Tuesday Apr, 30 2024 01:19:47 AM

NDBC BIDA BALITA (May 28, 2016)

 • 17:49 PM Sat May 28, 2016
1,263
By: 
NDBC

fficial website at social media accounts ng
DepEd.

NEWSCAST

MAY 28, 2016 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAGLIVE-IN PARTNER AT TATLONG IBA PA
kabilang ang isang menor de edad, huli sa buy-bust operation ng PDEA-ARMM

2. Ilegal na transaksyon sa binansagang
Shabu Tiangge sa Matalam, North Cotabato, humina na raw ayon sa PNP

3. MGA MILITAR pinaaalis ng mga
residente sa Sitio Lamalis sa Columbio matapos ang tension laban sa rebeldeng
NPA

4. Taga-South Cotabato, lalahok sa international model contest ARESTADO ang mag live-in partner at
tatlong iba pa kasama ang isang menor de edad sa isinagawang buy-bust operation
ng Philippine drug enforcement agency o PDEA-ARMM sa SPDA, Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao, pasado alas-2:30 ng hapon kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina
Abdullah Sangkopan Saway, 20-anyos at ang kinakasama nito na si Noor Maulana
Utto, 33-anyos.

Ayon kay PDEA ARMM Chief Operations
Marvin Mendoza, nasakote nila ang mag live-in partner matapos makabili ang isa
sa kanilang agent na nagpanggap na poseur buyer sa maglive-in partner ng isang
pakete ng pinaniniwalaag shabu.

Maliban sa dalawa, arestado rin sina
Esmael Abdullah Zainudin Filipino, 26 years old Halid Ghadjali Mama, 22-anyos,
taga-Dimapatoy at ang menor de edad na si Abdulrahim Sangkopan Saway, 15-anyos,
may-asawa at residente ng Brgy. Semba ng nasabing bayan.

Huli ang tatlo matapos maaktuhang
nagpo-pot session sa loob ng bahay ng mag live-in partner.

Narekober naman ng mga operatiba sa
loob ng bahay ang isang Five Hundred Peso Bill, labin-apat na pakete ng pinaniniwalaang
shabu, tatlong gunting, dalawang lighter at isang blue ice box.

Nabatid ayon kay Mendoza na matagal na
nilang minomonitor sina Utto at Saway dahil sa pinaniniwalaang sangkot ang
dalawa sa pagbebenta ng illegal na droga at pagminta ng drug den sa lugar.

Ang naturang mga suspek ay nahaharap sa
kasong paglabag sa section 5, 6, 7, 11 at 12 ng article II ng RA 9165 o
comprehensive dangerous drugs act of 2002.

NAI-TURN OVER naman sa kanyang mga magulang
ang naarestong menor de edad sa presensya ng isang kagawad ng Brgy. SPDA.

PATULOY PA
RING NAGPAPAGALING ngayon sa pagamutan ang isang trisikad driver matapos
pagbabarilin alas syete kamakalawa nang gabi sa Anacleto Badoy street,
Poblacion 3, Cotabato city.

Kinilala ang
biktima na si Guiaber Ladsik Alison, 26 anyos, residente ng Simuay, Sultan
Kudarat, Maguindanao.

Ayon sa
inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakatayo sa lugar ng pinangyarihan si
Alison kasama ang kaibigan nitong si Hasna Uy dahil naghihintay ang mga ito ng
masasakyan.

Dito ay bigla
umanong dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at binaril ang biktima mula
sa likuran.

Tinamaan sa
kanang balikat si Alison habang tumakas naman ang suspek na naglakad lamang
papunta sa hindi pa malamang direksyon.

Agad namang
naisugod sa pagamutan ang biktima.

Sa ngayon ay
inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril sa biktimang trisikad
driver.

HINIMOK ng Department of Education o DepEd ang lahat ng mga
pampublikong paaralan na huwag obligahin ang mga estudyante na bumili ng
mamahaling gamit pangeskuwela sa nalalapit na pagsisimula ng klase sa Hunyo 13.

