Tuesday Jun, 18 2024 04:22:32 AM

NDBC BIDA BALITA (Feb. 24, 2016)

 • 21:19 PM Wed Feb 24, 2016
1,698
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 24,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. CLEARING OPERATIONS ng militar,
nagpapatuloy para ma-recover ang mahigit isang daang mga bombang itinanim sa
isang barangay sa Datu Salibo, Maguindanao.

2. SUNOD-SUNOD na grass fire incidents,
ikina-alarma ng BFP sa Tacurong City, Sultan Kudrat pagsiklab ng grass fire,
binabantayan din sa Mt. Apo areas.

3. OFW na inabuso sa Saudi Arabia,
hawak na ngayon ng Philippine Embassy.

4. Koronadal City host ng 21st National Bible Workshop Ngayon sa detalye...HANGGANG NGAYON AY HINDI PA RIN
PINABABALIK sa kani-kanilang mga tahanan ang mga residenteng nagsilikas mula sa
Barangay Tee, Datu Salibo, Maguindanao.

Ito ay dahil nagpapatuloy pa rin ang
clearing operations doon ng mga sundalo para tanggalin ang higit isang daang
mga bomba na itinanim ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Nabatid na nagmistulang bomb training
center ng BIFF ang barangay Tee dahil sa dami ng bomba na nakatanim sa lugar.

Noong nakaraang linggo pa nagsimulang
mag-detonate o disarmahan ng mga sundalo ang mga Improvised Explosive Device o
IED na nakatanim sa nasabing Barangay.

Bagaman noong Miyerkules ay tumakas na
palabas ng nasabing barangay ang mga miyembro ng BIFF, nag-iwan naman sila ng
maraming mga pampasabog sa lugar.

Sa ngayon, nabatid na aabot na sa isang
daang IEDs ang nadisarmahan ng kanilang tropa.

Samantala,
maliban pa sa sinalanta ng matinding tagtuyot, apektado rin ng bakbakan sa
pagitan tropa ng gobyerno at ng BIFF ang mga pamilyang bakwit sa barangay
Pagatin, Datu Salibo, Maguindanao.

Isa
si Akmad Salamat, may pitong anak na nanggaling sa barangay Migawa, ang ilang
buwan ng hindi nakapangisda dahil sa bumaba na ang lebel ng tubig dulot ng
nararanasang matinding tag-init.

Habang
ang kanyang misis naman niya'y natigil ang pagbebenta ng banig dahil hindi
makakakuha ng mga materyales sa paggawa ng banig.

May
bakbakan pa rin kasing nagaganap sa kanilang barangay.

Samantala,
nanawagan din ng dagdag na tulong ang isa pang bakwit na si Saula Akmad mula
naman sa sitio Matugiba.

Aniya,
nagkukulang pa rin sila ng rasyon bagaman at nabigyan na ng ARMM at Maguindanao
provincial government.

Ibinunyag
naman nito na wala silang natanggap na tulong mula sa kanilang barangay o
munisipyo.

Kamakalawa,
naglunsad ng medical mission ang IPHO-Maguindanao sa pangunguna ni Dr. Tahir
Sulaik at namamahagi rin sila ng relief goods mula sa personal na perang nalikum
ng mga health worker.

- Tinatayang
nasa 20 mga armadong indibidwawl ang napatay sa loob ng tatlong araw ng
pakikipag-bakbakan na ikinasawi rin ng tatlong sundalo sa Mindanao.

Ayon sa
tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Brig. Gen. Restituto
Padilla, nag-simula ang bakbakan nang may nasa 40 militante mula sa hindi pa
natutukoy na grupo ang namaril sa isang kampo ng mga sundalo sa bayan ng Butig,
Lanao del Sur noong Sabado.

Dinepensahan
ng mga sundalo ang kanilang kampo sa paputol-putol at pasulpot-sulpot na
pakikipag-bakbakan.

Ani Padilla,
nagpadala na ang militar ng mga karagdagang tropa, bomber planes, helicopter
gunships at artillery sa lugar.

Hinihinalang
nagmula ang mga militante sa isang grupo na konektado sa isang Indonesian
terrorist na napatay sa rehiyon noong 2012.

