Saturday May, 04 2024 09:58:53 PM

NDBC BIDA BALITA (March 7, 2016)

 • 18:09 PM Mon Mar 7, 2016
1,750
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 07,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWANG MGA most wanted person sa
Cotabato city, naaresto ng City PNP.

2. Bagong crisis mangaement center ng North Cotabato, nagsisilbi na sa 16 na kabataan3. KASO
ng pang-aabuso sa mga babae sa South Cotabato, tumaas

4. Duterte, inindorso ni Misuari sa isang pulong PATULOY PA RING nagpapagaling sa
ospital ang isang lalaki na wanted sa kasong frustrated murder matapos na
mabaril sa shootout sa Cotabato city noong Biyernes ng gabi, March 4.

Ang suspek na si Roxan Acosta, number 3
most wanted na target ng Lambat Sibat ng City PNP, ay pinaniniwalaang sangkot din
sa mga insidente ng pamamaril, pagnanakaw at illegal drug activities sa
lungsod.

Sa paghahapghahain ng search warrant sa
bahay ni Acosta sa barangay Bagua tres ng lungsod, pasado alas otso ng gabi
noong Biyernes ay sinubukang tumakas ng suspek at pinaputukan pa ang mga pulis kaya
nabaril ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib si
Acosta at mabilis na isinugod sa pagamutan.

Para sa city PNP, mahalaga si Acosta
para matukoy ang iba pang malalaking personalidad na utak sa mga kaso ng pamamaril,
pagnanakaw at illegal drug trade sa lungsod.

Samantala, nitong Sabado naman, March
5, ay naaresto ng City PNP si Kunanda Garana sa Sagingan, Brgy. Kalanganan
Mother, Cotabato city

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas
ni RTC Branch 15 Judge George Jabido noong June 30, 2014, ay inaresto ng mga
otoridad si Garana noong Sabado ng umaga.

Nasa lockup cell ng Police Station No. 1
ngayon ang suspek ay hinihintay ang pagdinig sa kanyang kaso HINILING
ngayon sa Comission on Elections o COMELEC ng mga guro na magsisilbi bilang
board of election inspectors o BEIs sa darating na halalan, na agahan ang
release ng election paraphernalia sa May 9.

Ayon sa isang
guro na base kasi sa kanilang karanasan, natatanggap nila ang election
paraphernalia pasado ala sais hanggang alas otso na ng umaga sa election day
gayung alas tres ng madaling araw pa naman sila pumupunta sa cotabato city hall.

Nabatid na bisperas
pa lang ng araw ng eleksyon ini-imbak sa city treasurer’s office ang mga election
paraphernalia.

Samantala,
umaasa naman ang mga gurong magsisilbing BEI na magiging payapa pa rin ang
halalan ngayong Mayo tulad ng mga nakaraang eleksyon na bagaman ay may mga naitatalang
aberya ay hindi naman sila nakaranas ng karahasan.

Hiling din ng
mga guro na tuparin ng COMELEC ang kanilang ipinangako sa mga BEI na ibibigay
ang kanilang honorarium pagkatapos ng botohan sa mismong araw ng halalan sa May
9.

ABOT sa
mahigit isang milyong mga estudyante na magtatapos ngayong taon ang posibleng
hindi makahanap ng trabaho.

KANYA-KANYANG DISKARTE ang
mga nagbebenta ng tingi-tinging gasolina sa Cotabato city kaninang umaga
matapos sopresahin ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Fire Protection o
BFP-Cotabato city, City PNP at Lokal na pamahalaan.

Unang dinaanan ng binuong
Task Force ang Old market site, Bagua 2, Pansacala, Malagapas at Notre Dame
village bilang paunang mga lugar na sinuyod ng mga operatiba kasama ang News
Team ng DXMS-Radyo Bida.

Ang ilan ay napilitan na
lamang ibigay ang mga itinitinda habang ang iba naman ay sinikap pang maitago
sa damuhan o sa loob ng bahay ang galon-galon na gasolina at krudo matapos
matimbrehan bago pa man nakarating ang task force.

Unang ipinarating ng isang
concerned citizen sa programang Madam Public Service ng DXMS Radyo Bida ang
reklamo laban sa mga nagbebenta ng tingi-tinging gasolina sa Cotabato city na
mariing ipinagbabawal sa batas.

Dito ay nakapanayam sa
programa ang BFP-Cotabato city at maging ang lokal na pamahalaan ng lungsod na
siyang nagpulong kasama ang mga barangay officials at agad inaksyunan ang
nasabing reklamo.

