Wednesday May, 15 2024 08:58:37 PM

NDBC BIDA BALITA (Feb. 23, 2016)

 • 18:08 PM Tue Feb 23, 2016
909
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 23,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA BAKWIT na nasa pagatin, Datu
Salibo, Maguindanao, nananawagan ng karagdang tulong

2. Alkalde ng Arakan, North Cotabato,
inamin ang nangyayaring recruitment ng NPA sa mga kabataan sa bayan

3. Isa sa mga suspect sa Esperanza grenade attack, naaresto

4. Kalahok ng NSCP 2016 sa Koroandal na nakoryente, nakalabas na ng ospital, ligtas na siya, ayon sa otoroidad Sa detalye ng mga balita...HINDI LANG TAGTUYOT ang nagpapahirap sa
mga ilang mga residente ng lalawigan ng Maguindanao, kundi apektado rin ng
bakbakan sa pagitan tropa ng gobyerno at ng mga elemento ng BIFF ang mga
pamilyang bakwit sa barangay Pagatin sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao.

Isa si Akmad salamat, may pitong anak
na nanggaling sa barangay Migawa naturang bayan na ilang buwan ng hindi
nakapangisda.

Habang ang kanyang misis ay napilitang
tumigil sa pagbebenta ng banig dahil hindi makakakuha ng mga materyales sa
paggawa ng banig dahil sa nangyayaring bakbakan sa kanilang barangay.

Samantala....Maliban kay Akmas, nananawagan rin ng
tulong si Saula Akmad taga-sitio Matugiba, dahil kulang raw ang rasyon na
naipamahagi sa kanila ng mga ahensya na nasa regional at provincial government.

Ang municipal at barangay government
nila ay wala man lang umanong naiabot sa kanila kahit na anong relief item.

Kahapon habang nagkakaroon ng medical
mission ang IPHO-Maguindanao sa pangunguna ni Dr. Tahir Sulaik, namamahagi rin
sila ng relief goods kung saan ang perang pinambili ay nagmula sa mismong mga
bulsa ng mga health worker na buluntaryong nag-ambag para lamang makapamili ng
mga bigas, noodles at sardinas. KUNG
WALANG magandang maiaalok sa mga rebeldeng grupo sa Mindanao, ayaw na munang
sumabak ng action star na si Robin Padilla sa mga pakikipagnegosasyon ng
gobyerno sa mga ito.

Sa
isinagawang pagpupulong sa ORG compound kahapon kasama ang AMIN partylist,
inihayag nitong nangingibabaw pa rin ang interes ng ilang mga makapangyarihang
tao kaya nagkakaroon ng kaguluhan at giyera sa Mindanao.

Naniniwala
din ang aktor na malaking hamon para sa mga peace advocates ang banta ng extrimism
na dapat ay hindi iniuugnay sa Islam.

Gayunpaman,
bukas pa rin ang aktor sa posibilidad na makipag-usap sa Bangsamoro Islamic
Freedom Fighters o BIFF sa isang kondisyon.

ARESTADO
ang tatlong lalake sa isinagawang drug operation ng Midsayap PNP at PDEA-12 sa
Poblacion 6, Midsayap, North Cotabato, pasado alas-onse kahapon.

Kinilala
ang mga suspek na sina Helmer Baguares, 51, binata, walang trabaho Rey Balderosa,
at Rene Belgera alias Bukoy, 45 anyos.

Sa
report, huli ang tatlo sa loob ng isang kwarto na nag po-pot session.

Narekober
mula sa mga ito ang iba't ibang drug paraphernalias, sampung piraso ng shabu na
nagkakahalaga ng 35 thousand pesos, baril at 500 pesos na marked money.

Nabatid
na matagal ng minamanmanan ng mga otoridad ang mga naarestong suspek.

Isinawalat
naman ng tatlo na marami pa silang gumagamit ng illegal na droga sa iba't ibang
barangay sa bayan.

At
taga-Cotabato City umano ang nagaabot sa kanila ng shabu.

Patuloy
namang iniimbestigahan ang mga suspek habang inihahanda ang kasong RA 9165 at
RA 10591 na isasampa laban sa kanila.

