Sunday Jun, 16 2024 04:36:43 AM

NDBC BIDA BALITA Jan 29, 2016

 • 20:13 PM Fri Jan 29, 2016
1,638
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

JANUARY 29,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAGSABOG NG ISANG MALAKAS NA URI ng
bomba na iniwan sa isang bus terminal sa Shariff Aguak, Maguindanao, napigil ng
mga pulis at sundalo.

2. Apat katao, arestado sa Drug
Operation ng PNP sa Kabacan, North Cotabato dalawang iba pa, huli naman sa
Oplan Lambat Bitag sa bayan

3. PAGTATAYO ng hydropower plant sa
Lake Sebu, South Cotabato, tinututulan din ng mga mamamayan sa isang barangay
sa Surallah, South Cotabato.

4. MGA MEKANIKO sa buong bansa,
isasailalim sa drug test ayon sa LTFRB

AT NGAYON SA DETALYEMASUWERTENG HINDI sumabog ang isang
Improvised explosive device o IED na isinilid sa isang bag na iniwan sa
terminal ng bus sa Shariff Aguak, Maguindanao pasado alas onse ng umaga kahapon.

Ayon kay 601st Brigade Philippine Army
Commander Col. Lito Sobejana, agad silang rumisponde sa lugar matapos na
makatanggap ng impormasyon mula sa mga concern citizen.

Nang suriin ng Explosivie ordinance
disposal ang naturang bag, narekober nila ang 60mm mortar high explosives, one
MK-2 type ng hand grenade, 250 milligrams ng gasoline, dalawang blasting cap,
9-volts battery at cellphone.

Ilang missed calls naman
ang natanggap ng naturang cellphone na direktang nakakonekta sa naturang IED.

Ibig sabihin, talagang planong
pasabugin ang iniwang IED.

Naniniwala si Col. Sobejana na may mali
sa koneksyon ng naturang IED o posibleng hindi mga binatilyo o hindi mga expert
ang sangkot rito.

Base sa salaysay ng mga testigo, isang
lalake na hindi masyado katandaan ang kanilang napansin na nakasakay sa Husky
Bus mula sa Cotabato City na may dalang gray pack bag.

Dito na nila napansin na isang bag ang
iniwan pagkarating sa shariff aguak terminal.

Agad namang na diffuse ng EOD team ang
naturang IED pasado ala una ng hapon.

Tumanggi namang maghayag ng iba pang
detalye si Sobejana patungkol sa suspek, at sinabing iimbestigahan pa nila ang
grupong posibleng sangkot sa naturang insidente at posibleng motibo ng mga ito.

Samantala, sabi naman ni Maguindanao
PNP spokesperson

Police chief inspector Camerlo Mungkas na hanggang ngayon ay patuloy ang kanilang
imbestigasyon sa pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pagpapasabog ng bomba.

Kaugnay nito ay may panawagan naman si
Mungkas sa publiko.

Suko na rin
ang isa sa mga lider ng Kamara na mula sa Mindanao na maipapasa pa ang
Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sa privilege
speech ni Deputy Speaker Pangalian Balindong, naglabas ito ng sama ng loob
dahil sa kabiguang pagtibayin ang BBL.

Giit ni
Balindong, nasayang lamang ang 51 public hearings, 200 oras ng debate sa
committee level at ang walong buwang konsultasyon para sa nasabing panukala.

Kaya para sa
lider ng Kamara, ito na ang pinakamalungkot na araw sa kanya bilang isang
mambabatas dahil aniya, ang BBL ay nagbigay pag-asa sa bawat muslim.

Subalit ang
Mamasapano incident daw na hindi naman nila kagagawan ay nagbigay na naman sa
kanila ng negatibong imahe bilang mga terorista, mamamatay tao at traydor kaya
nadiskaril ang pagpasa ng BBL.

Dahil dito
kaya hindi na nila alam kung papaano niya ipapaliwanag sa kanyang constituents
kung bakit nabigo silang pagtibayin ang nasabing panukala.

Subalit ang
katotohanan aniya ay umiiral ang tyranny of majority sa Kamara kaya nabalewala
ang sentimyento ng mga muslim na kinakatawan lamang nilang sasampung
kongresista mula sa Mindanao.

Aminado rin
si Balindong na malaking factor ang naganap na Mamasapano incident kaya lumamig
ang pagtanggap ng kanilang mga kasamahan sa BBL.