Ayon sa DepEd kasama ang Department of Trade and Industry,
iwasan ang pag-utos ng anumang branded o mamahaling school supplies na
magpapahirap sa budget ng mga magulang.

Inirekomenda ni DepEd Assistant Secretary for Legal and
Legislative Affairs Atty. Tonisito Umali na gamitin ang Gabay sa Pamimili ng
School Supplies” na inilabas ng DTI upang magabayan ang mga consumer sa
kanilang pamimili na makikita sa official website at social media accounts ng
DepEd.

MANDATORY
na ang drug testing sa Philippine National Police simula ngayong July 1.

Ayon
kay incoming President-elect Rodrigo Duterte gagawin ang modernong pamamaraan
ang pagsasagawa ng drug testing.

Inihayag
ni Duterte na ipapatupad kaagad ang drug testing, isang araw matapos ang
kanyang oath taking bilang bagong Pangulo ng Pilipinas.

Sa
pamamagitan ng modernong pamamaraan ng drug testing nais nito na ang mga
generals ay kasamang isasailalim sa drug test sa kanyang harapan.

Nilinaw
din ni Duterte na magpapatupad siya ng massive reshuffling sa hanay ng law
enforcement agency at mga pinaghinalaang sangkot sa kwestyunabling mga gawain
ang unang matanggal.

MAY
PAALALA ang Department of Health o DoH sa publiko ngayong nagsimula na ang
tag-ulan sa bansa.

Ayon
kay Health Secretary Janette Garin, karaniwang dinadapuan ng sakit sa baga,
pananakit ng tiyan,

trangkaso,
diarrhea at leptospirosis ang mga tao kapag tag-ulan.

Dahil
dito, hinimok ng kalihim ang lahat na tiyaking sapat ang oras ng tulog, regular
na nageehersisyo,

at
masusustansiya ang kinakain upang matiyak na malakas ang immune system ng
katawan laban sa mga

nabanggit
na sakit.

Mahalaga
rin na tama ang pagtatapon ng basura, partikular kapag tag-ulan, upang maiwasan
ang

posibilidad
ng pagkakontamina ng tubig.

Nagbabala
rin si Garin laban sa mga aksidente sa lansangan, na madalas din tuwing
tag-ulan, kung kailan

madulas
ang mga kalsada.

Opisyal
nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical
Services Administration

