Saturday Jun, 22 2024 11:43:33 AM

NDBC BIDA BALITA Oct. 17, 2015

 • 17:05 PM Sat Oct 17, 2015
1,790
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 17, 2015
(SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Guiani versus Sema uli sa Cotabato City election. Sa Maguindanao, Mangudadatu at Midtimbang, magkatunggali

2. Magsasaka patay sa pamamaril sa
Kabacan, North Cotabato

3. Pakakapuslit ng umanoy droga sa loob
ng Koronadal City PNP Lock up cell, nabisto ng mga pulis

4. Pulis na tulak ng droga, arestado sa Midsayap 2 pang police sa North Cotabato, kinasuhan dahil din sa illegal drugs.5. Sa Koronadal, illegal drugs napinuslit sa police lock-up cell, nabisto

Local DALAWANG
mga alkalde habang apat na mga bise alkalde ang nakatakdang maglaban sa
nalalapit na 2016 National at Local election sa Cotabato City.

Ayon
kay City Comelec Officer Atty. Michael Ignes, unang nakapaghain ng kanyang COC
si incumbent City Mayor Japal Guiani Jr. habang kahapon ay matagumpay na
nakapaghain na rin si dating City Mayor at naging City V-Mayor Muslimin Sema
kasama ang kanyang buong partido.

Kinilala
naman ang apat na mga tatakbo bilang Vice Mayor ang kasalukuyang City
Administrator Atty. Cynthia Guiani Sayadi, ang negosyanteng si Mohamad Pasigan
na nasa ilalim ng LP, Councilor Dick Datumanong bilang independent at incumbent
City Vice Mayor Hadji Abdullah Andang na nasa partido naman ng PDP Laban na
kapwa nakapaghain na rin ng COC kahapon kasama ang kanyang 2 konsehal na sina
Hasan Kamal Kalaing at Midtamak Abubakar Mangelen.

Ayon
kay Ignes, nakapagtala sila ng 38 na nagsumite ng kandidatora sa Cotabato City.

SAMANTALA,
ILANG MGA opisyal rin ang humabol sa pag file ng kanilang kandidatora para sa
lalawigan ng Maguindanao.

Apat
na ang maglalabanlaban bilang Gobernador, kabilang sina incumbent Governor Toto
Mangudadatu, Kalil Manangit Abeb, Amelil Guiani Malaguiok Jr. AT Ali Musa
Midtembang.

Tatakbo
naman bilang bise Gobernador ng Maguindanao sina incumbent Vice Gov. Lester
Sinsuat, Hadji Akmod Kompania at Ismael Mastura.

Maghaharap
naman bilang kongresista ng unang distrito ng Maguindanao sina, Tucao Ong
Mastura, incumbent Congresswoman Bai Sandra Ampatuan Sema at Buffor Beto.

Naghain
rin ng kanya kanyang COC ang kani kanilang mga Assemblyman, kapwa sa una at
pangalawang distrito ng Maguindanao maging ang kanilang mga board member.

Local MANANATILING
naka alerto ang Armed Forces of the Philippines o AFP kasama ang Philippine
National Police (PNP) kasunod ng panawagan ng apat na dinukot sa Samal Island,
Davao del Norte.

Ayon kay AFP
spokesperson Col. Restituto Padilla, mananatili sa kanilang puwesto ang mga
sundalo at pulis upang tiktikan ang galaw ng mga bandidong Abu Sayyaf Group.

Ito ang
naging tugon ng militar matapos lumabas sa Internet ang video ng dalawang
Canadian, isang Norwegian at isang Pinay, na humihiling na itigil ang military
at police operation laban sa mga dumukot sa kanila upang maumpisahan na ang
negosasyon sa kanilang paglaya.

Sinabi ni
Padilla na pinag-aaralan na nila ang lahat na pwedeng makuha sa nasabing video
maging ang isang bandido na nagsalita ng Ingles.

Ayon kay
Padilla, nagpatawag na ng command conference si AFP Chief of Staff General
Hernando Iriberri para pag-usapan ang mga insidente ng kidnapping sa Mindanao.

