Monday Jul, 04 2022 01:25:11 PM

NDBC BIDA BALITA (Dec. 17, 2020)

NDBC BALITA • 16:00 PM Thu Dec 17, 2020
710
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

HEADLINES:

1.  DepEd district supervisor ng Prest Quirino, Sultan Kudarat, patay sa pamamaril, imbestigasyon, ginagawa pa ng PNP (HEADLINE MERIALES)

2.   Retired teacher at binatilyo, patay din sa magkahiwalay na pamamaril sa Kidapawan City kahapon

3.   Barangay Kapitan ng Midsayap, sugatan sa pamamaril.

4.  Publiko, pinagiingat ng DOLE 12 sa mga naghihingi ng load para sa proseso ng kanilang application sa Covid-19 Adjustment Measures Program. (HEADLINE GAMBOA)

5.  Mga employer na bigong magbayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado, binalaan ng PhilHealth 12. (HEADLINE HANNAH)

6.   BIFF, sinisi ng Army sa pagpasabog ng mortar o rifle grenade sa civilian areas. (HEADLINE ATILANO)

7.  Mahigpit na pagbabantay sa kanilang mga anak matapos maitala ang fire-cracker related injury sa South Cotabato, ipinaalala sa mga magulang ng provincial health office. (HEADLINE EBEO)

8.  Drug surrenderee, patay sa pamamaril sa Esperanza, Sultan Kudarat. (HEADLINE DE PEDRO)

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

Local………………..

Dalawang mga bata ang nagpapagaling ngayon sa Cotabato Regional and Medical Center matapos na masugatan dahil pumutok ang kanilang pinag-laruang baril sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ang mga biktima na taga Barangay Katidtuan ay nagkakaedad ng 13 at 16 years old.

Sa pahayag ng kaanak ng mga biktima, ala una kahapon nang paglaruan ng magkaibigang mga bata ang baril na kanilang nakita sa kanilang tahanan.

Biglang pumutok ang di matukoy na baril at tinamaan ang dalawa sa kanilang mga binti.

-0-

 

Local…

Barangay Chairman sa Midsayap, Cotabato, sugatan sa pamamaril

BINARIL AT NASUGATAN ang isang barangay kapitan ng Midsayap, North Cotabsto maapos na siya ay pagbabarilin kahapon ng tanghali.

Nakilala ang kapitan na si Barangay Chairman Norodin Manalasal ng Barangay Malingao.

SA report ng Midsayap PNP, si Chairman Manalasal ay sakay ng kanyang multi-cab at binabaybay ang Quezon avenue, Barangay Poblacion 5 nang tabihan ng mga suspect na sakay ng motor at pinagbabaril pasado ala una kahapon.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP at inaalam pa ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Nasa critical condition ngayon sa ospital ang biktima.

-0-

Local…

Dalawa pang mga pasyente ang nasawi dahil sa Coronavirus Disease ang naitala ng Department of Health sa Region 12 hanggang kagabi.

Kapwa lalaking Senior Citizen ang mga nasawi na taga Kidapawan City at Norala South Cotabato.

Dahil dito pumalo na sa 152 ang total related deaths ng Covid 19 sa Rehiyon.

Samantala, nadagdagan pa ng 39 na panibagong Covid 19 infection ang Soccsksargen kahapon.

Dalawampu't dalawa sa mga bagong kaso ay taga South Cotabato, anim General Santos City, apat Cotabato City, tatlo Sarangani at tig-dalawa sa North Cotabato at Sultan Kudarat.

Dahil dito abot na sa 4,316 ang kabuoang bilang ng mga nagkakasakit sa rehiyon.

Habang umaabot naman sa 3,861 ang total recoveries ng Covid 19 matapos gumaling ang 28 pasyente kahapon.

Sa 28 pasyenteng gumaling, 11 ang taga Cotabato City, 9 General Santos City, 5 South Cotabato at  ti-iisa sa North Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani.

