Saturday Jul, 02 2022 07:20:48 AM

NDBC BIDA BALITA (DEC. 5, 2020)

NDBC BALITA • 08:45 AM Sat Dec 5, 2020
912
By: 
NDBC NCA

NDBC NEWSCAST

HEADLINES:

1.  Pag-atake sa Datu Piang, inako ng BIFF; dahil daw ito sa illegal drugs at illegal gambling

2.   Dagdag na police sa Datu Piang, ipinag-utos ni Director Gen. Sinas

3.   Panalangin ngayong Pasko, hiling ni Kidapwan Bishop BAgaforo sa lahat

4.   15 katao, sugatan sa Mlang, North Cotabato highway accident

5.   Missing teacher sa Polomolok, South Cotabato, hindi pa din natatagpuan

6.  Don’t worry, be happy, payo ng South Cotabato jail warden sa kamag-anak ng mga preso matapos magka-Covid ang isang jail guard

 

 

 

 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

Local………………..

IPINAG-UTOS NI PNP DIRECTOR GENERAL Debold Sinas sa PNP-Bangsamoro Region na imbestigahan ang naganap na pananalakay ng BIFF sa Datu PIang, Maguindanao na nagresulta sa pagkasunog ng police car.

Ipinag-utos din niya ang pagpapadala ng PNP Special Action Force sa DAtu Piang at sa Maguindanao upang magbigay ng tactical support sa ginagawang pursuit operation laban sa BIFF.

Ang mga BIFF ay posibleng nakihalo na din sa mga sibilyan ng Datu Piang at kalapit lugar tulad ng kanilang mga ginagawa kapag merong giyera upang sila ay makatakas at makatanggap pa ng ayuda sa pamahalaan.

Ito ang paniniwala ng isang Army intelligence operative matapos ang pananalakay ng BIFF.

Inatasan ni Sinas si PNP-BARMM Regional Director Brig. Gen. Samuel Rodriguez na sampahan ng kasong criminal ang mga sumalakay na pinamumunuan ni Commander Motorola na tauhan ni BIFF leader Kagi Karialan.

Kahapon, dinalaw ni Gen. Rodriguez ng Datu Piang upang bigyang suporta ang tropang pamahalaan lalo na si Capt. Esrael Bayona, ang police chief ng Datu Piang.

 

-0-

 

Local…

BAGO ANG PANANALAKAY SA Datu Piang noong Huwebes ng gabi, may naanggap na intelligence report ang PNP na sasalakatyin ng BIFF ang Sta Teresita Parish Church at ang Notre Dame of Dulawan campus.

Dahil diyan ay nakaalerto na ang PNP.

Mag-a-alas 10 ng umaga nang makatanggap ng report ang Datu Piang police station na may mga armado sa likurang bahagi ng simbahan at Notre Dame campus.

Dahil diyan, agad na nagtungo sa lugar sina Capt. Bayona at iba pang police.  Iniwan ang police car sa pagitan ng simbahan at high school campus para magtungo sa likod ng parish compound.

Doon na nagsimula ang putukan.  Apat na police laban sa tinatayang 30 armadong BIFF.  Tumagal ng halos 30 minuto ang matinding bakbakan hanggang sa nagka watakwatak ang BIFF.

Samantala, isa pang grupo ng BIFF ang lumapit naman sa police car at sinilaban habang ang iba ay nagtungo malapit sa mga bahay at panay ang paputok ng baril.

Tumakas lang sila nang dumating na ang reinforcement mula sa 6th Infantry Battalion na may kasmang mga armored personnel carrier.

 

-0-

Local…

INAMIN NG BIFF NA sila ang sumalakay sa Datu Piang, Masguindanao.

Sa panayam ng Radyo Bida, sinabi ni Abu Jihad na kaya sila naglunsad ng pananalakay ay upang kumilos ang gobyerno at PNP laban sa talamak na illegal gambling at illegal drugs sa Datu Piang.

Aniya, hindi totoong balak nilang sunugin ang simbahang katoliko at notre dame of dulawan.

