Saturday Apr, 27 2024 04:49:22 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 4, 2016

 • 18:53 PM Mon Jan 4, 2016
2,132
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

JANUARY 04,
2016 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BILANG ng mga tinamaan ng ligaw na
bala sa pagsalubong ng bagong taon, dumami pa… mga firecracker-related injury,
lomobo rin.

2. Longest Zip-line in Asia na
nasa Makilala, North Cotabato, dinagsa noong Holiday Season

3. Nag-amok na lalaki, patay matapos
manlaban sa mga pulis sa Banga South Cotabato

4. Total firecracker ban, isinusulong sa Mlang, Cotabato

51 biktima ng ligaw na bala nitong nakaraang Pasko at New YearPUMALO NA sa 51 katao ang tinamaan ng
ligaw nab ala ngayong taon base sa monitoring ng PNP.

Mas mataas ito ng siyam kaysa sa
naitalang record noong January 1.

Lumabas din sa record na siyam na katao
kabilang ang isang police officer at security guard ang naaresto dahil sa
illegal discharge of firearms.

Nasa 186 na insidente na rin ng illegal
possession, paggamit at pagbebenta ng firecrackers ang naitala.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Chief
Superintendent Wilben Mayor na patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga
insidente ng stray bullet sa buong bansa.

Hinimok pa ng opisyal ang publiko na
mag-upload ng videos at pictures sa social media ng mga taong gumamit ng baril
sa pagsalubong ng Bagong Taon para sa agarang pagkakahuli ng mga ito.

Samantala, lumubo naman sa 760 ang bilang ng firecracker-related injuries na
naitala sa mga government hospital base sa pinakahuling tala ng Department of
Health o DOH.

Gayunman, mas mababa ng siyam na
pursiyento ang bilang na ito sa naitalang injuries sa parehong period noong
nakaraang taon at mas mababa rin ng 13 percent sa limang-taong average.

Karamihan sa mga biktima ay mga lalaki na
may 628 na kaso o 83 percent.

Nasa 464 katao ang nagtamo ng injury sa
kamay, 113 eye injuries at 656 blast injuries.

Muli namang hinimok ni Health Secretary
Janette Garin na ipasa sa Kongreso ang batas para sa total ban ng pagbebenta at
paggamit ng paputok para maibaba ang firecracker-related injuries.

Sa Cotabato City, sinabi ni PNP
Director Police Supt. Raul Supiter na may dalawang kaso ng firecracker-related
injuries na naitala pero sila ay nagtamo ng mga minor wound lang.

Aniya, isang babae rin ang tinamaan ng
ligaw nab ala sa binti na nakilalang si Karkai Hadji Sapi na taga-Marguez.

Tumagos sa bubong ng kanilang bahay ang
bala kaya’t tinamaan sa binti ang biktima habang natutulog.

Tinamaan din ng ligaw na bala ang bahay
ng isang pulis pero wala namang naiulat na nasaktan sa mga nasa loob ng bahay. ARMM-HEART, namahagi ng tulong sa bakwit sa Maguindanao

PATULOY ang
monitoring at assessment ng ARMM Humanitarian Emergency Action and Response
Team o ARMM HEART sa mga pamilyang nagsilikas mula nang umatake ang Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Ampatuan at Datu Abdullah Sangki towns noong
December 24

Sabi ni Jo
Henry ng ARMM HEART, nasa 1, 264 families

O 6, 230
individuals ang lumikas kabilang na ang mga residente ng Sultan sa Barongis at
Rajah Buayan rowns.

Nabatid na
umuwi na ang ilan sa mga bakwit, habang ang karamihan ay nanatili pa rin sa mga
paaralan at day care centers.

Ayon kay
Henry, namahagi na ng tulong ang LGU at DSWD ARMM para sa mga apektadong
pamilya.

Samantala,
agad ding nagbigay ng tulong ang Maguindanao provincial government.