Samantala, maging
si Senate President Franklin Drilon ay tila sumuko na rin sa hangarin na
maipasa pa bago ang halalan ang kontrobersiyal na BBL.

Ayon kay
Drilon, hindi na siya umaasa na maipasa pa ang BBL dahil tatlong araw na lang
ang nalalabing sesyon ng Senado sa susunod na linggo bago sila mag-adjourn para
sa darating na halalan.

Bilang
reaksiyon naman sa pahayag ni Cong. Balindong, sinabi ni Communications Sec.
Sonny Coloma na hindi pa raw lubusang kumbinsido ang Malacañang na patay na ang
BBL.

Aniya. patuloy
pa rin silang nakikipag-ugnayan sa liderato ng Kongreso kaugnay sa panukalang
batas.

Ayon kay
Coloma, mas mabuting hintayin ang pahayag mismo ni House Speaker Sonny Belmonte
kaugnay sa status ng BBL.

Inihayag naman
ni MILF peace panel chairperson Mohagher Iqbal na may nakikita silang mga
senyales na hindi na maipapasa ang BBL kung saan sa ngayon pa lamang ay
nadidismaya na ang kanilang liderato.

Sinabi ni
Iqbal na kahit hindi maisabatas ang BBL, gagawa pa rin ng mga hakbang ang MILF
para isulong ang kapayapaan sa Mindanao.

Dagdag pa ni
Iqbal, kung hindi na talaga maipapasa ang BBL babalik ang MILF sa
zero kung saan mag-uumpisa na naman sila muli.

Pagbibigay-diin
pa nito, isusulong pa rin nila ang BBL sa susunod na administrasyon at bagong
presidente ng Pilipinas. NANAWAGAN
NGAYON kahapon si Nationalist People’s Coalition o NPC Rep. Win Gatchalian sa
Department of Energy o DOE na resolbahin na ang problema sa supply ng kuryente
sa Mindanao upang masiguro ang maayos na halalan sa May 9.

Sabi
ni Gatchalian, kung ano man ang plano ng DOE para maresolba ang krisis sa
kuryente sa Mindanao ay dapat na malaman ng publiko dahil concern din ang mga
ito sa kaligtasan ng mga election officer gayundin sa kredibilidad ng magiging
resulta ng paparating na eleksyon.

Aniya,
ang misyon ng DOE ay mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng lahat ng Pilipino sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mga policy at program upang masiguro ang
accessible energy para sa lahat lalo sa Mindanao.

Iginiit
pa ni Gatchalian na ito na ang tamang panahon para ipakita ng DOE ang kanilang
commitment para maisalba ang Mindanao mula sa power failures at sa posibleng
failure of elections.

Una
rito, ay nag-alala ang Commission on Elections o Comelec sa magiging botohan sa
Mindanao lalo kapag nagkaroon ng brownout sa rehiyon.

Hiniling
din ng DOE sa taumbayan na agad ipagbigay-alam ang mapapansing suspicious activities
sa mga critical area matapos pasabugin ang ilang transmission towers ng
National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Mindanao. TAMEME ngayon ang mga
kongresista at senador sa nakabinbing panukalang magbibigay ng umento sa sahod
ng mga government worker dahil sa hindi mapagkasunduang mga probisyon sa
panukalang batas.

Kaya naman posibleng maging
ang Salary Standardization Law o SSL 4 na matagal nang ina abangan ng mga
kawani ng pamahalaan, ay mapurnada rin.

Pero si House majority
leader Neptali Gonzales II, nakaka­amoy sa pagposisyon ng mga ‘kalabang
senador’ na muling isisisi kay Pangulong Aquino, gaya ng nangyari sa na-veto na
SSS pension hike, kung sakaling hindi rin makalusot ang SSL 4.

Pinuna ni Gonzales na ngayon
pa lamang ay gusto nang ipahid ni Sen. Antonio Trillanes IV, kandidato ng Sens.
Grace Poe-Chiz Escudero tandem sa pagka-senador, ang kasalanan sa Pangulo para
dito ulit bumuhos ang galit ng taumbayan.

Giit ng kongresista,
maling-mali na isisi na naman sa Pangulo ang nangangamoy butatang SSL 4 dahil
ang tunay na rason ng nangyayaring deadlock ay ang mga isiningit na probisyon
ng Senado sa orihinal na House version ng SSL4.

Kamakalawa ay nagpulong na
ang bicameral conference committee para sa SSL4 subalit deadlock ang unang araw
ng kanilang kumperensya dahil hindi sang-ayon ang mga senador na ang bersyon ng
Kamara ang manaig.

