Sunday May, 26 2024 10:08:34 PM

NDBC BIDA BALITA (May 2, 2016)

 • 17:02 PM Mon May 2, 2016
1,388
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 02, 2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWANG HABAL-HABAL driver, sugatan
matapos pagbabarilin sa Cotabato city.

2. Estudyante, patay sa vehicular
accident sa Kidapawan City

3. Motorsiklo at Isuzu Dmax, nagsalpukan sa Koronadal, pastor at babae patay.4. Talumpong sunog naitala sa Tulunan,, North Cotabato 74 naman sa Mlang dahil sa matinding init

5. PITONG
ARAW BAGO ANG HALALAN, PNP naka full alert status na

PATULOY
na nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang dalawang habal-habal driver matapos
pagbabarilin pasado alas singko nang umaga kahapon sa Purok Sampaloc, Mother
Barangay Bagua, Cotabato city.

Kinilala
ang mga biktima na sina Sarip Guiapal Piang, 23 anyos at Guianaid Sapal, 21
anyos, pawang mga residente ng Mother Barangay Tamontaka sa lungsod.

Ayon
sa report ng pulisya, nanggaling sa isang videoke bar ang dalawa bago pumunta
ng Purok Sampaloc para ihatid ang pasahero na kinilala lamang sa alyas Sniper.

Pagbaba
umano ni Sniper ay biglang lumapit ang isang hindi pa nakikilalang suspek at
bigla umanong pinagbabaril ang mga biktima.

Nakatakbo
pa umano ang mga ito kaya hindi napuruhan.

Nagtamo
si Piang ng tama ng bala sa kanyang kaliwang paa at daliri sa kamay habang
tinamaan naman si Sapal sa kanyang tiyan at kaliwang paa.

Narekober
sa crime scene ang pitong empty shells ng caliber 45 pistol.

Sa
ngayon ay inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang motibo sa nasabing
pamamaril.

SAMANTALA,
BLANGKO pa rin sa ngayon ang mga otoridad kung sino ang nasa likod at kung ano
ang motibo sa pamamaril at pagpatay sa isang lalake, pasado alas-5 ng umaga
noong biyernes sa Jose Lim Sr. St. Poblacion 5 sa Cotabato City.

Kinilala
ang biktima na si Nasrula Dimasingkal Silongan, 48-anyos, may asawa, walang
trabaho at taga- Purok Ibrahim Poblacion otso ng lungsod ng Cotabato.

Ayon
kay Cotabato City PNP Spokesperson PSI Rowell Zafra, minamaneho ni Silongan ang
kanyang kulay itim na KIA AVELLA na may license plate MDR 270 habang nasa may
entrance ito ng KOPATSCO transportation Terminal patungong City Plaza nang bigla
itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilang suspek.

Nagtamo
naman ng tama ng bala ang biktima sa kanyang kaliwang mata.

Nagawa
pang dalhin ng City Police station 1 ang biktima sa Medical Specialist Hospital
pero idineklara rin itong dead on arrival ng doctor.

Narekober
naman sa crime scene ang dalawang empty shell mula sa kalibre 45 pistola na
baril.

Sa
ngayon, hinihintay na lamang ng mga otoridad ang tugon ng mga establisyemento
sa area sa kanilang hiling na pagpapalabas ng CCTV footages na posibleng
makatulong upang malaman ang pagkakakilanlan ng suspek.

0NAKATAKDANG
SAMPAHAN ng kaso ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga at
baril sa checkpoint na inilagay ng Police station number 1 sa Quezon avenue,
Poblacion 5, Cotabato city kahapon.

Unang
nahuli si Osler Apillera, 31 anyos, residente ng Pascual subdivision, Mother
Barangay Rosary Heights, ng lungsod pasado ala una nang hapon kahapon.

Nakuha
mula kay Apillera ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang improvised
tooter at isang improvised single shot handgun na may kasamang isang bala ng
caliber 5.56.

Si
Apillera ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o
Illegal Possession of Firearms, paglabag sa umiiral na COMELEC gunban at
paglabag din sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makalipas
ang ilang sandali, nahuli naman si Rodel Aviles, 33 anyos, isang mekaniko,
residente ng PC Hill, Barangay RH-1, Cotabato city.

