Tuesday Nov, 29 2022 05:39:15 AM

NDBC BIDA BALITA (Dec. 29, 2020)

NDBC BALITA • 20:30 PM Tue Dec 29, 2020
702
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1.  DALAWA KATAO pumanaw dahil sa Covid-19 sa Region 12.

2.  40 Covid-19 patients, gumaling na sa Soccsksargen region

3.   Tulong financial sa mga nasabugan ng Helium gas tank sa Norala, South Cotabato, tiniyak ni Norala Mayor Elemento Fedoc. 

4.   Panukalang pagbabalik ng death penalty sa bansa, umani ng ibat ibang reaksyon mula sa ilang taga North Cotabato 

5.  Landslide sumira sa tatlong mga bahay sa Lake Sebu, South Cotabato, apektadong lugar, inaayos na ng LGU. 

6.  Mahigit 70 thousand na halaga ng mga cellphone at cash natangay ng mga magnanakaw sa bahay ng isang dentista sa Koronadal City. 

7.  Liblib na barangay ng South Cotabato, may kuryente na mula TESDA, mga katutubo masaya.

8.  Anim na BIFF, sumuko sa Maguindanao

 

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

Local………………..

DALAWA ANG NASAWI dahil sa Covid-19 sa Region 12 kahapon habang abot naman sa 40 mga pasyente ang gumalit.

Ayon ito sa Dept of Health 12.

Isa sa mga nasawi ay 74-year-old na babae mula Gen. Santos City at isang 58-year-old na lalaki na taga Libungan, North Cotabato.

Nakapagtala din ng 26 na bagong kaso ng Covid-19 sa Region 12.

Sa ngayon, may confirmed cases na 4,582 kung saan 274 ang active cases at may 4,145 na ang mga gumaling.

May 162 na ang nasawi dahil sa Covid.

-0-

LOCAL…

May 27 mga barangay mula sa 13 mga bayan sa Maguindanao  ang idineklarang drug cleared ng Regional Oversight Committee on Dangerous Drugs para sa Barangay Drug Clearing Program ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-BARMM.

Ang mga ito ay ang mga bayan ng Upi, South Upi, Sultan Kudarat, Parang, Matanog, Barira, Datu Blah Sinsuat, Guindulungan, Talayan, Datu Anggal Midtimbang, Buluan at Gen. SK Pendatun.

Bukod sa 27 cleared barangays ay may isang totally drug cleared matapos ang presentation ng mga Barangay Kapitan ng kanilang mga programa sa komite.

Ang Regional Oversight Committee ay pinamunuan ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin.

-0-

Local………………..

Sa hangaring makumbinsi ang mga rebeldeng komunista at kanilang taga suporta sa magandang programa ng pamahalaan, namahagi ng leaflets at education materials ang 37th Infantry Battalion sa malalayong lugar ng Kalamansig at Palimbang sa Sultan Kudarat.

Ang mga leaflets ay naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa programa ng pamahalaan na maaring matanggap ng mga rebelde kung sila ay susuko sa gobyerno at magbagong buhay kapalit ng kanilang pagsuko at pagsurrender ng armas.

Kasama rin sa leaflets ang panawagan sa mga rebelde na sumuko at makasama ang kanilang pamilya sa pagsalubong sa bagong taon.

-0-

 

ANIM PANG MIEMBRO NG BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS O BIFF ang sumuko sa 90th Infantry Battalion ng Army sa Pagalungan, Maguindanao kahapon.

Ang mga dating BIFF members na kabilang sa Kagi Karialan faction, ay pormal na iniharap ni Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod kay 602nd Infantry brigade commander Brig. Gen. Roberto Capulong.

IsInuko ng BIFF ang dalawang M14 Rifles, isang Garand Rifle, isang 5.56mm Carbine, isang homemade Cal. 50 Barret Sniper Rifle and one Rocket Propelled grenade na may bala.

Isa sa mga BIFF ang nagsabi na siyay nagagalak at sa halip na patayin ay tinulungan pa sila ng mga sundalo para mapayapang sumuko.

-0-

LOCAL…

PERSONAL GRUDGE ang nakikitang motibo ng PNP sa naganap na ambush sa BArangay Simuay Seashore, Sultan Mastura, Maguindanao.

Ito ang lumalabas sa initial na investigation ng Sutlan Mastura PNP.

