Monday Apr, 29 2024 11:40:16 PM

NDBC BIDA BALITA (May 19, 2016)

 • 01:24 AM Fri May 20, 2016
1,363
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 19, 2016 (THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. RIDING TANDEM, nahulihan ng
bala at shabu AT DALAWANG BANGKAY, natagpuan sa Cotabato city.

2. 14 na rebel returnees, nabigyan ng
Livelihood Assistance ng Cotabato Provincial Government

3. Habal habal driver na nagbebenta ng
droga sa harap ng isang fast food chain, arestado sa Koronadal City

4. All is set para sa Golden Tnalak Festival sa South Cotabato NAARESTO ng pulisya ang dalawang lalaki
matapos mahulihan ng mga bala at pinaniniwalaang shabu pasado alas nuwebe nang
umaga kahapon sa Ramon Rabago street, Cotabato city.

Kinilala ang mga naaresto na sina
Khaled Salimama Amad, 22 anyos at Faisal Guialani, 19 anyos, pawang mga
residente ng Bubong, Kalanganan 2 sa lungsod.

Ayon sa report ng police station number
2, nagsasagawa sila ng surprise checkpoint sa Sinsuat avenue kasunod ng mga
nangyaring snatching nang dumaan ang mga suspek.

Pero imbes na huminto ay binilisan pa
ng mga ito ang takbo ng kanilang motorsiklo kaya hinabol ito ng tropa hanggang
sa maaresto sa Ramon Rabago street corner TV Juliano avenue.

Narekober ng pulisya sa u-box ng
motorsiklo ang anim na bala ng caliber 9mm pistol, isang empty shell ng caliber
45 pistol at isang sachet ng pinaniniwalaang shabu, face mask, bonnet at iba
pang mga gamit.

Nakadetain na ngayon sa police station
number 2 lockup cell ang mga suspek at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa
Republic Act 10951 o Illegal Possession of Firearms at Republic Act 9165 o
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

SAMANTALA , Di pa rin kilala ng mga otoridad ang
bangkay ng isa sa dalawang lalaki na natagpuang palutang-lutang sa Tamontaka
river, Cotabato city pasado alas tres kahapon.

Unang natagpuan ang bangkay na
palutang-lutang ang bangkay ng isang lalaki na nakasuot ng kulay green na
sporty tshirt at gray cargo pants.

Kinilala ang naturang bangkay sa
pamamgitan ng narekober na ID bilang si Mario Lebron, 45 anyos, residente ng
Surallah, South Cotabato.

Marami umanong tama ng bala sa katawan
ang biktima mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.

Agad namang nakipagugnayan ang police
station number 3 sa Surallah PNP para makipagtulungan na makuha ang bangkay ng
mga kaanak ng biktima.

Pagkalipas ng ilang minuto, narekober
naman ang isa pang bangkay ng lalaki na nasa 5 feet ang tangkad, nakasuot ng
kulay pulang polo shirt, maong pants at rubber shoes.

Gayunpaman, walang ID o anumang
identification ang nasabing bangkay na nagtamo rin ng maraming tama ng bala sa
katawan.

Nasa state of decomposition na ang
dalawang bangkay kaya sinasabing ayaw nang tanggapin ng punerarya ang mga ito.

Patuloy naman ang pagsisikap ng police
station number 3 na makaugnay ang kaanak ng mga bangkay at maclaim na ang mga
ito.

MULA JANUARY
2013 HANGGANG ngayong May 2016, labing-anim na indibidwal ang nagpositibo sa
sakit na Human Immunodefficiency Virus o HIV mula sa 87 indibidwal na
sumailalim sa HIV screening sa COTABATO REGIONAL MEDICAL CENTER O CRMC sa
Cotabato City.

SA
labing-anim na HIV positive na nasa edad 20 hanggang 38 anyos, isa rito ay
isang babae.

Labindalawa
rito ay mula sa Region 12 habang apat naman mula sa ARMM.

Sa datos ng
CRMC, apat sa mga ito ay inirekomenda para magpagot ng kanilang sakit.

Wala namang
silang bagong impormasyon mula sa limang iba pa.

