Thursday May, 26 2022 02:13:36 PM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 27, 2021)

NDBC BALITA • 08:45 AM Thu Jan 28, 2021
502
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1.  Secondary bomb, nakita sa South Upi, matapos sumabog ang IED na ikinasawi ng isang motorista.

2.  South Upi Mayor Insular, naniniwalang siya ang target ng pambobomba na isinisi ng Army sa BIFF.

3.  Bombing survivor, magpacheck lang sana sa mata sa Cotabato City, nadamay pa sa roadside bombing.

4.  National Gawan Manlilikha awardee na si Bai Yabing Masalon ng South Cotabato, pumanaw; kontribusyo niya niya sa culture and arts, kinilala.

5.  License plate ng mga sasakyan, ready na for release, ayon sa LTO-12.

6.  Isang motorista patay, dalawa sugatan makaraang na umiwas sa HPG checkpoint at nadisgrasya.

7. Motor Riders club official, nagpaliwanag sa isyu ng pag-sita ng mga miembro sa mga motorista sa Kidapawan

8.  Palay farmers, may insurance kahit hapay ang kanilang palay, South Cotabato Agriculture Office may ayuda sa mga farmer.

 

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

-0-

Local………………..

MATAPOS SUMABOG ang isang improvised bomb sa BArangay Poblacion Romongaob, South Upi, Maguindanao kahapon ng umaga, natagpuan ng mga otoridad ang isang secondary bomb di kalayuan sa lugar kung saan naganap ang unang pagsabog.

Sinabi ni South Upi Mayor Reynalbert Insular na ang secondary bomb ay yari sa 105 howitzer cannon na command operated. Ang IED ay maayos na na-deactivate ng Army at police bomb experts.

Sa unang pagsabog, nasawi si Alberto delos Santos, 51 taong gulang at isang BPAT member ng Barangay Purikay, Lebak, Sultan Kudarat.

Sugatan ang angkas niyang si Loreto Palma, 56 na taong gulang na dadalhin niya sana sa Cotabato City.

Alas 5:45 ng umaga nang mapadaan sila sa Barangay Romongaob Poblacion. Huminto sa tabi ng nang biglang may sumabog.

Si delos Santos ay nasawi on the spot habang si Palma ay nagtamo ng shrapnel injuries sa katawan.

-0-

Local…

SA BANGSAMORO REGION, isa pang COVID-19 patient na taga Cotabato City ang nasawi, ayon sa Ministry of Health. Dahil dito sumampa na sa 146 ang COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Labing lima naman ang naitalang gumaling kahapon at labing lima rin ang panibagong kaso ng sakit.

Dahil dito abot na sa 3,856 ang total COVID-19 infection sa BARMM habang na sa 3,552 naman ang total recoveries.

Sa 15 na panibagong kaso, walo ang taga Lanao del Sur at Marawi City, apat sa Maguindanao at tatlo naman sa Cotabato City. Nasa 158 naman ang aktibong kaso.

-0-

Local…

SAMANTALA, taga Cotabato City ang isa sa mga nagkaroono ng close contact sa unang kaso ng Covid-19 United Kingdom variant.

Sa report na nakalap ng DXMS Radyo Bida, isa sa dalawang pinaghahanap na na indibidwal na kasabay sa eroplano sinakyan din ng unang kaso ng UK variant ng Covid 19 ay natunton sa Cotabato City.

Sinabi ng Department of Health na sa tulong ng NBI, ang pasahero ay naka-isolate na at isinailalim na din sa swabbing.

Ang B117 o UK Variant ng Covid ay walang pinag iba sa Covid 19 pagdating sa prevention ngunit mas mabagsik itong makapanghawa.

-0-

Local…

Kontribusyon sa sining at kultura ng B’laan ng pumanaw na Gawad Manlilikha awardee na si Bai Yabing Masalon Dulo inaalala ng provincial tourism office ng South Cotabato.

Pumanaw na kahapon sa edad na 106 years old  si Bai Yabing Masalon Dulo ang ipinagmamalaking 2018 GAMABA o Gawad Manlilikha ng Bayan Awardee ng South Cotabato.

Ito ayon kay Arts Culture and Tourism Museum Unit Senior Tourism Operations Officer Argie Asaria ay kanilang ikinabigla at ikinalungkot.

Kinumpirma naman ni Asaria na bago  binawian ng buhay labas pasok na sa ospital si Masalon Dulo dahil na rin umano sa edad nito.

Ayon kay Asaria tiyak din na magbibigay pugay sa sumakabilang buhay na GAMABA awardee ang National Commission for Culture and the Arts o NCCA.

Kaya ayon kay Asaria magbibigay na lamang ng tulong sa mga naulila nito ang provincial tourism office.

Si Bai Yabing Masalon Dulo ay kinilala dahil sa pagsulong nito sa ikat weaving o paghabi ng tradisyunal na B’laan cloth na “Mabah tabih.”

