Saturday May, 04 2024 04:59:42 AM

NDBC BIDA BALITA Nov. 24, 2015

 • 18:10 PM Tue Nov 24, 2015
1,862
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

NOVEMBER 24, 2015
(TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. COTABATO Light and Power Company,
ipinaliwanag ang naranasang rotational brownout sa kanilang franchise area
kahapon.

2. Mahabang rotational brownouts,
muling nararansan sa North Cotabato.

3. Budol-budol gang, mahigpit na
binabantayan ng PNP ngayong kapaskuhan sa
Koronadal city.

4. Mlang PNP, nakaalerto kaugnay ng nalalapit na Kawayanan Festival.

Local………………..

NAGING LIMITADO ang power supply sa
Mindanao grid kahapon kaya napilitan ang Cotabato Light and Power Company o
COLIGHT na magpatupad ng rotational brownout.

Ayon kay COLIGHT Corporate
Communications Officer Arlene Hepiga, katunayan ay umabot ng 320MW ang kulang
sa power supply para mapunan ang peak demand ng Mindanao.

Aniya, nagemergency shotdown kasi ang
planta ng Therma South Incorporated habang nagpatupad naman ng prebentive
maintenance ang STEAG coal-fired power plant sa isa nilang planta na nagbibigay
ng 105MW sa Mindanao grid.

Dagdag pa aniya rito ang 61MW na
kakulangan sa power supply ng hydropower plants dahil sa mababang lebel ng
tubig na epekto ng nararanasang El Niño.

Gayunpaman, inanunsyo ni Hepiga na
bumalik na sa operasyon ang coal-fired power plant ng STEAG kagabi kaya medyo
nadagdagan na ang power supply sa Mindanao Grid.

Hindi pa matiyak ng COLIGHT kung muli
silang magpapatupad ng rotational brownout ngayong araw dahil nakadepende pa
rin ito sa supply na ibinibigay ng mga power plants.

Local …………………

ABOT SA 550 MW ang inaasang madadagdag
na power supply sa Mindanao grid kapag naikonekta na ang apat na coal-fired
power plants sa unang bahagi ng 2016.

Ayon kay Department of Energy o DOE
Electric Power Industry Management Bureau science research specialist II Noriel
Christopher Reyes, ang apat na coal-fired powerplants ay inaasahang
makakatulong para maibsan ang epekto ng nararanasang El Niño na siyang nagiging
dahilan para magkaproblema ang Agus at Pulangi hydropower plants.

Inanunsyo ni Reyes na dalawa sa apat na
units ng coal-fired power plants ang magsisimulang mag-operate sa first quarter
ng 2016 na kinabibilangan ng

plantang pag-aari ng Therma South
Incorporated sa Binugao, Toril, Davao city na inaasahang magbibigay ng 150 MW
na power supply sa Mindanao grid, at ang 100 MW coal-fired power plant ng
Sarangani Energy Corporation sa Maasim, Sarangani Province.

Sisimulan naman umano ng San Miguel
Power Corporation ang operasyon ng kanilang dalawang coal-fired power plants sa
2nd quarter ng 2016 na inaasahang magbibigay ng 300 MW power supply sa Mindanao
Grid.

Samantala, inaasahan naman ng DOE
official na mas magiging malala ang epekto ng EL Niño sa power sector mula
November 2015 hanggang February 2016 kung saan ay inaasahang aabot ng 100MW
hanggang 200MW ang kukulangin para mapailawan ang buong Mindanao.

Nabatid
na ala una kahapon ay umabot ng 1,369MW ang power demand sa Mindanao grid pero
abot lamang sa 1,157MW ang naibibigay na power supply o kulang ng 212MW dahilan
para magpatupad ng rotational brownouts ang ilang power utilities sa iba't
ibang bahagi ng Mindanao. Local…………………….

IPINAGBILIN
NG Department of Agrarian Reform o DAR-ARMM sa lahat nang mga kwalipikadong
Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs na hindi dapat ibenta ang lupang binigay
sa kanila ng pamahalaan kapag ito ay kanila nang napakinabangan.

Sa
halip, sinabi ni DAR-ARMM Regional Secretary Amihilda Sangcupan na kailangang
pagyamanin ito ng mga ARB upang makatulong sa kanilang pangaraw- araw na
pangangailangan at sa kanilang pag-asenso.

Local……………….

INAANYAYAHAN
NG Archdiocese of COtabato ang lahat ng mga bike enthusiasts na makilahok sa
Bike for Peace and Unity na gaganapin sa November 30 ng taong ito.

Nabatid
na ang aktibidad ay bahagi ng Mindanao Week of Peace 2015.

Katuwang
ng Archdiocese of Cotabato ang Social Action-Justice and peace Ministry nito at
ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM government.

