Thursday Feb, 09 2023 07:53:14 PM

NDBC BIDA BALITA Aug. 25, 2015

 • 07:09 AM Wed Aug 26, 2015
1,666
By: 
NDBC

NEWSCAST

AUGUST 25,
2015 (TUE)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong MARTES, AUGUST
25, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. DALAWA KATAO, patay sa panibagong
kaso ng pamamaril sa Cotabato city isa sa mga biktima, dating pulis.

2. IMBESTIGASYON ng PNP sa panghahagis
ng granada sa detachment ng Highway Patrol Group sa Tacurong City, pinaigting
pa

3. 57th IB ng Philippine Army,
itinanggi ang akusasyon na sila ang nasa likod ng pagpatay sa lider ng grupo ng
mga magsasaka sa Arakan, North Cotabato

4. ILANG MATATAAS na opisyal ng
gobyerno, tutol din sa planong random inspection ng mga balik-bayan box.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

local………………….

AGAD na nasawi ang dalawang mga lalake
matapos pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang suspek pasado alas- singko ng hapon
kahapon sa isang boarding house sa Purok 3, barangay Rosary Heights 9, Cotabato
City.

Kinilala ni ng may ari ng boarding
house na si Felipe Plantar, ang mga biktima na sina Norman Mamasabang, 37 years
old, dating pulis ng PNP ARMM at Jeffrey Istacio, 23 years old, isang on-call
na waiter.

Sa salaysay ni Plantar, narinig niyang
nag aaway si Mamasabang at ang live-in partner nito na nakilala lang sa
pangalang Arianne, isang estudyante.

Kasunod nito ay dumating si Istacio na
siyang sinasabing utusan ni Mamasabang.

Nabigla na lamang si Plantar ng
makarinig siya ng ilang putok mula sa kwartong inuupahan ng biktima.

Hindi naman siya agad lumabas dahil sa
takot na madamay.

Maya-maya pa ay nakita na niyang
tumatakbo ang live-in partner ni Mamasabang na si Arianne.

Ayon kay Plantar, tinangka pa niya
itong habulin para tanungin sana kung ano ang nangyari ngunit mabilis itong
nakalayo mula sa lugar.

CUE.....FELIPE

Sa inisyal na imbestigasyon ng City PNP,
papalabas sana ng boarding house si Mamasabang matapos niyang buksan ang gate
nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril siya ng maraming
beses.

Pumasok pa ang suspek sa kwarto ni
Mamasabang kung saan naroon si Istacio kaya’t nabaril din ito.

Narekober sa crime scene ang empty
shells ng cal 45 na pistol, 12gauge shotgu) at caliber 5.56 na baril.

Nakuha rin sa lugar ang ilang drug paraphernalia
at mga students ID.

Local……………………

57th IB ng Philippine Army, itinanggi
ang akusasyon na sila ang nasa likod ng pagpatay sa lider ng grupo ng mga
magsasaka sa Arakan, North Cotabato

Mula sa DXND Radyo bida Kidapawan- narito ang report

(KIDAPAWAN – 57TH IB)

Mariing kinondena ng 57th Infantry
Battalion ng Philiipine Army ang pagbaril at pagpatay sa isang magsasaka kung
saan itinuturong responsable ang grupo ng New People's Army o NPA sa Brgy Lama-lama, Upper President
Roxas, North Cotabato.

Sinabi ni 57th IB Commader LT.Col Jose
Rustia, malinaw na paglabag sa karapatang pantao ang ginawa ng mga rebeldeng
NPA sa pagpatay sa isang sibiliyan na si Alvin Enca.

Naniniwala si Rustia na may kaugnayan
ang pagpatay kay Enca sa sinapit ni Joel Gulmatico, leader ng mga magsasaka sa
yan ng ARakan na halos magkasunod lang na nangyari.

Nilinaw din ni Rustia na hindi
impormante ng militar si Enca at wala itong kaugnayan sa mga operasyon ng
militar kaya walang dahilan para patayin ang biktima.

Kaya naman, hinihikayat ngayon ni
Rustia ang mga progresibong grupo na tutukan ang paghahanap ng hustisya sa
sinapitni Enca at hindi lamang piliin ang mga isyung pwedeng iparatang sa
kanila.

Matatandaang noong August 17 habang
naghahapunan lamang ang pamilya Enca ng bigla itong pasukin ng grupo ng NPA na
pinamumunuan ni Comander Aman at Jeko at pinagbabaril ang biktima sa harap
mismo ng kanyang pamilya.

