Friday Apr, 26 2024 10:31:57 AM

NDBC BIDA BALITA Octo. 21, 2015

 • 17:58 PM Wed Oct 21, 2015
1,714
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 21, 2015
(WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LIBU-LIBONG HALAGA ng shabu, nakuha
mula sa mag-asawang suspected drug pushers sa Cotabato city.

2. TATLO katao na umano ay sangkot sa serye
ng mga pambobomba sa North Cotabato, inilipat sa isang secured facility.

3. ISA KATAO, patay habang isa pa, sugatan
sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Banga, South Cotabato

4. Dahil sa paglalaro ng gagamba na parang sabong ng manok at may pustahan,36 katao, inaresto sa Kidapawan

Local... MAHIGIT
60 libong piso ang halaga ng pinaniniwalaang Shabu ang nakumpiska sa
mag-asawang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o
PDEA ARMM sa Cotabato city.

Nadakip
ang suspected drug pusher na sina Paula Musa Bayao, 26 years old at Tato
Saavedra Bayao, 26, sa isinagawang buy bust operation ng PDEA ARMM sa
Krislamville, barangay Rosary Heights 6 ng lungsod, pasado alas singko ng hapon
kahapon.

Batay
sa report ng PDEA-ARMM, nagbenta ang mag-asawang Bayao ng limang libong pisong
halaga ng shabu sa isa sa kanilang ahente dahilan para maaresto ang mga ito.

Maliban
sa nabiling shabu, nakuha rin mula sa mag-asawa ang isang jumbo sachet na
naglalaman ng 50 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 60 thousand
pesos.

Sa
ngayon ay nasa detention facility na ng PDEA-ARMM ang mag-asawang Bayao at
nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa ilang probisyon ng Republic Act 9165.

Ang
Krislamville, sa barangay Rosary Heights 6, Cotabato city ay isa sa mga
tinututukang lugar ng PDEA ARMM dahil sa talamak na bentahan ng droga sa lugar.

Local MULING
HINARASS ng armadong grupo ang isang military detachment sa Sitio Gadong,
Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao.

Sinabi ni
Datu Salibo PNP Chief police chief inspector Abdulbasit Kulod, partikular na
hinarass ang detachment ng 3rd platoon, Army’s 21st mechanized company at 2nd
mechanized battalion, pasado alas siyete ng gabi kamakalawa.

Ayon kay
Kulod, pinagbabaril ng di tinukoy na armadong grupo ang kampo ng militar gamit
ang 40mm grenade launcher at iba pang de-kalibreng mga baril.

Gayunman, wala
namang nasaktan sa naturang insidente.Samantala, pakiusap
naman ni Kulod sa publiko na makipag ugnayan sa kanila upang maiwasan ang
parehong insidente sa kanilang lugar.

Sa kabilang
dako naman, bagama't wala namang tinukoy na grupo si Kulod, tumawag si
Bangsamoro Islamic freedom Fighters o BIFF spokesperson Abu Misry Mama sa Radyo
Bida at nagbigay ng kanyang reaksyon hinggil sa sinasabing harassment ng mga
armadong grupo sa detachment ng militar sa Datu Salibo.

Ayon kay
Mama, walang harassment na naganap at gumagawa lamang daw ng eksena ang mga
sundalo.

Local...Sasailalim sa drug testing ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng General Santos City.
Ayon kay Gensan City Mayor Ronnel Rivera ito ay bunsod ng umanoy report na may mga kawani ang lokal na pamahalaan na gumagamit at nagbebenta umano ng illegal na droga.
Inihayag ng alkalde na ang pagkakasangkot ng mga kawani ng Gensan local government sa illegal drugs ay nakakaalarma kaya gagawin ang random drug testing para sa mga ito.
Ito ayon kay Rivera ay ipinagutos na nito sa Human Resource Management and Development Office.
Ang random drug testing sa mga kawani ng Gensan LGU ay suportado ng Philippine Drug Enforcement Agency at pulisiya.
Hindi naman inihayag ni Rivera kung kelan sisimulan ang random drug testing dahil sorpresa itong gagawin ng city government.
Binigyan diin ni Rivera na bagama’t may pagka-drastic ang hakbang na ito, layon lamang ng city government na maging magandang halimbawa sa mga mamamayan na kanilang pinagsisilbihan ang mga kawani ng gobyerno.
Tiniyak din ng alkalde na paparusahan ng gensan LGU sa mga kawani nitong mahuhuling sangkot sa illegal na droga. Local...Dumulog sa Sto. Nino Municipal Police Station ang isang Lodegario Anoche, trenta’y syete anyos,walang trabaho residente ng Barangay Cabudian, Banga, South Cotabato.
Ito ay matapos umanong agawin sa kanya ng tatlong mga kalalakihan ang minamenehong may side car na Honda CB motorcyle sa Barangay, Ambalgan, Sto. Nino, kamakalawa ng hapon.
Agad namang nagsagawa ng pursuit operation ang mga pulis pero nabigo ang mga ito na mahabol ang mga suspek.
Habang kinukuhanan naman ng statement sa loob ng police station si Anoche, hiningan siya ng pulis ng mga identification card at iba pang mga dokomento.
Ngunit nang buksan nito ang kanyang wallet aksidenteng nahulog mismo sa mesa ng imbestigador ang isang maliit na sachet ng suspected shabu.
Tinangka pa umano ni Anoche na kunin ang nahulog na suspected drugs ngunit nabuko na ito ng imbistigador at agad siyang inaresto.
Ang suspek na si Anoche ay nahaharap naman sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Local MAY BAGO ng
kalihim ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa Autonomous
Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ito ay sa
katauhan ni Atty. Rasul Mitmug, Jr., ang kasalukuyang chief of staff ng Office
of the Regional Governor.

