Monday May, 20 2024 02:39:07 PM

NDBC BIDA BALITA Dec. 18, 2015

 • 16:52 PM Fri Dec 18, 2015
1,533
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

DECEMBER 18,
2015 (FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAHIGIT 600 mga mag-aaral at guro sa
mga liblib na paaralan sa South Upi, Maguindanao, nakinabang sa outreach
program ng NDBC, DepEd ARMM at DSWD ARMM.

2. Higit isang libong IP sa Kidapawan
City, nakatanggap ng maagang pamasko mula sa EDC isang milyong pisong halaga
ng mga equipment pormal ng nai-turn over sa dalawang LGU sa North Cotabato.

3. Seguridad sa buong South Cotabato ngayong
holiday season mas hinigpitan pa ng PNP sa lalawigan

4. Dagdag na pondo para sa Mlang airport, handa na.

Local………………..

LUBOS ang tuwa at pasasalamat ng mga
mag-aaral at mga guro sa Biarong Primary School at Lamud Elementary School sa
South Upi, Maguindanao.

Ito ay matapos na makatanggap ang mga
estudyante ng school bags, school supplies, at mga tsinelas. Nabusog din ang
mga ito sa isinagawang feeding program sa pangunguna ng Department of Education
o DepEd ARMM, Notre Dame Broadcasting Corporation at MCCT – Indigenous People
Team ng DSWD ARMM kahapon ng umaga.

Personal na nagtungo si DepEd ARMM Sec.
Dr. John Magno sa lugar upang makita ang totoong kalagayan ng mga paaralan
doon.

Doon lumantad kay Magno ang mga
sira-sirang classroom, mga upuan at butas-butas na blackboard.

Kaya naman sa kanyang pagsasalita,
nangako si Magno na maglalalaan mg pondo para sa pagsasa-ayos ng mga classroom
doon.

Magbibigay rin ito ng mga bagong
blackboard at papalitan ang mga sirang armed chair.

Sabi ni Magno, magbibigay din sila ng
solar panels at simpleng sound system para magamit sa mga programa ng naturang
mga paaralan.

Pero ang higit na ikinatuwa ng mga guro
ay ang pangako ng kalihim na magbibigay ng mga dagdag na guro sa naturang mga
paaralan sa January 2016.

Samantala, naging magandang pagkakataon
din ang naturang aktibidad kahapon, para muling ipakita ang pagkakaisa ng mga
sundalo at rebeldeng miembro ng Moro National Liberation Front o MNLF.

Naroon ang mga MNLF commander at ang
mga sundalo mula sa Marine Batallion Landing Team 5 at nakiisa sa outreach
program.

Naging daan ang Notre Dame Broadcasting
Corporation, sa pamamagitan ng Happy FM at Radyo Bida para maabot ng DepEd ARMM
ang naturang mga paaralan sa tulong naman ng mga community facilitator ng MCCT
IP ng DSWD ARMM.

Local …………………

TINAMBANGAN
ng di pa kilalang mga suspek ang isang empleyado ng Department of Public Works
and Highways o DPWH 12 kasama ang apat pang mga kasamahan nito.

Naganap ang
insidente pasado alas onse ng umaga kahapon sa Barangay Meta, Datu Unsay,
Maguindanao.

Sa report ng Army’s
34th Infantry Batallion, tinatahak ng mga biktima ang Isulan-Cot
Nat'l Highway sakay ng

toyota innova
with licensed plate LHJ 748 na minamaneho ni Virgilio Agad, 56 years old, nang
pagbabarilin sila ng mga armadong suspek.

Tinamaan sa
kanyang kaliwang paa si Agad pero nagawa pa rin nitong imaneho papalayo sa
naturang lugar ang kanilang sasakyan.

Nabatid na
galing ng Cotabato city sina Agad at patungo sana sa Koronadal city upang
dumalo sa kanilang Christmas party nang maganap ang pananambang.

Samantala,
sinabi ni Army’s 34th IB commander Col. Edgar delos Reyes na bago
ang insidente ay may namataan ang mga residente sa lugar na isang lalaking
kahina hinala ang kilos. Ito ngayon ang sinusundang lead ng mga imbestigador.

Local…………………….

