Saturday Jun, 15 2024 05:49:04 PM

NDBC BIDA BALITA Dec. 30, 2015

Local News • 16:24 PM Wed Dec 30, 2015
1,686
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

DECEMBER 30,
2015 (WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ISANG MARINES PATAY, lima sugatan sa
insidenteng ng pamamaril sa Cotabato City

2. Commuters at mga Motorista ligtas pa
ring bumyahe sa North Cotabato ayon sa PNP.3. Twin bombing sa Cotabato City, kinundina ni Mayor Guiani

4. Suspect sa kasong murder, umamin at sumuko sa mga otoridad, tinuro ng libingan ng kanyang pinatay.AT NGAYON SA DETALYE...

Local………………..

ISA PATAY habang lima sugatan sa
nangyaring pamamaril kahapon, pasado alas-10:30 ng umaga sa may kanto ng Don E
sero St. Cotabato City.

Ayon kay City Police Station 2
Commander Sr. Insp Carlo Corenario, unang pinagbabaril ng riding tandem ang
miyembro ng AFP Philippine Marines na si Technical Sgt. Leopoldo Tan Monsenera,
Taga-Cabatangan, Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon,
nagpagasolina lamang si Monsenera ng kanyang kulay itim na rouser motorcycle na
may license plate GU 3733 nang sundan ito ng lalakeng riding tandem sakay ng
knailang XRM motorcycle.

Nang paalis na'y agad itong
pinagbabaril sabay kuha ng backpack ng biktima.

Nagtamo ng tama ng bala si Monsenera sa
kanyang katawan at ulo dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Naalerto naman ang mga elemento ng
Special forces battalion na nagpapatrolya sa lugar kung kaya't nagmadaling
umalis ang mga suspek at naiwan ang kanilang sinasakyang motorsiklo patungong
Arum Village, Brgy. Rosary heights 4 ng lungsod.

Dito na nagkapalitan ng putok ang mga
SF at dalawang suspek, kung saan nadamay ang ilang mga sibilyan na nasa paligid
ng insidente.

Kinilala naman ni Corenario ang mga
sugatan sa naturang pamamaril, kanilang ang isang 13-anyos na lalake na si John
Christopher Galan Lugyano, taga Sausa ng lungsod Richie Hagimit, 30-anyos taga
Rosary Heights 4 na may tama sa kamay Nagtamo naman ng tama sa kanyang kanang
kamay si Alfie Palanting, 27-anyos at Danny Benito 49-years old, construction
worker at taga Malagapas, Brgy. RH 10 ng lungsod na may tama ng bala sa kanyang
braso.

Kapwa namang nailabas na sa pagamutan
ang mga nadamay na biktima.

Sumunod na rito ang paglunsad ng hot
pursuit operation ng SF at Police station 2 sa mga suspek kung saan naaresto
ang isa sa mga ito na si Jean Harry Upham Bakal, 19-anyos, may asawa,
pansamntalang naninirahan sa Brgy. Rosary Heights 3 ng lungsod at mula sa
Kabuntalan, Maguindanao.

Nagtamo ng tama ng bala si Bakal sa
kanyang kamay at paa.

Habang patuloy namang pinaghahanap ang
isa pang suspek na si Mins Alamansa.

Ayon kay Corenerio, kusa namang inamin
ni Bakal na siya ang direktang bumaril at pumatay kay Technical Sgt. Monsenera.

Nakuha naman ng mga pulis ang backpack
ng biktima mula sa mga suspek pati ang motorsiklo nito.

Narekober naman sa crime scene ang
isang kalibre 45 na baril.

Patuloy naman iniimbestigahan kung ano
ang motibo sa naturang pamamaril. Local …………………

PATULOY pang
iniimbestigahan ng Explosive ordinance disposal team at Cotabato City PNP kung
may kinalaman ba ang pagtatapon ng improvised explosive device o IED sa
Kololots videoke bar noong lunes ng gabi sa panibagong pagpapasabog ng IED sa
Sinsuat Avenue corner Macapagal Street ng lungsod kahapon, alas-11:40 ng umaga.

Ito matapos
na may ilang narekober na materyales ng mga nasabing IED ay halos magkapareho,
bagam't ang unang IED na inihagis sa kololots videoke bar ay may substance ng
40mm cartridge.

Kahapon,
SUMABOG ang IED partikyular sa isang waiting shed na tapat ng sugar pappy na isang
establisyemento.