KASABAY
NANG NARARANASANG TAGTUYOT sa iba't-ibang bahagi ng Mindanao, isa ang lalawigan
ng Maguindanao na matinding naapektuhan nito partikyular ang kanilang
hanapbuhay.

Pero
sa kabila nito, tila walang takot ang ilang mga magsasaka sa Maguindanao na
magsunog ng damo sa kanilang sakahan.

Kapansin-pansin
ang ilang mga tuyong dahon sa lugar na sinabayan pa ng ilang mga maiitim na
sakahan at bulubundukin dahil sa kanilang pagsusunog.

Paliwanag
ng ilang mga magsasaka, mas madali nilang malinis ang kanilang sakahan at handa
na ulit sa tag-ulan kung susunugin na lamang nila ang hindi nila
napakinabangang mga tanim at naapektuhan ng tagtuyot.

Pero
ikinabahala naman ng Department of environment and natural resources o
DENR-ARMM ang naturang gawain.

Una ng
sinabi ng ahensya na delikado sa mabilis na pagkalat ng apoy at Global warming
ang pagsusunog lalo na't napakainit ng panahon.

Inihalimbawa
ng DENR-ARMM ang nangyari sa lanao del sur ilang bahagi ng Maguindanao kung
saan nasunog ang malawak na kagubatan.

Dapat
na iwasan ang kaingin, magtipid ng tubig at pangalagaan ang paligid.

Ayon
naman sa isang environmental organization mula sa private, civil society at
government sectors na Balik Kalikasan

Advocacy
Group na mas matindi pa ang epekto ng pagsusunog sa kabundukan kumpara sa pamumutol
ng kahoy dahil kinakalbo nito ang kapaligiran.