Sinabi ni
Provincial Budget Officer Lynette Estandarte na namahagi ng relief goods sa mga
bakwit habang nagkaloob din sila ng cash assistance sa pamilya ng anim na
magsasakang nasawi sa naturang pag atake ng BIFF sa utos ni Maguindanao Gov.
Esmael ‘Toto’ Mangudadatu.

Ang mga
nasawing magsasaka na sina Mario Estenote, Mark Anthony Templa, Ramoncito
Estorque, Ariel Bucais, Bernard Ebagat, at Rudy Roquero ay patungo sana sa
kanilang sakahan sa Barangay Kauran nang umatake ang BIFF.

Nabatid na
dalawa pang mga magsasaka ang namatay rin sa pag atake ng armadong grupo sa
Pigcawayan, North Cotabato noong araw ding yun.

Nakiusap
naman si Mangudatutu sa pamilya ng mga nasawing magsasaka na huwag nang gumanti
at pairalin ang batas sa pagkamit ng hustisya.

Samantala,
apat na BIFF members naman ang kumpirmadong nasawi sa naturang insidente.

5 taga Bukidnon na natagpuang patay sa Rio Grande, kinuha na ng kaanakPATULOY
PANG INAALAM NGAYON NG Cotabato city PNP kung ano ang motibo sa pagpaslang sa
limang lalaki na magkasunod na natagpuang palutang-lutang sa Rio Grande de
Mindanao sakop ng Cotabato city bago ang pagsalubong sa Bagong taon.

Unang
natagpuang palutang-lutang sa ilog sakop ng Purok Balas, Mother Barangay
Kalanganan pasado alas dos nang hapon noong December 30 ang bangkay ng isang
lalaki na nakasuot ng itim na T-shirt at maong pants na nasa 5'5 ang
tangkad at nasa advance decomposition stage na.

Ayon
sa report ng Police station number 4, habang kinukuha ang nasabing bangkay,
isang bangkay pa ng lalaki ang natagpuan ding pakutang-lutang na
pinaniniwalaang binaril sa ulo.

Nakasuot
lamang umano ng comouflage jogger pants ang biktima na nasa advance stage of
decomposition na rin.

Kinilala
sa report ang mga ito na sina Raul Cervantes, 40 anyos at Noel Soriano Roloos,
32 anyos, isang magsasaka, pawang mga residente ng Dangcalagan, Bukidnon.

Pasado
alas syete kinabukasan, isang bangkay pa ng lalaki ang natagpuan sa Purok
Mangungan, Barangay Bagua dos na nakasuot lamang ng maong pants, nasa
5'4 ang tangkad at may tattoo na gagamba sa dibdib.

Nakilala
ang biktima sa pangalang Amm Nolan Clark Chan Tero alyas Noynoy, 30 anyos,
driver at residente ng Poblacion, Damulog, Bukidnon.

Dagdag
pa sa report, pasado alas kwatro naman kinahapunan, isa pang bangkay ng lalaki
ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sakop ng Purok uno, Bucana, Mother
Barangay Kalanganan.

Ito ay
nasa 5andampapos4 ang tangkad, tinatayang nasa 35 hanggang 40 years old,
nakasuot ng itim na t-shirt na may mga tama ng bala sa ibaandampapost ibang
bahagi ng kanyang katawan.

Kinilala
naman ang biktima na si Adonis Robles, 40 anyos, dating kasapi ng Philippine
Army at residente ng Don Carlos, Bukidnon.

Nabatid
na isa pang bangkay ng lalaki ang narekober din ng police station number 1 na
palutang-lutang sa ilalim ng Delta bridge, sakop ng Poblacion uno.

Ito ay
nakasuot ng kulay gray na jacket at maong pants, at tinatayang nasa 30 hanggang 35 years old.

Gayunpaman,
wala pang report ang police station number 1 hinggil sa pangalan ng biktima.