Ayon sa
Explosive ordnance disposal team, sumabog na ang naturang IED nang dumating sila
sa area.

At dito,
narekober nila ang ilang mga pako at ilang bakal na kinumpuni sa isang plastic
container na may black powder.

Wala namang
nasugatan sa naturang pagpapasabog.

Patuloy
namang iniimbestigahan ng EOD team ang dalawang magkasunod na pagpapasabog. Local…………………….

MARIING
KINONDENA ni Cotabato City Mayor Japal Guiani, Jr. ang dalawang magkasunod na pambobomba
sa lungsod.

Una ay
sa isang commercial videoke house sa may Sinsuat Avenue noong lunes, at isa
naman sa isang waiting shed.

Ayon
kay Guiani, posibleng ginagawa ito dahil sa may iilan na ayaw ang progresong natatamasa
ng lungsod.

Umaapela
naman si Mayor Guiani sa mga Cotabatenyos na maging mapagmasid at maingat sa
lahat ng oras kasabay nang pag implimenta ng alert level ng City PNP lalo na't
may mga banta pa ng mga pambobomba sa lungsod.

Binigyang
diin rin ng alkalde ang pagbabawal ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon upang
agad na maditermina ng mga otoridad kung sakaling may insidente ng pamamaril at
pambobomba sa nasabing selebrasyon.

Hinihikayat
din ang publiko na agad na magbigay alam sa mga pulis kung sakaling may kahinahinalang
pangyayari, bagay o tao sa kanilang lugar.

Local……………….

HINDI
na napigilan pa ni Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao Kagawad Rommel
Rodriguez na direktahin si Bangsamoro Islamic Freedom fighters o BIFF
spokesperson Abu Misry Mama patungkol sa pagdamay at pagpatay ng kanilang grupo
sa mga magsasaka ng kanilang Barangay.

Nang
makapanayaman sa programang Madam Public Service si Brgy. Kauran, Kagawad
Rodriguez at Abu Misry, bagama't naging malinaw ang kanilang pagpapalitan ng
reaksyon at paghahayag ng emosyon ay hindi maiwasang naging mainit ito.

Ayon
kay Rodriguez, hindi nila matanggap ang brutal na pagpatay sa kanilang mga
kasamang mga magsasaka na walang kalaban laban.

Giit
ni Abu Misry, may mga baril ang mga magsasaka kung kaya't napatay ang mga ito
at diumano'y nasa detachment ng cafgu sa naturang lugar.

Ipinaglaban
naman ni Kagawada ang karapatan ng mga inosenteng sibilyan na mga magsasaka na
pinaslang.

Inihayag
naman ni Abu Misry na nangaagaw ng mga ilaga ang mga lupa sa nasabing lugar.

Susubukan
naman ni Abu Misry Mama na makausap ang mataas na pinuno ng BIFF para hindi na
maulit ang insidente.

Local…………………..

HINDI
INAASAHAN ang biglaang pagkamatay ng isang anim na taong gulang na batang
lalake dahil sa softdrinks sa Brgy. Poblacion Dos, Cotabato City.

Sa
report, kaarawan ng naturang batang lalake kahapon ng sinalubong nito ang
kanyang kaanak na may dala dalang softdrinks.

Pero
imbes na excitement ang naramdaman ng lahat para sa kaarawan ng bata, ay
napalitan ito ng lungkot ng mahulog ang mga softdrinks na dala ng kanyang
kaanak at ng mabasag ito'y tumama sa leeg ng bata ang basag na bote.

Agad
na isinugod ang biktima sa pagamutan pero binawian rin ito ng buhay dahil sa
bleeding.

SAMANTALA,
Nilinaw ng A TO Z Van terminal sa Cotabato City na tuloy-tuloy ang kanilang
pagbabiyahe para sa bisperas at sa araw ng bagong taon.

Wala
ring pagbabago sa kanilang schedule para makapagbigay ng serbisyo sa publiko
pati na rin sa pamasahe mapa north o south bound.