SAkay ng motorsiklo sina  Abubakar Mohammad, taga Barnagay Balut ng nasabing bayan at si Alkhair Pusdan na taga Zenaida Subdivision, Cotabato City nang sila ay pagbabarilin ng mga suspect na sakay ng kulay itim na Toyota Wigo.

Ang mga biktima ay namatay on the spot.

-0-

 

LOCAL...

Nagrereklamo na ang ilan sa mga commuter sa Kidapawan City dahil sa mahal na singil ng ilang mga tricyle driver o lagpas na sa nakasaad sa fare matrix lalo na ngayong holiday season.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Kidapawan City TMU head Rey Manar ang publiko na agad kunin ang KD-number o di kaya ang operator’s name ng kanilang sinakyang tricyle at ipabot sa kanilang tanggapan para sa kaukulang aksyon.

Ipapatawag anya ng taga TMU ang inireklamong driver, haharap sa adjudication board at kung mapatunayang na sobra ang kanyang singil na pamasahe ay may kaukulang penalidad. Kung aabot pa anya ng tatlong beses na inireklamo ay magkakaproblema pa sa pagpaparenew ng kanilang rehistro.

Kung kaya’t panawagan ng opisyal sa mga driver na huwang samantalahin ang pagkakataon na magpamahal ng pamasahe dahil sa maraming mga pasahero ngayong holiday season mula sa ibat-ibang lugar sa North Cotabato.

-0-

LOCAL...

Nasa 110 public schools ng North Cotabato Division ang naturn-over na kahapon sa Ministry of Basic Higher and Technical Education sa BARMM mula sa 63 barangays ng probinsya.

Ito ang kinumpirma ni Cotabato Division Information Officer Charlie Antipolo sa Radyo BIDA kahapon. Sinabi ni Antipolo, nasa 1, 172 DepEd Personnel ang opisyal ng isinailalim sa pamamahala ng BARMM.

Anya, tuloy naman ang sweldo, mga benepisyo at financial capability ng mga guro na sasailalim sa Bangsamoro Region. Pinaghandaan naman anya ito ng Department of Education pero amindo naman itong may delay ng kaunti sa kanilang sahod dahil sa signatories.

Tiniyak naman ni Antipolo na patuloy ang paggamit ng mode of learning o pamamaraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral at ipagpapatuloy lamang ng mga learner ang lahat ng kanilang sinimulan. Aminado naman itong may ilang guro na may mga reservations ang ilan sa mga guro habang ikinatuwa naman ng iba ang pagturn-over sa MBHTE.

-0-

LOCAL...

Matapos maiulat ang serye ng pamamaril sa North Cotabato ngayong taon maraming buhay ang nasayang.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit pinaburan ng karamihan sa mga mamamayan ng probinsya ang pagbabalik ng death penalty kahit paman sa panahon ng pandemya.

Bagaman bumaba ang crime incidents na naitala sa buong North Cotabato ngayong taon, pero nagdulot pa rin ito ng takot sa maraming mga residente ng probinsya lalo na ang mga naitatalang pamamaril na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba ang kaso.

Para kay Alyas Marina, dapat lamang na ibalik ang death penalty dahil tila wala na anyang kinatatakutan ang mga tao at magdadalawang isip ang mga suspect na gawin ito dahil sa nasabing batas. Kung si alyas Fernan naman ang tatanungin, diyos lamang daw ang may karapatan na humusga sa mga nagkasala. 

-0-

LOCAL...

Apat na lamang ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa North Cotabato kahapon batay sa report ng DOH-12.

Sa nasabing bilang, isa ang mula sa bayan ng Kabacan na dumalo sa social gathering kung saan mahigpit na ipinagbabawal ng IATF.

Isang kaso naman ang naiulat mula sa bayan ng Libungan at dalawa mula sa bayan ng Matalam na pasyente at watcher sa ospital.

Samantala, nadagdagan din ang recovered COVID-19 patients galing sa bayan ng Midsayap. Sa kabuuan, nasa 367 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa North Cotabato, 37 na lamang ang active cases at 313 na ang gumaling.

 

-0-

LOCAL...

Hindi na kalakip sa gagawing Business One-Stop-Shop o BOSS ng lokal na pamahalaan ang mga barangay sa Koronadal City. Paliwanag ni Koronadal Business Permit Licensing Section Head Gilbert Gayosa ang bayarin kasi sa business clearance sa mga barangay ang kokolektahin na ng City Treasurers Office.

