Wednesday Apr, 24 2024 11:14:34 AM

NDBC BIDA BALITA (March 14, 2016)

 • 17:01 PM Mon Mar 14, 2016
1,374
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 14,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. OPERASYON ng PNP laban sa iligal na
droga sa Midsayap, North Cotabato, pina-igting pa tatlong suspected drug
pusher, arestado.

2. PATULOY na pagbibigay ng insentibo
sa matagumpay na operasyon ng mga pulis laban iligal na droga sa South
Cotabato, tiniyak

3. Dalawa sa mga Most Wanted Person sa
North Cotabato, kalaboso na

4. Basketball program for the youth, handa na sa South Cotabato5. Curfew hours para sa mga minors, muling ipinatupad sa Koroandal TATLO NA NAMANG indibidwal
ang naaresto ng Midsayap PNP matapos
makuhanan ng ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni Midsayap PNP Chief
Police Supt. Tom Tuzon na naaresto noong Sabado, March 12 sina Danny Badria, 41

years old at Eddie Tagacay,
alyas long hair, 52 anyos, sa buy bust operation sa barangay Poblacion 8.

Nakuha mula sa mga suspek
ang ilang sachet ng Shabu at isang bundle ng dried Marijuana, drug
paraphernalia at cal. 45 pistol na walang lisensya.

Sina Tagacay at Badria ay
matagal ng minamanmanan ng mga otoridad matapos paghinalaang nagbebenta ng
iligal na droga.

Kasunod nito, naaresto naman
sa checkpoint sa barangay Kapinpilan si Marissa Lazaro na taga-Libungan. Nakuhanan
rin ito ng iligal na droga.

Sa ngayon, sinabi ni Tuzon
na abot na sa 30 katao
ang naaresto sa bayan kaugnay ng mas pina –igting na operasyon ng mga otoridad
laban sa iligal na droga.

Mula Pebrero hanggang ngayong buwan,
abot na sa 88 sachets ng Shabu ang nakumpiska na nagkakahalaga ng mahigit 600
libong piso.

Nakakumpiska rin ang Midsayap PNP ng
anim na iba’t ibang uri ng baril at isang granada.

Sabi ni Tuzon, ang kanilang operasyon
laban sa mga drug pusher sa bayan ay direktiba mula sa North Cotabato PNP
katuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan. PATULOY PA
RING inaalam ngayon ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng isang lalaking
natagpuang wala ng buhay sa national highway na sakop ng barangay Salimbao,
Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sa report ng
Sultan Kudarat PNP, pasado alas nuebe kagabi, nang inilaglag sa hindi na tukoy
na sasakyan ang biktima saka pinagbabaril ng di pa nakikilalang mga suspek.

Nagtamo ng
mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima mula sa cal. 45 pistol.

Ayon sa
pulisya, ang biktima ay nkasuot ng comouflage T-shirt at cargo pants, nasa
28-30 years old ang edad, tinatayang nasa 5'4 ang taas at kayumanggi ang balat.

Kasunod nito
ay nananawagan ang Sultan Kudarat PNP sa mga nawawalan ng kamag-anak na tugma sa
paglalarawan sa report na agad makipag ugnayan sa kanilang himpilan.

Ang bangkay
ng naturang biktima ay nasa sa villa funeral homes, sa cotabato city.

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng
mga mga pulis sa Jolo.

Ito ay matapos na mag-amok at pinaputukan ang
mga pulis gamit ang dalang M14 rifles pagpasok nito sa mismong gate ng Jolo PNP
Station sa Marina Street, Barangay Walled City, Jolo, Sulu pasado alas onse ng
umaga kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Larry Lnu, na kilala
umanong gambling lord sa lugar.

Nabatid na noong Sabado pa hinahanap ni Lnu sa
Jolo PNP station si Police Superintendent Junpikar Paner Sitin na noon ay nasa
Zamboanga City.

Napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok
matapos na paulanan sila ng bala ni Lnu.

Dead on the spot si Lnu habang wala namang nasugatan
na pulis sa insidente.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng Jolo PNP
kung ano ang dahilan ng pagwawala ni Lnu. NILINAW
NGAYON ni Sr. Supt. Roberto Badian na itinalaga siya ng PNP 12 bilang overseer
para tingnan ang operasyon ng Cotabato City PNP habang wala pang naitatalagang
bagong City PNP Director.