Ang
bangkay ng mga biktima ay naiuwi na ng kani-kanilang mga kaanak mula sa
lalawigan ng Bukidnon.

Onsehan
sa ilegal na droga ang isa sa tinitingnang anggulo ngayon ng mga imbestigasyon
ng pulisya.

Payong-payong driver patay sa pamamaril sa Cotabato CityDEAD ON ARRIVAL sa pagamutan
ang isang payong-payong driver matapos pagbabarilin ng di kilalang suspek
pasado alas sais kagabi sa diversion road ng urban poor, barangay Rosary
Heights 9, Cotabato city.

Kinilala ng City PNP ang
biktima na si Nasser Ayup Tampla, taga Purok Inok, Zenaida Subdivision,
barangay Rosary Heights 8 ng lungsod.

Nagtamo ng tama ng bala sa
ulo ang biktima mula sa cal. 45 pistol na naging dahilan ng kamatayan nito.

Di pa alam ng mga otoridad
ang motibo sa naturang pamamaril.

Magsasaka sa Midsayap, pinatay sa loob ng kanyang bahay

PATAY
sa pananaksak ang 36 na taong gulang na magsasaka sa loob mismo ng kanilang
bahay sa barangay Upper Bulanan, Midsayap, North Cotabato.

Kinilala
ang biktima na si Christopher dela Torre.

Sa
report ng Midsayap PNP, nasa loob ng kanilang bahay si dela Torre pasado alas
singko ng hapon kahapon nang pasukin ng kanyang kapit bahay na si Jerome dela Cerna,
isa ring magsasaka, at inundayan siya ng saksak.

Di pa
malinaw sa mga otoridad ang motibo ni dela Cerna sa pagpatay sa biktima.

Personal
na galit ang nakikitang dahilan ng mga imbestigador sa naturang insidente.