Magsisimula
ang Bike for Peace and Unity sa Cotabato city plaza alas singko nang umaga.

Dadaaan
ito sa Sultan Kudarat, Municipality, Pigcawayan, Libungan, Midsayap, Datu
Piang, Datu Saudi Ampatuan, Guindulungan, Talayan, Datu Odin Sinsuat, hanggang
sa ARMM compound, Cotabato city.

Nakasaad
sa kalatas ng Archdiocese of Cotabato na libre lang ang registration sa Bike
for Peace and Unity kasama na ang certificate of participation, tokens at may
tsansa pang manalo sa raffle.

Sa mga
interesado, maaaring i-contact si Cris Abtanoy sa cellphone numberand 09053989538
or Ching Ayupan sa cellphone numberand 09089221551.

Local…………………..

SISIMULAN
NA NGAYONG ARAW NG Mindanao Organization for Social and Economic Progress o
MOSEP Incorporated ang Election Campaign Policies and Guidlines and Campaign
Finance sa isang kilalang hotel sa Cotabato city.

Ayon
kay MOSEP Executive Director Miriam Ali, layunin ng aktibidad na maipaalam sa
mga kandidato sa Provincial at Municipal Level sa Maguindanao ang mga
mahahalagang hakbang para makamit ang mapayapa, responsable, malinis at tapat
na eleksyon.

Aniya,
ang unang araw ng aktibidad ay inaasahang lalahukan ng 1st batch habang bukas
naman nakatakdang dumalo ang 2nd batch ng mga partisipante.

Ang
MOSEP ay isang Non-government Organization na aktibong nagsusulong sa
responsableng paggogobyerno at kapayapaan.