Local …………………….

IMBESTIGASYON ng PNP sa panghahagis ng
granada sa detachment ng Highway Patrol Group sa Tacurong City, pinaigting pa

Mula sa DXOM
Radyo Bida- Koronadal, narito ang report

(KORONADAL –
GRANADA)

Nagpapatuloy pa rin ang
imbistigasyon ng pulisiya sa
panghahagis ng granada sa compound ng Highway Patrol Group sa EJC
Montilla, Tacurong city, kamakalawa ng gabi.

Ito ang ipinahayag ni
Superintendent Junny Buenacusa, ang Chief of Police ng Tacurong matapos
kumpirmahin ang pagkakatuklas ng mga bakas ng MK2 fragmentation grenade malapit sa kampo ng
HPG.

Inihayag ni Buenacusa na
wala namang nasaktan o nasawi sa insidente,
bagama’t ikinaalarma ito ng mga nakaduty na police.

Ayon kay Buenacusa, hindi
kaagad nahabol ng mga myembro ng HPG ang mga suspek dahil noong una, hindi alam
na sila pala ang target ng mga ito.

Saka lamang ito nakumpirma
ng rumesponde sa lugar ang mga pulis na hiningan nila ng tulong.

Nabatid na dahil sa bumangga
sa puno ng saging hindi bumagsak sa loob
mismo ng HPG Compound ang granada.

INihayag ng police official
na huli umanong namataan ang riding tandem na mga suspek sa crossing papuntang
bayan ng Lambayong Sultan Kudarat.

Isa sa mga anggulo na
tinutumbok ng imbistigasyon ng pulisiya sa insidente ay paghihiganti .

Ayon kay Buenacusa, sunod
sunod kasi ang panghuhuli na isinagawa ng HPG sa mga illegal na motorista
nitong mga nakalipas na linggo.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

MAGTATAPOS NGAYONG ARAW ang Asia
Theology Forum na dinaluhan ng mga pari, madre, non government organizations at
environment advocates mula sa iba’t ibang mga bansa kabilang na ang Japan,
Hongkong, Indonesia, Malaysia, India, Pakistan at USA.

Ang aktibidad ay may temang Peace for
the Earth beyond post 2015 focused on Women and Ecological Sustainability”.

Ito ay taunang pagtitipon na ang
layunin ay mapalawak ang kamalayan ng mga kalahok sa kasalukuyang mukha ng
daigdig at kung paanong mapanunumbalik ang kaayusan ng mundong nilikha ng Diyos.

Kaugnay nito, ikinatuwa ni Novaliches
Bishop Emeritus Teodoro Bacani na ginawa sa Pilipinas ang naturang pagtitipon
ngayong taon.

Dagdag pa ng obispo, hangad niya ang
mabunga at mapagpalang talakayan para sa mga nag alay ng panahon upang pag usapan
ang mga kasalukuyang isyu na kinakaharap ng mundo.

BERNADETTEand

SUNDAN ang
mga balita sa NDBC Bida Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

SUSUNOD……

KWESTYUNABLENG random inspection sa mga
balik-bayan box na ipatutupad ng Bureau of Customs, pa iimbestigahan ng BAYAN MUNA

CALOYand AT
ABANGAN SA TIMRA!

TATLONG high school students, patay
matapos malunod sa sa Surigao del Norte.

Ang mga
balitang yan at iba pa, susunod na sa NDBC BIDA BALITA.

0-

2ND BREAK

Local …………………

NAGHAIN
NG HOUSE RESOLUTION SINA BAYAN MUNA
REPS. NERI COLMENARES AT CARLOS ZARATE UPANG IMBESTIGAHAN ANG PANUKALANG MAS MAHIGPIT NA INSPEKSYON NG
BUREAU OF CUSTOMS SA MGA BALIKBAYAN BOXES.

Sa
panayam sa DXMS AM Radyo Bida ngayong umaga, sinabi ni Rep. Zarate na halos
lahat ng kanilang napag-tanungan maging sa social media ay tumututol sa
naturang panukala.

Iginiit
ng opisyal na hindi tamang pati
balikbayan boxes ay buksan ng BOC.

ZARATE
CUE……………

Iginiit
ni Zarate na dapat pagtuunan na lamang ng pansin ng BOC ang tambak na
kontrabando sa kanilang bakuran, pagsawata sa mga big time smuggler, at ang problema sa korapsyon sa kanilang
ahensiya.

