Saturday May, 25 2024 12:42:21 PM

NDBC BIDA BALITA April 7, 2016

Local News • 17:23 PM Thu Apr 7, 2016
1,590
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 07,
2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Sundalo sugatan sa harassment ng BIFF sa Datu Salibo, Maguindanao2. Alegasyong inarmasan niya ang mga Lumad sa North Cotabato, pinabulaanan ni Rep. Catamco.

3. South Cotabato, humiling sa Comelec na payagan itong mamahagi ng relief goods sa drought victims.4. Fact finding ng progresibong grupo, ikinasa kaugnay ng Kidapawan farmers protest.5. 400 volunteers, mula Region 11, tutulong laban sa forest fire sa Mt. Apo. NAUWI sa panibago na namang palitan ng
putok sa pagitan ng mga sundalo at mga sniper ng Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters o BIFF ang peace activity na pinangunahan ng Army’s 6th
Infantry Division sa barangay Tee, Datu Salibo, Maguindanao.

Pasado alas dyes ng umaga kahapon nang
sinimulan ng 6th ID ang programa para pormal na ideklarang ligtas na
ang barangay Tee at maaari nang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan ang mga lumikas
na residente sa lugar.

Gayunman, habang isinasagawa ang
programa ay pinagbabaril ng mga sniper ng BIFF ang mga sundalong nagbabantay sa
venue ng aktibidad.

Nabatid na isang sundalo ang tinamaan
sa naturang pag-atake dahilan para gumanti ng putok ang tropa ng militar.

Dahil sa insidente ay nabulabog ang
programa na dinaluhan ng maraming mga sibilyan, government officials, NGO at
media.

Nagsidapaan at ang iba naman ay nagsitakbuhan
sa takot na baka mahagip ng mga bala na mula sa BIFF.

Sa kabila ng pangyayari, sinabi ni
Maguindanao governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu na hindi sila matitinag at
patuloy na magkakaloob ng serbisyo para sa mga mamamayan ng naturang barangay.

Si Mangudadatu ay naroon sa lugar nang maganap ang palitan ng putok sa pagitan ng
BIFF at mga sundalo.

Ang barangay Tee sa Datu Salibo ay
idedeklara na sanang ‘safe zone’ para sa mga residente matapos ang mahigit
dalawang buwang clearing operation ng militar doon. TATLO KATAO
ang nasawi sa tatlong magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa PALMA-P area
ng North Cotabato.

Unang nasawi
ang habal-habal driver na si Lobedyaryo Matunding Ciudad, 50 years old, at
tagha-barangay Sadaan, Midsayap.

Pasado alas
tres ng hapon kahapon nang parahin ng di pa nakikilalang suspek ang biktima at
nagpahatid sa barangay Lower Glad mula Poblacion.

Gayunman,
pagkababa ng suspek ay bigla nitong binaril sa ulo ang biktima gamit ang cal.
45 pistol at saka tumakas tangay ang itim na Baja Motorcycle ni Ciudad.

Sumunod na
nasawi ang isa ring habal-habal driver na si Jomar Mabulanta, 27 years old at
taga barangay Kinapanga, Libugan.

Binaril ng
hindi pa nakikilalang suspek ang biktima gamit ang cal. 45 pistol.

Pinaghahanap
naman ngayon ng mga otoridad si

Romulo Ambulo
alyas bayot na angkas umano ng biktima nang maganap ang pamamaril pasado alas
otso kagabi.

Samantala,
patay rin sa pamamaril ang isa pang biktimang nakilalang si SIGFRED CRUZ
LIMBARING, 34 years old, supervisor ng isang kumpanya ng alak at taga General
Santos city.

Binaril ng
pinaniniwalaang holdaper si Limbaring habang pauwi ito kagabi sa barangay
Barongis, Libungan.

Tinamaan sa dibdib
ang biktima sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Isinugod
naman sa pagamutan ang driver nito na si Gil Espenosa at isa pang kasamahan na
si Aguido Coronado, 27 taga-polomolok, South Cotabato, matapos tamaan din ng bala. EMOSYONAL
ang ilan sa mga nagsipagtapos sa isinagawang 7-day training ng Disaster Risk

Reduction
and Management Office o DRRMO at Water search and rescue O WASAR sa Division
Training

School
o DTS sa SPDA, datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ito ay
pinangunahan ng ARMM-HEART, ARMM-HELPS AT 6th Infantry Division Philippine
Army.

Bawat
probinsya na nasa ilalim ng ARMM ay may mga representating sumailalim sa
training.

Kamakalawa
lang ay nagtapos ang batch na mula sa probinsya ng TAWI-TAWI na binubuo ng 67
mga

graduates.

