Saturday May, 25 2024 12:40:37 PM

NDBC BIDA BALITA (May 4, 2016

 • 19:13 PM Wed May 4, 2016
1,176
By: 
NDBC

NEWSCAST

May 04, 2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. WALO KATAO, kalaboso sa joint
buybust operation ng PDEA-ARMM, PDEA-12 at AFP.

2. Dragnet operation kontra magnanakaw
ng motorsiklo, inilunsad na ng Kabacan PNP

3. Granada, mga susi, nakuha sa suspected
carnapper Koronadal City

4. NASA KUSTODIYA na ngayon ang walo katao
sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM matapos ang isinagawang
buy-bust operation sa Barangay Bulit, Datu Montawal, Maguindanao dakong alas
dos nang hapon kahapon kasama ang PDEA-12, 305th Intelligence, 602nd Brigade at
7th Infantry Brigade ng Philippine Army.

Target ng buybust operation si alyas
Tarhata na nagma-manage umano ng drug den sa nasabing lugar.

Ayon sa report, nagkapalitan na ng item
at pera ang ahente PDEA-ARMM kay alyas tarhata sa labas ng drug den nang
biglang nagsitakbuhan papalayo ang iba pang mga nasa loob nito habang pinapasok
ng iba pang operatiba ang target area.

Sinubukang habulin ng joint forces ang
mga ito pero biglang may nagpaputok ng baril mula sa mga lawless elements na
nasa loobang bahagi ng lugar at hindi malamang direksyon.

Tumagal ang putukan nang 45 minuto
hanggang sa makaatras ang joint forces sa lugar na sinasabing isang Moro
National Liberation Front o MNLF area.

Tumulong naman umano ang puwersa ng
MNLF sa pagpapahupa ng engkwentro hanggang sa makaalis ang joint forces.

Kabilang sa mga naaresto ng joint
forces si Tarhata Sambutuan, 27 anyos, Sobbo Sandalan, 21 anyos, Dotin Edsrael,
40 anyos, Jinson Ampatuan, 54 anyos, pawang mga residente din ng lugar,
Ali Anta, 30 anyos, residente ng
Malabuwaya, Datu Piang, Maguindanao, Honeyboy Radtudan, 20 anyos, residente ng
Kabacan, North Cotabato, Diyal Kasim, 30 anyos, residente ng Talapas, Datu
Montawal, Maguindanao, at Allan Lumna, 29 anyos, residente ng Poblacion,
Matalam, North Cotabato.

Narekober naman ng mga operatiba mula
sa drug den ang tinatayang 50 gramo ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang
nagkakahalaga ng 110,000 pesos, isang kalibre 45 na pistola na may magazine at
mga bala, isang caliber 40 pistol at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay abala pa ang PDEA-ARMM at
PDEA-12 sa pag-iimbestiga kung sino ang makakasuhan sa mga naaresto at kung
anu-anong probisyon sa Republic Act 9165 ang maisasampa laban sa mga ito. PATULOY NA
INAALAM ngayon ng mga imbestigador ng police station number 1 kung sino ang
nasa likod ng pagnanakaw sa Old city hall ng Cotabato, sa Don Roman Vilo
street, Poblacion 6, na kasalukuyang sumasailalim sa renovation.

Ayon sa
report ng pulisya, natuklasang ninakawan ang old city hall dakong alas 8and00
nang umaga kahapon.

Pinasok umano
ito ng mga kawatan sa pamamagitan ng pagsira sa back door na gawa sa kahoy.

Kabilang sa
natangay ng mga kawatan mula sa Old Cotabato city hall ang anim na Emergency
lights na nagkakahalaga ng 9,900 pesos, anim na circular bulb na nagkakahalaga
ng 1,320 pesos, apat na kilo ng pako na nagkakahalaga ng 320 pesos, isang bag
ng semento na nagkakahalaga ng 230 pesos, tatlong PBC pipes na nagkakahalaga ng
690 pesos at mga electrical materials na nagkakahalaga ng 3,000 pesos o may
kabuuang halaga ng 15,460 pesos.

