Monday May, 13 2024 01:53:00 AM

NDBC BIDA BALITA Oct. 20, 2015

 • 17:25 PM Tue Oct 20, 2015
1,600
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 20, 2015
(TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. JOINT PEACE-KEEPING TASK FORCE na
tututok sa iba’t ibang krimen sa Marawi city, binuo.

2. PNP naka heightened alert matapos
marekober ang tatlong IED sa Carmen, North Cotabato

3. 2 barangay kagawad sa Kidapawan, nalasing, nagpaputok pa ng baril.4. Dating barnagay kapitan, patay sa Kabacan, NOrth Cotabato.

Local... BUBUO
ng Joint Peace-Keeping Task Force ang pamunuan ng Autonomous Region in Muslim
Mindanao o ARMM at provincial government ng Lanao del Sur para tutukan ang
iba’t ibang mga krimen na nagaganap sa Marawi city.

Sa
isinagawang emergency security dialogue kahapon sa Marawi city, nagdesisyon si
ARMM Governor Mujiv Hataman at Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. na bumuo
ng joint task force sa lungsod na kabibilangan ng mga pulis, sundalo at local
civil society organizations.

Sa
panayam sa DXMS AM – Radyo Bida ngayong umaga, sinabi ni PNP ARMM Director, Police
Chief Supt. Ronald Estilles na ang pagbuo ng naturang joint task force ay
kasunod ng pagbaril at pagpatay kay Marawi city PNP chief police Supt. Al Abner
Wahab Santos.

Sabi
ni Estilles, pangunahing tututukan ng task force ang lumalalang bentahan ng
droga sa lungsod, mga kaso pagpatay, paglipana ng mga unlicensed firearm at mga
nakaw na sasakyan.

Ayon
kay Estilles, hinihintay na lang nila ang ordinansang ipapasa ng provincial
legislators para sa pagdedeklara ng gun ban sa lungsod.

Iginiit
ng opisyal na mahigpit din silang maglulunsad ng checkpoint at choke points sa
mga entry at exit points ng Marawi city.

Samantala,
dumalo rin sa emergency meeting kahapon si Col. Roseller Murillo ng Army’s
103rd Brigade, mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Commission
on Human Rights ARMM, at league of Lanao del Sur municipal mayors.

Wala
naman sa naturang pagpupulong si Marawi city mayor Fahad Salic na siya sanang
magbibigay ng security briefing sa mga dumalo. 0- Local NAGDESISYON
NA ang Sandiganbayan na patawan ng parusang pagkakulong ng hanggang 18 taon ang
dating governor at ang dating provincial agriculturist ng Sarangani.

Ito ay
matapos na mapatunayang guilty sina si dating Sarangani governor Miguel Escobar
at ex-provincial agriculturist Romeo Miole sa kasong malversation of public
funds na may kinalaman sa implementasyon sa 1.44 million pesos na halaga ng
relief program para sa mga magsasaka noong 2001.

Sa 23
pahinang desisyon ng Sandiganbayan Special Third Division, napatunayang ipinamahagi
ng mga akusado sa kanilang mga political supporter ang naturang halaga ng mga agricultural
relief items na dapat ay para sa mga magsasaka na biktima ng La Niña.

Pinagmumulta
rin ng graft court sina Escobar at Miole ng P1.44-M bawat isa at pinagbawalan
ng pumuwesto sa anumang tanggapan ng gobyerno.

Sa rekord,
naglunsad ang Sarangani provincial government ng Sagip Taniman Program noong
2001 para mabigyan ng sako ng bigas at buto ng mais ang mga magsasaka sa lalawigan
na nabiktima ng La Niña.

Sa mga
papeles, nakasaad na may 1,875 sacks of rice at 240 sacks of hybrid corn at
rice seeds ang naipamahagi sa mga magsasaka sa lalawigan at ilang miembro ng
indigenous tribes doon.

Pero noong
2002, ilang tribal leaders at mga magsasaka ang humingi ng tulong sa provincial
government at nagsabing hindi pa nila
natatanggap ang sinasabing ayuda mula nang wasakin ng La Niña phenomenon ang
kanilang pananim.

Sinasabi ng
COA na ang kontrata para sa agricultural relief items ay nai-award sa supplier
na hindi accredited ng National Food Authority at hindi rin kinilala ng
naturang mga opisyal ang target areas na taniman ng mais at palay.

Nalaman din
ng COA na ang mga relief item sa halip ipamigay sa mga magsasaka at tribal leaders
ay naibigay sa mga kilalang Escobar bilang bahagi ng kanyang political reward,
isang linggo bago ang barangay election sa lugar.