At ang mas
malala, pito rito ay tuluyan ng binawian ng buhay dahil sa komplikasyong dulot
ng HIV.

Base sa
pagaaral ng CRMC, lahat ng mga biktima ng HIV ay single pero 13 rito ay
nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Ayon naman sa
Philippine Department of Health's Epidemiology Bureau, nakita nilang ang sexual
contact ang pinaka common na sanhi ng pagkuha ng sakit ng HIV. Sumunod rito ang
needle sharing ng mga drug users at Mother-to-child transmission.

Sa pagaaral
ng DOH kulang ang kaalaman ng karamihan tungkol sa HIV pati na takot na
ipakonsulta ito sa doctor dahil sa stigma at diskriminasyon mula sa komunidad.

Dahil dito,
Ayon kay Medical Center Chief II Dr. Helen Yambao sinisikap ng CRMC na maging
treatment HUB din sila ng sakit na HIV. PATAY ANG ISANG lalaki habang
sugatan naman ang kasamahan nito matapos pagbabarilin dakong alas nuwebe kagabi
sa Barangay Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ang nasawing biktima na si
Antonio Cagud Guinzo, Jr., residente ng Jose Lim Sr. Street, Cotabato city
habang kinilala naman ang nasugatang kasamahan nito na si Jaime Dacula Soledad
V, residente rin ng Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao at incumbent kagawad
rin ng nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng
Sultan Kudarat PNP, nagpang-abot umano sa national highway ang tropa ng mga
biktima at grupo nina Teng Satar na tumakbong Municipal councilor ng bayan at
anak nitong si alyas Hapon.

Dito ay nagkabarilan ang dalawang
grupo dahilan para tamaan si Guinzo at Soledad.

Pero napuruhan si Guinzo na nagtamo ng
maraming tama bala sa katawan habang patuloy namang nagpapagaling ngayon sa
pagamutan si Soledad at hindi pa nagkakamalay dahil sa tama nito sa ulo.

Sinasabi sa report na may tinamaan
ding dalawang katao sa panig nina Satar.

Gayunpaman ay hindi na ito inabutan ng
pulisya sa crime scene kung saan narekober ang empty shells ng caliber 45
pistol, 9mm pistol, M-16 at M-14 rifles.

Sa ngayon ay patuloy pang
iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente. MAKIKIISA
ang Cotabato City Schools Division Office sa isasagawang anim na araw na
Brigada Eskwela o National Schools Maintenance Week.

Ito ay
taunang ginagawa ng Department of Education o DepEd upang maihanda ang mga
pampublikong paaralang elementarya at sekondarya sa bansa sa pagbubukas ng
pasukan.

Ayon
kay CCSDO-Brigada Eskwela Coordinator Atty. Rasul Ali, nais nilang maging handa
ang lahat ng mga paaralan sa anumang uri ng sakuna, maging malinis at
kaaya-aya.

Aniya,
may mga nakalatag nang aktibidad sa pagsisimula ng Brigada Eskwela sa May 30.

Samantala,
naghahanda rin ang CCSDO para sa implementasyon ng senior high school na
magsisimula ngayong taong 2016-2017.

Batay
sa target na mga proyektong pang-imprastraktura ng DEpEd para sa CCSDO, mayroon
pang 50% kakulangan sa mga pasilidad para sa senior high school lamang.

Dagdag
ng opisyal, naghahanap din sila ng paraan upang mapunan ang mga kakulangan ng
upuan, mesa at iba pang pangangailngan ng paaralan. HANDA
na ang lungsod ng Cotabato sa pakikipagugnayan sa Department of Trade and
Industry o DTI para serbisyuhan ang small-scall entrepreneurs sa lungsod.

Kahapon
lang ay inulunsad na ang Negosyo Center sa Masonic Building sa lungsod.

Ayon
kay DTI Head Carlito Nunez, ang negosyo center ay isang pasilidad na handang
serbisyuhan ang micro, small at medium enterprises o MSMEs na maaring
makipagsabayan sa mga malalaking negosyo sa Cotabato City.

