Thursday May, 26 2022 02:06:08 PM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 20, 2021)

NDBC BALITA • 07:00 AM Thu Jan 21, 2021
573
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1.  Barangay Kapitan, sugatan sa shooting incident sa Kidapawan City

2.  Peace rally, ginawa ng taga Rajah Buayan, Maguindanao kontra BIFF.

3.  Muli mas marami ang gumaling mula Covid-19 sa Region 12 kumpara sa nagpositibo.

4. Mas mahigpit na health protocols kontra Covid-19, hiniling ng ilang taga North Cotabato 

5.  Mga Badjao sa Koronadal, dapat tulungan at huwag ipagtabuyan, sabi ni Mayor Ogena 

6.  Original license plate ng mga motorsiklo na naka-rehistro sa LTO-12 noong Jan. 2018, pwede nang kunin

7.  Ranking official ng MNLF at miembro ng Bangsamoro Transition Authority, sumakabilang buhay dahil sa sakit

 ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

-0-

Local………………..

PATAY ang isang construction worker matapos na ito ay pagbabarilin ng kanyang kakilala, kaibigan at kainuman sa Basarangay Wadja, Banisilan, North Cotabato.

Sinabi ni Banisilan Municipal Police Station Commander Capt. Bernard Abarquez na ang biktima ay nakilalang si Jomar Sailmoy, 29 years old at ang suspect na si Rey Noval Manuel, 32 taong gulang.

Magdagmag silang nag-inuman at nang lango na sa alak, nagkainitan at nagkasagutan.  Si Manuel bumunot ng cal. 38 revolver at pinautukan sa mukha si Sailmoy.  

Dinala siya sa ospital pero dead on arrival. Ang suspect na si Manuel ay naawa sa nabaril na kaibigan at agad sumuko, nagsisi at umiyak.

SAMANTALA, mabilis na isinugod sa ospital sa Cotabato City ang isang magsasaka matapos ma mabaril sa Malabang, Lanao del Sur.

Sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang natamo ng 22-tagong gulang na si Alpap Amirol.

Naglalakad ang biktima pauwi sa kanyang bahay sa BArangay Poblacion kasama ang anak alas 6 ng gabi nang lapitan ng di kilalang suspect at pinaputukan.

Tinamaan sa likod si Amirol at maswerteng hindi nadamay ang anak.

-0-

Local………………..

Kakulangan ng supply ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga karneng baboy at  iba pang meat products sa General Santos City.

Ito ay ayon kay Gensan Veterinarian Dr. Antonio Ephrem Marin ang kanilang mariin minomonitor sa ngayon.

Sinabi ni Marin na para maresolba ang problema nakikipagugnayan ang kanilang tanggapan sa mga local hog producer.

Paliwanag ni Marin dahil sa African Swine Fever o ASF, kinulang ang supply ng  karneng baboy sa maraming bahagi ng bansa.

Nagpapalala pa sa problema ayon kay Marin ang  lockdown na  na ipinatutupad sa bansa dahil sa COVID-19 pandemmic simula noong nakaraang taon.

Umaasa naman si Marin na dadami ang supply ng pork meat products sa Gensan sa mga susunod na linggo para bumaba o bumalik sa dati ang presyo nito.

Base sa monitoring ng veterinary office umabot sa 280 hanggang 320 pesos per kilogram ang presyo ng karneng baboy ngayon sa Gensan.

Ito ay mas mataas sa dating 200 pesos kada kilogram.

Habang ang lechon naman ay nabibili ngayon sa Gensan sa 300 hanggang 450 pesos per kilo.

Dinagdag din ni Marin na para maresolba ang problema magsasagawa ng dialogue sa mga hog producer ang Department of Trade and Industry o DTI.

Nagpatawag na rin ng public hearing at konsultasyon sa vendors association hinggil sa nasabing usapin ang Gensan City Council.
 

-0-

Local………………..

Gagawin ang soft opening ng Lake Lahit Water and Recreation kasabay ng pagsisimula ng summer season Marso.

Ang Lake Lahit ay isa sa tatlong mga lake sa bayan ng Lakek Sebu kabilang ang main Lake na Lake Sebu at Seloton.

Ang soft opening nito ay magsisilbing pilot testing ng mga serbisyo, paglabas masok ng mga turista,at amenities.

Ito ay ayon kay Arts, Culture, Tourism and Museum o ACTM  Development and Promotions Unit Chief Argie Asaria.  

Sinabi ni Asaria na inaasahan nilang dadayuhin ng mga turista ang recreational water sports activities sa Lake Lahit.