o
PAGASA nitong Martes ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

Magdadalawang buwan na at hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City si Spo2 Rick Untalan ng Mlang PNP.Matatandaang isa si Untalan sa mga nagtamo ng matinding sugat na pulis matapos ang nangyaring pagbuwag ng PNP sa ginawang pagbarikada ng libu-libong magsasaka sa North Cotabato sa Kidapawan City highway noong April 1.Sinabi ni Supt. Joefrry Todeño, hepe ng Mlang PNP, sa kanilang pinakahuling pagbisita kay Untalan sa ospital, nasa mabuti na raw ang kondisyon nito pero hindi pa rin nakakatayo at nakakapagsalita.Ipinahayag rin ng kanyang mga doktor na hindi pa muna siya maibabalik sa Kidapawan City dahil sa mga gagawing test sa kanya ng kanyang mga espesyalista.Nabugbog kasi ng husto ang ulo at mata ni Untalan dahil sa pangyayari.Sa ngayon ay patuloy na binabawi ni Untalan ang kanyang lakas para muling makabalik sa kanyang serbisyu sa Mlang PNP.Inako rin ng PNP National headquarters ang mga bayarin ni Untalan sa Hospital at nagpabot na rin ng tulong ang provincial Government at Mlang LGU sa pamilya nito. Posibleng sa lunes na gagawin ng mga LGU sa North Cotabato ang pamamahagi ng bigas mula sa Davao City Government.Ito ang kinumpirma mismo ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Cotabato o KMP Chair Lito Roxas sa DXND Radyo Bida.Ayon kay Roxas sigurado na na makatatanggap ng tig-isang sako ng bigas ang mga magsasakang nanguna sa Kilos Protesta mula sa bayan ng Magpet at Antipas, base na rin napagkasunduan sa pagitan ng KMP at lokal na pamahalaan.Habang makatatanggap naman ang mga taga President Roxas ng tig kalahating sako ng bigas at tig-pipitong kilo ng bigas naman sa Kidapawan City.Paliwanag ng mga opisyal ng President Roxas at Kidapawan ay para maibahagi rin sa ibang mga El Niño affected families ang nabanggit na bigas.Sa ngayon hinihintay pa ng KMP ang go signal mula sa Davao City Social Welfare and Development para sa proseso ng pamamahagi ng bigas.Mula noong nakaraang Sabado at linggo abot na sa halos isang daang porseynto mula sa pinangko ng Davao City Government ng 15 thousand sacks of rice ang kanilang naihatad sa mga LGU sa North Cotabato. Inamin ngayon ng Matalam PNP na nananatili pa ring suliranin sa Purok Islam, Poblacion, Matalam North Cotabato ang illegal drug trade.Ito ang ibinunyag ni Police Chief Ins. Sonny Leoncito matapos ang pinakuhuling shooting incident sa nabanggit na area na kinasasangkutan ng isang tulak-droga.Pero nilinaw nang opisyal na hindi na ito kagaya nang dati na talamak ang mga ilegal na transaksyon nangyayari bunga na rin ng sunod-sunod na Anti-drug operations ng PNP.Base sa kanilang intelligence report, dropping-point na lamang ng shabu ang Purok Islam ngayon matapos nilang buwagin ang grupong nananatili sa area.Dahan dahan na ring naibabalik ng PNP ang suporta ng mga residente kung saan sila na mismo ngayon ang nagbibigay ng mga impormasyon sa mga otoridad kaugnay sa mga napapansing ilegal na aktibidad sa lugar.Ang purok Islam sa bayan ng Matalam, ay una nang binansagang Shabu-Tiangge ngunit ngayon ibinida ni Leoncito na nabuwag na ang nabanggit na aktibidad sa lugar. Isang karangalan ngayon ang iuuwi ng isang taga Kidapawan City matapos magwagi at mapili sa nagpapatuloy na Asian Festival of Children’s Content o AFCC 2016 na ginaganap sa National Library Building sa bansang Singapore.Mula sa halos isang libong delegado na nagmula sa ibat ibang bahagi ng Asia tanging taga Kidapawan City ang itinanghal at nakasungkit ng grand prized.