Idinagdag ni Abu Jihad na para sa isang Muslim dominated town, hindi aniya tama na merong nagpapataya ng last two, small town lottery, at pagtutulak ng illegal drugs na di naso-solusyunan ng PNP.

Hinding hindi daw nila sasaktan ang mga sibilyan dahil katulad nila Muslim din ang mga nakatira sa Poblacion at ilan ay kanilang kamag-anak.

Ayon naman kay Mayor Victor Samama sa panayam ang RadyoBida, walang illegal gambling sa Datu Piang at ang problema sa illegal drugs ay inaaksyunan ng PNP.

Kahapon, dumalaw si Maguindanao Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang Datu Piang at lugar kung saan sinalakay ng BIFF. 

Hiniling niya sa mga mamamayan na makipagtulungan sa mga otoridad upang di maulit ang pangyayari.

-0-

Local..

ANG MGA MAS BATA AT AGRESIBONG KASAPI ng BIFF na kaasama sa mga sumalakay sa Datu Piang ay gustong sunugin ang simbahan at ang notre dame of dulawan.

Ito ang narinig ng isang 60 year old na ginang na nakapanayam ni print and on-line journalist Ferdinandh Cabrera.

Ayon kay Ginang Rahima, narinig niya ang mga batang boses na nagsisigaw ng Allahu Akbar, Allahu Akbar dahil sa tapat lang ng kanyang bahay ang mga ito namalagi ng 15 minutes at nag-uusap.

Narinig din niya ang isang matured voice na nagsabi sa mga batang BIFF na wag galawin ang simbahan at eskwelahan at dapat walang masaktan na mga Muslim civilian.

Pinabulaanan niyang target nila ang police chief nf Datu Piang.

Kung hindi raw maresolba ang illesgal gambling at illegal drugs sa Datu Piang, sasalakay silang muli, ayon kay Jihad.

 

-0-

 

Local..

SA IBA PANG BALITA….

MINSAN PA AY MAS MARAMI ANG NAITALANG gumaling kaysa sa nagkasakit ng Covid-19 kahapon, ayon sa Department of Health-12.

Sa 44 na mga gumaling, 21 ang mula Cotabato City, 17 ang taga Gen. Santos City, 5 sa Sultan Kudarat at isa sa North Cotabato.

Isa naman ang naiulat na nasawi na isang 71 taong gulang na lalaki na taga Gen. Santos City.

Sa Bangsamoro Region, may lima ang bagong kaso ng Covidf-19 sa rehiyon ayon sa pinakahuling ulat ng Ministry of Health.

Lima naman ang iniulat na gumaling sa bagngsamoro region.  Sa ngayon, meron nang 2,415 total number of confirmed cases habang 90 ang nasawi.

Dahil sa limang gumaling, meron na ngayong 2,190 na mga pasyente ng gumaling at nakauwi na saknailang mga tahanan.

May 135 active cases ang BARMM

-0-

Local………………..

Nakatakdang itayo ng BARMM government ang isang opisina na magtataguyod ng kapakanan at tutugon sa mga isyu at concerns ng settler communities sa rehiyon.

Ito’y kasunod ng pagkakapasa ng Bangsamoro Administrative Code o BAC.

Tulad ng nakasaad sa BAC, ang settler communities o yaong hindi katutubong residente ng Bangsamoro Autonomous Region subalit permanente nang naninirahan bilang bahagi ng resettlement programs ng gobyerno o kusang-loob na nagpasyang mag-migrate sa rehiyon pati na rin ang kanilang mga descendants na patuloy na naninirahan sa Bangsamoro.

Sa forum, iprinisenta ni Member of Parliament Dr. Susana Salvador Anayatin ang features ng BAC hinggil sa mga probisyon para sa paglikha ng opisina para sa Settler Communities.

 

 

-0-

Local………………..

Kalabuso ang isang drug suspek na lalaki sa ikinasang buy bust operation na pinangunahan ni Police Station 2 chief Capt. Rustum Pastolero, alas kwatro ng hapon sa Virgo Subdivision, RH-9, Corabato City.

Nakilala ang suspek si ARNOLD DANOS Alyas Cocoy, 48 anyos, habal habal driver, may asawa, residente ng nabanggit na Barangay.