Ang  mga ito ay ang kayaking, water bike, fishing at ang pagsakay sa traditional na Bangka ng mga mamamayang T’boli na “Owong.”

Ipinahayag din ni Asaria na ang restaurant sa Lake Lahit na ang specialty ay tilapia at iba pang traditional na pagkain ay pamamahalaan ng mga mamamayan ng komunidad.

Tutulungan din ang mga ito ng Department of Tourism o DOT 12, provincial government at lokal na pamahalaan ng Lake Sebu.

Ayon kay Asaria magaganap naman ang Grand launching ng nasabing tourist destination sa Abril.
 

-0-

Local………………..

Aminado si Koronadal Mayor Eliordo Ogena na hindi magiging madali sa lokal na pamahalaan ang pagpapaalis sa mga mamamayang Badjao sa lungsod.

Ayon kay Ogena  dapat manguna sa pag-asikaso sa mga ito ang Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Nilinaw naman ng alkalde na di tulad noong mga nakaraang taon, kokonti lamang ang mga Badjao ngayon sa Koronadal.

Kaya hindi gaanong napapansin ang mga ito sa ngayon.

Ito marahil ayon kay Ogena ay dahil na rin sa pangamba sa COVID-19.

Ipinahayag ng alkalde na kadalasan tinututulan ang presensya ng mga Badjao sa isang lugar dahil sa pangamba na ginagamit umano ang mga ito ng mga sindikato para sa fund raising.

Pero ayon kay Ogena ang  pananatili ng mga Badjao sa Koronadal ay isang social problem na hindi basta na lamang maresolba sa pamamagitan ng pagpapaalis sa mga ito.

Binigyan diin ni Ogena na bilang mga tao, pinakamaganda pa ring gawin ang pagbibigay sa kanila  ng pinansyal na tulong at food packs bago, pabalikin sa kanilang mga lugar.

Pero iginiit nito na ngayong may krisis prayoridad pa rin ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan ng Koronadal.
 

-0-

Local………………..

Mahigit 239 million pesos inilaan ng DSWD 12 para sa kanilang emergency assistance ngayong 2021
Mas mataas ng tatlong beses sa 78 million pesos na pondo nila noong nakaraang taon ang 239.9 million pesos na inilaan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12  para sa emergency assistance ngayong taon.

Kinumpirma ito ni DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo.

Ayon kay Espejo, ang nasabing pondo ay aprubado na ng kanilang central office at gagamitin lamang sa kwalipikadong mga benepisyaryo ng assistance to individuals in crisis situation o AICS ng ahensya.

Kaya ayon sa nasabing DSWD 12 official walang lugar ang korupsyon sa kanilang tanggapan.

Sinabi naman ni DSWD 12 Crisis Intervention Unit Chief Nanig Sanoy na  ang pondo sa AICS ay gagamitin sa medical assistance, funeral support, at pinansyal na tulong sa mga nawalan ng bahay dahil sa sunog.

Paliwanag ni Sanoy dinagdagan ang pondo nila ngayon taon dahil marami ang mas nangangailangan ng tulong medikal bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ang AICS ng DSWD ay napakinabangan ng mahigit isang milyong mga mamamayan sa Soccksargen noong nakaraang taon.
 

-0-

Local………………..

Solusyon sa siksikan ng mga mamamayan sa kanilang district office at licensing center  sa General Santos City ang kabubukas pa lamang doon na Land Transportation Office o LTO extension sa Barangay Tambler.

Ipinahayag ito ni LTO 12 Regional Director Macario Gonzaga na nanguna sa pagbukas ng nasabing tanggapan.

Bukod dito ayon kay Gonzaga malaki din ang pakinabang ng  LTO extension sa mga mamamayan ng Tambler.
Ayon kay Gonzaga inaasahan nito na makatutulong din sa pangangailangan ng mga motorista at driver ang bago nilang extension office.

Pinasalamatan naman ni Gonzaga ang lokal na pamahalaan at mga partner nito mula sa pribadong sektor para sa matagumpay na paglalagay ng kanilang extension office sa Barangay Tambler.

Habang sinabi naman ni Tambler Barangay Chairman Abdulwahid Bualan na  dahil sa extension office mas magiging madali na sa mga mamamayan sa kanilang lugar ang pakikipag-transakyon sa LTO.

-0-

Local………………..

 

 

 

Bomb explodes inside travelling Yellow Bus in Koronadal

KORONADAL CITY - A suspected improvosed bomb went off inside a moving Yellow Bus along Gen San Drive, this city, particular in front of KCC Mall....

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...