Pinalitan ni
Mitmug si ARMM vice governor Haroun Alrashid Lucman Jr. na siyang naupo noon
bilang kalihim ng DSWD ARMM sa ilalim ng administrasyon ni ARMM Governor Mujiv
Hataman.

Sa isang
simpleng turnover ceremony kahapon, pormal na ipinasa ni Lucman ang kanyang mga
responsibilidad at obligasyon bilang kalihim ng naturang kagawaran.

Sa kanyang
pahayag, sinabi ni Lucman na tiwala siyang magagampanan ni Mitmug ang tungkulin
at maipagpapatuloy ang mga epektibong serbisyo ng DSWD ARMM sa mga mamamayan ng
rehiyon.

Malugod
namang tinanggap ni Mitmug ang responsibilidad na ini-atang sa kanya ay sinabi
na gagawing gabay ang prinsipyo ng ‘tuwid na daan’ sa kanyang pag upo sa
pwesto. Local...Patay ang driver ng isang motorsiklo matapos maaksidente sa Barangay Cabuling, Banga, South Cotabato .
Kinilala ng Banga PNP ang biktima na si Jerty Tubongbanwa, biente kwatro anyos, binata at residente din sa lugar.
Lumabas sa inisyal na imbisitigasyon ng mga pulis na habang minamaneho ni Tubongbanwa ang isang Honda RS 15 motorcyle na may license plate 1392 LX mula Banga Poblacion pauwi ng Cabuling, aksidenteng nabangga nito ang sinundang Honda XRM 125 motorcyle na may license plate 3461 na mimananeho ni Willie Magtanong, kwarenta anyos, myembro ng Civilian Volunteers Organization sa Barangay Cabuling.
Naganap ang road accident sa provincial road ng Cabuling dakong alas otso ng gabi kamakalawa.
Ang dalawang mga driver ay parehong natumba at sugatan.
Ngunit ang biktimang si Tubongbanwa na nagtamo ng grabeng mga sugat ay hindi na umabot ng buhay sa isang pribadong ospital sa Banga.
Ang driver naman ng Honda XRM na nabangga nito na si Magtanong ay inilipat sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng Banga PNP. Local...Maari nang mapalago ang produksyon ng palay maging sa mga lugar na di gaanong naabot ng supply ng tubig.
Ito ay sa pamamagitan ng aerobic rice technology na isinusulong ngayon ng Sultan Kudarat State University o SKSU sa General Santos City.
Ang Aerobic Rice Technology o ART ay paraan ng pagpapalayan sa mga lugar na kapos sa patubig, kung saan sampung porsyento lamang ng supply ng tubig ang kailangan para makapagtanim ng palay.
Ayon kay Dr.Ruby Hechanova, ang director ng research and development ng SKSU,mainam gamitin ang ART sa mga lugar na sahod-ulan, dulo ng mga sakahan na may patubig, at matataas na palayan na walang pilapil.
Inihayag ni Hechanova na makatutulong din ang ART para maibsan ang epekto ng mahabang dry spell sa produksyon ng palay.
Nabatid na ang ART ay isa sa mga napagusapan sa 3rd National Rice Conference sa Sarangani kahapon.
Ipinakita sa pagpupulong ang resulta ng mga pagaaral hinggil sa ART.
Natukalasan ng mga mananaliksik na kung magagamit ng tama, kaya ring anihin ng mga magsasaka sa mga upland areas at kahalintulad na lugar ang naani ng mga magsasaka sa mga irrigated areas. Local...Magsasanay sa animal handling and management ang anim na mga kawani ng lokal na pamahalaan at Provincial Environment and Management Office o PEMO South Cotabato.
Layon nito ay upang lalo pang mapaigting ang pangangalaga sa mga likas yaman ng lalawigan, partikular na sa dalawang mga wildlife restitution centers o WRCs nito. Ayon kay Forester Mary Jane Manlisis ang hepe ng Forest, Inland and Water Division ng PEMO ang kanilang mga Para-Veterinarians o Para-Vets ay sasailalim sa Internship Program ng Philippine Eagle Foundation Incorporated sa Davao City sa October 26 hanggang 30.
Ang mga ito ay mula sa PEMO, Provincial Veterinary Office, Municipal Environment and Management Offices ng Tampakan at Tupi, at caretaker ng mga WRCs sa barangay Lambayong Tampakan, at Bunao sa Tupi.
Partikular na tututukan ng mga Para-Vets ito ang pamamahala sa mga endangered specie sa mga WRCs.
Ayon kay Manlisis pagaaralan ng mga Para-vets ang wildlife handling and management, feeding activities, enclosure maintenance, at routinary animal check up. Local..Nagpalabas na ng deriktiba si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. para sa malalimang imbestigasyon sa pagbaril at pagpatay kay dating barangay Pisan Chairperson Remegio Alejo.Ayon kay Guzman, handa niyang ibigay ang kinakailangang suporta ng pulisya para makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Alejo.Katunayan ayon pa sa opisyal, plano niyang magbigay ng reward money sa sinumang makakapagturo sa pagkakakilanlan at kinalalagyan ng mga suspek.Sinabi ni Guzman na personal nitong kaibigan si Alejo at wala itong matatandaang may nakaaway ang nasawing opisyal.Una rito, gabi noong lunes habang kumakain sa labas ng kanilang bahay ang biktima kasama ang pamilya ay walang awa itong pinagbabaril ng mga di pa kilalang suspek.Naisugod pa sa pagamutan sa Kidapawan City at sumailalim pa sa operasyon ang biktima pero madaling araw kahapon ay binawian din ito ng buhay dahil sa komplikasyon.Tiniyak naman ni Police Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP na patuloy nilang iimbestigahan ang insidente at sa ngayon nirereview na nila ang kanilang mga dating larawan sa posibilidad na maituro ng mga testigo ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Local HUMINGI
ng paumanhin ang pamunuan ng Cotabato Regional Medical Center o CRMC sa publiko
sa kanilang naging pagkukulang sa mga pasyente.

