Thursday May, 23 2024 06:10:42 AM

NDBC BIDA BALITA DEC. 10, 2015

 • 00:56 AM Fri Dec 11, 2015
1,752
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

DECEMBER 10,
2015 (THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWANG EXTORTIONIST na naaresto sa
Midsayap, North Cotabato, SINAMPAHAN na ng kaso

2. Magkasunod na kaso ng panghahagis ng
granada sa Matalam, posibleng ganti rin sa PNP

3. Mahigit kalahating milyong halaga ng ari arian nasunog sa isang
eskwelahan sa Surallah, South Cotabato

Local………………..

ARESTADO ang dalawang pinaghihinalaang
extortionist sa isinagawang entrapment operation sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ni Midsayap Chief of Police
Supt. Gilbert Tuzon ang mga suspek na sina Omar Soledad, dating empleyado ng
Weena

Bus Company bago ito napalitan at si
Police officer 1 Howell Soledad Dequita na nakadestino sa Maritime 12 sa
General

Santos City na pawang mag residente ng
Barangay Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon kay Tuzon, isinagawa nila ang
operasyon sa loob ng Philippine National Bank branch sa Barangay Poblacion 6,
Midsayap.

Kung saan, huli sa akto ang mga suspek
na nangingikil ng pera sa dalawang babaeng negosyante na kinilalang sina Lucena
Singco at Rena Singco.
Nakikita ng PNP sa imbestigasyon na
nahikayat ang mga biktima na magbigay ng pera dahil natakot ang mga ito
sapagka't aktibo sa serbisyo sa pagka pulis ang isang suspek na si Dequita.

Maliban rito, nakuha rin sa mga suspek
ang ilang live ammunitions ng 45 pistol na baril, at fragmentation grenade sa
loob ng sasakyan ng suspek.

Kasalukuyan namang nakakulong ang mga
suspek sa Midsayap PNP lock up cell matapos maisampa ang kaso laban sa kanila
kahapon sa Kidapawan City.

Local …………………

NAGPAALALA
ang Datu Odin Sinsuat Maguindanao PNP sa lahat ng mga motorista na maging
maingat sa kanilang pagmamaneho sa anumang oras o panahon.

Ito matapos
na maitala ang isang panibagong vehicular accident sa bayan noong nakaraang
linggo kung saan isa ang namatay.

Nangyari ang
insidente sa Provincial road partikular sa Brgy. Labungan ng nasabing bayan.

Minamaneho ni
Herbert Gunsi, 27-anyos, taga-Brgy. Pandan, South Upi ang kanyang Busnia Truck
na kulay Dark Green na may license plate YEM 814 patungo sana ng Cotabato Cityhabang
minamaneho naman ng isang Michael Sultan ,23-anyos, taga Timanan, South Upi ang
kanyang kulay red na single Baja kawasaki Motorcycle na may license plate LA
54836 kasama ang kanyang mga angkas na sina Rommy Sincuro, 33-years old, Albert
Gambua, 23 at Andy Umpal, 35-anyos.

Sa report ng
DOS PNP, habang nasa magkaibang direksyon ang dalawang sasakyan, biglang
pumasok ang sasakyan ni Gunsi sa dinadaanan ng motorsiklo ni Sultan, dahilan
upang mabangga nito ang kanyang kaliwang bahagi ng sasakyan.

Agad namang
isinugod ang mga biktima sa pagamutan dahil sa mga natamong sugat nito pero
idineklara namang dead on arrival ng doctor ang isang angkas ng motorsiklo na
si Andy Umpal.

Kasalukuyan
namang nasa kustodiya ng DOS PNP ang mga sasakyang sangkot sa aksidente.

Local……………….

UMAPELA sa mga mambabatas sa
Kamara at Senado ang abot 300 mga Moro students at youth leaders mula sa 32 mga
youth organization sa Maguindanao, Sultan Kudarat at North Cotabato para ipasa
ang orihinal na bersyon ng Bangsamoro Basic Law o BBL.

Inihayag naman ng mga ito
ang kanilang matinding pagtutol sa Basic Law for the Bangsamoro Autonomous
Region o BL BAR.

