Saturday May, 18 2024 01:53:19 PM

NDBC BIDA BALITA (July 15, 2016)

 • 17:29 PM Fri Jul 15, 2016
1,875
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

JULY 15, 2016
(FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ALKALDE ng South Upi, Maguindanao at
mga kasamahan nito, maswerteng nakaligtas sa tangkang pananambang.

2. Mga nasawi sa raid ng PNP sa isang
suspected drug den sa Matalam, North Cotabato sangkot umano sa drug trade at report
na may mga sibilyang nadamay, di raw totoo, ayon sa isang PNP official.

3. PAHINANTE, patay nang masangkot sa aksidente
ang sinakyang trailer truck sa Tupi, South Cotabato.

4. Cotabato City, efficient government servicenational awardee HIMALANG NAKALIGTAS sa tiyak na
kamatayan ang alkalde ng South Upi, Maguindanao at mga kasamahan nito matapos
siyang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP,
pasado alas singko ng hapon kahapon habang pauwi na sana si South Upi Mayor
Reynalbert Insular mula sa Cotabato City nang biglang paputukan ng rocket-propelled
grenade o RPG ang kanyang convoy habang dumadaan ito sa national highway ng Kilometer
28, Barangay Kibukay, North Upi.

Napag-alaman na armado din ng M14 at M16
assault rifles ang mga suspek.

Sinabi ni North Upi PNP chief of
police, police inspector Merlie Glemao na mabuti na lamang at sumablay ang
granada at hindi tumama sa sasakyan ni Insular.

Nagkaroon naman ng maiksing palitan ng
putok ang anim na police escorts ng alkalde at mga suspek hanggang sa tuluyang
umatras ang mga ito.

Nabatid na wala namang nasaktan sa grupo
ni Insular at agad silang nagtungo sa kampo ng 5th Marine Battalion
sa North Upi.

Samantala, ayon naman kay North Upi
Mayor Ramon Piang, siyang chairperson ng municipal peace and order council, ipinag-utos
na niya sa lokal na polisya na tutukan ang kasong ito, tukuyin ang mga nasa
likod nito at sampahan ng kaukulang kaso.

Isa ang bayan na pinaglilingkuran ni
Insular sa mga idineklarang areas of immediate concern” ng Commission on
Elections dahil sa girian ng mga magkakalaban sa pulitika.

Una na kasing napatay ang isang re-elected
na konsehal ng South Upi na si Warlito Pinuela ilang araw lang makalipas ang
eleksyon. TUMANGGAP ng
tulong pinansyal ang pamilya ng 15 taong gulang na batang babae na nasawi sa
kasagsagan ng bakbakan ng mga sundalo at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o
BIFF sa Barangay Meta, Datu Unsay, Maguindanao, kamakalawa.

Ang nasawing
batang sibilyan na si Fatima Ilian na aksidenteng tinamaan ng bala mula sa home-made
.50 caliber Barret sniping rifle na ginamit ng BIFF, ay nailibing na kahapon.

Sinabi ni
Maguindanao governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu na nagbigay na rin sila ng ayuda

sa mahigit
isang daaang mga bakwit na ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa evacuation
centers.

Ayon sa
gubernador, patuloy din silang mamimigay ng relief goods sa iba pang mga bakwit
mula sa nabanggit na barangay at sa mga nagsilikas din mula sa Brgy. Kuloy,
Shariff Aguak, Maguindanao.

Nangyari ang
bakbakan kamakalawa ng umaga matapos na inatake ng BIFF ang grupo ng mga
sundalong mula sa Army’s 34th Infantry Battalion na tinutugis ang grupo ni Daud
Cansi, na wanted sa mga kasong multiple murder at extortion.

Sa naturang
sagupaan, limang miembro ng BIFF ang sinasabing nalagas habang dalawang mga
sundalo naman ang nasugatan.

Nabatid na
tumagal ng mahigit isang oras ang bakbakan dahilan para pansamantalang isara Cotabato-Gen.Santos
Highway sa bahagi ng Datu Unsay.

Natigil
lamang ang bakbakan matapos na umatras ang tropa ng BIFF matapos magpaputok ng
mortar ang mga sundalo.

Bago ito, una
nang inatake ng BIFF ang detachment ng 19th Infantry Battalion sa Barangay
Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao kamakailan.

Sa ngayon,
sinabi ni Army’s 6th Infantry Division spokesperson Captain Joann Petinglay na
nagpatupad sila ng mas mahigpit na seguridad sa mga lugar sa Maguindanao na
pinamumugaran ng BIFF.

Samantala,
iginiit naman ni Mangudadatu na ang patuloy na paggamit ng armas ang dahilan ng
patuloy na bakbakan sa lalawigan.

Aniya, ang
nakikita niyang solusyon para tuluyang matigil ang pag-aarmas ng ilang mga
pribadong indibidwal ay edukasyon at pagbibigay ng trabaho.

