Tuesday Apr, 30 2024 04:25:00 AM

NDBC BIDA BALITA Nov. 21, 2015

 • 16:20 PM Sat Nov 21, 2015
1,516
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

NOVEMBER 21, 2015
(SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BARIL, DROGA AT PERA, Nakumpiska mga
otoridad sa dalawang bahay sa Cotabato City

2. Natigil na pagpapalabas ng grants
and aids ng mga konsehal sa Kidapawan City pinababalik

3. Negosyante na isa ring magsasaka
binaril ng riding tandem, patay sa Tampakan, South Cotabato

4. Dahil positibo sa illegal drug use, 5 employeado ng South Cotabato, tinanggal sa serbisyo

Local………………..

MAINIT
na isinagawa ng mga Cotabato City PNP kasama ang CCPSC, RPSB12, SWAT, EOD, SAF,
PDEA12 at ilang Brgy. officials sa kanilang one time big time operation sa
Cotabato City kahapon.

Ayon
kay Cotabato City Police Office Director Sr Supt. Raul Supiter, naaresto nila
ang apat katao sa Mahad st, brgy. Mother Bagua ng lungsod.

Ayon
kay Supiter, dalawang search warrant ang kanilang inihain sa area para kay
Faisal Biruar at Abu Karingki.

Bagama't
bigo silang maaresto sina Biruar at Karingki, na kilalang notorious pagdating
sa mga illegal na droga sa lungsod, nakumspika naman ng mag otoridad ang ilang
drug paraphernalia, mga baril at pera sa mga bahay ng mga ito.

Narekober
nila 3 unit ng m16 rifles, 1 unit ng mini-me rifle, isang unit ng caliber 45
pistol, iba't ibang magazine at ammunitions ng caliber 5.56mm at caliber 45 at
malaking halaga ng pera base sa kanilang report.

Tumanggi
ng munang pangalanan ng opisyal ang apat na mga suspek na nahuli mula sa area.

Patuloy
namang ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso.

Local …………………

MULING
NAGBABALA ang Cotabato City health office sa tinatayang 70 mga kainan sa
lungsod na tutuhanin nila ang pagpapasara sa kanilang mga establisyemento kapag
hindi sila nakapasa sa sanitary inspection ng ahensya.

Ayon kay
Secretary to the City Mayor Aniceto Boy Rasalan, bagama't nagpapadala na sila
ng mga notice ay nagmamatigas parin ang mga ito at hindi kumikilos.

Kahapon lang,
dakong alas-tres ng hapon, ay sinampulan ng lokal na pamahalaan ang isang
kainan sa Don Rufino Alonzo street na pwersahang ipinasara.

Paliwanag ni
Rasalan, ang kanilang hakbang ay upang maiwasan ang mga insidente ng food
poisoning at ilan pang mga sakit na maaaring makuha ng publiko mula sa mga
maruruming kaninan sa lungsod.

Aniya, mas
magiging malaki kasi problema at gastos ng mga food establishments kung ito ang
mangyayari.

Nanawagan
naman si Rasalan sa may-ari ng mga kainan sa Cotabato city na napadalhan na
nila ng notice, na kumilos na bago pa maipasara ang mga ito.

Local…………………….

TINANGGAP
ng 70 mga agrarian reform beneficiaries o ARBs mula sa lalawigan ng Basilan at
221 mula sa lalawigan ng Maguindanao ang kanilang Certificate of land ownership
o CLO kamakawala.

Mismo
si ARMM Gov. Mujiv Hataman at DAR-ARMM Secretary Amihilda Sangcopan ang nanguna
sa pagaaward ng CLO sa mga ARBs kasabay ng pagdiriwang ng ika-26 anibersaryo ng
ARMM sa ORG Compound Cotabato City.

Ayon
kay Sec. Sangcopan, abot sa 711 na ektarya ang kanila naipamahagi kung saan
154.5 hectares nito ay sa Basilan at 556.6 hectares naman sa Maguindanao.

Binigyang
diin ni Sangcopan na nasa 20, 000 hectares pa ng mga landholdings sa rehiyon
ang kanilang prinoproseso para maibigay sa kanilang mga benepisyaro bago
magtapos ang taon.

Ang CLO
ay may magiging pruweba ng isang magsasaka na may karapatan siyang angkinin ang
kanyang lupa pero NILINAW ni Sangcopan na ang DAR-CLO ay hindi maaring ibenta,
ilipat o idonate sa loob ng sampung taon mula ng i-award ito, maliban na lamang
kung ipapamana, ibebentang muli sa gobyerno o sa isang kwalipikadong
benipisyaro.

Local……………….

HINIHIKAYAT
ng Department of Agricultue ng Autonomous region in muslim mindanao ang publiko
na tangkilikin ang Brown rice.