Kasalukuyang
nakikipagtambalan ang MOSEP sa The Asia Foundation sa isang proyekto na
pinamagatang Initiating Public Discourse on Democratization towards
Bangsamoro Government . 0Local...Dadalo sa kauna unahang Population Congress sa South Cotabato ang mahigit isang daang Population Program Volonteers o PPV sa lalawigan.
Ang aktibidad ay gagawin sa South Cotabato Gym bukas Nobyembre a biente kwatro.
Ayon kay Zenaida Duron, ang Hepe ng Provincial Population office layon nito na hikayatin pang lalo ang kanilang mga volunteer na makiisa sa kanilang mga programa.
Magiging daan din ang pagtitipon para masuri ng Population Office ang kanilang mga programa.
Nabatid na ang South Cotabato ay mayroong mahigit tatlong daang mga active PPV. Ayon kay Duron malaki ang naitulong ng mga volunteer para maayos na maipatupad sa mga liblib na barangay ang mga Population management at development programs ng kanilang tanggapan.
Kabilang sa mga ito ang pagsasagawa ng mga parenting classes, Parenting-Education seminar on Adolescent Health and Development, Family Development sessions at Family planning Referrals ..
Ang first Population Congress ay bilang kabahagi ng pagdiriwang ng Population Development Week ngayong Nobyembre biente tres hanggang biente syete. Local..Pararangalan din bilang isa sa mga Outstanding Municipal Anti Drug Abuse Council o MADAC sa buong bansa ang bayan ng Sto. Nino sa South Cotabato.
Ito ay kinumpirma mismo ni Board Member Agustin Demaala na siya ring permanent representative of the governor sa Provincial Anti Drug Abuse Coucil o PADAC.
Ayon kay Demaala ang parangal ay ibinibigay ng Dangerous Drugs Board o DDB sa mga anti drug abuse council na pinakamatagumpay sa kanilang operasyon laban sa illegal na droga.
Matatandaan na napili din para parangalan ng DDB ang PADAC South Cotabato.
Ayon kay Demaala ang awarding ceremony para sa parangal ay gaganapin sa kalakhang Maynila ngayong araw.
Kinumpirma naman ni Police Chief Inspector Joel Fuerte ang pagdalo nito sa awarding ceremony.
Karamihan sa mga illegal na droga ay nakumpiska ng mga otoridad sa bayan ng Sto.Nino, particular na sa barangay Amgbalgan.
Maliban sa MADAC Sto. Nino, pararangalan din ng DDB ngayong araw bilang isa sa mga outstading anti drug abuse council ang PADAC South Cotabato. Local...Tinahanghal bilang 2015 Model Family sa South Cotabato ang sina Winfredo at Emma Gonzaga ng bayan ng Banga
Ang magasawang Gonzaga ay tumanggap naman ng dalawammpung libong piso.
First Runner Up naman ng mga ito sina Alfredo at Sylvia Pingol ng Tupi na tumanggap ng labinlimang libo.
Ang magasawa na sina Mario at Mellie Mondejar ng Surallah ay nabigyan naman ng sampung libo bilang mga Second Runner UP.
Ang awarding ceremony ay isinagawa sa Provincial Capitol kahapon.
Kaugna nito ipinahayag naman ni Emma Gonzaga na ang parangal na kanilang nakuha ay patunay ng matibay na pagbubuklod ng kanilang pamilya.
Hangad niya ayon kay Gonzaga na ito ay magsilbi ring halimbawa sa mga mamamayan ng lalawigan.
Ayon kay Gonzaga, na isang retired government employee, sekreto ng kanilang tagumpay ang pamumuhay ng simple at naayon sa kanilang kakayahan.
Itinuro din nito sa kanyang mga anak na may kanya kanya na ring propesyon ang kahalagahan ng edukasyon para magtagumpay. Naging batayan naman ng pagbibigay ng parangal ang magandang samahan ng bawat myembro ng pamilya, paguugali ng mga ito, financial management, pakikiisa sa mga komonidad at uri ng kanilang pamumuhay.Ang 2015 Model family ay taunang ibinibigay ng Provincial Population Office ng South Cotabato.
Layon nito na kilalanin ang mga pamilya na naging magandang halimbawa sa kanilang komunidad.
Local...Nagwagi sa 2015 Search for Model School in Solid Waste Management sa South Cotabato ang Poblacion Polomolok National High School o PPNHS sa bayan ng Polomolok at Koronadal Central Elementary School o KCES 2 sa Koronadal City.
Ang special award na Best in Documentation ay nakuha din ng PPNHS.
Nakasungkit naman ng tatlong mga Special awards ang KCES 2.
Kabilang sa mga ito ang Best in Documentation, Best in Information Education Campaign at Best in Community Participation. Bilang first place winner, ang PPNHS at KCES 2 ay tumanggap ng tig tatlumpong libong cash incentives.
Pumapangalawa naman sa PPNHS sa high school category ng patimpalak ang Tampakan National High School sa bayan ng Tampakan na tumanggap ng dalawampung libong pisong cash prize.
Nakuha din nito ang mga special awards na Best in Composting at Best in Organic Garden.
Ang nasa pangatlong pwesto na Marbel 7 National High School sa Koronadal City ay nabigyan ng labinlimang libo.
Ito rin ang kinilala bilang most improved school.
Tumanggap naman ng sampung libong cash incentive ang Cebuano National High School sa Tupi na nasa pang-apat na pwesto at ang nasa panglimang pwesto na Surallah National High School sa Surallah ay nabigyan ng walong libong piso.
Sa Elementary level pumapangalawa sa KCES 2 ang Lugan Central Elementary Scool sa T’boli.
Nakuha din ng eskwelahan ang Special Award na Best in Recyling.
Nasa pangatlong pwesto naman ang Sto.Nino Central Elementary School sa Sto.Nino, Pangapat ang Palkan Elementary School sa Tupi at nasa panglimang pwesto naman ang Tampakan, Central Elementary School na may special award naman na Best in Recyling.
Ang mahigit sampung mga eskwelahan sa South Cotabato na naging finalist sa patimpalak ay nabigyan ng limang libong consolation prize.
Layon ng taunang Search for Model School in Solid Waste Management na kilalanin ang mga Solid Waste Best Practices ng mga eskwelahan sa lalawigan.
