Thursday May, 26 2022 02:10:42 PM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 23, 2021)

NDBC BALITA • 18:30 PM Sun Jan 24, 2021
771
By: 
ndbc nca

HEADLINES:

 

1.  LIMA katao, sumakabilang buhay dahil sa Covid-19 sa Region 12.

 

2.  Kooperasyon ng publiko sa usapin ng anti-COVID-19 vaccine hiniling ni North Cotabato Governor Catamco. 

 

3.  Isang police patay, 2 sugatan sa law enforcement operation sa Sultan Kudarat, Maguindanao, mga residente ginulantang ng sunod sunod na putok.

 

4.  Sa South Upi, Maguindanao, may putukan din kahapon hanggng kaninang medaling araw.

 

4.  Proposed extension ng transition period sa BARMM, suportado ni Cardinal Quevedo.

 

5.  Landslide, naganap sa Arakan, North Cotabato, bahay, tindahan at motor, nabaon sa lupa.

 

6.  Free tractor services, alok ng South Cotabato provincial government sa mga magsasaka

 

7.  DOST-12 handang tumulong sa mga mamamayang nasa conflict affected areas sa Region 12.

 

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

LOCAL…

MALUNGKOT NA BALITA.

LIMA KATAO, pawang mga lalaki, ang iniulat ng Dept of health na sumakabilang buhay kahapon dahil sa Covid-19 related disease.

Isa sa mga nasawi ay 48 gulang mula Tacurong City; isang 78-years-old na taga Midsayap, North Cotabato; taga Pres. Roxas, North Cotabato na 71 taong gulang, 

Nasawi din ang 40-year-old na taga Pigcawayan at ang 65-year-old na taga Gen. Santos City.

At dahil diyan, may 153 katao na sa Soccsksargen region ang nasawi dahil sa Covid-19.

SAMANTALA, may 40 katao naman ang bagong pasyente ng Covid-19, ayon sa DOH bulletin na ipinalabas kagabi.

May 32 pasyente din ang gumaling at naka-survive.

Gen. Santos City pa rin ang may pinakamaraming kaso at sumusunod ang South Cotabato.

-0-

LOCAL…

SA BANGSAMORO REGION, siyam na bagong kaso ng Covid-19 ang naitala ng Ministry of Health hanggang kagabi.

Sa bilang na ito, anim ang mula Maguindanao at tatlo mula Cotabato City.

Sa kabu-uan, ang BARMM ay merong total confirmed cases na 3,800.

May apat na pasyente naman ang gumaling kayat ang total recovered patients sa BARMM ay abot na sa 3,527.

128 naman ang active cases at 145 ang nasawi.

-0-

Local..

PINAALALAHAN ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi ang lahat ng mga Returning Overseas Filipinos, locally stranded individuals at iba pang mga Cotabatenio na pauwi iwasan ang paggamit ng fake travel documents at medical certificates.

Ginawa ni Mayor Sayadi ang pahayag matapos makatanggap ng report na may gumagamit ng fake certificate of acceptance para sa mga taga Cotabato City.

Iginiit niya na tanging ang city government lang ang nagbibigay ng certificate of acceptance.

Ayon kay Sayadi, hindi ito maaring ipagawa sa labas dahil meron itong security features kayat madaling malaman kapag ito ay peke o hindi.

Higit sa lahat, ito ay walang bayad.

Sinuman ang mahuhuling gumagamit ng fake certificate of acceptance, medical certificate at iba pang public documents ay kakasuhan.

-0-

LOCAL…

SA TACURONG CITY, bawal na ang diagonal parking ng mga pampubliko at pribadong sasakayan sa tabi ng mga pangunahing kalsada ng lungsod.

Nakapaloob ito sa Ordinance No. 025-2020, na nagtatakda ng parking zones, loading and unloading zones, and tricycle terminals in and around the Central Business District of the city.

Sa lunes pa naman ang dry run ng ‘no diagonal parking’ policy, ayon kay Tacurong City Mayor Angelo Montilla.