Kinumpirma ni
Badian na na-relieve si City PNP Dir. Sr. Supt. Raul Supiter pero hindi naman
nilinaw ng opisyal ang tunay na dahilan ng pagkakatanggal kay Supiter sa
tungkulin.

Pero sabi ni
Badian, hangga’t wala pang napangalanang bagong City PNP Director ay mananatili
si Supiter sa City PNP.

Sa ngayon
sinabi ni Supiter na patuloy ang operasyon ng City PNP sa mga ipinagbabawal na
gamot at mga loose firearm.

Ito aniya ay
bahagi ng mas pina igting na programa ng buong kapulisan sa region 12 kontra
droga at mga baril.

Katunayan, naaresto ng mga
otoridad si Bainot Manalalsal sa bisa ng search warrant noong Biyernes, March
11.

Iniimbistigahan pa ng City Vetinary office ang umanoy kaso ng New castle disease o NCD sa Koronadal City.Ayon kay Koronadal City Veterinarian Dr. Charliemagne Calo, may mga suspected cases na kasi ng NCD ang naitala sa Barangay Paraiso sa lungsod.
Gayunpaman nilinaw ni Calo na ito ay isolated case lamang at hindi dapat ikabahala ng publiko.
Umapela naman si Calo sa mga mamamayan ng Koronadal na bigyan ng bakuna ang kanilang mga alagang manok.
Ito ay para magkaroon ng sapat na resistensya at mapigilan ang posibleng pagkakaroon ng Newcastle outbreak sa Koronadal city.
Payo ni Calo sa mga mamamayan na magbibigay ng vaccine sa kanilang mga alagang manok , ipaalam din ito sa kanilang mga kapitbahay .
Ayon kay Calo ito ay para makapagbakuna rin at hindi mahawaan ng virus ang alagang manok ng kanilang mga kapitbahay.
Ayon kay Calo nagbibigay ng libreng newcastle vaccine ang city veterinary office
Nauna nang ipinahayag ni South Cotabato OIC Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot, na ipinatutupad ngayon ang maigting na monitoring sa Newcastle disease sa mga boundary ng South Cotabato.
Layon nito na mapigilan ang pagpasok sa South Cotabato nng mga manok na apektado ng Newcastle disease mula sa karatig na lalawigan.
Ipatutupad muli ang curfew hours sa mga menor de edad sa Koronadal City sa lalong madaling panahon.
Ito ay ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes.
Ayon kay Condes, layon nito na maiwasan ang pangaabuso sa mga menor de edad.
Ipinahayag ni Condes na dahil sa hindi maaring makulong, may mga grupo na gumagamit sa mga menor de edad sa iba’t ibang krimen.
Sa katunayan ayon kay Condes patuloy pa ring nakakahuli ng mga sangkot sa petty crimes ang mga pulis sa Koronadal City .
Katuwang ng PNP sa pagpapatupad ng curfew hours ang City Social Welfare and Development Office o DSWDO at City Health Office. Ipinahayag naman ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na pinakamabisang paraan para maiwasan ang pagkakasangkot ng mga batang kalye sa krimen ang curfew hours.
Ito ayon sa alkalde ay bilang tugon naman ng city LGU sa Juvenile Justice and Welfare Act na nagbabawal sa pagpapakulong sa mga menor de edad na sangkot sa krimen. Ipatutupad ang curfew hours sa mga menor de edad sa Koronadal ng mula als onse ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.
Sakop nito ang mga kabataang nagkakaedad ng mula disi otos anyos pababa.
Naghahanda na para sa 2016 basketball clinic nito ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Ang basketball clinic ay inaasahang magsisimula sa huling linggo ng Marso.
Ito ay ayon kay Jinky Avance, ang Sports and Youth Development Program o SYDP Coordinator ng lalawigan.
Target ng SYDP na makapagsagawa ng dalawampung basketball sports clinic hanggang sa Disyembre.
Ito ayon kay Avance ay gagawin naman kada weekend.
Ang ang mga participants na sasailalim sa dalawang araw na training ay mabibigyan ng libreng bola.
Layon nito ayon kay Avance na mailihis mula sa illegal na droga at iba pang bisyo ang mga kabataan sa South Cotabato.
Magiging daan din ang aktibidad ayon kay Avance para makadiskubre ng mga potential basketball players ang lalawigan.
Naglaan naman ng mahigit limang daang libong piso para sa basketball clinic nito ngayon taon ang South Cotabato Provincialk Government.