Ayon kay Pastolero, isang linggo nilang minanman ang suspek bago ito nahuli sa kanyang lantarang pagbebenta ng illegal na droga.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang ginamit na cash sa operasyon.

Nasa kustodiya ng nasabing himpilan ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa sa kanya ng kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002.

 

-0-

local...

Inaantay na lamang ngayon ng Department of Trade and Industry o DTI-North Cotabato ang magiging tugon o paliwanag ng apat na mga malalaking grocery stores sa Kidapawan City matapos makitaan ng paglabag sa itinakdang Suggested Retail Price o SRP lalo na ang Noche Buena items.

Ayon kay DTI- North Cotabato Provincial Director Ferdinand Cabiles, isa sa apat na mga nabanggit na tindahan ay tinukoy na cause of concern dahil abot tatlumpu mula sa 199 na noche Buena items ang lagpas sa SRP habang ang tatlo pa ay hindi na lalagpas sa sampung produkto.

Dagdag pa niya, bilang bahagi ng proseso kung hindi sila sasagot sa ipinadalang letter of inquiry dito na magpapalabas ng show cause order ang DTI at notice of violation kung hindi pa rin susunod sa SRP.

Hindi rin anya kasi agad na papatawan ng penalidad ang nasabing apat na major grocery stores sa lungsod hanggang hindi pa naipaliwanag ang dahilan ng kanilang paglabag.

Sinabi sa Radyo BIDA ni Cabiles, mas paiigtingin pa ngayon ng DTI ang price monitoring sa mga susunod na linggo lalo na ngayong papalapit na holiday season upang masigurong nasusunod at akma ang presyo ng mga produkto base sa itinakdang SRP.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng pag re-issue ng National Price Coordinating Council ng Suggested Retail Price o SRP noong October 2020 upang ma-monitor ang mga presyo at supply ng mga bilihin ngayong holiday season.

-0-

 

local...

Dalawa ang kritikal at 13 iba pa ang patuloy na nagpapagamot ngayon sa iba’t-ibang ospital sa lalawigan matapos masangkot sa vehicular crash sa National Highway, Purok Masinulondon, Brgy Bagontapay, Mlang, North Cotabato pasado alas syete ng umaga kahapon.

Sa ulat ng Mlang PNP traffic section, parehong nasa magkabilang lane ang dalawang mga sasakyan pero nawalan ng control ang nasabing trailer na minamaneho ni Neri Mendoza, 39-anyos na taga Riverside, Bagontapay dahilan para huminto ito sa gitna ng highway kung saan sakto namang paparating ang wing van na minamaneho naman ni Dionesio Parsacala Jr, 47-anyos na taga Bucana, Davao City.

Sa lakas ng impact, parehong nagkaroon ng danyos ang dalawang mga sasakyan habang agad namang rumesponde ang rescue vehicle ng Mlang LGU at nadala sa pagamutan ang mga biktima.

Ayon sa ulat, papunta lang sanang sakahan ang nasa labin limang katao kabilang na ang tatlong menor de edad na sakay ng trailer nang mangyari ang insidente habang papunta namang Tacurong City ang wing van.

-0-

local...

Dahil sa hindi matapos-tapos sa land conflict sa pagitan ng Pananggulon at Pendatun Clan sa Sitio Pedtad, Brgy Gaunan, Mlang, Cotabato, namagitan na ang militar at LGU upang bigyang solusyon ang nasabing usapin.

Sa isinagawang peace dialogue sa kampo ng 602nd Brigade ng Philippine Army sa Carmen, North Cotabato, napagkasunduan ng magkalabang panig ang sumusunod: tigil putukan habang inaayos ang usaping land conflict, pagbabawal sa pagdadala ng armas matapos itong ideklarang zone of peace at pagpapauwi sa mga internally displaced families upang makapagsaka na ang mga ito.

Sa panayam kay Mlang Mayor Russel Abonado, magsasagawa ng hakbang ang gobyerno para sa gagawing legal interventions upang makita ang political boundary sa tatlong mga bayan. Ang conflict area ay boundary ng M’lang at Tulunan sa North Cotabato at General SK Pendatun sa Maguindanao.