Kaya naman
sabi ng gubernador, dito nakatuon ngayon ang programa ng Maguindanao provincial
government.

Sa ngayon
tiniyak ng gubernador na ginagawa ng provincial peace and order council ang
lahat ng paraan para matugunan ang problema sa manaka-nakang bakbakan dahil sa
patuloy na pananabotahe ng BIFF. HANDANG
HANDA NA ang Commission on Elections o Comelec para sa Barangay at Sangguniang
Kabataan o SK elections ngayong Oktubre.

Ito
ang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon dahil aprubado na aniya ang
bidding para sa paggawa ng mga election returns at official ballots.

Samantala,
simula na ring ngayong araw ng registration para sa mga bagong botante na may
edad 18 taong gulang pataas para sa barangay elections at 15 taong gulang
hanggang 30 taong gulang naman para sa mga botante ng SK elections.

Nilinaw
ni Commissioner Guanzon na hanggang July 30 lamang ang pagpaparehistro at
walang extension dahil may timetable na sinusunod ang Comelec para sa
paghahanda.

Kaya
ang payo ni Commissioner Guanzon, magparehistro ng maaga at huwag ng hintayin
pa ang deadline.

Tatanggap
ng magpaparehistro ang Comelec simula alas-otso ng umaga hanggang alas- singko ng
hapon kabilang na ang araw ng Sabado, Linggo at holidays. NASUNGKIT
ng lungsod ng Cotabato ang unang pwesto sa larangan ng Government Efficiency sa
ilalim naman ng kategoryang component city.

Mismong
si city vice mayor Atty. Cynthia Guiani Sayadi ang tumanggap ng parangal kasama
ang ilang mga konsehal at kawani ng City LGU.

Nabatid
na mayroong 1,385 local government units at 144 cities na lumahok sa 4th
Regional Competitiveness Summit, ang Competitiveness Index Awards ng mga
probinsya, lungsod at bayan sa Pilipinas.

Halos
mapatalon naman sa tuwa ni Sayadi pagkatapos na matanggap ang parangal sa PICC
Reception Hall sa Manila.

Sinabi
ni Sayadi na malaking karangalan ito para sa mga mamamayan ng lungsod at umaasa
siyang mababago ang masamang imahe ng syudad sa buong Pilipinas.Ang National
Competitiveness Council, ay inisyatibo ng Department of Trade and Industry at
mga malalaking private business institutions sa bansa.

Noong
nakaraang taon, nasa ika-apat na pwesto ang lungsod sa patimpalak, partikular
sa Economic Dynamism, Government Efficiency at Infrastructure category. Patay
ang tatlong mga sundalong Marines matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang
miyembro ng Abu Sayyaf group sa Indanan, Sulu.

Ayon
kay Western Mindanao Command spokesperson Maj. Filemon Tan Jr., kumukuha lamang
ng supplies ang mga sundalo ng Field Artillery Battalion ng Marine Battalion
Landing Team 10 sa Brgy. Manilop, Indanan nang bigla silang pagbabarilin ng mga
suspek.

Nabigo
naman ang mga rumespondeng sundalo na mahabol pa ang mga salarin na agad na
tumakas matapos magawa ang krimen.

Sa
ngayon ay dinala na sa Camp Gen. Teodulfo Bautista sa Jolo ang mga labi ng mga
sundalong nasawi.

Sadya
namang hindi pa pinangalanan ang mga nasawing sundalo habang inaabisuhan pa ang
pamilya ng mga ito. Patay ang isa katao matapos tumalon sa sinakyang trailer truck na nawalan ng preno sa national highway, Poblacion, Tupi, South Cotabato .
Kinilala ang nasawi na si Nemesio Porlucas Jr., residente ng Purok Yellow Bell,Barangay Santa Cruz, Koronadal City.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na bago tuluyang bumangga sa isang puno, tumalon sa truck si Porlucas.
Ngunit sa halip na makaligtas ang biktima ay ginulungan pa ng truck na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.
Maswerte namang nakaligtas sa aksidente ang driver ng trailier truck na si Reynaldo Borromeo, 39 anyos ng Barangay Concepcion, Koronadal.
Tumulong sa pagdala sa ospital sa mga biktima si PNP South Cotabato Provincial Director, Senior Superintendent Franklin Alvero na napadaan sa lugar nang maganap ang insidente.
Ito na ang pangalawang insidente na may nasawi dahil sa road accident sa South Cotabato nitong lingo.
Matatandaan na patay din ang isang driver matapos mahulog sa may 40 talampakang bangin ang minamanehong dumptruck sa barangay Tasiman, Lake Sebu noong Martes.

