Wednesday May, 01 2024 11:10:13 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 12, 2016

 • 18:28 PM Tue Jan 12, 2016
1,923
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

JANUARY 12,
2016 (TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PNP, tiniyak na walang exemption sa
ipinatutupad na COMELEC gun ban parusa sa mga gun ban violator, mas mabigat
daw, ayon sa DILG.

2. Pinaniniwalaang BAGANI at New
People's Army, nagkasagupa sa isang barangay sa Magpet, North Cotabato ilang
mga pamilya, lumikas.

3. PAGSABOG ng bomba, napigilan sa
Tacurong City.

4. DISQUALIFICATION CASE laban kay
presidential candidate Rodrigo Duterte, ibinasura ng Commission on Elections.

AT NGAYON SA DETALYE... MAS MABIGAT NA PARUSA ang naghihintay
sa mga lalabag sa gun ban ng Commission on Elections o COMELEC na ipinatutupad
ngayon ng PNP.

Sinabi ni Interior and Local Government
Sec. Mel Sarmiento na batay sa kanyang pakikipag-ugnayan sa Comelec, lalabas na
dalawa ang posibleng kaharapin ng isang violator.

Ito ay ang illegal possession at ang
isa ay ang violation sa gun ban na kabilang sa omnibus election code.

Sinabi ni Sarmiento na kapwa may parusa
ang nabanggit na paglabag ng anim na buwan hanggang anim na taong
pagkakakulong.

Kaya paalala ni Sarmiento sa mga gun
owner na nasanay ng magbitbit ng kanilang mga baril na kumuha muna ng exemption
sa Comelec.

Kaugnay nito, tiniyak ng PNP na walang
exemption sa ginagawa nilang pagpapatupad ng Comelec gun ban.

Nabatid na kahit mga pulis ay saklaw ng
nasabing Comelec ruling na magtatagal hanggang Hunyo ngayong taon.

Malinaw kasi ang isinasaad ng COMELEC resolution
na maaari lang magbibit ang pulis at iba pang law enforcement personnel ng
baril kapag ito ay naka-uniporme ang mga ito.

Samantala, humingi naman ng pangunawa
ang Malacañang sa publiko sa sangkaterbang checkpoints kasunod ng pagpapatupad
ng Comelec gun ban.

Ayon kay Presidential Communications
Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., target ng paghihigpit na ito
ang iligal na paggamit ng armas para na rin sa kaligtasan ng mamamayan.

Sa ganitong hakbang, ay masisiguro na
magkakaroon ng mapayapang pagdaraos ng halalan sa Mayo.

Nagsimula noong linggo ang 151 araw na
election period at kasunod nito ay ipinagbabawal na rin ang pagbitbit ng baril
sa labas ng bahay.

Kanselado rin ang permit to carry
subalit maaaring kumuha ng certificate of authority sa Comelec.

Exempted sa gun ban ang mga pulis,
militar at iba pang law enforcement officials. Nadiskubre ng mga pulis ang umano’y improvised explosive device o IED sa Tacurong City dahil sa tulong ng isang concerned citizen. Ayon kay Tacurong Chief of Police, Superintendent Junny Buenacusa, ang pampasabog ay unang natuklasan ng fruit vendor na si Josephine Casana, trenta’y tres anyos, kahapon ng umaga. Ito ay nakalagay sa isang paper bag na binalot ng packing tape at inilagay sa ilalim ng pwesto ni Casana. Matapos makumpirma ng K9 units ng Joint Task Force o JTF Talakudong ang IED, matagumpay naman nila itong na-defused o napaghihiwalay. Narekober naman ng mga otoridad ang ilang mga component ng IED. Kabilang sa mga ito ayon kay Buenacusa ang may isang kilong pako, black powder, cellphone na may simcard at blasting cap. Inaalam pa ng mga pulis kung sino ang suspek at ano ang motibo nito sa pagiwan ng pa matukoy na IED sa lugar NILINAW
ngayon ng Commission on Elections o Comelec na walang kandidato na
pagpapaliwanagin sa isyu ng premature campaigning para sa nalalapit na 2016
presidential elections.

