Sunday Jun, 16 2024 04:35:10 AM

NDBC BIDA BALITA Jan 28, 2016

 • 19:50 PM Thu Jan 28, 2016
992
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

JANUARY 28, 2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SENADO, wala na raw balak baguhin pa
ang naunang committee report kaugnay ng Mamasapano investigation muling
pagbubukas ng imbestigasyon sa insidente, agad ding tinapos.

2. Bahay ng NGCP lineman,
hinagisan ng granada sa Pikit, North Cotabato tatlo katao, sugatan

3. MGA MAG AARAL sa iba’t ibang mga
paaralan sa South Cotabato, tumanggap ng mga kulambo panlaban sa Dengue.

4. CONDITIONAL CASH TRANSFER ng DSWD,
posibleng magiging ganap na batas na.

SA PAGBUBUKAS MULI ng imbestigasyon
kaugnay ng nangyaring sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44
miyembro ng Special Action Force o SAF ay nagturuan at nagsisihan ulit ang mga
pulis at militar.

Iginiit kahapon ni dating SAF chief
Getulio Napeñas na umaga pa lang ay humingi na sila ng artillery support dahil
hindi makapasok ang mga sundalong rumesponde, ngunit hindi pinayagan ni Army 6th
Infantry Division commander Maj. Gen. Edmundo Pangilinan.

Kaya tumawag daw si Napenas kay Western
Mindanao Command commander Lt. Gen. Rustico Guerrero at pagkalipas ng 30 minuto
ay nagpakawala na ng artillery ngunit huli na ang lahat dahil nasawi na ang 44
na SAF troopers.

Sagot naman ni Pangilinan, hindi siya
agad makapag-utos na magpakawala ng artillery fire dahil hindi pa tukoy ang
kalaban dahil mali-mali ang impormasyon na ibinibigay ni Napenas.

Nagpakawala lamang daw sila ng kanyon
nang matukoy na ang lokasyon ng kalaban.

Dahil dito ay binatikos ni Senate
Minority Leader Juan Ponce Enrile ang tila hindi maayos na aksyon ng mga pinuno
ng militar at pulisya sa crisis situation.

Partikular na sinabon ni Enrile si
Pangilinan dahil hindi kaagad nagbigay ng artillery support sa SAF habang
nakikipaglaban ang mga ito.

Nainis at hindi kontento si Enrile sa
naging sagot ni Pangilinan kay Napeñas.

Samantala, giit ni Enrile na sa panahon ng giyera,
dapat maging flexible at hindi doctrinal ang kumander ng militar.

Sinabi rin ni Enrile na magsisilbing
wake up call para sa bansa ang naging palpak na operasyon dahil lumalabas na
walang lider na humahawak sa buong sistema.

Idiniin pa ni Enrile na si Pangulong
Aquino ang responsable sa palpak na operasyon ng SAF sa Mamasapano.

Sa pagsisimula pa lamang ng pagdinig,
sinabi ni Enrile na may direktang partisipasyon ang pangulo sa nasabing
insidente sa Mamasapano at nilimitahan lamang niya sa kanyang sarili at kay
Deputy Director General Alan Purisima ang nasabing misyon na tinawag na Oplan
Exodus.

Sinabi ni Enrile na ang Pangulo ang
approving authority” at tahasan din nitong isinantabi ang command system sa
pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng PNP.

Matatandaan na sa mga nauna ng pagdinig
ng komite inamin ni Napeñas na sinadya nilang hindi ipaalam kaagad sa AFP ang
operasyon at gawin na lamang itong time on target” o ipaalam sa mismong oras
dahil ang mga nauna nilang misyon ay nabulilyaso o hindi natutuloy kapag
nakikipag-coordinate sa militar.

Pero iginiit naman ni Purisima na
iprinisinta lamang sa Pangulo ang plano ng SAF sa pamamagitan ni Napeñas at ito
rin ang nagbigay ng panukala kung kailan gagawin ang Oplan Exodus.