Local...

SIYAM KATAO
na pinaniniwalaang sangkot sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga sa San
Vicente street, Barangay Bagua Tres, Cotabato city.

Sa
ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM, nagtungo ang kanilang
mga operatiba sa lugar pasado alas singko ng hapon kahapon para sana ihain ang warrant
of arrest sa isang Ricky Cimafranca na may kasong paglabag sa Republic Act 9165
o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Gayunpaman,
hindi inabutan ng mga operatiba ang suspek bagkos ay tatlong drug dens ang kanilang
natuklasan sa lugar.

Sa
isinagawang raid, nahuli ng mga PDEA ARMM operatives sina Agnes Virtudazo
Cimafranca, 42 years old, Jocelyn Florano Flores, 41, Jamal Mustapha Ampatua,
25, Zebran Asim Menandang, 23, Najim Asim Menandang, 23, Reynaldo Parawan
Gomez, 43, Roberto Banac Panado, 48, Stewart Peñanueva Ada, 41 at Wiljon
Sumingit Camansi, 41 taong gulang.

Nakuha
ng PDEA ARMM mula sa isa sa tatlong drug dens ang tatlong sachets ng
pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 200 pesos at mga drug
paraphernalia sa dalawa pang mga drug dens.

Agad
dinala ng mga operatiba sa kanilang tanggapan ang siyam katao at isinailalim sa
drug test kung saan ay nagpositibo ang mga ito sa paggamit ng iligal na droga.

Nananatili
namang at-large ngayon si Ricky Cimafranca kasama umano ang isang Mojib Mananga
sa pagtakas.

Nakatakdang
sampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa Section 7 at 15 ng RA 9165 ang mga
naaresto maliban na lamang kay Cimafranca na sasampahan din ng karagdagang
kasong paglabag sa Section 6 at 12 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of
2002.

Local……………….

PATULOY
NA GINAGAMOT ngayon sa ospital ang isang sundalo matapos pagbabarilin pasado
alas kwatro nang hapon kahapon sa Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao.

Kinilala
ang biktima na si Edward King Tandog Bendong, 32 years old, taga- Curbada,
Barangay Awang ng nasabing bayan.

Batay
sa inisyal na imbestigasyon ng DOS-PNP, nakaupo lang si Bendong sa labas ng
bahay ng isang Datu Begs sa Upper Capiton nang lapitan ng hindi pa nakikilalang
suspek at pinagbabaril.

Nagtamo
ng tama sa ulo ang biktima mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril habang agad
namang nakatakas ang suspek.

Sa
ngayon ay kritikal pa ang kondisyon ni Bendong sa pagamutan at inaalam pa rin ng
mga pulis ang motibo sa nasabing pamamaril.0 Local... KUMPIYANSA
si Department of agriculture and fisheries o DAF ARMM Sec. Makmod Mending na
makakayanang lagpasan ng mga magsasaka at ng bawat mamamayan ang
pinangangambahang El nino phenomenon sa rehiyon.

Ayon
kay Mending, nagsagawa na sila ng El Niño mitigation plan kasama ang department
of science and technology o DOST na ipatutupad sa lalong madaling panahon.

Sa
pagtaya ng DOST ARMM, tatama ang El Niño sa mga Island provinces ngunit hindi
pa matiyak kung kelan dahil sa tuloy-tuloy pa rin naman ang pag ulan.

Sa
ngayon, sabi ni Mending, mahigpit nilang binabantayan ang mga irigasyon sa
rehiyon bilang paghahanda sa darating na tagtuyot.

Sa iba
pang balita, sinimulan naman kahapon ang limang araw na libreng gamutan at
libreng operasyon sa Maguindanao Provincial Hospital sa bayan ng Datu Hoffer.

Ito ay
magkatuwang na ipinatutupad ng Maguindanao Integrated Provincial Health Office
at Cotabato Regional Medical Center bilang pakikiisa sa nationwide program na HI
Impact Five” ng Department of Health na may temang Kapit Bisig para sa
Kalusigan Pangkalahatan”.

Bukod
sa libreng eye check up, libre din ang gamot at operasyon para sa goiter,
myoma, hare lip, bukol, bilateral tubal ligation, hernia at maraming iba pa.

Kaugnay
nito ay inaanyayahan naman ni IPHO Maguindanao Chief Dr. Tahir Sulaik ang publiko
na dumulog sa kanilang tanggapan para makabenipisyo sa maturing programa.