Ayon
pa kay Zarate, pinaghirapan ng mga OFW ang laman ng balikbayan box kaya’t
walang karapatan ang sinuman na ito ay pakialaman.

Nangangamba
ang kongresista na sakaling ito ay magpatuloy, lalong lalakas ang korapsyon at nakawan ng mga gamit mula sa padala ng mga OFW.

Dagdag
pa ng mambabatas, ang pagkalugi ng BOC ng 600 milyong piso taon-taon ay maliit
lamang kung ikukumpara sa mga bilyon pisong halaga na nawawala dahil sa
korapsyon at smuggling na nakakalusot sa custom.

Kuniwestiyon
din ni Zarate kung bakit kinakailangang buksan ang mga balikbayan box gayung
gumagamit naman ng X-Ray machine ang BoC

CONGRESSMAN
CUE………….

Si
Bayan Muna Rep. CARLOS ZARATE sa panayam sa DXMS AM Bantayan ngayong umaga

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

KONTRA RIN ang kalihim na ng Department
of Labor and Employment o DOLE sa plano ng Bureau of Customs o BOC na buksan at
inspeksyunin ang mga balikbayan box ng mga OFW.

Giit ni Labor Sec. Rosalinda
Dimapilis-Baldoz, maituturing nang bahagi ng kultura ng mga Pinoy ang
pagpapadala ng mga gamit, pagkain, damit at iba pa sa mga kamag-anak nito na
nasa ibang bansa at ito’y hindi isang uri ng negosyo.

Naniniwala ang kalihim na may kakayahan
ang BOC na matiyak na nakakasunod sa tariff and customs regulations ang mga
ipinada­dalang balikbayan boxes ng mga OFWs.

Samantala, kumilos na rin si Pangulong
Aquino sa usapin.

Ipinatawag nito si Customs Commissioner
Bert Lina upang hingan ng klarong paliwanag at detalye ng kontrobersyal na
plano.

Mismong ang Pangulo ay makikirepaso sa
naturang polisiya kung kinakailangan para maprotektahan ang interes at
pinaghirapan ng mga OFWs at ng kanilang pamilya.

Maging si Justice Sec. Leila de Lima ay
may payo sa BOC sa isyu ng balikbayan box dahil mayroon naman praktikal na
paraan ng pagsusuri nang hindi na kailangang buksan pa ang mga padalang kahon.

LOCAL…………………

South Cotabato provincial
Rehabilitation and Detention Center naghigpit ng seguridad matapos ang tangkang
pagtakas ng apat na mga preso nito.

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL – PRESO)

Maghihigpit
pa ng seguridad ang pamunuan ng South
Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center o SCPRDC.

Ayon
kay OIC Provicial Jail Warden Juan Lanzaderas, layon nito na na matiyak na di na maulit pa ang tangkang
pagtakas ng mga preso sa pasilidad.

Inihayag
ni Lanzaderas na maglalagay sila ng dagdag na perimeter fence sa paligid ng
SCPRDC.

Ito
ay bukod pa sa pagpapaigting ng intillgence monitoring upang mabantayan ang
mahigit walong daang mga bilanggo sa loob ng
pasilidad.

Matatandaan
na ang mga presong sina Jeffrey Cabrera residente ng Polomolok, South Cotabato
at may kasong robbery-hold up at Jonathan Campong ng Noru, Upi, Maguindanao na
kinasuhan ng illegal possession of explosive
ay nahuli sa palayan di kalayuan sa ScPRDC linggo ng umaga.

Bigo
namang makalabas sa kulungan ang mga kasamahan nilang sina Remark Bersula ng
Barangay San Jose Koronadal na may kasong robbery at Ryan Paquera na kinasuhan
ng illegal possession of firearms.

Narecover
ng mga otoridad ang pinagdugtong na beddings at bakal na ginamit ng apat para makalabas sa compound ng piitan.

Sila
ayon kay Lanzaderas ay inilagay na sa magkakahiwalay na selda.

LOCAL…………………

CAFGU
Member, patay sa vehicular accident sa Makilala, North Cotabato.

Mula sa DXND Radyo
Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
CAFGU)

Dead
on the spot ang isang 46 anyos na CAFGU member matapos bumangga ang kanyang
minamanehong motorsiklo sa isang pampasaherong van sa Davao-Cotabato National
Highway partikular sa Sitio Caimito, Brgy Kisante, Makilala North Cotabato
pasado alas 10 ng umaga kahapon.

