Sunday Jun, 16 2024 04:27:28 AM

NDBC BIDA BALITA (july 26, 2016)

 • 17:00 PM Tue Jul 26, 2016
1,223
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 26, 2016
(TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Bishop Bagaforo, itinalaga bilang obispo ng Kidapawan.2. SONA ni P. Duterte, umani ng ibat ibang reaksyon.3. GURO, patay sa vehicular accident sa
Matalam, NOrth Cotabato.

34 TATLONG TAONG GULANG na bata, patay
matapos makalulon ng buto ng rambutan sa Sto. Nino, South Cotabato

and//politics.com.ph/wp-content/uploads/2015/06/politiko_pnoy-Jose-Colin-Bagaforo.jpg (New Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, DCC)MAY BAGO NANG OBISPO ang Diocese of Kidapawan.Ito ay si Cotabato auxiliary Bishop Jose Colin Mendoza Bagaforo, DCC.Kahapon, itinalaga ni Pope Francis si Bishop Bagaforo bilang obispo ng Kidapawan ayon sa report ng Catholic Bishops Conference of the Phlippines.Wala pang naitakdang installation date para kay Bishop Bagaforo.Noon pang March 2014 nang mawalan ng obispo ang Kidapawan matapos na italaga ng Vatian si Bishop Romulo dela Cruz bilang archbishop of Zamboanga.Si Bishop Bagaforo, mas kilala bilang Bishop Colin, ay isinilang sa Cotabato City noong January 30, 1954.Siya ay nag-aral sa PC Hill Elementary School sa CotabatoCity at pumasok sa Notre Dame Archdiocesan Seminary noong 1967. Siya ay ganap na naging pari noong March 25, 1980.In 1980, he finished his Theology studies atSt. Francis Xavier Regional Major Seminary, Davao City and took M. A. in Educational Management, Xavier University, graduating in1995.His foreign studies include a Sabbatical Studies in Systematic Theology, Weston School of Theology and National Jesuit School, Cambridge, Boston, MassachusettsHis ministries include parish priest in various parishes of the archdiocese of Cotabato, archdiocesan finance officer and president of a Church-run college in Tacurong City. UMANI ng magkakaibang reaksyon ang
kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero marami sa mga netizen ang may mga
positibong pananaw sa bagong pangulo.

Sabi ni Luke sa kanyang facebook
account very realistic, walang bola at talagang bida ang taumbayan sa SONA ng
pangulo.

Ayon naman kay Joel at Chin,
kahanga-hanga ang malasakit ng pangulo dahil nabanggit pa nito sa SONA ang
hirap na dinaranas ng mga taga-Cotabato na kumukuha ng passport.

Sabi naman ni Abdulrauf, kakaiba ang SONA
ng pangulo, hindi nakaka-antok at sa halip na luha ay nagbigay ito ng ngiti at
saya sa mga nakinig.

Samantala, may mga kumuha naman ng
‘hugot lines’ sa ilang bahagi ng SONA ng pangulo.

Nag-trending ang mga kataga nitong We
cannot move forward if we allow the past to pull us back”, na inihambing ng
marami sa kanilang mga buhay at relasyon.

Sa kabilang dako, marami naman sa mga
Pinoy ang naniniwalang tutuparin ng pangulong Duterte ang kanyang mga pangako.

Sa survey ng Social Weather Station o
SWS anim sa sampung mga Pinoy ang nagsabing marami sa mga ipinangako ng pangulo
ang matutupad kung hindi man lahat.

Sa naturang survey na may 1,200
respondents, 32% ang nag-aalangan habang 1% naman ang nagsabing wala itong
magagawa.

Sa Mindanao pinakamataas ang pag-asa sa
Pangulo na umabot sa 75% habang 66% sa Metro Manila, nasa 60% naman sa Luzon at
54% sa Visayas Region.

Samantala, marami naman ang natuwa sa
ilang mga pangakong binitiwan ng pangulo lalo na nang sinabi niya na makakaasa
ang mga Pinoy ng isang malinis na gobyerno sa kanyang administrasyon.