Bahagya namang tumaas  ng hanggang sa 302 ang bilang active cases o mga pasyenteng nagpapagaling pa.

-0-

Local………………..

NANAWAGAN ANG National Commission on Muslim Filipinos O NCMF sa mga Muslim na lalahok sa pilgrimage na magpa-register na mula Dec. 16 hanggang Dec. 31.

Ito ay para sa annual hajj na gagawin sa 2021.

Layunin ng early registration ay upang malaman ang actual na bilang ng mga lalahok na pilgrims, ayon kay NCMF Bureau of Pilgrimage and Endowmen director Malo Manonggiring.

Nilinaw ni Manonggiring na ito ay registration pa lamang at walang hihinging bayad hanggang hindi pa nakapagpalabas ang Saudi government ng confirmation.

At sa ngayon, wala pa ring confirmation mula sa Saudi government kung papayagan nila ang foreign pilgrims dahil ng sa pandemya.

Umaasa si Manonggiring na papayagan ng Saudi ang paglahok ng mga foreign pilgrims sa 2021 hajj sa Mecca.

-0-

 

Local……………………

SALUDO ang Department of Interior and Local Government sa achievements ng Cotabato City government.

Sinabi ni DILG Sec. Eduardo Ano na hindi matatawaran ang awards na nasungkit ng local government unit sa pamumuno ni Mayor Cynthia Guiani-Sayadi.

Ayon kay Ano, mahirap kunin ang record na Second Safest City in the Philippines of 2018, Anti-Drug Abuse Council Awardee noong 2019,

Top 1 Local Council for Protection of the Children, No.1 Most Competitive Region in Region 12, No. 15 Over-all national sa in terms

of Government Efficiency, at No. 20 over-all Most Competitive City in the Philippines.

Ginawa ng kalihim ang papuri kasabay ng Official Turn-over of the City to Bangsamoro government sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex.

Idinagdag ng kalihim na maging ang Pangulong Rodrigo Duterte ay kinikilala ang achievements ng city LGU.

Sa usapin ng pagkuwestiyon sa resulta ng Plebisito noong January 21, 2019, nirerespeto ng kalihim ang hakbang ni Mayor Cynthia at iba pang sektor ng lungsod.

Iginiit nito na hanggang wala pang ipinalalabas na Temporary Restraining Order o TRO mula sa Korte Suprema, kinakailangang ituloy ang turn-over dahil ito ay nakalagay sa nilagdaang kasunduan ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

-0-

 

Local …………………….

Walong Barangay Health Facilities ang pormal nang naiturn over sa Cotabato City mula sa Department of Health Region 12 kahapon.

Isinagawa sa People's Palace Social Hall ang aktibidad na pinangunahan mismo ni DOH 12 Regional Director Dr. Aristides Concepcion Tan na tinanggap naman ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi na sinaksihan din ng mga Barangay officials.

Umaabot umano sa P13.5 milyon ang pondong inilaan ng ahensya sa konstruksyon at pagsasaayos ng mga Health Facilities upang magamit lalo't may pandemya.

Ang mga Barangay na ito ay kinabibilangan ng Tamontaka Mother, Bagua 2, Rosary Heights 11,Rosary Heighys 9, Rosary Heights Mother, Bagua 1, Rosary Heights 8 at Kalanganan 2.

-0-

Local …………………….

SINISISI ng Army ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga pagsabog ng mortar o rifle grenade sa civilian areas.

Maalalang isang buntis ang nasawi nang bumagsak ang isang mortar sa kanilang bahay sa Datu Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Bago yan,sa DAtu Salibo, Maguindanao, anim katao ang sugatan, kabilang ang tatlong mga bata, nang bumagsak ang mortar sa kanilang bahay.

Sinabi ni 6th ID spokesperson Lt. Col. Anhouovic Atilano na diversionary tactic ng BIFF ang pagpasabog ng mortar sa civilian communities upang isisi ng sibilyan sa Army.