Ang pinapayagan lang ay ang parallel parking.

-0-

LOCAL…

ABOT SA 33 MGA WANTED PERSONS ang naaresto habang nakumspika din ang ilang illegal drugs sa ipinatupad na simultaneous law enforcement sa Sultan Kudarat province.

Sinabi ni Sultan Kudarat provincial police director Colonel Noel Kinazo na isinagawa ang simultaneous anti criminality law enforcement operation sa pakikipagtulungan ng mga police at military sa lalawigan.

Sampu sa mga nadakip ay kabilang sa talaan ng most wanted persons, 13 ang regular wanted persons at 10 iba pa na inaresto dahil sa minor offenses.

Ang Tacurong City police office ay nakaaresto ng pitong wanted persons, anim ang Isulan municipal police station, tatlo sa Esperanza, anim sa Lebak, tig-dalawa sa Sen. Ninoy Aquino, Lambayong, Pres. Quirino, Columbio at Bagumbayan, tatlo sa Kalamansig at tig-isa naman sa Lutayan at Palimbang.

Pinapurihan naman ni Colonel Kinazo ang mga police station chief sa achievement na ito at inatasan ang mga ito na doblehin pa ang kanilang law enforcement operation laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.

-0-

LOCAL…

GINULANTANG ng serye ng mga putok ng baril ang mga residente ng Miryamville, sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon sa report na nakalap ng Radyo Bida Cotabato, particular na naganap ang law enforcement operation sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat.

Subject umano ng operation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-BARMM si Datu Adzis Talusan, barangay kapitan ng Limbo.

Halos dalawang oras na putukan ang narinig ng mga residente sa Torres, Limbo at kalapit na mga lugar.

Sa report ng mga residente sa Radyo Bida, tila shootout ang nangyari.

Bago ang CIDG operation kanina, nagpalabas ng video statement si Talusan sa kanyang FB at sinabing napansin niyang maraming mga police at Marines ang umaaligid sa kanyang bahay at sa kanyang barangay.

Iginiit niya na wala siyang nilabag na batas.

Sa pinakahuling report ngayong umaga, isang police ang nasawi at dalawa ang sugatan.

Nagpapatuloy pa ang operation.

-0-

LOCAL…

Isinasagawa na ngayon ng Bureau of Fire protection o BFP- Mlang ang mas malalimang imbestigasyon upang matukoy kung ano ang sanhi ng sunog na tumupok sa isang bahay sa Baluarte Subdivision, Mlang Cotabato.

Batay sa ulat, ang nasunog na bahay ay pagmamay-ari ni Rodolfo Ambahad.

Batay sa inisyal na imbestigayon ng BFP- Mlang, isa sa mga posibleng dahilan ng malaking sunog ay ang napabayaang siga sa likurang bahagi ng kanilang bahay na kumalat at nilamon ang buong bahay.

Kabilang sa mga nasunog ang mga mahahalagang gamit ng pamilyang Ambahad.

Damay din sa sunog ang kusina ng katabi nitong isa pang bahay.

Sa taya ng BFP-Mlang nasa P150, 000 ang halaga ng mga natupok na gamit kasama na ang bahay.

Ito na ang ikalawang sunog na nangyari sa bayan ng Mlang pagpasok ng buwan ng Enero.

Kamakailan, isang bahay din sa Barangay Bagontapay ang nasunog dahil sa electrical faulty wiring.
 

-0-

LOCAL…

 Tinutukan na ngayon ng pamahaalaang panlalawigan ng North Cotabato kung saan papasok ang probinsya sa pagtulong sa bawat LGU hinggil sa pagbabakuna ng mga mamamayan nito kung sakaling dumating na ang vaccine sa probinsya.

Sa kanyang pahayag sa Radyo BIDA, sinabi ni North Cotabato Governor Nancy Catamco hihintayin pa nito ang 70 percent na mabigyan ng bakuna na isasagawa ng National Government bago anya bumili.

