ng masking tape ang ulo nito.Sa ngayon ay nanatili pa rin ang panawagan ng PNP sa publiko na kung sino man ang may nawawalan ng kakilala o kamag-anak ay makipag ugnayan lamang sa kanilang tanggapan dahil hanggang ngayon ay wala pa ring pagkakakilanlan ang lalaking biktima na kasama sa narekober ng PNP sa nabanggit na lugar.Arestado ng Pikit PNP ang isang wanted person matapos ipatupad ang arrest warrant laban sa suspek sa Brgy. Rajamuda Pikit, North Cotabato ala pasado ala una ng hapon kahapon.Kinilala ni Police Ins. Sindato Karim, deputy ng Pikit PNP ang suspek na si Ondo Pananggilan, 30-anyos at residente ng nabanggit na lugar. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na may Criminal case no. 07-135 na may paglabag sa RA 6539 o mas kilala sa tawag na Anti-Carnapping Act of 1972. Nang arestuhin ng pulisya ang suspek ay nakuhanan pa ito ng isang granada. Sa imbestigasyon ng PNP, si Pananggilan ay isang miembro ng notoryus na carnapping group na nag-ooperate umano sa lugar.Sa ngayon nasa kustodiya na ng Pikit PNP ang suspek habang mas pinalalakas pa ng PNP ang kanilang kampanya kontra kriminalidad sa bayan. Magkasabay na gagawin ng Kidapawan City Comelec ang Testing and Sealing ng mga Vote Count Machines o VCM sa darating na May 5.Ito ang ipinahayag ni Acting City Election Officer Dindo Epino kasabay ng City Peace and Order Council Meeting kahapon ng umaga.Susubukan ng Comelec ang mga VCM na gagamitin sa Halalan sa nabanggit na petsa. Magsisilbing 'simulation' ang gagawing aktibidad dahil mismong ang mga BEI ang katuwang ng Comelec para rito.Ayon pa kay Epino, susubukan nilang maglagay ng official ballot sa VCM at susuriin kung babasahin ba ito ng makina kasabay din ng pag imprenta ng resibo.Plantsado na rin ang ipatutupad na seguridad sa Halalan, dagdag pa ng opisyal lalo na at nakipagpulong at sumang ayon na rin sa kanya si City PNP OIC Head Supt Noel Kinazo at ang pamunuan ng 39th IB ng Army para sa maayos at mapayapang halalan.Mula pa lamang kasi sa pagba byahe ng mga VCM mula sa Davao City sa May 2 ay maglalagay na ng PNP personnel para protektahan ang mga ito.Magpapatuloy ang security set up sa mismong botohan sa May 9 pati na rin sa canvassing ng mga boto hanggang sa proklamasyon ng mga nanalong kandidato na inaasahang makukumpleto sa May 10.NDBC BIDA BALITA Prayoridad ng pamahalaang lokal ng Sarangani ang pagpapaigting ng kanilang mga programa sa paglaban sa kalamidad.
Sa katunayan ayon kay Governor Steve Chiongbian Solon, ito ay saklaw ng kanilang provincial development and framework plan.
Ayon kay Solon maliban sa pagbalangkas ng Comprehensive Shelter Code of 2015 sa Sarangani, itinatatag na rin sa lalawigan ang SAR 117 emergency hotline.
Mayroon na ring Centralized Radio Communications System ang lalawigan ngayon.
Bumili na rin ng P3.5 million relocation site para sa mahigit limang daang pamilya sa Burias, Glan at Tambilil Kiamba ang pamahalaang panlalawigan.
Ipinahag ni Solon na saklaw din ng kanilang disaster preparedness Campaign ang pagtugis sa mga illegal loggers at miner.
Dinagag din ng gobernador na sa tulong ng PAGASA nalagyan na rin ng automated rain gauge at weather stations ang pitong mga bayan sa Sarangani.
Nilagyan din ng water level monitoring system ang mga pangunahing ilog sa lalawigan.
Habang ang Glan Port at Barangay Ladok port sa Alabel ay kinabitan rin ng Tsunami warning system at sensor.
Ipinahayag naman ni Sarangani Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer , Operations Section Chief Robert Lubonting , na aktibo ring nakikilahok sa mga fire at earthquake drillS ang mga eskwelahan sa lalawigan.