Ayon kay Atilano, gabi gabi ay panay ang kanilang surgical operation laban sa BIFF sa Liguasan marshland pero ang BIFF ay nagpapasabog ng mortar at rifle grenade sa civilian areas upang matigil ang Army offensive.

 

VOICE CLIP ATILANO

 

-0-

LOCAL...

Dead on the spot ang isang Deped Supervisor matapos mabiktima ng pamamaril sa President Quirino, Sultan Kudarat mag-aalas otso ng umaga kahapon.

Kinilala ni President Quirino PNP Investigator Police Corporal Ryan Meriales ang biktima na si Abdul Khadir Sultan, may asawa , nakatira sa barangay Poblacion sa nasabing bayan. Binaril ang biktima habang sakay ng kanyang service vehicle sa Purok KWM, Barangay Poblacion.

Ayon kay Meriales, ang biktimang si Sultan ay nagtamo ng matinding mga tama ng bala ng baril na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi. Sinabi ni Meriales na narekober ng mga pulis sa crime scene ang walong mga basyo ng 45 pistol.

Ayon kay Meriales ang mga labi ng biktima ay kinuha na ng kanyang pamilya para ipalibing ng naayon sa tradisyon ng mga Islam. Hindi pa batid ng PNP kung sino ang mga salarin at ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa biktima. Ayon kay Meriales lahat ng maaring anggulo sa krimen ay tinitingnan ng PNP. 

Nabatid na ang biktimang si Sultan ay dating Principal ng Columbio Central Elementary School sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat at bagong promote pa lamang bilang district supervisor ng Deped.

-0-

LOCAL...

Hindi humihiling ng pang-load o anumang pabor para sa pagproseso ng application para sa kanilang mga programa ang Department of Labor and Employment o DOLE 12.

Ito ang paalala ni DOLE 12 Information Officer Christopher Gamboa sa publiko lalong lalo na sa mga aplikante ng kanilang Covid-19 Adjustment Measures Program o CAMP. Sinabi ito ni Gamboa matapos hingan sa pamamagitan ng messegenger chat ng pang-load ng Facebook group na “Send All Dole Dep” ang isang empleyado.

Ang nakababahala pa ayon kay Gamboa hindi CAMP 2 applicant ang hiningan dahil nakinabang na ito sa unang bugso ng pagpapatupad ng nasabing programa.

Ayon kay Gamboa, posibleng nag-like at naging myembro ng nasabing facebook page ang naturang empleyado kaya siya napadalhan ng mensahe. Binigyan diin ni Gomboa na online ang application sa CAMP program DOLE kaya imposible na manghingi sila ng load o ano mang kapalit sa pagproseso nito. Bukod dito ayon kay Gamboa, nagtapos na ang filing ng application sa CAMP 2 ng DOLE noong December 11. 

-0-

LOCAL...

Pinaalalahanan ni Philhealth 12 Information Officer Hannah Naanep ang mga employer sa rehiyon na bayaran ang premium contribution ng kanilang mga empleyado.

Babala pa ni Naanep sa mga pasaway na mga employer maaring mapatawan ang mga ito ng kaukulang penalidad. Sa katunayan ayon kay Naanep may naghihintay nang penalidad sa mga employer sa rehiyon sakali mang mabigo pa rin ang mga ito mabayaran ang Philhealth contritubtion ng kanilang mga mangagawa simula noong Hunyo.

Ipinahayag ito ni Naanep matapos kumpirmahin ni PhilHealth 12 Acting Regional Vice President Hector Zenon Malate na limang mga employer na sa rehiyon ang kanilang kinasuhan. Ito ay dahil sa kabiguan na i-remit ang Philhealth contribution ng kanilang mga empleyado. 

-0-

LOCAL...

Mahigpit na pagbabantay sa kanilang mga anak matapos maitala ang fire cracker related injury sa South Cotabato ipinanawagan sa mga magulang ng provincial health office Bantayang mabuti ang mga anak para hindi mabiktima ng mga paputok ngayong Holiday Season.

