Tuesday Apr, 30 2024 01:02:08 AM

NDBC BIDA BALITA (June 6, 2016)

 • 17:06 PM Mon Jun 6, 2016
1,479
By: 
NDBC

NEWSCAST

JUNE 6, 2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ISANG BUWANG RAMADAN ng mga
mananampalatayang Muslim, sinimulan na ngayong araw.

2. Mga mamamahayag sa Davao del Sur
hindi natinag sa naging pahayag ni President-elect Duterte patungkol sa umano
korupsyon sa media

3. Pagbuo ng hiwalay na tanggapan ng
Duterte Administration na tutuok sa police operation, kinumpirma ng incoming
DILG Secretary

4. NPA, nagpasinungaling na hawak nila ang nawawalang police ng Makilala, N. Cotabato.
NAGSIMULA NA NGAYONG ARAW NG LUNES,
JUNE 6, ang banal na buwan ng pag aayuno o Ramadan ng mga mananampalatayang
Muslim.

Ayon kay Mufti Abu Huraira Udasan ng Darul
Ifta o House of Opinion sa Maguindanao at Cotabato, natanaw na ang buwan sa
Malaysia kagabi na naging hudyat ng pagsisimula ng ramadan.

Ang Ramadan ay ang ika-siyam sa 12
buwan ng Hijra lunar calendar na ikinu-konsidera rin bilang pinaka-banal na buwan
para sa Islam.

Base kasi sa kasaysayan ng Islam, ito
ang buwan kung kailan nakumpleto ang God’s Revelations sa Qur’an.

Ginugunita ito ng mga Muslim sa
pamamagitan ng buong araw na pagliban sa pagkain, inumin at marital sex mula
pag-sikat hanggang pag-lubog ng araw sa loob ng isang buwan.

Ayon naman kay Alim Abdulmuhmin
Mujahid, executive director ng Regional Dharul Ifta o House of Opinion sa
Autonomous Region in Muslim Mindanao o RDI-ARMM, namahagi sila ng limang
Newtonian reflector telescope sa bawat isa sa kanilang limang provincial
offices sa rehiyon, pati na rin sa Dharul Ifta ng mga scholars o ulama sa
Zamboanga Peninsula.

Ito ay para matulungan sila na
masilayan ang buwan.

SAMANTALA, gagawin naman ngayon araw
ang thanksgiving celebration ng mga nanalong kandidato noong halalan sa
Cotabato City.

Gagawin ang naturang selebrasyon sa
People’s palace mamayang alas-9 ng umaga.

Mismo sina incumbent at re-elected
Mayor Japal Guiani Jr. at dating City Administrator at ngayong Vice Mayor-elect
Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi ang mangunguna sa thanksgiving celebration.

Nabatid na maliban sa paghayag ng
pasasalamat at kagalakan ng mga nanalaong kandidato sa lungsod, pinagisa na rin
ang pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor Guiani at Atty. Sayadi ngayong buwan
kasama ang mga cotabatenyos.

PATULOY pang
inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang babae na natagpuang
palutang lutang ang bangkay sa isang ilog sa Rosary heights 8 sa lungsod ng
Cotabato.

Sa report,
natagpuan ang naturang bangkay ng babae sa Tardong river pasado alas-7 ng umaga
noong sabado.

May isang
tama ng bala ang biktima sa kanyang ulo habang dalawang tama naman ng bala sa
kanyang tiyan mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng armas.

Sa
paglalarawan sa bangkay ng biktima, may taas ito ng 4'10 , nasa edad 20
hanggang 25 anyos, nakasuot ng kulay blue na under armor tshirt, maong na
pantalon at silver necklace.

SAMANTALA,
sugatan naman sa vehicular accident ang habal-habal driver matapos itong
mabangga ng isa pang motorsiklo sa may flyover sa rosary heights 2 ng lungsod,
alas-11:55 kagabi.

