Friday Apr, 26 2024 12:02:08 PM

NDBC BIDA BALITA Oct. 6, 2015

 • 05:19 AM Wed Oct 7, 2015
1,851
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 06, 2015
(TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LALAKING may deperensya sa
pag-iisip, sugatan matapos pagbabarilin sa Cotabato city

2. Isa katao, patay habang dalawang iba
pa ang sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Koronadal City

3. Dalawang lalaki, huli sa
magkahiwalay na Drug Buy bust operation ng PDEA-ARMM at Kidapawan City PNP sa
North Cotabato

4. PAGBUO NG ISANG PRESIDENTIAL Debate
Commission, isinusulong sa Kamara5. Van operators sa Kidapawan, pabor sa drug test sa lahat ng mga driver kasunod ng aksidente sa Matalam Local...NASA LIGTAS NANG KONDISYON ngayon at nagpapagaling
sa pagamutan ang isang lalaki na pinaniniwalaang may problema sa pag-iisip
matapos pagababarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas tres nang
hapon kahapon sa Santa Barbara street, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato
city.

Kinilala ang biktima na si Nashrudin
Omar Anta Akan, tinatayang nasa 25 hanggang 30 taong gulang at sinasabing taga-
Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa report ng City PNP, biglang nag-amok
ang biktima at sinuntok ang suspek kaya binaril nito ang biktima.

Tinamaan ang biktima sa kanyang
kaliwang braso mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril habang agad namang
tumakas ang suspek.

Agad namang isinugod ng mga barangay
tanod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

Sinubukan pang habulin ng mga rumespondeng
pulis at mga tanod ang suspek pero hindi na nila ito mahanap.

Samantala, sa Datu Saudi Ampatuan,
Maguindanao naman, tinambangan ng di pa kilalang armadong grupo ang grupo ni
Lt. Emmanuel Ferrer ng Army’s 2nd Mechanized Battalion pasado alas
siyete kagabi.

Sinabi ni DSA PNP Chief police Sr. Insp. Sulaiman Bakal na nangyari ang insidente sa national highway ng barangay
Kitango.
Galing ng Isulan si Ferrer kasama ang
apat na iba pang sundalo nang paulanan ng bala ang kanilang sinasakyang Toyota Fortuner
with licensed plate TYG 350.

Maswerte naman at di napuruhan ang
grupo ngunit nagtamo lang ng sugat sa daliri ang isa sa mga sundalo na
nakilalang si PFC Hanilap.

Local...Ngayong araw ay ilalatag na
ni Kidapawan City Councilor Jiv-Jiv Bombeo ang kanyang 35 mga proposed
ordinaces para sa lungsod.

Sinabi mismo ni Bombeo sa
DXND Radyo Bida na hindi pa kabilang dito ang 26 na mga resolusyon at ordinansa
na kanyang ifinile noong 2013.

Gagawin ang nasabing filing
sa naturang mga panukalang batas sa session hall sa Sangguniang Panlungsod ng
Kidapawan mamayang alas dyes ng umaga.

Co-author naman ni Bombeo
sina Councilor Ruby Padilla-Sison at Alan Amador.

Kabilang sa 35 limang mga
proposed ordinance sa mga nabanggit na konsehal ay angand

1.An ordinance regulating
the ownership, care, and upkeep of animals in Kidapawan City

2.An Ordinance regulating
the installation and maintenance of distribution lines of various utilities in
Kidapawan City

3.An ordinance prohibiting
all gasoline stations, auto repair shops, carwashing centers, and all other
establishments of entities from disposing and pouring used oil, waste
water/liquid, and any other toxic liquid into polluting our drainage canals,
creeks, and rivers in Kidapawan City

4.An ordinance regulating
the installation of basketball board, placement or gaming or nets on public
roads, and use of public roads as playing field for any kind of games in
Kidapawan City.

Local...Suportado ng Kidapawan City
South Bound Utility Van ang planong isailalim sa Drug test ang lahat na mga
driver sa kanilang asosasyon.

Ito ang naging pahayag ni
SUV Manager Bebot Untalan na isa sa mga paraan para maiwasan ang mga aksidente
sa highway bunga sa paggamit ng ilegal na droga.

Ayon kay Untalan, kanila
nang sinimulan noon pa sa kanilang organisayon ang pagsasailalim sa drug
examination ang lahat ng kanilang mga miembro at kung sino mang magpositibo
nito ay papatawan ng sanctions katulad na lamang ng suspension at tuluyang pagtanggal
sa kanila.

Nilinaw ni Untalan na
responsable na ng bawat asosasyon sa pagsigurong ligtas ang kanilang mga
pasahero.

