Friday May, 10 2024 01:02:12 PM

NDBC BIDA BALITA March 18, 2016

 • 04:30 AM Sat Mar 19, 2016
1,209
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 18,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KATIWALA ng police station no. 2 sa
Cotabato City, nagpatiwakal

2. Militar, inaming may mga kandidatu
na sa North Cotabato ang nagbayad ng Permit to Campaign sa New People's Army

3. Mga mamamayan sa South Cotabato
pinagiingat ng PNP para hindi makabili ng nakaw na motorsiklo.

4. P1.3 million halaga ng ari-arian natupok sa sunog sa Kidapawan

HINDI na umabot pa sa pagamutan ang
isang lalaki matapos magbigti sa loob mismo ng Cotabato City Police station no.
2 pasado alas-10 nang umaga kahapon.

Kinilala ang nagpatiwakal na si
Bonifacio Libre Jr., 18-anyos, residente ng Davao City.

Sa report ng PS2, natagpuan na lamang
ng mga pulis si Libre na nakatali sa lubid ang leeg at nakabitin sa kanilang
CR.

Nabatid na nasa tatlong buwan na sa
pangangalaga ng PS2 si Libre dahil wala na umano itong mauuwiang bahay o
pamilya.

Naging emosyonal naman ang buong police
station 2 dahil sa pangyayari lalong lalo na si Station Commander Sr. Insp.
Carlo Jurinario matapos mabasa ang suicide note ni Libre kung saan
nagpapasalamat ito sa lahat ng kagandahang loob na ipinakita sa kanya ng tropa.

Sa ngayon ay hinahanap na ng PS2 ang
mga kaanak ni Libre para makuha ang mga labi nito.

PINAGBABAYAD
ng 250 pesos ang mga may-ari ng mga asong gala o askal na hinuli ng Department
of Agriculture at local government unit ng Pigcawayan kahapon.

Ayon kay
Brgy. Poblacion 3 Kagawad Manuel Ramento Jr. ito ay magsisilbing pantubos sa
abot sa 24 na mga askal na kanilang hinuli bago maibalik sa kanila.

Nagsagawa rin
ng anti-rabbies vaccination ang mga empleyado ng DA at LGU sa iba't ibang klase
ng hayop sa bayan.

Kabilang rito
ang 250 mga aso, 30 pusa, pitong kambing at dalawang unggoy.

May sampung
hayop rin na sumailalim sa deworming.

Nabatid na
March 14 pa nang magsimula ang anti-rabbies vaccination sa iba't ibang barangay
sa Pigcawayan na magtatapos sa April 4.

Ang naturang
aktibidad ay kasabay ng nagpapatuloy na paggunita ng RABBIES awareness month sa
buong bansa.

IDINEKLARANG
NON-WORKING HOLIDAY sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM
kasabay ng Bangsamoro day ngayong araw.

Ito ay
kasunod ng pag-alala ng maraming mga mamamayang Moro sa malagim na Jabidah
Massacre sa Corregidor noong March 18, 1968.

Ayon
kay Executive Sec. Atty. Laisa Alamia ilang mga programa ang inihanda ng
regional government para dito na gagawin mismo sa Corregidor island.

Kung
maaalala, dose dosenang mga Moro na sumasailalim sa Military training ang
walang awang pinagbabaril matapos na tumangi ang mga ito na ituloy ang Operation
Merdeka na naglalayong mabawi ang Sabah.

Nabatid
na Hindi tinupad ng administrasyon noon ang pagbibigay ng allowance sa mga Moro
na sumasailalim sa military training.

Kulang
rin ang pagkain at medikal na atensyon na ibinibigay sa mga nasawing mga Moro
trainees taliwas sa ipinangako sa kanila.

NGAYONG PATAPOS na ang
school year 2015-2016, HINIHIKAYAT ng Department of labor and enployment o DOLE
ang mga magsisipagtapos sa kolehiyo na sikaping makapagtrabaho sa ilalim ng
gobyerno.