Ang House version ay mula sa
orihinal na SSL4 proposed bill ng Malacañang habang ang Senado ay nagpasok ng
mga probisyon kung saan nais nilang itaas din ang pensyon ng mga retiree ng
Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police kasabay ng mga
aktibong pulis at sundalo.

Kinontra ito ng House
contingent dahil hindi ito kasama sa pinaglaanan ng pondo sa ilalim ng 2016
national budget subalit hindi nagbibigay ang mga senador kaya walang nangyari
sa kanilang unang pulong.

Sinabi pa ng mambabatas na
kapag nanaig ang kagustuhan ng mga senador lalo na ni Trillanes, masasakripisyo
ang basic services ng gobyerno, infrastructure projects at iba pa.

Ito ay dahil mangangailangan
ng dagdag na 19 na bilyong piso sa unang taong implementasyon 26 na bilyong
piso sa ikalawang taon at 36 na bilyong piso sa huling implementasyon na mula
sa buwis ng lahat ng mga Pinoy.

Matatandaang mismong si
Pangulong Aquino ang nagsulong ng umento sa sweldo ng mga empleyado ng gobyerno
at inilapit ito sa kasalukuyang Kongreso para ipasa.

Layunin nitong mabigyan ng
magandang laban ang buwanang sahod ng mga taga-gobyerno kumpara sa mga
pribadong manggagawa.

Pero kung ipipilit ng Senado
ang kanilang singit na probisyon ay mangangapa na naman ng pagkukunan ng pondo
ang gobyerno at kapag nangyari ito ay baka ma-veto lang ulit ang SSL4, gaya ng
P2,000 SSS pension hike dahil hindi rin papayagan ng Pangulo na madiskaril ang
pondo para sa pakinabang ng mga retiradong sundalo at pulis na minorya ang
bilang.

Inilunsad
ngayon ang Democratic Party Development o DEPAdev sa isang event ng European
Union at Konrad Adenauer Foundation Philippines Office o KAS.

Bahagi
ito ng pagsuporta nila sa Bangsamoro peace process.

Nabatid
na umaabot na sa 650 million pesos ang naibigay na tulong ng EU sa mga
programang nagtataguyod ng kapayapaan sa Mindanao mula noong 2007.

Ang
programang ito ay nailunsad isang araw matapos maideklara sa Kamara na tuluyan
nang patay ang Bangsamoro Basic Law o BBL dahil sa kakapusan ng panahon at
kawalan ng sapat na bilang ng mga kongresistang nakikibahagi sa mga sesyon.

Dumalo
naman sa naturang event sina House Bangsamoro ad hoc committee chair Rufus
Rodriguez, chief peace negotiator Miriam Ferrer, at MILF chief peace negotiator
Mohagher Iqbal.