Ang mga batang Moro leader
ay nagbuklod sa Bangsamoro Youth Peace Forum na may temang ‘Unity and
Solidarity towards Peace, Justice and Development kamakailang sa Datu Ibrahim
Paglas Memorial College, Datu Paglas, Maguindanao.

Ang BL BAR ay panukalang
ini-akda ni Senador Bong Bong Marcos kapalit ng BBL.

Iginiit ng nabanggit na mga
kabataan na hindi sago tang BL BAR sa deka-dekada nang paghihirap na dinanas ng
mga mamamayan ng Mindanao dahil sa patuloy na kawalan ng pang matagalang
kapayapaan.

Sa kanilang nagkaisang
pahayag, binigyang-diin ng mga ito na nabigyan sila ng pag-asa matapos na
maipasa ang Comprehensinve Agreement on the Bangsamoro o CAB na naging
pondasyon ngayon ng isinusulong na BBL.

Anila, ang BBL ay produkto
ng ilang taon ding negosasyon sa pagitan ng gobyerno at MILF kaya nararapat
itong ipasa ng mga mambabatas at hindi ang BL BAR.

Local…………………..

NAGSIMULA
nang maginspeksyon ang PNP sa mag establisyemento sa Cotabato City na
nagbebenta ng paputok.

Nanguna
naman si Cotabato City Director Sr. Supt. Raul Supiter sa pagpapakalat ng
impormasyon tungkol sa Republic act 7183 o firecrackers at fire out techniques
law.

Sa
ilalim ng Republic act 7183, dapat hindi sumobra ng 0.2 gramo ang bigat o
sinlaki ng kutsarita ang isang paputok.

Ayon
kay Supeter, maari nang makapinsala sa buhay ng tao kung sumobra na rito ang
bigat at laki ng isang firecraker.

Dahil
dito, mahigpit naman nilang iniimplimenta ang Oplan Ligtas paskuhan upang
maiwasang mabiktima ng paputok ang sinuman, lalo na ang mga bata.

Umaasa
si Supeter na mabibigyan ng designated area ang mga magbebenta ng paputok upang
makaiwas sa hindi inaasahang sunog o aksidente.

Wala
pa namang naitalang kaso ng mga nabiktima ng paputok sa lungsod.