TUMANGGAP
ng 97 mga bagong patrol car ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ito ay
personal na tinanggap kahapon ni ARMM Governor Mujiv Hataman mula kay Interior
and Local Government Sec. Mel Senen.

Ang
naturang mga patrol car ay ipamamahagi sa iba’t ibang mga police office sa
lalawigan.

Ang
turnover ng 97 patrol cars ay bahagi ng Bottom-up Budgeting o BuB projects na
ipinatutupad sa ARMM.

Una
rito, abot sa 90 mga local chief executive at mahigit isang daang representatives
mula sa civil society organizationas sa ARMM ang dumalo sa dalawang araw na BuB
summit.

Ang
mga Local government units sa ARMM ay bahagi ng BuB program implementation mula
noong 2012.

Ang
naturang reform program ay ipinatutupad ng Human Development and Poverty
Reduction Cluster ng national government.

Kabilang
sa mga proyekto sa ilalim ng BuB program ay ang mga probisyon para sa community
water supply systems at mga bagong health center, pati na ang mga inisyatibo
kaugnay ng gender and development.

Mula 2013
hanggang 2015, mayroon ng 119 projects na ipinatutupad sa ilalim ng BuB at 144 sa
mga ito ay nakumpleto na.

Local……………….

INAALAM PA ngayon ng
Cotabato City PNP kung sino ang nasa likod ng panloloob sa opisina ng
Commission on Elections o COMELEC-ARMM, sa Mabini street, barangay Poblacion 6,
ng lungsod.

Ayon sa salaysay ng
empleyado nitong si Margaret Ting, 33 years old, dakong alas otso nang umaga
kahapon nang matuklasan niya ang mga nakakalat na papeles at iba pang mga gamit
sa second floor ng kanilang gusali.

Agad na rumisponde ang
pulisya sa COMELEC-ARMM office matapos magreport si Ting.

Ayon sa inisyal na
imbestigasyon ng pulisya, posibleng dumaan sa kisame o sa butas na
pinaglalagyan ng aircon ang mga magnakakaw.

Kabilang sa mga natangay ng
mga magnanakaw mula sa COMELEC-ARMM ang isang electric fan, isang dry seal, at
cash.

Una rito, kamakailan ay
nilooban din ng mga magnanakaw ang tanggapan ng Bureau of Treasury sa lungsod
kung saan ay tinangay ang isang electric fan, electric stove at flat screen TV. Local…………………..

SINAMPAHAN
ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM regional government ang mga
contractor na nabigong makumpleto ang mga ipinatatayong school building apat na
taon na ang nakakaraan.

Sinabi
ni ARMM spokesperson Amir Mawalil na abot sa 16 na mga private firm ang
kinasuhan dahil September 2011 pa nang makuha ng mga ito ang kontrata para sa
pagpapatayo ng mga school building sa ilalim ng pamunuan noon ni dating acting
governor Ansaruddin Adiong.

Sabi
ni Mawalil, hindi aabot ng apat na taon ang pagpapagawa ng mga one-story school
building na mayroon lang dalawang hanggang tatlong classrooms.

Iginiit
ni Mawalil na ang paghahabol nila at pagsasampa ng kaso laban sa mga naturang
contractor ay bahagi ng kanilang programa kontra korapsyon.

Nabatid
na ang pinakahuling kasong isinampa ng ARMM government ay laban sa Unayan
Builders and Construction Supply na hindi nakumpleto ang pagpapagawa ng anim na
school buildings sa Lanao del Sur.

Sa
ngayon, sinabi ni Mawalil na nirerepaso na nila ang mga iba pang kontratang
pinasok ng mga nagdaang administrasyon para tiyakin na naipatupad o nakumpleto
ang lahat ng mga proyekto nito.

