Saturday May, 04 2024 04:58:28 AM

NDBC BIDA BALITA (june 9, 2016)

 • 19:41 PM Thu Jun 9, 2016
1,150
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 09, 2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BATA, patay sa road accident sa
Midsayap, North Cotabato.

2. DALAWA KATAO, patay sa pamamaril sa
Matalam, North Cotabato at most wanted sa kasong pagpatay sa Davao del Sur,
arestado na.

3. MGA RESIDENTENG lumikas dahil sa
pag-atake ng NPA sa isang barangay sa Lake Sebu, South Cotabato, nakauwi na

4. Kampanya kontra dengue, pinalalakas sa Mlang, North Cotabato, mga bahay dapat daw linisin lalo na't tag-ulan. SA DETALYE...PATAY ang sampung taong gulang na bata matapos
na mabundol ng motorsiklo sa Midsayap, North Cotabato.

Sa ulat ng Midsayap PNP, naganap ang
insidente pasado alas tres ng hapon kahapon sa Makar national highway, sa
bahagi ng barangay Nabalawag, Midsayap.

Kinilala ang nasawi na si Ryan Akmad,
sampung taong gulang, residente ng naturang barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tumatawid
si Akmad nang mahagip ng rumaragasang HOnda XRM Motorcycle with licensed plate
KO- 2496 na minamaneho ng 16 na taong gulang na estudyante na sadyang hindi
kinilala sa ulat dahil ito ay menod de edad.

Dead on the spot ang biktima habang ang
suspek ay nagtangka pang tumakas subalit naharang siya sa checkpoint sa crossing
Kapinpilan. Nabatid na kahapon ay nagkaroon na ng
amicable settlement ang mga magulang ng biktima at ng suspek kaugnay ng naganap
na aksidente.
TATLO KATAO
naman ang sugatan matapos magsalpukan ang kanilang mga sinasakyang motorsiko sa
Cotabato city

Sa report ng
City PNP, naganap ang insidente pasado alas dyes kagabi sa flyover sa bahagi ng
barangay Rosary Heights 2 ng lungsod. Nakilala ang
mga sugatan na sina Norjun Oranion, 19 years old at taga – barangay Rosary
Heights Mother Michael Francisco, 29 years old, security guard na taga Parang,
Maguindanao at ang angkas nitong si Sonny Villagracia. Nabatid na
nagkasalpukan ang mga motorsiklong minamaneho nina Oranion at Francisco nang
magkasalubong ang mga ito sa flyover.

Nagmula sa
college area si Oranion habang mula naman sa highway si Francisco. Mabilis
namang isinugod sa pagamutan ang tatlo matapos na magtamo ng maraming mga sugat
at pasa sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

HANGGANG
NGAYON ay hindi pa rin umaalis ang maraming mga pamilya sa barangay Rosary
Heights 2, Cotabato city, partikular sa DapDap at Kalye Putol area kahit na
paso na ang palugit na ibinigay sa kanila ng nagmamay-ari ng lupa. Nabatid
na abot sa ABOT sa 70 mga pamilyang pinapa alis sa naturang lugar dahil sa
itatayong malaking business establishment doon. Gayunman,
sinabi ni Secretary to the City Mayor Boy Rasalan na bagaman at pumayag na ang
naturang mga pamilya na umalis ay ayaw pa ring lumipat ng mga ito sa relocation
site. Dalawang
ektaryang lupa ang inilaang relocation area ng City LGU sa barangay Kalanganan
mother subalit hindi pa makalipat doon ang mga pinapa-alis na residente mula sa
barangay Rosary Heights 2 dahil wala pang linya ng kuryente at tubig doon. Gayunman,
sinabi ni Rasalan na may ilang pamilya na naka-alis na at pansamantala ngayong
nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak.

Nabatid
na ang mga umalis na pamilya ay nabigyan ng tig P4, 500.00 na cash assistance. Habang
ang ibang pamilya naman ay nagmamatigas na umalis dahil anila, wala naman daw
silang nakikitang court order na pormal na nagpapa alis sa kanila sa naturang
lugar.

Patay
ang isa sa most wanted ng PNP Region 12 dahil sa droga matapos makipagbarilan
sa mga pulis na magsisilbi sana ng search warrants sa Bgy. Sinawal, General
Santos City. Kinilala
ni Central Mindanao Regional Police Office spokesperson Supt. Romeo Galgo ang suspek na
si Conrado Daffon Medino na subject ng isa sa mga search warrants na ipinalabas
ng korte. Gayunman,
nang isisilbi na ng mga otoridad ang search warrants kay Medino at sa iba pa
nitong mga kasamahan, nanlaban umano ito at nagpaputok ng baril dahilan para
gumanti ng putok ang mga pulis at napuruhan ang suspek Narecover
sa bahay ni Medino ang isang cal. 45 pistol at mga bala at walong heat sealed
plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng tatlong
milyong piso, assorted drug paraphernalia, walong motorsiklo, isang plastic bag
na naglalaman ng mahigit 3 daang libong piso, timbangan, laptop, cctv cameras,
cellphones, at handheld radio.