MAHIGIT
ANIM NA BILYONG PISONG HALAGA ng puhunan ang inaasahang ilalagak ng mga
negosyante sa Cotabato City ngayong taon.

Sinabi
ni Secretary to the Mayor Boy Rasalan na katunayan ay nagsisimula na ang
konstruksyon ng iba’t ibang mga business establishment sa lungsod.

Isa sa
pinakamalaking investor ay ang CitiStores Corporation, ang mother company ng KCC
Malls.

Matapos
kasi nilang makabili ng limang ektaryang lupain sa Quezon Avenue, nagsagawa na
ito ng ground-breaking ceremony para sa itatayong mall sa naturang lugar.

Sabi
ni Rasalan, magtatayo ang CitiStores ng mall na tulad ng KCC-Veranza sa General
Santos City.

Labing
walong buwan ang konstruskyon ng naturang mall.

Samantala,
ang City Mall naman sa Gov. Gutierrez Avenue ay magbubukas sa huling quarter ng
taong ityo 2016.

Maliban
sa mga mall, may mga magbubukas ting mga national food chain sa lungsod.

Ayon
kay Rasalan, mas naging kampante ang mga negosyante na mag invest sa lungsod
dahil na rin sa gumagandang peace and order situation sa lungsod.

DAAN-DAANG
MGA mamamayan ng South Upi, Maguindanao ang dumagsa sa municipal hall ng bayan,
sa barangay Timanan para ma-avail ang ibaandampapost ibang serbisyong handong
ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM People’s day kahapon.

Kabilang
sa mga serbisyong dala ng pinagsanib na mga ahensya ng Humanitarian Emergency
Action Response Team ARMM-HEART ay ang supplemental feeding para sa mga bata,
psycho-social services na handog ng DSWD-ARMM, Medical services ng DOH-ARMM,
Eye check-up, dispensing of eye glasses, free maternal check-up, general
check-up, pamimigay ng medicines, libreng konsultasyon mula sa Land management
Bureau para sa mga may problema sa lupa, pamamahagi ng garbage bin mula sa
DENR-ARMM, reflexology, pedicure and manicure, libreng gupit, story-telling at libreng
mga libro mula sa ARMM Regional Library.

Nagbigay
rin ng limang libong pisong financial assistance sa tatlong pamilya na
namatayan dahil sa water borne decease ang DSWD-ARMM na kinabibilangan nina
Mylene Datuwata, Ukon Pungag, Jenesel Moicon.

Agaw
pansin naman ang pagdating nina ARMM Regional Governor Mujiv Hataman, AMIN
Partylist Rep. Sittie Djalia Turabin-Hataman at and action star na si Robin
Padilla na unang beses pa lang nakapunta sa bayan ng South Upi.

Una
nang naiulat na isa ang South Upi sa lubos na naaapektohan ng El Niño.

MALIBAN
SA PAGGUNITA ng ika-30 anibersaryo ng EDSA Revolution sa buong bansa, tinaon
naman ng United Tri-people in Mindanao ang pagsagawa ng isang mass peace rally
sa lungsod ng Cotabato bukas.

INAASAHANG
dadagsa ang libo-libong raliyesta sa Cotabato City Plaza dahil dito.

Ayon
kay Sec. General Abdullah Hamsa ng United Tri-people in Mindanao, isa itong
hakbang para pagisahin ang Muslim, kristiyano at lumad sa kabila ng pagkaaberya
ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Inihayag
ni Hamsa na sa bawat delegado na dadalo sa naturang rally ay may representateng
bibigyan ng pagkakataon na makapagsalita at makapaghayag ng kanilang mensahe at
hinaing.

Nais
naman ni Hamsa na makatulong ang kanilang isasagawang rally sa paglinang ng
kaisipan ng bawat pilipino tungo sa kapayapaan at itigil na ang kaguluhan.

