Saturday Apr, 27 2024 12:19:47 PM

NDBC BIDA BALITA Oct. 13, 2015

 • 05:09 AM Wed Oct 14, 2015
1,461
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 13, 2015
(TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. IED, natagpuan sa Cotabato City sa unang araw ng filing of COCs.2. ILANG mga politiko sa Cotabato City
at mga karatig lugar, dumagsa sa Comelec office sa unang araw ng filing ng
certificate of candidacy.

3. Estudyante at isang ama, huli sa magkahiwalay
na buy bust operations sa North Cotabato.

4. Pamahalaang Panlalawigan magbibigay
ng pondo para sa mga damit at accessories ng Indigenous People sa South
Cotabato

5. 11 North COtabato teachers, napili bilang Most Outstanding Teacher's sa buong Region 12

Local... ISANG
IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE o IED ang natagpuan ng mga residente ng Cotabato
city sa kasagsagan ng paghahain ng mga politiko ng kanilang certificate of
candidacy kahapon.

Ang
naturang bomba na gawa sa 60mm mortar ay natagpuan ng mga residente sa taniman
ng palay na nasa boundary ng barangay Bagua 4 at Pansacala Street, barangay Rosary
Heights 10 pasado ala una ng hapon kahapon.

Agad
naman nila itong isinumbong sa City PNP kaya’t mabilis na nakapag responde ang
Explosive and Ordnance Disposal team at kusang pinasabog ang natagpuang bomba.

Nabatid
na si Kabaikan Midsacal ang unang nakakita sa naturang IED habang pauwi ito sa kanilang
bahay.

Sabi
ni Midsacal, nakabalot ang naturang bomba sa dahon ng gabi, may camouflage na
bahagi, nakabalot ng tape ang pin nito na parang granada at may bigat na
humigit kumulang isang kilo.

Sinabi
ni City PNP Chief Police Sr. Supt. Rex Anungos na sa ngayon ay patuloy ang
imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang grupong nag iwan ng naturang
bomba at kung ano ang motibo nito.

Local...NANGUNA ang local team ng National
People's Coalition o NPC sa paghain ng Certificate of Candidacy o CoC sa City
Election Office kahapon.

Base
sa kanilang inihaing kandidatura, si Cotabato city mayor Japal ‘Jojo’ Guiani ay
muling tatakbo bilang alkalde ng lungsod sa May 2016 elections.

Magiging
running mate naman nito ang kapatid na si city administrator Atty. Cynthia
Guiani-Sayadi na tatakbo bilang bise alkalde.

Nasa
line up naman ng kanilang mga konsehal sina Graham Nazer Dumama, Abdillah Lim, Christina
Chua, Dr. Ed Rabago, Jonathan Cortez, Abedan Solano, Freddie Ridao, Hassan
Biruar, Janeth Dalagan at dating Colight manager Cris Ferolino.

Bago
ang filing ng CoC ay nag-motorcade muna ang team NPC sa lungsod kasama ang
kanilang mga supporter at suot ang kanilang pulang T-Shirt.

Kinagabihan
ay nagkaroon din ng programa ang team NPC sa city plaza para pormal na
ipakilala sa mga mamamayan ng lungsod ang mga miembro ng partido.

Samantala,
sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, unang naghain ng CoC si Kalil Abed na
tatakbo bilang regional governor.

Naghain
naman ng kanilang kandidatura upang maging bahagi ng regional legislative
assembly sina Sarip Ampatuan, Norudin Salik, Rakman Ali, Salima Ronda,

Usman
Pasandalan at Naldo Salilaguia.

Sa
kabuuan, naging payapa naman ang unang araw ng CoC filing sa Cotabato city.

Gayunman,
tulad ng inasahan, naging masikip ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing
lansangan sa lungsod dahil sa convoy ng mga politiko.

Sa
kabilang dako naman, sa PPALMA area, sa unang distrito ng North Cotabato,
nilangaw ang mga municipal election office ng Pigcawayan, Libungan, Aleosan,
Midsayap at Alamada.

