Wednesday May, 22 2024 12:02:13 AM

NDBC BIDA BALITA (May 3, 2016)

 • 16:41 PM Tue May 3, 2016
1,260
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 03, 2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SCHOOL PRINCIPAL, panibagong biktima ng riding
in tandem snatchers sa Cotabato city.

2. Gang group, pangunahing suliranin
ngayon ng mga opisyal sa Poblacion Makilala, North Cotabato

3. Sumabog na front tire, dahilan ng
aksidente na ikinamatay ng isang police official at isang babae sa Tantangan,
South Cotabato

4. Bangko Sentral ng Pilipinas at
Anti-Money Laundering Council nanindigan na hindi galing sa kanila ang mga
dokumentong inilalabas ni Sen. Trillanes laban kay Duterte

NAKAPAMBIKTIMA NANAMAN ang mga riding
in tandem snatchers sa Cotabato city.

Sa pagkakataong ito, isang school
principal ang kanilang nabiktima pasado alas onse nang tanghali kahapon sa
Archbishop Mongeau street, Barangay Rosary Heights 8 ng lungsod, partikular sa
harap ng St. Benedict College of Cotabato.

Ayon sa salaysay ng biktima na
kinilalang si mam Judith Tinio, 43 anyos, school principal ng isang public school
sa lungsod at residente ng Maya street, Federville subdivision, Barangay Rosary
Heights 11, nakasakay siya sa payong-payong nang biglang hablutin ng mga
snatcher na nakasakay sa motorsiklo ang kanyang shoulder bag.

Aniya, naglalaman ito ng mga ATM, school
documents, cosmetics, mga mahahalagang IDs at cash na 2,000 pesos.

Iginiit naman ng pulisya na kilala na
nila ang nasabing mga riding in tandem snatchers at bilang na ang araw ng mga
ito dahil inaantay na lamang nila ang warrant of arrest na ipapalabas ng korte
para sa ikakaaresto ng mga ito.

SAMANTALA,
Sasampahan ng kasong paglabag sa
Republic Act 9165 ang isang babae matapos maaktuhang nagbebenta ng ilegal na
droga sa Purok Bitara, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato city pasado alas
dose nang madalig araw kahapon.

Kinilala ang
suspek na si Saida Usop alyas Kagi, 42 anyos, residente din ng nasabing lugar.

Ayon sa
report ng PDEA-ARMM, sumang-ayon si Usop na magbenta ng isang gramo ng shabu sa
kanilang ahente na nagkakahalaga ng isang libong piso.

Nagmagkapalitan
ng pera at item ay agad lumabas ang mga operatiba at inaresto ng suspek.

Nasa
kustodiya pa rin ngayon ng PDEA-ARMM ang suspek habang hinahanda ang mga
ebidensyang ipiprisinta ng tanggapan sa City Prosecutor's office.

IPAPAKITA NG
MGA lokal na kandidato sa Cotabato City ang nais ng bawat isa na magkaroon ng
mapayapa at maayos na halalan sa lungsod ngayong araw.

Ito ay sa
pamamagitan ng isang peace and unity Walk at peace and covenant signing ng mga
kandidato.

Ayon kay
Cotabato City Election officer Atty. Joyce Moran, maliban sa mga lokal na
kandidato para sa halalan kaisa rin nila ang mga pulis at militar para
mapanatili ang seguridad ng mga dadalo sa naturang aktibidad.

Nagsimula ang
naturang unity walk Mula Cotabato City State Polytechnic o CCSPC patungong City
Plaza.

SAMANTALA,
binunyag naman ni TMU Chief Zaiton Usop na wala silang natanggap na impormasyon
patungkol sa naturang aktibidad.

Pero Giit ni
Usop, wala namang magiging aberya dahil maaga palang umano ay nasa kalsada na
sila.

NAKABALIK
na sa bansang Indonesia ang sampung indonesian national na pinalaya ng grupong
Abu Sayyaf pasado alas-kwatro kamakalawa ng hapon.

Ayon
kay Police regional office Autonomous region in Muslim Mindanao o PRO-ARMM
Deputy for regional director of operations Police Sr. Supt. Rodelio Jocson,
nakatanggap ng impormasyon ang Sulu Provincial Police Office mula kay Sulu
Governor Abdusakur Tan II na nasa bahay niya ang sampung indonesian nationals.

Sa
report, ibinaba lamang umano ang mga biktima sa harap ng bahay ng gobernador
sakay sa isang kulay dilaw na TAMARAW JITNEY na minamaneho ng hindi nakilalang
driver.