Lumabas din sa pagdinig na hindi pa
nakukuha ang reward money na pitong milyong piso mula sa gobyerno ng Pilipinas
at limang milyong dolyar mula sa Amerika dahil pino-proseso pa ito.

Samantala, Sinabi ni senate Committee
on Public Order and Dangerous Drugs chairperson Grace Poe na hindi na nila babaguhin
ang naunang committee report na isinumite kaugnay ng Mamasapano investigation.

Ayon kay Poe, wala?namang bagong?natalakay?sa muling pagbubukas ng?imbestigasyon ng
Mamasapano incident kaya agad na rin itong tinapos kahapon.

Nabatid na binuksan muli ang Mamasapano
case dahil sa kahilingan ni Enrile.

Pitong oras lamang tumakbo ang pagdinig
at sinabi ni Enrile na kuntento na siya sa naging takbo ng hearing kaya’t hindi
na siya hihirit ng isa pang pagdinig.

PARA SA ISANG KONGRESISTA It’s a goodbye for the Bangsamoro
Basic Law o BBL”

Paniwala ni House defense
committee chairperson Rodolfo Biazon wala nang pag asa pang maisasabatas ang
BBL dahil tatlong session days na lamang ang natitira sa oras ng Kongreso.

Ito ayon kay Biazon, ay
kahit sertipikahan pa ni Pangulong Aquino bilang urgent bill ang naturang
panukalang batas.

Ayon?kay?Biazon, bagama’t
nakasalang na sa period of amendments ang BBL ay malabo aniyang matapos ito sa
natitirang tatlong araw ng Kongreso.

Napakarami aniyang
mambabatas ang gustong magpasok ng amendments sa nasabing panukalang batas kaya
imposibleng matapos ito sa susunod na linggo.

Unang?inamin?ng liderato
ng Kamara na nanganganib?ang?BBL dahil kulang ang suporta ng mga mambabatas at
hindi pumapasok ang mga ito sa kanilang ses­yon.

Sa ngayon nagtatanong si
Biazon kung ano ang susunod na kilos ng gobyerno at MILF kapag
tuluyang hindi naisabatas ang BBL.

HINDI NA oobligahin
pa na magsilbi tuwing eleksyon ang mga guro.

Ito’y matapos
aprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms at House
Committee on Appropriations ang panukalang batas na naglalayong gawin na lamang
voluntary ang serbisyo ng mga guro tuwing halalan.

Sa House 5412
o ang Election Service Reform Act na consolidated version na ng limang magkakaparehong
panukala na inindorso sa plenaryo ng komite nina Capiz Cong. Fredinil Castro at
Davao Cong. Isidro Ungab, nakasaad dito na pwede nang tumanggi o mag-boluntaryo
ang mga pampublikong guro na magsilbi tuwing eleksyon kapalit ng tamang
kompensasyon at benepisyo.

Sa panukala,
ang honorarium ng mga guro na magsisilbi sa halalan ay magiging anim na libong
piso na para sa the chairman Board of Election Inspectors o BEIs, P3,000 to
P5,000 naman para sa BEI members, P3,000 to P4,000 sa mga supervisor ng Department
of Education, at P1,500 to P2,000 para sa mga support staff.

Ang kanilang travel
allowance ay magiging P500 to P1,000 na rin.

Ang mga benipisyong
ito ay kailangang matanggap nila sa loob ng 15 araw matapos ang halalan.

Ang bersyon
naman ng senado sa panukalang ito o Senate Bill 2178 o the proposed Election
Service Reform Act o ESRA ang ipapasa kay P. Aquino para lagdaan.Samantala, para
naman hindi magkulang ng magsisilbi sa eleksyon, maaaring magtalaga ang Comelec
mula sa hanay ng pribadong guro, non-teaching personnel ng Department of
Education, iba pang kawani ng gobyerno kasama ang militar at pulisya basta rehistradong
botante ang mga ito.

Maaari ring
mula sa sa citizen’s arm ng Comelec, NGO o sinumang sibilyan na hindi konektado
kanino mang kandidato o alinmang partido politikal.