Ang bubuuing task force naman anya ay upang matukoy ang mga kakailanganin bago ang pagpapatupad nito.

Ilan lamang dito ang pagtukoy kung saan ang vaccination site, ilan dapat ang magiging vaccinator, sino ang magbabayad sa kanila at iba pa.

Nabatid kasi na batay sa listahan ng DOH nasa pang labing-isa ang region 12 para sa roll out ng vaccination pero mahalaga anyang maging handa sa lahat ng pagkakataon ang probinsya kung maaring ng magggamit ang bakuna laban sa sakit.

Samantala, kaugnay nito hiniling ng opsiyal ang kooperasyon ng publiko dahil tiniyak nito na ang pagbabakuna ang pagbibigay proteksyon sa mga mamamayan.
 

-0-

LOCAL…

 Nasa pangatlong pwesto ang Kidapawan City sa buong Mindanao na most competitive component City in Mindanao ng Department of Trade and Industry para sa taong 2020.

Ito ay dahil sa maayos na pamamahala at epektibong pagbibigay serbisyo publiko para sa lahat ng mga nasasakupan nito.

Sa kabila ng naranasang 2019 earthquake at ang nagpapatuloy na krisis na dala ng COVID-19 pandemic, nananatiling maayos at kapaki-pakinabang ang mga programa at serbisyong hatid ng City Government sa mamamayan, at pag-unlad ng lungsod. 

Sukatan nito ang mga sumusunod: economic dynamism, government efficiency, infrastructure, and resiliency na mga pangunahing criteria para maging isang competitive city.

Tuloy ang pagbibigay ng regular na serbisyo publiko at naipatutupad ng wasto ang mga proyekto ng City Government sa panahon ng Covid19.

Nanatiling matatag ang iba pang serbisyo gaya ng health at emergency medical response, public safety, social services, at education programs ng City Government noong 2020 kahit pa naging limitado ito sa simula dahil na rin sa naranasang krisis na dulot ng Covid19. 

Sa usaping pang ekonomiya, nananatiling masigla ang maraming negosyo sa lungsod sa kabila ng pandemya. 

Nagpapatuloy din ang mga proyektong pang-imprastraktura hindi lamang sa mga proyektong ginagawa ng City Government, kungdi, kapansin-pansin din ang pagtatayo ng mga bagong gusaling pang negosyo sa sentro at mga barangay ng lungsod. 

Pumangatlo ang lungsod sa 27 na mga component cities ng Mindanao ayon pa sa inilabas ng DTI kamakailan lang. 

Sinundan ng Kidapawan City sa Component Cities category ang mga lungsod ng Tagum at Cotabato na siyang nasa una at pangalawang pwesto habang nasa ikaapat na pwesto ang Panabo City Davao Del Norte at Pagadian City Zamboanga Del Sur.
 

-0-

LOCAL…

Sa pamamagitan ng symbolic rolling sabay-sabay na ipinasagasa ang mga nakumpiskang bora-bora pipes gamit ang pison sa National Highway Barangay Sibsib, Tulunan, North Cotabato, kahapon.

Pinangunahan naman ni Tulunan Mayor Pip Limbungan ang pagsira ng mga nakumpiskang tambutso na sinaksihan din ng mga lokal na opisyales ng bayan, Traffic Management Unit, BFP at ng Tulunan PNP.

Ayon kay Tulunan PNP Chief Police Major Jun Napat, ang nasabing mga tambutso ay nakumpiska nila mula sa mga motorsiklong gumamit ng modified mufflers na mahigpit na ipinagbabawal sa  bayan.

Sinabi ni Napat na abot sa anim napu’t walong mga modified mufflers ang nakumpiska ng PNP nitong huling quarter ng nakalipas na taon na karamihan ay mula sa mga isinasagawang mga highway inspection.

Dagdag pa nito, na ang nasabing hakbang ay alinsunod na rin sa Municipal Ordinance sa bayan naglalayong pigilan ang anumang uri ng di kanais-nais na ingay dala na rin ng motorsiklong bora-bora.