Kinilala
ni Makilala Traffic Investigator PO2 Mindel Calinga ang biktima na si Nilo
Lauda Sr, at residente ng Brgy Cabilao, Makilala.

Ayon
kay Calinga, sakay ang biktima sa kanyang motorisiklo galing Makilala area at
pagsapit nito sa nirerepair na kalsada sa brgy. Kisante ay nagtangka itong mag
overtake sa isa ring van at dito na nia nakabangga ang ka engwentrong Toyota
D4D van na minamaneho naman ni Alfredo Eltagonde, 44anyos na taga-Digos City.

Dahil
walang suot na helmet, Matinding sugat sa ulo ang tinamo ng biktima dahilan ng
kanyang agarang kamatayan.

Samantala,
oras lamang ang pagitan ay doon ring lugar binawian ng buhay ang isang laborer
na si Emmanuel Manzo matapos bumangga ang kanyang motorsiklo sa signage sa
highway dahil na rin sa road rehabilitation ng DPWH sa lugar.

Ang
signage ay inilirawan ng Makilala PNP na isang kahoy lamang at wala itong
reflector dahilan para hindi ito malinaw lalo na kung gabi.

TIMRA

NARITO ang
mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI
Medical Supplies.

TIMRA
08-25-2015 ARGIE GRATUITO

SUMAINYO ang
mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI
Medical Supplies.

SUNDAN ang
mga balita sa NDBC Bida Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

Susunod ..

Pagbibigay ng karampatang benipisyo sa kanilang
mga kawani, tinututukan ng South Cotabato provincial government

At………………………..

Militar, kinondena ang pagpatay ng New
People's Army sa isang magsasaka sa President Roxas, North Cotabato.

Ang detalye
ng mga balitang ‘yan, susunod na sa NDBC BIDA BALITA!

0-

3RD
BREAK

Local…………………….

MAY PAG-ASA ang
BANGSAMORO BASIC LAW pero hindi pa rin ito sigurado.

Ito ang tahasang
sinabi ni Moro Islamic Liberation Front o MILF chief peace negotiator Mohagher
Iqbal kasabay ng turnover ceremony ng school building at dalawang silid-aralan
sa Keblig Elementary School sa North Upi, Maguindanao.

Ayon kay Iqbal, wala
pa man ang usapang pangkapayapaan ay matagal ng tumutulong ang bansang Japan sa
Mindanao o saan mang lugar sa Pilipinas.

Aniya, marami man sa
senado ang nagpapahayag na maipapasa ang BBL ay taliwas naman ito sa nakikita
at nangyayari sa kongreso at nararamdaman ng Bangsamoro.

Binigyang diin ni
Iqbal na bagama't wala paring nangyayari sa BBL, ay dapat panatilihin ng bawat
Bangsamoro, maging ng lahat ang kapayapaan.

CUE.... IQBAL FINAL

Si Moro Islamic
Liberation front o MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal

Sa panig naman ni JICA
president Dr. Akihiko Tanaka, sinabi niya na patuloy nilang sinusuportahan ang
Bangsamoro Basic Law kasama ang buong Japanese Government.

Aniya, bagama't wala
pa ring nangyayari sa naturang panukala, tiwala sila sa kasunduang pinasok ng
gobyerno ng Pilipinas at MILF.

Kaya aniya, patuloy
ang suporta nila sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga Quick impact projects
partikular sa bangsamoro area.

CUE.... PRESIDENT 1

Si Dr. Akihiko
Tanaka ang presidente ng Japan International Cooperation Agency o JICA.

Kinumpara naman ni
MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal ang Japan at ibang bansa na malapit
na sa mga taga Japan ang bangsamoro at walang atubiling tumulong na walang
inaasahang kapalit mula pa noong una, kahit pa hindi napaguusapan ang peace
process.

CUE....IQBAL

Samantala, MATAPOS
ang apat na buwang konstruksyon, ay magagamit na rin ng mga mag aaral at guro
ng Kibleg Elementary school ang kanilang 2-classroom school building.

Pasado alas-dos ng
hapon kahapon ang formal turnover ng naturang school building mula sa Japan
International Cooperation Agency o JICA Cotabato Project office at ng implementing
agency nito na Bangsamoro Development Agency o BDA.