Ayon kay Asaria  sa huling yugto ng kanyang buhay naturuan din ni Masalon Dulo ng ikat weaving ang mga mamamayan sa kanilang komunidad sa Barangay Landan,Polomolok, South Cotabato.

Sa katunayan si Masalon Dulo ay naging Cultural Master ng  Blaan Weaving School of Living Tradition sa kanilang lugar.

Ngunit para kay Asaria ang pinakamalaking naging kontribusyon nito ay ang maturuan ang mga mamamayan ng South Cotabato kung papaano pahalagahan ang kultura at sining.

Voice Clip…Si South Cotabato Arts Culture and Tourism Museum Unit Senior Tourism Operations Officer Argie Asaria.

Pinaalahanan din ni Asaria ang publiko na dahil sa COVID-19 pandemic limitado lamang ang maariing dumalaw at mariing ipinatutupad ang health protocol sa burol ng pumanaw na Gawad manlilikha awardee.
 

-0-

Local…

 Tulong sa mga magsasaka ng palay na sinira ng masamang panahon ang kanilang mga pananim tiniyak ng Provincial Agriculture Office  ng South Cotabato.

Magbibigay ng planting materials at abono sa mga magsasaka na nalugi  dahil sa masamang panahon nitong mga nakalipas na linggo ang provincial agriculture office ng South Cotabato.

Tiniyak ito ni  Provincial Agriculture Officer Dr. Raul Teves.

Ayon kay Teves, lumabas kasi sa kanilang assessment na pinadapa ng malakas na hangin ang mga pananim na palay sa mahigit 250 ektaryang sakahan sa bayan ng Tantangan.

Maliban sa Tantangan, may mga palayan din na apektado ng masamang panahon sa bayan ng Banga.

Mabuti na lamang ayon kay Teves dahil sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA  na-insured sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC ang nasabing mga sakahan.

Kaya ayon kay Teves ay walang dapat ipangamba ang mga apektadong mga magsasaka.

Umaasa naman si Teves na gaganda na rin ang panahon para kahit papaano ay makabawi din ang mga  apektadong magsasaka.
 

-0-

Local…

Pagpapatigil ng manufacturing ng mga tricycle sa Koronadal ipinaliwanag ni Traffic Chief Danilong Asong.

Naniniwala si Koronadal Traffic Chief Danilo Asong na sanhi ng  lumalalang problema sa trapiko sa lungsod ang pagdami rin ng mga tricycle.

Ito ang dahilan kung bakit kay Asong isinusulong nito ang pagpapatigil ng pagawa ng mga tricycle sa lungsod.

Aminado din si Asong na kaakibat din ng pagunland ng Koronadal ang pagdami ng mga sasakyan tulad ng mga tricycle.

Sa ngayon ayon kay Asong isinuhestyon nito sa lokal na pamahalaan na magtagala ng lane para sa mga tricycle para iwas road crash.

Dinagdag din nito na dahil sa human consideration pinapayagan pa rin ng lokal na pamahalaan na bumyahe sa mga malalayong barangay at Sitio ang mga scooter.

Inihalimbawa ni Asong ang Barangay Assumption  na dahil nasa bundok  hindi kaayang akyatin  ng mga tricycle.
 

-0-

Local…

License plate ng mga sasakyan na naantala ang  pagdating, available na sa LTO 12 Office sa Koronadal City.

Makukuha na ng mga mamamayan ang license plate ng kanilang mga sasakyan na  kabilang sa backlog ng Land Transportation Office o LTO 12 mula 2015 hanggang 2020.

Kinumpirma ito ni LTO 12 Regional Director Macario Gonzaga.

Pero nilinaw ni Gonzaga na bagama’t halos makumpleto na ang plaka sang mga four-wheeled vehicle ang mga dumating namang license plate para sa mga motorsiklo ay para lamang sa January 2018.

Paliwanag ni Gonzaga ito ay dahil sa mga problema na kareresolba pa lamang ng ahensya.

Tiniyak naman ni Gonzaga na kapag dumating na ang iba pang mga license plate agad nila itong ipapaalam sa publiko.

Makukuha ang mga license plante ng mga sasakyan sa LTO 12 Office sa Barangay Santa Cruz, Koronadal City.

-0-

Local…

Training Center ng TESDA 12 ipatatayo na rin sa General Santos City.

Nakahanda  na ang ten million pesos na pondo  na gagamitin sa pagpapatayo ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Training Center sa Barangay Tinagacan, General Santos City.

Ang pondo ay mula sa tanggapan ni South Cotabato 1st District Representative Shirlyn Bañas-Nograles na una nang nangako ng kanyang suporta sa mga programa ng TESDA.

Ang pasilidad ay ipatatayo sa isang ektaryang lupain na binigay naman ng lokal na pamahalaan ng Gensan.

Ayon pa kay TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II na nasa 45 Million pesos ang kakailanganing pondo upang mapatayo ang training center.

Pero ayon kay Abrogar, dahil sa inisyal na ten million pesos pwede nang magsanay ang  mga TESDA scholar kahit na ipinatatayo pa lamang ang gusali.