Local...Nanatiling nakaalerto ang pamunuan ng National Police sa North Cotabato matapos muntik nang sumabog ang tatlong mga bomba na itinanim ng di pa kilalang mga suspek sa tore ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Carmen, North Cotabato.Sa panayam ng DXND Radyo Bida kay Cotabato Police Provincial Office Spokesperson Supt. Bernard Tayong, nakita ang tatlong mga Improvised Explosive Device o IED na itinali sa tower 110 ng NGCP sa brgy. Takupan, Carmen.Ang nasabing bomba ayon pa kay Tayong ay gawa sa 60 millimeter mortar.Una rito isang magsasaka raw ang nakakita sa nabanggit na bomba alas syete ng umaga noong linggo na agad namang inireport sa pulisya.Mabilis namang nakordon ang area at matagumpay na nadetonate ito ng mga bomb experts. Sa ngayon isinailalim na sa malalimang imbestigasyon ng PNP ang nabanggit na insidente.Matatandaang dalawang bomba rin ang sumabulat sa mga residente ng brgy. Batulawan, Pikit nitong October 10 ng pasabugan ng pinaniniwalaang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang tower 44 at 45 ng NGCP sa bayan.Sinabi naman Police Ins.Sindatu Karim hepe ng Pikit PNP, tatlo sa apat na mga suspek ay nakakulong na ngayon at sinampahan na ng kaso. Local...Dahil sa kalasingan, nawala na sa tamang pag-iisip ang dalawang barangay kagawad ng San Isidro, Kidapawan City nang paputukin nila ang de dose na baril ng mga brgy. tanod sa kanilang lugar madaling araw noong nakaraang linggo.Kinilala ni brgy. San Isidro chairperson Dionisio Wanal ang naturang mga opisyal na sina brgy. Kagawad Bautista at Kgwd. Gillano.Ayon kay Wanal, lasing ng pumunta ang dalawang mga opisyal sa outpost ng kanilang brgy. Tanod at hiniram umano ang kanilang ipinaayos na de dose na baril at pinaputok ng tatlong beses.Ang nasabing pagpapautok ay nagdulot naman ng takot at disturbo sa mga natutulog na residente sa lugar sa mga oras na iyon.Aminado naman sina Bautista at Gillano sa kanilang ginawa na agad namang huminge ng dispensa sa kanilang mga nadisturbong kapitbahay.Ipinatawag rin sila kinabukasan ni kapitan Wanal tungkol sa kanilang ginawa.Sa ngayon hinihintay na lamang ng Radyo Bida ang pahayag si kapitan Wanal matapos ang kanilang isinagawang sesyon kahapon kung ano ang maaaring ipataw na parusa sa dalawang mga opisyal ng barangay. Local...Patay ang isang dating kapitan ng brgy. Pisan, Kabacan North Cotabato matapos itong pagbabarilin ng di pa kilalang suspek pasado alas sais kagabi.Kinilala ni Police Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Remegio Alejo.Ayon kay Cordero kumakain lamang ng hapunan si Alejo sa labas ng kanilang bahay nang lapitan ito ng mga suspek at pinagbabaril.Tama sa dibdib at tiyan ang tinamo ng biktima dahilan para isugod ito sa Kabacan, Medical Hospital.Kinumpirma naman ni Cordero alas kwatro ng madaling araw kanina ng bawian na ito ng buhay.Malaki naman ang paniniwala ng PNP na may kaugnayan ang nangyaring pamamaril sa nangyari ring insidente ng pamamaril noong Abril sa tatlong miembro ng isang pamilya sa bayan ng Kabacan kung saan son in law ni Alejo ang isa mga biktima nito.Kahapon, matapos umano ang hearing sa nabanggit na kaso ay nangyari ang krimen.Problema naman sa lupa ang duda ng PNP sa motibo sa insidente na ngayon ay patuloy nilang iniimbestigahan. Local...Patay ang isang rebel returnee habang sugatan naman ang isa pa matapos silang paulanan ng bala ng pinaniniwalaang New People's Armay o NPA sa Sitio Sentro, Brgy Imamaling, Magpet, North Cotabato pasado alas kwatro ng hapon kahapon.Kinilala ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang biktima na si Marco Enggay Vea, 37-anyos, isang lumad, magsasaka na taga brgy. Imamaling, Magpet at dating miembor ng NPA habang ang sugatan naman ang truck driver na kinilalang si Rodney Salinas Brandino, 35 anyos.Ayon kay Fornan, pumunta si Vea kasama ang asawa nito sa brgy. Imamaling para tapusin ang kanilang ginagawang pag-uuling at habang kinakarga umano ng biktima kasama ang driver nitong si Rodney ang kahoy ng bigla na lamang sumulpot ang tatlong mga armadong suspek at agad pinaulanan ng bala si Vea dahilan para madamay ang nabanggit na driver.Tadtad ng tama ng bala ang katawan ni Vea gamit ang armalite riffle na siya namang target ng krimen dahilan ng kanyang agarang kamatayan.Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen habang isinugod rin sa pagamutan ang sugatang biktima.Sa inisyal na imbestigasyon ng Magpet PNP, tanging nakikita nilang motibo sa pangyayari ay ang pagsurrender ng mag-asawang Vea sa militar ng isagawa umano ang Peace and Development Outreached Program ng 57th IB sa brgy. Imamaling.Ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng PNP ang insidente. Local...Natimbog sa anti illegal drug operation ng mga pulis
ang apat na suspected drug pusher at
courier sa Sto. Nino, South Cotabato.