Ayon sa DOLE, umaabot sa
173,366 ang bakanteng posisyon sa gobyerno batay sa datos ng Department of
Budget and Management.

MALAKI ang maitutulong ng
pamahalaan sa mga bagong graduates sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo
dahil ito ang nais na pasimulan ng gobyerno.

Nilinaw naman ng DOLE na
bago makapasok sa anumang position sa gobyerno ay mahalaga at magiging batayan
ang Civil Service Commission upang malaman kung sino ang kuwalipikado.

Kailangan na makapasa ang
isang aplikante sa CSC requirements at rules and regulations bago tanggapin
pati na rin ang mga minimum at basic requirements.

Ang sinumang aplikante ay
kailangan na pumasa sa apat na basic requirements na kinabibilangan ng
education, training, experience, at eligibility.

Ang mga non-career
positions, tulad ng casual, contractual at co-terminus employees ay hindi na
nangangailangan ng CSC eligibility. Kailangan lamang na ang isang aplikante ay
nakapagtapos, may training at experience.

Ang 173,366 na bakanteng
trabaho ay bahagi ng 1,205,605 posisyon sa gobyerno.

NAKA-ALERTO
na ngayon ang Philippine National Police sa buong bansa para sa Semana Santa.

Inaasahan
ang pagdagsa ng mga mananampalataya sa kanikanilang mga probinsya kung kaya't
mas pinalakas ang police visibility sa iba’t ibang terminal ng bus, daungan at
paliparan upang matiyak na walang hindi inaasahang aberya.

Ang
Linggo ng Palaspas ay nataon sa Araw ng March 20, habang ang Huwebes Santo ay
sa Marso 24 at ang Biyernes Santo naman ay sa March 25.

Sa
march 27 naman ang Linggo ng Pagkabuhay.

Nakaugalian
naman sa pribado at publikong opisina na simulan ang bakasyon sa Kuwaresma sa
Huwebes Santo hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.