Iginiit ni
Comelec Chairperson Andres Bautista na mismong ang Korte Suprema na ang
naglabas ng resolusyon na nagsasaad na walang umiiral na premature campaigning
sa mga pulitiko lalo na ang mga nagpaparamdam na kahit hindi pa pumapasok ang
election period at campaign period.

Tugon ito ng
Comelec sa naglalabasang TV ads ng mga pulitiko kung saan kapansin-pansin na
ang panunuyo at pag-iikot ng mga ito sa iba’t ibang panig ng bansa at maging sa
ibang bansa bago pa man ang itinakdang petsa ng Comelec para sa pangangampanya.

Batay sa
itinakda ng Omnibus Election Code, nagsimula na ang election period noong January
10 habang ang campaign period naman ay itinakda sa darating na February 10.

Subalit
umaasa pa rin ang Comelec official na maisasabatas pa rin ng Kongreso sa mga
susunod na halalan ang pagbabawal sa premature campaigning upang maiwasan na
makapanlamang ang may malaking makinarya sa pulitika.

Samantala, Binigyan
naman ng tatlong araw ng Comelec ang stakeholders na nakibahagi sa public
consultation para sa bumalangkas ng mas mahigpit na campaign rules.

Layunin nitong
mabantayan ang mga politiko, hanay ng media at iba pang may bahagi sa campaign
period upang manatili ang itinatadhana ng Fair Elections Act.

Kabilang sa
mga isinulong na amyenda ang pagtatakda ng malinaw na probisyon sa patakaran
kung kanino ibabawas ang airtime ng isang negative campaign laban sa isang
kandidato o grupo.

Nabuksan din
ang paggamit ng mga kandidato ng ibang medium sa pangangampanya tulad ng LED
billboards, posters sa mga sasakyan at maging ang mga inilalathala sa social
media na hindi nasasakop ng kasaluyang mga batas.

Maging ang
mga opisyal ng Comelec ay may mga input sa campaign rules dahil sa pagbabago na
raw ng panahon at takbo ng politika sa ating bansa.

Dumalo sa
konsultasyon sina Comelec Chairperson Andres Bautista, Commissioners Christian
Robert Lim at Luie Tito Guia at Dir. James Jimenez.

NAKAKULONG NA rin ngayon sa Datu Odin
Sinsuat Municipal Police station lock up cell ang isang lalaki matapos
mahulihan ng baril sa checkpoint ng Maguindanao Provincial Public Safety
Company 2nd Maneuver Platoon pasado alas syete kagabi.

Kinilala ang lumabag sa COMELEC gunban
na si Mike Upam Datukaka, 37 anyos, at taga- Barangay Datdtumeg, Mother
Kabuntalan, Maguindanao.

Ayon sa report ni Police Sr. Insp.
Datutulon Penguiaman, nagsasagawa sila ng checkpoint kagabi sa national highway
sakop ng Barangay Dulangan nang dumaan si Datukaka sakay ng kanyang Kawasaki
Bajaj 100 na may license plate 2828 LP na nanggaling pa sa kanilang bahay at
papunta sana ng Cotabato city.

Natuklasan ng mga pulis na may dala
itong kalibre 45 na pistola na may serial no. 513919, isang magazine na may
pitong mga bala.

Walang naipakitang COMELEC gunban
exemption si Datukaka at wala ring lisensya ang mga baril nito kaya’t siya ay
dinakip.

Dinala ang nakumpiskang baril ni
Datukaka sa Regional Crime Laboratory sa PC hill, Cotabato city para sa
ballistic examination.

Samantala, kaugnay ng Comelec gun ban
implementation, hiniling ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu na
mas higpitan pa ang pagpapatupad nito sa lalawigan lalo pa at nasa ilalim pa
rin ng state of emergency ang lalawigan mula pa noong November 2009.