Ayon
kay ARMM Executive Secretary Laisa Masuhud Alamia, mas nakabubuti sa kalusugan
ang pagkain ng brown rice kumpara sa mga commercial rice na madalas na nabibili
sa palengke.

Aniya,
bagama't hindi pa sapat ang suplay ng brown rice sa bansa ay kinakailangan lang
na paramihin ang nagtatanim nito.

Inihayag
naman ni ES Alamia ang kaibahan ng brown rice na pinoproduce ng ARMM ay maliban
sa pagiging organic ay halal din ito.

At
dahil dito, iniiwasan na rin nila ang magpasok o magpromote ng mga inorganice
products sa rehiyon.

Nabatid
na mayroong ng brown rice seed growers na rin ang DA-ARMM upang maibigay sa mga
magsasaka.

Nangunguna
naman ang bayan ng Mamasapano sa lalawigan ng Maguindanao, sa pagproduce ng
organice brown rice sa rehiyon. Local... HULI sa
search operations ng Magpet PNP ang 43-anyos na magsasaka na si Rolly
Sajid-Sajid na taga-Purok 4, Barangay Kisandal, alas-915 kagabi.

Nakuha mula sa suspect ang isang
medium-sized heat-sealed shabu at iba’t ibang mga drug paraphernalia.

Si Sajid-Sajid, ayon sa report, ay
ikatlo sa itinuturing na most wanted drug suppliers sa bayan ng Magpet.

Ang bahay ng suspect itinuturing din na
isang drug den.

SA
BAYAN ng Makilala, arestado sa buy-bust raid ang isang laborer na si Raffy
Reyes na taga-Sitio Bagong Silang, Barangay San Vicente, alas-tres ng hapon,
kahapon.

Nakuha mula sa suspect ang isang sachet
ng shabu, marked money, at drug paraphernalia.

Si Reyes, ayon pa sa report, ay pampito
sa most wanted drug suppliers sa bayan ng Makilala.

Paniwala ng mga awtoridad na ang mga
ibinibenta’ng shabu ng mga nahuling drug supplier ay nanggagaling sa mga bayan
ng Kabacan at Matalam sa North Cotabato o di kaya naman ay sa Cotabato City sa
Maguindanao. NAGLABAS na naman
ng notice to vacate sa may labing-isang mga informal settlers sa Kidapawan City
ang sheriff ng Regional Trial Court o RTC branch 17.

Ipinag-uutos rin ni Sheriff IV Xyrel
Alonzo na tanggalin ng mga informal settlers ang mga itinayo nilang bahay,
tindahan, at kung anupa mang improvements sa lote na matatagpuan sa gilid ng
Eva’s Hotel sa may Thomas Claudio Street, Kidapawan City.

Pinagbabayad rin sila ng kabuuang halaga
na P79 libo para sa rental ng lote at isang libong piso kada buwan na rental,
simula ngayon, hangga’t hindi pa nila inaabandona ang erya.

Inilabas ng sheriff ang kautusan nito
lamang Nov 3, 2015.

Kahapon, nagpunta sa opisina ni City
Mayor Joseph Evangelista ang mga informal settlers.

Pero hinarap sila ni Dr. Melissa
Avancena Aradanas, siya’ng area coordinator para sa Region 12 ng Presidential
Commission for the Urban Poor.

Nabatid mula mismo sa mga settlers na
nagsampa na sila ng motion for reconsideration sa Sheriff sa inilabas nito’ng
Notice to Vacate.

Iginiit ng Sheriff na ang kanyang order
ay ibinatay niya sa Writ of Execution na inisyu ng Court of Appeals sa Cagayan
de Oro City nito’ng October 9, 2015.

Sa naturang order, ipinag-utos ng Court
of Appeals sa Sheriff na pagsilbihan ng kopya ng writ of execution ang mga
defendants.

Kabilang sa mga informal settlers sina
Engr. Wilfredo Fontanilla, Antonio Jimenez, Jim at Rosa Bebilio, Marivic
Balang, Juanita Matic, Bonifacio Pelarios, Jose Rabang, Mila o Manuela Delos
Reyes, Gloria Sobredilla, Blas Tolosa, at Gloria Penasas.

Kung inyong matatandaan, naging sentro
ng kontrobersya ang demolition na nangyari sa naturang lote noong nakaraang
taon.

Pagkatapos na sirain ang mga istruktura
sa naturang lote, agad naman ito’ng itinayo ng mga settlers.

Local... HINILING
ng mga konsehal sa Kidapawan City sa alkalde ng lungsod na i-lift muna ang ban
para sa release ng kanilang grants and aids.

Sinabi ni Kidapawan City councilor Boboy
Palmones, una nang ikinatwiran ni City Mayor Joseph Evangelista na may ban na
sa releases ng grants and aids kaya ipinatitigil na niya ang pagpapalabas ng
pondo.