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways o DPWH First District ang kanilang panibagong 20 million peso road widening project sa Jose Abad Santos Street, Poblacion Kidapawan City.Sinabi ni DPWH First District Engr. Elpidio Birog tig-iisang lane ang idadgdag sa kalsada mula sa Junction National Highway at lusot namang patungong Mlang Highway. Ikinatuwa naman ni Birog ang kooperasyong ipinakita ng mga residenteng maapektuhan sa nasabing proyekto.Sa katunayan aniya katatapos lang ng kanilang negosasyon tungkol rito kung saan nagsagawa sila ng pagpupulong kasama si City Mayor Joseph Evangelista, pati na Metro Kidapawan Water District at Cotabato Electric Cooperative representative.Wala rin namang naging pagtutol ang mga negosyanteng matatamaan sa proyekto at ang sa kanila lang daw ay sapat na panahon para makapaglipat sa kanilang mga gamit.Bukas naman din sa publiko ang detalye sa naturang proyekto.Inaasahan naman pagkatapos ng apat na buwan ay matatapos na ang naturang road concreting project sa nabanggit na lugar. Naghihimas na ngayon ng malamig na bakal ang apat katao kabilang na ang isang babae matapos ang ginawang operasyon ng Kabacan PNP sa isang abandonadong bahay sa Quirino Street, Poblacion Kabacan, North Cotabato.Nangyari ang operasyon alas 10:30 ng umaga kahapon kung saan naabutan mismo ng PNP na nagpapot session ang mga suspek sa lugar.Kinilala ni Chief Ins. Ronnie Cordero ang mga suspek na sina Abraham Atugan, 23-anyos,taga Purok Silangan, Lower Paatan Abdullah Abubakar Mamalumpon, 33 anyos, may asawa at residente ng Pikit Alvin Maganaka, residente ng Quirino St., Poblacion, Kabacan at isang Maria Paula Cuyno, 34 anyos na taga-Tagbina, Surigao del Sur.Sinabi ni Cordero na nakatanggap lamang sila ng impormasyon tungkol sa iligal na ginagawa ng mga suspek sa lugar at agad na tinungo ito.Nakuha mula sa mga suspek ang ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.Narekober din mula kay Abdullah Abubakar Mamalumpon ang isang homemade handgun at mga bala.Nabatid na sangkot rin si Mamalumpon sa ilang carnapping incident sa bayan.Nasa kustodiya ngayon ng Kabacan PNP ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kakaharapin din ni Abubakar ang kasong Illegal Possession of Firearms in relation to Comelec Gun Ban na isasampa laban sa kanila.Samantala sa naturang operasyon nakataon namang nagsasagawa ng Oplan Lambat Bitag ang Cotabato Police Provincial Office sa pamumuno ni CPPO Director Senior Supt. Alexander Tagum kasama na ang Taskforce Kabacan at Kabacan PNP.Dito nila nalambat ang dalawa katao na kinilalang sina Henry Pendatun, 50-anyos na taga SK Pendatun Maguindanao kung saan nakuha sa kanya ang isang unit ng magazine ng 45 caliber pistol na may bala.Huli rin ang isang Enting Mamaulilit na taga brgy. Kayaga, Kabacan kung saan nakuhanan ito ng isang kalibre 45 na baril.Parehong nakakulong ngayon ang mga suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila. Ikinaalarma ngayon ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kabataan na narerescue ng PNP at City Social Welfare and Development Office dis oras ng gabi sa Kidapawan City.Base sa datos na ibinigay ni CSWD Ass. Officer Daisy Gaviola higit dalawang kabataan ang kanilang nahuli noong nakaraang 2015 sa pagsimula ng implementasyon sa kanilang programa na Oplan Sleepless Nights o Saturation drive.At sa pagpapatuloy ng kanilang operasyon ngayon 2016, nasa 19 mga menor de edad ang kanilang unang na rescue sa unang linggo ng buwan at 32 naman sa sunod na operasyon.Dahil sa naturang patuloy na pagtaas ng bilang, at paulit ulit na rin ang mga nahuhuling kabataan, kinwestyon naman si City Councilor Maria Estella Lamata bilang Chair sa Committee on Women and Children Protection Program.Wala raw kasi ginagawa ang naturang opisyal sa nabanggit na issue.Maliban din kasi sa mga menor de edad na pakalat kalat dis oras ng gabi sa Kidapawan, muli na namang nabuhay ang Gang War sa lungsod.Pero sa pahayag naman ni Lamata patuloy ngayon ang kanilang koordinasyon sa PNP at mga responsableng ahensya para magsagawa ng mga pagsasanay at information drive para masolusyunan ang naturang suliranin sa lungsod.Hindi raw totoo na wala siyang ginagawa tungkol rito.Sa susunod na linggo isang pagpupulong ang gagawin sa pangunguna ni Councilor Lamata kasama ang iba pang mga sektor ng lungsod para ihain ang naturang issue at pag usapan nang sa ganun ay magawan ng panibagong estratehiya