Bukod dito, hiniling din ng
gubernador na makipagtulungan ang Comelec, PNP at AFP sa joint ceasefire
committee ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front sa pagpapatupad ng gun
ban.

GINAWARAN
ng certificate of appreciation ang pitong barangay na sakop ng Police Station 3
sa Cotabato City dahil sa ZERO firecracker and fireworks related injuries mula
noong pasko at pagsalubong ng bagong taon.

Ayon
kay Police Station 3 Commander Senior Insp. Tirso Pascual, bago pa ang
pagdiriwang ng holidays ay puspusan na ang kanilang paalala at pakikipagugnayan
sa mga kapitan ng bawat barangay upang matiyak ang seguridad ng mamamayan na
kanilang kinasasakopan.

Partikyular
na nilinaw nila ang kampanya ng Department of health na Iwas paputok campaign
2015.

Nabatid
na mula mismo kay Senior Insp. Pascual ang inisyatibo na bigyang papuri ang mga
lider ng barangay upang mahikayat ang bawat isa na magign aktibo sa kanilang
partisipasyon sa pangangampanya laban sa kriminalidad.

Maliban
rito binigyang puri rin ng Police station 3 ang mga tanod at ilang opisyal ng
kanilang mga barangay sa pagaresto ng mga individual na nahaharap ngayon sa
kasong ilegal posession of firearms noongJanuary 1, 2016.

MAGANDANG
BALITA para sa mga dentista, nurse at midwife ng Department of Health o DOH
ARMM!

Inaasahang
matatanggap na nila ang kanilang December 2015 salary ngayong linggong ito.

Sinabi
ni DOH ARMM Sec. Cr. Kadil Sinolinding Jr. na dumating na ang Disbursement Voucher
na nagkakahalaga ng 48.9 million pesos sa office of the regional governor at
inaasahang ibababa na ito sa DOH ARMM Finance anumang araw mula ngayon.

Ang
naturang halaga ay sahod ng 743 nurses, 39 dentists at 84 rural health midwives
para sa last quarter ng taong 2015.

Ayon
kay Sinolinding, nagkaroon kasi ng aberya sa mga papeles kaya na-delay ang
sahod ng mga nabanggit na kawani.

Kaugnay
nito ay humingi naman ng pang unawa ang kalihim sa kanilang mga kawani.

IPINAGBAWAL
MUNA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources in the Autonomous Region in
Muslim Mindanao o BFAR-ARMM ang paghuli ng mga isdang ginagawang sardinas sa Sulu
Sea at Basilan Strait sa loob ng tatlong buwan

Ito ay
para mabigyan ng panahon ang mga isda na lumaki at magparami.

Sinabi
ni BFAR-ARMM Fisheries Regulatory and Law Enforcement Division chief Jerusalem
Abdullahim na

Ito ay
bilang pagtalima sa Section 2 ng Republic Act 8550, o ang Philippine Fisheries
Code of 1998.

Saklaw
din ng fising ban ang pagbebenta at pagbili ng mga isdang hinuli sa nabanggit
na conservation area.

Sakop
ng fishing ban ang nasa 6,481.80 square nautical miles o 22,260.36 square
kilometers.

Ito na
ang pang apat na pagkakataong nagpatuad ng annual fishing van sa naturang
lugar.

Ang
sinumang lalabag sa naturang kautusan ay maaaring magmulta ng mula P50,000
hanggang limang milyong piso at pagkumpiska sa kanilang mga kagamitang
pangisda.