Local...Tiniyak ni Cotabato Police Provincial Office o CPPO Director Sr. Supt. Alexander Tagum na ligtas paring bumyahe ang mga commuters at motorista sa National Highway ng North Cotabato.Sinabi ni Tagum na mula Cotabato City hanggang boundary ng Davao del Sur ay mahigpit ang ipinapatupad na highway inspection ng PNP katuwang na ang militar at CAFGU.Para naman sa kaalaman ng publiko, makikita ang mga indikasyon na lehitimo ang mga isinasagawang checkpoints sa highway kung may mga nakaparadang PNP mobile Vehicle, military vehicle sa daanan at nakasuot ang mga personnel ng mga uniporme at kumpleto ang mga signage nito.Samantal, naniniwala rin si Tagum na pananakot lamang ang motibo ng mga miembro ng Bangsamoro Islamic freedom Figthers o BIFF sa kanilang ginawang mga pang-aatake sa ilang mga bayan sa North Cotabato at maging sa ilang bahagi ng Mindanao.Ayon kay Tagum, suportado nila ang anumang security measures na ipinapatupad ngayong ng Armed Forces Of the Philippines o AFP para sa pagpapanatili ng seguridad sa lalawigan.Iginiit ni Tagum na bago paman inilibas ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA ang report na nasa alert level 3 ang ilang bayan sa North Cotabato dahil sa banta ng terrorismo ay naka double alert na ang Philippine National Police.Sa ngayon naka pwesto na ang PNP sa posibleng mga area na aatekehin ng armadong grupo sa lalawigan. Local...Aminado si Jomer Alo ang presidente ng Koronadal City Firecrackers Vendors Association na nakapapasok pa rin sa lungsod ang illegal na paputok na Piccolo.
Ayon kay Alo sa kabila kasi ng paalala ng mga otoridad, piccolo pa rin ang pangunahing sanhi ng mga fire cracker related injuries sa lungsod.
Gayunpaman, binigyan diin ni Alo na hindi sa kanilang mga legal na nagbebenta ng mga paputok nanggaling ang mga Piccolo.
Inihayag ni Alo na napagkasunduan mismo ng kanilang grupo na sila mismo ang magpapahuli sa mga kasamang mahuling nagbebenta ng illegal na mga paputok.
Ikinaalarma din nito na sa kabila ng paulit ulit na paalala sa peligrong dala nito, marami pa ring mga mamamayan ang naghahanap sa kanila ng Piccolo.Naniniwala si Alo na ang Piccolo ay posibleng nabibili sa mga illegal fire cracker vendors na naglalako ng kanilang mga paninda lalong lalo na sa mga barangay.
Kaugnay nito hiniling naman ng pulisiya sa mga mamamayan sa mga barangay na agad na isumbong sa kanila ang sinumang makikitang nagbebenta ng mga illegal na paputok.
Nabatid na abot na sa dalawamput lima ang naitalang naputukan sa South Cobato ngayon.
Ito ay batay naman sa pinakahuling datus ng Integrated Provincial Health Office ng South Cotabato. Local..Patay na ng matagpuan ang isang magsasaka sa Sitio Upper Cadidang, Barangay San Jose, Koronadal City.
Kinilala ng City PNP ang biktima na si Rodrigo Yambao, sitenta’y tres anyos at residente ng Barangay Lagao sa General Santos city.
Si Yambao ay natagpuang wala nang buhay sa loob mismo ng kanyang owner type jeep na may license plate MBP 324 sa Sitio Upper Cadidang Barangay San Jose, Koronadal, dakong alas dose y medya ng hapon kamakalawa.
Ang biktima ay nagtamo ng sugat ng pananaksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Tinukoy naman ng PNP na suspek sa krimen ang isang Joseph Sunga, residente ng barangay Fatima, General Santos City.
Awayan sa lupa ang motibo na tinukoy ng mga pulis sa krimen. Local...Nasawi ang isang binata matapos mabiktima ng pambubogbog sa Tupi, South Cotabato.
Ayon sa salaysay ni Carlos Exnonde Sr. sa mga pulis ang trenta’y singko anyos na anak nitong si Jomarie Exconde, ay nasawi habang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital kahapon ng madaling araw.
Naganap umano ang pambubobog sa biktima sa Barangay Miasong, Tupi dakong alas singko ng hapon noong Disyembre a biente singko.
Kinilala naman ng Tupi PNP ang suspek sa krimen na si Armando Zamoras, kwarenta’y otso anyos na sumuko sa mga pulis kamakalawa.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong homicide laban sa suspek.