Tinupok ng apoy ang walong mga silid aralan sa Libertad National High School sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ayon kay Enrique Dela Cruz, ang OIC School Principal ng eskwelahan, nagsimula ang sunog pasado alas kwatro ng madaling araw kanina.
Inihayag ni Dela Cruz na bagama’t tumagal lamang ng mahigit kwarenta minuto ang sunog, agad na naabo ang mga classroom.
Paliwanag ni Dela Cruz may kalumaan na rin kasi ang naabong mga silid aralan na itinayo noon pang 1981.
Tantiya pa ng OIC School Principal ang sunog ay tumupok sa mahigit limang daang libong halaga ng mga ari arian sa eskwelahan.
Nilinaw naman ni Dela Cruz na hindi nakaapekto sa kanilang mga estudyante ang sunog.
Ayon kay Dela Cruz, bukod sa apat na bago nilang mga classroom, nagsasagawa ng klase ngayon ang mga estudyanteng nasunugan ng classroom sa kanilang
reading center, math center, at English center
Problema sa linya ng kuryente o faulty electrical wire naman ang tinukoy ni Dela Cruz na naging sanhi ng sunog.Tukoy na ng pulisiya ang pagkakakilanlan sa dalawa katao na nasawi sa pamamaril sa Sitio El Dulog, Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.
Kinilala ni Police Chief Inspector Joven Bagaygay, ang Chief of Police sa bayan ang mga biktima na sina Oscar Diwaten, singkwenta’y otso anyos security guard sa Daguma Agro Mineral Incorporated at kasama nitong si Jeny Diolas Alyas totong, biente sais anyos.
Ayon kay Bagaygay ang dalawang mga biktima ay pinaulanan ng bala ng hindi bababa sa walong armadong kalalakihan habang nasa loob ng kanilang bunkhouse.
Ang mga biktima ayon kay Bagaygay ay nasawi dahil sa multiple gunshot wound..
Narecover ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang isang bala ng AK 47 at sampung mga basyo nito.
Ang mga suspek ayon kay Bagaygay na pawang mga myembro ng Platoon Samsumg ng New Peoples army o NPA ay agad na tumakas matapos gawin ang krimen.
Inaalam pa ng mga otoridad kung may kaugnayan sa panunog ng apat na mga heavy equipment sa katabing barangay ng Lamfugon Lake Sebu ang pagkakapatay sa dalawang mga biktima.
Gayunpaman ayon kay Bagaygay ang pagsalakay ng armadong grupo ay may kaugnayan sa extortion at nalalapit na anibersaryo ng grupong CPP-NPA. Local..Timbog sa operasyon laban sa illegal na droga ang isang suspected drug pusher sa Banga, South Cotabato.
Kinilala ng Banga PNP ang suspek na si Juny Abid Panaligan.
Ang suspek na si Panaligan ay inaresto ng mga pulis sa Barangay Liwanay, Banga, kagabi.
Si Panaligan ay number one sa drug wathlist ng pulisiya sa bayan ng Banga.
Nakuha mula sa kanya ang limang maliit, isang medium size, at dalawang malalaking sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Ayon sa Banga PNP, ang suspected drug pusher na si Panaligan ay matagal munang isinailalim sa surveillance bago tuluyang naaresto.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kay Panaligan. Local... Patay ang isang guro habang sugatan naman ang isa pang kasama nang pagtatagain sa Sitio Kulusubong, Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.
Kinilala ni Police Chief Inspector JOven Bagaygay, ang Chief of Police ng Lake Sebu ang nasawing biktima na si Joy Rojo, biente kwatro anyos at residente ng Sitio Tinugas NED.
Sugatan din sa pananaga ang kasama nitong guro rin na si Jerelyn Lapidez, biente syete anyos ng Sitio Tafal Ned.
Si Lapidez ay ginagamot pa sa isang pribadong ospital sa KOronadal City bunsod ng mga taga na natamo nito.
Ang mga biktima ay pawang mga guro sa elementary school sa sa lugar.
Ayon kay Bagaygay ang dalawang mga guro ay matutulong na sana ng pasukin ng suspek ang kanilang staff house at pagtatagain ng suspek dakong ala syete kamakalawa ng gabi.
Di naman namukhaan ng nakaligtas na biktima ang suspek dahil sa dilim ng lugar na pinangyarihan ng krimen.
Paghihiganti ang motibo na tinukoy ni Bagaygay sa krimen.
Ayon sa pulis official bago kasi naganap ang pananaga nagkaroon umano ng alitan ang gurong nakaligtas na si Lapidez at di pa pinangalanang suspek.
Inihayag ni Bagaygay na posibleng nadamay lamang sa paghihiganti ng suspek ang nasawin guro.
Gayunpaman ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng PNP. Local...Makikilahahok sa 2nd OFW Youth Sports Festival ang mahigit dalawang daang mga kabataan mula sa rehiyon dose.
