Saturday May, 04 2024 06:39:11 AM

NDBC BIDA BALITA (June 11, 2016)

 • 22:16 PM Sat Jun 11, 2016
1,339
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY JUNE 11, 2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BOMB drill, isasagawa ng Cotabato
City PNP sa city plaza ngayong umaga publiko, inabisuhang maging mahinahon.

2. Army brigade sa North Cotabato may bago nang commander

3. Executive Legislative Agenda at Peace and Order Public Safety Plan,
hiniling ng DILG sa mga bagong public official ng South Cotabato

4. TATLONG MGA BAGONG labor law, isasabatas
ni President-elect Rodrigo Duterte, pagka-upo sa pwesto ngayong Hulyo

NANAWAGAN ngayong umaga ang Cotabato
City PNP sa publiko na huwag mangamba at maging mahinahon sakaling may marinig
na mga pagsabog sa city plaza.

Sinabi ni City PNP information officer Police
Sr. Insp. Rowel Zafra na ito ay bahagi lang ng kanilang isasagawang bomb drill
scenario.

Aniya, ito ang huling bahagi ng limang
buwang Field Training Program sa 50 mga police trainee para sa lungsod.

Ayon kay Zafra, ngayon araw ay susubukin
ang kakayahan ng mga naturang pulis sa pagtugon sa mga emergency partikular sa
pagtulong sa mga biktima sakaling may maganap na pagsabog ng bomba.

May bago ng commander ang 5th
Special Forces na nakatalaga dito sa Cotabato city.

Sinabi ni Army’s 6th
Infantry Division Public Affairs Officer Jo-An Petinglay na pansamantalang
pinalitan ni Lt. Col. Nazzer Lidasan na mula sa G7 o Civil Military Operation
ng 6th ID, si Col. Ranulfo Sevilla, bilang pinuno ng 5th Special
Forces.

Si Sevilla ay itinalaga na ngayon sa
Presidential Security Group.

Samantala, may balasahan ding naganap
sa ilan pang mga brigade commander sa ilalim ng 6th ID.

Si 602nd Brigade commander
Brig. Gen. Noel Clement ay pinalitan na ni Col. Manolo Samarita.

Si Clement ay itinalaga na ngayon
bilang commandant ng military academy.

Habang si Lt. Col. Orlando Edralin ng 7th
Infantry Battalion ay initalaga na ngayon bilang inspector-general ng 6th
ID.

Siya ay pinalitan ni Lt Col. Ciriaco
Lomase.

PATAY NA nang matagpuan sa
loob ng kanyang boarding house ang isang lalaki sa Cotabato city.

Nakilala ang nasawi na si
Herminio Malinao, 44 years old, isang private employee at nangungupahan sa
boarding house na pag aari ni Lydia Gacayan, sa Alino St., Barangay Rosary
Height 2 ng lungsod.

Sabi ni Gacayan, nagtaka
sila kung bakit hindi na lumalabas ng kanyang kwarto si Malinao kaya kahapon ng
umaga ay nagdesisyon silang pasukin na ito sa kanyang silid.

Doon na tumumbad sa
kanila ang bangkay ni Malinao na nakahiga sa kanyang kama.

Samantala, sa Datu Odin
Sinsuat naman, love triange ang nakikitang anggulo ng mga otoridad sa pamamaril
sa biktimang si Kawi Timan, 28 years old, may asawa at isang magsasaka.

Nagtamo ng apat na tama
ng bala si Timan sanhi para agad siyang isugod sa pagamutan dito sa lungsod.

Sa kabilang dako pa, sugatan
naman at patuloy na ginagamot sa ospital ang isang pulis na nakilalang si PO1
Jose Atabay Jr., taga Parang, Maguindanao at naka destino sa Carmen PNP
station.

Ito ay matapos na
masangkot siya sa isang vehicular accident pasado alas singko ng hapon kahapon
sa harap ng Libungan Municipal Hall.

Minamaneho ni Atabay ang
kanyang Rosi 150 motorcyle nang biglang nag U Turn ang sinusundan nitong
multicab na minamaneho naman ng negosyanteng si RELEDIOSO CALABROSO, taga
Libungan.

Sumalpok ang motorsiklo
ni Atabay sa likurang bahagi ngh multicab kaya siya tumilapon at nagtamo ng
maraming pasa at sugat. PINAG IINGAT
ng Department of Health ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o DOH-ARMM ang
publiko sa sakit na dengue at iba pang mga water-borne diseases ngayong tag
ulan.

Sinabi ni DOH-ARMM
- dengue prevention and control and food and water-borne diseases assistant
program coordinator Christine Joy Capin, karaniwan daw kasing tumataas ang
bilang ng mga nagkakasakit ng Dengue kapag tag ulan.

Kaya payo ni
Capin sa mga mamamayan, siguruhing walang naka imbak na tubig sa bakuran na
maaaring pamugaran ng mga lamok tulad ng mga alulud o roof gutters, mga lumang
gulong, at lata.