Ito ay pinangunahan ng Provicial Environment and Management Office o PEMO.
Ang awarding ceremony sa mga nanalong eskwelahan ay isinagawa kasabay ng Provincial Eology Day kamakalawa. Local...Piniigting ngayon ng Koronadal City PNP ang kanilang pagtugis sa mga myembro ng Budol-dudol Gang.
Ayon kay Superintendent Nestor Salcedo,ang Koronadal City Chief of Police ito ay bilang kabahagi ng kanilang paghahanda sa pasko at bagong taon.
Layon nito na maiwasan ang pananamantala ng mga masasamang loob sa pagiging abala ng publiko sa holiday season.
Sa katunayan ayon kay Salcedo isang suspected na myembro ng Budol-budol gang ang naaresto ng mga pulis noong nakaraang linggo.
Maliban sa mga senior citizens, madalas naging biktima ng budol budol gang ang mga night vendors.
Kaugnay nito umaapela din si Salcedo sa publiko na pagibayuhin pa ang pagiingat para hindi mabiktima ng panlilinlang o swindling ng Budol-budol gang. Local...Abot sa 24 na mga dati at kasalukuyang kandidato sa North Cotabato ang napabilang ngayon sa listahan na posibleng mapatawan ng ”Perpetual Disqualification” matapos silang bigong makapag sumite ng kanilang campaign expenditures noong nakaraang dalawang election.Kabilang na rito ang limang kandidato sa Sangguniang Panlalawigan na sina Jay Sabangan, Albert Bacat, Abdulmuhaim Dalid, Amin Sindao, at Bautista Buan. Kasama in sina Nolly Rapiz ng Alamada, Vicente Concepcion ng Aleosan, Panantaon Mantitayan ng Banisilan, Bonifacio Doctolero ng Carmen Ricky Dioso ng Matalam Oscar Sebua ng Pigcawayan Rolando Cabanyog ng Pikit at Haron Balayanan at Lintato Cumatog sa bayan ng Kabacan.Habang kabilang rin sa naturang listahan si incumbent Councilor ng Makilala na si Rene Molina, Tadeo Andres ng Mlang at Ruby Padilla-Sison ng Kidapawan City.Base sa datus ng Comission on Election o Comelec Campaign Finance Unit- ang nabanggit na mga pangalan ay hindi nakaagsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE noong 2007, 2010 at 2013.Nabatid na isasailalim pa sa preliminary investigation ang mga kandidatu bago sila tuluyang makakasuhan ng office of the Secretary of the Commission.Ang SOCE isa sa mga equiments ng mga nanalo at natalong kandidato na dapat isumite sa COMELEC isng buwan mataos ang election day paa malaman kung sumba sila sa itinkdang halaga na paa sa kanilang pangangampanya. Ang Perpetual Disqualification— ay siyang penalidad nito na nagbabawal sa sinumang kandidatu na humawk ng anumang osisyon o emelayado ng gobyeno. Local...Mas hinigpitan pa ngayon ng Mlang Municial Police Station ang kanilang mga inilulunsad na mga programa at operasyon kaugnay sa nalalapit na selebrasyon na Kawayanan Festival sa bayan.Kaugnay nito abot naman sa isang milyong pisong halaga ang inilaan na pondo ni Mlang Mayor Joselito Pinol para tiyakin ang kaligtasan ng mga taga Mlang sa nabanggit na okasyon.Ayaw na kasi ng alkalde na maulit pa ang ilang insidente ng pambobomba na nangyari sa bayan.VC- PINOLMatatandaan noong nakaraang taon tatlong mga binatilyo ang nasawi dahil sa pagsabog ng isang granada sa isang billard hall ng bayan ilang metro lang ang layo mula sa City Plaza kung saan higit dalawang milyong piso ang inilaan ng LGU para sa mga naulilang pamilya at mga sugatang biktima.Nanawagan rin ang alklade sa mga taga Mlang, na maging mapanuri at mapagmasid at kaagad na isumbong sa mga otoridad sakali mang may mapansing kahina-hinalang tao o bagay sa kanilang lugar. Local...Nagkaisa ang daan-daang mga Indigenous Poeple's o IP mula sa ibat- ibang bahagi ng North Cotabato sa kanilang isinagawang IP day sa Matalam, North Cotabato kahapon.Karamihan sa mga dumalo sa naturang pagdiriwang ay mga grupong Manobo mula Arakan Valley, at iba pang bayan ng lalawigan.Sa naturang selebrasyon dito tinukoy at mas pinalaliman ang mga karapatan ng mga katutubo at kung paano protektahan ang kanilang mga ancestral Domain.Ilang mga Lumad leaders din ang nagpaintidi sa mga ito na iwasang magpagamit sa anumang grupo o indibdwal na magiging dahialn ng kanilang pagkakawatak para lamang sa kanilang mga personal na interes.Tema naman sa nabanggit na selebrasyon ay Pagmamahal, Serbisyo at Respeto para sa nagkakaisang Katutubo sa bayan ng Matalam. Local...Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang negosyante na si Bernard Rayon Idol, 33-anyos na taga Nursery Phase , Kidpawan matapos matapos makuhanan ng pinaniniwalaang isang rolled Marijuana stick sa brgy. Lanao, Kidapawan City.Nahuli si Idol sa isinagawang Highway Checkpoint ng PNP o OPLAN PADAPLIN dahil wala itong suot na helmet.Nang mapara na ito kapansin-pansin ang pagiging tensyunado ng suspek kaya agad itong nilapitan ng PNP.Dito na nakuha sa suspek ang isang box ng posporo at pinaniniwalaang marijuanaSamantala nahaharap na rin ng kaparehang kaso ang isang magsasaka na si Bong Sambaoa Mangay Ayam Alias Tongki na taga brgy. Banawag Kabacan matapos mahuli sa isinagawang drug buy bust operation ng PNP sa Room 5, ng City Sports Complex, Sinsuat Street, Kidapawan City.Nakuha mula sa kanya ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu, marked money at drug paraphernalia.Nabatid na matagal nang minamanmanan ng PNP ang suspek na umano nagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod.Ang pagkakahuli sa mga suspek ay bahagi lamang ng mas pinaigting na kampanya ng KIdapawan City Government at City PNP kontra ilegal na droga sa lungsod.

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...