Local IPAGDIRIWANG
ng Atonomus region in muslim mindanao o ARMM ang Global handwashing day o GHD
sa lunes, October 19, 2015.

Ito ay
pangungunahan ni Regional Gov. Mujiv hataman, Dep-ed ARMM Sec. Dr. John Magno,
DOH Usec. Dr. Vicente Belziario Jr. at maging ng DOH-ARMM sec. Dr. Kadil
Sinolinding Jr.

Ala-6
ng umaga kung saan magsisimula ang program sa Bangsamoro People's complex sa
ORG Compound sa Cotabato City.

Nabatid
na binibigyang halaga Global handwashing day dahil sa malaki ang maitutulong ng
paghuhugas ng kamay laban sa mga sakit, tulad ng diarrhea at respiratory
infections na kadalasang dahilan ng pagkakasakit o pagkamatay ng mga kabataan.

Ang
naturang selebrasyon ay may temang Raise a hand for hygiene

Local ISINAILALIM
sa blue alert status ang buong SOCCSKSARGEN Region kasabay ng pagpasok ng
Tropical Storm Lando sa Philippine Area
of Responsibility.

Sa
Pre-Disaster Risk Assessment ng Regional Disaster Risk Reduction and
Management Council, sinabi ni OCD 12 Director at RDRRMC 12 Chair Minda Morante
na batay ito sa NDRRMC Memorandum No. 37 na inilabas noong October 14.

Paliwanag
ni Morante, bagama’t Nothern Luzon ang
punterya ng Bagyong Lando, maaring makararanas ng malalakas na pag-ulan
ang South Central Mindanao na maaaring magdulot ng pinsala sa mga
imprastraktura, agrikultura at buhay.

Masusing minamanmanan ang mabababang lugar sa pagbaha
at ang bulubunduking lugar sa posibleng landslide.

Kaugnay
ng Blue Alert status, pinaalalahanan ang
mga Local Disaster Risk
Reduction and Management Council
na masusing bantayan ang kani-kanilang
area of responsibility at agad na
ireport ang anumang insidente.

0 Local...Plano ngayon ng South Bound Utility van o (SUV) na maglagay ng sariling Closed Circuit Television o CCTV Cameras sa kanilang terminal sa Kidapawan City overland Terminal.
Ayon kay SUV Manager Bebot Untalan, layunin nitong masigurong ligtas ang kanilang mga pasahero sa anomang balak na krimenalidad ng mga may masasamang loob kagaya na lamang ng pambobomba, pagnanakaw sa ano mang gamit ng pasahero sa kanilang perimeter.
Dagdag pa ni untalan , suporta narin nila ito sa panawagan ng local Government sa mga business owners at association kagaya nila na maglagay ng kanilang sariling CCTV cameras para narin sa kanilang siguridad. Matagal na umanong nilang planong makabili nito upang mamonitor ang anomang kaduda dudang mga bagay at maging ebidensya narin ito sa anomang biglaang aksidente.

Local...Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng riding tandem criminals sa Abella St. Poblacion Kabacan, North Cotabato kahapon.
Kinilala ni Police Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Felipe Quilas Jr. 48, may asawa na taga brgy. Osias ng nabanggit na bayan.

Ayon sa report sakay si Quillas sa kanyang kulay itim na Honda Beat motorcycle mula sa barangay Aringay nang sundan ito ng mga suspek na sakay rin isang Kawasaki 125 motorcylce at pagdating sa nabanggit na lugar ay dito na xa pinagbabaril.Tama sa likod ang tinamo ng biktima gamit ang kalibre 45 na baril base na rin sa narekober ng mga otoridad sa crime habang mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.Naisugod pa umano ang biktima sa bahay pagamutan pero idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Ngayon blanko pa ang Kabacan PNP sa motibo sa krimen habang patuloy namang iniimbestigahan ang insidente.
Local...Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na sapat ang suply ng kuryente sa Mindanao para sa napipintong pagtama ng El Nino phenomenon sa bansa.
Bagamat magtuloy tuloy na ang panahon ng tag-init hanggang sa susunod na taon kumpyansa pa rin ang nabanggit na kompanya na makakapagtransmit pa rin sila ng sapat na kuryente sa mga kooperatiba.
Ayon kay Atty Cynthia Alabanza, ang Head Corporate Communications and Public Affairs Department ng NGCP, apat na mga planta kasi ang mag-ooperate mula Enero hanggang Abril kung saan tataas ang available capacity ng kesa sa power demand ng consumers.Ito ay ang Saragani Coal Phase 1 sa General Santos City, Malita Coal Phase 1 at Therma South Inc. sa Davao area at FDC Misamis Coal Unit 1.

