Sunday May, 05 2024 02:39:36 AM

NDBC BIDA BALITA Dec. 29, 2015

 • 18:33 PM Tue Dec 29, 2015
1,510
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS TEAM

NEWSCAST

DECEMBER 29,
2015 (TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. VIDEOKE BAR sa Cotabato City,
hinagisan ng IED

2. Magsasaka
kalaboso dahil sa pagdadala ng granada sa Antipas, North Cotabato

3. Mga bakwit dahil sa pananalakay ng
armadong grupo sa Esperanza Sultan Kudarat, posibleng magbagong taon sa Evacuation Center.

4. Bilang ng mga nasaktan dahil sa paputok, tumataas sa South Cotabato.AT SA DETALYE....

Local………………..

HINAGISAN ng improvised explosive
device o IED ang Cololots videoke bar sa Sinsuat Avenue Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Director Supt.
Raul Supiter, Nangyari ang insidente alas-8:40 kagabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng
Explosive ordnance disposal team, isang 40 mm cartridge ang itinapon ng hindi
pa nakikilalang suspek sa harap ng naturang videoke bar.

Ayon kay Supiter, tinututukan nila
ngayon ang pagtugis sa suspek matapos na merong nakakita ng inihagis nito ang
IED.

Masuwerte namang hindi sumabog ang
nasabing 40 mm cartridge matapos na agad marekober ng EOD team.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga
otoridad kung ano ang motibo ng naturang panghahagis ng granada.

SAMANTALA, pinagiingat ng City PNP ang
publiko sa isang kumakalat na bagong modus sa lungsod ng Cotabato na tinatawag
na spray gang.

Kung saan, isang magkapatid na kapwa
taga Brgy. Rosary heights 9 ang naging biktima rito.

Sa salaysay ng mga biktima kinilalang
sina Aida at Amraida, nakatayo lamang sila sa bahagi ng Magallanes Street
partikyular sa tapat ng Land bank nang lapitan sila ng tatlong babae at
inisprayan sila ng mga ito.

Ayon sa mga biktima, nakaramdam sila ng
pagkahilo kung kaya't natangay ng mga suspek ang ilan nilang kagamitan at pera
na nagkakahalaga ng 1,350 pesos.

Local …………………

NILINAW ng
grupong Central Mindanao Front Bangsamoro Islamic Armed forces Moro Islamic
Liberation Front o CMF-BIAF-MILF na wala silang kinalaman sa serye ng
pangaatake at palitan ng putok sa North Cotabato.

Sa ipadalang
sulat ni Kumander Paradise ng 10th Brigade, 105th Base command ng CMF-BIAF MILF
sa DXMS Radyo Bida, direktang tinukoy nito ang mga pangaatakeng naganap sa
Barangay Buricain, Malagakit at Simsiman, Pigcawayan Cotabato kung saan
dinadamay ang kanilang grupo.

Sa katunayan
aniya, nagsagawa pa ng hakbang ang kanilang grupo para matigil ang bakbakan na
nangyari sa Brgy. Buricain na kasalukuyan naman pinaguusapan ang kalutasan nito
sa ilalim ng facilitating body sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Giit ni
Kumander Paradise, wala silang kinalaman, partisipasyon o kahit alam sa mga
serye ng pangaatake ng BIFF at kailanman ay hindi sila napabilang sa grupo ng
BIFF.

Naniniwala si
Kumander Paradise na sinisiraan lamang ang kanilang liderato dahil sa sagabal
sila sa mga illegal na transactions na pinapasok sa kanilang lugar dahil
tumututol sila rito.

Binigyang
diin ng BIAF-MILF na suportado nila ang usaping pangkapayapaan kung kaya't
hindi sila gagawa ng hakbang na makakasira nito.

Local…………………….

PINAALALAHANAN
ni North Cotabato Provincial Director Sr. Supt. Alexander Tagum ang publiko na
wag mabahala sa mahigpit nilang implimentasyon ng checkpoint sa North Cotabato
at sa boundary ng Maguindanao.

Ito
matapos ang sunod-sunod na pangaatake ng mga armadong grupo sa iba't ibang
lugar sa Central Mindanao.

Ayon
kay tagum, base sa kanilang imbestigasyon rido ang lumalabas na dahilan ng mga
pangaatake ng mga armadong grupo noong nakaraang linggo.