para masolusyunan ito. Kumpiyansa ang Cotabato Police Provincial Office O CPPO na mas lalo pang mapalakas ang pagpapatupad ng seguridad sa lalawigan.Ito ay oras na tuluyan nang maiplementa ang Special Weapons and tactics o SWAT ng PNP.Pahayag ito ni CPPO spokesperson Supt. Bernard Tayong sa nagpapatuloy ngayong pagsasanay ng nasa 60 mga piling PNP personnel mula sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon dose.Inilarawan ni Tayong na elite Unit ng PNP ang SWAT na merong sapat na kapasidad para labanan ang anumang terrorist attack at kriminalidad sa lalawigan.Hindi na rin kasi mapipigilan ang paglobo ng mga kriminal na pakalat pakalat ngayon paritkular sa North Cotabato.Kung hindi man tuluyang masawata ayon pa kay Tayong ay mabawasan man lang ang bilang ng mga maitatalang insidente lalo na kung ito ay magiging banta sa buhay ng mamamayan.Samantala, Kabilang naman sa mga lumahok sa naturang training ang mga PNP Personnel mula sa General Santos City, Kabacan, Midsayap, Cotabato City at Kidapawan City. Sa Kidapawan City, abot sa sampung milyung piso ang inilaang pondo ni City Mayor Joseph Evangelista para sa mga PNP personnel na lumahok sa naturang training.Inaasahan kasi na ang kanilang presensya sa nalalapit na anibersaryo ng Kidapawan kung saan ipapakalat ang mga ito para tiyakin ang seguridad sa buong lungsod lalo na’t ibat-ibang mga malalaking aktibidad ang pinaghahandaan na ngayon ng Kidapawan City Government. Dalawang buwan hanggang tatlong buwan pa ang maaring hintayin ng mga taga Kidapawan City para tuluyan ng makumpleto ang paglipat sa mga poste ng kuryente ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO sa Quezon Boulevard, Kidapawan City.Ito ay sa nagpapatuloy naman na road widening project sa lugar.Ayon kay COTELCO General Manager Godofredo Homez, kailangan pa kasi nilang gumawa ng panibagong linya ng kuryente bago nila tuluyang tanggalin o ilipat ang mga nakatayong poste.Maapektuhan kasi ang mga residente na nakakabit sa naturang mga linya kung isa isahin nilang ililipat ang mga poste ng kuryente.Aminado naman si Gomez na hanggang sa ngayon ay wala pa silang pinal na design para rito.Humihingi ngayon ng pang-unawa si Homez sa publiko na naging dahilan rin sa pagkakabalam sa trabaho ng kontruktor sa nabanggit na area.Pero tiniyak naman ni Homez na gagawin nila ang kanilang mga responsibilidad para matapos ang proyekto sa nabanggit na area. Arestado sa anti illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ang isang american citizen sa General Santos City.
Kinilala ni PDEA 12 Information Officer Kat Abad ang suspek na si Hyun Seong Hong, singkwenta’y tres anyos.
Ang suspek ayon kay Abad ay naaresto sa isang hotel sa Barangay City Heights sa General Santos City pasado ala una ng madaling araw kamakalawa.
Ayon kay Abad ang suspek na isinilang sa Korea ay kasalukuyang nakatira sa California, USA.
Ipinahayag ni Abad na si Hong ay may pitong buwan nang nagaasikaso ng kanyang food business sa Gensan.
Narecover ng mga kasapi ng PDEA mula sa suspek ang mahigit sampung gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang pitumpu’t limang libong piso.
Nakuha din mula kay Hong ang isang improvised tooter, aluminium foil, at karayom.
Inihahanda na ng PDEA ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa naarestong American citizen na nakakulong ngayon sa PDEA 12 lock up cell sa General Santos City.
Isinagawa ng PDEA 12 ang pagaresto sa suspek sa bisa ng Search Warrant ng Korte. Naghahanda na rin ang lokal na pamahalaan ng Koronadal sa a posibleng paglala pa ng El Nino Phenomenon.
Ayon kay Koronadal Agriculturist Emelita Miguel, tutukan ng kanilang tanggapan ang pagsasagawa ng assessment sa mga pananim sa lungsod hanggang Pebrero.
Ito ang ipinahayag ni Miguel kaugnay sa pagpupulong ng Technical Working Group o TWG kontra El Nino kamakalawa.
Pinagusapan sa pagupulong ng TWG kung sapat na dahilan na ba ang danyos ng dry spell sa mga panananim para sa posibleng pagdeklara ng State of Calamity sa Koronadal.
Nagksaundo rin ang TWG na bilang paunang tulong, magbibigay ng binhi ng mongo sa mga magsasaka ng Koronadal City na apektado ng El Nino Phenomenon ang lokal na pamahalaan.
Layon nito na mabigyan ng alternatibong mapagkakakitaan ang mga magsasaka ngayong tagtuyo’t
Ang TWG ay binubo para bumalangkas ng mga programa kontra El Nino Phenomenon.