Ayon kay Police Chief Inspector Joel Fuerte, ang
Chief of Police ng Sto. Nino, ang operasyon laban sa illegal na droga ay
isinagawa ng pulisiya sa Purok Tagumpay , Barangay Ambalgan, Sto. Nino
kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni Fuerte ang isa sa mga nahuli na si
Parida Buisan Ambalgan alias Bai Itum na number one sa drug watchlist ng Sto.
Nino PNP.

Naaresto din ang mga kasama umano nitong sina Joemar
Fieldad alias Peldad, Macky Malimbang, at June Jay Cabantud.

Ang apat na mga drug suspek ay pawang mga residente
ng barangay ng Ambalgan na kilala na bagsakan ng umano’y illegal na droga.

Isinagawa ng mga pulis ang pag-raid sa bahay nina
Ambalgan at Fieldad sa bisa ng search warrant ng korte.

Nakuha ng raiding team mula sa mga suspek ang isang large size, apat na medium size,at apat na
small size heat sealed transparent sachet na pawang naglalaman ng suspected
shabu.

Nakakumpiska din ang mga pulis ng apat na disposable lighters, isang improvised
tooter, at improvised sealer sa mga suspek.Ang mga suspek ay nahaharap naman sa kasong paglabag
sa Dangerous Drugs acto of 2002.

Local...Nanganganib na hindi makaboto ang abot sa 31,000 na
mga botante sa South Cotabato at General
Santos City sa 2016 elections.

Ayon kay Atty. Jay Gerada, ang election supervisor
ng lalawigan, ito ay dahil sa kawalan ng biometric records.

Nabatid na 15,000 sa
walang biometric records ay mula sa sampung mga bayan at isang lungsod
sa South Cotabato.

Mahigit 16,000 naman sa mga ito ay mula sa General
Santos City.

Ang biometric records ay ang pagkuha ng lagda,
finger print at litrato ng isang botante
gamit ang voters capturing machine o computer.

Ito ay kaugnay naman sa No Bio No Boto” Policy na
ipatutupad ng comelec sa susunod na taon.

Umaapela si Gerada sa mga botante na wala o di tiyak na mayroong biotmetric records na
sumagguni na sa Comelec.

Ayon kay Gerada bukas ngayon ng dose oras ang mga tanggapan ng Comelec sa South
Cotabato.

Layon nito na ma-accommodate ang mga mamamayan sa
nalalabing mga araw ng registration of voters.

Inihayag ni Gerada na inaasahan nila ang pagdagsa ng
mga magpapatala limang araw matapos suspendihen ng comelec ang registration of
voters dahil sa filing ng certificate of candidacy o COC.

Bukod dito ayon kay Gerada, aasahan na rin ang
pagsiksikan ng mga mamamayan na mag-paregister sa comelec sa mga huling araw ng
filing tulad noong mga nakaraang taon.

Ang deadline ng registration at pagkuhang biometric
records para sa 2016 election ay sa Oktobre trenta’y uno.
Local...Nasawi ang dalawang katao matapos maaksidente sa
sinakyang motorsiklo sa Surallah, South
Cotabato.

Kinilala ng Surallah PNP ang mga biktima na sina Raymart Solas, biente
anyos driver ng motorsiklo at angkas nitong si Gellie Mae Meliz, biente dos
anyos pawang mga taga Zone 6, Libertad Surallah.

Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na
habang binabaybay ng mga biktima nag kahabaan ng highway mula Suralah papuntang
direksyon ng bayan T’boli.

Nawalan umano ng control ang driver ng motorsiklong
si Solas at napunta sa kabilang lane ng
highway ng aksidenteng mahagip ang di pa
tukoy na matorsiklo dakong alas onse ng umaga kamakalawa.