Napili ng National Competetiveness Comission o NCC ang South Cotabato bilang 3rd Most Competitive Province sa Pilipinas.
Ang awarding ceremony ay ginanap kasabay ng 4th Annual Regional Competitiveness Summit sa Philippine International Convention Center o PICC sa kalakhang Maynila kahapon.
Ang lalawigan ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ay napili bilang isa sa pinakamagaling mula sa mahigit 1,300 local government units sa bansa.
Ibinabatay naman ang pagbibigay ng parangal sa economic dynamism, government efficiency at infrustucture ng isng LGU.
Matatandaan na ang South Cotabato ay tinahanghal na 4th Competitive Province sa bansa noong nakaraang taon, kasunod ng mga lalawigan ng Davao del Sur, Misamis Oriental at Cebu.
Sinabi ni Fuentes na ang tagumpay na ito ay iniaalay ng provincial government sa mga mamamayan ng South Cotabato
Nutrition Month
Hinikayat ng National Nutrition Council o NNC 12 ang mga kasapi ng media at information officers na myembro ng Nutri-Development Organization of Social Educators o Nutri-DOSE na makilahok sa kanilang nutri poem writing and display contest.
Ayon kay NNC 12 Regional Coordinator Arceli Latonio, ito ay bilang kabahagi ng Nutrition Month Celebration ngayong buwan ng Hulyo.
Ipinahayag ni Latonio na walang word limit sa mga entry ngunit dapat ang mga ito ay mayroong apat hanggang anim na stanza lamang.
Ang mga intresadong participants ay maaring magpadala ng kanilang entry sa website ng NNC 12 na nncXii@yahoo.com.ph.
Maliban sa cash prizes sa mga mananalo, makatatanggap din ng token ang lahat ng mga kalahok.
Ayon kay Latonio layon ng patimpalak na maipakita ang talento sa paglikha ng tula ng mga media participants kungdi para lalo pang maisulong ang mga programa ng Nutri-DOSE.
Ang mga entry ayon kay Latonio ay dapat naka-angla din sa tema ng Nutrition Month Celebration na First 1,000 Days ni Baby Pahalagahan para sa Malusog na Kinabukasan” at nakasulat sa wikang Filipino.
Lahat ng mga entry ay ipapakita naman sa culmination ng Nutrition Month Celebration sa Hulyo 29.
Timbog sa anti illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ang tatlong drug suspek sa Koronadal City kamakalawa ng kagabi.Kinilala ni PDEA 12 Regional Director Lyndon Aspacio ang mga nahuling suspek na sina Dondon Sola 31 anyos residente ng Barangay Santa Cruz at Angela Pepareni 28 anyos at isang 17anyos na menor de edad.
Naaresto ng PDEA ang mga suspek sa Carmelas Home sa Barangay Santa Cruz.
Bago naaresto ang mga suspek ay matagal nang sinubaybayan ng mga otoridad.
Nakuha sa mga ito ang tatlong sachet ng suspected shabu, tatlong water pipe, gunting, digital na kilohan, P500 marked money at drug paraphernalia.
Magasampa naman ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous drugs act ang mga pulis laban sa mga suspek na nakakulong ngayon sa Koronadal City PNP Lock up cell.
Ang pag aresto sa tatlong drug suspek ay kasunod ng pagresuraced ng mahigit 5,000 na mga drug dependents ang nag-resurfaced sa lalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay PNP Provincial Director, Senior Superintendent Franklin Alvero, pinakamaraming sumuko ay sa bayan ng Polomolok, na umaabot ng mahigit 1,000.
Pumapangalawa naman ang Koronadal City kung saan sumuko ang mahigit 900 mga sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay Alvero may mga opisyal din ng barangay ang nag-resurface sa mga pulis.
Nilinaw ng police official na patuloy pa ring tatanggap ng mga nag-resurface na drug dependent ang mga pulis, at maging mga local government officials.
Dumating na ang bagong fire tanker na binili ng lokal na pamahalaan ng Koronadal para sa Bureau of Fire Protection o BFP sa lungsod.
Ayon kay City Fire Marshall Reginald Legaste, malaki ang maitulong ng fire tanker sa pagresponde ng mga bombero sa sunog.
Ayon kay Legaste dahil sa fire tanker, hindi na kailangan pa ng mga fire truck na humakot ng tubig sakali mang magkasunog sa lungsod.
Ang fire tanker ayon kay Legaste ay nagkakahalaga ng P3 million.
Ang pondo sa pagbili nito ay ibinigay ng Department of Interior and Local Government o DILG sa Koronadal City government.
Kaugnay nito, kinumpirma din ni Legaste ang pagpapatayo ng bagong fire station sa likod ng lumang city hall.
Maglalagay din ang BFP ng sub station sa mga barangay ng Concepcion at Rotanda.
Ito ay upang lalo pang mapabilis ang pagresponde sa posibleng sunog sa dalawang mga barangay at karatig lugar.
Kinumpirma din ni Legaste na dahil sa hindi na mapapakinabangan pa dalawakang mga fire truck ang inabandona na ng Koronadal BFP.

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...