Lalaki, inagawan na ng motor, pinatay pa sa Banga, South CotabatoIniimbistigahan pa ng pulisiya ang insidente ng pangaagaw ng motorsiklo at pagpatay sa isa katao sa Banga, South Cotabato.
Kinilala ng Banga PNP ang biktima na si Benjie Pandong, biente singko anyos, private employee at residente ng Sitio El Bantong, Barangay Rang-ay Banga.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na si Pandong ay pinara ng suspek habang minamaneho ang kanyang Kawasaki Bajah motorcycle sa Purok Quezon, barangay Rang-ay, kamakalawa ng gabi.
Nabatid na ang biktima ay papunta sana sa barangay proper mula sa Sitio El Bantong, sabihan ng suspek na nais nitong magpahatid sa susunod na barangay.
Pagdating sa madilim na bahagi ng Purok Quezon ng nasabing barangay, binaril ng suspek sa likod ng di pa matukoy na armas si Pandong.
Ang biktima ay nasawi habang ginagamot sa Januaria Marcial Memorial Hospital sa Banga.
Kinilala naman ng Banga PNP ang suspek sa pagbaril at pagtangay sa motorsiklo ng biktima ang trenta’y sais anyos na si Ariel Amilol,magsasaka at residente ng Talayan, Maguindanao.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong homicide sa suspek na pinaghahanap pa ng PNP. 1 sugatan dahil sastray bullet noong New YearSugatan ang isang ginang matapos na mabagsakan ng isang ligaw na bala mula sa pinaputok na baril habang nagdiriwang ng bagong taon sa Koronadal City.Dinala sa isang pribadong ospital ang singkwenta’y syete anyos na si Erlinda Santiago, residente ng Purok Maligaya, Barangay Carpenter Hill.
Ito ay matapos tamaan ng ligaw na bala sa loob mismo ng kanilang bahay pasado alas dose ng hatinggabi noong Enero a uno.
Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa kanang kamay matapos tumagos sa bubong ng kanilang bahay ang di pa matukoy na uri na bala ng baril.
Samantala, nagsumbong naman sa mga pulis ang isang retiradong sundalo na bumagsak ang isang bala sa kanyang bahay.Sa salaysay ni Jeorge Corneta, singkwenta’y kwatro anyos sa Koronadal City PNP,nakita mismo nito ang ligaw na bala sa loob ng kanilang bahay sa Purok Paghidait, Barangay Sto. Nino, Koronadal City.
Inihayag ni Corneta na natuklasan nito ang bala ng di pa matukoy na uri ng baril sa ibabaw mismo ng kanilang kama nang umuwi ang mga ito mula sa salo salo, dakong alas onse ng umaga kamakalawa.
Ang bala ay tumagos naman sa bubong na yero ng pamilya Corneta.
Ang mga bala na narecover ay nakatakda pang isailalim sa ballistic at cross matching examination.
Layon nito ang dagliang pagtukoy sa mga responsable sa dalawang umanoy indiscriminate firing incidents. Babae nagbigti, patay sa Tampakan, South Cotabato
Patay na nang matagpuang ang nagbinti na biente anyos na babae sa Tampakan, South Cotabato, kamakalawa ng madaling araw.
Si Glen Joy Sotto, residente ng barangay Maltana, Tampakan, ay nagbigti gamit ang nylon cord.
Si Sotto ay natagpuang mismo ng Live in partner nitong si Erwin Panes, biente tres anyos.
Humingi pa ng tulong sa kanilang mga kapitbahay si Panes nang matuklasan ang bangkay ng biktima pero hindi na naisalba ang buhay nito.
Si Sotto ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtali ng nylon cord sa kanyang leeg na itinali naman sa puno ng bayabas di kalayuan sa kanilang bahay.
Nakatakda namang isailalim sa post mortem examination ang mga labi nito, habang nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Tampakan, PNP sa insidente. January 11 special non working holiday sa KoronadalIdeneklara ng Malakanyang ang January 11 bilang non working holiday sa Koronadal City.
Ibig sabihin nito walang pasok sa mga pampuboliko o pribadong mga paaralan at opisina sa lungsod sa nabanggit na araw.
Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng lungsod na makisaya sa ika 76th Foundation Anniversary at 16th Hinugyaw Festival ng lungsod sa Enero a dyes.
Ito ay ayon kay Executive Secretary Pacquito Ochoa.
Ideneklarang January 11, araw ng Lunes ang Holiday dahil nagkataon na ang January 10, ay nataon sa araw ng linggo.