Tatalakayin muli ng Committee on Education ng Sanguniang Panlungsod ang resolusyon na naglalayong magtayo ng Secondary School sa brgy. Balabag, Kidapawan City.Sinabi ni Councilor Ruby Padilla-Sison, chair ng nabanggit na komite, noon pang 2011 unang humiling ang barangay council ng Balabag na malagyan ng Public HighSchol ang kanilang lugar.Ito ay sa pamamagitan naman ng isang resolusyon na isinumite nila sa SP Kidapawan.Layunin ng barangay council na mapagaan ang pag-aaral ng mga estudyante na kinakailangan pang maglakad ng dalawa hanggang pitong kilometro araw-araw patungo sa kalapit barangay na mayroong High School.Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Sison na Integrated High School muna ang ipapatayo sa lugar para mapabilis ang proseso at paglalaan ng pondo para dito.Aniya, kung hiwalay na Highschool ang itatayo sa ngayon ay posibleng matagagalan pa bago ito maiplementa. Hanggang ngayon ay di pa rin nakakabalik sa kanilang mga tahanan ang mga bakwit mula sa brgy. Talitay at Rajamuda sa Pikit, North Cotabato.Ito matapos muling sumiklab ang tensyon doon sa pagitan ng dalawang mga MILF commanders.Kinumpirma ito mismo ni Tahira Kalantongan ang Municipal Disaster Risk reduction and Management Council Officer ng bayan.Ayon kay Kalantongan, nanatili pa rin ang kaba at takot ng mga bakwit kaya pinili muna ang pananatili sa evacuation center.Sa unang tala na 568 pamilya nadagdagan naman ito ng halos dalawang daang pamilya base na rin sa kanilang pinakahuling validation sa area.Samantala sa bagong report naman na nakuha ng MDRRMC, dalawa ang kumpirmadong patay sa naturang bakbakan ng dalawang MILF commanders.Dalawa rin ang sugatan kabilang na ang walong taong gulang na bata na tinamaan ng shrapnel sa kasagsagan ng giyera ng dalawang pangkat.Pero sa ngayon, sinabi ni Kalantongan di pa nila batid kung saang grupo nangmula ang nasawi sa nabanggit na bakbakan. Isang barangay ng Matalam, North Cotabato, isinailalim na sa state of calamity matapos ang nangyaring tensyon sa lugarIdeneklara na ng mga opisyal ng brgy. Kidama, Matalam ang state of calamity matapos manatili pa rin sa evacuation center ang daan daang mga Internally Displaced persons o IDP's matapos ang nangyaring enkwentro sa pagitan ng Moro National Liberation Front at Moro Islmic Liberation Front.Sinabi ni brgy. Kidama Chairperson Filipe Maluenda, kanila umanong pagkakasyahin ang 20 thouand pesos na pondo mula sa Disaster Fund para ibili ng pagkain at dagdag na tulong para sa mga pamilyang bakwit na tumanggi munang bumalik sa kanilang mga tahanan.Rason naman ng mga bakwit na di pa raw ligtas na balikan ang lugar at kapansin pansin pa rin ang presensya ng mga armadong grupo.Ito ay sa kabila ng naunang nang pahayag ng mga otoridad na maari na silang bumalik sa kanilang mga tahanan sa purok 5 at 6 kung saan nangyari ang enkwentro bisperas ng bagong taon.Pinabulaanan rin ng opisyal na siya mismo ang pumigil sa mga bakwit na bumalik sa kanilang lugar at nagbanta na hindi na niya tatanggapin sakaling aalis sila sa evacuation center.Umapela si Malwenda sa gobyerno at sa mga opisyal ng MILF at MNLF na bumuo na ng pinal na kasunduan para makabalik na ang mga bakwit sa kanilang mga normal na buhay. Aasahan na ang kaliwa’t kanang pagsasagawa ng mahigpit na Highway Inspection ng Philippine National Police o PNP kasama ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa North Cotabato.Ito’y bunsod naman sa pagpasok ng election period para sa May 2016 National and Local Elections