Nagkataon naman na paparating ang isang KIA Sportage
vehicle na kasalubong ng mga biktima sa Crossing T’boli, at Purok Maliwanag Dajay
Surallah dahilan para magkabanggaan ang mga ito.

Ang angkas na
si Meliz ay dead on the spot dahil sa lakas ng pagkakabangga nito sa kasalubong
na sasakyan,

Ang driver naman ng Honda Wave motorcycle na
sinakyang nitong si Solas ay nasawi rin
habang ginagamot sa isang ospital sa Surallah.

Ang KIA sportage vehicle na nakabanggaan ng mga
biktima at driver nitong si Ramie Huesca, kwarenta’y kwatro anyos ng Koronadal
City ay pansamantalang ikinustodya ng Surallah PNP habang nagpapatuloy pa ang
kanilang imbistigasyon sa insidente.

Local...Abot sa 232,163 na mga local at banyagang turista
ang bumisita sa South Cotabato sa unang quarter ng 2015.

Ito ay mas mataas naman sa 3.26 percent kumpara sa
kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Annaliza Mondejar, ang Provincial Tourism
Officer ng South Cotabato ang padami ng mga turista sa lalawigan ay dahil na
rin sa maigting na promotion gamit ang iba’t ibang mga social media platforms.

Ito ayon kay Mondejar ay bukod pa sa mga brochures
at flyers na ipinamigay sa mga hotel at kahalintulad na establisemento sa mga
karatig lugar.

Naniniwala din si Mondejar na nakatulong din sa
pagdami ng mga turista ang accreditation ng mga tourist establishment sa South
Cotabato.

Nabatid na sa ngayon dalawampung mga tourism
establishement sa lalawigan ang nabigyan na ng accreditation ng Department of
Tourism o DOT.

Bukod sa mga ito ayon kay Mondejar, nagpapautloy din
ang accreditation sa iba pang mga resorts,
pension houses, tourist inns, restaurants, travel at mga tour operators sa lalawigan.

Inihayag din ni Mondejar na inaasahan pa ang
pagdating ng mas maraming turista sa South Cotabato sa mga nalalabing buwan ng
kasalukuyang taon.

Nabatid na abot sa 462,897 na mga local at banyagang
turista ang dumating sa South Cotabato noong nakaraang taon.

Kabilang sa
mga lugar na madalas bisitahin ng mga turista sa South Cotabato ang Lake Holon
sa bayan ng T’boli at bayan ng Lake Sebu.

Local...Nilinaw ni Police Senior Inspector Badrudin Esmael
ang Chief of Police ng bayan ng President Quirino sa Sultan Kudarat na walang
nasugatan sa nangyaring pagsabog sa barangay Katico sa bayan Gayunpaman ayon sa Police Official nagdulot naman
ito ng takot sa mga residente, particular na sa Purok Masagana.

Ang innsidente ayon kay Esmael ay naganap dakong
alas nuebe ng gabi kamakalawa.

Inihayag ni Esmael na hindi M79 grenade launcher
kungdi dalawang mga hand held grenade ang pinasabog sa bakanteng lote sa lugar.

Ito ayon kay Esmael ay batay naman sa dalawang mga
safety lever na narecover ng Explosive Ordnance Division o EOD team ng PNP.

Ayon kay Esmael tinamaan ng shrapnel ang katabig
bahay ng isang Juanita Villeno.

Inihayag din ng police official na dahil sa may
kadiliman at liblib ang lugar, wala pang
makuhang witness sa insidente ang mga pulis.

Gayunpaman ayon kay Esmael nagpapatuloy pa nag
kanilang imbistigasyon para matukoy kung sino ang suspek at ano ang motibo
nito sa pagpasabog ng dalawang mga Granada.

BARMM to implement Islamic finance with enactment of proposed revenue code

CAGAYAN DE ORO -  Once Bangsamoro Transition Authority (BTA) Bill 286, or the proposed Bangsamoro Revenue Code, is enacted, the BARMM is...

BARMMRAA 2024 parade in photos

                                All images are courtesy of BIO-BARMM...

Former illegal drug law offender, rearrested in Tawi-Tawi

COTABATO CITY - A recidivist illegal drug offender was again arrested after selling Shabu to a PDEA agent who posed as a poseur buyer during a buy-...

Wao anti-drug op nets P480K worth of shabu, drug dealer

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte -  PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit-15 (lead unit), 3rd Platoon 1st...

MNLF members, leaders renew commitment to Mindanao peace process

COTABATO CITY – More than 20,000 members and supporters of the Moro National Liberation Front (MNLF) converged in the historic Barrio Kakar here on...