Kaugnay nito ipinahayag ni KOronadal City Mayor Peter Miguel na gagawin ang opening program ng selebrasyon sa Enero a sais.
Ito ayon sa alkalde ay dadaluhan naman ni Camarines Sur 3rd District Representative at vice presedentiable Leni Robredo. Mga sugatan daahil sa paputok sa S. Cotabato, mas mababa ngayong taonNasugutan dahil sa paputok ang abot sa dalawamput tatlo katao sa South Cotabato kasabay ng pagsalubong sa bagong taon.
Nabatid na isa sa mga biktima ang isang bata sa Tupi, South Cotabato na naputulan ng daliri.
Ito ay batay naman sa datus ng integrated provincial health office ng IPHO.
Ang datus ayon sa IPHO ay mas mababa ng mahigit apatnaput anim na porsyento kumpara noong nakaraang taon.
Nangunguna pa rin sa mga naging sanhi ng fire cracker related injury sa lalawigan ang ipinagbabawal na Piccolo.
Lumabas naman sa datus ng IPHO na limamput walo katao na ang nasugatan ng paputok simula Nobyembre biente singko hanggang Enero.
Magpapautloy naman ang monitoring ng IPHO sa mga fire. cracker related injury hanggang sa Enero a singko Asia's longest zipline sa Makilala, North Cotabato, dinagsa noong New Year's dayHanggang kahapon ay dinagsa pa rin ng daan-daang katao ang isa sa mga tourist destination sa North Cotabato na matatagpuan sa Brgy. New Israel, Makilala.Ayon sa isang Local Tourist guide ng New Israel Eco-Adventure Park simula pa noong December 24, 2015 nagsimulang magsidatingan ang mga lokal na turista sa na karamihan ay mula sa North Cotabato at Davao del Sur.Sa kanilang tala hanggang kahapon ay umabot na sa 1117 na turista ang bumisita doon kung saan sinubukan nila ang Longest Zipline in Asia na may 2.3 kilometro ang layo.Kung ikaw ay taga North Cotabato maari mung ma avail ang 200 pesos nilang promo habang 400 pesos naman kung taga labas ng lalawigan.Maging ang dami ng bilang ng mga unggoy na nasa paligid ay kapansin pansin din.Naaliw din ang mga turista sa horse back riding na ginagamit paakyat ng bundok kung saan magsisimula ang Zipline.Ang naturang bilang na dumagsa sa lugar ay nakadagdag rin sa kita ng ilan sa mga negosyante at mga tour guide duon.Ang brgy. New Israel ay isa sa mga kinaaaliwang destinasyon ng mga taga lalawigan lalo na tuwing Holiday Season para makarelax mula sa kanilang mga trabaho, ang iba ay para Family bonding at iba pa. Firecracker ban sa Mlang, North Cotabato, isinusulongSa kabila ng tuloy tuloy at maagap na panawagan ng mga otoridad kaugnay sa pagbabawal ng paggamit ng paputok sa Mlang North Cotabato, nakapagtala pa rin ng 11 mga sugatan dahil dito.Sinabi ni Mlang Mayor Joselito Pinol simula noong December 25, 2015 hanggang nitong sabado ay 11 na ang mga isinugod sa pagamutan matapos maaksidente dahil sa paputok.Pinakabata sa nabiktima ay 11 taong gulang habang 59 naman ang pinaka matanda na kung saan smuggled na piccolo ang nagsanhi nito.Kaugnay nito, inirerekomenda ngayon ng alkalde sa Sangguniang Bayan ng Mlang na magpasa ng ordinansa kaugnay sa TOTAL firecracker Ban sa bayan.Para sa opisyal maari pa ring magsaya kahit walang mga paputok sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon.Samantala kinumpirma naman ni Kabacan Rural Health Unit Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon na walang naitalang mga nasugatan o zero casualty dahil sa paputok sa bayan.Sa Kidapawan City, maswerte namang di tinamaan ng stray Bullet ang miembro ng pamilya ni Haide Baugbog, isang negosyante na taga brgy. Sudapin Kidapawan, gabi noong January 1.Ayon sa report, nagulat na lamang si Baugbog na nabasag na ang baso nito na nasa ibabaw ng kanilang mesa matapos mahulugan ng bala mula sa caliber 45 pistol.Agad namang dinala sa Provincial Crime Laboratory ang narekober na bala para sa gagawing eksaminasyon sa posibleng pagkakatrace sa kung sino ang may ari nito. Presyo ng Isda sa Kidapawan City, tumaasSumirit ngayon pataas ang presyo ng ilang uri ng isa sa Kidapawan