Nahulihan
si Aviles ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu kaya nakatakda rin itong
sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Ang
mga naaresto ay pawang nasa lock-up cell ngayon ng Police station number 1
habang hinahanda ang mga ebidensya para masampahan ng kaso ang mga ito. HINDI
MAKAPANIWALA ang pamilya Salandan matapos matuklasang nilooban ng mga kawatan
ang kanilang bahay pasado alas dos nang hapon kahapon sa TV Juliano street,
Barangay Rosary Heights 10, Cotabato city.

Ayon
sa salaysay ni Akmad Abdul Salandan, 40 anyos, isang negosyante, umalis sila ng
bahay dakong alas otso nang umaga kahapon para maligo sa Kusiong Beach, sa Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao.

Pagbalik
nila pasado alas dos nang hapon at napansin nilang bukas na ang main door ng
bahay.

Kabilang
sa natangay ng mga kawatan ang isang ASUS laptop na nagkakahalaga ng 18,000
pesos, isang Nokia Lumia cellphone na nagkakahalaga ng 15,000 pesos, dalawang
cherry mobile flare na nagkakahalaga ng 3,000 pesos, isang Nikon camera na
nagkakahalaga ng 25,000 pesos, isang cherry mobile loader na nagkakahalaga ng
2,000 pesos, dalawang tablet na nagkakahalaga ng 3,300 pesos, mga mahahalagang
dokumento at cash na abot sa 70,300 pesos.

Patuloy
pang iniimbestigahan ng Police station number 2 ang nasabing insidente.

ABOT
sa 52 job fairs ang sabay na inilunsad kahapon ng Department of Labor and
Employment o DOLE sa buong bansa kasabay ng pagdiriwang ng labor day.

Sinabi
ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na mahigit 167,000 bakanteng trabaho ang
binuksan para sa mga naghahanap ng trabaho sa may 54 job fair venues na
bubuksan nationwide.

NASA
1,112 naman na mga employer ang nakiisa sa nasabing mga job fairs kung saan
92,257 na trabaho para sa lokal at 530 naman para sa overseas works.

Ang
pagdiriwang ng Labor Day ngayong taon ay may temang Kinabukasan Sigurado sa
Disenteng Trabaho”, na pinagsumikapang buuin ng DOLE para sa mga naghahanap ng
trabaho.

Sa
kabilang dako, TULUYAN ng isusulong ng DOLE ang istriktong eight-hour working
period para sa empleyado ng film at TV.

Sa
ipinalabas na Labor Advisory 04 ni Labor secretary Rosalinda Baldoz, sakop ang
lahat ng mga manggagawa sa Telebisyon at pelikula na obserbahan ang walong oras
na pagtatrabaho.

Dagdag
pa nito na dapat hindi lumagpas pa sa mahigpit na 12 oras sa isang araw ang
gugulin ng mga trabahador sa nasabing mga industriya. PATULOY ang
pagbibigay ng tapat na serbisyo sa mga mamamayan ng Maguindanao ang pamahalaang
pamprobinsya.

Sinabi ni Maguindanao Governor
Esmael 'Toto' Mangudadatu na hangad niyang maramdaman ng mga mamamayan ng
lalawigan ang totoong pagbabago sa kanilang lugar.

Kung matatandaan ay naging
mabunga ang pagsisikag ng Maguindanao provincial government matapos itong
parangalan ng Department of Interior and Local Government o DILG ang lalawigan
noong nakaraang taon para sa epektibong pagpapatupad nito ng good governance.

Kinilala ng naturang DILG award
ang mabuting pamamalakad ng Maguindanao provincial government sa larangan ng
financial housekeeping, disaster preparedness, business-friendliness and
competitiveness, peace and order, at environmental management.

Mismong si Mangudadatu ng
tumanggap ng naturang parangal sa Davao City.

Sa kanyang mensahe,
pinasalamatan ni Mangudadatu ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan
panlalawigan na tapat at maayos na nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng probinsya.

Nanawagan din si Mangudadatu sa
kanyang mga kababayan na manatiling nagkakaisa at nagtutulungan tungo sa
pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran ng lalawigan.