Layunin
ng PNP na matiyak na ligtas ang areas of convergence” sa mga posibleng
pag-atake kung kaya't mananatili ang presensiya ng mga pulis sa mga nabanggit
na lugar hanggang sa makabalik na sa kanilang mga tahanan ang lahat ng mga
bumiyahe sa Semana Santa. Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka na apektado ng El Nino Phenomenon sa Koronadal City.
Ayon kay City Agirculturist Emelita Miguel, ang tulong ay mapapakinabangan ng mahigit apatnalibong mga magsasaka sa lungsod.
Ayon kay Miguel ibibigay sa mga apektadong magsasaka ang binhi at iba pang planting materials.
Sinabi din nito na mamimigay din ng water pump ang city agriculture office sa mga communal irrigators association .
Makatatanggap naman ng relief assistance ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan dahil sa dry spell.
Inaasikaso na ng City Social Welfare and Development Office ang pagbili ng food packs.
Gayunpaman nilinaw ni CSWDO Officer Mary Jane Gabucan na ang pamimigay ng tulong sa mga residente na apektado ng tagtutyo’t ay pangangasiwaan ng Philippine Red Cross.
Paliwang ni Gabucan ito ay dahil na rin sa kautusan ng Comelec na nagbabawal sa mga local government unit na magbigay ng tulong dahil sa paparating na eleksyon.
Labin lima sa dalawamput pitong barangay ng Koronadal ang isinailalim na State of Calamity dahil sa dry spell.
Ito ang dahilan kung bakit isinailalim na rin sa State of Calamity ang buong lungsod.
Layon nito na magamit ang bahagi ng quick reponse fund ng lungsod na pantulong sa mga apektadong mga magsasaka at farm laborers.
Ang El Nino Phenomenon ay sumira sa mahigit apatnaput apat na milyong produktong pang agrikultura sa Koronadal City.
NDBC News AM March 18
Headline and Mga mamamayan sa South Cotabato pinagiingat ng PNP para hindi makabili ng nakaw na motorsiklo.
Maging mapanuri sa mga bibilhing motorsiklo lalong lalo na kung second hand ang mga ito.
Ito ang payo ni Police Chief Inspector Arnold Carino, ang hepe ng Highway Patrol Group ng PNP South Cotabato sa mga mamamayan ng lalawigan.
Ayon kay Carino, kung sa tingin ng publiko na masyadong mababa ang presyo ng mga ibinibenta sa kanila dapat na itong pagdudahan at isumbong sa mga pulis.
Ito ay upang hindi mapagbentahan ng nakaw na motorsiklo.
Ayon kay Carino, isang nakaw na motorsiklo ang narecover ng mga sa pulis bayan ng Norala noong Myerkules.
Ang nabawing kulay gray na Honda XRM 125 motorcycle ay pagaari ni Bryan Britania ng bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.
Ito ay sinakyan ng suspek habang bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan si Britania ,sa bayan ng Norala noong Pebrero disi sais .
Ayon kay Carino ang motorsiklo ay nabili ng isang residente ng Norala sa halagang tatlumpung libong piso.
Ito ay sinumbong sa mga pulis ng kaibigan ng buyer.
Ayon kay Carino nagduda kasi ang tipster nang matuklasan na walang kaukulang dokumento ang motorsiklo na binili ng kanyang kaibigan.
Ipinahayag naman ni Carino na ang bumili ng nakaw na motorsiklo ay bolontaryo sumuko sa mga pulis.
Binigyan diin ni Carino ang sinumang makuhanan ng anumang nakaw na bagay kahit nabili pa niya ito ay maariing makasuhan ng paglabag sa Anti-Fencing Law. Patay ang isang radio operator sa pamamaril ng armadong grupo sa Barangay, Tablu, Tampakan, South Cotabato.
Kinilala ni Senior Superintendent Franklin Alvero, ang Provincial Director ng PNP South Cotabato ang biktima na si Henry Bisaya, kwarenta anyos, at residente ng Tupi, South Cotabato.
Ang biktima ay radio operator ng isang security agency na kinontrata ng Saguittarius Mines Incorporated o SMI.
Ayon kay Alvero si Bisaya ay off duty at nagiigib ng tubig di kalayuan sa kanilang bunkhouse nang matyempuhan at pagbabarilin ng bandidong grupo dakong alas syete ng umaga kahapon.
Si Bisaya ay nasawi dahil sa tama ng bala ng baril sa balikat na tumagos sa kanyang tagiliran.