Laking pasalamat ng
mga estudyante na nabigyan sila ng mga silid aralan na pakikinabangan ng
pre-school at grade 1 pupils.

CUE.......ESTUDYANTE

Bilang isang
magulang, masaya rin si Jocelyn Aleman dahil makatutulong ang magandang silid-aralan
para mas ganahang mag aral ang kanilang mga anak.

CUE.......MAMA

Para naman sa gurong
si Mushley Avila, napakalaking tulong ng bagong school building dahil mas
magiging kumportable na sa pag aaral ang mga bata.

CUE.......TEACHER
MUSHLEY

Nagpahayag naman ng
pasasalamat ang isang lumad na guro na si Professor Ernie Lala sa JICA AT BDA
dahil sa tulong na ibinigay sa kanila.

CUE...LUMAD TEACHER

Local……………………

Militar, kinondena ang pagpatay ng New
People's Army sa isang magsasaka sa President Roxas, North Cotabato.

Mula sa DXND Radyo
Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
PAGPATAY)

Mariing kinondena ng 57th Infantry
Battalion ng Philiipine Army ang pagbaril at pagpatay sa isang magsasaka kung
saan itinuturong responsable ang grupo ng New People's Army o NPA sa Brgy Lama-lama, Upper President Roxas,
North Cotabato.

Sinabi ni 57th IB Commader LT.Col Jose
Rustia, malinaw na paglabag sa karapatang pantao ang ginawa ng mga rebeldeng
NPA sa pagpatay sa isang sibiliyan na si Alvin Enca.

Naniniwala si Rustia na may kaugnayan
ang pagpatay kay Enca sa sinapit ni Joel Gulmatico, leader ng mga magsasaka sa
yan ng ARakan na halos magkasunod lang na nangyari.

Nilinaw din ni Rustia na hindi
impormante ng militar si Enca at wala itong kaugnayan sa mga operasyon ng
militar kaya walang dahilan para patayin ang biktima.

Kaya naman, hinihikayat ngayon ni
Rustia ang mga progresibong grupo na tutukan ang paghahanap ng hustisya sa
sinapitni Enca at hindi lamang piliin ang mga isyung pwedeng iparatang sa
kanila.

Matatandaang noong August 17 habang
naghahapunan lamang ang pamilya Enca ng bigla itong pasukin ng grupo ng NPA na
pinamumunuan ni Comander Aman at Jeko at pinagbabaril ang biktima sa harap
mismo ng kanyang pamilya.

Local………………….

Pagbibigay ng karampatang benipisyo sa kanilang
mga kawani, tinututukan ng South Cotabato provincial government

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
BENIPISYO)

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

WALA
NA RAW sa lugar ang income tax na sinisingil ng Bureau of Internal Revenue o
BIR sa bawat Pinoy kaya dapat nang amyendahan ang batas ukol dito.

Ito
ang iginiit ni Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares.

Sinabi
ni Colmenares hindi interesado ang Malacañang na bawasan ang income tax kaya
hindi gumagalaw sa Kongreso ang panukalang amyendahan ang income tax law sa
bansa.

Ayon
pa kay Colmenares, noong panahon pa ni dating Pangulong Aquino ginawa ang batas
na nagpapataw ng 32% na income tax sa mga mamamayan na kumikita ng P500,000
kada taon.

Base
aniya sa pagtatanong nito sa National Statistics Office, ang P500,000 noong
1987 ay katumbas na ng 2.6 million pesos na halaga kaya hindi na aniya
makatarungan ang sinisingil na 32% na income tax.

Dahil
dito, kailangan na aniyang amyendahan ang batas upang ibaba sa 15% ang kinokolektang
buwis sa bawat mamamayan na kumikita ng P500,000 kada taon dahil walang
ordinaryong mamamayan ang kumikita ng P2.6 million sa kanilang suweldo ngayon.

DA
NEWS

NARITO ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE
PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH NEWS-

MGA BIDAand Mga paraan upang malamang
hindi na tama ang pagtulog.

Una, kung gumagamit ng sleep tracker
para malaman kung nagkaroon ng good night sleep.

Pangalawa, kapag sa ulo mo lamang
ginagamit ang unan.

Dapat kasi kapag nakadapa matulog,
maglagay ng isang unan sa bandang tuhod upang maalis ang pressure sa lower
back.

Kapag nakatagilid naman lagyan ng unan
ang ilalim ng top armpit upang suportahan ang braso at isa naman sa pagitan ng
binti upang mapanatiling diretso ang spine.