na nagsimula naman noong linggo.Sinabi ni Sr. Supt. Alexander Tagum ang Cotabato Police Provincial Director, nakaalerto na ngayon ang PNP sa kanilang mga operasyon lalo na sa mga lugar na ngayon pa lamang ay may mga naitatala nang krimen na may kaugnayan sa politika.Isa na rito ang bayan ng PIKIT kung saan noong nakaraang linggo lang ay binaril at napatay ang isang brgy. Chairperson ng Silik, Pikit, North Cotabato.Kabilang rin sa kanilang mga tinutukan ang mga areas sa lalawigan na may mga naitatalang awayan sa pamilya at ibat-ibang grupo na humantong sa enkwentro at paglikas ng mga residente.Higit rin ang pagtutok ng Pulisya sa pagtukoy sa mga miyembro nilang partisan o iyong mga nakadikit sa mga pulitiko.Katunayan, ipinag-utos na ng pamunuan ng PNP sa buong bansa ang pag-recall sa lahat ng mga security escorts kung saan dapat nakabalik na sa kampo ang mga ito kahapon pa lamang. Abot sa 15 mga pamilya ngayon ang lumikas mula sa Sitio Kasimbit, brgy. Manobo, Magpet, North Cotabato matapos atakehin ng umano mga miembro ng Tribung BAGANI ang grupo ng New People's Army o NPA na nakapwesto naman malapit sa kanilang mga bahay.Ang naturang sagupaan ay kinumpirma naman mismo ni Brgy. Manobo Chairperson Roldan Pelonio.Ayon kay Pelonio kamakalawa ng tanghali ng atakehin ng siyam na mga BAGANI ang naturang lugar na kasama pa ang isang kagawad ng brgy. Manobisa na kinilalang si Kagawad Marshal.Matapos ang dalawang oras na palitan ng putok ay nag withdraw ang mga BAGANI patungo sa ibat ibang barangay ng Magpet matapos maka-enkwentro ang umano halos dalawang daang NPA.Nakuha naman ng mga NPA sa area ang mga baril mula sa mga BAGANI kagaya ng dedose, M14 at Garan.Samantala, sinabi naman ni Sub Kapitan Mario Manay ng Sitio Apog- Apog katabi ng Sitio Kasimbit na ito na ang ikalawang pagkakataon na nakita ang presensya ng mga Bagani sa naturang lugar.Pang-aagaw naman ng armas ang sinasabing motibo ng mga BAGANI sa kanilang ginawang pang-aatake. Gawing kapaki pakinabang para sa mga mamamayan ang Negosyo Center.
Ito ang hiling ni Senator Bam Aquino sa lokal na pamahalaan ng Koronadal kaugnay sa pagtayo ng pasilidad sa Koronadal City.
Ayon kay Aquino, kahit na sinong mamamayan na nais na pasukin ang pagnenegosyo ay maaring matulungan ng pasilidad.
Ito ay sa pamamagitan ng paghahanap ng mas malawak na market sa kanilang mga produkto at pag-proseso sa lahat ng mga kinakailangan sa pagnenegosyo, tulad ng pagkuha ng permit.
Umaasa ang Senador na ang Negosyo Center ng Koronadal ay mapapakinabangan din ng libo libong mga mamamayan tulad ng General Santos City.
Ang pasilidad ay matatagpuan sa Notre Dame of Marbel University.
Ito ay pinasinayaan noong nakaraang buwan.
Ipinahayag ni Aquino na ang pagtatayo ng negosyo center ay bilang pagpapatupad na rin ng Go Negosyo Act.
Ang batas ay umoobliga sa bawat local government unit na magtayo ng Negosyo Center para mahikayat ang mga mamamayan na magnegosyo upang makapagbigay ng trabaho.
Kinumpirma din ng Senador na ang 130 na mga negosyo center sa buong bansa ay madadagdagan pa.
Ayon kay Aquino saklaw ng 2016 budget ng gobyerno ang pagtatayo ng karagdagang 300 daang negosyo center sa buong bansa. Si Aqunio ay naging panauhing pandangal sa pagtatapos ng 16th Hinugyaw Festival at Foundation Anniversary ng Koronadal kamakalawa.
Magpapatayo naman ng karagdagang sampu pang mga Negosyo Center ang Department of Trade and Industry o DTI sa rehiyon dose ngayong taon.
Kalaboso ang dalawa katao matapos mahuling nagdadala ng armas sa Koronadal City.