Ang
negosyo center ay magbibigay rin ng mga trainings at seminars pati na rin ng
mga technical assitance.

Pero
malinaw ang ang Negosyo Center ay hindi pautangan para sa gagamiting capital ng
mga MSMEs.

Nabatid
na meron ng pitong negosyo center sa buong region 12 na matatagpuan sa General
Santos City, Koronadal City, Kidapawan City, Tacurong City, Alabel, Sarangani
at Cotabato City.

Inaasahan
naman ang pagtatayo ng Negosyo Center sa Midsayap, Kabacan, Surallah, Lebak at Kalamansig, Sultan Kudarat. Halos magdadalawang buwan na nang masunog ang Mt. Apo.Halos dalawang buwan na rin ang lumipas bago ito naideklarang fire out ng mga otoridad kung saan libu-libong mga puno ang namatay at maraming mga watershed ang nadamay.Matatandaan na tuyong damo at mga ugat ng punongkahoy ang dahilan ng pagkalat ng apoy sa bahagi ng North Cotabato, Davao del Sur at Davao City ng Mt. Apo. Nakadagdag rin sa pag-usbong ng apoy ang matinding init ng panahon kung saan daan-daang mga volunteers na ang tumulong sa pag-apula ng sunog.Dahil sa nangyari, ipinagbawal muna sa mga climbers ang pag-akyat sa Mt. Apo habang ginagawa ang rehabilitasyon nito.Ang pansamantalang pagsasara ng nabanggit na tourist attraction ay nagresulta naman sa pagkawala ng trabaho ng ilang mga porters at tour guides ng Kidapawan- Makilala- Magpet Trail sa North Cotabato.Pero magandang balita ngayon para sa mga porters at tour guides dahil magiging forest guards naman sila habang nagpapatuloy ang paghilum ng sugat ng bundok.Ito ang kinumpirma sa facebook account ni Department of Tourism Region 12 Regional Director Nely Dillera kung saan ibinunyag nito sa pamamagitan naman ni DENR 12 Regional Director Datu Tungko Saikol.Ang naturang balita ay ikinatuwa at pinasalamatan rin ni Kidapawan City Tourism Officer Joey Recimilla.Matatandaang isa rin si Recimilla at buong City Tourism office ang nanguna sa pagbigay ng agarang tulong katuwang ang Cotabato Provincial Government sa pag-apula ng sunog sa Mt.Apo.-0Matapos magbalik loob sa gobyerno, iniabot na ng Cotabato Provincial Government ang livelihood assistance para 14 na rebel returnees na dating mga miembro ng New Peoples' Army o NPA.Ang programa para sa kanila ay nagkakahalaga ng pitong daang libong piso sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program o CLIP ng Department of Interior and Local Government na isang National Integration Program ng Philippine government para sa mga rebeldeng nais magbalik loob sa gobyerno.Nabatid na bawat returnee ay nakatanggap ng tig- 50,000 na magagamit nila para sa pagsisimula sa kanilang napiling kabuhayan base na rin sa Business and Individual Reintegration Plan na una na nilang hiniling sa Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO.Mismong si Cotabato Governor Emmylou Mendoza, nag-abot sa nabanggit na tulong kasama sina OIC Provincial Administrator Aurora Garcia, Board Member Loreto Cabaya Jr, CPPO Spokesperson Supt. Bernard Tayong, at Lt. Col Noel Luwan ng AFP. Ang nabanggit na mga rebel returnee ay una nang nabigyan ng tig-15 thousand pesos noong nakaraang 2015 nang Provincial Social Welfare and Development matapos silang boluntaryong sumurender kasama ang kanilang mga armas.