Hindi rin umano makabubuti ang pagtulog
ng nakadapa ayon sa pag aaral pati na ang paggamit ng sobrang lambot na unan o
kama.

Kapag hindi consistent ang oras ng
tulog dapat bumawi sa weekends.

At hindi rin nakabubuti na kapag
natutulog katabi ang ma gadgets o mga alagang hayop.

CALOYand

SUNDAN ang
mga balita sa NDBC Bida Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

SUSUNOD...

MAGSASAKA nagbigti, patay sa
Pigcawayan, North Cotabato.

At……………………

Isa patay, 33 sugatan nang araruhin ng
truck ang limang mga sasakyan sa highway ng Kidapawan City

Ang detalye
ng mga balitang ‘yan, tunghayan sa pagpapatuloy ng NDBC BIDA BALITA!

0-

4TH
BREAK

Local……………….

PATAY na nang madatnan ng kanyang
kapatid ang 42 taong gulang na magsasaka sa loob ng bahay nito sa barngay North
Manuangan, Pigcawayan, North Cotabato.

Sinabi ni Pigcawayan PNP Chief police
chief inspector Donald Cabigas na pasado alas sais ng umaga kahapon nang
matagpuan ni Antonio Cedeño ang kapatid na si Edward James Cedeño na
nakalambitin at wala ng buhay.

Gamit ang makapal na lubid ay itinali
nito ang kanyang leeg sa bubungan ng kanilang bahay saka nagpatiwakal.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Cabigas na
sobrang nagdamdam si Edward James at na –depress nang iwanan siya ng kanyang
misis.

Local………………….

Isa patay, 31 iba pa, sugatan nang
araruhin ng truck ang limang mga sasakyan sa highway ng Kidapawan City

Mula sa DXND Radyo
Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
AKSIDENTE)

PATAY ang driver ng tricycle
nang araruhin ng rumaragasang 10-wheeler truck ang minamaneho niya’ng sasakyan
at apat na iba pa sa highway ng Kidapawan City, alas otso kagabi.

Kinilala ang namatay na
biktima na si Charlie Candado Saldua habang kinilala naman ang mga nasugatan na
sina .....

Ayon sa report, maliban sa
tricycle na inararo ng isang GIGA truck, sira sira rin ang mga nadamay na
multi-cab, Nissan Navarra, isang kotse, at isa pang tricycle

Kinilala naman ng Kidapawan
City PNP ang truck driver na si Jamel Wamar, 27 taga Barangay Silik, Pikit,
North Cotabato.

Ayon kay Wamar, nagloko ang
brakes ng kanyang minamanehong sasakyan habang binabaybay na ang kahabaan ng
national highway, particular sa may Barangay Balindog.

Kagagaling lamang daw niya
sa Davao City para maghatid ng karga.

At magaan na daw ang truck
nang pabalik na ito ng bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Dalawang helper naman ang
kanyang sakay pauwi na tulad niya ay nakakulong na rin ngayon sa lockup cell ng
PNP.

Sinabi ni Superintendent
Frank Anito, hepe ng Kidapawan City PNP, kakasuhan ng homicide at multiple
frustrated homicide due to reckless imprudence ang tatlo.

Ito na ang pinakamatinding
road accident sa Kidapawan City, simula taong 2010.

Noong 2007, inararo din ng
drumptruck na nagloko rin ang brakes ang higit 10 mga sasakyan sa highway ng
kalapit-bayan ng Makilala, North Cotabato na ikinasawi ng 8 katao at
pagkakasugat ng higit 40 iba pa.

ARAKAN
UPDATES……………… CUE

PLAY
ARAKAN SPECIAL REPORT

Local…………………….

Dalawang Contingent mula South
Cotabato, wagi sa katatapos lamang na Kadayawan Festival ng Davao City

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
WAGI)

BALITA ABROAD…………………..
PLAY STINGER

Patay ang isang piloto matapos
magbanggaan ang dalawang maliit na eroplano na kasali sa isang airshow sa Switzerland.

Pansamantalang hindi kinilala ang nasawing
piloto habang nakaligtas naman ang isa pang piloto ng kabanggaan nito na
nangyari noong alas-11:15 ng umaga sa airshow sa bayan ng Dittingen.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bago
ang aksidente ay kabilang ang dalawang eroplano sa tatlong C-42b planes mula
Germany na tinawag na Grasshoppers subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay
naganap ang trahedya.