Inaalam pa ng Tupi PNP ang motibo sa krimen. Local...Naniniwala si Justina Navarete, ang OIC Provincial Agriculture Officer ng South Cotabato na posibleng tataas ang presyo ng mga produktong prutas sa lalawigan.
Ito ay dahil na rin sa mas mataas na demand nito habang papalapit ang pagsalubong ng bagong taon.
Bukod dito ayon kay Navarete, hindi pa panahon ng pamumunga o off season pa ng mga bilog na prutas ngayon tulad ng durian, Lanzones, rambutan at iba.
Ininayag ni Navarete na karamihan sa mga bilog na prutas na ibinebenta sa south Cotabato ay nangaling pa sa ibang lugar.
Ayon kay Navarete, tanging Pomelo lamang ay mayroong sapat na supply ngayon sa lalawigan.
Kapansipansin naman na habang papalapit ang bagong taon, nasimula na ring dumami ang mga nagbebenta ng mga prutas sa Koronadal City.
Ayon sa mga ito pinayagan sila ng lokal na pamahalaan na makapagbenta sa labas ng palengke hangang Disyembre trenta’y uno.
Bukas na rin biente kwatro oras ang mga pwesto ng prutas sa Koronadal City.
Ang paghahanda ng bilog na prutas tuwing bagong taon ay naging tradisyon na ng mga mamamayang Pilipino sa paniniwalaang magdadala ito ng kasaganahan sa pagpasok ng bagong taong. Local...Target ngayon ni Mlang Mayor Joselito Piñol na sa unang buwan pa lang ng 2016 ay maaayos na ang pinag-aawayang lupa sa brgy. Tibao, Mlang North Cotabato.Ayon kay Piñol dalawang mga grupo kasi ngayon ng magsasaka ang pilit na umaangkin sa nabanggit na area.Dahil dito tatlong mga magsasaka ang nasugatan sa nangayring pang-aatake sa lugar na ayon pa kay brgy. Tibao Chairperson Armando Tungcuan ay kagagawan ng mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.Pinasinungalingan naman ni Piñol ang naturang report na mga BIFF ang responsable sa naturang pang-aatake.Aniya, posibleng mga miembro ang naturang armadong grupo sa Moro Islamic Liberation Front o MILF.Pero naniniwala naman siyang ang naturang pananambang ay hindi nagmula o utos sa kanilang organisasyon.Sa kabila nito, tiniyak naman ng alkalde na patuloy nilang iimbestigahan at aayusin ang nabanggit na gusot para matuldukan na ang ilang taon ng awayan sa lupa sa lugar.Umapela na lamang ang opisyal sa dalawang grupo na maging bukas ito lalo na sa nakatakdang negosasyon nila sa susunod na taon. Local...Dalawang araw na lamang at magbabagong taon na kaya naman ngayon pa lamang ay isinailalim na sa red alerts status ang buong hanay ng Bureau of Fire Protection o BFP sa buong bansa bilang paghahanda sa pagsalubong sa 2016.Kaugnay nito, nakahanda at nakaalerto ngayon ang BFP-Kidapawan pati na ang ilang BFP station sa North Cotabato na rumesponde sa mga posibleng mangyaring sunog o anumang sakuna dahil sa mga paputok.Paalala ng BFP sa publiko na magkaroon lamang ng iisang lugar kung saan gaganapin ang fireworks display o pagpapaputok at kung maaari ay ipaubaya ito sa mga eksperto upang maiwasan ang anumang disgrasya.Nanawagan rin ang BFP na sundin ang ilang safety tips tulad ng ilayo ang mga bagay na madaling masunog kagaya ng papaputok, Chrsitmas lights, bunutin ang saksakan bago matulog o umalis ng bahay at iwasan ang octopus connection.Sa Kidapawan City, ay wala namang naitala ang BFP na mga insidente ng sunog kaugnay sa pagdiriwang ng kapaskuhan.Umaasa ang nabanggit na tanggapan na dahil sa maagap nilang panawagan ay walang maitatalang sunog o anumang aksidente sa pagsalubong sa bagong taon. Local...Local...Bago magtapos ang 2015, naihabol pa ng Magpet LGU ang kanilang pamaskong proyekto na abot sa Four million pesos ang halaga sa dalawang mga barangay ng bayan.Kabilang na rito ang Daycare Center sa barangay Bangkal na nagkakahalaga ng 1 million pesos at dalawang farm to market roads sa brgy. Kinarom at brgy. Magkaalam, Magpet.Sinabi ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga ang pondo para sa naturang mga proyekto ay nagmula sa Bottoms up Budgetting o BUB ng National Government at lokal na pamahalaan ng Magpet.Umaasa si Gonzaga na sa pamamagitan