Ayon kay BFP-Cotabato city
Information Officer Fire Officer 2 Hexter Cadavero, umabot ng 160 liters ng
gasolina at krudo ang kanilang nakumpiska sa paunang operasyon na kanilang
naisagawa ngayong araw.Tiniyak naman ni Cadavero na
hindi lamang ito ang una at huling operasyon nila laban sa mga nagbebenta ng
ting-tinging gasolina dahil asahan aniyang magtutuloy-tuloy na ito sa iba pang
mga barangay sa lungsod-0Sa kabila ng kakulangan ng mga personahe, tiniyak ngayon ng Bureau of Fire Protection North Cotabato ang kanilang kahandaan 24 oras para rumesponde sa mga fire incident sa lalawigan.Sinabi BFP Provincial Fire Marshall Chief inspector Ibrahim Guiamalon, meron ngayon 17 mga Fire Stations sa probinsya na merong dalawa hanggang sa apat ng mga firetrucks.Pero inamin pa rin ng opisyal na kulang sila sa mga kagawad ng pamatay apoy dahil aniya dapat raw 1 fireman is to 2000 popultaion pero ang probinsiya ay meron lamang 300 mga personahe mula sa North Cotabato.Kulang kasi raw ang pondo sa BFP mula sa National Government.Sa kabila nito, ipinahayag ng opisyal na hindi ito magiging hadlang para sa kanilang mas mabilis at epektibo na pagresponde sa sunog.At ngayong fire Prevention month nanatili ang paalala ng BFP na mag-ingat sa lahat ng panahon para makaiwas sa sunog.Pinalalakas rin ng BFP ang kanilang mga programa sa pamamagitan ng Fire Awareness campaign sa mga barangay, institusyon at eskwelahan sa lalawigan. Nilinaw mismo ni Department of Agriculture 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan na walang kinalaman ang DA 12 sa presensya ni Korina Sanchez-Roxas sa Ulat sa Bayan Grand Activity na isinagawa sa brgy. Balindog, Kidapawan City noong nakaraang Buwan.Ayon kay Datukan regular na raw na aktibidad ang Ulat sa Bayan mula pa noong 2012 kasama si DA Sec. Proseso Alcala.Paliwanag pa ni Datukan na ang pag turn-over din sa mga proyekto at insentibo para sa mga magsasaka ay ginawa bago paman dumating si Korina.Lumabas kasi sa pahayagang Philippine Daily Inquirer at maging sa Social Media na mismong si Korina ang nag-abot sa mga proyekto at incentives sa mga magsasaka na pinondohan ng DA.Nagmistulang ikinampanya din ni Korina si Dating DILG Sec. Mar Roxas sa pagka presidente sa kanyang naging mensahe sa nabanggit na programa.Nais ngayong linawin ng DA na walang kinalaman ang kanilang tanggapan sa naging presensya ni Korina sa nabanggit na aktibidad.Higit limang daang taga suporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nakiisa sa TRI-PEOPLE PEACE SUMMIT sa Kidapawan City kahapon.Pinangunahan ito ng mga pinuno ng Moro National Liberation Front o MNLF, Indigenous People's at mga Kristiyano mula sa ibat ibang panig ng Mindanao.Ang nasabing pagtitipon ay bilang pagpapakita ng kanilang suporta kay Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.Sa pamamagitan naman ng isang phone patch, ibinunyag ni Nur Misuari, siyang Chairperson ng MNLF ang kanyang matibay na suporta sa pagtakbo ni Duterte.Aniya, si Duterte lamang ang tanging pag-asa na makamit ang tunay na kapayaapan sa Mindanao.Samantala, ikinagulat naman ni Datu Kautin Usman, MNLF Chief of staff in Central Mindanao na nakabase sa Barangay Patadon, Kidapawan ang naging pahayag ni Misuari.Ayon kay Usman hindi naman raw nagiindorso ng sinumang kandidato ang grupo ng MNLF kahit noon paman dahil sila ay isang non-partisan organization.