Samantala, pinuri naman ng
Department of Health o DOH ang Maguindanao Provincial Hospital sa pagiging
independente nito. Ayon sa DOH, sa lahat ng mga ospital sa buong bansa, tanging
ang Maguindanao provincial hospital lamang kasi ng Integrated provincial health
office o IPHO – Maguindanao, ang hindi nangutang para makapagpatayo ng isang
pasilidad tulad ng ER complex at ginamit lang ang pondong nagmula sa kinita sa
PHILHEALTH na nagkakahalaga ng 9.8 million pesos. Patay ang dalawa katao sa isa na namang aksidente sa daan sa Koronadal City dakong alas dos ng hapon noong Sabado.
Kinilala ang mga biktima na sina Wilbert Plicer,45 anyos Pastor ng Philippine Arise for Jesus Ministries at ang angkas nitong si Angelyn Eding 25 anyos, pawang mga residente ng Barangay Tubi-allah, Surallah, South Cotabato.
Dead on the spot ang dalawang mga biktima matapos magtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.
Ito ay matapos maka head on collision ng sinakyang motorsiklo ang isang Isuzu pick up sa national highway, Barangay Carpenter Hill, Koronadal.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulis na aksidenteng nabangga ng pick up na patungong Koronadal City ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima nang mag-overtake ito sa isang pang sasakyan.
Dahil sa lakas ng banggaan ng dalawang mga sasakyan, parehong tumilapon sa daan ang mga nasawing biktima.
Para namang nayuping lata ang kanilang motorsiklo, habang wasak naman ang unang bahagi ng pick up na umano ay nakabangga sa kanila.
Ang driver naman ng pick up na si Sortie Bicera, ay agad umalis sa lugar dahil sa takot na kuyugin ng mga mamamayan.
Si Bicera ay sumuko sa Tupi Municipal Police Station.
Ayon kay Koronadal City Police Director, Superintendent Barney Condes, si Bicera na residente ng Isulan, Sultan Kudarat ay sinundo na ng mga mga kasapi ng Koronadal City police kahapon.
Natanggap agad sa trabaho sa Labor Day Jobs Fair ng Deparmtent of Labor and Employment o DOLE 12 sa General Santos City ang 378 job applicants.
Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib, ito ay 32 percent sa 2,700 na mga nag-apply sa jobs fair.
Ayon kay Gutib karamihan sa mga na-hired on the spots ay magtatrabaho bilang sales representatives, at production staff.
Marami din ayon kay Gutib ang natanggap para magtrabaho sa tuna o canning industry.
Ipinahayag ni Gutib na 425 sa mga aplikante ay nearly hired o hinihingan pa ng mga kompanya ng dagdag na dokomento bago tanggapin.
Gayunpaman ayon kay Gutib, problema pa rin ng DOLE ang job mismatch o hindi angkop na kasanayan ng mga job applicants sa mga bukas na trabaho.
Sa katunayan ayon kay Gutib, sa mahigit 13,000 bakanteng trabaho na pwedeng aplyayan sa jobs fair,1,175 lamang ang qualified.
Ito ang dahilan kugn bakit ayon kay Gutib, patuloy na nakikpag ugnayan ang ahensya sa mga guidance counselor ng mga eskwelahan sa rehiyon.
Layon nito na magabayan ang mga estudyante sa tamang kursong kukunin upang agad na makapaghanap ng trabaho. Handa na sa pagpapatupad ng K to 12 program sa Hunyo ang mga eskwelahan sa buong SOCCKSARGEN Region.
Ito ay tiniyak mismo ni Dep ed 12 OIC Regional Director Arturo Bayucot.
Ayon kay Bayucot, hindi lamang mga eskwelahan ang inihanda ng Dep ed sa K to 12 kungdi maging mga guro na isinailalim sa mga pagsasanay.
Gayunpaman aminado si Bayucot na marami pang dapat ayusin ang Deped para matiyak ang mas maayos na pagpapatupad ng K to 12.
Sa isang pulong balitaan ipinahayag ni Bayucot na sa mahigit 400 na eskwelahan sa rehiyon dose 282 lamang sa mga ito ay tatanggap ng Grade 11.
Ito ay dahil na naman sa kakulangan sa silid aralan ng ilang mnga eskwelahan.
Meron ding iba ayon kay Bayucot na wala pang gurong may kakayanan na magturo sa Senior High School.
Umapela naman si Bayucot sa mga magulang ng paunawa sa mga kakulangan pa ng Dep Ed sa K to 12, kasabay naman nito ang pagtiyak na ang mga ito ay hinahanapan na ng solosyon ng ahensya.
Maliban sa mga mga public schools ayon kay Bayucot, tataggap din ng senior high school ang 160 na mga private schools sa region 12. Umaasa ang mga health officials ng South Cotabato na idedeklara na ng World Health Organization o WHO na malaria Free ang lalawigan.