Nagkaisa
naman ang PNP at armed forces of the philippines para sa pagpapaigting ng
seguridad sa central mindanao.

SA
KABILANG DAKO, Nang magtungo naman ang DXMS Radyo Bida sa Barangay Nas,
Midsayap Cotabato, nakita rito ang daan-daang mga residente sa evacuation
center na nagsilikas matapos ang serye ng pangaatake ng mga armadong grupo sa
nasabing barangay.

Ayon
kay Brgy. Nas kagawad Jocelyn Intoy, naghihintay lamang sila ng signal mula sa
municipal LGU kung kelan na maaring bumalik sa kanilang mga tahanan ang mga
IDPs.

Umaasa
naman ang mga residente na aabutan sila ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Local……………….

MASAYANG
INANUNSYO ng Department of Public works and Highways 2nd engineering district
ng North Cotabato ang ilang mga proyekto nila sa taong 2015 na natapus nila
''on time''.

Ayon
kay DPWH 2nd engineering district Engr. Bartolome Pagaduan, milyong milyong mga
proyekto ang kanilang natapos sa taong 2015.

Kabilang
rito ang Abaga flood control na nagkakahalaga ng mahigit 45 million pesos,
concreting ng secondary road ng Dualing-New Panay-Midsayap road na may pundong
umaabot sa 44 milyon pesos.

Pati
na rin ang kanilang proyekto na Libungan bridge na nagkakahalaga ng 18 million
pesos, Acupan bridge sa Carmen at Katidtuan Bridge pati na rin ang school
buldings na naipatayo nila sa unang distrito ng North Cotabato.

Bagama't
may ilang proyekto na hindi nila natapos sa taong kasalukuyan, tulad ng
Katinggawan bridge dahil sa ilang mga naging aberya sa pagtuloy ng proyekto ay
inaasahan naman matatapos ito sa Enero ng susunod na taon.

Nagpapasalamat
naman si Engr. Bartolome kay Congressman Jesus Sacdalan at sa bawat LGUs sa
kanilang suporta at kooperasyon sa bawat proyekto na kanilang iniimplimenta.

Local…………………..

KAHIT HINDI PA man nagsisimula
ang campaign period, sinimulan na ng Commission on Elections o COMELEC na
ipa-recall ang mga pulis at sundalong nakatalaga bilang escorts sa mga politiko
sa Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Provincial
Election Officer Udtog Tago, oras na para sa mga politiko na kumuha ng escorts
sa mga private security agencies.

Inihayag naman ni Maguindanao
Provincial Police Office Director Sr. Supt. Nickson Muksan na ang pulis at mga
sundalo ay direktang susunod sa mga direktiba ng COMELEC sa panahon ng election
period.

Pinaalala naman ng COMELEC sa
lahat na magsisimula na ang gunban sa January 10.

Nabatid na regular na
nagpupulong ang COMELEC, PNP at miltar para pag-usapan ang mga lugar na
ituturing hot spots sa panahon ng eleksyon.