Magsisimula
ang rally alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Cotabato City Plaza
bukas. Naaresto ang dalawa ka-tao makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga matapos makorner sa National highway partikular sa Sitio Migkampong, Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato noong nakaraang gabi.Kinilala ni Police Inspector Sindato Karim, deputy ng Pikit PNP ang mga suspek na sina Niño Arnaiz Florendo, 24-anyos at Annabelle Vasquez Flores, 33-anyos kapwa residente ng brgy.Sadaan, Midsayap, North Cotabato.Ayon sa report, isang tawag ang natanggap ng PNP tungkol sa umano presensya ng mga kahina-hinalang tao sa lugar.Agad namang tinungo ng Task Force Pikit at mga elemento ng Pikit PNP ang lugar at ng makita sila ng mga suspek ay tumakbo ang mga ito.Hinabol din sila ng pulisya at agad na na-korner.Nang siyasatin na ang gamit ng dalawa ay nakuhan sila ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu.Nakakulong na ngayon sa Pikit PNP lock up cell ang dalawang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanila. Todo pagbabantay ngayon ang Mt. Apo Protected Area Management Board o PAMB sa grass fire na posibleng mangyari lalo na ngayong panahon ng tag-tuyot.Sinabi ni PAMB member Joey Recimillia, ngayong araw nakatakdang magpulong ang PAMB para pag-aralan at ilatag ang mga hakbang upang matiyak na walang mangyayaring grassfire sa Mt Apo.Ikiniaalarma kasi ng PAMB members ang ilang grass fire incidents sa Digos City at Sta Cruz, Davao del Sur na naging dahilan sa pagkasira ng natural habitat ng Mt Apo.Ayon kay Recimilla, nagpababa na sila ng deriktiba gayunman ang kanilang paulit-ulit na babala sa ilang mga residente at mga katutubo na nakatira sa paanan ng Mt Apo na iwasan ang pagkakaingin o pagsusunog para maiwasan ang grass fire.Mabilis kasing lamunin ng apoy ngayon kahit konting sunog lamang dahil na rin sa tindi ng init ng panahon.Samantala, lilimitahan na rin ng Kidapawan City tourism Office at PAMB ang bilang ng mga nais umakyat ng MT Apo lalo na ngayong bakasyon at holy week kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga mountaineers.Matatandaan noong 1997 kasabay sa ikatatlong pagtama ng El Niño sa Pilipinas, daan daang ektarya ang nasunog sa MT. Apo na hanggang ngayon ay hindi pa tuluyang nakakarekober. Nabunutan na ng tinik ang pamilya Mendoza matapos matanggap ang impormasyong ligtas na sa pang-aabuso ang kanilang anak na Overseas Filipino Worker sa Riyadh,Saudi Arabia na taga Bituan, Tulunan, North Cotabato nang marescue ito ng Philippine Embassy noong nakaraang araw.Ito ang kinumpirma mismo ni Tulunan Mayor Lani Candolada, apat na araw matapos humingi ng saklolo ang mga magulang ng OFW na si Ejic Mendoza Endil dahil sa kanyang sitwasyon mula sa mga kamay ng kanyang employer.Noong nakaraang biyernes, ipinadala ng LGU ang komunikasyon sa Overseas Worker Welfare Administration o OWWA at sa Philippine embassy.Lunes naman ng matanggap nila ang imporamsyong nasa kamay na ngayon ng Philippine Embassy si Endil.Sa pamamagitan naman kay Inter-peace Zone Coordinating Council Chairperson Max Casulukan, ibinunyag ng pamilya Mendoza ang kanilang pasasalamat sa agarang tugon ng Tulunan LGU.Si Endil, ay personal na inihatid ng kanyang lalaking amo sa Philippine Embassy.Puno naman ng pasa ang katawan ni Endil na inihatid sa embahada.Nais lamang ngayon ng pamilya Mendoza na makauwi na sa lalong madaling panahon si Endil sa Pilipinas para maalagaan ito.Nabatid na higit isang taon ding nanatili sa bansang Saudi Arabia si Endil para magtrabaho pero hindi naman inasaahan ng kanyang pamilya ang mararanasan sa nabanggit na bansa.Ayon sa report limang buwang hindi nakatanggap ng sahod ang biktima mula sa naturang employer na umano aabot pa sana sa higit 50 thousand pesos. Tiniyak ngayon