Ito
ang tugon ni CRMC chief medical and professional staff II Dr. Dimarin
Dimatingkal sa dumaraming reklamo ng mga pasyenteng hindi maayos na
napagsisilbihan ng ilan nilang mga medical staff.

Aminado
si Dimatingcal na mahirap baguhin ang ugali ng ilang personnel ng kanilang
ospital.

Aniya,
kahit International Standards Organization o ISO certified na ang CRMC, ay may iilang personnel
pa rin na hindi nakasusunod sa kanilang mga alituntunin, lalo na hinggil sa
tamang pag asikaso sa mga pasyente.

Gayunman,
sabi ni Dimatingcal, kapag may mga reklamo na nakararating sa kanila ay agad
nila itong ginagawan ng aksyon at pinapatawan ng karampatang parusa ang
inirereklamong hospital staff kapag napatunayang nagkasala.

Iginiit
naman ni Dimatingcal na sa panahon ngayon, pina iiral nila ang PATIENT-CENTERED
care… na ang ibig sabihin ay pagbibigay ng tamang pagpapahalaga sa mga
pasyente.

Si CRMC
chief medical and professional staff II Dr. Dimarin Dimatingkal sa ginanap na
press conference ng ‘kapit bisig para sa kalusugan pangkalahatan’ ng integrated
provincial health office o IPHO-maguindanao.