Ito ang panawagan sa mga magulang ni Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato Education and Promotion Officer Hannah Ebeo.

Ipinahayag ito ni Ebeo matapos kumpirmahin, na ang IPHO ay nakapagtala na ng isang kaso ng firecracker related injury na una sa lalawigan bago magpasko at Bagong Taon.

Ayon kay Ebeo ang biktima ay isang onse anyos na binatilyo at nakatira sa bayan ng Surallah. Sinabi ni Ebeo na ang biktima ay nagtamo ng eye injury matapos matamaan ng flying tiger. Kaya hiling ni Ebeo sa mga magulang maging responsable para maiiwas ang kanilang mga anak sa perwisyo na dulot ng mga paputok

Samantala base naman sa report ng PNP tanging mga vendor pa lamang ngayon sa mga bayan ng Surallah at Tupi ang nagsimula nang magbenta ng kanilang mga panindang mga paputok.

-0-

 

LOCAL...

Magpapatawag ng special session ang city council para imbestigahan ang tumataas na naman na kaso ng pamamaril na kinasangkutan ng riding-tandem suspects sa General Santos City.

Ayon kay Gensan City Councilor Jose Edmar Yumang, iimbitahan nila sa special session ang mga opisyal ng PNP. Nilinaw ni Yumang na layun ng special inquiry na makahanap ng solusyon sa problema at hindi para sisihin o suriin ang performance ng pulisiya sa lungsod.

Ayon kay Yumang nais lamang nilang malaman ang background ng mga kaso , progreso ng imbestigasyon at mga hakbang na ginagawa ng PNP para protektahan ang publiko. Binigyan diin ni Yumang na siya ring Chairman ng Committee on Public Order ng Gensan City Council na may karapatan sa impormasyon ang city government lalo na ang publiko sa harap ng pangamba ng mga ito sa katiwasayan sa Gensan.

Nabatid na ang Gensan ay nakapagtala ng limang insidente ng pamamaril sa nakalipas na dalawang lingo. Ikinasawi naman ito ng apat na mga biktima at ikinasugat ng isa pa na kritikal ang kalagayan sa ngayon. Kabilang sa mga biktima ang Barangay Chairman ng Glan Padido Glan sa Glan, Sarangani Province na si Isidreto Poncardas Canete.

Si Canete ay binaril ng riding tandem na mga salarin habang lulan ng kanyang sasakyan sa national highway Barangay Lagao, Gensan noong December 9. Ang nasabing biktima ay Presidente ng Liga ng mga barangay sa nasabing bayan at Ex-Officio member ng Glan Municipal Council.

-0-

LOCAL...

Drug surrenderee patay sa pamamaril sa Esperanza, Sultan Kudarat Kinilala ni Esperanza PNP Chief of Police Captain Alexander de Pedro ang biktima na si Rex Liboon, 35 years old,single at nakatira sa Barangay Numo, Esperanza, Sultan Kudarat.

Ayon kay De Pedro si Liboon ay binaril ng dalawang mga suspek na pasimpleng lumakad sa tindahan nito sa merkado publiko, barangay Poblacion, Esperanza pasado alas onse ng umaga kahapon. Ipinahayag ni De pedro na ang biktima ay dead on arrival sa ospital.

Sanhi ito ng mga tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Ayon kay De Pedro narekober ng mga pulis sa crime scene ang limang basyo ng hindi pa makumpirmang armas. Matapos ang krimen ang mga suspek na pawang naka-bonnet ay agad na tumakbo mula sa crime scene. Sinabi ni De Pedro na kabilang sa mga motibo na tinitingnan ng pulisiya sa krimen ay personal grudge at drug-related.

Kinumpirma ni De Pedro na ang napatay kasing biktima ay isang drug surendrerree sa Esperanza. Voice Clip…si Esperanza Chief of Police Captain Alexander De Pedro.

-0-

 

LOCAL...

Ngayong patuloy pa ring nakakaranas ang buong mundo sa health crisis na dulot ng COVID-19 particular sa North Cotabato, maraming mga mamamayan sa probinsya ang lubhang naapektuhan.