Sumailalim sa katatapos lang na seminar at orientation ng Commission on Elections o Comelec ang 282 na mga guro sa Koronadal.
Ayon kay City Election Officer Richard Opinion ang mga guro ay magsisilbing Board Of Election Inspectors o BEI sa eleksyon .
Ipina-alala ng Comelec sa mga BEI ang kanilang responsiblidad lalong lalo na sa araw mismo ng election sa May 9.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Opinion na nubenta porsyento nang handa para sa halalan ang Comelec Koronadal.
Nagpapatuloy din ayon kay Opinion ang monitoring ng kanilang tanggapan sa mga lumalabag sa mga common poster areas.
Kinumpirma ni Opinion na may nasampulan na ang operation baklas ng city comelec office.
Umapela din si Opinion sa mga botante ng Koronadal na alamin na ang kanilang presinto ngayong pa lamang.
Ito ayon kay Opinion ay upang hidni na mamroblema sa kanilang pagboto sa May 9.
Para sa mas mabilis na pagboto, pinayuhan din ni Opinion ang publiko na maghanda ng listahan ng mga ibobotong kandidato bago pa man pumunta sa mga voting centers.
Makatatanggap pa rin ng insentibo ang mula sa Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC ang mga pulis na makapag-aresto at makakumpiska ng illegal na droga sa South Cotabato.
Ayon kay Board Member Agustin Dema-ala na siya ring Action Officer ng PADAC, naglaan ang PADAC ng apatnaraang libong piso para sa Cash Reward System.
Ito ang ipinahayag ni Demaala matapos kumpirmahin ang paglaan ng provincial government ng mahigt 3.5 million pesos sa PADAC ngayong taon.
Mas mataas naman ito sa 2.6 million na pondo ng PADAC noong nakaraang taon.M
Kinuha ang tig iisang milyon ng pondo sa Regular Fund at Peace and Order Fund ..
Habang ang dagdag na limang daang libong piso ayon kay Demaala ay mula naman sa Supplemental budget number 2 ng lalawigan.
Matatandaan na abot sa apatnaraang libong pisong halaga ng illegal drug ang kumpiska sa pamamagitan ng One Time Big Time” ng PNP sa unang dalawang buwan ng 2016. Matapos ang mahigit isang taong pagtatago sa batas, napasakamay na rin ng Matalam PNP ang dalawang magsasaka nang maaresto sila sa brgy. Bato, Matalam, North Cotabato.Kinilala ni Chief. Ins. Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang dalawang mga suspek na sina JERRY PABLO ANIB alias BEBOT, 43- anyos at isang ROYDEMZON PACAONSIS, 47-anyos kapwa residente ng nabanggit na lugar.Nahuli ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest na inahain ni Hon. Laureano Alzarte ng RTC Branch 22 Kabacan na may petsang January 23, 2015 dahil sa kasong attempted murder.Nabatid na si Anib ay Top 9 most wanted ng Matalam PNP habang Top 8 most wanted person din si Pacaonsis.Pawang wanted rin ang dalawa sa Oplan Lambat Sibat sa buong North Cotabato.Nakakulong na ngayon ang dalawang mga suspek sa Matalam PNP lock up Cell. Abot sa 31 thousand pesos na cash ang natangay ng mga di pa kilalang suspek nang looban nila ang bahay ng isang NINA OJEDA BARIENTO, 64 YEARS OLD, sa PUROK MALINAWON,POBLACION, Magpet North Cotabato noong Sabado.Kwento pa nang biktima sa mga pulis madaling araw na nang madiskubreng bukas na ang kanyang bintana at wala na ang ang kanyang pera.Habang iniimbestigahan naman ang kaso ni Bariento isang PERLA CASAS TARAN, 66 anyos, retired teacher ang humingi rin ng saklolo sa Magpet PNP dahil nilooban rin umano ang kaniyang bahay.Sa imbestigasyon ng pulisya, ang bahay ni Taran ay limangpung metro lang din ang layo mula sa bahay ng naunang biktima.Mga cellphone at iba pang gamit ang natangay ng di pa kilalang suspek mula kay Taran.Samantala, sa araw ring iyong nagsumbong rin ang isang RUFINA GEMINTIZA DESCALLAR, 59-anyos, nang pasukin rin ang kanilang bahay sa brgy. Gubatan, Magpet North Cotabato.Ayon pa kay Descallar nakapasok ang mga magnanakaw sa kanilang bahay sa pamamgitan ng pagsira sa kanilang