Sinasabing
nagmula ang naturang jitney sa munisipyo ng Indanan.

Ayon
kay Jocson, matapos nilang makumpirma na naiturn-over nga kay Tan ang mga
bihag, agad namang itong dinala sa Camp Teodolfo Bautista Station hospital
upang sumailalim sa medical check-up at debriefing.

Inihayag
ni Jocson na matapos isinagawa ang debreifing sa mga pinalayang bihag, dinala
na ang mga ito sa Andrews Airbase sa lungsod ng Zamboanga.

Kung
saan Dakong alas-sais kwarentay-singko ng hapon sa pareho paring araw, mismo
sina Directorate for Investigation and Detective Management Director Benjamin
Magalong at mga kasamahan nito ang pormal na nag turn-over sa sampung
indonesian nationals sa mga opisyal ng Indonesian Embassy at sa miyembro ng
Indonesian Parliament.

Lulan
ng isang private plane, tuluyan nang bumiyahe pabalik ng Indonesia mula
Zamboanga ang mga biktima.

Aktibo
naman ang buong PNP-ARMM para makatulong sa Armed forces of the Philippines at
iba pang hanay ng alagad ng batas sa rehiyon laban sa mga kaso ng kidnapping at
iba pang krimen sa rehiyon.

TUMANGGAP ng tulong mula sa Maguindanao provincial government
ang mahigit dalawang libong residente ng South Upi, Maguindanao na apektado ng
matinding tagtuyot nitong mga nakalipas na buwan.

Sinabi ni Maguindanao provincial governor Esmael Toto
Mangudadatu na katuwang ng Maguindanao People's Medical team sa kanilang relief
mission ang Philippine Red Cross o PRC. Ayon kay Mangudadatu, pinili niyang
makipagtulungan sa PRC para hindi mabahiran ng politika ang naturang aktibidad.

Sabi ng gubernador, nasa 17 mga sitio sa Barangay Romangaob,
South Upi ang tumanggap ng food supplies nitong weekend.

Una ng namahagi ng tulong ang Maguindanao People's Medical team
sa mga barangay ng Kuya, Pilar at Pandan.

Dagdag pa ni Mangudadatu, bukod sa food packs ay naka benipisyo
rin ang mga residente ng libreng medical at dental services.

Ang South Upi ay isa 12 mga bayan sa Maguindanao na lubhang
apektado ng tagtuyot mula pa noong nakaraang taon. BINUO AT SINANAY sa Cotabato
city ang mga babaeng volunteer na para maging miembro ng All-Lady Emergency
Response Team o ALERT.

Sinabi ni Cotabato city mayor Japal Jojo Guiani Jr. na ang
naturang all-female team of volunteers ay nasa ilalim naman ng Disaster Risk
Reduction Management Council ng lungsod na pinamumunuan din ng alkalde.

Sabi ni mayor Guiani, ang naturang mga grupo ng kababaihan ang
magreresponde sa panahon ng emergency katulad ng mga sakuna at kalamidad.

Ayon kay Guiani, sinanay ang mga miembro ng ALERT para tumulong
na agad maisugod sa pagamutan ang mga biktima at magbigay ng first aid kung
kinakailangan.

Dagdag pa ni Guiani, ang pagbuo ng ALERT ay nauna ng plano ni
dating Cotabato city administrator Atty. Cynthia Guiani Sayadi.