Una nang
nilinis ng mga mismong kawani ng Cotabato city government ang old city hall
noong nakaraang buwan habang ito ay sumasailalim sa renovation para maging
isang museum at cultural heritage ng lungsod.

PATAY
ang isang lalake habang sugatan naman ang isang kasama nito sa nangyaring
pamamaril sa Purok Orchids, Brgy Borongotan, Upi Maguindanao.

Nangyari
ang insidente pasado alas-10 ng umaga kahapon.

Sa
report, kinilala ang nasawi na si Lorenzo Navarro Talma, 56-anyos, taga-Brgy
Nangi.

Habang
kasalukuyan namang nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang isa pang biktima na si
Ogin Datuwata Dalimbang, 25-anyos, residente rin ng nasabing bayan.

Ayon
sa mga testigo, pinagbabaril ang mga biktima habang nakasakay ito sa kanilang
motorsiklo ng dalawang hindi pa nakikilang suspek gamit ang hindi pa matukoy na
kalibre ng armas.

Positibo
naman ang Upi Municipal Police station na mareresolba nila ang kaso lalo na't
nabigyan pa ng dalawang pagkakataon si Dalimbang na mabuhay matapos ang
insidente.

Hinihintay
na lamang ng mga otoridad ang desisyon ng ospital kung maaari nang sumailalim
sa imbestigasyon si Dalimbang habang nagpapagaling ito.

Sa
ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente. ABOT SA 590 personnel
ng Police Regional Office o PRO-12 ang ipinakalat sa iba't ibang provincial at
city PNP offices sa rehiyon.

Ayon kay PRO-12
Public Information Officer Supt. Rome Galgo Jr., ito ay bilang paghahanda sa
nalalapit na halalan sa May 9.

Ito rin aniya ang
siyang kokompleto sa kanilang dalawang PNP personnel sa kada polling precinct
deployment requirement.

Batay sa talaan ng
PRO-12, 314 ang ipinadala sa North Cotabato Provincial Police Office, 110 sa
Sultan Kudarat Police Provincial Office, 52 sa South Cotabato Police Provincial
Office, at pito naman Cotabato City Police Office.

Ang mga ito ay
nagmula sa puwersa ng Regional Public Safety Battalion o RPSB-12.

SAMANTALA,
NILINAW ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na walang sundalo ang
magsisilbing Special Board of Election Inspectors o SBEIs sa halalan sa Lunes.

Ayon
kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, nakatutok ang militar sa
kanilang security functions na pagbibigay seguridad para matiyak na maging
maayos at mapayapa ang halalan lalo na ang pag-transport ng mga Vote Counting
Machine at mga election paraphernalias sa mga kinokonsiderang critical areas.

Sinabi
ni Padilla na nakahanda ang militar sakaling ipagutos sa kanila ng Comelec.

Aniya,
papasok lamang sila sa senaryo sakaling malagay sa alanganin ang buhay ng mga
guro na siyang magsisilbing BEIs lalo na sa mga lugar na unstable ang peace and
order. TINIYAK
ng AFP na hindi makakaapekto sa araw ng halalan ang nagpapatuloy na operasyon
nila laban sa Abu Sayyaf group sa Sulu at sa iba pang lalawigan.

Ito
matapos ang inilunsad na intense military operation ng militar laban sa
bandidong grupo na humahawak ngayon sa mga bihag sa lalawigan ng Sulu.

Paliwanag
ng pamunuan ng WestMinCom, inilunsad ang operasyon sa mga bulubunduking bahagi
ng lalawigan at hindi sa matataong lugar o sa mga lugar na magsisilbing mga
polling precinct na itinakda ng Commission on Election.

Sisiguraduhin
din ng militar na hindi magagamit ng mga bandido bilang diversionary tactics
ang panggugulo sa araw ng eleksyon para mailihis ang atensyon ng mga otoridad.

Prayoridad
ng militar ang kaligtasan ng mga bihag sa paglulunsad nila ng operasyon laban
sa mga kidnapper.