Kinilala ang
biktima na si Abdulrahman diamitun Pantuan, 31-anyos, habal-habal driver, taga
Brgy. Bagua Dos na nagtamo ng maraming sugat sa kanyang katawan.

Sa report,
minamaneho ni Pantuan ang kanyang kulay blue na motorsiklo na may plakang IV
7652 nang mabangga ito ni Jerry Baguio ng Brgy. Sarmiento na nagmamaneho ng
kanyang kulay puti na Honda fit na motorsiklo na may license plate na LHL 763.

Nabatid na sa
lakas ng pagkakasalpokan, nahulog ang motorsiklo ni Pantuan sa flyover sa RH 2.

Mabuti na
lamang at nahulog ito sa bakanteng bahagi at walang nadamay na iba pang
sibilyan.

Nabatid na
nakainom ng alak si Baguio habang minamaneho niya ang kanyang motorsiklo. NASA 600,000 pang estudyante na Grade 10 completers sa buong bansa ang hindi pa rin nakakapag-enroll para sa Grade 11, sa kabila na ilang araw na lamang ay magsisimula na ang pasukan para sa School Year 2016-2017.Aminado si Education Secretary Armin Luistro na isa ito sa mga problemang inaasahang kakaharapin nila kaugnay ng pagbubukas ng klase sa bansa sa June 13.Ayon kay Luistro, tiyak na maraming Senior High School o SHS students, na hindi pa naka-enroll ang inaasahan nilang dadagsa sa mga paaralan sa unang araw ng klase.Nilinaw ni Luistro na iba ang SHS mula sa junior high school, dahil ito’y kahalintulad na ng kolehiyo, kung saan ang mga Grades 11 at 12 students ay papipiliin kung alin sa apat na track, na kinabibilangan ng academic, technical-vocational-livelihood, sports and arts at humanities ang nais nilang kuhanin.Paliwanag niya, malaking problema kung puno na ang slot na nais kuhanin ng estudyante sa paaralang nais niyang pasukan, kaya’t mapipilitan ang estudyante na humanap ng ibang paaralan o di kaya’y lumipat ng ibang track na may available slot pa.Kaugnay nito, hinikayat ni Luistro ang mga Grade 10 completers na magpa-enroll na sa Grade 11 bago pa magpasukan dahil ang mga slots sa mga tracks ay nasa ‘first-come, first-served basis’ lamang.Nabatid sa DepEd na nasa 200,353 estudyante pa lamang ang nagpa-enroll para sa Grade 11 sa iba’t ibang public senior high schools sa buong bansa, gayung mayroong 855,000 Grade 10 completers ang nagsipagtapos noong nakalipas na graduation. PATAY
ang isang lalake matapos na hampasin ng bote ng beer sa kanyang ulo.

Nangyari
ang insidente sa Quezon Avenue sa bayan ng Midsayap, North Cotabato pasado
alas-12 ng hating gabi kamakalawa.

Sa
report, galing sa inuman ang naturang hindi pinangalanang biktima kasama ang
kanyang dalawang kapatid sa Virgo gasoline station ng nasabing bayan nang
sundan sila ng hindi pa nakikilalang suspek at bigla itong hinampas ng bote sa
kanyang ulo.

Dahil
sa matinding pagkakahampas ng bote sa kanyang ulo ay binawian ito ng buhay.

Agad
namang rumisponde ang mga brgy official ng Poblacion 6 at poblacion 5 ng bayan
pero bigo silang maaresto ang mga suspek.

Nabatid
na ilang krimen na ang naitala mula sa inuman at kasiyahan sa Virgo gasoline
station ayon sa mga residente ng Midsayap.

MAINIT
NA TINANGGAP ng Philippine Army's 6th Infantry Division si Col. Bernie Langub
bilang bagong nilang chief of staff sa isinagawang change of office ceremony sa
clubhouse ng dibisyon kamaklawa

Si
Col. Langub na commander ng 38th Infantry Battalion ay pinalitan si Col. Romeo
Brawner, Jr. na kukuha ng isang taong US Army War College International Fellows
Program Schooling sa Estados Unidos.