Inaasahang magiging operational na ang ALERT at naka antabay
para magresponde sa anumang uri ng emergency ngayong darating na halalan sa May
9. Dumating na kahapon ang mga Vote Counting Machine o VCM na nakalaan para sa mga presinto sa North Cotabato.Sinabi ni COMELEC Provincial Election Supervisor Jay Gerada, 11 mga bayan na sa lalawigan ang natanggap na ang kanilang mga VCM habang naka schedule naman ngayong araw ang para sa nalalabing pitong iba pa.Sa North Cotabato aabot sa 1,152 ang mga clustered precincts kung saan aasahang ganito rin karami ang ipapadalang VCM mula sa COMELEC Manila.Nakasisiguro naman ang COMELEC na hindi magloloko ang naturang mga machine sa darating na eleksyon dahil ayon kay Gerada dumaan na sa testing ang mga ito.Sa ngayon nasa kustodiya na ng bawat COMELEC station sa lalawigan ang mga VCM para suriin rin ng mga COMELEC officers.Nasa Office of the treasury na rin ng bawat LGU ang mga balota na gagamitin para sa election.Tiniyak naman ni Gerada na sapat ang kanilang mga PNP personnel at iba pang augment forces para i secure ang naturang mga gamit.Samanatala sa Kidapawan City Magkasabay namang gagawin ng City Comelec ang Testing and Sealing ng mga VCM sa darating na May 5.Susubukan ng Comelec ang mga VCM na gagamitin sa Halalan sa nabanggit na petsa. Magsisilbing 'simulation' ang gagawing aktibidad dahil mismong ang mga BEI ang katuwang ng Comelec para rito.Ayon pa kay Acting City Election Officer Dindo Epino , susubukan nilang maglagay ng official ballot sa VCM at susuriin kung babasahin ba ito ng makina kasabay din ng pag imprenta ng resibo. Simula buwan ng Abril hanggang ngayong unang linggo ng Mayo 2016, dalawang mga preso na ang binawian ng buhay sa North Cotabato Provincial District Jail sa Amas, Kidapawan City.Ito ay base naman sa report ng nakalap ng Radyo Bida mula sa Kidapawan City PNP.April 23, binawian ng buhay ang presong si Jose Amiado Cabaya jr. 63-anyos nga taga Brgy. Malitubog, Alamada, North Cotabato.Nabatid na sa katandaan na raw ng biktima ang dahilan ng kamatayan nito.Ilang buwan na rin umano hindi na dinadalaw si Cabaya ng kanyang mga pamilya.Nahirapan pa umano ang BJMP na matunton ang pamilya ni Cabaya para maiturn over ang bangkay nito.Nitong April 29 naman ay binawian rin ng buhay ang presong si Arnold Cabaya Cambel, 49-anyos nga taga Midsayap, North Cotabato dahil sa kanyang sakit na tuberculosis.Pahayag ng BJMP, suportado naman ng gamot ang mga inmates ng Provincial Government pero sa kaso ni Cambel ay dati na raw itong may sakit sa baga bago paman nakulong.Samantala, Kahapon naman ng madaling araw pumanaw na rin ang isang Akmad Otto Simpal ng Kabacan sa District jail.Base sa ulat sakit sa puso ang dahilan sa pagkamatay ng biktima at naisugod pa sa isang pagamutan sa Kidapawan City. Inamin ni Makilala brgy. Poblacion Chairperson Erick Quibod na grupo ng mga kabataan o Gang ang isa sa pangunahing suliranin ngayon ng barangay.Ito matapos ang nangyaring pambubogbog umano ng grupo sa dalawang mga seminarista sa barangay.Ikinaalarma na rin ng ilang mga residente dahil hindi lamang ito ang unang pagkakataon nangyari sa kanilang area.Dahil sa insidente agad inaksyunan ng barangay council ang naturang problema kung saan ipinatawag nila ang leader ng Gang at nagsagawa ng dayalogo.Nabatid na umabot sa higit 30 ang miembro ng grupo na nahati sa dalawa.Ito ay ang Group of true friends ng barangay Poblacion Makilala at mortal umano nilang kaaway na Resbak ng Saging.Kasabay namang ng ginawang dayalogo ng mga opisyal ay ang kanilang assessment sa mga kabataan.Dito nila napag-alaman na problema sa pamilya ang nag-udyok sa mga bata na sumali sa nabanggit na grupo.Anila, sa kanilang grupo umano nila nakita ang tunay na pamilya at kalinga.Sa ngayon, umaasa at positibo si Quibod na magkakaroon ng magadang bunga ang kanilang ginawang dayalogo sa buhay ng mga bata sa kanilang lugar.Kaugnay nito, isang summer youth camp naman ang ilulunsad sa barangay kung saan ang dalawang grupo ng gang ang pangunahing bisita at kasali rito.Paiigtingin rin ng Council ang kanilang pagpapatupad ng curfew hours para maiwasang mauulit pa ang mga kaguluhan na kinasasangkutan ng mga kabataan. RESTRICTED na ngayon ang lahat ng mga miembro ng Cotabato Police Provincial office o CPPO na sangkot sa Kidapawan City Dispersal noong April 1.Sinabi ni Senior Supt Danilo Peralta, chief ng PRO 12 Regional Personnel and Human Resource office, ang restriction ay ipinababa sa lahat ng mga personnel ng Provincial Public Safety Company o PPSC sa pagpanguna ni Chief Ins Jerson Birrey at Special Weapons and Tactics o SWAT ng provincial headquarters at Kidapawan city PNP. Ang naturang order ipinababa ni PRO-12 Regional Director Noel Armilla noong nakaraang biyernes.Sinabi ni Peralta ito ay dahil na rin sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Commission on Human Rights o CHR at independent investigators kaugnay sa insidente.Nilinaw naman ni Peralta na walang opisyal o personahe ng PNP na narelieve at nanatili pa rin sa kanilang mga pwesto.Kasong kriminal at administratibo ngayon ang kinakaharap ng kaso ng mga pulis sa Office of the Ombudman Mindanao. Isinampa ito sa pamamagitan ng National Union of Peoples Lawyer o NUPL na isa sa mga organisasyong sumuporta sa libu-libong magsasaka na kabilang sa nagbarikada sa Kidapawan Highway.Ang kaso ay bunga naman sa pagkamatay ng dalawang indibidwal at paggamit ng armas ng mga pulis sa pagbuwag ng mga nagbarikadang raliyesta. Ibinunyag mismo ni Supt. Noel Kinazo ang OIC Chief ng Kidapawan City PNP na sampung mga barangay ngayon sa lungsod ang kabilang sa immediate of concern ng Commission on Elections o COMELEC.Pero tumanggi muna si Kinazo na pangalanan ang naturang mga barangay para hindi mag-dulot ng pagkaalarma sa mga botante at mga residente.Kaugnay nito, plantsado na ngayon ang mga plano at iba pang paghahanda ng PNP para sa nalalapit na halalan.Ipinahayag rin ito ng opisyal kasabay ng City Peace and Order Council Meeting noong nakaraang linggo.Ayon kay Kinazo, nakipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga barangay officials para maiwasan ang anumang gulo kasabay ng eleksyon.Kahapon, ay dumating na ang halos 40 mga augment forces ng PNP mula sa Police Regional Office 12 na siyang idedeploy naman sa mga barangay simula huwebes hanggang matapos ang eleksyon. Sa Kidapawan City, nasa 119 na mga clustered precinct ang ngayon ay naghahanda na para sa pagdagsa ng mga higit 60, 000 mga botante.NDBC BIDA BALITA Dead on the spot ang isang police inspector at
kasama nitong babae nang maaksidente sa sinakyang kotse sa Barangay Mangilala,
Tantangan, South Cotabato ala una y medya ng madaling araw kahapon.