Natuwa rin ang mga Pinoy nang ianunyo
ng pangulo na ibaba niya ang buwis na binabayaran ng taumbayan at ang
pagpapabilis pa ng mga proseso ng mga papeles na hinihingi sa mga ahensya ng
pamahalaan.

Kung bibigyan umano ng grado ng isang ordinarayong empleyado ang naging kauna-unahang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ay bibigyan niya umano ito ng 9 out of 10.Ayon kay Mang Billy na nagtatrabaho sa isang pribadong kompanya, nasali raw lahat ng pangulo ang problema ng bansa na dapat tutukan ng kanyang administrasyon. Kabilang na rito ang Peace and Order, Transportation, Health, at maging sa usapin ng TAX.Iginiit ng Pangulo sa kanyang mensahe na kailangan raw na mayroong sapat na income ang mga manggagawa upang maibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.Samantala, sa mensahe rin ng Pangulo, itinataya niya raw ang kaniyang buhay, karangalan at maging ang presidency sa kampanya laban sa illegal drugs. Binalaan rin nito ang mga kritiko lalo na sa extra judicial killings ngayon na bahagi ng kampanya laban sa droga.Sa mga linyang ito, pinuri ng isang barangay official ng lungsod ang pagiging matapang ng Pangulo lalo na sa pagsugpo ng droga sa buong Pilipinas.Malaki ang paniniwala ng opisyal na bagaman una nang inamin ng pangulo na nahihirapan sila at ang PNP na mahuli ang mga BIGTIME na sangkot sa iligal na droga, ay pagsusumikapan pa rin ni Duterte na tuluyan ng mawalis ang mga indibidwal at grupong nasa likod nito. Sa kabilang dako sa pananaw din ng isang estudyante, kumpiyansa siyang malalaban na ngayon ang kurapsyon sa adminitrasyong Duterte.Sa mensahe ng Pangulo, iginiit niyang siya mismo ay Hindi Corrupt. Ito'y kaugnay sa kanyang hiling sa Kongreso na bigyan siya ng emergency powers upang solusyunan ang problema sa trapiko sa bansa. Kasama na rito ang pagpapatayo ng mga karagdagang transportation facilities sa iba’t ibang bagahi ng bansa. DEAD on
arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos na magbigti sa Midsayap, North
Cotabato.

Hindi na
nailigtas pa ng mga doktor si Loralde Eban, 22 years old taga – barangay
Central Glad, Midsayap nang isugod siya sa pagamutan ng kanyang misis.

Natagpuan na
lamang si Eban na nakalambitin sa loob ng kanilang kwarto kamakalawa, gamit ang
isang lubid.

Sa
imbestigasyon ng mga otoridad, nagtalo si Eban at misis nito at ilang araw din
na hindi nagkikibuan.

Hindi naman
nabanggit sa report kung ano ang ugat ng kanilang hindi pagkakaunawaan na
sinasabing dahilan ng pagpapatiwakal ni Eban.

Samantala, sugatan
naman ang dalawang mga lalaki matapos mabiktima ng pamamaril sa Sitio Panatan, barangay
Arizona, Midsayap pasado alas kwatro ng hapon, kahapon.

Nagtamo ng
tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kanyang kaliwang hita si Randy Carcueva
habang sa kaliwang balikat naman ang tama ng isa pang biktimang si Arnaldo
Camagos.

Patuloy
namang tinutugis ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril na si Joel Ebo, 50
years old at isang magsasaka na residente rin ng naturang lugar.

Posibleng
personal grudge umano ang motibo sa pamamaril ng suspek sa mga biktima.

ABALA
ngayon ang Department of the Interior and local Government sa Autonomous Region
in Muslim Mindanao o DILG-ARMM sa paghahanda para sa nalalapit na Sanguniang
Kabataan at Barangay Elections sa Oktubre.

Kamakailan
lang ay nakipagpulong ang bagong kalihim ng DILG-ARMM na si Atty. Kirby
Abdullah Matalam sa mga opisyal ng PNP, AFP, PDEA at COMELEC upang pag-usapan
ang kanilang gagawing mga hakbang para makamit ang isang mapayapang eleksyon sa
rehiyon.

