Saturday May, 18 2024 01:51:29 PM

NDBC BIDA BALITA (July 16, 2016)

 • 01:24 AM Sun Jul 17, 2016
1,924
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 16, 2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA SUMUKONG sangkot sa iligal drugs
sa PALMA P area ng North Cotabato, abot na sa limang libo.

2. DALAWA PANG MGA ALKALDE sa South
Cotabato itinagging sangkot sila sa iligal na droga

3. DOH-ARMM, nagpaalala kontra dengue.4. Dalawa pang mayor sa South Cotabato, nagsalita sa alegasyon na sangkot sila sa illegal drugs. DALAWANG PANG MGA HINIHINALANG tulak ng
ipinagbabawal na droga ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP- Midsayap, PNP-North Cotabato at Philippine Drug
Enforcement Agency o PDEA 12 sa kanilang inilunsad na buy bust operation sa
Midsayap, North Cotabato.

Nakilala ang mga nadakip na sina Jose
Niar, 34 years old at Roger Teomera, 43, pawang mga taga- barangay Villarica,
Midsayap.

Sa report ng PNP-Midsayap, pasado alas
kwatro ng hapon kahapon nang maglunsad ng operasyon ang mga otoridad sa isang
bahay palamigan sa bayan, para madakip ang mga suspek na matagal na nilang
minamanmanan.

Nakuha mula sa mga nadakip na sina Niar
at Teomera ang apat na maliliit na sachets ng pinaniniwalaang Shabu na nasa
mahigit 600 piso ang halaga.

Nakuha rin mula sa mga ito ang ginamit
na marked money at ilang drug paraphernalia.

Ang dalawa ay patuloy na gumagamit at
nagbebenta ng iligal na droga sa kabila ng ibinigay na pagkakataon sa mga itong
sumuko at magbagong-buhay sa ilalim ng programang ‘Toktok-Hangyo’ ni Pangulong
Duterte.

Nabatid na sa ngayon ay abot na sa
1,700 self-confessed drug users at pushers ang sumuko sa Midsayap.

Samantala, sa Pigcawayan naman, nabatid
na mahigit 500 indibidwal naman na sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang
boluntaryong sumuko sa mga otoridad.

Gayunman, aminado si PNP Pigcawayan
chief of police, police Sr. Insp. Arnel
Melacotones na hindi pa rin sumusuko ang mga big time drug pusher sa bayan,
partikular yung mga nasa barangay Simsiman, na sinasabing source ng malalaking
supply ng iligal na droga sa lugar.

Sabi ni Melacotanes, sa ngayon ay
maingat nilang pinaghahandaan ang ilulunsad na operasyon sa naturang barangay
dahil aniya, armado ng matataas na kalibre ng baril ang mga tulak ng droga
doon.

Nabatid na sa buong PALMA P area sa
North Cotabato, abot na sa 5,153 individuals ang sumuko na pawang mga sangkot
sa iligal na droga.

PINAALALAHAN ng Department
of Health - Autonomous Region in Muslim Mindanao o DOH-ARMM ang publiko na
iwasang magkasakit ngayong tag-ulan, lalo na ng sakit na Dengue.

Sinabi ni DOH-ARMM
secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr., puspusan ang kampanya ngayon ng ahensya
kontra Dengue at iba pang karamdamang dala ng lamok.

Aniya, layunin nito na di
na madagdagan pa ang kaso ng Dengue sa buong ARMM at maiwasan ang mas matinding
mga komplikasyon.

Sabi pa ni Sinolinding,
kapag may nilagnat ng mahigit na sa dalawang araw at umabot ng mahigit 40 sentigrado
ang taas ng temperature at namumula ang mukha ay kailangan ng magpakonsulta sa
doktor.

Ayon sa kalihim, nasa
kritikal ng kondisyon ang pasyente kapag nagkakaroon na ito ng mga pasa sa
balat, at dumurugo ang ilong, gilagid at ang ilang mga organ sa loob ng
katawan.

Kaya payo ni Sinolinding,
huwag ng hintaying maranasan ang mga matitinding sintomas at agad ng
magpagamot.

Pero para maiwasan ang
Dengue at iba pang mga sakit, panatilihing malinis ang kapaligiran at puksain
ang lamok na nagdadala ng karamdaman.

Sa ngayon, nabatid na
patuloy ang paglulunsad ng DOH AMM ng information drive sa mga paaralan at
komunidad para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan hinggil sa
Dengue.

Ayon kay Sinolinding,
hinihikayat din nila ang lahat na gawin ang 4S” o Search and destroy, Seek
immediate action, Say no to indiscriminate fogging, and Self-protection
measures.

Nabatid na mayroong 78
dengue cases na naitala sa buong ARMM nitong first quarter ng taon. Isa katao
naman ang nasawi dahil sa naturang sakit.