Sinasabing hindi na nagawa pang
makapag-eject ang nasawing piloto habang ang isa pang piloto ay agad na
nakapag-eject bago pa magbanggaan ang dalawang eroplano.

Noong nakalipas na Linggo, 11-katao ang
nasawi matapos bumagsak ang isang military plane sa ilang sasakyan habang
isinasagawa ang Shoreham Airshow sa southern England.

CALOYand

SUNDAN ang mga balita sa NDBC Bida
Balita, bisitahin ang and//www.ndbcnews.com.ph/ www.ndbcnews.com.ph

SUSUNOD...

Amateur boxers mula sa North Cotabato
at General Santos City nagsalpukan sa Governor Lala Invitational Boxing Open sa
bayan ng Alamada.

At......

SOCCKSARGEN Regional
Athletic Association meet, pinaghahandaan na ng Dep Ed South Cotabato

Ang
detalye ng mga balitang ‘yan susunod sa NDBC BIDA BALITA.

0-

5TH
BREAK

Local…………………..

BBL update naman mga BIDA!

Nagsimula na ang debate sa Senado
kaugnay ng kontrobersiyal na Bansamoro Basic Law o BBL.

Unang humarap kay Senate Local
Government Committee Chairperson Sen. Bongbong Marcos na sponsor ng panukala,
si Sen. Pia Cayetano at sinundan na si Sen. Ralph Recto.

Kinwestyon ni Cayetano ang pananatili
ng block grant sa substitute bill ni Marcos.

Sabi ni Cayetano, Very general pa rin
ang bersyon ni Marcos. Aniya, bagaman at suportado niya ang paglaan ng pondo sa
bangsamoro area pero dapat mas malinaw ang mekanismo nito at may mas maayos na
guidelines.

Aminado naman si Marcos na sadya niyang
hinayaang manatili ang block grant provision na halos kapareho ng original
version ng BBL sa kanyang substitute bill.

Nais daw kasi niya mabuksan ang isyu
upang matalakay sa plenaryo.

Samantala, binigyan naman ni Marcos Jr ng
pagkakataon na marinig sa senado ang boses ng sultanates at indigenous people sa
Mindanao na nagsasabing hindi sila kinunsulta kaugnay ng pagbuo ng BBL.

Iginiit ni Marcos na importante ang
papel ng mga sultanate at IP sa usapin ng BBL.

Dumalo sa senate committee hearing
kahapon ang Council of Royal Datus, Council of Royal Ladies, Sultanate of
Maguindanao, Iranun Sultanates League of the Philippines, Federation of Royal
Sultanate Descendants of Mindanao Sulu and Palawan, The Heirs of Sultan
Mohammad Esmael Organization, Inc., Maguindanao Mandanaue Darussalam,
Federation of the Royal Sultanate of Lanao, Sultan Uko Royal Descendants
Associations, Inc., The Royale House of Maharadjah Tabunaway, Bangsamoro Royal
Houses Solidarity Conference at Sultanate of Bayang, Lanao del Sur.

Naroon din ang Timuay Justice and
Governance, Gempa te Kelindaan ne Kamal ne Erumanen ne Menuvu, Mindanao
Indigenous Peoples’ Peace Forum, Lumad Mindanawed Peoples’ Federation, Organization of Teduray
and Lambangian Conference at ang Sulu
Foundation of Nine Ethnic Tribes, Inc..

Local…………………..

IP HOUSING PROJECT SA MAKILALA, NORTH
COTABATO, INABANDONA NG KONTRAKTOR, AYON SA IPMR

Mula sa DXND
Radyo Bida- Kidapawan, narito ang report

(KIDAPAWAN –
HOUSING)

Kinumpirma ni Makilala Indigenous
People's Mandatory Representative Lutero Pampangan ang pagkaantala sa Lumad
housing Project ng National Housing Authority
o NHA sa Sitio Malumpine, Brgy Old Bulatukan, Makilala North Cotabato.

Sinabi ni Pampangan, halos apat na
buwan ng nasuspende ang nasabing proyekto matapos itong abandunahin ng mga
kontraktor dahil kulang ang mga
materyales na gagamitin rito.

Ibinunyag rin ng opisyal na lumagpas na
sa project calendar ang pagkompleto sa Housing Project bunga na rin sa
pagkaubos ng pondo nito.

Nabatid na nasa labing walong mga bahay
lamang ang naitayo ng mga kontractor sa lugar na sanay 25 mga bahay.