Ayon
kay Matalam, isang task force ang kanilang binubuo na magmomonitor sa
gaganaping halalan sa mahigit dalawang libong mga barangay sa buong ARMM.

Binigyang
diin ni Matalam na ang SK at BARANGAY elections ay isang oportunidad para sa
mga botante upang i-boto ang mga kandidatong may totoong hangaring
makapaglingkod sa publiko at hindi ang mga kandidatong SANGKOT sa mga iligal na
gawain tulad ng iligal na droga.

Umaasa
si Matalam na susuportahan ng mga taga-ARMM ang isang malinis, tapat, mapayapa
at DRUG-FREE elections na gaganapin ngayong Oktubre.

SAMANTALA,
plano rin ng DILG-ARMM na makipagugnayan sa mga civil society organization
upang mamonitor ang mga galaw o trabaho ng mga local government unit sa
rehiyon. MALAKAS ANG
LOOB at tila walang sinasanto ang mga kawatan sa Cotabato city.

Muli na naman
kasi itong nambiktima at nagnakaw ng motorsiklo sa lungsod.

Kinilala ang pinakahuling
biktima ng motorcycle theft na si Princess Calid Flores , 18 years old ,
estudyante at taga-Baranggay Bagua Tres ng lungsod.

Ayon sa
biktima, pasado alas dos ng hapon kahapon nang iparada niya ang kanyang kulay
itim na Honda XRM 125 na motorsiklo with license plate MK 1617 sa labas ng
kanilang tahanan sa Mabini Street.

Ngunit nang
balikan niya ito ay nagulat na lamang siya dahil nawawala na ang kanyang sasakyan.

Wala nang
nagawa ang biktima kundi isumbong na lamang sa mga pulis ng lungsod ang
insidente.

ABALA
ang mga guro sa mga pampublikong paaralan sa Cotabato city sa pagtatanim ng
iba’t ibang uri ng gulay sa bakuran ng kanilang mga classroom.

Ito ay
bilang bahagi ng Nutrition Month celebration na may temang First 1000 days ni
baby pahalagahan para sa malusog na kinabukasan”.

Ayon
sa National Nutrition Council, naka sentro ngayon sa unang tatlong taon ng bata
ang pagdiriwang ng buwan ng Nutrition na itinuturing na ‘golden window of
opportunity’ para sa isang komprehensibong pangangalaga ng nutrisyon ng mga
kabataan.

Madalas
kasi, nagiging problema sa mga bata ang pagiging underweight.

Napapansin
ng mga eksperto na kulang sa tamang pag-aalaga ng sarili ang ilang mga ina
habang nagbubuntis at kulang din ang ibinibigay na atensyon ng mga ito sa unang
tatlong taon ng kanilang anak.

Samantala,
bukod sa vegetable gardening, tampok din ang iba’t ibang patimpalak sa bawat
paaralan tulad ng poster-making contest, slogan at jingle composition contest
at pagandahan ng paggawa ng Bulletin Board.

Ang
Buwan ng Nutrisyon ay taunang ipinagdiriwang sa mga paaaralan at ginaganap
tuwing Hulyo upang bigyang atensiyon ng publiko ang kanilang nutrisyon na may
gabay sa tema.