Samantala, nagbabala rin
si Sinolinding na mag ingat sa iba pang mga water-bourne disease gaya ng diarrhea,
amoebiasis, hepatitis A, at cholera na karaniwang tumataas ang kaso kapag
tag-ulan.

Tatlo pang
kaanak ng mga pulis na nasawi sa Mamasapano incident ang nagsampa ng kaso laban
kay dating Pangulong Aquino sa tanggapan ng Ombudsman kahapon.

Kasong
multiple homicide ang isinampa sa Ombudsman
nina Julie Faustino Danao, Celestino Kiangan at Felicitas Nacino laban kay
Aquino at kina dating PNP chief Alan Purisima at dating PNP Special Action
Force director Getulio Napeñas Jr.

Sina Danao at
Nacino ay nanay nina PO2 Walner Danao at Nicky Nacino, habang si Kiangan ay ama
ni PO2 Noble Kiangan na pawang nasawi sa naturang insidente.

Ang
naisampang kaso kahapon laban kay Aquino ay isasama sa nauna nang kaso na
isinampa ni Erlinda Alliaga, nanay ng napatay na si PO3 Robert Alliaga at ni
Warlito Mejia na ama naman ni PO2 Ephraim Mejia.

DA GSA NA ang
mga kabataan na nagpaparehistro sa mga tanggapan ng Commission on Elections o
Comelec sa pagsisimula ng barangay at Sangguniang Kabataan o SK registration.

Kasabay nito,
nagbabala ang Comelec na mahigpit na ipinagbabawal ang hakutan gamit ang mga
sasakyan ng gobyerno para sa mga magpaparehistrong botante.

Pahabaan ang
pila ng mga magpapatala sa Co­melec at inaasahang mas dadami pa ito sa huling
bahagi ng registration period.

Ang
pagpapatala ng mga botante ay nagsimula kahapon at magtatapos sa July 30, 2016.

Maaga pa
lamang ay dagsa na sa Comelec offices ang mga kabataang nais na
makapagparehistro sa gaganapin SK at barangay elections sa Oktubre.

Ayon sa mga
magpaparehistro, mas minabuti nila na magtungo sa tanggapan ng Comelec sa unang
araw ng pagpaparehistro upang hindi makipagsiksikan sa mga huling araw.

Para sa mga
magpaparehistro sa barangay elections, kabilang sa mga requirements ay
kailangan na Filipino citizen, 18-anyos na sa araw ng elekyson, residente ng
Pilipinas sa loob ng isang taon at resi­dente ng barangay kung saan nais
makaboto nang hindi bababa sa anim na buwan sa araw ng halalan.

Para naman sa
mga nagnanais makaboto sa Sangguniang Kabataan, kailangan na Filipino citizen,
may edad na 15 hanggang 30, at residente ng barangay kung saan nais makaboto ng
hindi bababa ng anim na buwan sa October 31 ng kasalukuyang taon.