Pero ayon kay Palmones, wala pang
election ban kaya’t puwede pa magpalabas ng grants and aids.

Sagot ito ni Palmones sa tanong ng ilan
kung bakit may ban na sa release ng grants and aids ng mga konsehal at ng
mayor.

UNA
nang inilagay sa iisang welfare fund ang grants and aids ng mga konsehal,
vice-mayor, at ng mayor.

Kung may solicitation mula sa mga
constituents, sa welfare desk sila dadaan na siya’ng may hawak ng One Fund.

Sa ganito’ng paraan, ayon kay Palmones,
maiiwasan ang paghingi ng mga constituents sa kada opisyal ng lungsod dahil sa
iisang fund na lamang kukunin ang tulong para sa kanila. Local... AGAW-MOTORSIKLO ang
pinaniniwalaang motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang Danilo Angeles na
taga-Sayre, Carmen, North Cotabato.

Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang
kanyang pulang Honda XR 200 motorcycle na may license plate number 2638 nang
parahin at barilin ng mga ‘di kilalang suspect sa may Barangay Kayaga sa bayan
ng Kabacan, alas-630 ng gabi, kamakalawa.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang
parte ng kanyang katawan.

Pagkatapos ng pamamaril, agad tumakas ang
mga suspect, gamit ang motorsiklo ng biktima bilang get-away vehicle nila.

Patuloy pang tinutugis ng mga pulis ang
mga posibleng nasa likod ng pinakabagong kaso ng agaw-motorsiklo sa bayan ng
Kabacan.

Local...Patay ang isang negosyante at magsasaka matapos mabiktima ng pamamaril sa PUrok Quizon, Barangay Kipalbig, Tampakan, South Cotabato.
Ayon sa Tampakan PNP ang biktimang si Christopher Vilbar, trenta’y nuebe anyos at residente din sa lugar ay nasawi dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.
Ito ay matapos barilin ng dalawang mga suspek dakong alas kwatro ng hapon kamakalawa.
Ang pagtakas ng mga suspek na sumakay sa puting Honda XRM motorcycle ay nakita pa ng anak ng biktima na si Christine Vilbar.
Narecover ng mga pulis sa crime scene ang walong basyo ng 45 pistol na maaring ginamit sa pagbaril sa biktima.
Nakuha din ng mga ito sa crime scene ang cellphone at wallet ng isa sa mga suspek na naglalaman ng dalawang maliit na sachet ng suspected shabu .
Nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng mga elemento ng Tampakan PNP sa mga tumakas na suspek.
Inaalam pa ng mga pulis kung ano motibo sa naganap na pamamaril. Local...KULUNGAN ang bagsak ng suspek sa pagbaril at pagpatay sa mag-asawang magsasaka makaraang mahuli sa isinagawang pursuit operation ng mga pulis .
Naaresto ang suspek na si Jose Onorio Consumo sa Purok Mesias, Barangay Paraiso, Koronadal City kamakalawa ng hapon.
Ang suspek ay inaresto ng team ni Police Inspector Dareen Tolosa, hepe ng Womens and Children Protection Desk ng Koronadal City PNP.
Matatandaan na walang habas umanong na pinagbabaril ng suspek ang mag-asawang Belen at Romy Consumo na mga pamangkin nito Purok Mariveles, Baramngay Paraiso, Koronadal noong Myerkules ng gabi.
Sugatan naman sa naturang pamamaril ang isa pang pamangkin ng suspek na si Jearly Consumo at mismong anak nito na si Joselito Consumo.
Inihahanda na ng KOronadal City PNP ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek. Local...Sinibak sa pwesto ang dalawang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Ito ay dahil sa paggamit ng illegal na droga.
Ayon kay Governor Daisy AVance Fuentes, inihahanda na rin ang dismissal order sa dalawa pang mga empleyado ng lalawigan na nagpositibo rin sa illegal drugs.
Kinumpirma din ni Fuentes na isa pa sa tatanggalin sa trabaho ang permanent employee ng lalawigan.
Ayon kay Fuentes ang permanent employee na ito ay madalas inireklamo ng kanyang mga katrabaho dahil sa erratic o hindi magandang pag-uugali na isa sa mga epekto ng paggamit ng illegal na droga.
Binigyan diin ng gobernador na patuloy pa rin kasi sa paggamit ng illegal drugs ang tatanggaling permanent employee sa kabila ng pagsailalim sa kanya sa counselling.
Matatandaan na isa pang job order employee ng South Cotabato Provicial Engineering Office ang sinibak sa pwesto matapos mahuli sa operasyon ng Philippine|Drug Enforcement Agency o PDEA 12 noong Hulyo.
Tiniyak ni Fuentesmagpapatuloy pa rin ang random drug testing ng provincial government sa kanilang mga kawani lalong lalo na sa mga bagong hire o papasok pa lamang ng mga empleyado nito.
Layon nito na mapigilan ang paggamit ng iligal na droga ng mga empleyado ng lalawigan. Local...Kinilala bilang Most Outstanding Anti Drug Abuse Council sa South Cotabato ang Municipal Anti Drug Abuse Council o MADAC sg bayan ng Sto. Nino.
Kaakibat naman nito ang pagtanggap ng pitumpung libong cash incentive.
Pumapangalawa sa Sto. Nino ang MADAC Polomolok na nabigyan ng limampung libo.
Ang City Anti Drug Abuse Council o CADAC ng Koronadal City na mayroong tatlumpung libong incentive ay nasa pangatlong pwesto.
Tumanggap naman sampung libong cash incentive ang MADAC Surallah na nasa pang-apat na pwesto.
Ang special award na Best Barangay Anti Drug Abuse Council o BADAC ay iginawad naman sa Barangay Cannery sa bayan ng Polomolok.
Ang pagbibigay ng parangal sa mga outstanding Anti Drug Abuse Council ay highlight ng Drug Abuse Control and Prevention Week sa South Cotabato kahapon.
Ang awarding ceremony ay dinaluhan mismo ni Rene Orbe ang Assistance Secretary at Deputy Director General for Administration ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ipinahayag ni Orbe na ang illegal na droga ay isang uri ng problema na makaapekto sa lahat ng sector ng lipunan, mahirap man o mayaman , bata o matanda kaya dapat ito ay masawata.
Ito ayon kay Orbe ay maari lamang makamtan sa pamamagitan ng pagtutulungan.
Local...Makatutulong sa pagpapaunland ng industriya ng Aquaculture sa General Santos City ang pag host nito ng katatapos lamang 10th National Shrimp Congress ngayong taon.
Ayon kay Roberto Gatuslao, ang event organizer at Presidente ng Philippine Shirmp Industry Incorporated o PHILSHRIMP, ang Shrimp Congress sa Gensan ay kauna unahan sa labas ng Visayas.
Inihayag ni Gatuslao, na isinagawa ang aktibidad sa Gensan dahil na rin sa mga lugar sa lungsod na angkop sa prawn culture.
Dinagdag din Gatuslao na may mga negosyante din sa Mindanao particular na sa SOCCKSARGEN region na intereseadong mag-invest sa shrimp industry.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera na maliban sa Tuna, pinalalakas ng lokal na pamahaan ang ikonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng pagpapasok ng iba pang industriya.
Tiniyak ng alkalde na handang tumulong ang Gensan LGU sa mga maliliit na negosyante na nais mamumuhunan sa prawn culture. SPORTS ……………. P INAKABAGONG kampeon ng 2015 World Junior 9-Ball Championship si
national cue artist na si Chezka Centeno at tubong Zamboanga City, na ginanap
sa Shanghai, China.