Isa si
Kagawad Abuba Kainai ng Brgy. Poblacion, Tawi-tawi sa mga nagtapos na labis ang
sayang

nadarama
dahil hindi siya nagdalawang isip na sumali sa naturang training.

Aminado
si Kainai na malaki ang naitulong sa kanila nang kanilang pagsasanay para
makatulong sa

mamamayan
lalo na kanilang lalawigan.

Laking
tuwa naman ni Yasser Majid ng Bongao, Tawi-tawi dahil kabilang siya sa mga
nagtapos sa

training.

Aniya,
walang imposible kung sadyang nanaisin mong gawin ang isang bagay.

Laking
pasasalamat naman ni Disal Dasunjaid dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanila
na maari

nilang
ibahagi sa lahat.

Ayon
kay Disal, hindi niya sasayangin ang mga natutunan nila at handa silang tumulong
at

madagdagan
pa ang kanilang kaalaman.

Ang
tinig ng ilan sa mga nagsipagtapos sa DRRMO AT WASAR training mula sa lalawigan
ng tawi-

tawi.

NABATID
na umabot sa 400 mga trainee volunteers mula sa limang lalawigan ng ARMM ang

nagsipagtapos
sa parehong training mula pa noong pebrero.

Magsisilbi
naman ang mga graduates bilang katuwang sa mga rescue operations, paghahanda o

anumang
aktibidad ng mga line agencies lalo na ng ARMM HEART, ARMM HELPS at maging ng
6th

Infantry
Division.

Magsisimula
muli ang DRRMO AT WASAR training pagkatapos ng May 2016 elections.

DINALUHAN
NG IBA'T IBANG stakeholders mula sa iba't ibang sektor ang isinagawang
Investment

Priority
Plan o IPP 2016 sa Barangay Magsasay, Parang, Maguindanao kaninang umaga.

Ang
IPP ang magiging basehan ng RBOI kung magbibigay na sila ng fiscal o non-fiscal
incentives sa mga rehistradong enterprises.

Ayon
kay RBOI Chairman Atty. Ishak Mastura, layunin rin nito na hikayatin ang mga
residente sa lugar na makapagbigay ng kanilang kaalaman patungkol sa investment
generation a rehiyon.

Inihayag
naman ni Mastura na magtutuloy-tuloy ang kanilang IPP consultations sa iba't
ibang probinsya sa ARMM ngayong taon upang mas mapalawak ang economic
investment performance at oportunidad para sa lahat.

Binigyang
diin ng opisyal na isang malaking halimbawa ng pagpapaigting ng investments ang
1.3 billion pesos na napasok sa rehiyon sa unang quarter pa lamang ng taon. NAMAHAGI
ng tulong ang DOLE Philippines sa pitong bayan sa North Cotabato.

Kabilang
rito ang bayan ng Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap, Aleosan, Pikit at

Banisilan.

Abot
sa 50 mga armchairs sa bawat bayan at tig-tatlong wheelchairs ang natanggap ng
mga ito o

may
kabuuang 350 armchairs at 21 wheelchairs.

Ayon
sa Project Manager ng PALMA+PB ALLIANCE na si Noel Biadnes, target ng DOLE
Philippines na

maipamigay
ang mga upuan sa mga piling eskwelahan.

Mga
upuan na katumbas ng 35 hardwood trees na itatanim ng mga school beneficiaries
katuwang ang

mga
lokal na pamahalaan.

Inaasahang
sa darating na hunyo ngayong taon ay makapagtanim ng 12 thousang na mga
hardwood

trees
ang mga skwelahan mula sa pitong bayan.

Bago
ito ay sasailalim muna sa training ang mga opisyal at miyembro ng PALMA-PB
Alliance

kaugnay
sa gagawing Hardwood nursery.

Nabatid
na magsisilbi itong tulong ng DOLE PH na bahagi ng kanilang Community Social