Local...HAHABULIN ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang mga miyembro ng Ilaga na magbibitbit ng mga armas na illegal.Ito ang warning na binatawan ni CPPO provincial director, Sr Supt Alex Tagum, sa RADYO BIDA Kidapawan kontra sa BIFF.Ayon sa report, ang pag-a-armas uli ng Ilaga ay bunga ng harassment na umano inilunsad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa isang barangay sa Pigcawayan, North Cotabato noong Dec 26 at sa Midsayap noong Dec 27.
Pero, ayon kay Tagum, hindi dapat ito gawing rason ng Ilaga o ng anumang grupo para mag-armas dahil lalo lamang gugulo ang lugar.Hayaan na lamang umano ang PNP, at ang Philippine Army, at iba pang mga law enforcers na gawin ang kanilang trabaho para matiyak na ligtas ang mga mamamayan ng North Cotabato. Local...NANANATILI sa isang pagamutan sa bayan ng M’lang, North Cotabato ang isa sa tatlong mga magsasaka na nasugatan nang atakehin ng mga armadong lalaki ang Barangay Tibao, noong nakaraang Linggo.
Kinilala ang sugatan na si Armando Catague, miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Tibao.
Nagtamo naman ng mga daplis sa katawan ang mga civilian volunteers na sina Noly Tungcua at Jomar Magarso.
Ayon kay Kapitan Armando Tungcua ng Barangay Tibao, itinalaga niya bilang security force ang tatlo habang nag-aani ng palay ang mga magsasaka noong December 26.
Habang nagpapatrolya ang mga ito, tinambangan umano sila ng mga armadong lalaki at pinaputukan.
Pero gumanti ang mga BPAT at ang mga CVO at nakipagpalitan ng putok sa mga armado sa loob ng tatlumpung minuto.
Tatlo ang agad na nasugatan sa panig ng BPAT at mga CVO.
Malaki ang paniniwala ni Kapitan Tungcua na mga BIFF ang mga umatake sa kanilang barangay.
Dati na raw kasing ginagawa ito ng BIFF sa kanilang lugar. Local...Patuloy ngayon nagpapagaling sa pagamutan ang isang negosyante matapos barilin ng mga hold upper sa loob mismo ng public market ng brgy. Poblacion, Makilala, North Cotabato alas otso kagabi.Ang biktima ay kinilalang si Richard Irlandez Santos, residente ng Block 1 lot 2 Apo Sandawa Homes Phase 2, Kidapawan City, kung saan nagtamo ng tama ng bala sa kanyang binti.Sa report ng Makilala, Responders Team naghatid lamang ng kanyang mga produktong dressed Chicken ang biktima sa wet section ng palengke ng bigla na lamang itong dikitan ng dalawang lalaki at binaril ang biktima kasabay nang pagdeklara ng hold up.Nabatid na natangay ng mga suspek ang pera ng biktima at mabilis na tumakas.Agad namang naka responde ang Makilala PNP sa lugar na ngayon ay patuloy pang nagsasagawa ng hot pursuit operation sa posibleng pagkakahuli sa mga suspek. Local...Nanatili pa rin sa evacuation center ang mahigit dalawang daang pamilya sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.
Ang mga bakwit ay apektado ng pananalakay ng pinaghihinalaang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ,Disyembre a biente kwatro ng madaling araw.
Ang mga ito ay pawang mga residente ng Barangay Paitan, Esperanza.
Ayon kay Police Chief Inspector Bryan Bernardino, ang OIC ng Esperanza PNP, umuuwi lamang sa kanilang lugar ang nmga residente para maghanapbuhay tuwing araw at bumabalik naman sa Municipal gyam pagsapit ng takipsilim.
Inihayag ni Bernardino, na mariin din nilang pinaalalahanan ang mga bakwit na agad na isumbong sa mga kinakukukulan kapag may makikitang kahina hinalang personalidad, sa tuwing bumabalik sila sa kanilang mga tahanan.
Ayon kay Bernardino ang mga lumikas na residente ay nabigyan ng relief assistance ng lokal na pamahalaan ng Esperanza.
Di pa matiyak ng police official kung kelan tuluyang permanenteng makabalik sa kanilang mga tahanan ang mga bakwit.
Matatandaan na lima sa dalawang mga hostage ng mga armadong grupo na sumakalay sa Paitan ay nasawi.
Kinumpirma din ng Police Official na para manumbalik ang katiwasayan, itinalaga sa boundary ng Paitan Esperanza at Kakal, Abdullah Sangki Maguindanao ang mga kasapi ng Provincial Public Safety Company ng PNP Sultan Kudarat.
Matatandaan na dahil sa pananalakay ng armadong grupo ang mga bakwit at nagdiwang ng pasko sa evacuation center. Local...Patay sa pananaksak ang isang magsasaka sa Lake Sebu, South Cotabato.
Kinilala ng Lake Sebu PNP ang biktima na si Deos Tigo, trenta’y singko anyos at residente ng Purok Tungao barangay Proper Ned, Lake Sebu.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis, na ang biktimang si Tigo ay nasawi matapos saksakin sa tiyan.