Ipinahayag ni Lake Sebu, South Cotabato Mayor Antonio Fungan na
palaisipan din sa kanya kung sino ang dalawang alkalde sa lalawigan ang
umanoy sangkot sa illegal na droga.
Ito ang pahayag ni Fungan kaugnay sa sinabi ni South Cotabato Governor
Daisy Avance Fuentes na nasa drug watchlist ang dalawang mga alkalde sa
lalawigan.
Itinanggi rin ni Fungan na isa siya sa mga tinukoy ng gobernador.
Sa katunayan ayon kay Fungan para patunayan na hindi siya sangkot sa
illegal drugs, sumailalim na rin siya sa drug testing.
Sinabi ng alkalde na karapatan din ni Governor Fuentes kung papangalanan
nito o hindi ang dalawang mga local chief executives na sinabi nitong
nasa drug wathlist ng mga otoridad.
VAyon naman kay T’boli Mayor Dibo Tuan, hangga’t maaga ay mas mabuti
pang isapubliko na ang pagkakakilanlan ng dalawang mga alkalde na
isinasangkot sa illegal drugs.
Ito ayon kay Tuan ay upang mawala rin ang pagdududa ng mga mamamayan sa
kanila.Sinabi ni Tuan na bago pa man umupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo
Duterte pinaigting na ng lokal na pamahalaan ng T’boli ang kampanya nito
kontra illegal na droga.
Malinban kina Tuan at Fungan itinaggi na rin nina Tupi Mayor Reynaldo
Tamayo, Tampakan Mayor Leonardo Escobillo, Sto. Nino Mayor Pablo
Matinong at Banga Mayor Albert Palencia na sangkot sila sa illegal drug
activity.
Nakinabang sa mahigit P8.1 million na halaga ng proyekto ng Department
of Social Welfare and Development o DSWD 12 ang daang daang mga
residente sa walong liblib na barangay ng Kalamansig, Sultan Kudarat.
Ayon kay DSWD 12 Assistant Regional Director Gemma Rivera kabilang sa
mga proyektong ito ang mga bagong school buildings, hanging foot bridge,
water system, palengke at at iba pang infrustruktura.
Ang mga ito ayon kay Rivera ay hiniling mismo ng mga benipisyaryo ng
programa sa mga barangay ng Datu Ito Andong, Wasay, Hinalaan, Limulan,
Paril, Sabanal, Poblacion at Sangay sa Kalamansig.
Dinagdag din ni Rivera na sinasanay din ngayon sa ikalawang bugso ng
pagpapatupad ng kahalintulad na mga proyekto ang mga benpisyaryo sa 14
pang barangay ng Kalamansig.
Katuwang nila sa pagsasagawa nito ayon kay Rivera ang lokal na
pamahalaan.
Ang mga proyekto ay ipinatutupad sa pamamagitan ng Kapit- Bisig Laban sa
Kahirapan-A Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o
KALAHI-CIDSS na pinondohan ng world bank.
Nilinaw ni Department of Science and Technology o DOST 12 Regional
Director Zenaida Raof Laidan na tanging mga nasa top 10 percent lamang
ng kanilang klase maaring matanggap para maging iskolar ng ahensya.
Ito ang ipinahayag ni Laidan kasunod ng pagtanggap ng DOST 12 ng
application para sa kanilang scholarship program sa school year
2017-2018.
Binigyan diin ni Laidan na ang mga grade 7 scholarship applicants ay
isang beses lamang sasailalim sa screening. Ito aniya ay ang scholastic
aptitude test na mas kilala sa National Competitive Examination o NCE.
Ito ay gagawin naman sa Octobre 22 ngayong taon.
Sinabi ni Laidan na itinalaga para maging testing centers ang Cotabato
City State Polytechnic College sa Cotabato City University of Southern
Mindanao sa Kabacan, North Cotabato Sultan Kudarat State University sa
Tacurong City Notre Dame of Marbel University sa Koronadal City at
Mindanao State University sa General Santos City.
Ang mga interesadong estudyante ay maaring makakuha at magsumite ng
application form sa PSHS-SOCCSKSARGEN Campus sa Barangay General Paulino
Santos, Koronadal City DOST 12 Regional Office 12 sa Cotabato City o
sa pinakamalapit na Provincial Science and Technology Center o PSTC.
Bukod sa libreng tuition at text book kabilang din sa mapapakinabangan
ng mga iskolar ng DOST na magaaral sa PSHS ang monthly stipend, uniform,
transportation at living allowance .
Ang mga nasa low income groups naman ay mabibigyan din ng living
allowance. Umaasa si Koronadal City Health Officer Dr. Jean Genevieve Aturdido na
maaprubahan ng bagong set ng Sangguniang Panglungsod ang ordinansa na
magbibigay proteksyon sa mga buntis at sanggol.
Ayon kay Aturdido nakabinbin pa rin kasi sa konseho ang An Ordinance
ensuring safe motherhood, child care and requiring all pregnant women in
the city of Koronadal to give birth at the accredited birthing
homes/lyin-in clinics and hospitals.
Ang panukala ay inaakda ni dating Councilor Rose Dideles na siyang
Chairman noon ng Committee on Health ng konseho.
Sinabi ni Aturdido na mahalaga ang ordinansa para maiwasan ang
pagkamatay ng mga sanggol at ina sa panganganak.
Ito ang ipinahayag ni Aturdido matapos makapagtala ng 2 maternal death o
ina na nasawi sa panganganak at 104 na kaso ng pagkamatay ng mga
sanggol ang city health office noong 2013 at 2014.
Nabatid na pumalit naman kay Dideles sa Committee on Health ng SP si
Councilor Anabelle Pinggoy. Kulong ang isang nag-resurfaced na drug dependent at kasama nito
matapos matimbog sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa bayan
ng T’boli, South Cotabato.
Kinilala ni T’boli Chief of Police, Chief Inspector Jose Mari Simangan
ang isa sa mga naaresto na si Marlinda Siwal, 24 anyos walang trabaho.
Si Siwal ayon kay Simangan ay nag-resurfaced sa PNP at nangakong
magbagong buhay noong June 24.
Kasama din ni Siwal na naaresto ang 25 anyos na si Romel Libuna.
Ang dalawang drug suspek ay natimbog sa drug buy bust operation ng mga
pulis sa Lugan 1, Poblacion, T’boli, South Cotabato.
Inihahanda na ng T’boli PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa
Comprehensive dangeour drugs act laban sa dalawang drug suspek.

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...