ng nabanggit na proyekto ay matutulungan ang mga magsasaka na maipababa ang kanilang mga produkto sa merkado.Layunin rin ng LGU na maipadama sa mga residente ang presesnsya ng gobyerno sa kanilang lugar. Local...INAMIN ni Chairperson Armando Tongcua ng Barangay Tibao, M’lang na noon pa ay nag-a-armas na sila para protektahan ang kanilang mga propriedad at lupain kontra sa mga armadong Moro na madalas umaatake sa kanilang barangay.Gayunman, itinanggi ni Tongcua na sila’y mga miyembro ng Ilaga – isang para-military group na na-organisa noong dekada 70 para lumaban sa Moro insurgency.Ang mga armas nila, ayon pa kay Tongcua, ay pang-depensa lang at hindi para gamitin sa masasamang gawain.Aminado si Tongcua na ang mga armas ay walang mga kaukulang papeles.SOTand TONGCUASi Barangay Tibao chairperson Armando Tongcua.Matatandaang nOONG December 26, habang nagpa-patrolya ang mga tanod ng Barangay, inatake sila ng mga BIFF.Tatlo ang agad sugatan. Isa rito malubha ang kalagayan.Ayon kay Tongcua, sa maraming pagkakataon ay pumapasok sa kanilang barangay ang mga rebeldeng BIFF tuwing nag-aani o nagtatanim sila ng palay at mais. Local...Patay na ng matagpuan ang isang magsasaka sa Sitio Upper Cadidang, Barangay San Jose, Koronadal City.Kinilala ng City PNP ang biktima na si Rodrigo Yambao, sitenta’y tres anyos at residente ng Barangay Lagao sa General Santos city.Si Yambao ay natagpuang wala nang buhay sa loob mismo ng kanyang owner type jeep na may license plate MBP 324 sa Sitio Upper Cadidang Barangay San Jose, Koronadal, dakong alas dose y medya ng hapon kahapon.Ang biktima ay nagtamo ng sugat ng pananaksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.Tinukoy naman ng PNP na suspek sa krimen ang isang Joseph Sunga, residente ng barangay Fatima, General Santos City.Awayan sa lupa ang motibo na tinukoy ng mga pulis sa krimen.Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong pagpatay laban sa tumakas na suspek. Local...Naaagnas na ng hukayin ng SOCO-South Cotabato ang bangkay ng lalake matapos ang halos 5 araw na pagkakalibing sa Purok Roxas, Brgy. Esperanza, City of Koronadal.Kinilala ang biktima na si Jorie Balunto Gulae, 33 anyos, at residente ng kiblawis, Kiblawan, Davao del Sur. Ang suspek ang kinilala nasi Jusie Jialuna, 34 anyos, may asawa at 2 anak, residente ng Brgy. Esperanza, Koronadal City.Sinabi ni Binan Jialuna, Purok President ng Prk Roxas, na sa kanya mismo inamin ng suspek ang krimen dahil sa nagpapakita umano ang biktima sa kanya. Dahil aniya sa takot ay minabuti nitong sabihin ang totoo. Dagdag pa nito na sinuntok ng suspek ang biktima bago ginilitan sa leeg gamit ang lagaraw.Duda ng opisyal na away sa pera ang naging dahilan ng pag-aaway ng magkaibigan. Dahil sa una nang pinaratangan ng suspek ang biktima na ninakaw nito ang pera na nagkakahalaga ng P24,000 na padala ng kanyang misis na OFW.Nabatid na pinatuloy pa sa bahay ng suspek ang biktima simula noong buwan ng Agosto.Kinumpirma naman ang pagkakakilanlan ng biktima ni Brgy Kagawad Ramil Lingkong ng Bongmal, Kiblawis kasama ang pamilya nito.

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...

Army collects 18 more high-powered guns in MagSur 

COTABATO CITY --- Residents of Datu Paglas, Maguindanao del Sur surrendered on Thursday to an Army unit 18 high-powered firearms in support of the...

‘Bangsamoro women can lead’—women groups on BARMM 2025 polls

COTABATO CITY — Bangsamoro women representatives from various organizations convened in a forum recently to discuss strategies for strengthening...

Police confiscate P1.6-M smuggled cigarettes in SoCot, MagNorte 

KORONADAL CITY - About P1.630 million worth of smuggled cigarettes believed to be from Indonesia and Malaysia were confiscated during separate law...

Maguindanao Sur village chair killed in gun attack

COTABATO CITY - An incumbent village chairman died on the spot in a gun onslaught in Pagatin village, Datu Salibo town in Maguindanao del Sur around...