City Public Market.Sa report na nakapalap ng Radyo Bida mula sa mga negosyante sa merkado publiko umaabot sa 30 hanggang 40 pesos ang itinaas sa mga presyo nito.Kabilang sa mga isdang tumaas ang presyo ay ang bangus na mula 90 pesos ay ngayon ay nasa 120, Galonggong ay 80 ngayon ay nasa 140 pesos, barilison na mula 90 ngayon ay nasa 110-120 pesos at ang tilapia naman 60, na ngayon ay nasa 70-80 pesos na.Ilan lamang ito sa mga isda na bahagyang tumaas ang presyo sa lungsod.Paliwanag naman ng ilan sa mga nagtitinda ng isda sa public market ay simula noong pasko ay madalang rin kasi ang delivery ng mga fish cars mula sa Digos, Davao del Sur at general Santos City kaya nagkukulang ang mga supply nito.Nagbabala rin ang mga fish vendor sa mga mamimili na baka magtuloy tuloy pa ang pag-taas ng presyo ng mga isda lalo pa't papalapit na ang kapyestahan ng Sr. Sto Niño sa Kidapawan City. Mga bakwit dahil MNLF-MILF clashes sa Matalam, nasa evacuation center pa dinNanatili pa rin sa evacuation center ang nasa 930 indibidwal o 186 na mga pamilya sa brgy. Hall ng brgy. Kidama, Matalam, North Cotabato.Ito matapos muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng Moro National Liberation Front o MNLF at armadong pangkat ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Brgy. Kidama, Matalam na ikanasawi ng tatlo katao noong Dec. 31, 2015 ng gabi.Ang tensiyon ay sa pagitan ng pamilya Mangadta ng MNLF at pamilya Ambalatan ng MILF na nagresulta sa madugong bakbakan.Sinabi ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Engr. Marilyn Samson tatlong mga purok sa brgy. Kidama ang apektado sa nabanggit na kaguluhan.Ayon kay Samson hangga't wala pang abiso mula sa PNP, Militar at iba pang responsableng ahensya na maaari na silang mgakabalik sa kanilang mga tahanan ay mananatili pa rin muna ang mga bakwit sa evacuation center.Nanatili pa kasi raw ang tensyon sa nabanggit na lugar, ayon pa kay Samson.Kaugnay nito, agad namang nag-abot ng tulong ang Matalam LGU at Provincial Government ng food packs sa mga apektadong pamilya.Hindi pa batid ngayon ni Samson kung hanggang kelan mananatili ang bakwit sa lugar hanggat nagpapatuloy pa ang negosasyon sa mga nabanggit na grupo DPWH nagpaliwanag sa gutay-gutay na road repair signs sa KidapawanKUNG si District Engineer Elpidio Birog ng First Engineering District ng Department of Public Works and Highways o DPWH, sapat ang mga early warning devices at mga signboards sa kanilang mga road projects sa Kidapawan City at Makilala, North Cotabato.
May mga billboards rin patungkol sa proyekto ang nakatayo sa erya, ayon kay Engineer Birog.
Sagot o buwelta ito ni Birog sa mga puna at komento na kanilang natatanggap mula sa radyo at sa social media hinggil sa umano kawalan ng maayos na warning signs at devices sa kanilang road widening project sa national highway ng Kidapawan City at sa kino-construct na tulay sa Saguing River sa bayan ng Makilala.
Ito kasi ang itinuturong dahilan kung bakit nahulog sa ginagawang tulay sa Makilala ang 27-anyos na bakasyunista na si Allen Roi Madlus, noong Bagong Taon. MALIBAN dito, regular din ang monitoring na ginagawa nila sa naturang mga proyekto.
May mga project at resident engineer na nakatalaga sa erya.
PERO ayaw naman ito’ng paniwalaan ng mga mamamayan ng Kidapawan City at Makilala, lalo na ng mga driver na bumibyahe sa naturang highway.
Una, walang mga reflectors sa erya. Pangalawa, sa halip bakal ay mga tie-box ang ginamit na harang.
Pangatlo, kung may signages, baliktad naman at gutay-gutay.
At pang-apat, walang mga trabahante ng DPWH na regular na makikita sa lugar. Kung meron man, lulubog-lilitaw din.
Para sa kanila, dapat managot sa anumang aksidente sa highway ang contractor at ang DPWH.
Ang contractor sa Quezon Boulevard highway ay ang Llaban Construction habang sa Makilala bridge ay ang Robit Construction Company.
NDBC BIDA BALITA

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...