Wednesday May, 08 2024 01:38:09 AM

NDBC BIDA BALITA Feb. 4, 2016

 • 17:39 PM Thu Feb 4, 2016
1,573
By: 
NDBC-NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 04,
2016 (THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. COMELEC REGIONAL OFFICE 12 at ARMM,
may bago ng mga pinuno provincial, city at municipal election officers,
posibleng palitan din.

2. Higit 30 mga barangay sa Mlang,
North Cotabato, nakararanas na rin ng matinding epekto ng tagtuyot bayan ng
Magpet, isinailalim na sa state of calamity dahil sa El Niño

3. Pang-walo sa mga most wanted
individual sa Surallah, South Cotabato dahil sa pagbebenta ng iligal na droga, arestado

4. SAMPUNG ORAS na pagboto sa May 2016
elections, mahigpit na ipapatupad ng COMELEC

AT SA DETALYEBINALASA NA ng Commission on Elections
o COMELEC ang mga field personnel nito apat na buwan bago ang halalan.

Sinabi ni Comelec chairperson Andres
Bautista na karaniwang ginagawa ang temporary reshuffling para maiwasan ang mga
kontrobersya at anomalya sa botohan.

Sa Mindanao, pansamantalang itatalaga
bilang director ng Comelec Northern Mindanao si Director Wilfred Jay Balisado
mula sa Zamboanga Peninsula.

Mula naman sa Northern Mindanao ay
ililipat sa Caraga region si Director Renato Magbutay si Director Remlane
Tambuang na mula sa Davao Region ay malilipat naman sa Zamboanga Peninsula.

Samantala, si Director Michael Abas ay
pansamantala namang itinalaga sa Socsksargen mula sa Autonomous Region in
Muslim Mindanao at papalitan siya ni Director Francsico Pobe mula sa Caraga.
Inilipat din sa Davao region si Director Ray Sumalipao mula sa ARMM.

Sabi ni Bautista, nais ng COMELEC na
maging kapani-paniwala ang resulta ng halalan sa May 9 at mawala ang bahid ng
pagdududa sa hanay ng kanilang mga field official.

Ang balasahan ay epektibo hanggang June
8, 2016.

Samantala, sinabi naman ni Comelec-South
Cotabato supervisor Atty. Jay Gerada na asahan din ang pagbalasa sa mga provincial
election supervisor at maging sa mga city at municipal election officers.

Aniya, hinihintay na lang nila sa
ngayon ang kautusan mula sa Comelec regional office.

Sa panig naman ni Cotabato city
election officer Atty. Mike Ignes na handa rin siyang mailipat ng assignment.

Gayunman, sa ngayon ay wala pa naman
silang natatanggap na direktiba mula sa COMELEC regional office.

Sakop ng Comelec-Region 12 ang mga
lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at North Cotabato, at
ang mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong at Kidapawan.

Habang ang Cotabato city naman, bagaman
at bahagi ng administrative coverage ng Region 12, ay nasa ilalim ito ng
otoridad ng ng Comelec-ARMM SINAMPAHAN NA
NG KASONG paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang
lalaking nahuli sa checkpoint ng pulisya sa Barangay Datu Balabaran, Cotabato
city pasado alas singko nang hapon noong Lunes.

Kinilala ang
suspek na si Jan-Jan Panes Jabla, 27 years old, taga- Barangay Meohao,
Kidapawan city.

Sa report ng
City PNP, pinara ng mga pulis si Jabla na sakay ng kanyang Kawasaki KMX 125 na
walang licensed plate sa checkpoint at hiningan ng mga kaukulang papeles.

Nang dukutin
ni Jabla ang kanyang pitaka ay dito na tumambad sa mga pulis ang isang limang
gramong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 12 thousand pesos.

Nakuha rin sa
suspek ang isang toother at iba pang mga drug paraphernalia.

Agad inaresto
ng pulisya si Jabla na kasalukuyan pa ring nasa lock-up cell ng police station
number 3 habang umuusad ang kaso nito sa korte.

SAMANTALA,
NAKATAKDA NA RING SAMPAHAN ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o
Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang MILF member at asawa nito matapos
mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency
o PDEA-ARMM katuwang ang 5th Special Special Forces Battalion ng Philippine
Army pasado alas kwatro nang hapon noong Martes, sa Purok Mantok, Mother
Poblacion, Cotabato city.