Sa
Pikit, nagkain ng kanilang kandidatura sina

Mamakan
Latip, dating provincial treasurer ng Maguindanao na tatakbo bilang mayor ng
Pikit, at ang kanyang vice mayor na si Hassan Piang.

Naghain
din ng kanyang CoC si Bobby Saligidao naq gusto ring maging alkalde ng Pikit,
katuwang si Rakma Sulik na kanyang vice mayor.

0-Local...Dinagsa ng mga mamamayan ang tanggapan ng Comelec sa unang araw ng filing ng certificate of Candidacy o COC sa Koronadal City kahapon.
Unang nakapaghain ng kanilang COC si incumbent Koronadal City Mayor Peter Miguel at ang vice mayoralty candidate nitong si city councilor Oscar Pagunsan.
Sina Miguel at Pagunsan ay pambato ng Liberal Party o LP ng administrasyon para sa 2016 elections.
Nabalot naman ng kulay dilaw ang tanggapan ng comelec dahil sa suot na damit ng mga dumating na mga supporter at mga kapartido ng dalawang mga kandidato.
Sa kabila ng pagdagsa ng mga mamamayan sa kanilang taggapan, tiniyak naman ni Atty. Richard Opinion, ang city election officer ng Koronadal na naging maayos at matiwasay ang unang araw ng filing ng COC sa lungsod.
Ayon kay Opinion nasunod kasi ng mga kandidato at maging ng kanilang mga supporter ang mga panuntunan ng comelec sa filing ng COC.
Inihayag din ni Opinion na para mapanatili ang mas maayos at mabilis na filing , dapat tiyakin ng mga kandidato na tama ang pagkaka-fill up ng mga ito ng kanilang COC Nakapagfile na rin ng kanilang COC sa Koronadal City Comelec Office kahapon sina dating Vice Mayor Jose Ledda na kandidato sa pagka-alkalde ng Nationalist Peoples Coalition.
Magiging bise alkalde naman nito si incumbent vice Mayor Eliordo Ogena.
Humabol naman sa filing ng COC sa South
Cotabato Provincial Comelec Office si General Santos City Councilor Dominador Lagare.
Kasama nitong tumungo sa Comelec ang mga kasapi ng Peoples Champ Movement sa pangunguna nina Gensan City Mayor Ronnel Rivera at kapatid ni Sarangani Representative Manny Pacquio na si Bobby Pacquio na tatakbo bilang city councilor ng Gensan
Makakatungali naman ni Lagare sa pagka-kongresista sa unang Distrito ng South Cotabato si incumbent congressman Pedro Acharon Jr. Local... PATULOY
pang nagpapagaling ngayon sa ospital ang isang habal-habal driver na biktima ng
pamamaril sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.Nakilala
ang biktima na si Alladin Aminola, 18 years old at taga Tenorio, Awang, Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao.

Patay
naman ang kasamahan nitong nakilalang si

Mohaid
Benito Enok, 23 years old.

Naganap
ang pamamaril sa dalawa, pasado alas nuebe ng gabi nitong Linggo, October 11 sa
National highway, Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa imbestigasyon
ng DOS PNP, naka away ng mga biktima ang hindi pa nakikilalang suspek at
nakasuntukan dahilan para bunutin nito ang kanyang dalang kalibre 45 na baril
at paputukan ang mga biktima.