Kinumpirma
ng Armed Forces of the Philippines na naihatid na sa Sandakan Malaysia ang apat
na crew ng isang tugboat na pinalaya ng Abu Sayyaf Group. Ayon
kay Western Mindanao Command spokesperson Maj. Felimon Tan, nakabalik na sa
Malaysia ang mga bihag na sina Wong Teck Chii, Johnny Lau Jung Hien, Wong Teck
Kang, at Wong Hung Sing Sabi Tan,
ang pagpapalaya sa mga bihag ay resulta ng negosasyon pero wala silang
impormasyon kung nagkaroon ng bayaran ng ransom para sa paglaya ng apat na mga
dayuhan. Dinukot
ang apat na crew ng tugboat ng mga ASG member sa pangunguna ni ASG Sub-Leader
Madjan Sahidjuan, alias Apuh Mike sa may karagatang sakop ng Sempornah, Sabah
noon pang April 01, 2016.
Dahil
sa nasabing pangyayari ay naghigpit ng maritime patrol sa lugar ang mga tuhan
ng militar mula sa bansang Malaysia, Indosesia at Pilipinas. Magkakaroon na ng permanenteng matitirhan ang 22 pamilya na umano ay binawian ng lupain sa PUrok 11, Barangay Polunoling. bayan ng Tupi, South Cotabato.
Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer o PSWDO Nelida Periera , naglaan ng P460 thousand ang pamahalaang panlalawigan at P60 thousand ang Tupi LGU para sa relocation site ng mga pinalikas na pamilya.
Plano ng provincial government ayon kay Periera na gamitim ang nalikom na pondo para pambili ng may isang ektaryang lupain sa Lower Sitio Lumet, Polunoling.
Ito ayon kay Pereira ay para magkaroon ng permanenteng mapagtayuan ng kanilang mga bahay ang mga apektadong pamilya.
Ayon naman kay Tupi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC Action Officer Emil Sumagaysay,ang lupain ay ilalaan din ng lokal na pamahalaan para sa iba pang mga residente na maaring mawawalan ng tirahan.
Ang mga lumikas na pamilya ay nauna nang nabigyan ng pamahalaang panlalawigan ng tig P20 thousand cash assisanc Mga Overseas Filipino Workers saSouth Cotabato, umapela sa pamahalaan ng kaukulang tulong.Sa isang manifesto, sinabi niOFW Regional Federation President Datu Dim Macagcaid, na ilan sa kanilang ipinanawagan sa gobyerno ang dagdag na benipisya, mas malawak na coverage sa Philhealth at ang agarang pagtulong sa mga minaltratong OFW.
Ang hiling na ito ng mga OFW ng rehiyon dose ay nakasaad sa manifesto na kanilang isusumite sa Duterte Administration.
Hindi naman napigilan ni Macagcaid na maging emosyonal habang ibinibigay ang kopya ng manifesto kay Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Administrator Rebecca Calzado kamakalawa.
Si Calzado ay naging panauhing pandangal sa Mingrant Workers Day Celebration ng OWWA sa Koronadal City kahapon.
Bibigyan din ng kopya ng manifesto ng grupo si incoming DOLE Secretary Silvestre Bello III.
Kasabay ng selebrasyon ang pamimigay din ng OWWA ng may P10 thousand halaga na kabuhayan Starter Kits sa mga OPFW benipisyaryo ng Balik Pinas Program ng OWWA. Nangako na titigil na sa masamang bisyo at magbagong buhay ang 23 na mga drug pusher at user na bolontaryong dumulog sa pulisiya sa Surallah, South Cotabato.
Ayon kay Surallah PNP Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte, kasabay din ng pagsuko ng mga ito ang paglagda sa certificate of undertakings” ng PNP.
Naniniwala si Fuerte na ang paglitaw ng mga suspected drug pusher at user ay resulta ng kanilang mas pinaigting na kampanya kontra illegal drugs na sinimulan noong Abril.
Ayon kay Fuerte, sumuko ang mga umanoy drug pusher at user matapos ipaalam sa bawat barangay na may listahan ng mga sangkot sa illegal na droga ang PNP.
Kinumbinsi din ng pulisiya ang mga tulak at gumagamit ng draga na magbagong buhay na habang mayroon pang pagkakataon.
Nilinaw naman ni Fuerte na kapag lumalabas sa monitoring ng PNP sa loob ng dalawang buwan na tumigil na sa illegal na gawain ang mga drug suspek na sumuko, tatanggalin ang mga ito sa target list ng PNP.
Tiniyak naman ng police official na mananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng mga drug suspek na sumuko o susuko pa sa pulisiya.
Nauna nang nananawagan si South Cotabato PNP Provincial Director Senior Superintendent Franklin Alvero sa mga drug suspek at iba pang criminal groups na bago pa tugisin ng Duterte Administration, makipagtulungan na sa mga otoridad. Pinayuhan ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib ang mga aplikante sa Jobs Fair ng ahensya na magdala ng maraming kopya transcript of records, application letter, resume’ at iba pang kakailanganing dokomento.
Ito ayon kay Gutib ay upang makapag-apply sa mas maraming employer at magkaroon ng mas malaking tsansa na makahanap ng trabaho.
Nabatid na libo libong trabaho ang nakalaan para sa mga jobs seeker sa Kalayaan Jobs Fair ng DOLE 12 bukas June 10.
Ang jobs fair ay gaganapin sa KCC Mall Convention Center sa Koronadal City.
Kabilang sa mga in demand na trabaho na iaalok sa jobs fair ang customer service crew,service crew, cashier, drivers, factory workers, skilled workers at iba pa.
Ang Kalayaan Jobs fair ay gagawin bilang kabahagi ng Independence Day Celebration sa Hunyo a dose.
Ito ay isa sa tatlong malalaking taunang Jobs Fair ng DOLE. Nakabalik na kahapon sa kanilang mga tahanan ang mahigit 100 mamamayan na lumikas sa Sitio Lamsuguing, Barangay Lamfugon, Lake Sebu, South Cotabato.
Ito ay ayon kay Lake Sebu Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC Action Officer Roberto Bago.
Ayon kay Bago ang mga lumikas na residente ay pansamantalang nanuluyan sa bunkhouse ng isang construction company sa lugar.
Ito ay matapos salakayin ng mahigit 100 myembro ng di pa matukoy na armadong grupo ang Maitum-Gensan Road construction site sa kanilang lugar.
Ang panghaharass ng di pa tukoy na armadong grupo sa Lamfugon ay kasunod naman ng panghaharass ng umanoy New Peoples Army sa patrol based ng 27th IB ng militar sa Sitio Abokado, Barangay Takunel, Lake Sebu kamakalawa.
Nabatid na umabot sa 20 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng grupo sa lugar.
Wala namang sugatan sa tropa ng pamahalaan.
Bago pa man ito, pinaputukan din umano ng armadong grupo ang detachment ng militar sa Barangay Aflek, T’boli, South Cotabato.
Nilinaw naman ni T’boli Chief of Police, Chief Inspector Jose Mari Simangan na hindi NPA ang may kagagawan sa panghaharass dahil pinag-ugatan nito ay awayan sa lupa. Ipinahayag naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance na malamang ay nagpapapansin lamang ang mga rebeldeng grupo na sumalakay sa Lake sebu at t’boli dahil sa ginagawa ngayong negosasyon ng kampo ni incoming president Rodrigo Duterte kay Communist Party of the Philippines o CPP Founder Jomar Sison. D ahil lamang sa itinapong tubig, dalawa katao ang
patay sa barilan – gamit ang improvised shotgun sa Matalam, North Cotabato.