Sa mga lugar
na may problema sa peace and order, tanging pulis lamang ang pwedeng i-deputize
bilang miyembro ng Board of Election Inspectors at Board of Election Tellers. INAASAHANG MAS MAGIGING EPEKTIBO pa ang mga
agricultural researcher ng Department of Agriculture sa Autonomous Region in
Muslim Mindanao o DA ARMM sa pagtuklas ng mga makabagong stratehiya upang
mapaunlad pa ang industriya ng sakahan sa rehiyon.

Ito ay matapos ang kanilang isinagawang
strategic capacity building activities kamakailan sa International Rice
Research Institute o IRRI sa Los Banos, Laguna na tinaguriang general
headquarter ng 15-member countries ng naturang non-government at non-profit
organization.

Sinabi ni IRRI director-general Dr. Bruce
Tolintino

Na ang Pilipinas ang may pinakamalaking
nai-ambag na pondo sa IRRI na umaabot sa 3.4 million US dollars.

Kaya naman aniya, mula sa 1.5 tons per
hectare na average yield ng palay noong 1960s, ngayon ay umaabot na sa 4.0 tons
per hectare.

Sa ngayon ay nagpapatuloy sa pananaliksik ng
mas magandang uri ng binhi ng palay ng IRRI.

Pinangangalagaan din ng IRRI ang mahigit 128
libong mga uri ng binhi ng palay mula sa 40 mga bansa na inimbak sa kanilang
gene-bank.

Samantala, una rito, sumailalim ang DA ARMM
sa Oplan GISA o Government Initiative for Strategic Assessment, na estratehiya
ni ARMM Governor Mujiv Hataman para malaman ang mga actual performance ng ARMM
line-agencies.

Ibinahagi rito ni DA ARMM Secretary Alexander
Alonto, Jr. ang mga naipatupad ng programa ng ahensya na nakasentro sa
agri-pinoy banner programs.

Binigyan diin ng Kalihim sa kanyang ulat ang
data base management project na Philippine Rice Information System o PRISM at
ang Rice Crop Manager o RCM na magkatuwang na itinataguyod ng DA at IRRI.

Aniya, napakahalaga ito sa pagbuo ng rice
information sa ARMM. PATULOY NA
INAALAM NGAYON ng Cotabato City PNP ang pangalan ng sabungerong nakabaril sa
isa pang sabungero sa Panasacala street, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato
city pasado ala una ng hapon kahapon.

Kinilala naman
ng pulisya ang biktima sa pangalang Datu Nash Ulangkaya na hindi na inabutan ng
mga rumispondeng pulis matapos kunin agad ng kanyang mga kaanak at dalhin sa
Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Batay sa
inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagsabong ang suspek at ang biktima pero
nagkainitan sa pustahan.

Nang umakto na
bumunot ng baril si Ulangkaya ay inunahan na raw ito ng hindi pa nakikilalang
suspek.

Nagtamo ng
isang tama ng bala sa ulo ang biktima dahilan ng agaran nitong pagkasawi.