Nilinaw ni Gayosa na ito ay ire-remitt din ng LGU sa mga barangay pagkatapos ng BOSS. Sinabi ni Gayosa na ito ay bilang pagtalima na rin sa ordinasa ng Koronadal na nagbibigay ng otoridad sa city government na kolektahin ang business clearance fee sa mga barangay.

Dahil dito ayon kay Gayosa mas pinadali pa ng city LGU ang proseso sa business permit application. Kaugnay ito sa BOSS na ipatutupad ng BPLS sa January 4 hanggang January 20, 2021. Sinabi ni Gayosa na sa BOSS dadaan lamang sa tatlong mga proseso ang mga kukuha at mag-renew ng business permit. Ang mga ito ay ang pag-submit ng application, pagbayad ng permit at ang pag-claim nito.

Tiniyak din ni Gayosa na susundin nila ang minimum health protocol sa pagsasagawa ng BOSS para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. 

-0-

LOCAL...

Magbibigay ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng liquefied petroleum gas o LGP tank sa Norala South Cotabato ang lokal na pamahalaan. Tiniyak ito ni ni Norala Mayor Clemento Fedoc. Sa katunayan ayon kay Fedoc ito ay pinaglaanan na ng pondo ng LGU.

Kinumpirma din ni Fedoc na nasa stable nang kalagayan ang apat nga mga biktima sa pagsabog. 

Kaugnay nito humiling na ng tulong sa PNP crime laboratory ang Norala Police station para makumpirma ang laman ng sumabog na LPG tank.

Ipinahayag ito ni Norala Chief of Police, Major Bernie Faldas. Sinabi ni Faldas na sa ngayon kasi ay hindi pa matukoy ng Norala PNP kung anong solution ang inilagay sa sumabog na LPG tank.

Matatandaan na ang insidente na naganap noong linggo ng umaga ay ikinasawi ng sampung taong gulang na si Jeffren John Cabuhay. Sugatan naman sa insidente ang ina nitong si Geraldine, 39 years old; amang si Neilfrin, 40 years old, kapatid na si Aldrin at kalaro umano ng mga ito nang maganap ang pagsabog na si Tanya Emerson.

Ang mga ballon vendor na biktima na pawang mga taga Zone 3 Koronadal City ay dumayo lamang sa bayan ng Norala para magtinda. Pero ayon kay Faldas hindi tama ang ginawa ng mga ito na pagamit ng chemical para sa pagpapalobo ng kanilang mga panindang balloon.

Kaugnay nito nanawagan si Faldas sa publiko na magingat at huwag nang sumubok pang humalo ng chemical solution para makaiwas sa peligro.

-0-

LOCAL...

Nawalan ng tirahan ang tatlong mga pamilya kasunod ng naganap na landslide sa kanilang lugar sa Sitio Lamkemwek, Barangay Lamlahak, Lake Sebu, South Cotabato.

Ito ay ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Rolly Doanne Aquino. Ayon kay Aquino, naganap ang landslide kasunod ng malakas na buhos ng ulan noong Sabado ng umaga. Bagamat walang nasaktan sa insidente, apektado naman ang transportasyon patungo sa karatig barangay ng Lamdalag.

Nagpadala na ng mga heavy equipment ang lokal na pamahalaan ng Lake Sebu para tumanggal at maghakot sa mga lupang tumabon sa daan. Ayon kay Aquino, ito ay upang maprotektahan din ang mga mamamayang nakatira sa paligid at makapagpadala agad ng tulong sa apektadong mga pamilya. 

-0-

LOCAL...

Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng dentistang si Joan Lebanan Barrios sa Purok Roamciville, Barangay Santa Cruz, Koronadal City dakong alas tres ng madaling araw kahapon.

Ipinahayag ito ni Koronadal PNP Investigator Rey Sotelo. Ayon kay Sotelo natangay ng mga magnanakaw sa bahay ng biktima ang tatlong mga cellphone na nagkakahalaga ng mahigit 80 thousand pesos. Hindi rin nakaligtas sa mga ito ang dalawang mga wallet na may lang mahigit seven thousand pesos, driver’s license mga ID at ATM cards.

Sinabi ni Sotelo na hindi na naabutan pamangkin ni Barrios ang dalawang mga suspek na tumakas sakay ng motorsiklo nang kanya itong habulin.