lOCAL...Naka-full alert status ngayon ang buong hanay ng Pulisiya sa South Cotabato.
Layon nito na matiyak ang seguridad ng publiko sa selebrasyon ng pasko at bagong taon.
Ayon kay Police Senior Superintendent Jose Briones Jr, ang PNP Provincial Director ng South Cotabato lahat ng mga pulis ay nagtatrabaho sa ngayon.
Ito ay matapos kanselahin ang kanilang leave hanggang sa Enero a sais sa susunod na taon.
Inihayag ni Briones na tinututukan ng PNP ang mga matataong lugar sa South Cotabato.
Kabilang sa mga ito mga palengke, terminal, at simbahan.
Babantayan din ng mga ito ang mga lugar na itinalaga na pagbentahan ng mga paputok. Aminado naman si Briones na isa sa mga dahilan ng lalo pang paghigpit ng seguridad ngayon ng PNP ang engkwento sa Palimbang Sultan Kudarat na ikanasawi ng umano’y walo katao kamakailan lang.
Pinaalalanan din ng police official ang publiko lalong lalo na ang mga gagamit ng Automatic Teller Machines o ATM na magingat sa mga masasamang loob na maaring samantalahin ang pagiging abala ng lahat sa holiday season.
Umapela din si Briones sa mga mamamayan na isumbong sa mga pulis ang anumang krimen at kahina hinalang bagay o personalidad na makikita sa kanilang kapaligiran.
Giit ng police official, malaki ang maitutulong ng publiko upang mapanatili ang katiwasayan ng lalawigan lalonog lalo na ngayong pasko at bagong taon. lOCAL...Inilibing na ng Task Force Bantay Karne ng Koronadal ang mga botchang karne ng baboy at kambing.
Ang mga ito ay nakumpiska sa surprise inspection na isinagawa ng task force sa mga lechon houses sa lungsod kahapon ng madaling araw.
Pinaiigting ng Task Force Bantay Karne ang kanilang monitoring para matiyak na maiwasan ang pagkalat ng mga karneng botcha sa merkado ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ang karne ay maituturing na botcha o illegal na ibinebenta kapag hindi ipinakatay sa slaughter house.
Ang Task Force Bantay Karne ng Koronadal ay binubuo ng mga kinatawan mula sa city veterinary office, slaughter house at National Meat Inspection Service o NMIS.
Ang sinumang mapapatunayang nagbebenta ng botchang karne ay maaring mapatawan ng paglabag sa meat inspection code.
Kaakibat nito ang posibleng pagkakakulong ng mula anim hanggang labindalawang taon, at multa ng mula isang daang libo hanggang isang milyong piso.
LOCAL...Ipahuli ang mga myembro na nagbebenta ng mga illegal na paputok lalong lalo na ng piccolo.
Ito ang napagkasunduan ng mga myembro ng Koronadal Firecracker Vendors Association.
Ayon kay Jomel Alo, ang presidente ng grupo mariin nilang ipagbabawal sa kanilang mga myembro ang magbenta ng Piccolo.
Ito ay dahil na rin sa peligrong dala nito sa publiko.
Matatandaan na piccolo ang pangunahing dahilan ng mga firecracker related injury na naitala sa South Cotabato noong nakaraang taon.
Tiniyak ni Alo na kung mayroon mang masaktan dahil sa piccolo, walang kinalaman dito ang kanilang grupo.
Kaya hiling nito sa PNP, paigtingin pa ang monitoring sa mga tindahan na nasa mga barangay.
Sinimulan na ng mga firecracker vendors sa Koronadal City ang magpatayo ng kanilang pwesto sa Barangay |Sto. Nino na itinalaga para sa kanila ng lokal na pamahalaan.
Papayagan ang mga ito na magbenta sa lugar mula Disyembre disi nnuebe hanggang Enero a uno. lOCAL...Isinusulong ngayon ng pamahalaang Panlalawigan Ang South Cotabato Health Care Waste Management Ordinance.
Layon ng panukala na lalo pang mapangalagaan ang likas yaman ng lalawigan.
Ito ay sa pamamagitan ng tamang handling, pagkolekta, at disposal ng mga basura ng Health care providers tulad ng mga ospital.
Ang ikalawang public hearing para sa isinusulong na ordinansa ay pinangunahan mismo ni Board Member Ellen Grace Subere Albios,ang siyang may akda nito kamakailan lang .
Ito ay dinaluhan ng may ari ng mga punerarya, operators ng mga pampubliko at pribadong ospital at lying in clinics.