Ayon kay Abonado, sa susunod na lunes ay nakatakda ang kanilang pagpupulong kasama ang militar at dalawang mga alkalde sa nabanggit na mga bayan kung saan isasabay na rito ang dadalhing assessor at geodetic engineer upang ma-survey ang nabanggit na lupain.

Nabatid na noon pang 2007 nagsimula ang gulo sa pagitan ng magkalabang pamilya dahil sa hindi pagkakaunawan sa usaping land ownership.

Nitong 2013 nang nagkaroon ng kasunduan ang nasabing mga pamilya pero nito lamang linggo ay nagkasagupa ang dalawang grupo na nagresulta sa paglikas ng higit 50 mga pamilya sa mas ligtas na lugar.

Kaya’t pinangunahan na ng militar ang naturang kasunduan sa pamamagitan ni 602nd Brigade Commander BGen Roberto Capulong na sinaksihan ng mga kinatawan ng bawat LGU, MILF AJAG at iba pa

 

-0-

Pangamba ng mga kaanak ng mga preso matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa nilang jail guard pinawi ni South Cotabato OIC Provincial Jail Warden Felecito Gumapac

Tinututukan din ng pamunuan ng provincial jail ang kalusugan ng mga persons deprived of liberty o PDL kaya walang dapat ikabahala ang kanilang pamilya. 

Kasunod ito ng pagkumpirma ni Gumapac na pagpositibo sa COVID-19 ng isa nilang jail guard.

Nilinaw ni Gumapac na naka-leave sa trabaho ang COVID-19 positive na jail guard kaya di nito batid kung papano ito nahawa ng virus

Dinagdag din nito na negatibo din sa COVID-19 ang resulta ng swab test sa tatlong mga kasama na nakasalamuha nito. Gayunpan ayon kay Gumapac, bilang pagiingat mahigit na ipinatutupad sa mga staff ng jail guards sa provincial jail ang minimum health protocol.

Bawal pa din sa nasabing pasilidad ang mga outsider. 

-0-

Gensan port shipments mariing minomonitor ng mga otoridad kasunod ng pagkakatuklas nila ng mahigit one million pesos na iligal na droga sa isang container van sa lungsod

Tinitingnan ng mga otoridad ang posibilidad na ginagamit ng mga international syndicate ang Makar Port sa General Santos City. Ito ang dahilan kung bakit pinaigting ng mga ito ang kanilang monitoring sa mga international cargo ship na dumadaong dito. Ipinahayag ito ni National Bureau of Investigation o NBI-Sarangani district office head Attorney Regner Peneza.

Ayon kay Peneza, kasunod ito ng pagkakatuklas ng mga otoridad ng high grade cocaine sa container van na nakaregister sa banyagang kompanya. Ipinahayag ni Peneza na ang nadiskubreng cocaine ay maaring kabahagi lamang ng mas malaking drug shipment.

Matatandaan na ang may 1.8 million pesos na halaga ng iligal na droga ay nadiskubre ng isang technician na magaayos sana ng aircon compartment ng container van na nakaparada sa compound ng Kudos Trucking Corporation sa Barangay Labangal, Gensan. Ang nasabing container van na mula Singapore ay kabilang sa walumpung mga unit na dinala para isailalim sa repair sa Gensan.

Sa ngayon ayon kay Peneza hinahanap na nila ang consignee ng container van. Tintingnan na rin ng mga otoridad ang shipment record nito.

Naniniwala ang nasabing NBI official na ang natuklasang cocaine ay ipamamahagi sa Gensan at karatig lugar. Sinabi ni Peneza na mariin ngayong tinututukan ng mga otoridad ang mga border ng region 12 at port of entry. Paliwanag nito ang container van kasi na pinaglagyan ng iligal na droga ay mula sa ibang bansa.

-0-

local..

Tourist attraction na Lake Sebu, isasailalim sa upgrading at rehabilitation ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato

Naglaan ng ten million pesos para sa upgrading at rehabilitsyon ng mga tourism facility sa Lake Sebu ang provincial government ng South Cotabato. Kinumpirma ito ni Provincial Engineering Office, Planning, Designing and Programming Division Chief Lloyd Esparagosa.