Responsibility. Bukas ngayon si 2nd District Rep. Nancy Catamco sa gagawing imbestgasyon laban sa kanya sa umano pag-papaarmas niya sa higit 40 mga Lumad sa brgy. Imamaling at bgry. Manobisa sa Magpet, North Cotabato.Ito ay bahagi rin sa una na nang naging demand ng mga magsasaka na nagsagawa ng kilos protesta sa Kidapawan City National Highway na imbestigahan ang opisyal.Sinabi ni Catamco na kung yan ang nais ng mga magsasaka ay sana doon sila ng hain ng reklamo sa Department of Justice at hindi sa National Highway.Itinanggi rin ng opisyal na pinaglaanan niya ng pondo ang mga Lumad para armasan ang mga ito.Paliwanag pa niya na kaugnay sa pag-aarmas at kung sino lamang ang pwedeng magbitbit ng armas ay dadaan pa raw sa mahabang proseso at kinakailangan pa ito ng IRR na ihahain sa kongreso.Samantala, maging si Magpet IP Rep. Datu Antonio Taquinan ay wala namang napapansing bitbit na armas ang mga lumad sa kanilang bayan.NSa ngayon umaasa si Catamco na masolusyunan na ang nabanggit na suliranin na kinakaharap ng probnsiya.Hiling rin nito sa publiko na imbes na magsisihan sa pangyayari ay magtulungan na lamang. Nasa kustodiya na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG North Cotabato ang 20-anyos na lalaki matapos itong maaresto ng pinagsanib na pwersa ng Kidapawan City PNP, RPSB 12 at CIDG kahapon ng umaga.Ang suspek ay kinilalang si Jerick Interoni na taga Urban Poor, brgy. Singao Kidapawan City at nahaharap sa kasong rape.Sa tulong na rin ng mga impormasyon ipinarating sa mga otoridad agad nilang natunton ang pinagtataguan ng suspek.Sa pamamagitan naman ng warrant of arrest na may criminal case no 3541-2016 nahuli ang suspek sa kanilang lugar mismo na halos tatlong linggo ring nagtago sa batas.Nakakulong na ngayon si Interoni sa CIDG lock up cell sa Kidapawan City. Hindi malinaw ang naging sagot ni Supt. Bairon Tabernilla ang spokesperon ng Fact Finding Committee ng PNP sa lahat ng mga katanungang ibinato sa kanila kaugnay sa umano madugong dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan City noong April 1.Para kay Tabernilla, iniimbestigahan pa ng kanilang hanay ang lahat ng mga reports ngayon na may kaugnayan sa mga paglabag na ginawa ng PNP.Kabilang na rito ang umano report na sinira ng PNP ang crime scene matapos ang insidente noong biyernes.Hindi rin raw sana ang SWAT personnel ang ideneploy sa areakundi ang crowd control na PNP personnel
Wala ring malinaw na pahayag ang opisyal kaugnay sa pagsasailalim sa paraffin test sa mga barail ng PNP na kasama sa nabanggit na dispersal.Wala ring naging komentaryo si Tabernilla sa naging konklusion rin ni Police Chies Supt. Wilben Mayor ang PNP spokesperson na umano ilan sa mga raliyesta ay pinuno ng New People's Army o NPA.Sa ngayon wala pang resulta at nagpapatuloy pa ang ginagawang Fact Finding Mission ng Philippine National Police para mailahad at maipalabas nila ang makatotohanang pangyayari na walang pinapaboran sa nabanggit na insidente. Tatlo ngayon ang lumalabas na isyu sa isinagawang fact finding mission ng mga progressive group kaugnay sa umano madugong dispersal sa mga raliyesta sa Kidapawan City National Highway noong nakaraang Biyernes.Kabilang na rito ayon pa kay Kristina Palabay ang Secretary General ng Karapatan National ayandUna kinumpirma nilang dalawa ang nasawi sa naturang dispersal na kinilalang sina Darwin Sulang, 22 anyos na tinamaas sa ulo at isa ring Manobo at sibilyan na si Enrico Fabligar na taga Kidapawan City.Base sa pahayag ng mga witnesses ang dalawa ay tinamaan ng bala mula sa baril ng pulis na umano nakapwesto pa raw sa ibabaw ng firetruck.Pangalawa, kinumpirma nilang may sampung magsasaka ang nagtamo ng gunshot wounds na ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa ospital na kinilalang sina Alfie Awi, Darwin Magyao, Arnel Takyawan, Rodelio Daelto, Rodolfo Tano, Ronald Yampas, Victor Lumundang, Mark Anthony Delgado, Rogelyn Joy at Leo Imyung.Anim rin sa mga nabanggit ay nahaharap sa kasong direct assault.At pangatlo ay nakumpirma nilang may 71 mga magsasaka ang ngayon hawak ng mga otoridad kung saan 25 rito ay mga babae. Tatlo raw ang buntis at tatlo naman ang senior citizens.Samanatala ibinunyag naman ng isang Doctor na kasama sa Fact Finding Mission ay nagkumpirma na 17 mula sa 25 mga kababaihan na hawak ng PNP ay nakranas ng Accute stress Reaction o Traumatic stress habang 6 naman sa kanila ay binbantayan dahil posible silang magpakamatay.Ang nabanggit na resulta ay base sa tatlong araw na fact finding mission na isinagawa