Ito ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr, ay matapos isailalim sa validation ng regional evaluating committee ang malaria report program ng South Cotabato.
Ipinahayag din ni Aturido na matapos ang serye ng malaria border operations, mariin ding minomonitor ngayon ng IPHO kung may kaso pa ng malaria sa mga boundary ng South Cotabato sa Sarangani at Sultan Kudarat.
Lumabas naman sa datus ng Provincial Epedemiology and Surviellance Unit o PESO ng IPHO, na bagama’t walang bagong kaso ng Malaria sa South Cotabato, isa katao naman mula ibang lugar na may Malaria ang nakapasok sa lalawigan noong nakaraang taon.
Ipinahayag naman ni Provincial Malaria Focal Person, Jose Barroquillo na magsagawa din ng validation sa malaria report program ng South Cotabato ang team of evaluators ng WHO sa ngayong Mayo.
Sa ngayon ayon kay Barroquillo ay tiniyak ng kanilang tanggapan na mapanatiling malaria free ang South .
Ito ayon kay Barroquillo ay sa tulong ng Department of Health, provincial Government ng Sultan Kudarat at Sarangani.
Sa temang Vote For Good , Vote For God isinagawa ng simbahang katoliko ang Candidates Forum sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
Ito ay pinangunahan naman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting PPCRV .
Ayon kay PPCRV Lay City Coordinator Ramon Agana, layon nito na gabayan ang mga mamamayan sa mga iboboto sa May 9.
Ito ay sa pamamagitan ng pakikinig sa plata porma de gobyerno ng mga kandidato at kung papano sagutin ang mga katanungan ng taong bayan.
Dumalo din sa candidates forum ang mga kinatawan mula sa Department of Interior and Local Government, PNP, militar, at Comelec.
Gayunpaman, tanging dumalo lamang sa candidate forum ang pitong mga kandidato sa pagka city councilor ng Tacurong.
Nangako naman ang mga ito na tutulong sa pagpapatupad ng maayos, matiwasay at makatotohanang resulta ng eleksyon sa pamamagitan ng pakikilahok sa convenant signing.
Kapansin pansin diin na kokonti lamang ang mga taong pumunta sa Tacurong City Gym para makininig sa mga kandidato Bumuhos ang pakikiramay sa pamilya ng isang 18 anyos na lalaki matapos itong bawian ng buhay nang masangkot sa vehicular accident sa Corner Quezon Boulevard at Old Pc baracks Kidapawan City gabi noong sabado.Kinilala ang biktima na si Kurt Michael Javier Ramirez, na taga 3rd block Bolong Subdivision Kidapawan.Ayon sa report minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungong Cotabato area nang makasalubong nito ang isang ambulansya na naka rehistro sa President Roxas LGU.Nabatid na patungong Kidapawan Medical Especialist ang nabannggit na ambulansya para maghatid ng pasyente at nang papaliko na ito ay doon na sila nagsalpukan sa minamanehong motorsiklo nang biktima.Naisugod pa sa Madonna Hospital si Ramirez pero ilang oras lang din ay binawian rin ito ng buhay. 0Personal grudge at Onsehan sa droga ang sinusundang mga anggulo ngayon ng Kidapawan City PNP na posibleng dahilan sa pagkamatay ng dalawang narekober na bangkay sa brgy. Marbel, Kidapawan City noong nakaraang linggo.Mismong si Supt. Noel Kinazo, OIC ng City PNP ang nagbutyag nito matapos ang kanilang mga ginawang pagsisiyasat sa insidente.Base naman sa resulta ng imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives gunshot wounds ang ikinamatay ng dalawan.Tama sa ulo ang tinamo ng babae habang tama sa leeg namang ang sa lalaki.Ayon kay Kinazo pisibleng sa ibang lugar pinatay ang mga biktima at doon lamang sila inilibing.Noong nakaraang biyernes, ay nakilala na rin ang bangkay ng lalaki at tinukoy siya mismo ng kapatid nitong babae na kinilalang si Ibrahim Kasim Sarip na taga barangay Buhay, Makilala, North Cotabato.Matatandang kinilala rin ng mga kapatid nito ang bangkay na babae na si Fatima Sarip na taga Marawi City, lanao del Sur.Pero ayon sa kapatid ng lalaki, hindi raw nila kilala si Fatima at wala raw silang kaugnyayan rito.Wala ring ibingay na pahayag ang babae kung paano nagkasama ang dalawa at kung paano sila nasangkot sa droga.Ang lahat ng ito ay nasa ilalim pa