Sa ngayon ay
hindi pa gaanong malinaw sa mga imbestigador ang insidente dahil wala namang nais
tumestigo at magbigay ng salaysay hinggil sa tunay na pangyayari. Nakapagtala ng abot sa 215 na kaso ng sakit na dengue ang Integrated Provincial Health Office o IPHO, South Cotabato mula Enero a uno hanggang kinse nitong taon.
Ito ay mas mataas naman ng mahigit 114 percent sa walumput walo na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang pagtuloy na pagdami ng mga nagkakasakit ng dengue sa South Cotabato ay maring mapigilan sa pamamagitan ng mga insecticide treated screens O ITS .
Nakapagbigay ng abot sa na ITS o olysset nets sa sampung mga prayoridad na eskwelahan sa lalawigan ang Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato Ayon kay Jose Barroquillo, ang Provincial Mosquito-
Born Disease Focal Person, kabilang sa mga nabigyan nito ang anim na mga pampublikong eskwelahan sa Koronadal City at dalawa sa bayan ng Tupi.Layon nito ayon kay Barroquillo, na masawata ang sakit na dengue lalong lalo na sa mga bata na kadalasang nagiging biktima nito.
Ang 15 by 25 meter na olysset o chemecially treated mosquito nets ay ilalagay sa bintana ng mga silid aralan bilang pangharang sa mga lamok na magdadala ng dengue.
Ayon kay Baroquillo bawat olysset net ay nagkakagahalaga ng P7,500.
Ang mga olysset nets na ipinamigay sa South Cotabato ay pinaglaanan naman ng Department of health o DOH ng mahigit 1.7 million pesos.Ayon kay Baroquillo inaasahang masisimulan ng mga eskwelahan ang paglalagay sa mga ito sa susunod na buwan.
Inihayag ni Baroquillo na magsasagawa ng inspeksyon ang mga kinatawan ng DOH para matiyak na tama ang paglalagay ng ng mga ITS. Nakapag-uproot ng mahigit limampung mga bagong marijuana plants ang mga pulis sa T’boli, South Cotabato.
Ayon kay Police Chief Inspector Jose Mari Simangan, ang Chief of Police ng T’boli, ang mga marijuana plants ay nadiskubre ng kanilang tropa sa liblib na Sitio ng Lamkati, sa barangay Datal Dlanag dakong ala una ng madaling araw kamakalawa.
Ang lugar ay magkatuwang na pinasok ng mga kasapi ng T’boli Police at Provincial Public Safety Company ng PPSC South Cotabato.
Pinasok ng mga pulis ang ang Marijuana plantation matapos isumbong sa kanila ng isang concerned citizen.
Ayon kay Simangan ang na-uproot na mga marijuana plants ay nagkakahalaga ng mahigit dalamput dalawang libong piso.
Inaalam pa ng mga pulis kung sino ang may ari ng natuklasang marijuana plantation.
Publiko, pinag-iingat ng Bureau opf Fire Protection Koronadal ang publiko na mag-ingat sa sunog dahil sa tindi ng init.Ito ang hiniling ni Koronadal City Fire marshall Reginald Legaste sa publiko.
Ayon kay Legaste abot na kasi sa limang insidente ng sunog ang naitala ng kanilang tanggapan nitong buwan ng Enero.
Inihayag ni Legaste na kabilang sa kanilang naitala ang dalawang kaso ng grass fire, at isang garbage fire.
Dalawang bahay din ang nasunog sa mga barangay ng Sto.Nino at Zone IV.
Kumalat naman sa damuhan ang apoy mula sa nasunog na bahay kubo sa Barangay Plaza ng San Jose na ikinaalarma naman ng mga residente.
Ayon kay Legaste posibleng naging dahilan ng sunog ang pinabayaang mga appliances.
Kaya payo ni Legaste sa mga mamamayan iwasang ma-over use ang kanilang mga appliances lalong na ang electric fan.
Hiniling din nito sa publiko na dapat tiyaking nakatanggap sa saksakan ang kanilang mga di kuryenteng gamit.
Ito ay upang makaiwas sa sunog. Dumami pa ang mga negosyante sa Koronadal City.
Ito ay kung pagbabatayan ang pagtaas sa bilang ng mga nabigyan ng business permit ng Business Processing and Licensing Section o BPLS.
Ayon kay Gilbert Gayosa ang head ng BPLS section ng city government, nakapagbigay ang kanilang tanggapan ng abot sa 2,918 business permit.
Ito ayon kay Gayosa ay mas mataas sa 2,100 na-release nila noong nakaraang taon.