ng progressive groups mula pa sa kalakhang Maynila.Ang National Fact Finding Mission ay binubuo naman ng 27 katao mula sa mga organisasyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP, Karapatan, National Union of Peoples Lawyers, Promotions of Church Peoples Response, Gabriela Womens Party, Anak Pawis, Iglesia Filipino Indipindiente, Kilusang Mayo Uno, Health Action for Human Rights, Katribu, Center for Trade Union and Human Rights Congress of Teachers and educators for Nationalism and Democracy, National Council of Churches of the Philippines, Childrens Rehabilitation Center, Center for Womens resources at Anak bayan. Dagdag na 400 mga fire volunteers, ipinanawagan ulit ng OCD at DENR Region 11 para tumulong na apulahin ang apoy sa Mt. Apo. Agad nagsagawa ng pagpupulong ang pamunuan ng Office of the Civil Defense o OCD at Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 11 matapos silang makarating sa base camp sa Sitio Tumbis, Sta. Cruz Davao del Sur kahapon ng umaga.Isa kasi sa nakikitang problema ngayon ng Incident Management Team o IMT na idinulog sa kanila kasabay ng ground operation ng mga volunteers sa area ay ang pakalat kalat na area ng mga nasusunog.Kaya naman mismong si DENR 11 Regional Director Joselyn Marcos Vergara nagbunyag na maglalagay sila ng mga foresters para makatulong sa ginagawang assesment sa sunog sa Mt. Apo. Sinabi rin ni OCD 11 Regional Director Liza Mazo na magdaragdag sila ng volunteers para sa ground operation matapos personal na makita ang sitwasyon sa area.Sinuspende naman kahapon ang water spraying at ice bucket dropping matapos binalot ng makapal na ulap ang erya na resulta rin sa ginagawang cloud seeding operation ng DENR
sa lugar.Ipinahayag rin ni Hari Camoro ang spokesperson ng IMT na magdaragdag sila na mga fire lines.Dahil dito nangangailangan ngayon ng dagdag na 400 mga volunteers para sa gagawing fire lines.Kaugnay nito, napag-usapan rin sa kanilang pagpupulong na hihingi na sila ng tulong sa EDC o Energy Development Corporation.Nabatid na muling sumiklab ang sunog sa paanan ng bundok kahapon ng umaga kaya maagang rumesponde ang mga otoridad sa lugar na ayon sa reprot kumalat ito ng abot sa 113 ektarya. Nanguna sa medal tally sa day 4 ng National Private Schools Athletic Association o PRISAA meet sa Koronadal City kahapon sa Secondary level ang Region XI.
Ito ay matapos makasungkit ng 24 gold, 28 silver, at 10 bronze o kabuuang 62 medals.
Pumapangalawa naman ang Region VI na mayroong 57 medals, kabilang ang 23 gold, 20 silver at 14 bronze medals.
Ang region IV na mayroong 10 gold, 11 silver at 14 bronze o kabuuang 35 medals ay nasa pangatlong pwesto.
Pang apat naman ang Region III na nakasungkit ng 10 g0ld, 4 silver, at 9 bronze medals.
Ang host na region 12 ay hindi pa nakakuha ng medalya sa day 4 ng PRISAA kahapon sa Secondary level.
Sa tertiary level, nangunguna sa ngayon ang Region VII na nakakuha ng 29 gold, 23 silver at 14 gold o kabuuang 66 medals.
Pumangalawa ang Region VI na nakakuha ng kabuuang 53 medals, kabilang ang 22 gold, 10 silver at 21 bronze medals.
Ang region IV-A na mayroong 5 gold, 16 silver at 10 bronze o kabuuang 31 medals ay nasa pangatlong pwesto.
Pang apat naman ang region V na mayroong 5 gold, 6 silver at 5 bronze medals o kabuuang 16 medals.
Ang region XII ay nakasungkit naman ng 4 na gold, 2 silver at tatlong bronze sa elementary level.
Kaugnay nito, bukas biente kwatro oras ang City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO Koronadal kasabay ng National Private Schools Association o PRISAA meet sa Koronadal.
Ito ang tiniyak mismo ni CDRRMO Action Officer Cyrus Urbano.
Layon nito ayon kay Urbano na matiyak ang katiwasayan sa lungsod at maging kaligtasan ng mahigit 6 na libong mga delegado sa PRISAA meet.
Ayon kay Urbano may itinalagang medical at rescue team ang CDRRMC sa bawat playing venue para sa mas mabilis na pagresponde sa pangangailagan ng mga atleta.
Gayunpaman tiniyak ni Urbano na hindi pa nakatanggap ng anumang reklamo may kaugnayan sa patimpalak ang CDRRMO Koronadal.

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...

Zamboanga dealer busted for P8.1-M shabu `linked’ to dealers in other provinces

COTABATO CITY - Plainclothes policemen seized before dawn Friday P8.1 million worth of shabu from a dealer in Zamboanga City who reportedly has...

3 drug suspects arrested in Tacurong

ISULAN, Sultan Kudarat - Operatives of Sultan Kudarat police provincial office, under the supervision of Colonel Arnold Santiago, deputy regional...