Tiniyak naman ng PNP na magtuloy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa mga gumagamit ng open pipes.

Nabatid na taun-taon ang pagsasagawa ng symbolic rolling ng PNP kung saan sa nakalipas na tatlong taon, abot na sa 250 modified mufflers ang nakumpiska at sinira.
 

-0-

LOCAL…

Natukoy na  ng Department of Science and Technology o DOST 12 ang End Local Communist Armed Conflict o ELCAC areas na makikinabang sa kanilang mga proyekto.

Ayon sa bagong regional Director ng DOST 12 na si Sammy Malawan karamihan sa mga ito ay nasa lalawigan ng North Cotabato.

Sinabi ni Malawan na isusulong ng DOST 12 ang community empowerment sa mga ELCAC areas.

Ipatutupad nila ito ayon kay Malawan sa pamamagitan ng kanilang community empowerment through science and technology o CEST program.

Saklaw ng CEST ayon kay Malawan ang pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng makabagong teknolohiya, edukasyon at serbisyong pangkalusugan.

Tiniyak din ni Malawan na nakahanda ring silang magbigay ng livelihood training at equipment para sa pagpapaganda ng kalidad at pagdami ng produksyon ng mga CEST beneficiary.

Voice Clip…Si DOST 12 Regional Director Engineer Sammy Malawan.
 

-0-

LOCAL…

Pinakamalaking tapyas na  5.9 billion pesos sa 8 billion pesos na budget ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 ngayong 2021 ay laan para sa mga benepisyaryo ng kanilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Habang 122.2 million pesos ay para naman sa Sustainable Livelihood Programs ng ahensya.

Ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo ang pondo na nakaapruba pa lang ng kanilang central office ay gagamitin ang hanggang sa Disyembre.

 
Tiniyak  din ni Espejo sa publiko na hindi kokonsentihin ng DSWD 12 ang mga kawani nilang gagamitin ang nasabing pondo para sa sariling kapakanan.

Ipinahayag naman ni DSWD 12 Budget Officer Mohammad Fayed Sarip na naglaan din sila ng 1.6 billion pesos para sa Social Pension Program.

Ito ay bilang pagtalima naman sa Senior Citizens Act na naguutos ng pagbibigay  ng tig limang daang buwanang allowance sa mga mahihirap na senior citizen.

Tuloy pa rin ang supplementary feeding program ng ahensya ngayong taon matapos paglaanan ng mahigit 186 million pesos.

Layon ng programa na maresolba ang malnutrisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng hot meals sa mga day care pupils limang beses sa isang linggo sa loob ng 120 days.

-0-

LOCAL…

Waste Treatment Facility na ikalawa sa region 12  bubuksan ng LGU sa Sarangani Province
Inaayos  na lamang ng provincial government ng Sarangani ang ilang mga requirement para makakuha  ng permit sa bubuksan nilang medical waste treatment plant.

Sa katunayan ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Rolando Tuballes ang nasabing pasilidad ay binisita na ng mga kinatawan ng Environmental Management Bureau o MGB 12 ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Ang waste treatment facility sa Barangay Bagacay, Alabel ay isinailalim ng MGB sa Environmental Impact State o EIS Review.

Kailangan kasi ito sa pagkuha ng environment compliance certificate o ECC sa DENR.

Ang installation ng planta na tinawag na “Sarangani Medical Waste Treatment Facility” ay natapos na ng lokal na pamahalaan noong nakaraang buwan.

Gagamit ito ng Pyroclave Optima, isang medical waste processor na gumagamit ng pyrolysis o pagproseso ng mga health facilities sa pamamagitan ng matinding init.

Ayon kay Tuballes, gagamitin sa nasabing pasilidad ang thermal disinfection sa pag-treat ng mga medical waste mula sa mga ospital, pathological at pharmaceutical waste.

Pinaglaanan naman ito ng Sarangani Provincial Government ng 19 million pesos.