Inihayag din ni Gayosa na lumagpas din ang BPLS sa target nilang 2,500 na mabigyan ng business permit sa katatapos lamang Business One Stop Shop o BOSS.Kinumpirma din ni Gayosa na nakakolekta ng mahigit apatnaput isang milyong piso business tax ang BPLS mula sa mga kumuha at nagpa-renew ng kanilang business permit sa Koronadal. Makakenganyo pa ng mas maraming investment sa lalawigan ang solar power plant sa Barangay Centrala, sa bayan ng Surallah.
Ito ang paniniwala ni Flora Gabonales, ang provincial director ng Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato.
Ayon kay Gabonales, ang malaking puhunan na inilagak ng German company na NV Voght para sa five megawatt solar power plant ay nagpapatunay na magandang lugar para sa negosyo ang South Cotabato.
Sa katunayan ayon kay Gabonales, naghahanap pa ng lupain para sa pagtatayo ng karagdagang solar power plant ang kompanya sa lalawigan.
Ipinahayag din ni Gabunales, na malaki ang maitutulong ng planta para matiyak ang sapat na supply ng kuryente sa South Cotabato na isa sa unang tinitingnan ng mga investor.
Dinagdag din nito na makikinabang din sa El Nino Phenomenon ang solar power plant.
Ito ang ipinahayag ni Gabonales kaugnay sa pagpapasinaya ng pitong bilyong pisong solar plant sa Surallah, South Cotabato noong Sabado. Abot sa dalawang libong indigent na mga pamilya sa Kidapawan City ang ngayon ay mabibiyayaan ng serbisyong kuryente na ipapatupad ng Department of Energy sa ilalim National Intensified Household Electrification - NIHE Project ng lungsod.Ito ay tugon na rin sa una nang pangako ni City Mayor Joseph Evangelista na mabigyang serbisyong kuryente ang naturang bilang ng mga pamilya.Ang naturang proyekto ay pinakauna sa lungsod na pinaglaanan ng pondo ng DOE ng abot sa 7.5 Million pesos.Nabatid na benipisyaryo ng naturang programa ang 39 barangay ng lunsod.Sinimulang ipatupad ang naturang programa sa pangunguna mismo ni Mayor Evangelista katuwang ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO sa pagbibigay ng free membership seminar sa mga households ng barangay Manongol, Perez, Birada, Mua-an, Meohao, Ginatilan, Balabag at Ilomavis.Pumayag naman ang Cotelco sa kahilingan ng alkalde na pumunta at maglunsad ng seminar sa mga barangay.Maliban sa libreng free membership seminar sa Cotelco, inilibre na rin ni Mayor Evangelista ang 30 meters na drop wire, plangka, tig iisang saksakan at ilaw at maging ang building electrical plan ng tahanang pagkakabitan ng linya ng kuryente. Onsehan sa Droga ang sinusundang anggulo ng PNP sa nangyaring pamamaril sa isang dating preso sa Poblacion, President Roxas, North COtabato.Kinilala ni Chief Ins. Rommy Castañares, hepe ng President Roxas PNP ang biktima na si Felomino Alpoporo, na residente rin ng nabanggit na lugar.Ayon sa report nakaupo lamang ang biktima na parang may hinihintay sa lugar nang parahan ito ng dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo at doon na siya pinagbabaril.Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang kaliwang balikta na ngayon ay nasa kritikal ang kondisyon.Nabatid na nakuhanan pa ng isang sachet ng ilegal na droga ang naturang biktima.Matagal na rin itong sangkot sa mga iligal na aktibidad sa lugar.Ilang taon na rin itong nakakulong at nakapag piyansa dahil sa kasong carnapping at ilegal na droga.Sa ngayon mas pinalakas pa ng President Roxas PNP ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga sa bayan. Kulungan ngayon ang bagsak ng isang 19-anyos na babae nang mahuli ng mga otoridad kahapon ng umaga matapos nitong tangayin ang motorsiklo ng isang lalaki sa Makilala, North Cotabato noong nakaraang gabi.Sa salaysay ng may-ari ng motorsiklo na si Raul SuwaSulak na taga New Baguio, Makilala pinakyaw raw xa ng babae na kinilalang si Kristine Joy Tumilap para magpahatid sa Sitio San Nicholas, Brgy. Vicente, Makilala kung saan