Tuesday Jun, 18 2024 03:14:01 AM

NDBC BIDA BALITA (June 7, 2016)

 • 00:23 AM Wed Jun 8, 2016
1,331
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS TEAM

NEWSCAST

JUNE 7, 2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SAHOD NG mga permanent employees ng
Cotabato city government, dodoblehin.

2. CAFGU ng North Cotabato, nasabugan ng delata sa mukha.3. SAMPUNG KAWANI NG SOUTH COTABATO Provincial
Government nanganganib matanggal matapos magpositibo sa illegal na droga.
4. Bahay sa Cotabato City, pinasabugan ng granada LUBOS ANG saya at pasasalamat ng mga
kawani ng Cotabato city government matapos marinig ang magandang balita na
inihatid mismo ni mayor Japal Guiani, Jr. sa kanyang talumpati ng pasasalamat
at kaarawan kahapon nang umaga sa People's Palace.

Dodoblehin na kasi ang sahod ng mga
permanent employees ng city government epektibo sa susunod na buwan matapos
itong matalakay at maaprubahan ang busget sa unang sesyon na pangungunahan ni
vice-mayor elect Atty. Cynthia Guiani-Sayadi sa Sangguniang Panlungsod.

Ayon kay mayor Guiani, nararapat lamang
na maibalik sa mga empleyado ang kanilang naging suporta at pagsisikap na
maging matagumpay ang implementasyon ng mga programang ipinapatupad ng city
government.

Samantala, ang mga casual employees
naman ay inaasahang makakatanggap din ng dagdag sa kanilang sahod.

Nabatid na maliban sa dobladong sahod,
makakatanggap din ng back to school bonus na 5,000 pesos at 5,000 pesos ring
Ramadhan bonus ang mga kawani ng city government.

SAMANTALA, naging matagumpay naman ang
pagdaraos ng Thanksgiving celebration ng mga elected officials ng lungsod
kahapon sa People Palace kasama ang mga empleyado ng City LGU at ilan pang mga
piling bisita ng lungsod.

PATAY ang
isang badjao na lalake na kinilalang si Nasser Aba, 20-anyos, matapos itong
pagbabarilin dakong alas-9:45 kagabi sa Purok Tungki, Brgy. Bagua Dos sa
Cotabato City,

Ayon kay
Cotabato City PNP Spokesperson PSI Rowell Zafra, napagkamalan umanong
magnanakaw ang biktima matapos itong namataan sa ilalim ng Maas bridge. Sa inisyal na
imbestigasyon ng City Police station 4, humihithit umano ng illegal na droga si
Aba sa ilalim ng tulay at paglabas nito ay agad na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang
suspek. Nagtamo ng
tatlong tama ng bala ang biktima sa kanyang tagiliran at isa rin sa kanyang
balikat. Narekober sa
crime scene ang limang empty shell at isang fired slug mula sa 9mm na baril. Kaninang
umaga lang ay kinuha na ng kanyang kapatid ang mga labi ni Aba at dinala na ito
sa bonggo island.

Nabatid na
sinisikap pa ng mga kaanak ng biktima na ipaalam sa kanyang asawa ang insidente
dahil nagtatrabaho umano ito sa ibang bansa. NAKILALA na ang babaeng natagpuang palutang
lutang ang bangkay Tarbong river, ND Village, Mother Barangay Rosary Heights sa
lungsod ng Cotabato kamakailan lang. Kinilala ang biktima na si Abegail Ang Uy,
34-anyos, walang trabaho at residente ng #038 4TH Road Macapagal street. Natagpuan ang bangkay ni Uy na palutang lutang
sa nasabing ilog pasado alas-sais ng umaga noong linggo. May isang tama ng bala ang biktima sa kanyang
ulo habang dalawang tama naman ng bala sa kanyang tiyan mula sa hindi pa
matukoy na kalibre ng armas.SAMANTALA, BLANGKO pa rin sa ngayon ang mga
otoridad kung ano ang motibo sa panghahagis at pagpapasabog ng granada kahapon
ng madaling araw sa isang compound sa lungsod. Sa inisyal imbestigasyon ng City Police
station number 2, nangyari ang pagsabog sa loob ng compound ng isang Rebecca
Bautista sa San Isidro Street ng RH-1O.

Narekober sa blast site ang Safety Lever ng
PRB Fragmentation Grenade na pinaniniwalaang ginamit sa pagpapasabog.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang pangangalap
ng karagdagang impormasyon ng otoridad upang mabigyang linaw ang naturang
insedente. PINAWI
ngayon ni DOH-ARMM Regional Secretary Dr. Kadil JOJO” Sinolinding ang pangamba
ng ilang mga kababayang Muslim na di-umanoy nakakasira sa pangangatawan ng
isang tao lalo na ang may ulcer ang Pag-aayuno. Binigyang
diin ni Sinolinding na walang katotohanan ang nabanggit na pangamba ng mga ito.

Ang
Pag-aayuno aniya ay isang mabuting Gawain ng isang Mananampalatayang Islam. Paliwanag
ni Sinolinding na sa pamamagitan ng pag-aayuno ay nagkakaroon ng respeto sa
pagkain ang bawat isa bukod pa sa nakakapahinga ang ating mga katawan at
kaisipan. Nakakabawas
din sa mga taong may high blood ang pag-aayuno at nakakapagpaganda pa ng mga
balat lalo na sa mga kababaihan. Nanawagan
naman ang kalihim sa mga kababayang Muslim na tiyakin na ang kanilang kakainin
ay mga malulusog na pagkain katulad ng isda, karne, mongo at iba pa.