Pero nilinaw naman ni Usman na magsasagawa pa sila ng pagpupulong sa March 18 para sa kanilang pinal na desisyon tungkol rito.Mas hinigpitan pa ngayon ng Kidapawan City PNP ang implematasyon ng COMELEC GUN BAN kaugnay sa nalalapit na May 9, 2016 National at Local Elections.Sinabi ni Kidapawan City Chief of Police Supt. John Meridel Calinga, regular ang pagpapatupad nila sa kanilang surprise Highgway Inspection at Oplan Kapkap bakal sa ibat ibang pangunahing daanan ng lungsod.Simula noong January 10 dalawang tao na ang kanilang naaresto at sinampahan ng kaso dahil sa pagdadala ng ice pick, kutsilyo at iba pang nakamamatay na bagay.Kinumpirma rin ng opisyal na wala pa silang nahuling nagdadala ng baril sa lungsod.Para kay Calinga bunga lamang ito sa kanilang mahigpit na implematsyon ng nabanggit na batas.Sa kabila nito, nanatiling nakaalerto ang pulisya at nagpapatuloy rin ang kanilang pagsisikap na tuluyan nang masugpo ang mga may masasamang loob na posible ring maghasik ng lagim sa Kidapawan City matapos ang nangyaring pagpapasabog ng bomba sa probinsiya ng Sultan Kudarat at Maguindanao.LABING-ANIM na mga bata, nasa kustodiya ngayon ng Bagong Crisis Intervention Center ng Provincial Social Welfare and Development Office Nasa labing anim ngayong mga kabataan ang nasa kustodiya ng bagong tayong Crisis Intervention Center sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWD.Sila ang mga batang naging biktima ng pang-aabuso at nakaranas ng matinding trauma mula sa kanilang pamilya at iba pang karanasan.Sinabi ni PSWD officer Vergelita D. Guilaran, ang pagbubukas ng nabanggit na pasilidad ay malaking tulong para mga kabataan at kababaihan na nangangailangan ng proteksyon.Mismong ang mga psychologists ng PSWD ang siyang magbibigay ng intervention sa mga biktima tulad ng psychosocial therapy at iba pa.Ang bagong crisis intervention center ay ipinatayo ng Cotabato Provincial Government na pinondohan ng abot sa 5 million pesos bilang pagsasakatuparan sa provincial ordinance na naaprubahan noong nakaraang taon. Magbibigay ng insentibo ang lokal na pamahalaan ng Koronadal sa local designer na si Jared Servano.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, ito ay bilang pagkilala na rin sa karangalang ibinigay ni Servano sa lungsod.
Nabatid na si Servano na mula Koronadal City ay isa sa tatlong mga pinoy na kumatawan sa Pilipinas sa London Fashion Week noong Pebrero dise sais hanggang biente singko.
Ayon kay Miguel si Servano ay tinanghal na 3rd placer mula sa limamput pitong mga designer sa buong Mundo na lumahok sa Londo Fashion Week.
Matatandaan na si Servano ay nagwagi ring first runner up sa Project Runway Philippines noong nakaraang taon.
Bago pa man uuwi ng Koronadal, ang mga design ni Servano ay ibibida muna sa Treasures of SOX, isang Travel and Trade Expo na gaganapin sa Makati City sa Abril. Nakapagtala ng 1,310 na kaso ng Karahasan laban sa mga kababaihan ang Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO South Cotabato noong 2015.
Ayon kay PSWD Officer Nelida Periera, ito ay mas mataas sa 946 na naitala ng kanilang tanggapan noong 2014.
Tumaas ang datus dahil mas marami nang mga kababaihan ngayon na biktima ng pangaabuso ang nagsumbong sa mga otoridad.
Ayon kay Periera dahil sa pinaigting na kampanya laban sa karahasan at pangaabuso sa mga kababaihan, marami ng mga biktima ang dumudulog sa mga otoridad.
Ipinahayag din ni Periera, na para masugpo ang problema, pinalalakas ngayon ng PSWDO ang grupo ng mga kababaihan sa South Cotabato.
Sinimulan na rin ang pagtatag ng Womens’s Desk sa bawat barangay sa South Cotabato.
Layon nito nay may mapagsumbungan at mahingan agad ng tulong ang mga babeng biktima ng pangaabuso. Nasawi ang isang lalaki matapos tamaan ng bala mula sa suspek na nagpaputok ng baril habang ipinagdirwang ang pyesta ng Banga, South Cotabato noong byernes gabi.
Ang biktimang si Salim Pandilang, trenta anyos ay namatay habang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital ospital ilang oras matapos mabaril sa ulo.
Kinilala ni Banga Mayor Albert Palencia ang suspek na si Norberto Javellana, sitenta’y syete anyos at nakatatandang kapatid ni Banga Municipal Councilor Grace Achura.
Nabatid na habang nagsasaya ang maraming mga mamamayan, nagpaputok ng kanyang 9mm caliber pistol si Javellana sa hindi malaman na dahilan.