Dumalo din sa public hearing ang iba pang mga opisyal ng lalawigan.
Matapos basahin ang nilalaman ng proposed ordinance, humingi rin ng opinion mula sa mga dumalo sa public hearing ang SP.
Inihayag ni Albios na siya ring Chairman ng Environment Committee ng Sangguniang Panlalawigan na magsasagawa pa rin ng serye ng hearing kaugnay sa panukala ang kanyang komite.
lOCAL...Sugatan ang bise alkalde ng bayan ng Lake Sebu, South Cotabato sa panibagong road accident sa bayan ng Tupi.Ayon kay Vice Mayor Floro Gandam, aksidenteng nabangga ng minamaneho nitong Ford Ranger na may license plate SAA 4810 ang isang Canter Elf na hindi nitong nakita na nakaparada sa daan.
Naganap ang aksidente sa national highway Tupi,habang papauwi na ang bise alkalde mula General Santos City papuntang Lake Sebu, dakong alas dos ng hapon kahapon.
Si Vice Mayor Gandam ay nagtamo ng sugat sa kanyang tuhod dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sasakyan nito sa nakaparadang elf.
Ang misis naman nitong si Maria Gandam ay dinala sa isang ospital matapos magtamo ng sugat sa kanyang ulo.
Nagtamo rin ng mga galos sa katawan ang mga kasama ng mag-asawang Gandam na sina Ernesto Gandam, Ema Tawang, at Myla Mino.
Ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng Tupi PNP. lOCAL...Plano ngayong ipatawag ng Mlang LGU ang mga Pomelo farmers mula sa ibat-ibang barangay ng Mlang para pag-usapan ang posibleng solusyon para sa mas mabilis na pag dispose sa kanilang mga produktong pomelo.Dahil sa dami ng naturang produkto unti-unti na rin kasing bumababa ang presyo nito kung saan kapansin pansin naman sa National Highway ng Mlang ang mga nagsisiksikan na pomelo.Sinabi ni Mlang Municipal Admistrator Ferdinand Piñol nasa 25 piso pababa na lamang ang kilo ngayon ng nabanggit na prutas. Maliban sa pomelo, bumaba rin ang presyo ng saging at luya sa bayan.Kaugnay nito, dalawang mga malalaking bayan naman sa Kalakhang Maynila ang nagbigay ng kanilang positibong sagot para tanggapin ang mga produktong Pomelo mula sa North Cotabato.Ito ang naging resulta sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Metro Manila para tulungan ang mga magsasaka sa Mlang.Ayon kay Piñol nasa 100- 250 pesos ang presyo ng POMELO bawat kilo sa Maynila na malaki naman ang maitutulong sa mga magsasaka sa Mlang sakaling magtuloy tuloy ito. Local...Pinawi ngayon ni Cotabato Police Priovincial Office Director Senior Supt. Alexander Tagum ang pangamba ng publiko sa una nang report kaugnay sa banta ng Terror Attack sa ilang bayan sa North Cotabato.Una nang binanggit ng National Intillegence Coordinating Agency o NICA na kabilang ang bayan ng Aleosan, Kabacan, Midsayap, Kabacan, at Kidapawan City sa Alert level 3 banta ng terorismo.Malinaw na sinabi ni Tagum na hanggang ngayong ay wala silang natatanggap na memorandum kaugnay sa nabanggit na usapin.Aniya, nakausap niya mismo ang chief ng Inteligence Division at wala rin umano silang natatanggap ng kaparehong report.Pero sa kabila nito, nanatiling nakaalerto ngayon ang CPPO kasama na militar para sa pagpapanatili ng seguridad sa lalawigan.Samantala, nagpababa na rin ng direktiba si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa City Government sa pamamagitan ng Public Safety Division na paigtingin pa ang kanilag ginagawang pagpapatrolya, highway checkpoints, pagbuo ng mga force multipliers at paglalagay ng dagdag na close-circuit television o CCTV cameras sa mga matataong lugar at lalo na sa mga high-risk areas sa Kidapawan City. Local...Pamasko mula sa EDC isang milyong halaga ng mga equipment, pormal namang itinurn-over sa dalawang LGU sa North Cotabato para sa mas mahusay at dagdag na serbisyo, malaki ngayon ang maitutulong ng bagong turned-over na hospital Equipment sa Kidapawan City Hospital mula sa Energy Development Corporation o EDC.Sa pamamagitan ng Mt. Apo Geothermal Business Unit o MAGBU pormal na iniabot kahapon ng umaga ang isang Unit na portable Ultrasound sa City Hospital na tinanggap mismo ni City Mayor Joseph Evangelista.Samantala, isang unit naman ng 300 watt solar Powered generator set,