Idinagdag
ni Sinolinding na mas mainam na uminom muna ng tubig at iwasan ang soft drinks
bago mag-iftar ang mga nagaayuno na mananampalatayang muslim.

PINAGKALOOBAN
ng tigisang sakong bigas ang lahat ng mga kawani ng Sangguninag Panlalawigan ng
Maguindanao sa unang araw ng pag ooserba ng buwan ng Ramadan.Pinangunahan
mismo ni Maguindanao Vice Governor Lester Sinsuat ang pamamahagi ng unang batch
ng mga bigas sa mismong tahanan nito sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Nabatid
na regular nang ginagawa ang Rice Ditribution tuwing Ramadan bilang tulong o
Sadaka” na kabilang sa inoobserba sa panahon ng Ramadan. Nagmula
ang pundong ipinambili ng bigas sa mismong sahod ng bise gobernador.

Lubos
naman ang pagpapasalamat ng mga kawani ng Sangguniang Panlalawigan makaraang
mabigyan ng tig isang sakong bigas.

Nagpositibo sa illegal drugs ang sampung mga kawani ng Provincial Government ng South Cotabato.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr, ang mga ito ay mula sa 68 mga kawani na isinailalim sa random drug testing noong nakaraang buwan.Sinabi ni Aturdido na ang resulta ng drug test ay ipadadala pa ng Integrated Provincial Health Office o IPHO sa Southern Philippnes Medical Center sa Davao City para sa confirmatory test.Inihayag nito na naka depende na kay Governor Daisy Avance Fuentes kung tatanggalin nito ang mga job order employee na mapatunayang positibo sa illegal drugs.
Habang idadaan muna sa mas mahabang proseso ang pagtanggal sa mga permanent employees na umanoy durugista.Ayon kay Aturdido ang mga hindi naman sumailalim sa test sa kabila ng pagpadala sa kanila ng sulat ay kailangang magpaliwanag.
Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Fuentes na handang tumulong ang pamahalaang panlalawigan sa pagpaparehab sa mga kawani nitong lulong sa illegal na droga. Umapela si South Cotabato PNP Provicial Director Senior Superintendent Franklin Alvero sa mga criminal groups at sangkot sa illegal na droga na makipagtulungan na lamang sa gobyerno.
Ito ang ipinahayag ni Alvero ilang lingo bago ang pormal na pag upo sa pwesto ni incoming President Rodrigo Duterte na nagpahayag na lilipulin nito ang mga criminal sa unang anim na buwan ng kanyang termino.
Partikular na nanawagan si Alvero sa mga drug lords, drugs pusher, at iba pang sangkot sa iba’t ibang krimen.
Ayon sa police official, mas makabubuting sumuko na sa mga otoridad ang sinumang sangkot sa illegal drug trade o anumang krimen bago pa maglunsad ng operasyon laban sa kanila ang Duterte Administration. Sumailalim sa katatapos lamang na road safety seminar ang daang daang mga traffic personnel, myembro ng tricyle operators at drivers Association sa Koronadal City.
Ang seminar ay naisakatuparan sa pakikipag tulungan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC sa Philippine Red Cross.
Ayon kay CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano, layon nito na maituro sa mga partisipante ang road safety policy.
Lumabas sa datus ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na 79 percent ng mga aksidente sa daan ay dahil sa human error.
Ipinahayag din ni Urbano na abot sa 3,000 katao ang namamatay kada araw batay naman sa Perspective ng PRC.
Ang pagsagawa ng PRC ng seminar ay bilang kabahagi din ng kanilang kampanya para maibsan ang aroad accident.
Ito ay bukod pa sa paglalagay ng PRC emergency hotline na 228-7798 sa mga pampublikong lugar at road safety commitment upang mapaalalahanan ang mga driver ng kanilang responsibilidad. Inaasahang dadalo sa Migrant Workers Day Celebration ang mahigit 500 active at inactive Overseas Filipino Workers o OFW sa buong region 12.
Ang selebrasyon ay gaganapin ngayong araw sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center.
Ayon kay OWWA 12 Regional Supervisor Marilou Sumalinog, upang masulit ang pagdalo ng mga OFW sa selebrasyon, ito ay masusing pinaghandaan ng kanilang tanggapan.
Kabahagi ng pagdiriwang ang lecture hinggil sa ASSIST-WELL Program ng National Reintegration Center for OFW, Anti Illegal Recruitment and Trafficking in Person ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.
Magkakaroon din ng mga palaro para sa mga OFWs.Magiging highlight naman ng migrant workers day ang presentasyon ng Regional OFW Manifesto na binalangkas mismo ng mga OFW leaders.
Aasahan naman ang pagdalo sa selebrason ni OWWA Administrator Rebecca Calzado.
Tema naman ng Migrant Workers Day Celebration ang Salamat OFW, Saludo Kami sa Inyo. Ginagamot pa ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City ang isang CAFGU mula North Cotabato na nalapnos ang mukha matapos masabugan ng pinainit nitong de lata.Kinilala ang biktima na si Gadioso Dagohoy, 23, anyos at residente Barangay New Israel, Makilala, North Cotabato.Ayon sa mga kaanak ni Dagohoy nakaapekto din sa cornea ng kanyang mga mata ang sumabog na de lata.
Ang biktimang CAFGU ay dinala ng kanyang mga kaanak sa South Cotabato Provincial Hospital dahil sa kawalan ng Opthalmogist na titingin sa kanya sa kanilang lugar.
Nabatid na ang de lata ay direktang inilagay ni Dagohoy sa apoy na naging sanhi ng pagsabog nito

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...