Kinilala ang
mga naaresto na sina Usman Karun Daud, 49 anyos, isang MILF member at Bainan
Kautin Daud, 49 anyos, pawang mga miyembro ng Kautin Drug Group na matagal nang
nag-ooperate sa lungsod.

Nakuha mula
sa mag-asawa ang tatlong sachets ng pinaniniwalaang shabu na nasa sampung gramo
at may kabuuang halagang halos 20 libong piso at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay
nasa detention facility na ang mag-asawa habang hinahanda ang mga ebidensiyang
ihahain sa piskalya para masampahan ng kaso ang mga ito sa korte. NAKATANGGAP
ng tulong ang mga pamilyang nabiktima ng panununog sa barangay Damatog,
Northern Kabuntalan noong nakaraang linggo.

Pinanungunahan
ni Northern Kabuntalan mayor Muslimin Baliwan ang pamamahagi ng bigas, noodles,
kape, mga used clothes at tsinelas sa mga biktima.

Katuwang
nito ang Northern Kabuntalan social welfare and development office at Municipal
PNP.

Samantala,
sinabi ni mayor Baliwan na magbibigay din siya ng pondo sa mga pamilyang
nasunugan para muling makapagtayo ng kanilang bagong tahanan.

Una
rito, sinunog ng mga armadong lalaki ang limang mga bahay sa Northern
Kabuntalan habang tumatakas mula sa mga pulis na tumutugis sa kanila.

Bago
ang panununog ng mga bahay ay binaril ng naturang mga suspek ang isa sa mga
residente sa naturang lugar.

IMBES NA
HABULIN, SAMPAHAN O HAYAANG LINISIN NG responsableng grupo ang mga aasahang
pagkalat ng tone-toneladang political campaign material ngayong papalapit na
ang May 2016 elections, bubuo na lang ang Department of Environment and Natural
Resources o DENR-ARMM ng team na magliligpit ng mga basura.

Ayon kay
DENR-ARMM Sec. Hadji Kahal Kedtag Jr., bubuo sila ng team sa bawat probinsya na
kinasasakupan ng rehiyon na magiging tagaligpit ng mga poster o tarpaulin ng
mga kandidato na nakadikit sa mga punong kahoy.

Binigyang
diin ni Kedtag na sa pagsimula ng campaign period sa February 9, hindi na sila
magaabiso sa kung sinuman at sa halip direkta nilang babaklasin ang anumang
makikita nilang nakadikit sa puno.

CUE....
KEDTAG

Maliban sa
adbokasiya ng kanilang ahensya na may temang Kalat Ko, Linis Ko”, ito na
ang direktiba ng regional office ng DENR-ARMM sa provincial level upang mas
mapadali ang kanilang pagtugon sa naturang hamon at matiyak ang Basura-free
election 2016.

Nakiusap
ang pamunuan ng Department of Education sa mga guro na huwag ng mag-abroad sa
halip ay sa Pilipinas na lamang magturo.

Ayon
kay DepEd Assistant Sec. Jesus Mateo, nakikipagtulungan sila ngayon sa
Department of Labor and Employment para hikayatin ang mga guro na nasa abroad
na bumalik na lamang sa bansa para magturo.

Aniya,
bibigyan ng suweldong P18,000 ang mga ‘newly hired teacher’ na mas mataas kaysa
karamihang empleyado sa mga pribadong tanggapan.

Sa
pagbubukas ng school year 2016-2017 ay nangangailangan ang DepEd ng may 40 na
libong mga guro bunsod ng implementasyon ng Senior High School program ng
pamahalaan.

Sa
pagtaya ng DepEd, mahigit 1.3 million ang sumali sa early registration ng SHS
noong January 20, na lagpas sa target na 1.2 million.

Layunin
ng early registration na matukoy ang bilang ng nag-enroll, gayundin ang bilang
ng mga kakailanganing guro, itatayong silid-aralan at pagbili ng gamit at
pasilidad.

Aabot
sa sampong milyong piso ang pondo para sa pagkuha ng guro.