Sinimulan na kahapon ng Kidapawan City Government ang pamamahagi ng water tanks sa ibat ibang barangay sa lungsod.Ito ay dahilna rin sa patuloy na nararanasang matinding tagtuyot sa Kidapawan.Katuwang ng City LGU sa naturang programa ang Metro Kidapawan Water District na siyang naman mag susuply ng tubig sa mga
Water tanks na may kapasidad na 1000 liters o abot sa 300 gallons.Nilinaw naman ni City Mayor Joseph Evangelista ang naturang tubig ay tanging pang- inum lamang. Una nabigyan nito ang 125 mga pamilya sa dalawang Sitio sa Barangay Amas at Onica na una ng nakapagtala ng kakulangan sa
supply ng malinis na inuming tubig.Ang limang mga water tanks na unang ipinamahagi ay nagkakahalaga ng 350 thousand pesos at ang bawat isa nito ay nagkakahalaga
ng 70thousand pesos na siyang naaprobahan ng Sangguniang Panlungsod at ng City Disaster Risk Reduction and Managermnt
Council.Posible naman umanong madagdagan pa ang nasabing mga water tanks base na rin sa mga assesment na gagawin.Bukod sa mga water tanks, isa pa sa magiging intervention sa nararanasang El Nino Ngayon sa lungsod ay ang Food For Work
Program lalong lalo na sa mga magsasaka na siyang unang natamaan ng El Nino. Inamin ngayon ni Arakan Mayor Rene Rubino ang report sa umano nangyayaring recruitment na ginagawa ng New People's Army sa
mga kabataan sa ilang mga baranggay sa Arakan, North Cotabato.Ayon kay Rubino, natanggap niya ang naturang report mula naman sa katatapos lamang nila na Municpal Peace and Order Council
Meeting.Sa kabila naman ng kaliwat kanang niyang natatanggap na impormasyon tungkol rito ay patuloy naman itong beniberipika ng lokal na
pamahalaan sa tulong na rin ng mga baranggay officials.Sa katunayan, iginiit pa ng opisyal na naglulunsad na sila ng mga programa at awareness campaign sa mga liblib na barangay ng
bayan para mapaintidi sa mga residente ang hindi magangdang maidudulot ng pagsali sa mga rebeldeng NPA.Sa ngayon nakikipag ugnayan ng rin ang Arakan LGU sa mga business sector para mapigilan na rin ang ginagawang extorion ng mga
rebelde sa mga negosyante bagay naman na kinumpirma din nila kasabay ng isinagawang Solidarity Walk for Peace noong nakaraang
linggo. Matapos magtago ng ilang linggo sa batas bumagsak rin sa kamay ng mga otoridad ang isang wanted person matapos mahuli sa brgy.
Marbel, Kidapawan City ala 1:40 ng hapon kahapon.Kinilala ni Supt. John Meridel Calinga, hepe ng Kidapawan City PNP ang suspek na si Christopher Subaan, 30-anyos na naktira rin sa
nabanggit na lugar.Si Subaan ay nahaharap sa kasong Homicide na ginawa noong January 25, 2016.Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kanya ng regional trial court.Ikinokonsidera rin si Subaan na isa sa Top 10 most wanted person sa ilalim ng Oplan Lambat Sibat ng PNP.Naghihimas na ngayon ng malamig na bakal ang suspek sa Kidapawan City PNP lock up cell.Sa kabilang dako huli naman ang isang Jonathan Galaura, 29-anyos, isang driver na taga brgy. Sibawan Kidpaawan sa isinagawang
buy bust operation ng PNP sa brgy. Sudapin kahapon ng umaga.Nakuha mula sa suspek ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu at marked money.Nakakulong na ngayon ang suspek sa City PNP lock ip cell habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya. Dead on the spot ang isang 19-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng isang police na kinilalang si PO1 Elizer Lorenzo na naka
assign sa Arakan PNP sa isang resort sa Tacurong City.Ang biktima ay kinilalang si Dondon Mandal na nag-aaral naman sa Southern Institue of Technology sa Tacurong.Dalawang anggulo ang sinusundan ngayon ng Tacurong City PNP na dahilan sa insidente.Sinabi ni Supt. Ranni Atsuela, hepe ng Tacurong City PNP base raw sa pahayag ng mga kaibigan ng bitkima ay may nakaalitan raw sa
pool ng resort si DonDon habang naliligo na kaibigan naman sa anak ni PO1 Lorenzo.Magkaiba naman ito sa pahayag ni Lorenzo dahil aniya hinipuan raw ng biktima ang anak nitong 11-anyos habang naliligo sa pool.Nabatid na paglabas ng magkakaibigan sa resort ay doon na siya pnagbabaril ng suspek na umano lango sa alak.Tatlong tama mula sa caliber 45 pistol ang tinamo ng biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa Arakan PNP na ngayon ay nasa kustodiya ng Tacurong City Municipal Police Station.Kasong Murder at Violation to COMELEC GUN Ban ang kakaharapin ngayon ng nabanggit na pulis. Ikinokonsidera ngayon ng Comission on Election O COMELEC ang tatlong mga barangay sa bayan ng Mlang, North Cotabato na