Ayon
kay 6ID commander Maj. Gen. Edmundo Pangilinan, kumpiyansa siya na
maipagpapatuloy ni Col. Langub ang outstanding performance ng dibisyon.

Si
Col. Langub ay mananatili ring commandant ng 6th Division Training school
habang wala pang napiling papalit sa kanya.

SAMANTALA,
PATULOY ang ginagawang pagtugis ngayon ng militar sa mga miyembro ng Abu Sayyaf
Group na itinuturong responsable sa nangyaring pananambang na ikinamatay ng
dalawang sundalo sa lalawigan ng Basilan.

SA
report ng Western Mindanao Command o WestMinCom, ang insidente ay nangyari
partikular sa may Barangay Tumahubong sa munisipyo ng Sumisip.

DAKONG
10:25 kagabi habang pabalik na sana sa kanilang detachment sa Barangay Sapah
Bulak ang dalawang sundalo na kasapi ng Army’ 64th Infantry BattalioN nang
pagbabarilin ang mga ito ng tatlong armadong Abu Sayyaf.

Agad
na binawian ng buhay ang dalawang biktima na hindi pa pinangalanan ng militar.

Mariin
namang kinundena ng militar ang panibagong pag-atake ng bandidong Abu Sayyaf sa
mga sundalo sa Basilan.