Sa kabilang dako, umapela naman si Alabanza sa publiko na sakali mang may makita na kahina-hinalang tao na nasa perimiter ng NGCP ay agad itong isumbong sa mga otoridad.Ito ang pahayag ng opisyal matapos ang nangyayaring pambobomba sa tower 44 at 45 ng NGCP sa brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato na nagdulot naman ng panandaliang brown out sa ilang bahagi ng North Cotabato, Cotabato City at Maguindanao. Local...Kalaboso ang limang indibidwal sa isinagawang search operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa brgy. Meohaw, Kidapawan City pasado alas singko ng hapon kahapon.
Kinilala ang limang mga suspek na sina Benvinedo Javier, Camile Buala, JanJan Elman, 33 parehong mga taga brgy. Meohaw, Bryan Ambrasano, 32, na taga brgy. Ginatilan at isang Arnold Javier.Habang nakatakas naman ang main target sa naturang operasyon na si Rodel Javier matapos matunugan ang presensya ng mga otoridad.

Ayon sa report, si Rodel ang pinaniniwalaang bagsakan o drug dealer sa nabanggit na barangay.Nakuha mula sa kanila ang mga ilegal na droga at drug paraphernalia, pera na nagkakahalaga ng abot sa 22 thousand pesos at mga bala ng baril.