Kinilala
sa report ang mga nasawi na sina Salipada Tomanggong, 50 anyos at Mandangan
Maglala, 60, na kapwa taga-Barangay New Abra, Matalam.

Kinilala
naman ang mga suspect na sina Winnie Banat, 46 anyos ng Sitio Natutungan,
Barangay Kabulakan, Matalam at Marcial Velasco na taga-Purok-Uno, Barangay New
Abra, Matalam.

Ayon
sa report, nagtungo sa bahay ni Maglala si Banat para magtanong kung sino ang
nagtapon ng tubig na nasa loob ng container.

Pero
sa halip sagutin, tinutukan si Banat ng improvised shotgun ni Maglala.

Umuwi
si Banat sa kanyang bahay at kinuha ang shotgun, kasama niya si Velasco na
kanyang kapitbahay.

Binalikan
nila si Banat at dito na sila nagpang-abot.
Patay on-the-spot sina Maglala at ang kanyang kapitbahay na si Tomandong.

SA LALAWIGAN NG DAVAO DEL SUR, arestado
ng pinagsamang puwersa ng PNP mula sa bayan ng Hagonoy at Digos City sa
lalawigan ng Davao del Sur ang 62-anyos na si Akmad Sabdulla na wanted sa
kasong pagpatay. Inaresto
si Sabdula batay sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Magluya Velez ng
Regional Trial Court branch 20 sa Digos City.