Ang mga returnees ay kinabibilangan ng sampung mga lalaki at apat na mga babae na nagmula sa Kidapawan City, Magpet, Arakan, M’lang, at Makilala partikular sa mga Brgy na una nang natukoy na mga NPA infested areas kung saan nakatutok rin ang peace and development program ng gobyerno. All-set na ang DepEd North Cotabato sa pinakaunang pagpapatupad ng K to 12 program sa Senior High school.Sinabi ni Cotabato School's Division Superintendent Omar Obas, 90% nang kumpleto ang dagdag na mga classrooms na ipinatayo ngayon sa ilalim ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa 52 mga paaralan sa lalawigan.Sa pinakahuling coordination meeting, dito ipinangako ng DPWH na maipatayo ang lahat ng infrastructure projects bago ang pagbubukas ng klase ngayong June 13.Ayon pa kay Obas, kung hindi pa matapos ang ginagawang mga classrom buildings hindi naman nila isinsantabi ang aksyong gagawin muna pansamantalang classroom ang mga libraries, laboratory, at elementary rooms ng mga Senior High School students.Inaayos na rin ng DepEd Central office ang dagdag na pagbili sa teaching guides at technical equipment na gagamiting ng mga guro.Sa kabilang dako, inaprubahan na rin ni Obas ang appointment ng 405 newly-hired teachers na madadagdag sa sampung libong mga teaching force sa DepEd Cotabato Division.Nakatakda naman silang isailalim sa pagsasanay ngayong darating na Mayo a-24 hanggang Hunyo a-10 para sa Kindergarten at Senior HS instructions.Napag-alaman sa North Cotabato, 90 ka mga paaralan ang bubuksan ng DepEd para sa Senior High School na siya namang magbibigay ng mga specialized programs. Hindi biro ang sakripisyong ginawa ng mga guro at mga volunteer staff para maihatid lamang ng maayos at matagumpay ang halalan noong nakaraang May 9.Kaya naman, nangako ngayon ang Commission on Elections na bagaman at natagalan ay makararating parin sa mga Board of Election Inspectors o BEI's ang mga honorariums na unang ipinangako para sa kanila.Ilang mga tanong na kasi ang naiparating sa DXND Radyo Bida kaugnay sa pagkakadelay ng honorarium ng mga guro noong nakaraang eleksyon.Paliwanag ni Provincial Election Supervisor Att. Jay Gerada, tinutugunan na ito ngayon ng COMELEC National.Ayon pa kay Gerada ang iba kasing mga BEI's ngayon ay walang mga ATM card kaya ginagawan muna sila ng Cash card para doon na ipasok ang kanilang mga honorariums.Dati rati kasi ayon pa sa opisyal ay cash na ang ibinibigay sa mga guro.Ang nabanggit na problema ay nangyayari rin umano sa buong Pilinas at hindi lamang sa North Cotabato.By batch rin kasi raw ang pagdownload ng pera kaya ang iba ay nauna na samantalang ang iba ay wala pa.Pero sa kabila nito nakatitiyak naman ang COMELEC North Cotabato na maibibigay rin ang honararium ng higit limang libong mga BIE's na tig 4,500 pesos dahil lahat naman ng kanilang mga pangalan ay naipasa na sa COMELEC National Office.Humihingi na lamang ngayon ng pang-unawa si Gerada sa nabanggit na pagkakaantala.VC- GERADASi North Cotabato Provincial Election Supervisor Att. Jay Gerada Iginiit ngayon ng Department of Public Works and Highways o DPWH na patas para sa lahat ng sektor ang kanilang ginagawang clearing operations sa road right of way ng Davao-Cotabato National Highway.Ito ang naging pahayag ni DPWH first Engineering District Engr. Elpidio Birog, matapos idinulog ng Radyo Bida sa kanya ang reklamo kaugnay sa mga istrukturang pagmamay-ari ng ilang mga impluwensyadong pamilya na hindi pa ginagalaw ng nabanggit na ahensya.Pero, inamin ng opisyal na may ilang mga owners na humiling ng relocation survey pero hindi pa raw ito naaasikaso dahil hindi pa available ang kanilang Geodetic Engineer.Bukas, nakatakda namang isagawa ang survey kasunod naman ang pagsira sa mga lumampas na mga istruktura.Ayon pa kay Birog, walang favoritism na nangyayari sa implementasyon ng proyekto.Nabatid na ang clearing operation ng DPWH ay sinimulan noong nakaraang taon kung saan ilang mga tindahan, bahay, establisyemento at mga pader na ang unang giniba na kabilang sa 60-meters road right of way sa Kidapawan City National Highway. Nakalatag na ang
seguridad na ipatutupad ng pulisiya sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa
pagsisimula ng klase sa Hunyo.