Local...Naihatid na kahapon sa kaniyang pamilya ang 53-anyos na preso na kinilalang si Laurencio Umbay na taga brgy. Mahungkog, Magpet matapos itong bawian ng buhay dahil sa pagkakasakit nito sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP District Jail sa Makilala, North Cotabato.Sinabi ni Jail Officer Renz Bascugen, alas syete ng umaga noong lunes nang mahirapang huminga si Umbay dahilan para isugod ito sa pagamutan pero alas dose ng tanghali ay binawian rin ito ng buhay na naconfine sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City.Base naman sa resulta ng medico legal binawian ng buhay si Umbay dahil cadiac arrest resulta naman ng hypoglycemia o pagbaba ng kanyang blood sugar.Nabatid na nakulong si Umbay sa Makilala District Jail noong Abril 2015 lamang dahil sa kasong frustrated murder.Naniniwala naman si Bascugen na karamihan sa kanilang mga preso ay malulusog ang katawan dahil meron naman silang mga nurses na nakuduty para magmonitor sa kanilang kalusugan.Nasa 72 mga inmates lang din ang nakakulong sa nabanggit na kulungan na siya namang tamang kapasidad sa nasabing pasilidad. Local...Isinusulong ngayon ng isang miembro ng Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan na tuluyan ng i phase-out sa susunod na taon ang 2-stroke motorcycle na ginagamit bilang pampasaherong sasakyan sa Kidapawan City.Ito ang ibinunyag ni City Councilor Jivy Roo Bombeo sa ilalim ng Committee on Transporation.Ayon kay Bombeo, pagsunod rin ito sa National Government Code na nag-uutos na tanggalin na ang 2stroke motorcycle na nagbubuga ng mas mataas na carbon dioxide na siya namang nagdaragdag ng polusyon sa paligid.Sinabi ni Bombeo na una niya na ring nakunsulta ang mga tricycle operators sa Kidapawan pero wala pang malinaw na posisyon ang mga organisasyon kaugnay nito dahilan para muli itong isailalim sa official consultation.Matatandaang una na ring inihinto ng mga manufacturer ang produksyon ng 2-stroke engine motorcycle base na rin sa international standards.Nabatid na ngayong taon lamang din naaprubahan sa Cotabato City ang pag phase out ng 2storke motorcycle at kung maaprubahan ito ang kidapawan City ang pinaka unang magpapatupad ng nabanggit na ordinansa sa lalawigan ng North Cotabato. Local...Huli ang 36 na mga inibidwal sa inilunsad na surprise raid ng Cotabato Police Provincial Office sa Kidapawan City pasado alas sais kagabi.Ang naturang operasyon ay pinangunahan mismo ni CPPO Director Senior Sup. Alex Tagum.Nasaksihan mismo ng mga pulis ang ilegal na pagpapaaway ng gagamba na makikita lamang ilang metro mula sa National Highway partikular sa gilid ng Penongs at Gasoline Station sa lungsod.Matapos ang warning shot ng mga pulis nagkagulo na ang mga ito at ang iba sa kanila ay nagsipagtakbuhan at ang iba ay naposasan ng mga pulis.Inilarawan pa ni Tagum ang lugar na parang isang maliit na sabungan kung saan napapalibutan ito ng bakod.Ayon sa report isang linggo na umano ang naturang ilegal na aktibidad sa lugar at dinarayo pa ito na nagmula pa sa ibat ibang bahagi ng North Cotabato at Davao del Sur. Maituturing naman itong hindi basta bastang pasugalan ayon pa kay Tagum dahil malalaki umano ang mga pustahan ng mga suspek.Maliban sa mga klase klaseng gagamba ang nakumpiska ng mga pulis sako sako ring pera bilang pusta ang kanilang nakuha mula sa mga ito.Ngayon ay nakakulong na ang mga nahuling suspek sa Kidapawan City PNP lock up cell habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila. local... Local AGAW-BUHAY
NGAYON sa pagamutan ang isang lalaki na pagbabarilin sa loob ng kanyang
tinutuluyang bahay sa Bliss project, Barangay Rosary Heights 8, Cotabato city
pasado alas syete kagabi.

Kinilala
ang biktima na si Jimboy Baldecasa Belwa, 21 years old, nakikituloy lang sa
isang extension na kwarto sa bahay ng kanyang tiyahing si Matabai Lumenda sa
nasabing lugar.

Ayon
sa report ng City PNP, may kasama si Belwa sa kanyang kwarto nang biglang
makarinig ng mga putok ng baril.

Nang
tingnan ng tiyahin nito at ng mga kapitbahay ay nakahandusay na sa sahig ang
biktima at duguan pero wala na ang kasamahan nitong pinaniniwalaang nasa likod
ng pamamaril.

Narekober
naman ng Scene of the Crime Operatives SOCO sa crime scene ang ilang mga drug
paraphernalia tulad ng mga aluminum foil at disposable lighter.

Naniniwala
ang mga imbestigador na drug-related ang motibo sa nasabing pamamaril.

Halos 80 kataong dumalo sa kasal naospital dahil sa food poisoning sa South Upi

HALOS 80 mga mamamayan ang na-isinugod sa matapos na sila kumain ng ginataang manok sa isang kasal sa Barnagay Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur...

1 patay, 3 huli sa gun buy bust sa Maguindanao del Sur

TALAYAN, Maguindanao del Sur - ISA sa ang patay matapos mauwi sa shootout ang ikinasang firearms buy bust operation ng CIDG-BARMM sa Barangay...

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...