Timbog sa operasyon ng mga pulis ang singkwenta’y dos anyos na magsasaka sa Surallah, South Cotabato.
Kinilala ni Police Chief Inspector Joel Fuerte, ang Chief of Police ng Surallah ang suspek na si Alex Padrones alias Butlog.
Ayon kay Fuerte si Padrones ay number 8 sa drug watchlist ng mga pulis sa bayan.
Ang suspek ay naaresto sa Zone IV, Barangay Libertad dakong alas sais y medya ng umaga kahapon.
Ayon kay Fuerte nakumpiska nila kay Padrones ang isang sachet ng suspected shabu, tatlong sachet na may bakas umano nito, at drug paraphernalia.
Si Padrones ay maari ri ring makasuhan ng frustrated murder.
Nabatid na pinaghahanap ng mga pulis si Padrones matapos umanong saksakin ang nakatalo nitong magsasaka rin na si Orvin Serrano, kwarenta anyos sa barangay libertad noong gabi ng pebrero a dos.
Ang biktimang si Serrano na nasaksak sa katawan ay nagpapagaling pa sa isang ospital sa Surallah. Pinaiigting ngayon ng Provincial Health Wellness and Safety Board ng South Cotabato ang pagpaptupad ng kanilang anim na buwang weight loss program.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtutok sa team biggest loser sa halip na indibidwal.
Ayon kay Provincial Health Officer, Dr. Rogelio Aturdido Jr., na siya ring chairman of the board, ang team biggest loser ay kumbinasyon ng mga division,department heads at mga kawani ng provincial government.
Hangad ng mga ito na magkaroon ng malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle.
Layon ng biggest loser healthy lifestyle na maikintal sa kaisipan ng mga kawani ng provincial government ang kahalagahan ng pagtigil sa masamang bisyo para sa malusog na pangangatawan.
Kabilang dito ang paninigarilyo, unhealthy diet, physical inactivity at maraming iba pa.
Plano din ng board na magsagawa ng random drug test sa mga kawani ng provincial government ngayong taon.
Ito ay upang matiyak na walang kawani ang lalawigan na gumagamit ng illegal na droga.
Matatandaan na tinahanghal na biggest loser noong nakaraang taon ang kawani ng provincial engineering office na si Jezreel Perono.
Siya ay tumanggap ng labinlimang libong pisong.
Ito ay matapos mabawasan ng 14.8 kilograms sa anim na buwang duration ng patimpalak. Idineklarang invalid o walang bisa ng korte ang speed limit ordinance sa bayan ng Tupi, South Cotabato.
Sa inilabas nitong desisyon, ipinatitigil ng Regional Trial Court o RTC Branch 39 sa bayan ng Polomolok ang pagpapatupad ng speed limit sa Tupi.
Ipinababalik din ng korte ang multa na nakolekta ng lokal na pamahalaan sa mga lumabag sa ordinansa.
Matatandaan na ang speed limit ordinance ay idinulog sa korte ng isang Hermino Faustino.
Si Faustino ay pinagmulta ng isang libo matapos umanong harangin dahil sa paglabag sa ordinansa noong October 6,2014.
Iginiit nito na labag sa national law ang speed limit ordinance ng Tupi, kaya nararapat lamang itong ideklarang unconstitutional.
Ayon naman kay Tupi Mayor Reynaldo Tamayo,hindi pa siya nakatanggap ng kopya ng desisyon ng korte sa kaso.
Gayunpaman, ipinahayag ng alkalde na ipaglalaban nito ang kanilang speed limit ordinace hanggang sa korte suprema.
Nilinaw naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na maari lamang kunin ng mga pinagmultang motorista ang kanilang refund kapag ideneklara nang final at executory ang desisyon ng korte sa kaso.
Maliban sa Tupi, mayroon ding Speed limit ordinance ang mga bayan ng Polomolok at Banga. Makikinabang sa tulong pangkabuhayan ng Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato ang mga mamamayan sa tatlong bayan ng lalawigan.
Ang pamimigay ng tseke para sa mga benpisyaryong local government units ay pinangunahan ni DTI Provicial Director Flora Gabunales kamakalawa.
Nabatid na ang pagpapatupad ng Bottom Up Budgeting o BUB project ay pinaglaanan ng ahensya ng mahigit 2.9 million pesos.
Mahigit pitong daang libong piso sa pondo ay gagamitin sa garment making industry sa bayan ng Sto. Nino.