Bitbit naman ni Rodel ang kanyang baril ng tumakas ito.Batay sa imbestigasyon ng PDEA 12 nakita nila ang isang resibo na nakapadala na noong nakaraang araw si Rodel ng pera na abot sa 39 thousand pesos para ibili ng shabu pero natunugan ito ng kanyang source dahilan para hindi pa ito na deliver sa kanyan.Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa General Santos City habang patuloy naman nilang tinutugis ang tumakas na si Rodel Javier.
Local...Naaresto ang isang pulis matapos mahuli sa isinigawang drug bust operation ng mga otoridad sa Midsayap, North Cotabato kagabi.
Kinilala ni Sr. Supt. Alex Tagum, provincial director ng Cotabato Provincial Police Office o CPPO, ang suspect na si Police Officer 1 Ledesma na na-assign sa Aleosan Municipal Police Station.
Nakuha mula sa kanya ang ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang 35 thousand pesos.Ayon kay Tagum, ang pagkakahuli kay PO1 Ledesma bahagi lamang sa house cleaningsa kanilang organisasyon.Samantala inihahanda na ng CPPO ang administrative charges laban sa dalawang mga pulis na nagpositibo sa ilegal na droga sa isinagawang Drug test noong Setyembere.Kinilala ni Tagum ang mga pulis na sina Police Officer 3 Magoncia na na-assign sa Kabacan Municipal PNP station at si Police Officer 3 Suega na nadeploy sa Antipas Municipal PNP station.Ang administrative charges naman kontra sa isang pulis na nagpositibo rin sa shabu sa naturang mandatory drug test ay idinissmis na ni Tagum matapos itong mag file ng kanyang irrevocable resignation bilang miyembro ng PNP.Nilinaw ni Tagum na posibleng mapabilang rin bilang bahagi ng command responsibility ang mga chief of police sa mga istasyon kung saan na assign ang mga nabanngit na pulis na sangkot sa mga kaparehong aktibidad kagaya ng drug trafficking, possession,atpaggamit ng ilegal na droga. Local...Nakakumpiska ng suspected na illegal na droga ang mga pulis sa isang preso sa loob ng Koronadal City PNP Lock up cell kamakalawa ng kahapon.
Ito ay kinumpirma mismo ni Superintendent Nestor Salcedo, ang City Chief of Police sa panayam sa kanya ng DXOM Radyo Bida.
Ayon kay Salcedo matapos makatanggap ng impormasyon ng pagpuslit ng illegal na droga, agad na nagsagawa ng inspection ang mga pulis sa kanilang lock up cell.
Nakuha ng mga ito mula sa isang inmate ang isang sachet ng suspected shabu.
Ayon kay Salcedo, ang suspected shabu ay inihalo sa pagkain ng isa mga detainee kaya ito nakalusot sa mga otoridad.
Tumanggi muna si Salcedo na pangalanan ang presong nakuhanan ng umanoy droga habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon
Gayunpaman tiniyak ng police official na inihahanda na nila ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.
Sa ngayon ayon kay Salcedo ay pinagaaralan na ng city PNP at local na pamahalaan ng Koronadal kung ano pa ang maaring gawin para mapaigting ang seguridad sa city PNP lock Cell.
INihayag ng police official na mas lalo pang hinigpitan ng pulisiya ang pagtanggap ng dalaw sa mga detainee ng Koronadal City PNP lock up cell Local...Posibleng maging contender sa Best Tourism Event sa Provincial Level ng Pearl Award sa 2017 ang T’nalak Festival ng South Cotabato.
Ayon kay Provincial Tourism Officer Argie Ryan Asaria, plano nilang isumite para sa nominasyon ng parangal ang T’nalak Festival sa 2016.
Inihayag ni Asaria na aasahan kasi ng mga mamamayan ang mas magarbong tinalak festival kasabay ng golden anniversary ng lalawigan sa susunod na taon.
Maliban sa T’nalak Festival, naniniwala din si Asaria na may laban din ang Lake Holon sa bayan ng T’boli sa Best Tourism Event-Sports,Adventure and Wellness CATegory ng Pearl Awards.
Gayunpaman nilinaw ni Asaria na dapat mag-nominate sa Lake Holon ang local na pamahalaan mismo ng T’boli.
Ang ang pearl award ay ginagawad ng non profit organization na ATOP .
Layon nito na kilalanin ang mga tourism best practices ng bawat local na pamahalaan.
Layon din nito na mai-promote ang mga tourist spots sa bansa katuwang ang Department of Tourism o DOT.
Nabatid na ngayong taon ang Pearl Award sa provincial category ay nakuha ng Pawikan Festival ng Bataan Local..Naniniwala si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na maliban sa mga krisyano, dapat ay maglalaan din ng lugar para sa mga non Christians o muslim ang mga pambulikong sementeryo.
Ito ang ipinahayag ng gobernador matapos payagan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC ang provincial government na lumagda sa Memorandom of Agreement o MOA sa mga local na pamahalaan.
Ito ay kaugnay sa pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga LGU para pambili ng relocation sites at lupain para sa mga bagong sementeryo.