Ang
pagdiriwang ng buwan ng Nutrisyon ay inatas noong June 25, 1974 sa ilalim ng
Section 7 ng Presidential Decree No. 491 o mas kilala bilang Nutrition Act of
the Philippines. Aminado si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na magkakaroon ng epekto sa pagpapatupad ng mga mamahalagang proyekto sa lalawigan ang pagkansela ng national government sa Bottom Up Budgeting o BUB program ng gobyerno.
Ayon kay Fuentes ang kanselasyon ng BUB project ay ipinaalam mismo ni Department of Budget and Management o DBM Secretary Benjamin Diokno sa kanilang pagpupulong.
Sinabi ni Fuentes na dahil sa pag-abolish ng BUB, posibleng hindi na maipatupad ang ilan mga malalaking proyekto sa lalawigan sa susunod na taon.
Isa sa mga ito ayon kay Fuentes ang may P600 thousand pesos na halaga ng proyekto sa South Cotabato na hindi na nito tinukoy
Ayon kay Fuentes, sinabi ni Diokno sa kanilang pagpupulong na nakaatang na sa mga lokal na pamahalaan ang paghahanap ng pondo para sa mga programa na dapat sana ay ipatupad sa ilalim ng BUB.
Ito ayon sa gobernador ay malaking problema na kahaharapi ng mga LGUs.
Ayon kay Fuentes ang mga BUB project ay maari ring ituloy ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Ang BUP project na ipinatupad ng Aquino Administration upang matiyak na mabibiyahaan ng mga proyekto ang pinakamahihirap na komunidad sa bansa.
Magpapakitang gilas hindi bilang mga lingkod bayan kungdi sa pagluluto ang mga lokal na opisyal ng Koronadal City.
Ayon kay City Nutrition Action Officer Veronica Daut, ang cooking contest para sa mga elected officials ng lungsod ay bilang culmination ng Nutrion Month Celebration sa Hulyo 27.
Sinabi ni Daut na maliban sa mga Chairman ng 27 barangay ng Koronadal, magkakaroon din ng cooking contest para sa mga myembro ng konseho na pangungunahan ni Vice Mayor Eliordo Ogena.
Sinabi ni Daut na tanging gagamitin lamang na sangkap sa cooking contest ang native na manok at gulay na makikita lamang sa bakuran o di kaya ay sa community garden.
Ang magwawagi sa cooking contest ay tatanggap ng P5,000.
Layon ng cooking contest Daut na lalo pang maisulong sa lungsod ang pagkakaroon ang backyard at Community garden tungo sa malusog na pangangatawan.
Umapela si South Cotabato Election Supervisor Atty. Jay Gerada sa mga botante sa Sangguniang Kabataan at Barangay Elections na magpa-register na sa Comelec.
Ayon kay Gerada, dapat ay huwag nang hintayin pa ng publiko ang July 30 deadline ng registration.
Sinabi ni Gerada na bukas ang tanggapan ng Comelec maging mga araw at Sabado at lingo para tumaggap ng mga registrants.
Ito ayon kay Gerada ay dapat samantalahin ng mga mamamayan.
Binigyan diin ng election officer na walang extension ang 15 araw na SK at Barangay Election registration ng Comelec.
Sinabi ni Gerada na hangga’t walang kautusan mula sa Comelec Central Office, presumed pa rin na matutuloy ang SK at Barangay Election sa Oktobre.
Sinabi ni Gerada na kabilang sa maaring makapagpa- register para sa SK Elections ang mga nasa 15 hanggang 30 anyos at 18 anyos pataas naman sa Barangay Election.