Sa katunayan ayon kay Esparagosa tinatapos na nila ang development plan para sa nasabing tourist attraction. Ayon kay Esparagosa prayoridad na ayusin ang mga pasilidad sa Hikong Bente ang una sa pitong seven falls na madalas dayuhin ng mga turista.

Aayusin din ayon kay Espragosa ang mga pasilidad sa zipline area. Dinagdag din ni Espragosa na mayroon na rin silang inisyal na plano para sa landscaping ng lugar at pagtatayo ng dagdag na mga istruktura. Kalakip sa mga ito ang pasalubong center at gazebos para makapag-accommodate ng mas maraming mga turista.

Umaasa naman si Esparagosa na mabubuo na nila ang mga plano bago magtapos ang 2020 para agad na masimulan ang pagpapatupad nito. Sinabi ni Esparagosa na ang development sa Lake Sebu ay magiging dagdag attraction sa Zipline na pinaka dinarayo ng mga turista.

-0-

 

local...

Sinimulan na ng mga staff ng Municipal Agriculturist ang panghuhuli ng mga asong gala sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Ito ay bilang pagpapatupad na rin sa Sustainable Initiative through an Appropriate Control Measures for the Protection and Prevention of the People Against Rabies Willfully o operation SICPAW.

Nauna nang ipinahayag ni South Cotabato Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot na ang mga mahuhuling stray dogs ay dadalhin sa dog impounding facility sa nasabing bayan.

Ang mga aso naman na hindi makukuha ng kanilang may ari o walang mag-a-adopt ay isasailam sa euthanasia o mercy killing. Sinabi ni Bigot na layon nito na masawata ang kaso ng rabies sa South Cotabato.

Ayon kay Bigot karamihan kasi sa mga dog bite incidents na naitala sa lalawigan ay dahil sa mga asong gala. Layon nito na maresolba ang problema sa road accidents na kadalasan ay sanhi din ang mga aso. Ipinahayag din ni Bigot na plano din nilang magpatayo ng dagdag na impounding facility sa South Cotabato.

-0-

local..

Iberipika ang umoorder para hindi maloko ng mga masasamang loob. Ito ang panawagan ni Koronadal Mayor Eliordo Ogena sa mga mayari ng mga establisemento sa lungsod.

Ipinahayag ito ni Ogena matapos mag-order ng milk tea sa isang establisemento sa Koronadal ang ilang mga mapagsamantala gamit ang kanyang pangalan. Sinabi ng alkalde na hindi ito unang beses na nangyari. Sa katunayan ayon kay Ogena, maging ang pangalan ng ilang public officials sa lungsod ay nagamit na rin sa pananamantala ng ibang tao.

Kaya ayon kay Ogena para hindi malugi, mahalaga na tiyakin muna ng mga establisemento kung totoo ang mga umoorder sa kanila. Sinabi ni Ogena ginagamit kasi ng mga suspek para makapanloko ang kredebilidad ng ilang mga personalidad sa lungsod.

Ito ayon sa alkalde ay isinagguni na niya sa Koronadal PNP

-0-

local..

Hinahanap pa rin ng PNP ang guro na si Mohamir Adam na umano ay nawala sa bayan ng Polomolok, South Cotabato

Si Adam ay huli umanong nakitang buhay ng gwardya habang papaalis sa pinagtuturuan nitong Polomolok National High School alas dos ng hapon noong December 3. Ito ang lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Major Verlin Pampolina.

Ang nasabing guro ayon sa kanyang mga kaanak ay hindi na nakauwi at ito ay kanila namang ipinangamba. Ipinahayag sa facebook post ng pinsan ng nawawalang si Adam na noong una ay kina-cancel pa ang tawag sa cellphone ngunit kalaunan ay hindi na rin ito ma-kontak.

Nakita rin umano ang nawawalang guro na nakasakay sang isang puting pick up vehicle may one hundred meters mula sa Polomolok National High School.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Polomolok PNP para malaman ang sanhi ng pagkawala ng nasabing guro at ang kinaroroonan nito.