areas of concern ngayong darating na Local at National Elections.Sinabi ni Police Supt. Jeoffrey Todeno, hepe ng Mlang PNP, napili ang tatlong mga barangay matapos ang kanilang isinagawang
assesment dahil sa mga namataan na lawless elements sa area.Kabilang rito ang baranggay ng Gaunan dahil sa splinter group ng 108th based Command ng MILF Brgy Luz Village ay Palma Perez
dahil na rin sa presensya ng New Peoples Army o NPA sa lugar.Ayon kay Todeño, ang nabanggit na mga barangay ay kanilang tutukan ngayong eleksyon sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag
ng pulis at mga sundalo.Ikinituwa naman ng opisyal ang partisipasyon ng kominidad dahil sa impormasyon na kanilang natatanggap.Tiniyak naman ng PNP na manantili silang alerto maging sa mga barangay na hindi kabilang sa mga areas of Concern ng COMELEC
para masigurong mapayapa at maayos ang gagawing eleksyon ngayong Mayo. Hiniling ng grupo ng mga dentista sa mga mamamayan ng South Cotabato na uminom ng maraming tubig. Sa isang pulong balitaan ipinahayag ni Dr. Normie Buison, ng Philippine Dental Association-South Cotabato Chapter, na ito kasi ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang dental caries at pagkasira ng ngipin.
Ayon kay Buison ang hindi paginom ng tubig pagkatapos kumain o uminom ng gatas ay naging sanhi ng pagkabulok ng ngipin.
Pinaka-apektado nito ayon kay Buison ang mga batang nagkakaedad ng limang taong gulang pababa.
Paliwanag ni Buison nakatutulong sa pagbawas sa sugar content sa ngipin ang paginom ng maraming tubig.
Binigyan diin ni Buison na mahalagang maagapan ang sakit sa ngipin para maiwasan ang kumplikasyon.
Ayon kay Buison, kapag pinabayaan ang ang gingivitis o pamamaga at pagdurugo ng gilagid o gums na pinakakaraniwang sakit sa ngipin, maari itong magdulot ng kumplikasyon sa puso.
Kaya payo nito sa publiko lalong lalo na sa mga bata, ugaliing magpakonsulta sa mga dentista, dalawang beses sa isang taon.
Ayon kay Buison pinakambisang paraan pa rin para mapangalagaan ang ngipin ang regular na pagsipilyo, o paggamit ng dental floss.
Ipinahayag din ni Buison na nakasisira din sa ngipin ang alak at sigarilyo.
Ito ang payo ni Buison kaugnay sa National Oral Health Month Celebration ngayong Pebrero.
Tema naman ng pagdiriwang ang Kalinisan ng Ngipin, Laging Panatilihin, Ugaliing Kumain ng Masustansyang Pagkain.”
Umaabot na sa mahigit 48 ang nasugatan sa pagsabog ng isang granada sa Esperanza, Sultan Kudarat .
Ayon kay Esperanza Chief of Police, Chief Inspector Bryan Bernardino, 27 sa mga biktima ay nakalabas na at 18 naman ang naka-admit sa iba’t ibang mga ospital sa bayan at karatig lugar.
Isa ang nasawi sa insidente,ito ay ang anim na taong gulang na si Anton Jhon Antonio .
Ayon kay Bernardino, sa tulong ng mga saksi, agad na nakapagpalabas ng cartographic sketch ng mga suspek ang PNP.
Isa sa tatlong mga suspek ayon kay Bernardino ay arestado na ng pulisiya.
Ipinahayag din ng police Official na inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Esperanza ang tulong sa mga biktima.
Ayon kay Bernardino, may motibo na rin na sinusundan ang PNP sa kanilang imbistigasyon sa krimen.
Kabilang dito ang personal grudge, onsehan sa sugal, at diversionary tactics ng mga masasamang loob.
Voice Clip…Si Esparanza Chief of Police, Senior Inspector Bryan Bernardino.
Ayon kay Bernardino, piigtingin din ng PNP at militar ang pagbabantay sa bayan ng Esperanza.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtalaga ng karagdagang mga check points.
Matatandaan na naganap ang panghahagis ng granada sa peryahan sa Esperanza habang ipinagdiriwang ng bayan ang kanilang patronal fiesta kamakalawa ng gabi.
Isa sa dalawang mga granada na inihagis ay pinasabog ng Explosive Ordnance Division o EOD ng pulisya.
Nasawi ang isang katao matapos maaksidente sa sinakyang motorsiklo sa Banga, South Cotabato.
Kinilala ng Banga PNP ang biktima na si Vicente Tamayo, trenta’y otso anyos at residente ng Purok Susarno, T’boli, South Cotabato.
Si Susarno ay nasawi matapos magtamo ng matinding mga sugat sa katawan.