30-watt Led Lamps, at 25-sets na rescue uniforms ang natanggap ng Makilala LGU na pinagunahan naman mismo ni Makilala Mayor Rudy Coaogdan.Ang nasabing mga uniporme ay para sa Local Disaster Risk Reduction Management Office para sa kanilang pang-araw araw na operasyon.Nagkakahalaga ang naturang mga equipment ng abot sa one million pesos.Kahapon rin ay abot sa 1500 na mga gift packs ang naipamahagi ng EDC sa mga less fortunate Indigenous Peoples at local Communities sa Barangay Ilomavis at Balabag, Kidapawan City.Ang naturang insyatiba ng EDC ay bahagi naman ng kanilang pangako na ibalik sa kanilang mga host commuties at pagbibigay ng acces sa mas mahusay na Hospital services at palakasin pa ang disaster preparedness response unit.Local...Ikinatatakot ngayon ng Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato o ASLPC ang umano nagpapatuloy na banta at pang-aapi sa mga Indigenous People sa North Cotabato.Sa isang sulat pamahayag na pirmado ni ASLPC Chairperson Norma Capuyan, nakasaad doon ang mahigpit nilang pakikipaglaban sa mga higanteng kompanya na umano magpapalayas sa mga tribu sa loob ng Ancestral Domain na inaasahang papasok at mag-ooperate sa lalawigan.Kabilang na rito ang planong pagmimina sa Mt. Sinai sa Arakan at Tulunan, North Cotabato pagtatayo ng hydro 5-6 sa President Roxas at Bukidnon area Mini Hydro sa bayan ng Magpet at ang pinag-aaralang Geothermal Power Plant sa bahagi ng Magpet at Davao City.Inaakusahan rin nila ang militar at ilang mga matataas na opisyal sa lalawigan na mga responsable sa pagpasok ng mga kompanya na magsagawa ng operasyon kung saan mas maapektuhan nito ang mga tribu.Pinangangambahan rin nila na dahil sa militarisasyon mapipilitan ngayong umalis ang mga IP's sa mga bundok na magiging dahilan ng kanilang tugom at walang maayos na tirahan na isa naman sa malinaw na paglabag sa karapatang pantao.Ito ngayon ang dahilan kung bakit patuloy na iginigiit ng nabanggit na grupo ang total pull out sa mga militar na nasa mga barangay at patuloy na sigaw na pipigilan nila ang mga higanteng kapitalista na siya umanong magpapalayas sa mga tribu na aagaw sa kanilang ancestral Domain. Local...Abot sa 38 million pesos ngayon na dagdag na pondo ang nakatakdang ibigay para sa Mlang Secondary Airport na kasalukuyang itinatayo sa brgy. Tawan Tawan, Mlang North Cotabato.Ito matapos ang pahintulot ng Sanguniang Panlalawigan ng North Cotabato kay Governor Emylou Mendoza na pumirma sa isang Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng Provincial Government at sa Department of Transportation and Communications o DOTC.Laman ng naturang MOA ang pagpapababa ng pondo ng DOTC ng abot sa 38 million pesos para sa gagawing bakod o perimeter fence ng airport.Di pa batid kung kelan ang nasabing signing ng Memorandum at akwal na implementasyon ng proyekto.Di rin matukoy ng mga opisyal ang panahon para sa pagkompleto sa konstruksyon ng Mlang Secondary Airport- na siya namang magiging daan sa mas mabilis na paglipad at paglapag ng mga produkto mula sa lalawigan at maging sa Rehiyon Dose.

MNLF’s political bloc urges members to stay off hostile politics

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Saturday reminded its more than 90,000 duly registered members to avoid...

Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur

KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang...

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...

NDBC BIDA BALITA (May 20, 2024)

HEADLINES 1   DALAWA SUGATAN nang pasabugan ng granada ang isang kapilya ng Simbahang Katoliko sa Cotabato City 2  ...