ng Tacurong City PNP na hindi nila pagtatakpan ang ginawang kasalanan ng kabaro nilang pulis.Ito ang sinabi ni Supt. Ranni Hachuela, hepe ng Tacurong PNP kaugnay sa pagkakabaril ni PO1 Elizer Lorenzo sa isang estudyante na kinilalang si DonDon Mandal, 19-anyos sa labas ng isang resort Sa Tacurong City.Ayon kay Hachuela dapat na managot si Lorenzo sa kanyang ginawang kasalanan at harapin ang batas.Katunayan aniya, matapos raw ang nabanggit na krimen ay agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang Tacurong PNP para sa pagkakahuli ng suspek na boluntaryo namang sumuko sa Arakan PNP kung saan ito naka-assign.Maliban naman kay Lorenzo posible ring masasampahan ng kaso ang tatlo pa nitong kasamahan na kasama din sa lugar ng pagbabarilin nito ang biktima.Kinilala ang mga ito na sina Terso Makababad, Eden Sinadol at Jeric Piñero na umano mahaharap din sa kasong murder at kasong consipiracy.Nangyari naman ang naturang krimen pasado alas onse ng gabi noong sabado kung saan isang grupo ng magbabarkada ang naligo sa isang resort sa lungsod na umano nakaalitan ang kaibigan ng anak ng suspek.Pero sa pahayag ng suspek na pulis hinipuan raw ang nitong onse anyos ng biktima habang naliligo sa pool.Ang insidente ay patuloy pang iniimbestigahan ng PNP. Iniimbistigahan pa ng pulisiya ang pamamaslang sa isang guro sa Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ng Polomolok PNP ang biktima na si Erwin Espia, kwrenta’y dos anyos at guro ng Polomolok National High School-Cannery Campus.
Ayon sa Polomolok PNP si Espia na pauwi na noon sa Lantana Subdivision sakay ng kanyang suzuki raider motorcycle na may license plate 6735 MN ay binaril ng riding tandem pagsapit sa Purok Mabinuligon, Poblacion Polomolok.
Naganap ang pamamaril dakong alas kwatro kwarenta ng hapon kamakalawa.
Ang biktimang guro ay dead on arrival sa Howard Hubbard Memorial Hospital nang dalhin doon ng mga rumespondeng pulis.
Ito ay dahil sa matinding tama ng bala ng 45 pistol sa kanyang ulo at dibdib.
Tinamaan din ng ligaw na bala sa kanyang bewang ang trenta’y tres anyos na si Azenith Tedio na noon ay naglalakad lamang malapit sa lugar kung saan binaril ang biktima.
Ang riding tandem na mga suspek ay agad na tumakas sakay ng XRM motorcycle na walang license plate matapos gawin ang krimen.
Kasama din umano ng mga ito sa pagtakas ang isa katao na sakay naman ng pulang Bajah motorcycle na ayon sa pulisiya ay posilbeng nilang back up.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang limang basyo ng 45 pistol na ginamit sa pagpatay sa biktima.
Hindi pa malinaw sa mga pulis kung ano ang naging dahilan sa pamamaslang sa biktimang guro.
Binigyan ng DepEd ng Posthomous Award ang namayapa nang si dating congressman at South Cotabato Governor Hilario de Pedro III.
Ayon kay Mervie Seblos, ang NSPC 2016 Focal Person ng DepEd Koronadal,ito ay bilang pagkilala na rin sa naiambag ng dating gobernador sa tagumpay ng campus journalism .
Si De Pedro na inihalal din bilang kinatawan ng pangalawang distrito ng South Cotabato ang isa sa mga main author ng Campus Journalism Act of 1991.
Inaatas ng batas sa lahat ng mga eskwelahan sa bansa na magtatag ng student publication.
Naging daan ang batas para sa taunang National Schools Press Conference o NSPC.
Ito ay isang kumpetisyon para sa mga campus journalist sa buong bansa.
Layon nito na maikintal sa kaisipan ng mga kabataan ang responsableng pamamamahayag.
Ang posthumous award ay tinanggap ng mga anak ni De Pedro, kasabay ng pagbubukas ng NSPC 2016 sa Koronadal City kamakalawa.
Ito ay personal mismong ibinigay sa kanila ni DepEd Secretary Armin Luistro.
Matatandan na si De Pedro ay binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest noong Enero a biente nuebe.
Sapat pa rin ang tubig sa Koronadal city sa kabila El Nino Phenomenon na nararanasan ngayon.