Nang marinig ni Banga Councilor Alex Garcia, na siya ring chairman ng Peace and Order Committee ng konseho ang kaguluhan, agad namang itong nag-warning shot.
Gayunpaman hindi pa nakontento ang suspek na si Javellana at muling pinaputok ang kanyang baril sa direksyon ng Barangay Plaza kung saan nagsasaya ang maraming mga mamamayan.
Maliban sa nasawing si Pandilang na myembro ng Civilian Volunteers Organization o CVO sa barangay Yangnco Banga, tinamaan din ng bala ng baril sa kanyang balikat ang isang disi syete anyos na binatilyo.
Ang menor de edad ay agad namang dinala sa Januaria Marshall Memorial Clinic sa Banga.
Ang suspek na si Javellana na agad namang naaresto ay nakakulong na ngayon sa lock up cell ng Banga Municipal Police Station. Nakuha ng mga pulis na umaresto sa kanya ang isang armscor 9 mm caliber pistol, isang magazine at labin siyam na mga empty shell ng naturang armas.
Tiniyak ni Palencia na tutulong ang lokal na pamahalaan ng Banga sa mga biktima. Dead on arrival sa isang pribadong ospital ang sitenta anyos na magsasaka matapos magbigti, sa Sto. Nino, South Cotabato.
Kinilala ng Sto. Nino PNP ang nagbigti na si Vicente Dianson, sitenta anyos, at residente ng Purok Malipayon, Katipunan, Sto. Nino, South Cotabato.
Si Dianson ay nakita ng mga kaanak nito na nakalambitin sa puno ng Guyabano dakong ala una y medya ng madaling araw kamakalawa. Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng pulisiya na si Dianson ay nagpatiwakal gamit ang speaker wire.
Ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng Sto. nino, PNP.
Samantala sa Koronadal City, nasawi din ang isang lola matapos maaksidente sa sinasakyan nitong bisikleta.
Lumabas sa inisyal na imbisitigasyon ng mga pulis na ang sitenta anyos na si Hilda Maglantay ay aksidenteng nabangga ng motorsiklo habang nagbibisekleta sa Amurao Street, Barangay Sta. Cruz.
Ayon sa pulisiya si Maglantay ay nabangga ng kasalubong na Honda XRM motorcycle na may license plate 1363 QM nang tinangka nitong mag left turn sa daan, dakong alas dose kwarenta ng hapon kamakalawa.Ang lolang biktima na nagtamong matinding mga sugat ay dead on arrival sa South Cotabato provincial hospital.
Ang driver ng motorsiklong nakabangga sa biktima na si Thacks Nalig, trenta’y singko anyos ng Palian, Tupi, South Cotabato ay dinala din sa provincial hospital matapos magtamo ng minor injuries.
Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Koronadal City PNP sa insidente. Inaasahang dadalo sa Womens Congress ang abot sa 1,500 na mga kababaihan sa South Cotabato.
Ang aktibidad ay gagawin sa Marso disi syete hanggang disi otoso.
Ito ay gagawin naman sa isang resort sa general Santos City
Layon nito ayon kay Londres na mabigyan ng day Off” sa kanilang gawaing bahay ang mga kababaihan.Ayon kay Joy Londres, ng Provincial Population Office, ito ay bilang pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso.
Kabilang sa tatalakayin sa dalawang araw na Womens Congress ang kahalagahan ng paglakip sa mga political agenca sa kapakanan ng mga kababaihan.
Naglaan naman ng mahigit apatnaraang libong pisong pondo para sa aktibidad ang provincial government.
Kabilang sa inimbitahan para maging speaker sa Women’s Congress ayon kay Londres sina dating Department of Justice Secretary Laila De Lima at TV Personality na si Korina Sanchez.
Ituturo din sa Womens Congress ang kahalagan ng kalusugan sa mga kababaihan.
Kaya maliban sa mga palarong Pinoy, magkakaroon din ang mga participant ng Zumba Exercise.
Tema ng National Women’s Month Celebration ngayon ang” Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda.”

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...

2 BIFFs yield to Army in MagSur

RADJAH BUAYAN, Maguindanao del Sur -  On May 3, 2024, the 33rd Infantry (Makabayan) Battalion presented two Former Violent Extremists (FVEs) to...

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...