Kinilala ni Superintendent Nestor Salcedo ang Chief of Police ng Koronadal ang mga suspek na sina Sadat Kamir Sabdulla, biente sais anyos driver at Benny Arcis Manampad isang security/escort, trenta’y otso anyos.
Ang mga suspek ay pawang mga residente ng barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Isinagawa ng mga pulis ang hot pursuit operation laban sa mga suspek matapos akusahan ng umanoy pambubogbog ng isang Reynaldo Tilud habang nasa isang inuman kamakalawa ng madaling araw.
Ayon kay Salcedo narekober ng mga pulis mula sa Toyota Hilux pick up na sinakyang ng mga suspek na nakaparada sa harap ng Doctors Clinic Hospital ang dalawang 45 pistol at labinisang mga bala nito.
Nabatid na dinala ng mga suspek ang isa nilang kasama sa ospital dahil sa sugat nito sa ulo.
Ipinahayag ni Salcedo na inihahanda na ng PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code laban sa mga naarestong suspek. Nasawi sa pamamaril ang isang tricyle driver sa Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ng Polomolok PNP ang biktima na si Alger Semblante, trenta’y uno anyos at residente ng Purok Sunrise, Barangay Poblacion Polomolok.
Si Semblante ay binaril ng di kilalang suspek habang nagmamaneho ng kanyang tricyle sa tapat ng Mt.Matutum Christian School sa Barangay Cannery Site.
Ang pamamaril ay naganap dakong alas nuebe ng gabi kamakalawa.
Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala ng di pa matukoy na uri ng armas sa kanyang mukha na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Inaalam pa ng Polomolok PNP kung sino sino ang suspek at ano ang motibo nito sa pagpaslang sa biktima. Suportado ng mga health officials ng South Cotabato ang total ban ng mga paputok sa bansa.
Ito ay matapos mismong isulong ng Department of Health o DOH.
Binigyan diin ni Dr. Rogelio Aturdido Jr, ang Provincial Health Officer ng South Cotabato na bagama’t naging bahagi na ng pagdiriwang ng pasko at bagong taon ang pagpapaputok, marami din ang nabibiktima nito sa lalawigan.
Binigyan diin din ni Aturdido na walumput isa sa mga naputukan nitong taon ay pawang gumamit ng illegal na paputok.
Ayon naman kay Dr. Alah Baby Vingno ang Assistant Provicial Health Officer ng South Cotabato, masawata lamang ang problema ng mga naputukan tuwing holiday season kapag ipinatupad ang total ban sa mga paputok.
Abot sa 99 na mga biktima ng paputok ang naitala sa South Cotabato mula Nobyembre biente singko noong nakaraang taon hanggang Enero a singko ngayong taon.
Ito ay batay naman sa datus na nakalap ng Provincial Epedemiology and Surviellance Unit o PESU.
Pitumput dalawang porsyento sa sugatan ay naputukan ng Piccolo, tig walong porsyento ang kwitis, at pulbura, tatlong porsyento ang five star at tig dalawang porsyento naman ang nabiktima ng Roman Candle at Flying Tiger.
Isa naman ang sugatan dahil sa ligaw na bala.
Ito ay sa kabila ng mas pinaigting na iwas paputok campaign ng provincial health office ng South Cotabato.
Wala namang naiulat na nasawi dahil sa paputok sa South Cotabato ngayong taon.

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...

NDBC BIDA BALITA (May 1, 2024)

  HEADLINES 1   DOH 12 muling nanawagan sa publiko na magpabakuna sa pagtatapos ng World Immunization Week 2  ...

Pagpatay sa IP kagawad sa Datu Hoffer, MagSur, kinundina ni MP Froilyn Mendoza

MAHIGPIT NA KINUNDINA NI BARMM Member of Parliament Froilyn Mendoza ang pagpatay kay Barangay Kagawad Timuay Juanito Promboy ng Barangay Tuayan, Datu...