Nakaalerto na ngayon ang Cotabato Police Provincial Office o CPPO para sa darating na May 9 Elections.Noong nakaraang araw isang Simultaneous Covenant Signing on non partisanship ang ginawa ng PNP kung saan nilahukan ito ng higit isang libong PNP personnel mula sa lahat ng unit ng CPPO.Laman ng naturang kasunduan na walang dapat pabarung sinumang kandidato ang mga otoridad.Sinabi ni CPPO Chief Ins. Ramil Hojilla, operations head, maliban sa pagpapatupad ng Law and order, pangunahing mandato rin sa mga pulis ay ang pag secure sa mga Vote Counting Machine o VCM sa ibat ibang poll precincts gayunman ang mga balota.Maging ang paghatid at pagbyahe sa mga VCM at balota sa mga barangay ay titiyaking ligtas ng PNP maging ang mga Board of Election Inspectors at mga guro.Una nang ipinatupad ng CPPO noong nakaraang buwan ang reshuffling sa kanilang mga opisyal na may mga kaanak na kabilang sa mga kandidato sa loob ng kanilang AOR. Pagkatapos naman ng naturang Covenant Signing, isinagawa ang briefing and orientation para sa mga deployment areas ng PNP.Dumating rin ang mga Augment forces mula sa Police Regional Office 12.Ayon kay Hojilla makakaasa ang publiko na magiging patas ang kanilang gagawing mga restrictions para sa mga botante ngayong nalalapit na halalan. Naglunsad na ng dragnet operation ang Kabacan PNP kontra sa mga suspek na tumangay sa dalawang motorsiklo sa Kabacan, North Cotabato nitong linggo lamang.Ayon sa report, tinangay ng tatlong mga di pa kilalang suspek ang motorsiklo ng mga biktimang sina Joven Morales, 27-anyos at Jason Campo, 26-anyos kapwa residente ng Brgy. Paco, Kidapawan City.Nangyari ang pagnanakaw ng motorcycle sa corner Lapu-lapu Street and Mantawil St. Prk. Crislam, Poblacion Kabacan.Di na nagawang makapalag pa ang mga bitkima dahil tinutukan umano sila ng baril ng mga suspek.Samantala, bago ang nasabing insidente ay tinangay din ng suspek ang isa pang motorsiklo sa Sitio Lote, Brgy. Kayaga, Kabacan.Ang nasabing sasakyan ay minamaneho ni Omar Ibrahim, 20-anyos at residente ng Brgy. Magatos, Kabacan.Nagkaroon umano ng aberya ang nasabing motorsiklo at nagkunwari namang tutulong ang suspek.Imbes na tumulong itulak at paandarin ang motorsiklo ay agad itong pinaharurot takbo ng suspek.Sa ngayon ay nakaalerto ang PNP at mas pinaiigting pa nila ang kanilang pagbabantay at kampanya kontra kriminalidad sa bayan lalo na ngayong darating na halalan kung saan marami ang taong dadagsa sa mga polling precints para bumoto. Pursigido ngayon ang kampo ng mga magsasaka na sangkot sa Kidapawan City Dispersal kasama ang kanilang mga organizers na magsumite ng kanilang JUDICIAL AFFIDAVITs.Sinabi ni Attorney Jojo Alave ng National Union of Progressive Lawyers in Mindanao o NUPL ang naturang JUDICIAL AFFIDAVITS ay pagpapatunay o magsisilbing ebidensya na nagkaroon ng illegal arrest kontra sa magsasaka noong April 1.Inaayos na ngayon ng mga akusado na abot sa higit 70 mga magsasaka ang mga counter charges nila kontra sa mga police officers, LGU officials, at iba pang mga indibidwal.Sinabi ni Alave, kailangan kasing kwestyunin nila ang paraan ng pag-aresto ng PNP sa pagbuwag sa mga magsasaka, bago ang arraignment sa kasong DIRECT ASSAULT TO AUTHORITIES.Iginiit ni Alave na kung hindi ito kukwestyunin ng mga magsasaka ay lalabas na tinatanggap nila ang kasong isinampa sa kanila.Ang pagsusumite ng naturang mga dokumento ay hanggang May 6 na lamang. Plano ngayon ng Rural Health Unit ng Mlang LGU ipapababa sa mga barangay ang pagpapatupad ng Anti-smoking Ordinance na ngayon ay umiiral sa bayan.Sinabi ni RHU Head Dr. Gleserio Sotea, kanila nang pinulong ang mga barangay officials para hikayatin na i-adopt ng Brgy level ang implementasyon ng naturang ordinansa.Kasabay ng pagpapatawag sa mga barangay official, ipinaliwanag rin ang masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng indibidwal.Kabilang rin dito ang pagpapaliwanag sa secondhand smoke na mas delikado sa katawan ng tao.Ayon pa kay Sotea, positibo ang naging reaksyon at maayos naman ang pagtanggap ng mga Brgy officials ukol rito at umaasa silang hindi matatapos ang taong 2016 ay sisimulan na ng 37 barangay ng Mlang at pag-adopt at pag-abruba sa Ordinansa para tuluyan na itong maipatupad.Nabatid na ang LGU Mlang ang nanguna sa Red Orchid Award mula sa 13 mga napiling LGU's sa buong Rehiyon 12 ngayong taon.Ang naturang parangal ay iginawad ng Department of Health sa mga LGU's na nagpapakita ng 100 %efficiency sa implementasyon ng Anti-Smoking Ordinance sa kanilang mga lugar. Sinimulan na ng Regional Banana Industry Development Council ang pagtipon sa lahat ng mga Cassava growers sa North Cotabato.Sinabi ni Association Interim focal person James Zamora, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga Office of the Agriculturist ng LGUs sa lalawgan para matukoy ang mga pangalan sa mga magsasakang nagtatanim ng cassava.Malaking oportunidad kasi ang naghihintay para sa mga cassava farmers partikular sa export industry kagaya ng paggawa ng mga Banana Puree, Feeds, banana Chips, at iba pang mga produkto.Sa ngayon nakipag-ugnayan na sila sa Department of Agriculture at DA-12 High Value Crops Development program para makakita ng mas malaking merkado dito sa Pilipinas at labas ng bansa.Sinabi ni Zamora, kanila nang hiningi ang commitment ng DA lalo na ang paggamit sa bagong teknolohiya, pagsasanay, product development, at financial assistance.Nakatakda namang manunumpa ang Region wide Industry Council ngayong May 31 para sa pormal na pagkilala sa mga opisyal at pagsasayos sa lahat ng mga planong programa.NDBC BIDA BALITA Nahadlangan ng mga otoridad sa Koronadal City ang
diumanoy plano ng isang lalaking armado ng granada at pekeng mga susi na
makapag pambiktima pa ng motorsiklo matapos na isya ay mahuli.