Nagpapatuloy pa rin ang patugis ng mga otoridad sa mga suspek na bumaril sa biktima.
Huwag mangampanya kahit na may napuplsuhang kandidato.
Ito ang paalala ni Atty. Kendatu Laguialam ang OIC Provincial Election Supervisor ng South Cotabato sa mga empleyado ng gobyerno.
Paliwanag ni Laguialam, ang simpleng pag post sa facebook o anumang social networking site ng anumang bagay na maaring makasira o makatulong sa isang kandidato ay maituturing na pangangampanya.
Sinabi ni Laguialam na maging ang pagsusuot ng damit na ang kulay, at logo ay identified sa isang kandidato ay isa ring uri ng pangangampanya.
Ito ayon kay Laguialam ay mariing ipinagbabawal lalong lalo na sa mga myembro ng Civil Service Commission.
Tiniyak ni Laguialam na handa ang Comelec na dinggin ang hinaing ng mga mamamayan kaugnay sa paparating na eleksyon. Ito ang ipinahayag ni Laguialam kaugnay sa pagsisimula ng campaign period para sa mga local na kandidato sa Marso a biente singko. Dead on arrival sa ospital ang biente singko anyos na si Roxanne Taburnal matapos umanong pagsasaksakin ng live in partner sa Purok Paglaum, Barangay Carpenter Hill, Koronadal, kagabi.
Ayon kay Carpenter Hill Barangay Chairman Benedicto Pastera, ang biktima ay nagtamo ng labinapat na saksak sa iba’t iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Sinabi ni Pastera na ang duguang katawan ng biktima ay natuklasan ng kanilang kaanak di kalayuan sa kanilang bahay.
Ayon kay Pastera posible tinangka pa ng biktima na tumakas nang pagsasaksakin ito ng suspek.
Ipinahayag ni Pastera na matapos patayin, ang suspek na si Roy Labrador at live in partner ni Roxanne ay nagbigti.
Ayon kay Pastera si Labrador ay natagpuan na nakalambitin sa puno ng mangga may tatlong daang metro mula sa kanilang bahay.
Si Labrador ay nagbiti gamit ang nylon chord.
Ang matinding selos ni Labrador sa live in partner na umano ay pinaslang ang motibo na tinutumbok ng imbistigasyon ng mga pulis sa krimen.
Naulila naman ng mag-live in partner ang kanilang apat na taon at dalawang taong gulang na mga anak. Kinumprma mismo ng pamunuan ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army na may iilan ng kandidatu sa North Cotabato ang nagbigay ng Permit to Campaign sa New Peoples' Army o NPA ilang araw bago ang pagbubukas ng March 25 para sa local Campaign period.Sinabi ni 39th IB Civil Military Operations Officer Capt. Danny Tapang, gagamitin nila ang mga natanggap na datus para personal na maibestigahan ang nabanggit na report.Ibinunyag ng opisyal na ang permit to campaign ay isang extortion na ginagawang proteksyon sa mga kandidato para makapasok at mangampanya sa mga rebel infested barangays na kadalasan sa mga liblib na area ng lalawigan.Pinili rin muna ng opisyal na hindi banggitin ang mga pangalan ng kandidato at mga lugar.Sinabi ni Tapang na handa ang militar na magbigay ng seguridad sa mga kandidato lalo na sa mga lugar na mas mataas ang banta sa kanilang mga buhay dahilan para di na sila magbibigay ng extortion money sa mga rebelde.Muling hinimok ni Tapang ang mga kandidato na iwasan ang pagbibigay ng PTC na ginagamit ng rebelde sa pagbibili ng mga armas, bomba at iba pang mga gamit para sa kanilang operasyon. LIMANG mga mag aaral ng Makilala Central Elementary School ang dinala sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Makilala kahapon matapos na maaktuhan na naglalaro sa internet shop dis-oras ng klase.Pero agad namang naiturnover ang mga elementary pupils sa tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development office na nagsagawa ng counseling sa mga bata.Nagsipagdatingan naman ang kanilang mga guro matapos na maabisuhan hinggil sa pagkasakote ng kanilang mga mag aaral.Ipinatawag din ang kanilang mga magulang upang personal silang maka usap ng mga otoridad.