Ayon kay Sultan Kudarat PNP Provincial Director, Senior
Superintendent Raul Supiter, mariing tututukan ng pulisiya ang mga estudyante sa elementarya at high
school na target ng mga illegal drug syndicate.

Tiniyak ni Supiter na babantayan ng mga pulis ang lahat ng mga
eskwelahan sa lalawigan sa araw mismo ng pagsisimula ng klase.

Binigyan diin ng police
official na hindi dapat maging biktima
ng anumang terroristic act o krimen ang mga estudyante.

Dinagdag din ni Supiter na maliban sa pagbabantay sa mga eskwelahan, tiyak ding
hahawak ng walis, itak at iba pang panglinis ang mga pulis dahil tutulong din
sila sa Brigada Eskwela ng Deped.

Ang isang linggong Brigada Eskwela ay ilulunsad ng Dep Ed sa May
30.

Nakahanda ang Koronadal City Treasurer’s Office na magpataw ng kaukulang parusa sa mga
pasaway na vendor sa City public market.

Ito ang ipinahayag ni City Treasurer Marloun Gumbao matapos
ireklamo ng isang bidang residente ng Tantangan, South Cotabato ang pandaraya
sa kilohan sa fish section ng palengke.

Ayon pa sa nagreklamong listener, nagalit pa umano ang vendor ng
sitahin niya ito matapos mapansin na kulang sa timbang ang binili nitong isda.

Ipinahayag naman ni Gumbao na maaring malaman ng publiko kung
tama sa timbang ang kanilang mga binili sa pamamagitan ng pagkilo nito sa
timbangan ng bayan sa entrance ng pelengke.

Naniniwala naman si Gumbao na dahil sa sunod sunod na pag-inspeksyon ng city treasurer’s office sa mga kilohan,
kokonti na lamang ang mga mandarayang vendor sa merkado publiko.

Gayunpaman ayon sa city
treasurer handa ang kanilang tanggapan na
agad na magsagawa ng surprised inspection sa vendor na isusumbong sa
kanilang tanggapan.

Sinabi ni Gumbao na maaring kakanselahin ng city government ang
lease contract ng sinumang vendor na
paulit pulit mahuhuling nandaraya sa kanilang mga kilohan.

Timbog sa anti illegal drug operation ng mga pulis ang isang
suspected drug pusher na dumayo lamang sa Koronadal City para magbenta umano ng
illegal drugs.

Kinilala ni PNP South Cotabato Provincial Anti Illegal Drugs
Special Operation Task Group Chief, Police Chief Inspector Ramil Villagracia
ang suspek na si Ismael Darandas, 27 anyos.

Si Darandas na isang
habal habal driver at residente ng Purok Bagua 2, Cotabato City ay naaresto sa
drug buy bust operation ng mga pulis sa harap mismo ng isang
fast food chain sa General Santos Drive, Koronadal, kahapon ng tanghali.

Ayon kay Villagracia nakuha ng mga pulis mula sa suspek ang
isang medium size at dalawang large size sachet ng suspected shabu.

Ang suspek ayon kay Villagracia ay matagal nang labas masok sa
Koronadal para umano magbenta ng illegal drugs.

Aminado naman si Darandas na
inatasan umano siyang pumunta ng Koronadal dahil mayroon umanong tao
na bibili sa kanya ng P9,000 na halaga ng umano’y shabu.

Ayon sa suspek kahirapan sa buhay ang dahilan kung bakit
napilitan umano siyang magbenta ng illegal na droga.

Inihahanda na ng mga pulis ang pagsasampa ng kasong paglabag sa
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Darandas.

-00-Natangay ng magnanakaw na nambiktima sa isang kolektor ang
mahigit P50,000 na koleksyon nito sa Barangay Rang-ay,Banga, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Jose Caranto Jr, 35 anyos,
distributor/Sale personnel ng Smart
Perfecom at residente ng Barangay
Liwanay Banga.