Nabigyan naman ng mahigit limang daang libong ang bayan ng Surallah para sa kanilang peanut processing project.
Gagamitin din ang mahigit pitong daang libong para sa Yaman Pinoy Project at isang milyon sa industry clustering project sa bayan ng Lake Sebu. Umaapela naman si Gabunales sa mga opisyal ng mga LGU na nabigyan ng pondo na tumulong sa pagpapaunlad ng kanilang BUB project.
Tiniyak din ni Gabunales ang patuloy na suporta ng DTI sa mga proyektong makapagbibigay ng kabuhayan sa mga mamamayan.
Layon ng BUB project na maiahon ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kabuhayan.
Ito ay ipinatutupad ng Department of Interior and Local Government o DILG katuwang ang DTI. Nakakumpiska ng abot sa limang daan at animnapung litro ng gasolina ang pinagsanib ng pwersa ng City PNP, Bureau of Fire Protection at Highway Patrol Group ng South Cotabato PNP sa Koronadal City.
Ang mga illegal na gasolina ay kanilang nakuha sa barangay Concepcion dakong alas dos ng hapon kamakalawa.
Ito ay pagaari ng isang Harold Burling, residente ng Barangay New Iloilo, Tantangan, South Cotabato.
Ang mga nakumpiskang gasolina ay nasa pagiingat na ngayon ni City Administrator Cyrus Urbano.
Matatandaan na abot sa mahigit limang daang litro din ng gasolina ang nakumpiska ng mga otoridad sa barangay General Paulino Santos Koronadal noong nakaraang buwan.
Ito ay bilang pagpapatupad na rin sa Executive Order Number 19 ng lokal na pamahalaan na nagbabawal sa pagbebenta ng takal o tingi tinging gasolina sa Koronadal.
Magbibigay naman ng lecture o seminar ang BFP sa may ari ng mga nakumpiskang gasolina.
Ipinahayag noon ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na dahil ibinebenta kung saan saan, delikado sa publiko ang mga takal na gasolina.
Ayon sa alkalde maari ring makasisira ito sa mga sasakyan.
Ayon kay Miguel dahil sa illegal na pinapasok sa bansa, hindi kasi tiyak ang kalidad ng takal na gasolina. Matatandaan na nasunog ang isang bunkhouse ng DPWH sa bayan ng Tantangan matapos lumiyab ang naka stock na gasolina nang magsindi ng sigarilyo ang isa sa mga menor de edad na nagtitinda nito noong Enero. Tinutugis na ngayon ng Kidapawan City PNP ang mga suspek na responsbale sa panloloob ng isang establisyemento sa Quezon Boulevard, Kidapawan City alas 12:55 ng tanghali kahapon.Ang naturang establishmento ay nagbebenta ng Liquid Petroleum Gas o LPG na pagmamay-ari ng isang Gerry Rosemilla.Abot naman sa halos tatlong libong piso na cash ang natangay ng dalawang suspek sa naturang tindahan.Sa salaysay ng delivery Staff ng tindahan, malakas umano ang loob ng mga suspek ng pumasok sa establisyemento dahil ni takip sa mukha ay wala ang mga ito.Nakapanayam naman ng Radyo Bida ang anak mismo ng may-ari na si Christel June Rosemilla sa pamamagitan ng Facebook account nito, aniya, pagpasok ng dalawang suspek ay agad silang nagdekalara ng hold up sabay tutok rin sa bitbit na kutsilyo.Dahil sa takot ibinigay nito ang kanilang kita sa araw na iyon.Sinubukan pa umanong habulin ng isang Alyas tata ang dalawang suspek na mabilis tumakbo papalayu pero sa unahan ay may nakaabang na raw na motorsiklo patungong Magsaysay area ng lungsod.Nabatid na ilang kaso na naman ng pagnanakaw ang naitala sa Kidapawan City sa pagpasok pa lang ng 2016 na patuloy naman ngayong hinahanapan ng solusyon ng PNP. Mariing itinanggi ni Calixto Juntilla, brgy. Chairperson ng Pangao-an sa bayan ng Magpet ang report na isa umano sa kanyang mga residente ang binaril ng isang Konsehal ng bayan.Ito ang naging pahayag ni Juntilla kaugnay sa mensahe na natanggap ng Radyo Bida Kidapawan sa umano, binaril ni Municipal Councilor Boboy Apostol at natamaan pa sa paa ang isang 20- anyos na lalaki na si Joey Antona matapos itong mag-amok sa Sitio Palo 2 ng Barangay.Una rito, huwebes ng gabi noong nakaraang linggo, unang nag-amok si Joey Antona at hinahanap ang kanyang ama na si Ricky Antona dahil papatayin raw nito.Nag-ugat naman ang galit