Ito ang naging aksyon ng SUV
matapos ang rekomendasyon rin ng publiko na ipatupad ang drug testing sa mga
driver matapos ang malagim na trahedya na nangyari noong madaling araw ng
sabado na ikanasawi ng siyam na mga van passenger sa Matalam-Kidapawan Highway.

Ilang mga espekulasyon kasi
ang lumabas na posibleng gumamit ng ilegal na droga ang tumakas na driver na si
Brendo Singko ng mangyari ang aksidente bagay namang itinanggi ng kanyang
kasamang konduktor.

Kaugnay nito, malaki ang
paniniwala ni Untalan na 80 porsyentong Drug Free ang kanilang asosasyon dahil
na rin sa kanilang polisiya na nagbigay ng mahigpit na disiplina sa bawat isa
sa kanila.

0-

Local...Nasawi ang isa katao matapos
maaksidente sa minamneho nitong motorsiklo sa Koronadal City.

Kinilala ng Koronadal City
PNP ang biktima na si Erwin Binero, biente singko anyos at residente ng
Barangay San Vicente, Banga, South
Cotabato.

Lumabas sa inisyal na imbistigasyon
ng mga pulis na naaksidente si Binero matapos mabangga ng kasalubong na Honda
XRM motorcycle ang kaliwang bahagi ng sinakyan nitong Suzuki motorcycle.

Dahil sa lakas ng banggaan,
nag-overshoot sa highway abago tuluyan matumba
ang dalawang motorsiklo.

Naganap ang aksidente
sa bahagi ng Barangay Zone IV Koronadal
City dakong ala una ng madaling araw kamakalawa.

Ang biktimang si Binero ay
dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital dahil sa matinding sugat
sa ulo habangang driver naman ng
nakabanggaan nitong Honda Motorcyle na si Michael Pajelas, trenta anyos ng
Simsiman, Norala at angkas nitong si Gladys Divinagracia biente singko ng Banga
ay sugatan din sa insidente.

Ang dalawang mga sugatan ay
dinala din sa South Cotabato Provincial Hospital.

Nagpapatuloy pa ang
imbistigasyon ng mga pulis sa insidente.

Local...Kasabay ng pagpasaok ng
ber months ay ang pananamantala rin ng ilang mga masasamang loob.

Kaugnay nito pinaalalahanan
ng Koronadal City PNP ang publiko na magingat sa mga pekeng pera na kadalasan
ay kumakalat sa tuwing papalapit ang panahon
ng pasko.

Ayon kay Police Inspector
Joseph Carlos Madrid, ang Chief Investigator ng Koronadal City PNP, dapat
suriing mabuti ng mga mamamayan ang
perang ibinabayad sa kanila.

Partikular na pinagiingat ni
Madrid ang mga vendor tuwing gabi na madalas nababayaran ng mga pekeng pera.

Ayon kay Madrid , para hindi
mabiktima dapat alam ng mga mamamayan kung papano kumilatis ng pera.

Ang tunay na pera ay
nagtataglay ng watermark o anino na
hindi nakikita sa pekeng pera.

Magaspang din at
nakaangat ang mga naka-imprinta sa tunay
na pera.

Habang ang pekeng pera naman
ayon kay Madrid ay makinis at mabubura ang
imprinta nito sa tuwing mababasa.

Kabilang din sa mga
palatandaan ng pekeng pera ay ang pagiging matingkad nito, at madaling malukot.

Ayon kay Madrid para
masiguro na di maluko, dapat ay gumamit ng money detector ang mga negosyante.

Isang sidewalk vendor na rin
na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsabi sa NDBC Koronadal na siya man ay
nabayaran ng pekeng isang libo noong
nakaraang linggo.

Suspetsa pa ng naturang night vendor, maaring
sinamantala ng suspek ang dilim ng gabi at pagiging abala nila para
makapanloko.

Local...Isang malaking insulto sa
mga mamamayan ng Banga, South Cotabato.

Ito ang ipinahayag niCouncilor Arnel Wanan, ang Indigenous
Peoples Mandatory Representative o IPMR sa bayan ng Banga, matapos mabatid ang
umanoy maanomalyang paggamit ng pondo para pang-gasolina ng lokal na
pamahalaan.

Binigyan diin ni Wanan na
hindi makatarungan para sa mga mamamayan ng Banga, ang pagbibigay umano ng gasolina ng lokal na pamahalaansa
isang kasapi ng local media.

Nabatid mula sa hawak na
dokomento ng DXOM Radyo Bida Koronadal na ang media practioner ay kumukuha ng
mula apatnapu hanggang walumpung litro ng gasolina sa Banga LGU.

Ito ayon kay Wanan ay dapat
napapakinabangan ng mga mamamayan ng Banga.

Kaugnay nito, kinumpirma ni
Juanan na magpapatawag ng legislative inquiry ang mga myembro ng konseho ng
Banga.