Ayon kay South Cotabato PNP Highway Patrol Group director
Chief Inspector Arnold Carino, ang suspek na si Jimmy Taburada, 43 anyos ay
kanilang natimbog sa General Santos Drive.

Habang ang dalawa namang kasama nito na nakasakay sa
skeleton type motorcycle ay nakatakas.

Ayon kay Carino nang makita ng mga suspek ang
nagapapatrolyang pulis, pinaharurot ng mga ito ang kanilang motorsiklo pero
silay hinabol hanggang sa makorner sa harap ng yellow bus terminal.

Natukalasan ng mga pulis ang ilang master keys at
granada sa u-box ng motorsiklong minamaneho ng suspek na residente ng Apopong,
General Santos City.

Ayon kay Carino, si Taburada ay posibleng myembro ng
criminal gang na sangkot sa sunod sunod na nakawan ng motorsiklo sa Koronadal
City at karatig lugar.

Aniya kadalasan isang babaeng kakutsaba ng mga
suspek ang nagpapanggap na pasahero. Pagdating sa target area, doon na aagawan
ng motorsiklo ang kanilang mga biktima.

Dahil sa sunod sunod na motornapping incident
sa Koronadal City nitong nakalipas na
araw, umapela si Carino sa publiko na ingatan ang kanilang mga sasakyan.

Payo ni Carino sa mga ito, iparada sa ligtas na
lugar ang kanilang mga motorsiklo at tiyaking naka-lock ito.

Nagtalaga ng karagdagang 590 na mga pulis para sa
eleksyon sa Mayo ang Police Regional Office 12.