Ito ang tiniyak ni Rey Vargas, ang General Manager ng City of Koronadal Water District o CKWD.
Ayon kay Vargas mayroong labinisang water deep well ang CKWD kaya walang dapat ipangamba ang mga mamamayan ng Koronadal City.
Ang mga ito ay matatagpuan sa mga barangay ng Sto.Nino, Purok Forro sa General Paulino Santos, Morales, San Isidro, Carpenter Hill, Sta. Cruz, Victory Homes, Paraiso, San Antonio, Sta.Cruz at Agriville Phase III.
Ipinahayag ni Vargas na ang 374,078 cubic meters kada araw na tubig ng CKWD ay sapat pa para sa mahigit 13,500 water consumers sa Koronadal City.Sa kabila nito, umapela pa rin si Vargas sa mga mamamayan na magtipid sa tubig.
Ayon kay Vargas upang maprotektahan ang mga water sheds ng Koronadal kailangan din ng publiko na magtanim ng mas marami pang puno.
Nagbibigay din ang CKWD ng mga tree seedlings sa mga magsasaka at local government units.
Ito ayon kay Vargas ay bilang pagtupad na rin sa kanilang corporate social responsibility.
Magpapatayo din ng karagdagang mga deep well ang CKWD ngayong taon. Abot na sa tatlumput walong grass fire incidents ang naitala sa Tacurong city, Sultan Kudarat mula Enero hanggang ngayon.
Ito ay ayon kay Senior Fire Officer Juan Darwin Sapayanni,ng Bureau of Fire Protection o BFP Tacurong.
Ayon kay Sapayanni, pinakamalawak na napinsila ng grass fire ay ang mahigit isang daang ektaryang lupain sa Barangay Kalian kahapon.
Ipinahayag ni Sapayanni,na hindi lamang damo ang tinupok ng apoy kungdi ang mga pananim na mangga,mais at oil palm.
Maging ang mga punong kawayan ayon kay Sapayanni ay di rin nakaligtas sa apoy.
Ayon kay Sapayyani, dahil sa hindi kayang akyatin ng fire truck ang matarik at mabatong daan sa nasusunog na lugar, pinagdugtong na lamang ng mga bombero ang mga hose.
Naniniwala naman si Sapayanni na walang sunog na magaganap kapag walang nagsindi.
Kaya hiling nito sa mga mamamayan lalong lalo na sa mga barangay officials, at care taker ng mga lupain,kung di talaga maiwasan na magsunog ngayong tagtuyo’t,dapat pagibayuhin pa ang pagiingat.
Kahalagahan ng Bibliya sa ministry ng simbahan, paguusapan sa 21st National Bible Workshop sa Koronadal City.
Dumalo sa 21st National Bible Workshop na ginaganap ngayon sa Koronadal City ang mahigit dalawang daang mga lider at volunteer ng simbahang katoliko mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kabilang sa mga ito ang limang mga Bishop, tatlumput siyam na pari, religious sisters and brothers at Lay Leaders.
Ayon kay Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, layon ng limang araw na convention na lalo pang mapaigting ang pagkilala sa bibliya bilang sentro ng ministry ng simbahan.
Ito ayon kay Bishop Pabillo ay sa pamamagitan ng palitan kuro kuro ng bawat diocese.
Paguusapan din sa aktibidad ang mga programang dapat tutukan ng simbahang katoliko sa susunod na dalawang taon.
Binigyan diin ni Pabillo na mahalaga ang Bibliya dahil nakatutulong ito para mapabuti ang lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mga tao. Ayon kay Pabillo nakatutuok ngayon ang simbahan katoliko sa pagpapatibay ng bawat pamilya sa pamamagitan ng mga salita ng diyos. Sa kanyang video message sa mga lumahok sa national bible workshop kagabi, pinaalalahanan naman ni Manila ARchbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga participant na ang mga salita ng diyos ay mahalaga sa lahat ng aspeto ng ministry ng simbahan.
Ang hamon na ito ayon kay Tagle na bagama’t ay mahirap ay maaring matupad sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo. Ang 21st National Bible Workshop ay magtatapos naman sa Koronadal city sa Pebrero biente syete.
Tema nito ang Strengthening the Family through the Word of God and the Eucharist.

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...