Magkakaroon na ng mas madaling access sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan ang mga residente sa mga mga liblib na barangay ng South Cotabato.
Ito ay sa pamamagitan ng Tamang Serbisyo para sa Kalusugan ng Pamilya o TseKap Packages ng Department of Health o DOH.
Ayon kay TseKap Focal Person Genesis Navales, ang package ay binubuo ng dalawang non-contact thermometers, isang stethoscope, digital Blood Pressure Apparatus, glucometer set, dressing set at dalawang nebulizer.
Ipinahayag ni Navales na mahalaga ang mga ito para lalo pang mapabuti ng mga Rural Health Stations ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan lalong lalo na sa mga nasa malalayong lugar.
Ipinahayag ni Navales na dahil sa TseKap package hindi na maaring dumulong pa sa pinakamalapit na ospital ang mga residente na nagtataglay ng simpleng karamdaman.
Ayon kay Navales dahil sa TseKap package maari na kasing mabigyan ng first aid sa asthma attact at magpatingin ng kanilang sugar level sa mga health stations o rural health centers ang mga mamamayan.
Ang DOH ay namigay ng 222 TseKap packages , labinisa sa mga ito ay binigay sa mga rural health units at 218 naman sa mga health stations ng South Cotabato.
Dinagdag din ni Navales na layon ng pamimigay ng TseKap packages ay ubang mabawasan ang siksikan ng mga pasyente sa mga pampublikong ospital. Abot sa libo libong mga trabaho ang naghihintay ng mga sa mga job seekers na makilahok sa Kalayaan Jobs Fair sa Koronadal City sa June 10.
Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE 12 Regional Director Albert Gutib, inaasahang makikilahok sa jobs fair ang mga employer na magaalok ng trabaho sa loob at labas ng bansa.
Ang Jobs fair na gaganapin sa KCC Mall of Marbel sa June 10 ay bahagi ng Independence Day Celebration sa June 12.
Pinayuhan naman ni Gutib ang mga makikilahok sa jobs fair na huwag kaligtaang magdala ng mga kinakailangang dokomento.
Ayon kay Gutib para masulit ang panahon na gugugulin sa jobs fair at makapag-apply sa mas maraming employer magdala ng maraming kopya ng kanilang transcript records, application letter at resume.
Ang mga interesadong aplikante ay maaring magpa-pre register sa Koronadal City Public Employment Service Office o PESO.
Layon naman nito na mapagtugma ang kanilang qualifications sa mga trabaho na iaalok ng iba’t ibang kompanya.
Ang Kalayaan Jobs Fair sa Koronadal City ay magkatuwang na itataguyod ng lokal na pamahalaan at DOLE 12.
Natapos na ng lokal na pamahalaan ang pamimigay ng educational assistance sa 27 mga barangay ng Koronadal city.
Ayon kay Education Assistance Program in-charge Jean Sunga, nabigyan nito ang mahigit 12,000 na mga estudyante sa elementarya at sekondarya sa mga pampublikong eskwelahan.
Ang city government ng Koronadal ay naglaan ng tig P500 education assistance sa mga estudyante sa elementarya at P550 naman sa sekondarya.
Nabigyan din nito ang mga mga nasa senior high school.
Nilinaw naman ni Sunga na maari pang pumunta sa kanilang tanggapan sa city hall ang hindi pa nakatanggap ng ayuda sa city government.
Tanging gawin lamang ng mga ito ayon kay Sunga ay magdala ng barangay certificate o voters ID ng mga magulang o guardian.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na plano ng lokal na pamahalaan na dagdagan ang education assistance.
Ayon sa alkalde may binabayaran pa rin kasing mga school fees ang mga magulang na hindi saklaw ng educational assistance ng lungsod sa mga public schools.
Iniimbistigahan ang ilang mga jail guards sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center dahil pagkakasangkot ng mga ito sa pagpuslit ng illegal na droga sa loob ng pasilidad na kilala rin bilang provincial jail.
Ayon kay OIC Jail Warden Juan Lanzaderas, pinatawag na niya at kinakusap ang mga taga bantay sa piitan na konektado osa mga preso na myembro ng drug syndicate
Ipinahayag ni Lanzaderas, nakatanggap ito ng impormasyon na nakatatanggap ng tig P2,000 sa bawat 5 gramo ng illegal drugs na mapupuslit sa kulungan ang mga jail guards.
Inaalam din ng mga otoridad ang katotohanan sa umanoy paggamit sa mga dalaw at driver ng dump truck upang makapuslit ng droga sa provincial jail. Bubuo umano ng hiwalay na tanggapan sa Department of Interior and Local Government o DILG para tututok sa pagresolba ng krimen sa bansa si President-elect Rodrigo Duterte.