Ang legislative inquiry ay
inaasahang dadaluhan ng mga concerned na empleyado at department heads ng lokal
na pamahalaan bukas.

Layon nito ayon upang
malinawan ang konseho at maging mga mamamayan sa paggamit ng pondo particular
na ng gasoline resources ng Banga LGU.
Local...Isinailalim na sa
orientation ng Commission on Elections o Comelec ang lahat ng mga partido political sa South
Cotabato at General Santos City.

Layon nito ayon kay Atty Jay
Gerada, ang provincial election supervisor ng South Cotabato ay upang maituro sa mga kandidato kung ano ang
mga nararapat gawin sa filing ng certificate of candidacy o COC.

Ito ayon kay Gerada ay
bilang paghahanda na rin ng Comelec sa Filing ng COC sa Oktobre a dose hanggang
disi-sais.

Binigyan diin ni Gerada na
huling tatanggap ng COC ang Comelec kapag dumating ang kandidato o kinatawan
nito bago pa man ang alas singko ng hapon na deadline sa October 16.

Nilinaw din ni Gerada na ang mga kandidato ay maaring mag file ng
kanilang COC ng personal o sa pamamagitan ng kanilang representative.

Ang mga COC na ipadadala
lamang sa kanila sa pamamagitan ng mail, o e-mail ay hindi tatanggapin ng
comelec.

Nabatid na kasabay din ng
limang araw na filing ng COC ang suspension ng registration of voters para sa
2016 elections

local...Matapos ang siyam na buwan
kinilala na ang mga nagwagi sa the Capitol’s biggest loser 2015 .

Nanalo sa sustenance
category ng patimpalak si Shiela Mae Landicho, na nakakuha ng pinal na timbang
na 45 kilograms.

Ang mga kalahok sa nasabing kategorya ang mga nagwagi na noong
nakaraang taon na nakapagmintina ng kanilang timbang.

Si Jessel Peronio ng
provincial social welfare and development office na nakapagbawas ng 14
kilograms o 18 percent ng kabuuang timbang ay tinahanghal na biggest loser sa
category A ng patimpalak.

First runner up naman si Sam
Cyrus Bayog nakapagbawas ng 10.1 kilos o sampung porsyento sa dati nitong timbang

Ang Category A ng biggest
loser ay nilahukan naman ng mga o obese mga empleyado, na may edad 40 years old
pababa.

Sa Category B, wagi naman
si Bernard Lacorte na gumaan ng 22 kilograms o 26 percent of weight loss at first runner up naman nito si Abraham
Imperial na mayroong 22.3 percent na weight loss.

Ang kategorya ay para naman
sa mga nagkakaedad ng kawani ng probinsya na may edad kwarenta’y uno pataas.

Ang mga nanalo ay tumanggap
naman ng cash prize mula sa provincial government.

Kaugnay nito, ipinahayag ni
South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na ikinatuwa nito ang resulta ng
patimpalak.

Ayon kay Fuentes nakita nito
ang magandang resulta ng patimpalak sa lahat ng mga kalahok.

Inihayag din ng gobernador
na malaki ang nagawa ng programa upang pahalagahan pang lalo ng mga kawani ng
provincial government ang kanilang kalusugan.

Ang Provincial Capitols
Biggest Losser ay pinangunahan ng Provincial Wellness and Safety Baord, at
Biggest Loser Management Team na
pinangunahan naman ng gobernador, provincial helath officer Dr. Rogelio
Aturdido at provincial nutrition officer
Maria Ana Uy.

Local…

Abot sa 34 na mga pamilya
mula sa Sitio Malinawon, brgy. White KUlaman, Kitao-tao Bukidnon ang temporaryo
ngayong nakikisilong sa Arakan Parish matapos mag alsa-balutan dahil sa nangyaring
tensyon sa kanilang lugar.

Sinabi ni Domingo Tambog,
isang residente, noong nakaraang buwan pa sila umalis sa kanilang bahay dahil
sa nangyari noong raid at pag-aresto ng militar sa 13 mga magsasaka matapos
makuhanan ng mga armas at pampasabog na agad namang pinakawalaan dahil sa
kakulangan ng mga ebidensya.

Ayon kay Tambog, ikinatakot
nila ang naturang sitwasyon lalo pa't nakikita rin nila ang presensya ng
militar na pilit ipinapaturo sa kanila ang mga kampo ng umano New People's army
sa kanilang lugar.

Samantala sa pahayag rin ni
Marisa Ejanel, malaking epekto rin para sa kanila ang pag-iwan sa kanilang mga
ari-arian partikular ang kanilang mga tanim na pwede na sanang anihin.

Ayon kay Ejanel babalik
lamang sila sa kanilang mga tirahan kung tuluyan ng lilisanin ng 8th Infantry
Battalion ang kanilang lugar.