ng anak sa kanyang ama dahil sa pera. Agad namang tinungo ni Juntilla ang lugar pero umalis na raw ang binata kaya di nila naabutan.Kinabukasan ay muli na naman itong nag-amok at pagresponde ulit nila kasama ang mga barangay tanod ay sila na mismo ang sinubukang tagain ng suspek.Humingi na rin daw sila ng tulong sa Magpet PNP at dahil sira raw ang sasakyan ng PNP sa mga oras na iyon ay hindi sila nakapag responde sa lugar.Doon na tumulong at pumagitna si Councilor Boboy Apostol.Nadatnan pa nito na nag-aamok ang suspek at muntik rin siyang tinaga nito.Nilinaw naman ni Kgwd Apostol na Tubo ang kanyang dala at hindi baril nang rumesponde sa lugar.
Ayon kay Apostol hindi niya binaril ang suspek, tumakbo kasi raw sa kabilang bahay ang binata dahilan para matusok ng kawayan ang kanyang paa.Mismong si Apostol pa umano ang nagpagamot sa suspek.Matapos ang insidente agad namang humingi ng pasensya si Joey sa opisyal sa idinulot nitong gulo sa kanilang lugar. Kasong rape with Homicide ang kakaharapin ngayon ng 35-anyos na lalaki matapos nitong gahasain at patayin ang biktima na si Ivy Gallogo-Idul sa Purok Union, Brgy Central Malamote, Matalam, North Cotabato, linggo ng hapon.Kinilala ni Chief Ins. Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang suspek na si Henry Perez-Gumanit Alyas Bobong, kapitbahay lamang ng biktima.Agad namang naaresto ang suspek sa inilunsad na follow-up operations ng PNP.Positibo kasing itinuro ang suspek na siya ang pinakahuling lumabas sa lugar kung saan nangyari ang krimen.Sa imbestigasyon ng pulisya ala una ng hapon ng hanapin umano ng biktima ang kanyang ka live-in patner, hanggang sa makarating siya sa lugar kung saan nakaabang ang suspek.Nanlaban pa umano si Ivy pero hinampas siya ng matigas na bagay sa kanyang mukha dahilan para mawalan ito ng malay.Doon na siya hinila ng suspek sa gilid ng irrigation canal at ginahasa.Di pa nakontento ang suspek at tinaga pa nito ang noo ng biktima gamit ang dalang itak at sinakal pa gamit ang lubid.Nalaman pa ng PNP na bago gawin ng suspek ang karumal dumal na krimen ay nag pot session pa umano ito kasama ang tatlong iba ipang binata.Sila mismo ang nagturo sa suspek na siyang huling nakita sa crime scene.Samantala, isasailalim din sa DNA test ang nakolektang ebidensya partikular ang sigarilyo, semen, at buhok na nakuha sa kamay ng biktima para i-match sa nahuling suspek.Hustisya ngayon ang sigaw ni Lloy Idul sa sinapit ng kanyang kapatid.Inilarawan naman ni Lola Rebecca Penya ang apo nito na mabuting bata at may pangarap sa buhay.Agad namang nagpababa ng deriktiba si Governor Emylou Mendoza na bilisan ang imbestigasyon sa krimen.Sinagot na rin ng Provincial Government ang DNA test na kinakailangan sa pamilya ng biktima at sa pagpapalibing nito.

Soccsksargen niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol

NIYANIG NG Magnitude 4.8 ang Saranggani, South Cotabatoi at Sultan Kudarat kanina. Ayon sa Phivlcs, ang lindol ay tectonic in origin at natunton...

Energy Conservation Tips - Air Conditioner for Cotabato Light

Kuryentalks: Energy Conservation Tips - Air Conditioner 1. Set a comfortable temperature on your thermostat. When using an air conditioner, set...

Thousands displaced as rival Moro groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY --- Local officials are struggling to disengage two feuding Moro factions in Mamasapano town Maguindanao del Sur that clashed again...

USM professor, nag-public apology sa pag-angkin ng thesis ng isang USM student

Public Apology ng dating university professor sa kanyang estudyante dahil sa pangongopya nito sa kanyang thesis. Naglabas ng kanyang public...

Imbestigasyon sa pagkasangkot ng 3 pulis sa pagpatay kay Capt Moralde sa MagNorte, nagsimula na

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng PNP ang tatlong mga pulis na kasama ni Police Captain Roland Moralde nang ito'y paslangin ng limang mga gunmen sa public...