Kaugnay nito, nakapagbigay na ng tulong ang pamahalaang panlalawigan sa mga apektadong pamilya mula sa ibat-ibang lugar ng probinsya sa ikalawang pagkakataon.

Batay sa datus na ipinalabas ng Provincial Social Welfare and Development Office, nasa 438, 890 ang total number of families ang lubhang naapektuhan ng pandemya at ang bawat pamilya ay tumanggap ng 5kilos ng bigas sa pamamagitan ng emergency relief operation.

Bukod dito, nakapaghatid na rin sila ng tulong sa mga taong may kapansanan. Marami sa mga mamamayan ng Cotabato province ang nawalan ng trabaho at mara ring mga negosyante ang nalugi at patuloy paring bumabangon.

Sa ngayon, nasa ilalim pa rin ang buong probinsya sa Modified General Community Quarantine at pinapayuhan ang publiko na mahigpit na sundin ang itinakdang health protocols para iwas COVID-19.

-0-

LOCAL...

Nagpapatuloy ang anti-illegal drug operation ng PNP upang tuluyang masawata ang iligal na droga sa ibat-ibang lugar sa North Cotabato.

Kahapon lamang, dalawa ang naaresto ng mga pulis sa hiwalay na buy bust operation.

Sa bayan ng Makilala, kulungan ang bagsak ng isang Traffic Enforcer na drug suspect sa isinagawang operasyon kahapon sa Barangay Saguing alas 9:00 ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Nolie Bayani Mosquera 33 anyos, may asawa. Nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng shabu. Samantala, posibleng sa kulungan na rin magpapasko ang isa pang drug suspect matapos mahuli kahapon sa Barangay Poblacion Matalam, North Cotabato.

Nakilala ang nahuli na si Amir Mamad, laborer at nakatira din sa nabanggit na lugar. Samantala, pasado alas 2:00 ng madaling araw kanina nahuli din ang isa pang drug suspect na si Junrel Villas, 31 anyos ng sitio Polancos Purok 4 Barangay Dagupan, Makilala.

Nakuha sa suspect ang sampung mga sachet ng pinaniniwalaang shabu at iba pang drug paraphelnelia. Sa ngayon, nakapiit na ang tatlo sa custodial facility ng PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-0-

LOCAL..

Dalawa na lamang ang nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Cotabato Province base sa ulat ng DOH.

Isa na dito ang 83 years old na babae mula sa bayan ng Magpet at 20 anyos na lalaki mula naman sa Midsayap na may close contact sa COVID- positive. Samantala, nadagdagan naman ang COVID-19 related death ng probinsya kahapon.

Ang pasyente ay 65 years old na taga Kidapawan at nasawi nitong December 15. Tiniyak naman ng Task force COVID na mahigpit na naipatupad ang protocols sa mga labi ng pasyente. Naiulat din kagabi ang isa pang recovery mula sa bayan ng Kabacan.

-0-

LOCAL...

Patay ang dalawa ka tao sa magkahiwalay na pamamaril na nangyari kahapon sa Kidapawan City.

Unang naganap ang pamaamaril sa Perez Street Barangay Poblacion Kidapawan City pasado alas 11:00 ng umaga kahapon. Batay sa report ng PNP, nakilala ang biktima na si Belmark Orbon Alyas Tayson, 18 years old ng Barangay Amas.

Sinabi sa Radyo BIDA ni City PNP Chief Police Lt Col Ramel Hojilla, ang nasawing biktima ay sangkot sa robbery at theft incident sa lungsod.

Nabatid din na mayroon itong kasong murder at carnapping sa Maguindanao. Samantala, alas 6:00 naman kagabi ideneklarang patay ng mga doctor ang retired teacher matapos ding barilin habang sakay ng tricycle sa Villanueva Street, Kidapawan City.