Malaki ang kanilang
paniniwala na ang pagpasok ng malalaking kompanya sa kanilang lugar ang naging
ugat ng patuloy na panghaharas ng brgy Officials.

Samantala kahapon, agad
namang nagsagawa ang Crisis Management Committee sa Kitaotao LGU sa pangunguna
ni Mayor Lorenzo Gawilan.

Ayon kay Gawilan, isa lamang
itong hakbang para masulosyunan na ang sitawsyon sa White Kulaman at para
makabalik na rin ang mga lumikas na pamilya.

Local…

Nanggaling mismo sa bibig ni
Kidapawan City Barangay Poblacion Chaiperson Melvin Lamata ang tungkol sa
pagloan nila ng abot sa mahigit P9million pesos para sa isang lote ngayong taon.

Ayon kay Lamata,
napagkasunduan ito ng barangay council at wala namang naging tutol ang publiko
sa kanilang naging konsultasyon tungkol rito.

Sa naturang halaga balak
nilang bumili ng lote na may lawak na 3000 sq meter na matagpuan sa Quezon
Boulevard partikular sa Kidapawan City Sports Complex.

Papatayuan nila ito ng
Barangay Talipapa, Gymnasium at Opisina ng Barangay MotorPool at Barangay Risk
Reduction and Management Office.

Sinabi ni Lamata na
preparasyon narin ito para sa paglaki ng Ekonomiya ng Poblacion bilang sentro
ng kalakalan ng Lungod na possible pang umangat sa mga susunod na taon.

Nakatanggap narin ito ng
Unanimous Approval Mula sa Sangguniang Panglungsod batay narin sa kanilang
isinomiting mga dokumento at maging sa Development Bank of the Philippines o
DBP na siya namang panggagalingan ng Pondo.

Ayon pa kay lamata, ang
naturang halaga ay para lamang sa bayad ng lote at hindi pa kasali dito ang
budget sa pagpapatatayo ng mga nasabing pasilidad na kukunin naman mula sa
Internal Review Allotmen ng Barangay.

Tiniyak rin ng opisyal na
mababayaran ito ng Barangay at hindi maapektohan ang iba pang mga basic
services para sa mga mamamayan ng barangay Poblacion.

Ang nasabing mga pasilidad
umano ay magiging Income Generating Project ng Barangay lalong-lalo na ang Itatayong Talipapa na
target na kumita ng mahigit 1million kada taon.

Wala rin aniya itong bahid
ng politika lalo na at paparating na ang eleksyon dahil huling termino na ito
ni Lamata bilang Punong Barangay at wala na itong plano pang tumakbo maging ng
Iba pang mga Barangay Councilor.

Local...Kaugnay sa mas pinaigting na
kampanya ng City PNP kontra ilegal drugs hindi na nagawang lumaban pa ang isang
26 anyos na lalaki ng posasan ito ng mga otoridad sa isininagawang buy bust
operation pasado ala una ng madaling araw kanina.

Nakuha mula sa suspek na si
Romnick Urvan ng Kidapawan City ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at
500 peso bill bilang marked money.

Matatandaang isa sa
pinangako ni Police Supt. John Calingan ang bagong hepe ng Kidapawan City PNP
ay ang tuluyang paglinis sa lungsod kaugnay sa paggamit ng ilegal na droga.

Samantala nasa kustodiya na
rin ng PDEA-ARMM ang isang 41-anyos na lalaki na pinaniniwalaang BIGTIME drug
dealer sa lungsod matapos itong maaresto alas onse kagabi sa kanila ring
inilunsad na buy bust operation sa partikular sa Purok Santol, Barangay Onica Kidapawan.

Ang suspek na si Melvin
Suanillo ay nakuhanan ng sako-sako o mahigit 30 gramo ng shabu at drug
paraphernalia.

Nakakulong na ngayon si
Suani at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous
Drugs Act of 2002.

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...

Civet cat and PH deer turned over to DENR-12

KORONADAL CITY - A Philippine Palm Civet Cat (Paradoxurus philippensis) locally known as “Milo” and a Philippine deer (Rusa Marianna) were...

Dengue cases in Koronadal rising, says city health office

KORONADAL CITY– Health authorities here today reported that the number of dengue cases in the city has increased. Nakapagtala ng 213 na mga kaso...

Halos 80 kataong dumalo sa kasal naospital dahil sa food poisoning sa South Upi

HALOS 80 mga mamamayan ang na-isinugod sa matapos na sila kumain ng ginataang manok sa isang kasal sa Barnagay Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur...

1 patay, 3 huli sa gun buy bust sa Maguindanao del Sur

TALAYAN, Maguindanao del Sur - ISA sa ang patay matapos mauwi sa shootout ang ikinasang firearms buy bust operation ng CIDG-BARMM sa Barangay...