Ang nabanggit na kompetisyon ay pagsusulat ng mga libro na may kaugnayan sa mga bata.Ito ay sinulat naman sa kataunahan ni Mary Ann Ordinario- Floresta na may ari ng ABC Montessori Learning Center sa Kidapawan City.Napili ng mga hurado ang kanyang sinulat na aklat na may pamagat na The Crying Trees.Hindi lamang ordinaryong libro o fairy tale ang nakapaloob sa nabanggit na aklat kundi estorya ng bawat bata mula sa ibat ibang kultura at paniniwala sa Mindanao.Kaugnay nito, bumaha naman ngayon ang ipinapaabot na mga mensahe at kasiyahan ng kanyang pamilya, kamag-anak, kaibigan at kakila lalo na sa social media.Ipinapaabot rin ni Floresta ang kanyang pasasalamat lalo na sa mga taong kailanmen ay hindi siya iniwan at patuloy na naniniwala sa kanyang kakahayang pagsusulat.Ang AFCC ay taunang aktibidad na inorganisa ng National Book Development Council of Singapore o NBDCS para i promote ang paggawa ng libro para sa mga bata na naka sentro sa Asian Themes. Nagbabala ngayon ang Philippine National Police sa lahat ng may-ari ng motorsiklo na maging mapagbantay laban sa mga magnanakaw.Ito ang pahayag ng PNP matapos makapagtala ng sunod sunod na kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo sa North Cotabato nitong lingo lamang.Kabilang na rito ang biktimang dispatcher na si Emeliano Dele Pena alias Bambi, 54-anyos na taga brgy Poblacion Matalam.Kwento pa ni Bambi pinarada lamang nito ang kanyang KAWASAKI BAJA CT100 na may license plate 56312 katabi sa isang establisyemento sa lugar.Nakita pa raw ng biktima na sinakyan ng di pa kilalang suspek ang kanyang sasakyan pero hindi na ito nakahingi ng tulong dahil mabilis ding itong pinaharurot ng suspek.Samantala nabiktima rin ng mga magnanakaw ang isang Rodel Pamplona na taga Poblacion, Tulunan, North Cotabato.Ayon sa report ninakaw ang isang XRM 125 ng biktima na may license plate 9810 sa likod ng public market ng brgy. Bagon tapay Mlang.Sa Kidapawan City, maliban sa pangloloob prayuridad rin ngayon ng PNP ang pagtugis sa mga grupo na responsible sa pagnanakaw ng motorsiklo sa lungsod.Nakaalerto rin ngayon ang Kabacan Municipal Police Station matapos rin ang ilang kaso ng motorcycle theft na naitala sa bayan.NDBC BIDA BALITA Nilinaw ni Department of Education South Cotabato
Brigada Eskwela Coordinator Dennis Galve na maari pa ring makiisa sa brigada
eskwelaha ang mga mamamayan na gahol sa
oras para tumulong sa paglilinis at pagsasaayos ng mga silid aralan.

Ito ayon kay Galve ay sa pamamagitan ng pag-donate
ng mga pinta,yero, pang merienda ng mga volunteers at iba pang pangangailangan
sa mga eskwelahan.

Ipinahayag din nito na maliban sa Parents Teachers
Association, inaasahan din ng DepEd ang pakikiisa ng mga local government units
sa Brigada Eskwela.

Kinumpirma din ni Galve na magbibigay ng P150,000
ang non government organization na Save
the Children para sa pinakamahihirap na eskwelahan sa mga bayan ng Lake Sebu at
T’boli.

Ito ang ipinahayag ni Galve kaugnay sa takdang
pagsisimula ng Brigada Eskwela sa Lunes.

Ayon kay Galve ang kick off ceremony ng Brigada
Eskwela o School Maintenande Week sa South Cotabato ay gaganapin sa San Vicente
Elementary School sa bayan ng Banga.

Layon ng isang linggong Brigada na maihanda ang mga ekswelahan upang
matiyak ang pagsisimula ng pormal na klase sa unang araw palamang mga pasukan
sa mga pampublikong ekswelahan sa June
13.

Sinusubukan ngayong sungkitin ng isang South
Cotabatena ang 2016 Miss World Next Top Model Title.

Ang 26 anyos na si Aiza Faeldonia ay nasa Beirut,
Lebanon ngayon at nakikipagkumpentensya sa mga kandidata ng 43 bansa.

Si Faeldonia na mula
sa Surallah, South Cotabato , ay nagtapos ng secondary education sa
Libertad National High School sa bayan.

Kumuha ito ng kursong Hotel and Restaurant
Management sa isang Kolehiyo sa Koronadal City.

Sa tangkad nitong 5 feet at 9 inches,ang South
Cotbato beauty na inakala ng marami na
sasali muli sa binibining Plipinas ngayon taon ay itinuturing na front-runner
sa 2016 World Next Top Model Title.

Maari ring tumulong ang publiko para
maipanalo si Faeldonia sa pamamagitna ng internet vote via and//www.pageantvote.net/ www.pageantvote.net

Matatandaan na si Faeldonia ay sumali din sa
Binibining Pilipinas 2014.