Ayon
sa report, pinasok ng mga awtoridad ang bahay ni Sabdula sa may Roxas
Extension, Brgy Zone-2, Digos Ctiy, alas-420 ng umaga, kahapon. MISSING
pa rin, hanggang sa ngayon, si Police Officer 1 Romeo Solana na elemento ng
Cotabato Public Safety Company ng North Cotabato PNP.

Nito
pang June 1 siya nawawala.

Huli
siya’ng nakita’ng buhay sa may Barangay Sto. Nino, Kidapawan City.

Pero
pagkatapos nito ay ‘di na siya natagpuan.

May
lumalabas na mga report na siya ay pinatay at itinapon ang bangkay sa isang
bahagi ng bayan ng President Roxas at Antipas. Pero,
hanggang sa ngayon, ‘di pa rin ito makumpirma ng mga awtoridad.

Sa
bayan ng Antipas, itinanggi ng kanilang hepe na si Senior Inspector Rolly
Oranza na may bangkay na natagpuan sa kanilang bayan. Nauna
nang kumalat na may bangkay ng lalaki sa kanilang lugar pero di naman tiyak ang
partikular na erya.

Sinabi
niya na agad siya’ng nakipag-ugnayan sa labing-tatlong mga barangay sa Antipas
upang i-beripika ang report. Pero
wala umano’ng makapagturo kung saan, partikular, na itinapon o nakita ang
naturang bangkay.

At
di rin matiyak kung bangkay nga ba ito ng nawawalang pulis.

SA HALIP
sa mga paaralan, sa mga evacuation site tiyak maglalagi ang mga estudyante at
kanilang mga magulang ngayong pasukan.

Ito
ang pananaw ng dalawa sa higit 100 mga magulang na nasa evacuation site sa
Barangay ng Estado sa bayan ng Matalam. Kasama
sila sa mga lumikas sa kanilang mga barangay nang magkabakbakang muli ang grupo
ng Moro National Liberation Front o MNLF at ng Moro Islamic Liberation Front o
MILF. Sumiklab
na namang muli ang girian sa pagsisimula ng Ramadan.

Tiyak
ng ilang mga bakwit na magtatagal na naman ang tensyon kaya’t mas pinili na
lamang nila manatili sa mga ligtas na lugar para ‘wag mahagip ng mga bala mula
sa mga naglalabang grupo.

ANG
tensyon sa bayan ng Matalam nararamdaman din sa kalapit-barangay ng Malinan sa
Kidapawan City.

Sa
data na hawak ni City Mayor Joseph Evangelista, abot sa tatlong daang mga
inbidibwal o siyamnapu’t walong mga pamilya ang kanilang lumikas patungo ng
Sitio Talisay sa Barangay Malinan. Agad
nagbigay ng mga paunang tulong ang city government, tulad ng food relief items
at mga trapal para pansamantalang may magamit habang nasa evacuation site.

SA
KABILA
ng panawagan ng Kidapawan City Government sa mga may-ari ng tindahan sa loob ng
mega market na magbayad ng buwis, di pa rin umano nila ito pinansin. Noon pang nakaraang
taon ay nagbigay ng tax amnesty ang city LGU sa mga delinkwente na mga market
stall owners. Ibinatay ito sa City
Ordinance Number 15-067 o ang Tax Amnesty Ordinance. Pero ayon sa Opisina
ng City Treasury ng Kidapawan LGU, winalang-bahala ito ng maraming mga negosyante
sa Mega Market.

Kaya’t nito’ng
Miyerkules ay kinandado na nila ang naturang mga market stalls. Ang closure ay
nakabase sa ipinalabas na Executive Order ni City Mayor Joseph Evangelista.

Saka lamang umano
papayagan ang mga may-ari na makapagbukas ng kanilang mga tindahan kung tapos
na ang settlement nila sa ‘di nabayarang buwis.

DAHIL tag-ulan
na, madalas ang mga lugar na pinangingitlugan ng lamok na nagsasanhi ng dengue
ay nasa mga bahay-bahay lang. Maaari’ng magparami
ng kanilang mga itlog ang mga lamok sa mga tansan ng mga botelya, lumang
gulong, nakabukas na tangke, plorera, at iba pa. Kaya’t ang Municipal
Health Office sa bayan ng M’lang nagpaigting pang lalo ng kanilang kampanya
kontra dengue.

Tinarget nila ang
mga paaralan at malalayong barangay. Ayon kay Dr.
Glicerio Sotea, Jr., municipal health officer ng M’lang, bagama’t di pa umabot
sa alert level ang bilang ng mga nagka-dengue sa kanilang bayan, tuloy pa rin
ang pagpapalaganap nila ng information education campaign o IEC patungkol sa
dengue. Nito’ng Mayo, abot
sa dalawampu ang bilang ng dengue cases – o dalawampung porsiento na mas mababa
sa alert level ng bayan.

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...