Dali-daling
isinugod sa pagamutan ang mga biktima matapos magtamo ng maraming tama ng bala
sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan pero hindi pinalad si Aminola na
idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Mabilis
namang nakatakas ang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng kanyang motorsiklo. Local...Pakay ng pagbisita ng ilang mga opisyal ng World Bank ay upang tingnan ang mga community driven project sa lalawigan ng SArangani na ipinatupad ng KALAHI-CIDSS .
Ito ay ayon kay Gemma Rivera ang Assistant Regional Director ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12.
Ang pagtungo sa mga liblib na barangay ng Kalaneg at Maguling sa bayan ng Maitum at Nalus at Gasi sa Glan ay pinangunahan ni Patricia Fernandes, ang Social Development Specialist ng World Bank.
Ayon kay Hernandez, nais nilang malaman kung papano ipinatupad ang mga proyektong pinondohan ng World Bank sa pagasahang maibahagi din ang mga ito sa ibang lugar.
Kabilang sa mga proyektong ito ang mga silid aralan, tulay, water system at iba pa.
Nagkaroon ang grupo ni Fernandes ang focal group discussion sa mga community volunteer at mga opisyal ng barangay at lokal na pamahalaan.
Nabatid na abot na sa 162 na mga proyekto ang naipatupad ng DSWD 12 at KALAHI-CDSS sa Soccksargen Region sa ngayon
Ang mga ito ay nagkakahalaga ng humigit kumulang tatlong daang milyon. Local...Maglalaan ng abot sa tatlong daang libong pondo ang pamahalaang panlalawigan para mabigyan ng tribal costumes ang mga indigenous people sa South Cotabato.
Ayon kay Edgar Sambong ang Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR South Cotabato, problema kasi ng ng maraming mga IPs ang hindi pagsusuot ng kumpletong set ng tribal outfits at accessories lalong lalo na sa mga mahahalagang okasyon.
Hinamon din ni Sambog ang lahat na mga mamamayan sa South cotabato na sumuot ng mga accessories at damit na nagrerepresenta ng iba’t ibang mga IP groups sa South Cotabato.
Ito ay upang maipakita ang pakikiisa sa National Indigenous Peoples Month Celebration ngayong Oktobre.
Ayon kay Sambog ang pagsusuot ng mga locally made tribal embroidery tulad ng tubaw, kwintas, bracelet at iba pa ay isang paraan upang maipakita ng mga mamamayan ang suporta sa selebrasyon at tulong na rin sa panawagan na pag-preserba sa mga kultura at tradisyon ng mga IPs sa South Cotabato. Local...

Isang
engrandeng farmers’ field day at harvest festival ang gagawin ng Department of
Agriculture – Autonomous Region in Muslim Mindanao Integrated Agricultural
Research Center sa limang on-farm rice research studies nito na nasa Barangay
Manungkaling, Mamasapano, Maguindanao ngayong araw.

Pangungunahan
nina ARMM Governor Mujiv Hataman, DAF ARMM Secretary Atty. Makmod Mending, Jr.,
Al Haj at Maguindanao Governor Ismael ‘Toto’ Mangudadatu ang naturang okasyon.

Tinatayang
mahigit sa dalawang libong mga magsasaka mula sa Maguindanao at Lanao del Sur, mga agriculture student ng Cotabato City
State Polytechnic College at Mindanao State University-Maguindanao mga
kinatawan ng research institutions at seed companies, ang dadalo sa farmers’
field day at harvest festival.

Sinabi
ni DA - research team leader Tong Abas na ang mga isinagawang pananaliksik sa
palay ay ukol sa Adaptability Yield Trial for Inbred and Hybrid Rice Varieties Yield Performance of Newly Released Inbred
Rice varieties to Different Fertilizer Recommendations at Accelerating the
Development and Adoption of Next Generation Rice Varieties for Inbred and
Hybrid.

Sa
nasabing farmers’ field day, ipapakita sa mga kalahok ang mga binhi ng palay sa
sakahan at pipili sila ng best variety na naayon sa kanilang preference in
terms of growth performance.