Ang dahilan ng aksidente ay ang sumabog na front
tire ng Mitsubishi Lancer na minamaneho ni Police Inspector Mark Donald Mangune
na nakatalaga sa Sultan Kudarat Public Safety Battalion.

Nasawi din si Haivah Musali, radiology technician ng
isang ospital sa Tacurong at residente ng Datu Paglas, Maguindanao.

Sinabi ni Tantangan Deputy Chief of Police Inspector
Rommel Hitalia na si Mangune, na taga Cubao, Quezon City, Musalli at PO3 John
Caminian, 33, ay sakay ng kotse patungong Tacurong City mula Koronadal nang
maganap ang aksidente. Si Caminian ay
sugatan at ngayon ay ginagamot sa isang ospital sa TAcurong.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Tantangan PNP
na matapos sumabog ang front tire ng kotse, ay nawalan ng control sa manibela
si Mangune dahilan upang bumaliktad, bumangga sa post eng koryente at sa puno
ng niyog ang sasakyan.

Nagpahayag naman ng kalungkutan si SK-PPSB commander
Superintendent Jemuel Siason sa pangyayari.

Aniya, nagtungo ng Koronadal sina Mangune upang
makipagkita sa mga ka-klase sa Philippine National Police Academy o PNPA.

Ito ang ikalawang highway accident sa South Cotabato
sa nakalipas na tatlong araw.

Noong sabado, patay on the spot ang isang pastor at
kasama nitong babae nang ang kanilang sinasakyang motorsiklo ay salpukin ng
humaharurot na Isuzu Dmax pick-up vehicle sa Barangay Carpenter Hill, Koronadal
City.

Mayroon nang supply ng kuryente ang limang mga
malalayong Sitio sa mga bayan ng Surallah at Lake Sebu, South Cotabato.

Tatlo sa mga Sitio na ito ay nasa Barangay Colongulo
at dalawa sa Little Baguio, pawang nasa bayan ng Surallah.

Ang mga ito ay kabilang sa mga benipisyaryo ng Sitio
Electrification Program o SEP ng gobyerno.