Ayon kay Marilou Sumalinog, ang regional supervisor ng overseas workers welfare administration o OWWA 12, ang mga delegado ay pawang mga myembro ng OFW youth associations at mga scholars ng ahensya.
Ang mga ito ayon kay Sumalinog ay magpapaligasahan sa mga larong basketball, volleyball, table tennis, athletics, quiz bowl at iba pa.
Layon nito ayon kay Sumalinog na lalo pang mapagtibay ang pagkakaisa ng mga anak at dependents ng mga OFWs.
Makatutulong din ang sportsfest ayon kay Sumalinog para mahasa ang kasanayan ng mga kabataan.
Ayon kay Sumalinog inaasahan na makapagpapadala ng tig tatlumput limang delegate para sa aktibidad ang bawat lalawigan sa rehiyon.
Ang 2nd OFW Youth Sports fest ay gaganapin sa Koronadal City ngayong Disyembre a dose . Local...Humihingi ngayon ng kooperasyon ang PNP sa mga residente ng Matalam, North Cotabato at magkipag-ugnayan sa kanila lalo na sa mga nakasaksi sa dalawang insidente ng panghahagis ng granada sa bayan.Ito ngayon ang pahayag ni Chief Ins. Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP para mahuli na ang mga responsable sa naturang krimen.Naniniwala ang opisyal na maliban sa personal grudge bilang motibo sa pangyayari, ang nagpapatuloy na kampanya rin ngayon ng PNP kontra ilegal na droga sa lalawigan ang isa sa mga dahilan nito.Posible kasing gumaganti ang mga suspek sa PNP sa sunod-sunod na drug raid sa Matalam partikular sa Purok Krislam kung saan dito rin parehong tumakas ang mga suspek sa panghahagis ng granada.Bagamat tukoy na ng PNP ang mga suspek sa krimen ay patuloy pa rin nila itong kinukumpirma.Hinihintay rin nila ang resulta sa ginawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives At Explosive Ordnance Division.Sa ngayon mas hinigpitan pa ng PNP ang kanilang ipinapatupad na seguridad sa bayan. Local...Nagkatanggap na ng tulong mula sa Tulunan LGU at ibang mga matataas na opisyal ng North Cotabato ang higit 50 pamilya na nanatili ngayon sa evacuation center sa brgy. Kanebong, Tulunan North Cotabato.Ito matapos sumiklab ang tensyon sa brgy. Maybula Tulunan na kinasasangkutang ng mga magsasakang Muslim na taga Columbio, Sulatan Kudarat at Kristiyano.Kinumpirma ni brgy.Maybula Chaiperson Alfredo Satorre na tatlong mga magsasakang Ilonggo ang dead on the spot sa naturang enkwentro habang tatlo din sa kabilang grupo na umano mga miembro ng Moro Islamic Liberation front O MILF sa ilalim ni Kumander Abas.Una na ring sinabi ni Ins Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP na nagsimula ang tensyon sa lugar nang tangayin ng dalawang menor de edad ang kalabaw na pagmamay-ari ng isang illonggo farmer. Binawi kasi ito ng magsasaka at dito na siya pinagbabaril ng mga suspek na tinatayang nasa 30 armadong kalalakihan.Awayan sa lupa naman ang isa sa mga posibleng dahilan sa enkwentro.Nanawagan ngayon ng tulong si Chairperson Satorre sa mga ahensya ng gobyerno para matuugunan na ang problema sa kanilang lugar. Local...Nangako ngayon ng tulong at suporta ang Department of Tourism o DOT Region 12 sa lokal na pamahalaan ng Magpet sa kanilang binubuong Municipal Tourism Plan.Ito ang sinabi ni DOT 12 Regional Director Nelly Dillera, kasabay sa kanilang paglilibot kahapon sa bayan ng Magpet at pagdalo sa pagbubukas ng Maupot Resort sa brgy. Pangao-an, Magpet, North Cotabato.Nilinaw ni Dillera na ang Tourism Plan ang siyang magiging gabay ng LGU sa kabuuang pagbabago at paglago ng turismo at siyang tutukoy sa mga priority projects na dapat paglaanan ng pondo ng LGU.Kaugnay nito, nagpahayag rin ng kanyang suporta sa Magpet Mayor Florenito Gonzaga na agad nitong aasikasuhin ang nabanggit na plano dahil naniniwala itong malaki ang maitutulong ng turismo sa pagpapalakas ng ekonomiya sa bayan.Katunayan aniya sinimulan na nilang ipatupad ang pagpapalago sa Tausuvan Falls at Kirungdong Falls at pagbubukas ng higit 50 iba pa na magiging bahagi ng attraksyon ng Magpet.Base naman sa datos ng Magpet Tourism Office nasa 58 libong tourist arrival na ang naitala sa bayan mula Enero hanggang nitong oktubre at mas mataas naman ito kung ikukumpara sa 40 libo katao lamang noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.Local...Binisita kahapon ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD Region 10 kasama na Small-Livelihood Projects Associations o SLPA Officials ang ilang Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA funded projects sa Magpet, North Cotabato.Sinabi ni DSWD 10 Regional Project Coordinator Glofelia Uwayan, layunin nito na matukoy ang mga estratehiya at pamamaraan na ginamit ng Magpet LGU pagdating sa pagimplementa ng mga proyekto.Tatlong mga areas ang kanilang nilibot kahapon kasama na ang livestock production ng brgy. Alibayon, meat processing ng brgy. Poblacion at rubber Nursery ng brgy. Gubatan, Magpet.Ayon kay Uwayan, ilang mga bagong kaalaman ang kanilang napagalaman sa tatlong mga SLPA at ito na ngayon ang mgiging halimbawa nila sa pagpapatupad sa kanilang rehiyon partikular ang production to distribution process.Samantala, ibinunyag naman ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga na ang pagkakapili sa tatlong mga SLPA ay bunga na rin sa kanilang mahusay na monitoring at suporta ng LGU kung saan ngayong taon matagumpay na napaabot ang abot sa tatlong daang libong pisong halaga ng 32 mga SLPA sa bayan ng Magpet. Local... Local..HALOS dalawampu’t dalawang kilometro ang lalakbayin ng mga human rights advocates ng North Cotabato para sa kanilang march rally na gagawin ngayong umaga bilang bahagi ng pagdiriwang nila ng, ‘International Human Rights Day’.
Mula sa Kidapawan City ay mag-ma-martsa ang mga grupo patungo ng Barangay New Cebu sa President Roxas kung saan doon gagawin ang culmination activity ng Human Rights Day celebrations. Mangunguna sa martsa ang Karapatan-North Cotabato chapter at ilang progresibong grupo sa lalawigan, kabilang na ang Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato, Gabriela, at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Nagsimula ang HR Day celebrations sa Kidapawan City sa pamamagitan ng isang forum na ginawa, kahapon, at pinangunahan ng mga HR advocates at mga non-government organizations.
Kabilang sa mga speaker sa forum si Captain Danny Tapang, spokesman ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Sa forum, inilatag din ng ilang mga speaker ang mga data patungkol sa human rights violations sa ilalim ng Aquino administration.
Sa naturang mga datos, kapansin-pansin ang dami ng bilang ng mga pinatay na mga lumad o lider ng mga progresibong grupo.Sa hanay ng mga lumad, higit animnapu na ang napatay na mga lumad at mga supporter ng mga katutubo, kabilang na rito si Father Fausto Pops Tentorio ng PIME.
Local...ISANG resolusyon ang ipinasa ng Kidapawan City Peace and Order Council o CPOC para mas lumakas pa ang panawagan na maitayo sa lungsod ang Special Weapons and Tactics o SWAT Team.Laman ng resolusyon ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista para i-organisa ang SWAT Team sa hanay ng Kidapawan City PNP.
Kasama sa pagtatayo ng SWAT ang dagdag na training sa mga miyembro nito.Maging ang pagbili ng mga gamit at mga sasakyan para sa SWAT ay may basbas na rin ng CPOC.
Kung inyong matatandaan, sumailalim sa marksmanship at serye ng skills test nito’ng nakalipas na ilang buwan ang mga operatiba ng Kidapawan City PNP.Sa skills tests na ito, nasuri kung alin sa mga pulis ang nararapat maging miyembro ng naturang police elite force.
Sila yaong may mataas na performance rating sa nakaraang mga pagsusulit.Kahapon, pinangunahan ni Evangelista ang huling miting ng CPOC ngayong taon.

Cotabato Light announces power service interruption inside BARMM complex

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced an eight hour power servie interruption inside the BAngsamoro Government Center in...

Another bloody Basilan clan war settled amicably

COTABATO CITY - Army officials and local executives in Basilan on Tuesday settled amicably another deadly clan war in the province, ending hostility...

P1.1-M worth shabu seized in Pagadian City

COTABATO CITY - Non-uniformed policemen seized P1.1 million worth of shabu from a 19-year-old dealer entrapped in a residential area in Pagadian City...

Ex-councilor killed after claiming housing unit for MILF in BARMM

Ex-councilor killed after claiming housing unit for MILF in BARMM By Drema Quitayen Bravo COTABATO CITY (May 22) - A former council member in...