VC PAMPANGAN.

Si Makilala IPMR Lutero Pampangan

Ang IP Housing project ay pinodohan sa
ilaim ng National Housing Authorityo NHA at ipinatupad sa pangunguna ng Makilala
LGU.

Sa ngayon, hinihitay na lamang ang
pahayag mula sa NHA kaugnay sa nasabing proyekto.

Local…………………….

SOCCKSARGEN Regional
Athletic Association meet, pinaghahandaan na ng Dep Ed South Cotabato

Mula sa DXOM
Radyo Bida- KORONADAL, narito ang report

(KORONADAL –
MEET)

Nagtapos
ng matagumpay ang provincial meet for individual events ng Department of
Education o Dep Ed South Cotabato.

Ito
ay isinagawa sa bayan ng Norala noong August 19 hanggang 23.

Ayon
kay Alex Floro ang Sports Division Supervisor ng lalawigan, ang patimpalak ay
nilahukan ng may dalawang libong mga athlete, coach at chaperon mula sa iba’t
ibang lugar sa South Cotabato.

Inihayag
ni Floro na ang mga nagwaging atleta ang magiging kinatawan ng lalawigan sa mga individual events ng
regional meet.

kabilang
dito ang Arnis, archery, athletics, badminston, boxing, chess, gymnastics,
table tennis, taekwondo, tennis at swimming competitions.

Ang
mga nagwagi ayon kay Floro ay lalaban naman sa regional tournament na gaganapin sa Carmen, North
Cotabato sa September 17 hanggang 19.

Paliwanag
ni Floro ang provincial meet para sa mga individual events sa Norala ay simula lamang ng serye ng mga
paghahanda ng lalawigan para sa SOCCKSARGEN Regional Athletic Association o
SRAA meet.

Ayon
kay Floro ang provincial meet naman para sa mga group games ay gaganapin sa
bayan ng Tampakan sa Nobyembre.

SPORTS
……………. (Play Stinger)

Dumating na kagabi sa Pilipinas
ang LA Lakers point guard at Fil-Am na si Jordan Clarkson.

Masaya naman siyang sinalubong
ng mga taga-Gilas Pilipinas.

Nabatid na inimbitahan ng
Gilas si Clarkson bilang observer sa mga training ng koponan
ngayong linggo.

Kasama rin siya sa William
Jones Cup tournament sa Taipei.

Sabi naman mg Samahang
Basketbol ng Pilipinas o SBP dala na ng 23 gulang na Fil-Am ang kanyang mga
dokumento na nagpapatunay ng kanyang Filipino citizenship.

Agad itong isusumite sa FIBA
para ma-evaluate.

Una ng iginiit ni SBP
Executive Director Sonny Barrios na hindi na kailangan pang dumaan sa
naturalization process ang NBA star dahil isa siyang natural born Filipino
citizen.

Nilinaw pa ng SBP na 12
years old pa lamang si Clarkson ay mayroon na itong Philippine passport.

WEATHER
UPDATE…………… (Play Stinger)

Cue………….
Victoria

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang
balita ngayong MARTES, AUGUST 25, 2015… INYONG
NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO
BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko
ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT 75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at
matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang mga balitang narinig sa sa
and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida
News and Current Affairs Team, I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong muli! Maraming salamat at
MAGANDANG UMAGA.

2 killed in latest gun attacks in Cotabato City

COTABATO CITY - Two were killed, one of them a woman, while another was hurt in separate gun attacks in busy spots here Wednesday. Col. Querubin...

BARMM building 9 village halls in Cotabato City

  COTABATO CITY  – The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) has poured a total of PHP31.5 million for the...

NDBC BIDA BAITA (Feb. 9, 2023)

HEADLINES 1   ARMY Special Forces at MILF, muntik magkaputukan sa Maguing, Lanao del Sur; MILF humiling sa Army na ibaba muna ang armas...

3 biktima ng pamamaril sa Cotabato City, 2 patay, isa sugatan

  PATAY ang isang babae habang sugatan naman ang isa pa, nang pagbabarilin ng mga di pa tukoy na suspek pasado alas tres ng madaling araw...

Army Special Forces at MILF, muntikan nang magkaputukan sa Lanao del Sur

COTABATO CITY - MUNTIKAN NANG MAGKASAGUPA ang Philippine Army Special Forces at mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF, ang armed wing...