Ang
mga binhing pagpipilian ay naka number code ng sa gayon ay maging objective ang
kanilang pagpili. Local...Inirerekomenda ng city agriculture office ng Koronadal ang pag-recyle ng tubig.Ito ay upang mapaghandaan ang masamang epekto ng dry spell.Ayon sa city agriculture officer Emelita Miguel, dapat ay magtipid din sa paggamit ng tubig ang publiko.Habang ang mga nagamit na tubig tulad ng mga pinagbanlawan ay maaring ipandilig sa mga halaman at panlinis ng banyo.Sa kabila ng mga nararanasang pagulan ngayon, inaasahan na ang pagsisimula ng El Nino Phenomenon sa Koronadal City at South Cotabato ngayong Oktobre.Kaugnay nito Bubuo naman ng technical working group o TWG ang city disaster risk reduction and management council o CDRRMC Koronadal.Layon nito ayon kay CDRRMC Action officer Cyrus Urbano na lalo pang mapaghandaan ang masamang epekto ng El Nino Phenomenon.Tututukan ng TWG ang pagtugon sa masamang epekto ng dry spell at kung papano matulungan ang mga apektadong mamamayan.Kaugnay nito, magsasagawa ng dalawang araw na workshop para sa mga kasapi ng TWG ang CDRRMC sa Nobyembre a singko hanggang sais. Para kay North Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas handa na ang lalawigan para sa implementasyon ng K-12 program sa susunod na school year.Ito matapos ideklara ng Department Of Education Region 12 ang ilan sa mga guro mula sa North Cotabato bilang Most Outstanding Teacher's sa buong rehiyon.Ayon kay Obas pinatunayan lamang ng mga guro ang kanilang galing sa ibat ibat larangan.Idineklarang Most Outstanding Teachers sa elementary category sina Nancy Aquino ng Mlang Central Elementary School Irlou Allado ng Kabacan Pilot Elementary School Richard Neri ng Lika Central Elementary School at Emman Dwight Tuyan ng Matalam Central Elementary School.Habang sa High School Category naman ay sina Letecia Ebita ng Malibatuan High School, ExaltacionVelarde ng Mlang National High School Nanette Pedregosa ng Tulunan National High School Elmer Pineda at Aldrin Ragual kapwa mula sa Mlang National High School at Sheryl Valente ng Malibatuan High School.Malaki naman ang pasasalamat ni Obas kay Cotabato Governor Emylou Mendoza at maging sa miembro ng Sanguniang Pnalalawigan sa suportang ibinibigay ng mga ito sa usapin ng edukasyon.Isa sa mga programa ngayon sa ilalim ng pamumuno ni Mendoza ay ang scholarship program para sa elementary at high school teachers na gustong magpatuloy ng kanilang Master’s Degree sa English, Math at Science kung saan 70% sa kanilang tuition fee ay babayaran ng Provincial Government. Local...Nakinabang sa programang pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 ang grupo ng mga kababaihan sa Barangay, Lamba, Banga, South Cotabato.Ayon kay Ruby Carrasco ang Officer in Charge ng DOLE 12- South Cotabato Field Office, ang tatlumput dalawang myembro ng Kababaihan ng Barangay Lamba Tungo sa Kaunlaran o KKBLK ay nabigyan ng makina o sewing machine.Nabatid na ang dalawang daang libong pisong pondo na ginamit sa proyekto ay mula sa 2014 Bottom-Up Budgeting o BUB fund at DILEEP ng ahensya.Ayon kay Carrasco inaasahan nila na ang bagong makina ay makapagbibigay ng permanenteng kabuhayan at makapagbigay ng trabaho sa pamilya ng kanilang mga benipsyaryo.Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Ernesto Bustamante, ang Barangay Chairman ng Lamba, Banga, na mariin nilang imomonitor ang proyekto para matiyak na maisulong ang tailoring at dress making business sa kanilang barangay.Ayon kay Bustamento, tatangkilikin mismo ng Barangay LGU ang mga produktong gawa ng KKBLK.Ito ay upang matulungan din ang kooperatiba sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan. Local...Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang isang 35-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman sa Purok 2, Poblacion, Tulunan, North Cotabato.Kinilala ng Tulunan PNP ang biktima na si Nemesio Maragka Mantiquilla, habang kinilala naman ang suspek na si Mario Peral parehong residente ng Purok 3, Poblacion, Tulunan.Ayon sa report nag-iinuman lamang ang dalawa hanggang sa nagkainitan umano ang mga ito na humantong naman sa pananaksak ng suspek sa biktima.Agad namang isinugod sa pagamutan si Mantiquilla habang mabilis ring tumakas ang suspek.Ngayon ay patuloy pang tinutugis ng PNP si Peral habang patuloy ding isinailalim sa imbestigasyon ang insidente.Sa President Roxas- Pinaghahanap na rin ng PNP ang isang Reynaldo Maratas na responsable sa pananaksak kay Jun-Jun Lopez Gabao, 45-anyos, isang laborer at taga brgy. Enac Magpet, North Cotabato.Sinabi ni President Roxas PNP Deputy Chief Ins. Francisco Encarnacion magkasama pa ang dalawa sa isang salo salo sa brgy. Allegria, president Roxas at habang naglalaro umano sila ng Hantac- isang sugal ay nagkaroon ng pagtatalo si Gabao at kapatid ng suspek na si Alexander Maratas.Dahil umabot na sa matindi ang pagtatalo ng dalawa agad namang nilapitan ni Reynaldo si JunJun at sinaksak ito.Sinubukan pang gumanti ng biktima sa suspek pero binawian na ito ng buhay at mabilis ring tumakas si Maratas matapos ang pananaksak.Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspek na patuloy namang tinutugis ng mga otoridad. Local...Patay na ng marekober ng mga otoridad ang katawan ng dalawang taong gulang na batang lalaki matapos itong malunod sa brgy. Malasila, Makilala, North Cotabato.Ang biktima ay kinilalang si Zach Antoinne Pabellan Curiba.Sinabi ni brgy. Malasila Chairperson Melvin Fortajada sa Radyo Bida, sabado ng umaga ng iwan ng kanyang ina ang bata sa kanyang kapatid na high school student dahil pupunta raw ito ng kapilya.Hindi naman namalayan ng kapatid nito na naglakad mag-isa ang bata papuntang ilog malapit sa kanilang bahay.Bandang alas kwatro naman ng hapon ng mapansing nawawala na ang bata. Sinubukan pang hanapin ng pamilya si Zach pero bigo ang mga ito dahil sa lakas rin ng agos ng tubig sa ilog.Kinabukasan pa nang matagpuan nila ito pero wala ng buhay ang bata.Paalala ngayon ni Fortajada sa mga magulang na nakatira malapit sa mga ilog na huwag basta bastang iiwan ang mga anak lalo pa't pabigla-bigla ang buhos ng ulan na magdudulot naman ng baha para hindi na maulit pa ang kaparehong insidente. Local...Naaresto ang isang 20-anyos na estudyante matapos mahuli sa isingawang drug buy bust operation ng mga pulis sa Datu Ingkal St. Poblacion Kidapawan City kahapon ng hapon.Kinilala ang suspek na si Earl John Gonzaga alayas Janjan na taga brgy. Magsaysay, Kidapawan.Si Gonzaga ay nasa no. 11 sa listahan ng PNP si Gonzaga na matagal na rin nilang isinailalim sa surveillance dahil sa mga ilegal nitong mga Gawain kagaya ng pagbebenta ng droga.Nakuha mula sa kanya ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang pakete ng dried marijuana leaves at 500 peso bill bilang marked money.Nakakulong na ngayon sa Kidapawan City PNP lock up cell ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.Sa bayan naman ng Mlang- Nahulog na rin sa kamay ng mga otoridad ang isa sa mga watch list ng drug pusher sa inilunsad na buy bust operation ng Mlang PNP at PDEA 12Ang suspek ay kinilalang si John Del Rosario Loro, 33-anyos, may asawa na taga Purok 11,Poblacion, Mlang.Isang miembro ng pulisya ang nagpakilala bilang buyer at doon na nahuli ang suspek kung saan nakuha mula sa kanya ang isang sachet ng shabu at 500 peso bill bilang marked money.Eksklusibo namang nakapanayam ng Radyo Bida ang suspek at inamin naman nitong gumagamit siya ng ilegal na droga na nagmumula sa bayan ng Kabacan.Nakakulong na ngayon ang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous drugs act of 2002 na isasampa laban sa kanya.

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...