Tinukoy naman ang suspek na sumaksak sa biktima ang Cafgu na si Gaudencio Wari.
Si Wari ay agad namang tumakas matapos gawin ang krimen.Naganap ang krimen nang magkita ang biktiima at suspek sa sayawan sa kanilang lugar, dakong alas onse ng gabi kamakalawa.
Ang matagal nang alitan sa pagitan ng suspek at biktima ang tinukoy na motibo ng mga pulis sa krimen. Local...Umaabot na sa dalawamput lima ang natamaan ng paputok sa South Cotabato.
Ito ay batay naman sa datus ng Provincial Epediomology and Surviellance Unit o PESU ng Integrated Provicial Health Office o IPHO mula Nobyembre biente singko hanggang Disyembre biente syete.
Gayunpaman, nilinaw ng IPHO na ito ay mas mababa ng 40.4 percent kung ikukumpara sa apatnaput dalawang kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga naputukan ay nagkakaedad ng mula onse hanggang kwarenta’y nuebe anyos.
Pinakabatang naputukan ang isang apat na taong gulang na bata habang pinakamatanda naman ang isang kwarenta’y nuebe anyos na lalaki.
Ayon sa IPHO karamihan naman sa mga nabiktima ng firecracker ang mga nagkakaedad ng mula onse hanggang biente anyos na umabot sa labinisa.
Dalawa naman sa mga ito ay pawang mga babae.
Pangunahing naging sanhi pa rin ng mga naputukan ang ipinagbabawal na Piccolo, na umaabot sa siyamnaput anim na porsyento.
Ayon sa IPHO wala namang naitalang naputulan ng kamay o daliri dahil sa paputok sa South Cotabato.
Naitala ang pito sa mga naputukan sa bayan ng Norala, anim sa polomolok, at tig tatlo sa Koronadal City.
May naputukan ring mga mamamayan sa mga bayan ng Tantanngan, Lake Sebu, T’boli at Surallah.
Matatandaan na kasabay ng kanilang stakeholders meeting noong nakaraang buwan, umaapela si Dr. Rogelio Aturdio Jr, ang provincial health officer ng South Cotabato sa publiko na huwag nang magpaputok.
Pinayuhan din nito ang mga magulang na huwag hayaang humawak ng anumang uri ng paputok ang kanilang mga anak.
Ito ay upang makaiwas sa peligrong dala ng mga paputok. Handa na ang lokal na pamahalaan ng Koronadal para sa Rizal Day Celebration bukas.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel ang selebrasyon ay gaganapin sa Rizal Park.
Ito ay sisimulan sa pamamagitan ng isang misa alas singko y medya ng umaga.
Kasunod naman nito ang kapehan para sa mga dumalong mamamayan.
Inihayag ni Miguel na ipapakita din sa pamamagitan ng theatrical presentation ng Hinugyaw Dance Troupe ng lungsod ang talambuhay ni Rizal.Magaalay din ng 21 gun salute para sa pambansang bayani ang Koronadal City PNP
Magiging highlight naman ng pagdiriwang ang wreath laying o pagaalay ng bulaklak sa puntod ni Rizal.
Ito ay dadaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, at pribadong sektor.
Umaapela naman si Miguel sa mga residente ng ng Koronadal na makisaya sa selebrasyon. Local...Tinupok ng apoy ang bahay ng isang Christine Agreda,, trenta’y tres anyos sa Purok Masagana, Barangay Zone 3,Koronadal City.
Napigilan naman ang pagkalat ng apoy sa pamamahay ng pamilya agreda dahil sa maagap na pagresponde ng mga bombero.
Ang sunog na tumagal lamang ng ilang minuto ay naganap pasado alas singko ng hapon kamakalawa.
Ayon sa Bureau of Fire Protection mismong ang may ari ng bahay na si Christine ang unang nakakita sa usok na lumalabas sa bubong ng kanilang bahay.Nang tinangka nitong lumapit nakita na lamang umano ng may ari ang unti unting paglamon ng apoy sa kanilang Christmas tree.
Inaalam pa ng BFP kung ano ang naging sanhi at halaga ng mga ari arian na tinupok ng apoy.
Kaugnay nito umaapela naman si Senior Fire Inspector Regenald Legaste,ang City Fire Marshall ng Koronadal sa mga mamamayan na panatilihing ligtas ang pamilya ngayong holiday season.
Payo pa ni Legaste sa mga mamamayan iwasan na gumawa ng mga bagay na maaring pagmulan ng sunog.
Kabilang sa mga ito ayon kay Legaste ang pagiwas sa pagpapaputok,at octopus charging ng mga electrical appliances sa bahay. sand//www.facebook.com/messages/roel.osano# rel= toggle

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...

2 BIFFs yield to Army in MagSur

RADJAH BUAYAN, Maguindanao del Sur -  On May 3, 2024, the 33rd Infantry (Makabayan) Battalion presented two Former Violent Extremists (FVEs) to...

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...