Tinalo ng 16-anyos na si Centeno, ang kampeon mula sa host China
na si Xia Yuying, 9-3, sa finals upang kumpletuhin ang pagwawagi nito sa
torneo.

Ang panalo ni Centeno ay idinagdag nito sa kanyang mga
napagwagiang torneo.

Naging Kinatawan din si Centeno ng bansa sa nakaraang 28th
Southeast Asian Games sa Singapore kung saan iniuwi nito ang gintong medalya sa
women’s 9-ball singles matapos talunin ang kababayan at kapwa miyembro sa
Philippine women’s billiards team na si Rubilen Amit.

Matatandaan na unang nakilala si Centeno na dumayo pa mula sa
Zamboanga City sa edad 11-anyos matapos talunin ang ilang miyembro ng national
team sa isinagawang 2013 PNG sa Bacolod City kung saan sa nag 3rd runner up.

Marcos cites 6th ID’s peacebuilding efforts

COTABATO CITY - President Ferdinand Marcos, Jr., on Monday lauded the Army’s 6th Infantry Division for its unrelenting anti-terror campaign and...

PBBM urged Bangsamoro to vote in 2025 parliamentary polls

BARIRA, Maguindanao Norte — President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the residents of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM...

Barangay Kagawad patay, driver sugatan sa ambush sa Datu Hoffer, Maguindanao Sur

PATAY ang isang barangay kagawad habang nakaligtas naman ang driver nito matapos tambangan ng mga suspek sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer,...

PBBM visits, honors soldiers hurt in clash with BIFF

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Seven soldiers who were wounded in an encounter with the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) were...

PBBM to ex-rebels-turned-cops: Help write 'new chapter' for BARMM

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday welcomed the 100 former Moro guerillas who successfully completed the six-month field...