ito nakatira.Pagdating sa lugar malapit sa Don Mariano Elementary School ay humiling ang babae na umihi muna at ilang sandali lang ay may humampas nang bigla sa batok ng Driver dahilan para mawalan ito ng malay.Paggising nito ay wala na ang kanyang motorsiklo.Kahapon ng umaga agad dumiretso ang driver sa Kidapawan City para ireport sa establisyemento kung saan kinuha nito ang sasakyan ang pangyayari.Pag-uwi ng biktima ay dito na niya nakita ang kanyang sasakyan at ang babae na may kasama ng isang lalaki sa Davao Cotabato Highway.Tumirik kasi ang nabanggit na sasakyan dahil naubusan ito ng gasolina.Agad namang nahuli ng Traffic Management Unit- Kidapawan ang babae habang nakatakas naman ang kasama nitong lalaki.Samantala magkaiba naman ang bersyon ng babae nang makapanyam ito ng Radyo Bida.Ayon kay Kristine Joy hindi niya raw pinakyaw ang naturang Driver.Wala rin siyang kasamang lalaki sa mga oras na iyon at hindi niya hinampas ito sa ulo.Ang nangyari daw ay pinilit siya ng driver na ihatid xa sa kanila at bago ito ay nag-inuman pa daw sila.Hiniram niya lang daw ang motorsiklo para kumuha ng mga damit sa Magsaysay. Kidapawan.VCSa pahayag naman ni Brgy. San Vicente Chairperson Boy Bautista marami na raw talagang record ng pagnanakaw ang naturang babae.Ulila na rin ito sa Ama at nasa malayo ang ina.Hindi na rin siya nakatira sa kanyang lola sa Sitio San Nicholas dahil sa mga kaso nitong pagnanakaw.Nakakulong ngayon sa MAkilala PNP lock Up cell si Kristine Joy at nahaharap sa kasong carnapping habang patuloy namang tinutugis ng PNP ang umano kinakasama nitong lalaki. Blanko pa ngayon ang Kabacan PNP sa kung ano ang motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang 24 anyos na Guest Relation Officer sa Sitio 130, Barangay Pedtad, Kabacan, North Cotabato.Ang bitktima ay kinilala na si Clara Corpuz Siblag na taga Kidapwan City.Ayon sa report, nangyari raw ang insidente mag-aalas dose ng hating gabi nitong lunes.Mahimbing raw na natutulog ang biktima sa bahay ng kanyang biyanan nang pasakun ito at pinagbabaril ng di pa kilalang suspek.Tama sa ibat- ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinamo ng biktima mula sa 9mm pistol base na rin sa narekopber na mga basyo ng bala sa crime scene.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP ang nabanggit na insidente. Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang dalawang lalaki na responsable sa panghahagis ng granada sa bahay ng isang NGCP tower Inspector sa barangay Inug-ug, Pikit, North Cotabato.Sinabi ni Ins. Sindatu Karim, hepe ng Pikit PNP nangyari ang insidente alas syete ng umaga noong nakaraang araw.Tatlo ang sugatan sa nabanggit na pagsabog kung saan kinilala ito ng opisyal na sina Tocks Baliwan Dawadi, 50-anyos, siyang tower inspector ng NGCP, anak nitong si Bailanie Usop, 24-anyos, isang guro at ang apo nitong isang taong gulang.Nagtamo sila ng sugat dahil sa pagsabog na mabilis namang isinugod sa pagamutan.Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa labas raw ng kanilang bahay si Tocks at bigla na laman may dumtaing na dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo at inihagis ang nasabing pampasabog.Hindi pa malinaw ngayon sa PNP kung may kaugnayan ba sa trabaho ni Tocks ang naturang pangyayari.Hindi rin isinasantabi ng mga otoridad ang personal grudge bilang motibo sa insidente.NDBC BIDA BALITA

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...

Army collects 18 more high-powered guns in MagSur 

COTABATO CITY --- Residents of Datu Paglas, Maguindanao del Sur surrendered on Thursday to an Army unit 18 high-powered firearms in support of the...

‘Bangsamoro women can lead’—women groups on BARMM 2025 polls

COTABATO CITY — Bangsamoro women representatives from various organizations convened in a forum recently to discuss strategies for strengthening...