Ang biktima ay nakilalang si Ofelia Ma. Castillano, 68 anyos na residente ng nasabing lugar at dating guro ng Kisante National High School. Nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP sa nasabing insidente. Ito na ang pang-apat na shooting incident na naitala ng PNP sa lungsod ngayon lamang buwan ng disyembre.

-0-

LOCAL...

Tatanggap na ng mga enrollee at magbubukas na ang University of Southern Mindanao o USM campus sa Mlang, North Cotabato simula sa susunod na school year 2021-2022.

Ito ang isa sa mga laman ng State of the Municipality Address o SOMA ni Mlang Mayor Russel Abonado kahapon kasabay ang pormal na pagsasara ng session ng Sangguniang Bayan ng Mlang ngayong taon.

Sinabi ni Abonado na naglaan ang lokal na pamahalaan ng abot sa limang milyong pisong pondo na aprubado ng sanggunian para sa bibilhing limang ektaryang lupain na nasa Brgy Tawantawan malapit sa bubuksang Central Mindanao Airport.

Ayon sa alkalde na maliban sa paliparan, malaki rin ang maitutulong sa pagbangon ng ekonomiya kung magbubukas na ng ika-apat na tertiary school sa bayan.

Ipinaliwanag nito na pansamantala munang gagamitin ng mga mag-aaral ang ilang mga bakanteng classroom ng Mlang National High School habang tinatapos ang konstruksyon ng nabanggit na paaralan. Samantala, tiniyak naman ng LGU na sa pagbubukas ng USM Mlang ay hindi maaapektuhan ang iba pang mga college institutions sa bayan.

Ito’y sa pamamagitan ng pag-alok ng mga kursong wala sa ibang mga paaralan sa bayan. VC-Mlang Mayor Russel Abonado Inaasahang magbubukas ang nabanggit na unibersidad sa buwan ng Agosto.

 

-0-

TIMRA REPORTS

COVERED NA NGAYON NG city ordinance ng Davao City ang paggamit ng Food and Medicine o FM pass at sinuman ang wala nito ay di pwedeng bumili sa botika o sa mga restaurant at karenderya.

At sinuman ang gagawa o gagamit ng fake FM pass ay pagmumultahin sa ilalim ng pinagtibay na ordinansa.

Limang libong piso lang naman ang multa sa mga lalabag at mamemeke ng FM pass, ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte.

May multa din sa mga taong mahuli na gagamit ng FM pass na hindi naman sa kanila.

-0-

SA CARAGA REGION, abot sa 3,500 na mga police ang itinalaga sa ibat ibang simbahan sa buong rehiyon upang tumulong na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan habang ginagawa ang Misa de Gallo.

-0-

SA ZAMBOANGA SIBUGAY, natapos na ang half way house na itinayo ng pamahalaan na magsisilbing temporaryong tahanan ng mga rebeldeng NPA na sumuko na sa pamahalaan.  Ang halfway house na matatagpuan sa bayan ng Ipil ay proyekto ng DILG at provincial government.

 

 

3 teens drowned in Lebak, Sultan Kudarat

COTABATO CITY  - Three teenagers were drowned and two elders survived while swimming at a beach resort in Lebak, Sultan Kudarat on Sunday...

P74K worth shabu seized from Tampakan drug ring

KORONADAL CITY - Anti-narcotics agents seized P74,000 worth of shabu from two drug den operators and three accomplices entrapped in Tampakan,...

Dating sundalo na wanted sa Lebak, naaresto ng PNP

LEBAK, Sultan Kudarat  - Naaresto ang isang wanted person na may kasong concubinage kahapon ng umaga, Hulyo 3,2022 sa Purok Langka, Brgy....

3 `serial' armed robbers in GenSan busted

GENERAL SANTOS CITY --- Three suspects in recent armed robberies here got busted as they motored through a checkpoint after divesting someone of...

Comelec urges barangay, SK voters to register starting Monday

MANILA – The Commission on Elections (Comelec) on Saturday reminded Filipinos eligible to vote in the Barangay and Sangguniang Kabataan (SK)...