Nilinaw naman ni Surallah, Mayor Antonio Bendita na
dahil sa election ban, hindi nito napagbigyan ang hiling na pamasahe papuntang
Beirut, Lebanon ni Faedlonia.

Sa halip ayon kay Bendita irere-fund na lamang ng
lokal na pamahalaan ang air fair ni
Faeldonia sa pagbalik nito kung kelan tapos na ang election ban.

Ang finals night ng 2016 World Next Top Model ay
gaganapin sa May 31.

Nais ng mga residente sa Sitio Lamalis, Datalbiao,Columbio, Sultan Kudarat
na lumipat sa lugar na malayo sa mga bahay ang tropa ng militar.

Ayon kay Evangeline Nanding maliban sa takot,
nagdulot din kasi ng trauma sa
kanila nang magkasagupan noong Myerkules
ng gabi ang tropa ng militar at rebeldeng New Peoples Army o NPA.

Sa katunayan ayon kay Nanding, maliban sa kanyang
bahay na nasa tapat lang ng kuta ng militar, tinamaan din ng ligaw na bala ang
iba pang bahay sa kanilang lugar.

Sa kabila ng takot
na maipit muli sa sagupaan nanatili pa rin sa kanilang bahay ang mga residente
ng Sitio Lamalis.

Maliban sa anim na mga sundalo,sugatan din sa
sagupaan ang isang sibilyan.

Ayon kay Rosie Malid, ang 20 anyos nitong pamangkin na si Ezekiel Malid
ay ginagamot pa sa isang ospital sa Tacurong City dahil sa tama ng ligaw na
bala sa kanyang likod.

Kinumpirma din ni aling Rosie na ang isa pa nitong
pamangkin na si Nicanor Malid, 26 anyos ay dinampot ng mga pulis habang
nagbabantay sa kapatid sa ospital sa hindi pa nito alam na dahilan.

Sinmbukang hilingin ng Radhyo Bida Koronadal ang
panig ni 39th IB Spokesperson Captain Danny Tapang sa insidente
ngunit hindi ito sumagot sa aming tawag.

Pero nauna nang sinabi ng army official na kaya sila naroroon sa Sitio Lam alis dahil sa
kanilang Peace and Development Outreach Program.

Isasalang sa question hour ng Sangguniang
Panlalawigan ng South Cotabato ang ilang mga supplier ng Kuryente sa lalawigan.

Kabilang sa mga ito ang mga Board of Directors ng South Cotabato Electric
Cooperative o Socoteco I , National Grid Corporation of the Philippines o NGCP
at ang Supreme Power Corporation na nag-ooperate ng Bunker fired Fueled plant sa barangay
Paraiso, Koronadal City.

Layon nito na matukoy ang estado ng supply ng
kuryente sa South Cotabato.

Ayon kay Sangguniang Panlalawigan, Information
Committee Chair Esther Marin Catorce,nais ding malaman ng konseho ang naging
sanhi ng malawakang black out sa South Cotabato noong nakaraang linggo na
inalmahan ng maraming mga mamamayan.

Nabatid na maging si Socoteco I General Manager
Santiatgo Tudo ay ikinadismaya rin ang kawalan umano ng koordinasyon ng NGCP nang
maganap ang malawakang brownout sa South Cotabato noong nakaraang linggo.

Marcos cites 6th ID’s peacebuilding efforts

COTABATO CITY - President Ferdinand Marcos, Jr., on Monday lauded the Army’s 6th Infantry Division for its unrelenting anti-terror campaign and...

PBBM urged Bangsamoro to vote in 2025 parliamentary polls

BARIRA, Maguindanao Norte — President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the residents of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM...

Barangay Kagawad patay, driver sugatan sa ambush sa Datu Hoffer, Maguindanao Sur

PATAY ang isang barangay kagawad habang nakaligtas naman ang driver nito matapos tambangan ng mga suspek sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer,...

PBBM visits, honors soldiers hurt in clash with BIFF

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Seven soldiers who were wounded in an encounter with the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) were...

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...