Ayon kay PNP 12 Regional Director Chief
Superintendent Noel Armilla, 314 sa mga ito ay ipinadala sa Cotabto Provincial
Police Office, 110 sa Sultan Kudarat, 52 sa South Cotabato, at pito sa Cotabato
City police.

Ayon kay Armilla ito ay bilang kabahagi ng
pagpapaigting ng seguridad sa eleksyon.

Nais kasi ng PNP na matiyak na bawat voting center ay
mayroong hindi bababa sa dalawang pulis.

Sinabi ni Armilla na bago ipinadala sa kani-kanilang
areas of assignment, pinaalalahanan nito ang mga pulis na maging neutral at
tapat sa sinumpaang tungkulin na pangalagaan ang kapakanan at proteksyunan ang
boto ng mga mamamayan.

Ito ayon kay Armilla ay upang manaig ang tamang boto
na nais ng mas nakararami sa May 9.

Tiniyak ng National Grid Corporation of the
Philippines o NGCP na sapat ang supply ng kuryente sa Mindanao sa araw ng
halalan.

Ayon kay NGCP Gensan Area Control Center, Mindanao
Systems Operations Head Abelardo Teves Jr, itataas mula sa 120MW hanggang sa
320MW ng National Power Corporation-Power Sector Assets and Liabilities
Management Corporation o NPC-PSALM ang power generation nito sa May 6 hanggang
May 12.

Aniya mula sa 30 cubic meter per second, dadagdagan
din ng NPC-PSALM ng hanggang sa 90 cubic meter per second ang agus ng tubig sa
Agus II Dam.

Ayon kay Teves, may inihanda na ring contingency
plan ang Inter-Agency Task Force na
binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at local government units sakali
mang kulangin ang supply ng kuryente sa
May 9.

Samantala, sinabi ni NGCP SOCCKSARGEN Operations
District Head Bonifacio Colipano na may naka standby ding chopper na gagamitin
ang kanilang mga lineman na aayos sa mga transmission lines sakali mang
pasabugin ang mga ito.

Aniya nakipag ugnayan na ang NGCP sa militar at
pulisya para mapangalagaan ang seguridad ng kanilang mga lineman na aayos sa
mga transmission lines.

Itinaas na sa Code White Alert Status ang South
Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

Ito ay bilang pahahanda sa May 9 elections.

Ibig sabihin nito ayon kay Chief of Hospital Dr.
Conrado Brana, lahat ng mga hospital personnel ay naka standby na sa ngayon.

Aniya, dapat bukas ang lahat ng oras ang
communication lines ng mga hospital staff upang matawagan sa oras ng emergency.

Ideneklara ang Code White alert Status sa Provincial
Hospital noong May 2.

Binigyan diin ni Brana na ito ay mananatili isang
linggo matapos ang May 9 election.

Pinayuhan ni South Cotabato Election Supervisor
Atty. Kendatu Laguilam ang mga botante sa lalawigan na bumuto ng mas maaga sa
May 9.

Ayon kay Laguialam ito ay upang makaiwas sa
inaasahang siksikan ng mga botante sa mga polling precincts.

Aniya para sa mas madaling pagbuto mas makabubuti
rin sa mga botante na magdala ng kodigo o listahan ng mga ibobotong kandidato.

Pinaalalahanan din ni Laguialam ang mga botante na
bawal sa loob ng mga presinto ang cellphone.

Magsisimula ang oras ng botohan sa May 9 alas sais
ng umaga.

Ngunit ayon kay Laguialam ang mga botante na nasa 30
metro mula sa mga polling precincts pagsapit ng alas singko ng hapon, oras ng
pagsasara ng botohan ay maaring pang makaboto.

Ang South Cotabato at General Santos City ay mayroong
mahigit 724,000 registered voters.

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...

Zamboanga dealer busted for P8.1-M shabu `linked’ to dealers in other provinces

COTABATO CITY - Plainclothes policemen seized before dawn Friday P8.1 million worth of shabu from a dealer in Zamboanga City who reportedly has...

3 drug suspects arrested in Tacurong

ISULAN, Sultan Kudarat - Operatives of Sultan Kudarat police provincial office, under the supervision of Colonel Arnold Santiago, deputy regional...