Nilinaw ni Gerada na maliban sa mga bagong botante tanging tatanggapin lamang ng comelec ang mga pagpa-change status, at magpa-update ng kanilang biometric records.
Ayon kay Gerada, batay sa Comelec guidelines,na hindi tatanggap ng application to transfer o mga botante na nais lumipat ng lugar na pagbobotohan ang Comelec sa eleksyong pambarangay.
Kinumpirma din ni Gerada na kumpara noong mga nakaraang taon, mas maraming mga nagpa-register ngayon sa SK at Barangay Elections sa South Cotabato
Nakaligtas man sa mapanganib na Kawasaki disease naging mitsa naman ng buhay ng isang bata sa Sto.Nino, South Cotabato ang kinain nitong rambutan.
Kinilala ang biktima na si Gian Carl Marabe 3 anyos at residente ng Sitio Santa Cruz, Guinsang-an,Sto. Nino.
Ayon sa ina ng bata na si Jean Marabe, habang naglalaro sa loob ng kanilang bahay, kumuha umano ng rambutan ang kanyang anak.
Matapos balatan ng lolo ang rambutan, agad na bumalik, sa sala ang biktima.
Inihayag ng ina na nagulat na lamang ang Lolo nang makita na lumulundag na ang paslit at tila hirap huminga habang papalapit sa kanya.
Dito na nadiskubre ng lLolo na nalunok ng bata ang kinaing rambutan at bumara sa kanyang lalamunan.
Nang mabigo ang ina ng bata na palabasin ang rambutan na bumara sa lalamunan ng anak, dinala nila ito sa isang pribadong ospital sa Sto. Nino kung saan ito binawian ng buhay.
Ayon sa ina ng biktima, bagama’t masakit tanggpin ang nangyari, wala aniya silang sinisi dahil aksidente ang nangyari sa kanyang anak.
Abot na sa 89 na mga suspected drug pushers at users ang naaresto ng mga pulis sa Koronadal City .
Ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes, ito ay resulta ng 38 anti illegal drug operation ng PNP mula Enero hanggang Hulyo 20 nitong taon.
Kinumpirma ni Condes na ito ay ikinasawi din ng tatlong mga drug pusher at user na sangkot din umano sa nakawan ng motorsiklo at carnapping.
Ayon kay Condes nakapagsampa na rin ng 34 na kaso may kaugnayan sa illegal drugs ang pulisiya sa Koronadal City.
Ipinahayag din ng police official na abot sa mahigit 238 grams ng shabu ang kanilang nakumpiska sa lungsod.
Sa kabila nito, tiniyak ni Condes ang pagpapatuloy pa rin ng kampanya ng PNP kontra illegal na droga sa Koronadal City.
Ayon kay Condes kabilang sa kanilang tinututukan ngayon ang Oplan Bato, Project DUTERTE at TUKHAN o Tuktok Hangyo”.
Umaasa naman si Condes na sa pamamagitan ng kanilang anti illegal drug operations kontra illegal drugs ay madadagdagan pa ang mahigit 600 drug pusher at users na magre-resurface sa Koronadal City. DI NA inabutan pa ni Jimmy Onotan, 37 anyos, ang kauna-unahang state-0f-the-nation address o SONA ni Presidente Duterte.
Bago pa kasi niya mapanood sa telebisyon ang talumpati ng Pangulo, binaril at napatay na ito ng mga ‘di kilalang lalaki, habang nasa bahay nya sa may Saniel Subdivision, Kidapawan City, ala-una ng hapon, kahapon.
Sa salaysay ng isang nagngangalang Michael, sinabi niya na papasok na siya sa bahay ng biktima nang may marinig siya’ng mga putok ng baril.