Ito ay kinumpirma mismo ng katatalaga pa lamang na DILG Secretary na si Ismael Mike” Sueno.
Ayon kay Sueno tinanggal na ni Duterte kay Sueno bilang DILG secretary ang pamamahala sa police operation.
Inihayag ni Sueno na itinalaga ni Duterte na mamuno sa police operation ng ahensya si incoming DILG Undersecretary at SAF former Director Catalino Coy.
Aminado naman si Sueno na makatutulong ang pagpasok ni Coy sa DILG sa tulad niyang kulang sa military background.
Samantala, suportado naman ni General Santos City Mayor Ronnel Rivera ang planong paghigpit ni incoming President Rodrigo Duterte sa Lakbay Aral ng mga opisyal at kawai nng gobyerno.
Ayon kay Rivera, bilang alkalde, pinadadala lamang nito sa ibang lugar ang mga kawani ng lokal na pamahalan kung para sundin sa kanilang lugar ang mga magaganda nitong proyekto.
Naniniwala si Rivera na layon ni Duterte sa paghigpit sa Lakbay aral upang makuha ang tiwala ng publiko. HINDI natinag ang mga mamamahayag ng Davao del Sur sa pahayag ni President-elect Duterte na kaya napapatay ang karamihan sa media ay dahil sa pagiging kurakot nila.Aminado ang peryodistang si Melo Mercado na marami sa mga kasama nila sa trabaho ang kurakot o nabibilang sa tinatawag na, ACDC o Attack-Collect, Defend-Collect”, na klase ng mga mamamahayag.May ilan din sa kanila maituturing na, envelopmental o ATM journalists”, o yaong mamamahayag na tumatanggap ng suhol -- sa pamamagitan ng envelop o ATM, mula sa ilang mga pulitiko para lamang gumanda ang imahen nila sa publiko.Sinabi pa ni Mercado na sadyang di lamang nasanay ang Manila media sa klase ng pananalita ni Duterte.Nauna nang naglabas ng pahayag ang National Union of Journalists of the Philippines o NUJP na di dapat gawing ‘joke’ ang ‘murder’ o ang pagpatay o pagkitil sa buhay ng isang tao – kahit ano pa ang dahilan nito.Naglabas din ng pahayag ang Center for Media Freedom and Responsibility para kontrahin ang sinabi ng incoming President.NDBC BIDA BALITA Hindi na umabot ng buhay sa bahay Pagamotan ang isang driver ng trycle habang sugatan naman ang pitong sakay nito matapos sumalpok ang sinasakyan nilang trycle sa isang pampasaherong van pasado alas 7 ng umaga noong sabao sa davao Cotabato highway, Poblacion Makilala Cotabato.Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Ricardo Villamor na residente ng Baranagay Old Bulatokan, ng nasabing Bayan.Habang kinilala naman ang mga sugatan na sila Marciano Bitanghol, 47 anyos, Hernani Pepito, 44 anyos, Ricardo Tiel, 48 anyos, Ernesto Banggay, 61 anyos, rodrigo Padrigo, 46 anyos, Jovencio Ocho at Edgardo Plinoz 37 anyos na mga residente ng Barangay Old Bulatukan, Makilala Cotabato.Sa imbestigasyon ng Makilala PNP, bigla nalang umanong pumutok ang likurang bahagi na gulong ng trycle na siya namang naging dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver nito.Hindi na nakontrol ng driver ang kanyang trycle at naagaw na nito ang kabilang linya ng highway at bumangga sa paparating na pampasaherong van na minamaneho ng isang isang Rosendo Astudillo Fernandez, residente ng Barangay Malasila ng nasabing Bayan.Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga, tumilapon ang mga pasaherong sakay ng trycle na nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan. Habang sinubokan pang itakbo sa hospital ang driver nilang si Villamor ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.Matapos ang insidente, boluntaryo namang sumuko ang driver ng nasabing van na ngayon ay nasa kostodiya na ng makilala PNP. MISMONG ang pamunuan ni Engineer Elpidio Birog ng 1st Cotabato Engineering District ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang mangunguna para imbestigahan kung bakit nahulog kamakaylan sa ginagawang tulay sa Barangay Malasila sa bayan ng Makilala ang isang motorsiklo.Sinabi ni Birog na kapag napatunayan na may kakulangan ang contractor ng tulay, posibleng managot ito sa nangyari sa dalawang tao na nahulog sa tulay.Maaari ding matanggal ito sa listahan ng mga contractor na pinapayagang mag-bid kapag may mga proyekto ang DPWH.Kinilala ni Birog ang contractor ng naturang tulay na, Robert Construction – na siya ring construction firm na nagtayo ng tulay sa may boundary ng Kidapawan City at Makilala na nito’ng Enero ng taon ay mayroon ding nahulog na motorsiklo.SINASABING