Ayon kay Fuentes dahil sa kawalang probisyon, hindi maaring ilibing sa mga pampublikong sementeryo ang mga non-Christians lalong lalo na ang mga mamamayang Muslim.
Binigyan diin din ni Fuentes na kapag papayagan ang mga non Muslim na maglibing ng kanilang mga yumao sa mga public cemetery, napapangalagaan din ang kalusugan ng publiko, dahil hindi na papayagan ang mga ito na maglibong kahit saan.
Ayon kay Fuentes , plano ngayong isulong ng Sangguniang Panlalawigan ang resolution na magpapaalala sa mga lokal na pamahalaan na ilakip ang burial privision sa mga non Christians sa mga lugar na pagtatayuan ng bagong mga sementeryo.
Ayon kay Fuentes magbibigay ng financial assistance ang provincial government para sa relocation site ng mga sementeryo sa mga local na pamahalaan ng Banga, Tupi, Polomolok, at Tantangan. Local...Maliban sa paggawa ng mga Christmas decorations mula sa mga indigenous materials, may iba pang kabuhayan ngayon ang mga preso sa Provincial Rehablitation and Detention Center ng South Cotabato na mas kilala rin sa tawag na provincial jail.
Ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kabaong.
Ayon kay OIC Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas, ang mga kabaong na pinapagawa sa mga preso ay kinontrata mismo ng provincial government.
Ang mga ito kasi ay ipinamimigay sa mga mahihirap na mamamayan na namatayan sa lalawigan na kadalasan ay mga nasa liblib na barangay ng south Cotabato
Ayon kay Lanzaderas ang mga preso sa pasilidad ay binabayaran ng tig P350.00 sa bawat kabaong na kanilang ginagawa.
Kaya ito ayon sa Jail Warden ay malaking tulong na sa kanilang mga inmate.
Kaugnay nito ipinahayag naman ni Ruel Juliano na dahil sa paggawa ng mga kabaong naitataguyod nilang mga hindi lamang ang kanilang personal na pangangailangan kungdi maging ng kanilang pamilya.
Ito ayon pa kay Juliano ay patunay na hindi hadlang ang kanilang pagkakabilango upang makapaghanap buhay ng marangal.
Local...Hindi naman napigilan ng ulan ang mga kandidato na humabol sa filing ng certificate of candidacy o COC sa South Cotabato Provincial Comelec Office kahapon.
Kabilang sa mga nag file ng kanilang COC ilang oras bago nagsara ang Comelec ang mga pambato ng Partido ng Demokratikong Pilipino o PDP na pinangunahan ng gubernatorial bet nitong si dating Koronadal City Mayor Fernando Miguel.
Magkakatungali naman ni Miguel si incumbent South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes.
Kasama ni Miguel na naghain ng kanyang COC si Sangguniang Panlalawigan Ex Officio Member Bernie Palencia na makakalaban naman ni incumbent board member Vicente de Jesus ng LP-NPC sa pagka bise gobernador.
Muli namang magharap sa pagka kongresista ng pangalawang distrito ng South Cotabato ang pambato ng LP-NPC na si incumbent congressman Ferdinand Hernandez at ang nagbabalik politika na si Dating governor at congressman Arthur Pinggoy Jr ng PDP na naghain na rin ng kanyang COC kahapon .
Sa Koronadal City, magkakatungali naman sa pagka-alkalde si incubment City Mayor Peter Miguel ng Liberal Party at dating vice Mayor Jose Ledda ng LP-NPC.
habang maghaharap naman sa vice mayoralty race sina incumbent vice mayor Eliordo Ogena at incumbent city Councilor Oscar Pagunsan.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Atty. Jay Gerada, ang Election Suprvisor ng South Cotabato na naging maayos at matiwasay ang filing ng COC sa lalawigan sa nakalipas na limang araw.
Sa katunayan ayon kay Gerada, ito ay nakita mismo ng ikinatuwa ng isang opisyal ng Comelec na bumisita mismo sa lalawigan para obserbahan ang COC filing.

Coast Guard member hurt in Basilan gun attack dies in hospital

COTABATO CITY - The 26-year-old Philippine Coast Guard member wounded in a gun attack in Lamitan City on Thursday afternoon died in a hospital in...

Lalaki, binaril sa loob ng Mosque sa Maguindanao Sur, suspect kilala na ng mga otoridad 

COTABATO CITY - KINILALA ang biktima na si Mohammad Bato Ampatuan alias "Mads", 43 years old, at residente ng Sitio Siawan, Barangay Tamontaka, Datu...

Cops seize smuggled cigarettes in Jolo and Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - About 1500 reams of smuggled cigarettes were recovered by troops from Jolo MPS together with augmented...

350 pamilya, apektado ng bakbakan ng 2 MILF groups sa MagSur

BATAY YAN sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Datu Unsay na isinumete sa Provincial Disaster Office....

Hundreds displaced as 2 MILF groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY - Some 200 villagers have fled to neutral grounds as two rival groups in the Moro Islamic Liberation Front clashed and reportedly...