bintana.Dalawang laptop, apat na cellphone, cash at iba pang mahahalagang gamit ang natangay mula sa biktima.Sa ngayon iniimbestigahan pa ng Magpet PNP ang serye ng nakawan sa bayan habang iniaalam din nila kung sangkot sa malaking grupo ang mga magnanakaw na ngayo'y umaatake sa mga residente sa bayan.0-0Muling ibinabala ngayon ng Buruea of Fire Protection sa mga magulang ng mga bata na huwag silang hayaang maglaro ng posporo o anumang maaring maging sanhi ng sunog lalo na ngayong panahon ng tag-init.Ito matapos lamunin ng apoy ang buong bahay ng isang magsasaka na si NOEL ALDE DANDUAN, 37 anyos na taga Purok, Malinawon, Brgy. Poblacion, Magpet North Cotabato umaga noong sabado.Sa report ng Magpet PNP, nakatanggap na lamang sila ng tawag sa umano nangyayaring sunog sa nabanggit na lugar.Dahil sa gawa sa light materials ang bahay ng biktima mabilis na kumalat ang apoy.Agad namang rumesponde ang Magpet PNP katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangunguna ni ELPIDIO MARZON, JR, FIRE OFFICER LEBRILLO at mga residente sa lugar para apulahin ito.Dahil sa insidente tinatayang nasa 100 thousdand pesos ang danyos na iniwan ng nabanggit na sunog.Pinaniniwalaang posposro naman na pinaglaruan ng mga anak ni Danduan ang itinuturong dahilan sa nangyaring sunog sa lugar. Matapos ang kontrobersyal na survey, sisimulan na sa Kidapawan City Government ngayong buwan ang pagdevelop sa limang ektaryang Resettlement Housing project sa Sitio Sibug, Brgy Sudapin, Kidapawan City.Sinabi ni City Information Officer Psalmer Bernalte, abot sa 24 million pesos ang inilaang pondo mula sa National Housing Authority (NHA) na ibinigay para sa City Government noong 2015.Nilinaw ni Bernalte, na binilisan ng LGU ang nabanggit na proyekto dahil kung hindi raw ito sisimulan ngayong taon posibleng babawiin ng NHA at ibibigay sa ibangprobinsiya.Nabatid na isang low-cost ang disenyo ng programa na iniaasahang papakinabangan ng 350 mga informal settlers.Prayuridad rin nito ang 48 mga Indigenous People's Families na una nang nakatira sa project site.Base sa datus. nasa higit dalawang libong mga pamilya pa ngayon sa Kidapawan City ang walang sariling bahay at lupa na nakatira malapit sa mga ilog, road-right of way at mga private propoerty sa lungsod. Handang handa na ngayong ang buong bayan ng President Roxas, North Cotabato sa gagawing State of the Province Adress o SOPA ni Cotabato Governor Emylou Mendoza alas 9:30 ng umaga bukas.Gagawin ito kasabay ng 125th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato sa Pres. Roxas municipal gymnasium.Inaasahang ibibida ng gobernadora ang kanyang mga nakumpletong proyekto at mga programa sa ilalim ng kanyang administrasyon.Kabilang na rito ang kanyang mga nagawa kaugnay sa financial management, infrastructure development, socio-cultural development, agricultural and economic development, public safety at iba pa.Mapapakinggan rin ang mga plano at mga bagong programa ng opisyal sa kanyang huling taon sa kanyang ikalawang termino.Inaasahan ring ang mga pagbabago at pagpapaunlad sa ilang mga programa ng gobernadora kaugnay sa kalusugan, edukasyon, ekonomiya, agrikultura at peace and order situation sa probinsiya.Ang nabanggit na aktibidad ay inaasahang dadaluhan ng libu-libong mamamayan mula sa national line agencies, Non-Government Organization, Peoples Organization, provincial and municipal officials ng 17 bayan sa lalawigan at isang lungsod, business sektor, academe, agriculture,at iba pang sektor.Samantala, ngayon pa lamang nakaalerto na ang buong hanay ng PNP para sa seguridad ng mga mamamayan na makiisa sa nabanggit na aktibidad.NDBC BIDA BALITA

Former Sen. Rene Saguisag dies

MANILA — Former Sen. Rene Saguisag, a human rights lawyer and defender, has died Wednesday morning, his lawyer son, Rebo Saguisag, announced on...

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...