Gumamit din
aniya ng mga insect repellent at magsuot ng long sleeves

Sa ngayon
puspusan ang kampanya ng DOH ARMM kontra dengue sa pamamagitan ng 4S”
mechanisms o Search and destroy Seek immediate action Say no to
indiscriminate fogging at Self-protection measures.

Nabatid na sa
unang quarter ng taon ay nakapagtala na ng 78 dengue cases at isa ang nasawi sa
buong ARMM.

Samantala,
nanawagan din si Capin na mag ingat sa mga sakit na uso tuwing tag ulan katulad
ng diarrhea, amoebiasis, hepatitis A, at cholera.

Madalas ding
nagkakaroon ng ubo at sipon kapag tag ulan.

Sa kabilang dako naman,
nilinaw naman ni DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr. na walang katotohanan
ang mga haka haka na di-umanoy nakakadulot ng ulcer ang Pag-aayuno ngayong
Ramadan.

Aniya, ang pag pupuwasa ay
isang mabuting Gawain ng isang Mananampalatayang Islam.

Dahil dito aniya, ay
natuto ang taong i-respeto ang pagkain at nakaka pagpahinga rin ang katawan at isip.

Nakakabawas din anya ito sa
mga taong may high blood at nakakapagpaganda pa ng mga balat.

Nanawagan naman si
Sinolinding sa mga Muslim na tiyakin lang na ang kanilang kakainin ay mga
malulusog na pagkain katulad ng isda, karne, mongo at iba pa.

Payo naman ng kalihim, bago
mag-iftar ay mas uminom muna ng tubig at iwasan ang soft drinks.

Maglalagay na
ng information board na nagsasaad ng karapatan ng mga pasahero sa mga terminal.

Ito ang
binabalak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na
ipaskil sa lahat ng terminal ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay
LTFRB board member Atty. Ariel Inton, kasunod ito ng mga reklamo at sumbong na
kanilang natatanggap mula sa mga pasahero hinggil sa pang-aabuso at
diskriminasyon ng mga driver.

Aminado si
Inton na nitong mga nakalipas na araw ay marami ang reklamo laban sa mga UV
express partikular na ang pagbabawal sa mga matataba at mga lalaki na pumuwesto
sa front seat ng sasakyan.

Samantala,
mas paiigtingin din ng Land Transportation Office ang kanilang kampanya laban
sa mga gumagamit ng decorative license plates.

Magsisimula
na ring manghuli ang mga LTO agent ng mga pampublikong sasakyan na gumagamit pa
rin ng boom boom speakers at sa mga motorsiklong mayroong open pipes.

Pagmumultahin
ng limang libong piso ang violator at maaari ring makumpiska ang kanilang drivers
license. NILINAW
NGAYON ni incoming Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza
na walang magaganap na usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Duterte administration
at Abu Sayyaf Group o ASG at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ito’y taliwas
sa mga unang nai-ulat sa media na kasama sa mga kakausapin ng incoming Duterte
administration ang mga nasabing teroristang grupo.

Sa kaniyang
Facebook account, sinabi ni Dureza na nais niyang linawin at itama ang balita
ng ilang media outlets tungkol sa umano’y pagiging bukas niya sa
pakikipag-negosasyon sa ASG at BIFF.

Paliwanag ni
Dureza, totoong nagkaroon siya ng pagkakataon na direktang pakipag-negosasyon
sa Abu Sayyaf, ngunit ito ay para lamang pakiusapan ang mga ito na palayain ang
kaibigan niyang Canadian na si John Ridsdel na binihag at pinugutan ng ulo ng
grupo.

Gayunman
aniya, hindi naman siya bukas sa pakikipag-usap sa mga ito katulad ng kaniyang
pakikipag-negosasyon sa CPP-NPA-NDFP, MNLF at MILF.