nang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP. Pumalo na sa 143Million pesos ang pinsala ng agrikultura sa Mlang North Cotabato dulot ng El Niño phenomenon simula pa noong nakaraang taon.Base sa datus ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, ang nabanggit na halaga ay mula sa pinsala ng palayan na umaabot sa 127 million pesos, pomelo na may 5.4Million, Mais, na may 4.7Million goma na may 3.6Million, saging, 2.3Million, palm oil, 1Million at niyog na umabot sa 45 thousand pesos.Sinabi ni MDRRM officer Constantino Diazon, Abot na sa tatlong libo at dalawang daang ektrayang agricultural area na sinasaka ng higit dalawang libong magsasaka ang ngayon ay di na mapapakinabangan dulot ng naturang kalamidad.Kaugnay nito, nagpapatuloy naman sa ngayon ang ikalawang bugso ng relief operations ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD-12 at ng Philippine Red Cross para sa mga 4Ps members at laborers na una nang navalidate ng nabanggit na ahensya. Abot na sa pitong milyong piso ang kabuang danyos ngayon ng ibat-ibang insidente ng sunog sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.Katulad ng ibang munisipyo sa lalawigan, grassfire din ang may pinakamataas ng bilang ng sunog sa bayan na ngayon ay umaabot na sa 30 insidente nito lamang unang tatlong buwan ng 2016.Kabilang sa mga naapektohan ng grassfire ay ang mga rubber, palm oil at sugar cane plantation at may kabuuang area na dalawang daang ektarya.May tatlong kaso rin ng structural fire sa naturang bayan na kung saan umabot naman sa isang milyong piso ang naging pinsala nito.Sa naging datos, mas mataas parin ang mga naitalang kaso ngayong taon sa bayan ng Tulunan, kumpara noong unang kwarter ng 2015.Samantala umabot naman sa 74 kaso ng sunog ang naitala para sa unang quarter ngayong taon sa bayan ng Mlang.Malaking porsyento sa mga naitalang sunog ay grass fire na umabot sa 70 kaso. Apat naman sa mga naitalang sunog ay napabilang sa structural fire.Sinabi ni Fire Officer 1, Hanna Mae P. Paton, Public Information Officer ng BFP Mlang, mas mataas ang naitalang kaso ng sunog ngayong unang quarter ng taon kumpara noong unang quarter ng 2015.Tumaas ang bilang ng sunog dahil rin umano sa matinding init ng panahon na dulot ng El Niño na kasalukuyang nararanasan sa buong rehiyon. Matapos ang ginawang assessment ng Barangay officials at Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga nasirang bahay dahil sa Ipu-ipo noong nakaraang linggo, nakatanggap na sila ng tulong.Sa report na nakalap ng Radyo Bida, apat na mga pamilya mula sa Bliss Subdivision ng brgy. Balindog ang unang nakatanggap ng tulong mula sa barangay council.Bawat pamilya ay nakatanggap ng mga Yero at kahoy para sa pagpapatayo muli ng kanilang bahay.Una na ring tiniyak ni CDRRMC Focal Person at City Information Officer Psalmer Bernalte na makatanggap rin ng tulong ang siyam na iba pang pamilya na nabiktima rin ng Ipu-ipo mula sa brgy. Magsaysay ng lungsod.Nabatid na matapos ang malakas na buhos ng ulan sa ilang Bahagi ng North Cotabato noong nakaraang linggo ilang mga bahay din ang sinira ng ipu-ipo habang malawak rin na banana plantation ng ilang mga magsasaka ang naapektuhan dahil rito.NDBC BIDA BALITA

Indigents, IPs get housing units from MSSD

AMPATUAN, Maguindanao del Sur - Indigenous Peoples and Moro indigents are now enjoying living in the comforts of their own homes provided for them by...

Army neutralizes a BIFF, captures IEDs and firearm in MagSur clash

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Operating troops of the Joint Task Force Central were conducting military operations in Butilen, Datu...

Magkapatid na drug peddlers, huli sa anti-drug ops sa MagNorte, P3.4-M shabu nakumpiska

NAARESTO NG MGA TAUHAN NG PNP ang magkapatid na drug peddler sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del...

6ID naglunsad ng air at ground assaults vs DI/BIFF sa Maguindanao Sur

  NAGLUNSAD ANG ARMED Forces of the Philippines ng air at ground assaults laban sa hinihinalang kasapi ng BIFF at Military, naglunsad ng air...

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...