Sinigurado naman Congresswoman Bañas na magiging maayos ang implementasyon ng programa at matatapos  ang training center sa 2021.
 

-0-

Local…

“Malisyoso ang pagkuha sa mga larawan”
Ito ang sinabi ni Julius Condez ang organizer at presidente ng Full Spectrum Riders Association of the Philippines North Cotabato Chapter hinggil sa mga civilian enforcers na mga miyembro ng nasabing asosasyon matapos makatanggap ng batikos at tinawag pang mga “ninja cop” ng netizens dahil sa nakasuot ng bonnet at nakakulay iti na jacket habang nasa National Highway.

Ipinaliwanag sa Radyo BIDA ni Condez, hindi nakasuot ng bonnet ang kanyang mga tauhan kundi naka-hoodie lamang at naka black facemask kung saan nagsasagawa sila noon ng Traffic Direction and Control kasama ang organic personnel ng Highway patrol Group ng North Cotabato.

Pinoproseso pa kasi ngayon ng asosasyon ang kanilang gagamiting uniporme maging ang Identification Card bilang mga force multipliers sa daan na siyang tutulong din sa HPG at local PNP.

Limitado lang din anya ang kanilang magiging trabaho sa Highway tulad ng bawal manghuli ng traffic violators kung wala ang presenysa ng taga HPG at dapat 5meters lang ang layo mula sa HPG personnel.
 

-0-

Local…

 Nasa higit dalawang libo na na mga aplikante para maging scholar ang nakapagsumite na ng mga hinihinging dokumento at dumaan na rin sa qualifying examination.

Ayon kay scholarship Coordinator Narito Mazo, sa ngayon tuloy-tuloy pa ang kanilang pagtanggap ng aplikante sa Amas Provincial Capitol, Kidapawan City.

Bilang isa sa mga prayoridad ni Governor Nancy Catamco ang edukasyon, naglaan ito ng sapat pondo para sa scholarship program ng mga mag-aaral sa taong 2021.

Ayon kay Mazo, magtatapos ang pagtanggap ng mga aplikante hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Mahigpit din ang paalala ng Health authorities ang pagsunod ng minimum health protocols sa pag iwas sa COVID-19 sa pagsasagawa ng qualifying examination.
 

-0-

Local…

Sa ospital na binawian ng buhay ang driver habang nagpapagaling na ngayon sa pamagutan ang dalawang backrider nito makaraang maaksidente sa National Highway sa Barangay Poblacion, Kidapawan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Artemio Adaya Ensalada at sugatan naman sina Cris Ensalada kapwa taga Kidapawan City at Dexter Caliwanagan ng President Roxas.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na umiwas pa ang mga biktima sa checkpoint operation ng Highway Patrol Group ng lungsod.

Sinasabing nabundol sa likurang bahagi ng sasakyan ang motorsiklong sinasakyang ng tatlo na minamaneho ng isang government employee na si Emmanuel Tocmo Ablang.

Agad na inilipat sa isang ospital sa Cotabato City ang driver ng motorsiklo na si Artemio pero kalaunany binawain din ng buhay matapos magtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo habang nagpapagling din ng dalawang iba pa.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng PNP traffic section sa nasabing insidente.
 

-0-

Local…

Nasa 179 na mga magsasaka sa Antipas, North Cotabato ang labis na naapektuhan sa tumamang flashfood sa bayan noong mga nakalipas na linggo na nag-iwan ng abot sa 6, 022, 099.78 pesos sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Antipas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDDRMC Officer Diosdado Duque, batay sa isinagawang damage assessment ng kanilang tanggapan, ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ng malaking danyos ang bayan dahil sa nangyaring kalamidad.

Sinabi rin ni Duque na 51 na mga fishpond owners din ang apektado kung saan abot sa 407, 947 pesos ang naitalang danyos.

Kalahating  milyon naman ang danyos infrastructure, 23 mga tahanan ang partially damage at isa ang totally damage.

Kaugnay nito, nagmungkahi ng resolusyon ang MDRRMC sa Sangguniang Bayan ng Antipas na magdeklara ng state of calamity upang matulungan ang mga magsasaka at mga mamamayang naapektuhan ng pagbaha.
 

-0-

Local…

 Mas lumubo pa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa North Cotabato sa loob lamang ng dalawangput apat na oras kahapon.

Batay sa latest tracker ng Department of Health, nasa labing-apat ang naitalang bagong kaso ng sakit kung saan sa nasabing bilang lima ang mula sa Mlang, apat sa bayan ng Makilala, tatlo sa Midsayap habang tig- iisa naman sa Carmen at Matalam.

Sa ngayon, nasa 578 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong Cotabato Province habang mayroon namang 419 ang recoveries.

Nagpapatuloy pang nagpapagaling ang mga COVID-19 patients sa kani-kanilang isolation facilities.

-0-

 

 

Bomb explodes inside travelling Yellow Bus in Koronadal

KORONADAL CITY - A suspected improvosed bomb went off inside a moving Yellow Bus along Gen San Drive, this city, particular in front of KCC Mall....

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...