Ito ay bunsod ng pagkakabangga ng minamanehong Honda XRM 125 motlorcyle na may license plate 5721 QN sa nakaparadang Isuzu Forward Truck na naputukan ng gulong sa gilid ng highway .
Naganap ang aksidente sa national highway crossing Cerveza, Barangay Reyes Banga, dakong alas singko biente ng hapon kamakalawa.
Ang biktima na noon ay nagmomotrsiklo patungong Koronadal city ay ideneklarang dead on arrival sa ospital.
Ang Isuzu Forward Truck na may license plate 605 LDX na nabangga ni Tamayo at driver nitong si Darius Panadero, biente uno anyos ng Barangay Panay Sto. Nino ay inilagay sa custody ng Banga PNP.
Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon sa insidente.
Nakalabas na ng ospital ang nakuryenteng delegate ng National Schools Press Conference o NSPC 2016 .
Kinilala ang biktima na si Harold Manla, disi sais anyos ng Tagum city at kumakatawan sa Region 11.
Ayon kay Police Superintendent Barney Condes, ang Chief of Police ng Koronadal, ang disi sais anyos na si Manla ay nakuryente sa mismong billeting quarter nila na Osita Elementary School,
Nabatid na nakuryente ang biktima matapos aksidenteng tamaan ng kawad na ginagawa nito sampayan ang bombilya sa kanilang billeting quarter noong Linggo ng madaling araw.
Tumilapon naman ang dalawang mga kasama ni Manla na nagtangkang tumulong sa kanya.
Ang biktima ay agad namang dinala sa isang pribadong ospital sa Koronadal City.
Magbibigay naman ng tulong medical para sa biktima ang Deped Koronadal City.
Ito ay tiniyak ni Schools Division Superintendent Leonardo Balala Gamitin ang kasanayan sa pagsusulat para maging instrumento ng pagbabago.
Ito ang hamon ni Department of Education Secretary Brother Armin Luistro, sa mga kabataang kalahok sa National Schools Press Conference o NSPC sa Koronadal City.
Pinayuhan ni Luistro ang mga campus journalist na makialam at bigyan pansin ang kwento ng mga ordinaryong mamamayan.
Hinamon din ng kalihim ang mga kabataang mamamahayag na ikwento ang mga pagbabago na nais ng mga ito.
Sa pamamagitan nito ayon kay Luistro ay maipamulat ng mga kabataang Pilipino sa mga mas nakatatanda kung ano ang kanilang nararapat gawin tungo sa pagbabago. Naging keynote speaker naman sa opening program ng NSPC ang batikang broadcaster na si Kare David.
Ipinahayag ni David na maliban sa simpleng paglalahad ng kwento, isang malaking hamon din sa mga kabataang journalist kung papaano makapagbibigay ng inspirasyon sa sambayanang Pilipino. Ang NSPC 2016 ay magtatapos naman sa Pebrero a biente sais. NAGPULONG KAHAPON sa ORG compound, sa Cotabato city ang iba't ibang mga Civil Society Organizations, Non-Government Organizations at ang Anak Mindanao partylist para talakayin ang mga kailangang gawin para maipursige ang Bangsamoro Basic Law sa kabila ng pagkakaudlot sa pagkakapasa nito sa kongreso.Ayon kay AMIN Partylist Representative Sittie Djalia Turabin-Hataman, sinisimulan pa lang nila ang pag-uusap para makabuo ng mga layunin at hakbang para sa BBL.Tiniyak ng mambabatas na sa mga susunod na mga araw ay pormal nang mailunsad ang nasabing kilusan pagkatapos ng serye ng mga pag-uusap.Sa ngayon, pansamantalang tinawag na All for Peace Movement ang kilusan na binubuo ng iba't ibang stakeholders sa ARMM.Kasama sa pagpupulong si ARMM Regional Governor Mujiv Hataman at ang kilalang action star na si Robin Padilla.

OPAPRU: IRR of amnesty grant to fast-track ex-rebels' integration

MANILA – The release of the implementing rules and regulations (IRR) of amnesty proclamations issued by President Ferdinand R. Marcos Jr. would...

Cotelco: All area collection offices close on May 16

KIDAPAWAN CITY - Inanunsyo ng Cotabato Electric Cooperative na ang Area at Collection offices ngayong Mayo 16, 2024 (Huwebes) ay sarado upang...

Cotabato Light announces power interruption for May 19 in Awang

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today announced a scheduled power interruption affecting Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat on...

P3.4-M worth shabu seized in Marawi City PDEA operation

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P3.4 million worth of shabu from a dealer entrapped in Marawi City on Tuesday...

Secretary Galvez lauds BARMM accomplishments, priority codes passage

COTABATO CITY — “The Bangsamoro Parliament has done more than enough,” said Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr., commending them...