Ayon kay Lubonting, ang drill regyuloar na isinagawa sa Sarangani para palaging maging handa sa posibleng lindol namaaring dala ng tatlong fault line sa lalawigan. Abot sa 91 mga persons with disability at senior citizens ang nabigyan ng bagong wheel chair sa South Cotabato.
Ang mga ito ay pawang benipisyaryo ng 2016 Alay Gabay Para sa Maginhawang Buhay Program ng Dole Philippines .
Ayon kay Dole Community Relations and Environment Compliance Supervisor Roel Ian Blanker, ang mga nabigyan ng wheelchair ay tinukoy mismo ng Rural Health Units, Municipal Social Welfare and Development Office, at Department of Social Wefare and Development.
Sa kabuuan abot na sa 362 PWDs at Senior Citizens ang nabigyan ng Wheelchair ng Dole Philippines sa pamamagitan kanilang Mahintana Foundation sa South Cotabato.
Matapos makalikom ng P12 million pesos mula sa kanilang golf tournament magbibigay pa ang DOLE ng kargdagang 600 wheelchairs sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.
Ang wheelchair caravan ng DOLE Philippines ay isinasagawa rin ngayon sa iba’t ibang lugar sa region 12.
Katuwang naman ng kompanya sa pamimigay ng wheelchair ang mga local na pamahalaan na benipisyaryo nito. Nawawala pa rin ang isang magsasaka matapos umanong dukutin sa Barangay Mapandig, Isulan, Sultan Kudarat.
Kinilala ni Isulan Chief of Police Superintendent Joefil Siason ang biktima na si Bernie Engani, 58 anyos at residente ng katabing Barangay ng Allah Esperanza, Sultan Kudarat.
Ayon kay Siason si Engani ay tinangay ng ilang mga kalalakihan lulan ng kulay gray na pick up .
Ipinahayag ni Siason na maaring nadamay lamang sa paghihiganti ng mga suspek ang biktima, dahil sa pagbebenta umano ng pekeng gold bar ng kanyang kapitbahay.
Kinumpirma ni Siason na ang biktimang magsasaka ay nawawala simula pa noong Abril 26.
Di pa batid ng mga pulis ang mga supsek na umano’y dumukot sa kanya. Sinusuri ng mabuti ng Philippine Red Cross ang mga bigas na ipamimigay sa mga drought victims ng South Cotabato.
Ayon kay PRC South Cotabato Chapter Administrator Erwin Del Carmen layon nito na matiyak na dekalidad na bigas ang matatanggap ng mga biktima ng tagtuyo’t.
Sinabi ni Del Carmen na tinitiyak ng PRC na walong amoy o insekto at malinis ang ire-repack na bigas.Ipinahayag ni Del Carmen na para mapanatiling ligtas ang mga bigas, isinailalim muna sa orientation ng PRC ang kanilang mga volunteer.
Iniutos na rin ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa mga Department Heads ng kapitolyo na magpadala ng tig limang job order employees para tumulong sa repacking ng bigas.
Inaasahan din na marami pang mga regular employees ng lalawigan ang magbolontaryo para agad na mabigyan ng bigas ang lahat ng mga biktima ng dry spell sa South Cotabato.
Matatandaan na naglaan ng P16 million pesos ang South Cotabato provincial government para mambili ng 12,800 sako na NFA rice para sa mga biktima ng tagtuyo’t Arestado sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Lebak, Sultan Kudarat ang isang dating CAFGU kahapon.
Kinilala ni Lebak Chief of Police Benhur Catcatan ang suspek na si Rollen Gesulga, alyas tawhite, at residente ng Purok Tibpuan, Lebak.
Ayon kay Catcatan nakuha ng mga pulis mula sa suspek ang 17 maliliit na sachet ng suspected shabu .
Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit walong libong piso.
Nabawi din ng mga pulis mula kay Gesulga ang mahigit P11 thousand pesos na umanoy pinagbentahan nito ng illegal na droga.
Kinumpirma ni Catcatan na ang supsek ay matagal nang minamanmanan ng mga otoridad dahil umano sa pagbebenta ng illegal na droga.
Hinuli ng mga pulis ang suspek sa bisa ng search warrant ni Judge Renato Gleyo ng Regional Trial Court Branch 19 sa Isulan Sultan Kudarat.

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...