Ayon kay Sotelo nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Koronadal PNP para matukoy kung sino ang mga magnanakaw na nanloob sa bahay ng nasabing dentista. Kaugnay nito nanawagan si Sotelo sa publiko na maging mapagmatyag para hindi mabiktima ng mga magnanakaw.

Sinabi ni Sotelo na kadalasan tumataas ang mga insidente ng pagnanakaw sa lungsod tuwing Disyembre. 

-0-

LOCAL...

Solar-power light project ng TESDA pinailawan na sa liblib na Sitio ng Ned, Lake Sebu, South Cotabato

Sasalubungin ng maliwanag ng mga mamamayan sa liblib na Sitio ng Blit sa Barangay Ned,Lake Sebu, South Cotabato ang bagong taon. Kasunod ito ng pagpapailaw sa kanilang solar-power lights.

Ang lugar ay isa sa mga benepisaryo ng project TALA o TESDA Alay ay Liwanag at Asenso ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. Ito ay ayon kay TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II, Kabilang ang mahigit isang daang mga katutubong pamilya sa Sitio Blit sa unang nakinabang sa project TALA.

Ang mga benepisyaryo ng proyekto ay sinanay din ng TESDA 12 sa pagkabit ng solar-power lights para magkaroon ng alternatibong mapagkakakitaan. Maliban sa Sitio Blit, napailawan na rin ang solar power lights ng project TALA sa Sitio Tasaday sa nasabing barangay.

Target ng TESDA 12 na mabigyan ng pailaw sa pamamagitan ng kanilang project TALA ang libo-libong mga bahay sa mga liblib na lugar ng rehiyon. Ito ayon kay Abrogar ay bilang pagtalima na rin sa utos ni TESDA Secretary Isidro Lapeña. Layon ng proyekto na mawakasan na ang insurhensya.

-0-

TIMRA

BINIGYAN NA NG Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ilang bus company na mag-operate sa ilang ruta sa Mindanao.

Ang nabigyan ng green light para bumiyahe ang mga bus na may rutang Cagayan de Oro City patungong Tacurong, Sultan Kudarat; Davao City patungong Arakan, North Cotabato; at Davao City patungong Kidapawan City and vice-versa.

Sa ngayon, meron nang 1,600 provincial buses ang bumibiyahe sa ibat ibang panig ng bansa.

Paalala ng LTFRB na bawal mag-pick-up ng pasahero ang mga bus sa highway o outside bus terminals.

Dapat terminal to terminal and sakayan at babaan ng mga pasahero, ayon sa LFTRB.

At 50 percent lang ng bus seating capacity ang pwedeng magamit.

-0-

SA SURIGAO DEL NORTE, GINAMIT NG 30TH Infantry Battalion ang impormasyon na bigay ng isang dating NPA rebel sa bayan ng Bacuag upang makuha ang mga armas at mga bala na inilibing ng kilusan.  Sinabi ni 901st brigade commander Colonel George Banzon, na sinamahan pa ng dating NPA ang mga sundalo upang hukain ang mga highpowered firearms.

-0-

SA PAGADIAN CITY, hindi lang farm tools at seedlings ang ibinigay ng mga kawani ng Dept of Agricultgure sa Zamboanga Peninsula o Region 9.  Kahapon, abot sa 21 mga bags ng dugo ang kanilang na-donate sa isinagawang bloodletting activity. May tema ang bloodletting na “Give blood on Christmas Day.”

-0-

SA ZAMBOANGA SIBUGAY, HULI ANG dalawang negosyante mula Jolo at Tawi-Tawi habang may dalang P7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang anti-drug operation ng PNP sa Barangay Lumbog bayan ng Imelda. SA report ng PNP, balak daw nina Crimalde Tarawi ng Simunul, Tawi-Tawi, and Basir Alano ng Jolo, Sulu na dalhin sa Lanao del Sur at Maguindanao ang mga shabu nang sila ay naaresto.

-0-

SA DAVAO CITY, SAMPUNG mga health frontliner ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang sugatan matapos na ang kanilang sinasakyang shuttle bus patungong ospital ay tumagilid sa diversion road kahapon ng medaling araw.  Lahat sila ay mga nurse ng SPMC at isa sa mga ito ay buntis.

 

 

 

 

 

 

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary...

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today started implementing rollback on prices of petroleum products. The pump prices of diesel was but by P3.95 per liter...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...