Ito ay pinangungunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC. Tumatanggap na ng application para sa mga nais maging pulis at police promotion ang National Police Commission o NAPOLCOM 12.
Ayon kay NAPOLCOM 12 Acting Regional Director Veronica Hatague, ang mga interesadong mga mamamayan ay maaring mag-apply sa pamamagitan ng internet.
Ito ay sa pamamagitan ng pag-log on sa NAPOLCOM Official Website na and//www.napolcom.gov.ph/ www.napolcom.gov.ph .
Ang On-line Application para sa PNP entrance Exam ayon kay Hatague ay sa February 8 hanggang 12, February 15 hanggang 19 para sa mga Police Officer at February 22 hanggang 26 naman para sa Senior Police Officer, Inspector at Superintendent.
Ang mga aplikante ayon kay Hatague ay kailangang pumunta sa NAPOLCOM Regional Office 12 sa mga petsang itinalaga sa kanila.
Kailangan ng mga ito na magdala ng naka-imprintang on-line confirmation letter at iba pang mga kinakailangang dokomento para masuri ng Napolcom.
Binigyan diin ni Hatague na ang mga applicant na walang printed on-line confirmation letter ngunit mayroong reference number ay maari pa ring makipag-transaction sa kanilang tanggapan.
Ang PNP Entrance and Promotional Examination ay gaganapin naman sa Koronadal City sa April biente kwatro. Nakahanda na ang Deparment of Education o DepEd 12 para sa SOCCKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA meet 2016.
Ito ang tiniyak mismo ni Magdaleno Duhilag, ang Regional Sports Coordinator ng DepEd 12.
Sa isang pulong balitaan, ipinahayag ni Duhilag, na ilang detalye na lamang kaugnay sa patimpalak ang inaayos ngayon ng Deped.
Ito ay matapos makipag ugnayan ang kanilang tanggapan sa Host Division na Sarangani Province noong nakaraang linggo.
Ayon kay Duhilag para malabanan ang El Nino Phenomenon, maglalagay ang DepEd ng sapat na supply ng tubig sa mga playing venue at billeting quarters.
Ang SRAA meet ngayong taon ay gaganapin sa bayan ng Kiamba sa Pebrero a tres hanggang sais.
Ayon kay Duhilag abot 1.8 million pesos na budget ang inilaan ng DepEd para sa regionawide na patimpalak.
Hindi pa kalakip dito ayon kay Duhilag ang counterpart ng bawat local government unit.
Kinumpirma din ni Duhilag ang pagdalo ni Sarangani Representative at Filipino Boxing Icon sa opening program ng SRAA meet sa Pebrero a tres.
Mahalaga ang SRAA meet dahil ang mga magwawagi dito ang siya namang kakatawan sa rehiyon dose sa Palarong Pambansa 2016 sa lalawigan ng Albay sa Abril. Nagpahayag na rin ng patutol sa pagtatayo ng hydro power plant sa bayan ng Lake Sebu ang mga opisyal ng katabing barangay ng Canahay sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ito ay sa pamamagitan ng resolosyon na kanila nang isinumite sa Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato.
Naniniwala ang konseho na isang malaking banta sa mga likas yaman at mamamayan ng Canahay ang hydro power plant na planong ipatayo ng Euro Hydro Power (Asia) Holdings Inc .
Ang paninidigan na ito ng mga barangay Official ng Canahay ay salungat naman sa mga barangay officials ng Seloton at Lake Lahit sa Lake Sebu na suportado naman ang proyekto.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na maging siya ay tutol din sa proyekto.
Nangangamba ang gobernador na maliban sa pagmumulan ng landslide, maaring ring ikasisira ng luntiang paligid ng falls number 1 at 2 sa Lake Sebu ang Planta.
Iginiit ni Fuentes na maliit na porsyento lamang ng kabuuang supply ng kuryente sa lalawigan ang maibibigay ng hydro power plant, kaya hindi praktikal ang patatayo nito sa seven falls.
Bukod dito ayon sa gobernador, milyong piso na rin ang ginastos ng provincial government para sa rehabilitasyon ng seven falls na itinuturing na ngayong pangunahing tourist destination sa South Cotabato.
Ito ay ipinahayag ni Fuentes sa kabila naman ng pagtiyak ng kompanya na hindi makasisira sa kapaligiran ng mga talon sa Lake Sebu ang planta.
Nauna na ring nilinaw ng kompanya na ang planta ay magbibigay din umano ng trabaho sa daang daang mga mamamayan ng Lake Sebu at karatig lugar.

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...

Army collects 18 more high-powered guns in MagSur 

COTABATO CITY --- Residents of Datu Paglas, Maguindanao del Sur surrendered on Thursday to an Army unit 18 high-powered firearms in support of the...

‘Bangsamoro women can lead’—women groups on BARMM 2025 polls

COTABATO CITY — Bangsamoro women representatives from various organizations convened in a forum recently to discuss strategies for strengthening...