Ayon sa salaysay ni Caranto sa mga pulis,habang naglalakad siya dala
ang kanyang koleksyon, tinutukan umano siya ng di pa matukoy na armas at
kutsilyo ng tatlong suspek.

Wala nang nagawa pa si Caranto nang kunin ng mga hold upper ang
dala nitong pera at cellphone.

Matapos ma hold up ang biktima ang mga suspek ay agad na tumakas
sakay nang motorsiklo.

Di pa batid na pulisiya kung sino ang tatlong suspek na nanghold up sa biktima.

Naglaan ng mahigit P20 million ang pamahalaang panlalawigan para
sa 50th Foundation Anniversary at 17th T’nalak Festival
ng South Cotabato.

Ayon kay Provincial Administrator Danilo Supe, P14 million pesos
sa halaga ay mula sa regular budget at P6 million naman ay supplemental budget.

Sinabi ni Supe na
bagama’t walang mga pagbabago sa iba’t
ibang aktibidad kaugnay sa selebrasyon, aasahan na magiging mas masaya ang
Golden Anniversary ng South Cotabato sa July 18.

Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Supe, humiling ng dagdag na pondo
para dito ang provincial government.

Aniya nasa 50 porsyento nang tapos ang paghahanda ng lalawigan
para sa selebrasyon.

Highlight naman ng isang linggong pagdiriwang ang street dancing competition na
nagpapakita ng kultura ng Tri-people ng South Cotabato.

Kabilang dito ang Kadsagayan A’lalan ng mga Muslim, Kasadyahan
sa Kapatagan ng mga Kristyano at Medal Be’ Lan ng mga T’boli.

Layon nito na ipakita ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng South
Cotabato sa kabila ng magkakaibang kultura.

Tulad noong nakaraang taon, magiging Tema pa rin ng foundation
anniversary at T’nalak Festival ngayon ang Sharing our best with the World,”

Matapos ang dalawang taon
tuluyan nang naaresto sa Kalakhang Maynila ang wanted na si Ray Mark Mollenido
alyas Reymix”.

Matatandaan na si Mollenido ang siyang tumangay sa mahigit
P200,000 talent fee ng mga player ng Ateneo de Manila University Lady Eagles at
De La Salle University Lady Spikers na nagkaroon ng exhibition game sa Foundation
Anniversary at T’nalak Festival ng South Cotabato noong 2014

Ang suspek ay nagsilbing middleman ng provincial government para
sa booking ng dalawang mga koponan.

Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes pinadalhan na nila
ang mga police sa kalakhang Maynila ng
kopya ng warrant of arrest ni Mollenido.

Posibleng rin aniyang magpapadala ng pulis doon ang
provincial government para umasikaso sa
kasong isinampa laban sa suspek.

Kinumpirma din ni Fuentes na naging modus na ni Mollenido ang pangagantso at pinakahuling
biktima umano nito ang isang estudyante.

Sinabi ni Fuentes na bagama’t bailable ang kasong swindling na
isinampa kay Mollenido, posibleng hindi na rin ito makalabas ng kulungan dahil
sa dami ng mga taong naging biktima umano nito na nagsampa rin sa kanya ng
kaso.

Ayon sa gobernador para
hindi na maulit pa ang insidente, hindi na gagamit ng middleman ang provincial
government para sa booking ng mga
performer na magtatanghal sa golden anniversary at tinalak festival
ngayong taon.

Marcos cites 6th ID’s peacebuilding efforts

COTABATO CITY - President Ferdinand Marcos, Jr., on Monday lauded the Army’s 6th Infantry Division for its unrelenting anti-terror campaign and...

PBBM urged Bangsamoro to vote in 2025 parliamentary polls

BARIRA, Maguindanao Norte — President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the residents of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM...

Barangay Kagawad patay, driver sugatan sa ambush sa Datu Hoffer, Maguindanao Sur

PATAY ang isang barangay kagawad habang nakaligtas naman ang driver nito matapos tambangan ng mga suspek sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer,...

PBBM visits, honors soldiers hurt in clash with BIFF

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Seven soldiers who were wounded in an encounter with the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) were...

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...