Nahuli ang mga mag aaral makaraang inaksyunan ng Women and Children Protection Desk kasama ang mga tauhan ng MSWD ang sumbong na may mga mag-aaral na sa halip sa paaralan ay sa mga internet café pumapasok.Hindi naman nabatid sa report kung ang may ari ng internet café kung saan naaktuhang naglalaro ang mga bata ay papatawan din ng penalty.Sa ilalim kasi ng ordinansa, mahigpit na ipinagbabawal para sa mga nagmamay-ari ng internet shop na magpapasok ng mga mag aaral lalo pa kung oras ng klase.Ang sinumang lalabag sa kautusang ito ay maaaring pagmultahin o kaya ay bawian ng business permit kapag paulit-ulit nilang nilalabag ang naturang ordinansa. Tanging suot na damit na lamang ang naisalba ng dalawang pamilya nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Purok Uno, brgy. San Isidro Kidapawan City pasado alas nuebe ng umaga kahapon.Kinilala ng Bureau of Fire Protection o BFP Kidapawan City ang nagmamay-ari ng bahay ang mag-asawang Isidro at Segundina Guillano at anak nitong si Candelario Guillano.Base sa reprt, tinatayang aabot sa 1.3 million pesos ang danyos sa nangyaring sunog kabilang na rito ang lahat ng kanilang gamit, higit sampung sakong palay, laman ng kanilang sari sari store, mga appliances, cash at iba pa.Samantala, dalawang anggulo naman ngayon ang sinusundan ng BFP-Kidapawan na posibleng pinagmulan ng sunog.Una ang napabayaan umanong apoy ni Segundina Guillano sa kanilang kusina matapos siyang magluto kung saan ilang mga kahoy na panggatong rin ang nakahelera sa gilid nito na umano bilang paghahanda raw sana sa kanilang nalalapit na kapyestahan ng barangay.Pangalawa ang iniwan ring nakabukas na TV na wala namang nanonood.May nakita rin umano ang mga BFP personnel ng mga electrical wires na posible namang nag short circuit at nasunog.Dahil sa bilis ng pangyayari naabo ang dalawang mga bahay at wala na silang naisalba pang mga gamit.Mananatili naman muna sa kanilang mga kaanak ang mga biktima habang patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.Paalala ngayon ng BFP lalo nat mainit ang paligid na mag-ingat sa lahat ng panahon para makaiwas sa mga disgrasya at anumang pangyayari. Patuloy ngayon nagpapagaling sa pagamutan ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa National Highway ng brgy. Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas otso kagabi.Sa impormasyon ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer David Don Saure nakilala ang biktima na si John Daryl Montero na taga Purok 8, brgy. Poblacion, Carmen.Sinabi naman ni Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP naglalakad lamang ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ng dikitan ito ng mga suspek na nakasakay ng motorsiklo at pinagbabaril.Tama sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinamo ng biktima gamit ang 45 caliber pistol base na rin sa mga narekober na basyo ng bala sa crime scene.Salaysay ng mga nakasaksi sa krimen, naka bonnet raw ang mga suspek dahilan para hindi nila ito Makilala.Agad namang naglunsad ng pursuit operation ang PNP pero bigo silang mahuli ito.Blanko pa ngayon ang mga otoridad sa motibo sa nabanggit na krimen.Sa kabilang dako patay na nang matagpuan ang isang Rodolfo de Juan, 60-anyos sa gilid ng Mapanao Street, brgy. Poblacion Kabacan pasado alas tres ng hapon kahapon.Nabatid na may problema umano sa pag-iisip ang biktima.Sa report naman ng PNP, nakita pa umano ng ilang mga residente sa lugar alas dyes ng umaga ang biktima na umiinom ng alak bago ito humiga sa semento.Alas tres ng hapon nang napag-alamang wala nang buhay ang biktima.Nakatakda ngayong isailalim sa post mortem examination ang biktima na ngayon ay nasa isang punerarya sa bayan.

CSC releases results of March 3 Career Service exams

MANILA – The Civil Service Commission (CSC) has released the results of the Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) held...

CSC releases results of March 3 Career Service exams

MANILA – The Civil Service Commission (CSC) has released the results of the Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) held...

NDBC BIDA BALITA (May 9, 2024)

  HEADLINES 1   LAMAY ng mga labi ni Police Capt. Roland Moralde sa PNP Mortuary sa Camp Crame, binista ni DILG Sec. Abalos 2...

Drug den shut, shabu dealer nabbed in 2 Mindanao PDEA operations

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents shut a drug den in Pagadian City and entrapped a long-wanted shabu peddler in Datu Piang, Maguindanao del Sur...

MOH-BARMM welcomes Bangsamoro medical scholars for passing the Midwifery licensure examination.

The Ministry of Health - BARMM extends its warmest congratulations to the Bangsamoro medical scholars for passing the Midwifery Licensure Examination...