Magooperete din ito ayon kay Taballes bilang isang economic enterprise at tutugon sa pangangailangan sa waste treatment ng anim na mga pampublikong ospital at local hospital sa Sarangani.

Sa region 12 unang nagkaroon ng medical waste treatment facility ang lalawigan ng South Cotabato.

-0-

LOCAL…

Pumunta lamang sa Office of the Provincial Agriculturist o OPAG at mag-fill up ng requisition form.

Ito ang payo ni South Cotabato Provincial Agriculture Officer Dr. Raul Teves sa mga magsasaka ng lalawigan na nais makinabang sa kanilang Provincial Free Tractor services.

Sinabi ito ni Teves kasabay ng pormal na paglunsad ng nasabing programa sa demo farm ng OPAG sa Barangay Cinco, Banga.

Ayon kay Teves kwalipikado sa free tractor services ang mga magsasaka na may mababang kita na nagmamay ari o nagmi-maintain ng hindi hihigit sa dalawang ektaryang sakahan.

Dinagdag din nito na para maipatupad ng programa ang OPAG ay mayroong tatlong magagamit na  farm tractors.

Dalawa sa mga ito ay bigay ng Department of  Agriculture 12 at nagkakahalaga ng tig 3.5 million pesos.

Habang ang isa naman ay binili ng provincial government ng South Cotabato.

Ang mga benepisyaryo ng “Provincial Free Tractor Services” ay mabibigyan din ng farm inputs.

Ito ay bilang pagpapatupad sa Farm Mechanization Program ng DA
 

-0-

LOCAL…

Muling sinalakay ng mga armadong kalalakihan ang Barangay Itaw, South Upi, Maguindanao at isinisi ito ng mga otoridad sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Walang inilat na nasawi o nasaktan pero ang mga putok ng baril at nagbigay ng takot sa mga mamamayan Teduray.

Nagkapalitan ng putok ang mga suspect at ang tropa ng pamahalaan.

Upang huwag maipit sa labanan, ipinasiya ng mga sibilyan na lumikas na muna.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Cafgu at 57th Infantry Battalion Philippine Army at patuloy parin ang kinilang combat military operation upang maitaboy ang mga armadong kalalakihan.

Sinabi ni BARMM Ministry of Social Services and Development o MSSD Minister Atty. Raisa Jajurie naghahanda ang kanyang relief unit upang magdala ng ayuda sa mga apektadong pamilya.

Ilang linggo na ang nakalipas ay sinalakay ng BIFF ang naturang barangay at may mga sinunog na bahay. Nasundan ito ng ambush kay Mayor Reynalbert Insular at kay town councilor BAsit Kamid.

Usapin sa lupa ang nakikitang ugat ng problem sa naturang lugar.
 

-0-

LOCAL…

SINUSUPORTAHAN ni retired Cardinal Orlando Quevedo, OMI, DD ang panawagan na palawigin ang transition period ng Bangsamoro government.

Katunayan, inindorso ni Cardinal Quevedo ang mga petition na humihiling sa Kongreso at sa national government na palawigin pa ng tatlong taon ang period of transition.

SA isang pahayag na ipinarating sa NDBC, sinabi ng Cardinal na siyay naniniwala at kumbinsido na hindi makukumpleto ng Bangsamoro Transition Authority ang dapat nitong gawin sang-ayon sa nakapaloob sa Bagnsamoro Organic Law.

Aniya ang anumang tagumpay o accomplishment ng BARMM ay mapapawalang saysay kung magkakaroon ng election sa 22 sa rehiyon.

Alam ng marami, ayon sa Cardinal, na problema sa pondo at ang pandemic ang ilan sa mga dahilan bakit hindi naka-perform ng maayos ang pamunuan ng BTA.
 

Bomb explodes inside travelling Yellow Bus in Koronadal

KORONADAL CITY - A suspected improvosed bomb went off inside a moving Yellow Bus along Gen San Drive, this city, particular in front of KCC Mall....

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...