Agad raw siya’ng pumasok sa loob ng bahay ng biktima.Hinanap nito ang kanyang misis at no’ng makita, dinapaan niya agad para ‘wag tamaan ng bala.

Maging ang limang buwang anak ng biktima ay niyakap din ni Michael.Halos ubos ang magazine ng caliber 45 pistol para tiyaking patay ang kanilang target.

Si Onotan ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa may tagiliran dalawa sa may hita at lima sa may bandang ulo.Patay noon din ang biktima.

Kwento pa ni Michael, bago umalis ang mga salarin, tinutukan pa siya ng baril ng mga ito at hinanap raw sa kanya ang shabu.At no’ng wala’ng makuha mula kay Michael, umalis na ang mga salarin.

Anim raw ang mga suspect na sakay ng tatlong mga motorsiklo.Agad humarurot ang mga ito palabas ng Saniel Subdivision at may suot silang helmet at bonnet.

Gamit ang salaysay ni Michael, sinasabi ng PNP na ang pagpatay sa biktima ay may kinalaman sa droga.

Pero kung sino ang nagsagawa ng krimen, ay patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP Halos hindi na maistura ng kanyang pamilya ang mukha ng isang guro ng mabundol ito at makaladkad ng isang dump truck sa Sitio Lambayao, Barangay Kibia, Matalam North Cotabato.Kinilala ang biktima na si Velen Asan Espinosa, 30-anyos, na taga Purok 2, barangay Kibia Matalam.Sa naging imbestigasyon ng Matalam PNP Traffic division, papunta sana sa brgy. Poblacion, Matalam ang biktima sakay sa isang Yamaha Crypton Motorcycle na minamaneho ng kanyang asawa na kinilalang si Jennifer Espinosa.Pero pagdating nito sa intersection sa nasabing lugar ay hindi nila napansin ang paparating na dump truck na may license plate LEP463 at minamaneho ni Erwin Danola Onoc, 23-anyos na residente ng barangay Sudapin sa Kidapawan city at doon na nangyari ang malagim na aksidente.Dahil dito, matinding sugat at mga pasa ang tinamo ng mga biktima na nagresulta naman sa agarang kamatayan ni Velen habang sugatan naman ang asawa nitong si Jennifer na ngayo’y patuloy na nagpapagaling sa ospital.Sa ngayon, hininitay na lamang na makalabas ng ospital si Jennifer para sa gagawing libing ng asawa.

Agad namang nakipag areglo ang driver ng truck at inaasahang tutulong sa mga gastusin ng mga biktima.

Sinimulan na nitong Biyernes ang Culmination Program ng Rural Health Unit o RHU sa iba't ibang barangay sa bayan ng Antipas, North Cotabato.

Ang nabanggit na aktibidad ay isinagawa para palakasin pa ang kanilang kampanya na nakatutok sa mga buntis na ina.Kabilang na rin dito ang wastong nutrisyon na dapat gawin para sa kanilang mga anak na sanggol pa.

Pinakaunang barangay na kanilang tinungo ay ang barangay ng Kiyaab, Luhong, Malangag at barangay B. Cadungon.Sinabi ni Lea Arfe Langgote, ang Head ng RHU Antipas, sunod naman nilang tutunguhin kaugnay sa nabanggit na aktibidad ay ang BRGY. MALIRE, DATU-AGOD, MAGSAYSAY, DOLORES, CANA-AN, CAMUTAN, POBLACION, MALATAB at NEW PONTEVEDRA sa darating na JULY 29.Tampok rin dito ang VEGETABLE AND FRUIT DISPLAY, COOKING CONTEST, BACKYARD COMMUNITY GARDEN, QUIZ BEE at LECTURES sa mga buntis na ina.

Tema ngayong taon ay naka angkla naman sa First 1000 Days ni baby pahalagahan para sa malusog na kinabukasan.”
Inilunsad na kahapon ng Kidapawan City LGU ang puspusang kampanya laban sa mga nagbebenta ng takal-takal na gasolina sa lungsod.

Nanguna sa operasyon ang mga personahe ng Call-911 Public safety office, at Bureau of Fire Protection (BFP).Ayon kay Public Safety Officer Psalmer Bernalte, layunin nito na mahinto ang naturang iligal at delikadong aktibidad na posibleng maging dahilan ng sunog.

Kahapon, magkasabay na nironda ng kanilang team ang dalawang takal-takal stalls kung saan nasabat nila ang higit sa 10 container ng gasolina.Naaktuhan pa nila ang isang vendor na naninigarilyo habang nakaupo sa harap mismo ng kanyang tindang gasolina.

Nabatid na ilang linggo bago ang operasyon, una nang nagbigay ng babala ang LGU sa mga vendors na itigil na ang kanilang negosyo ngunit karamihan sa kanila ay nagpatuloy.Sinabi ni Bernalte, simula pa lamang ito ng kanilang araw-araw na operasyon kaya't
umapela siya sa takal-takal vendors na itigil na ang kanilang aktibidad at ilaan na lamang sa ibang negosyo ang kanilang puhunan.

Samantala, pinag-aaralan na ngayon ng legal team ang mga kasong pwede isampa laban sa mga gasoline station na nagsusuply sa takal-takal sa Kidapawan City

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...

Army collects 18 more high-powered guns in MagSur 

COTABATO CITY --- Residents of Datu Paglas, Maguindanao del Sur surrendered on Thursday to an Army unit 18 high-powered firearms in support of the...

‘Bangsamoro women can lead’—women groups on BARMM 2025 polls

COTABATO CITY — Bangsamoro women representatives from various organizations convened in a forum recently to discuss strategies for strengthening...