kulang ang mga warning signs at mga ‘reflectors’ sa tulay kaya’t di ito napansin ng driver ng motorsiklo at nagtuluy-tuloy sa mismong ilog.Kritikal, hanggang sa ngayon, ang kondisyon ng mga biktima.NDBC BIDA BALITA Pinasinongalingan ni Chairman Ricardo Reforial ng Barangay Katipunan sa Kidapawan city ang umanoy hindi nito pagtulong matapos dumolog ang pamilya ng isang lumad na namatayan sa kanyang barangay.Byernes ng madaling araw ng binawian ng buhay dahil sa karamdaman ang isang lumad na kinilalang si Jerry Dawan na residente ng Barangay Katipunan.Sa isang mensahing nakarating sa radyo bida na nagsasabing binaliwala umano ng barangay ang apela na tulong ng pamilya ng namatayan.
Paglilinaw naman ni Kapitan Reforial, una umano nilang inalok na maipaembalsamo ang labi ng biktima ngunit tumanggi ang pamilya at sa halip ay humingi ito ng bigas. Kaagad namang nakipag ugnayan si Kapitan kay city Mayor joseph Evangelista at agad na naipalabas ang isang sako ng bigas na hiniling ng pamilya.Nagbigay din mula sa kanyang sariling bulsa si Chairman na ipambili ng iba pang pangangaylangan ng pamilya. Maging ang kanyang mga kagawad ay sinagot narin ang mga pintura at pako na siyang gagamitin para sa kabaong ng biktimaSa katunayan ayon pa kay chairman ay nagpasalamat pa ang pamilya sa lahat ng tulong na naibigay sa kanila ng barangay at ng LGU.Kahapon ay tuloyan ng naipaembalsamo ang katawan ng biktima.Maagang pamomolitika naman ang nakikita ni Chairman sa kong sino aniya ang nagpakalat ng maling impormasyon upang sirain siya sa kanyang barangay. BAGAMA’T ‘di pa nagpalabas ng opisyal na pahayag ang New Peoples’ Army o NPA, itinanggi ng isang mapagkakatiwalaang source mula sa naturang grupo na hawak nila ang nawawalang si Police Officer 1 Romeo Solana ng Cotabato Public Safety Company.Binigyang-diin ng naturang source na kung totoong sila nga ang kumuha kay Solana dapat ay napasama na ito sa hanay ng mga itinuturing nila’ng, ‘prisoners of war’ o POW.
Sa ngayon, aniya, ay wala sa listahan ng POW nila si Solana.Ang source ay mula sa Front 53 ng NPA na ang sakop ng operasyon ay mga lalawigan ng North Cotabato at Bukidnon.Nabatid na noon pang June 1 missing ang pulis.Mismong ang misis niya ang nagsabi na ang huli’ng pinuntahan ni Solana ay ang Barangay Santo Nino, Kidapawan City.Naging emosyonal naman ang anak nitong si Paul na nanawagan sa kong sino man ang may hawak sa kanyang ama na palayain at ibalik ito sa kanila.VC Paul.NDBC BIDA BALITA BAGAMA’T ‘di pa nagpalabas ng opisyal na pahayag ang New Peoples’ Army o NPA, itinanggi ng isang mapagkakatiwalaang source mula sa naturang grupo na hawak nila ang nawawalang si Police Officer 1 Romeo Solana ng Cotabato Public Safety Company.Binigyang-diin ng naturang source na kung totoong sila nga ang kumuha kay Solana dapat ay napasama na ito sa hanay ng mga itinuturing nila’ng, ‘prisoners of war’ o POW.
Sa ngayon, aniya, ay wala sa listahan ng POW nila si Solana.Ang source ay mula sa Front 53 ng NPA na ang sakop ng operasyon ay mga lalawigan ng North Cotabato at Bukidnon.Nabatid na noon pang June 1 missing ang pulis.Mismong ang misis niya ang nagsabi na ang huli’ng pinuntahan ni Solana ay ang Barangay Santo Nino, Kidapawan City.Naging emosyonal naman ang anak nitong si Paul na nanawagan sa kong sino man ang may hawak sa kanyang ama na palayain at ibalik ito sa kanila.

Marcos cites 6th ID’s peacebuilding efforts

COTABATO CITY - President Ferdinand Marcos, Jr., on Monday lauded the Army’s 6th Infantry Division for its unrelenting anti-terror campaign and...

PBBM urged Bangsamoro to vote in 2025 parliamentary polls

BARIRA, Maguindanao Norte — President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the residents of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM...

Barangay Kagawad patay, driver sugatan sa ambush sa Datu Hoffer, Maguindanao Sur

PATAY ang isang barangay kagawad habang nakaligtas naman ang driver nito matapos tambangan ng mga suspek sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer,...

PBBM visits, honors soldiers hurt in clash with BIFF

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Seven soldiers who were wounded in an encounter with the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) were...

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...