 

-0-

 

TIMRA

NARITO ang mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI Medical Supplies.

 

SA LANAO DEL SUR, anim na mga miembro ng Dawla Islamiya ang sumuko sa military sa ilalim ng Community Support Program to Preventing and Countering Violent Extremism (CSP-PVE) campaign ng Western Mindanao command.

Sinabi ni Westmincom chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., na ang mga terorista sa 82nd Infantry Battalion.

Isinuko nila ang kanilang mga armas at mga bala.

Ang mga sumuko ay sina Abdulhalim Esra, Nabil Amer Esra, Nasib Malik, Jalani Aminola, Sadam Pangandamun, at Saide Pangandamun.

-0-

SA TALAINGOD, DAVAO DEL NORTE, magtatayo ang National Housing Authority (NHA) sa Region 11 ng may 400 mga bahay para sa Ata Manobo tribes people.  Sinabi ni NHA regional manager Engr. Zenaida Cabiles na unang itatayo ang pabahay sa Sitio Basak, Barangay Sto. Niño, Talaingod.  Isa lang ito sa apat na lugar na pagtatayuan ng NHA ng pabahay para sa mga Indigenous Peoples. Ang total project cost ay P80 million.

-0-

SA ZAMBOANGA CITY, ipinagbabawal ng city health office ang Christmas party o holiday parties na dadaluhan ng ibang tao maliban sa pamilya.   Kung may party, dapat kapamilya lang ang pwedeng dumalo at hindi pwede ang kapitbahay, lalo na kung may awitan at sayawan. At lalong hindi dapat sumali sa party ang mga bata, mga buntis, mga matatanda na merong medical conditions o may mga karamdaman dahil vulnerable sila o madaling mahawaan ng Covid 19 virus.

-0-

SA TAGUM CITY, PAPATAWAN ng penalty at posibleng arestuhin ang sinuman na ayaw magpasailalim sa aggressive community testing (ACT) for possible Covid 19 positive. Sa isang pahayag sinabi ng Tagum City COVID-19 City Task Force na kailangan nila ang kooperasyon ng may 1,500 katao na nakasalamuha ng mga taong kumpirmadong positibo sa Covid.  Lahat ng 1,500 na taga Tagum ay na-contact tracing na kayat kilala sila ng LGU. Pinakalayunin nito na mapigila ng pagdami pa ng COVID-19 patients.

-0-

SA CARAGA REGION, karamihan sa mga nanay doon ay ayaw ng face to face classes sa mga pampublikong paaralan dahil sa mataas na pa rin banta ng Covid-19. “MAKAHADLOK,” pahayag ni Judith Suarez ng Tandag City. Okay na ang on-line classes kahit paano kaysa malagay sa alanganin ang kalusugan ng kanyang anak.  Hindi naman daw maging bobo ang anak niya kung isang taon ay walang klase.  Binabalak kasi ng pamahalaan na ibalik ang face to face classes sa mga lugar na walang kaso ng Covid 19.  “Next year na lang, kung may bakuna na ang among mga anak,” pahayag ni Mrs. Suarez.

SUMAINYO ang mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI Medical Supplies.

 

 

 

2 Maute group member surrender in Marawi

MARAWI CITY - Two remnants of the Dawlah Islamiya-Maute Group surrendered with their firearms to police authorities on Thursday in Marawi City....

5 arrested, drug den dismantled in Cotabato City anti-drug ops

COTABATO CITY - NAARESTO ANG LIMA KATAO sa buy bust operation ng mga otoridad sa Purok, Silangan, Datu Balabaran Mother Barangay, Cotabato City...

Active cop wanted for carnapping falls in Cotabato City

MANILA – Members of the anti-scalawag unit of the Philippine National Police (PNP) have arrested an active police officer wanted for carnapping...

BARMM CIDG agents arrest vice mayoral aspirant, seize guns

COTABATO CITY  – A defeated vice mayoral candidate in Maguindanao was arrested and seized high- powered firearms during law enforcement...

Villager dead, 2 hurt in North Cotabato gun attack

COTABATO CITY --- A villager was killed while two others were seriously wounded when suspected members of a local terrorist group shot with assault...