Giit pa ni
Dureza, kailangang mapanagot ang Abu Sayyaf at BIFF sa kanilang mga nagawang krimen. Maari ng gamitin para sa Senior High School ang 616 na mga silid aralan sa region 12 kasabay ng pagsisimula ng klase sa Lunes.
Ayon kay Department of Education o DepEd 12 Regional Director Arturo Bayocot, ang mga ito ay kabilang sa 2,153 classroom para sa senior high school na ipinatatayo ngayon.
Sinabi ni Bayocot na sa South Cotabato 202 sa 402 classroom para sa senior high school ang natapos na.
Habang 164 naman sa 804 sa North Cotabato ay maari nang gamitin sa pasukan.
Ayon kay Bayucot mapapakinabangan na rin ang 136 sa 144 k to 12 classrooms sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ang Sarangani ay abot pa lamang sa 27 na mga silid aralan mula sa 402 allocation ang handa na sa pasukan.
Habang ang General Santos City ay mayroon ng 34 senior high school na maaring gamitin mula sa 166 allocation,30 mga senior high school classroom na rin mula sa 50 inilaan ng DepEd ang natapos na sa Koronadal City.
Kinumpirma ni Bayocot na wala ni isang man sa 44 senior high school classroom sa Kidapawan City ang natapos bago ang pasukan.
Ayon ay Bayucot tanging Tacurong City lamang na mayroon 18 at Cotabato City na may lima ang naihanda para sa pasukan ang lahat na mga silid aralan na inilaan para sa senior high school.
Ipinahayag ni Bayocot na sinimulan ang pagpapagawa ng mga silid aralan para sa senior high school noong nakaraang taon.
Nagsimula na rin aniya ang bidding para sa pagbili ng DepEd ng dagdag na mga gamit para sa Technical-Vocational at Livelihood track.
Isinusulong din ng Deped 12 ang dagdag na 808 classroom sa 2017.
Ayon kay Bayucot sa kabila ng maraming aberya, tiniyak ng DepEd na magiging handa sa pasukan ang lahat ng mga eskwelahan sa rehiyon dose.
Patuloy na nagsasagawa ng maigting na monitoring ang DepEd 12 sa kahandaan ng mga eskwelahan sa region 12 sa klase.
Ilan sa mga aspeto na tintingnan ng DepEd ayon kay Bayocot ang mga pasilidad, konstruksyon ng mga silid aralan at bilang ng mga enrolees. Para maisalba sa posibleng pagkalugi ang poultry industry mas pinaigting ngayon ng city veterinary office ng Tacurong City, Sultan Kudarat ang kanilang kampanya kontra NewCastle Disease o NCD.
Ayon kay City Veterinarian, Hermenegilda Sangque, sinimulan na nila ang paglilibot sa mga bahay upang magbigay ng lecture at magbigay ng bakuna kontra NCD.
Sinabi ni Sangque na abot na sa 6,000 manok sa Tacurong ang nabigyan ng NCD vaccine.
Ang kampanya na ito ng Tacurong kontra sa nakamamatay na sakit sa mga hayop ay kasunod naman ng minor cases ng NCD na naitala sa karatig lalawigan ng South Cotabato at Davao del Sur noong mga nakaraang buwan.
Sa ngayon ay masusing iniinspeksyon ng city veterinary office ang lahat ng mga poultry products na dinadala sa Tacurong City.
Ito ayon kay Sanguque ay mariing ipinatutupad upang hindi mahawa ng NCD ang mga poultry animal tulad manok, itik, at pabo sa lungsod. Magsisimula ng kanilang feeding program sa mga eskwelahan sa KOronadal na may pinakamaraming bata ang City Nutrition Office kasabay ng pagsisimula ng klase sa Lunes.
Ayon kay Koronadal City Nutrition Action Officer Veronica Daut, prayoridad na makinabang sa feeding program ang mga malonourised o mga batang kulang sa timbang.
Ang supplemental feeding ay magtatagal sa loob ng isang buwan.
Target na mabigyan nito ang mahigit 2,000 malnourish na bata sa lungsod.
Ang mga malnourished na bata sa mga eskwelahan ay papakainin araw araw ng mga gulay at iba pang mga masustansyang pagkain.
Nilinaw ni Daut na magkakaroon lamang ng supplemental feeding ang nutrition office sa 18 sa 27 barangay ng Koronadal.
Paliwanag ni Daut may mga pribadong kompanya at grupo na kasi ang nag-adopt sa mga nalalabing barangay na bibigyan nila ng supplemental feeding
Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang Rizal Park sa Koronadal City para sa ika 118th Independence Day Celebration bukas, Hunyo a dose.
Ayon kay Koronadal Investment and Promotion Center Designate Gemma Amor Panza, magiging highlight ng pagdiriwang ang flag raising ceremony ngayong umaga.
Ito ay susundan naman ng wreath laying o pagaalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal na sasabayan ng 21 gun salute.
Tulad nang mga nakaraang pagdiriwang masasaksihan din ng publiko ang theatrical presentation ng Hinugyaw Dance troupe.
Ipapakita rito ang ilang mahahalagang kaganapan bago nakamit ang pinakamimithing kalayaan ng bansa noong June 12 1898.
Umapela naman si Koronadal Mayor Peter Miguel sa mga mamamayan ng lungsod na makiisa sa pagdiriwang. Umaasa ang Department of Interior and Local Government o DILG na agad na mabuo ng mga bagong halal na opisyal ng South Cotabato ang kanilang Executive Legislative Agenda at Peace and Order Public Safety Plan.
Ayon kay DILG South Cotabato Provincial Director Lailyn Ortiz, ito ay inaasahan maisakatuparan sa unang 100 daan araw ng kanilang panunungkulan.
Paliwanag ni Ortiz, dahil naka angkla sa mga ito ang pagbalangkas ng mga programa, mahalaga ang ELA at Peace and Order Public Safety Plan sa panunungkulan sa gobyerno.
Ayon kay Ortiz ang ELA ay magsisilbing bibliya ng mga bagong halal na opisyal habang magiging batayan naman sa pagbibigay ng confedential fund ang peace and Order public Safety plan.
Nabatid na tatlo ang uupo bilang bagong myembro ng Sangguniang Panlalwigan ng South Cotabato.
Gayunpaman ang mga ito ay dati nang mga myembro ng konseho na nagwagi noong May 9 election.

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...