Ipinatutupad ang proyekto sa pakikipagtulungan ng
South Cotabato Electric Cooperative o Socoteco I.

Ikinatuwa naman ni Little Baguio Chairman Jimmy
Cabaya ang programa at sinabing natupad na rin ang matagal na nilang
pinapangarap para sa kanilang barangay.

Gayunpaman pinaalalahanan din ni Cabaya ang mga
benipisyaryo ng SEP na huwag kaligtaang bayaran ang kanilang
electric bill.

Maliban sa Surallah, sisimulan na ring kabitan ng
kuryente sa pamamagitan ng SEP ang mga liblib na Sitio sa Bayan ng Lake Sebu.

Noong nakaraang buwan, abot sa 49 na mga bahay ang
nagkaroon ng ilaw sa ilalim ng electrification program ng lalawigan.

Upang maibsan ang epekto ng climate change,
pinalalakas ng South Cotabato provincial environment office ang pagtatanim ng
kawayan at hinikayat nito ang publiko na tumulong sa kampanya.

Ayon kay Provincial Environment and Management
Officer Seigfred Flaviano, maliban sa mga riparian zones, isinsulong din ng
pakakaroon ng bamboo plantation sa lalawigan.

Sa isang news conference, sinabi ni Flaviano na layunin
ng programa upang maging sentro ng engineered bamboo trees ang South Cotabato.

Handa aniya ang provincial government na tulungan
ang mga magsasakayang magtatayo bamboo nurseries sa pamamagitan ng pamimigay ng
bamboo seedlings sa mga nais magsulong ng bamboo farming.

Sa Surallah, South Cotabato, itinatag noong
nakaraang taon ang Bamboo Hub at inaasahan na ito ay mangyayari sa buong lalawigan.

Idinagdag ni Flaviano, na ginagawa ngayon sa bamboo
hub ang isang libong silya na gawa sa kawayan at nakatakdang ipamigay sa mga
pampublikong paaralan sa South Cotabato bago ang pasukan.

Tiniyak ng mga pulis sa South Cotabato na wala
silang kinikilingang kandidato sa May 9 election.

Nangako din ang mga ito na hindi makikilahok sa
anumang partisan political activities.

Kahapon, lumagda sa Oath of Non-Partisanship” ang
lahat ng mga police kasabay ng kanilang flag ceremony.

Ayon kay South Cotabato PNP Deputy Chief for
Operations, Police Superintendent Rogelio Abran, sa pamamagitan ng Oath of
Non-Partisanship ay pinaalalahanan ang mga pulis sa kanilang nararapat gawin sa
eleksyon.

Tiniyak din ng police official na handa ang pulisiya
na protektahan ang mga balota at boto ng sambayanan sa eleksyon.

Ayon kay Abran nakahanda na rin para sa halalan ang
mga pulis sa South Cotabato.

NAHADLANGAN ng military at pulisya ang planong
pambobomba ng di pa nakikilalang mga armadong kalalakihan nang ma-recover ng
Army at PNP ang 19 na mga improvised bomb sa isang liblib na lugar sa T’boli,
South Cotabato kahapon ng medaling araw.

Ang mga pampasabog ay natagpuan sa Sitio Tabudtod,
Barangay New Dumangas, T’boli, South Cotabato, ayon sa report ng T’boli PNP na
pinamumunuan ni Chief Inspector Jose Marie Simangan.

Ayon kay Simangan, kabilang sa mga na recover ng
pinagsanib na pwersa ng PNP at 27th Infantry Battalion ay pitong
anti-tank at 12 anti-personnel improvised landmine.

Sinabi ni Simangan na nagtungo sa lugar ang pwersa
ng gobyerno upang arestuhin ang tatlong high value targets na merong warrants
of arrest.

Tumanggap din ng tip ang Army at PNP mula sa mga
sibilyan na merong mga armadong kalalakihan silang nakita sa gilid ng maliit na
bukid. Nang ito ay tunguhin ng tropa,
nadiskubre ang mga pampasabog na mababaw na nakalibing.

Nakatakas na ang mga armado bago pa dumating ang PNP
at militar.

Duda ang PNP at Army na pag-aari ng mga NPA ang
naturang pampasabog dahil ganito ang kanilang ginagamit laban sa tropa ng
pamahalaan at sa mga mult-national firm sa South Cotabato.

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...

OPAPRU: Cotabato City chapel blast culprits to be punished

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Tuesday deplored the grenade attack at a Catholic...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for May 26

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) announced today the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)...

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...