Saturday Jun, 22 2024 11:44:13 AM

NDBC BIDA BALITA Sept. 12, 2015

 • 06:35 AM Sun Sep 13, 2015
1,927
By: 
ndbc

NEWSCAST

SEPTEMBER 12,
2015 (SAT)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong BIYERNES, SEPTEMBER
12, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. SENADOR Escudero, positibong
maipapasa ang BBL sa senado

2. May anim na libong atleta inaasahang
lalahok sa Midnanao League ng Batang Pinoy Games sa Koronadal City

3. Tatlong mga pinaniniwalaang mga
magnanakaw ng motorsiklo huli sa Kabacan, North Cotabato

4. NFA, naghahanda para sa
pinangangambahang mahabang tagtuyot sa mga susunod na buwan

Local………………..

POSITIBO si Senator Chiz Escudero na
maipapasa ang Bangsamoro Basic Law sa kongreso at sa senado.

Sa kanyang pagbisita sa Cotabato City,
Sinabi ni Escudero na sa susunod na linggo pa matatapos ang majority level sa
senado sa paghihimay ng BBL.

Pero binigyang diin ni Escudero na
pabor siya sa bersyon na malapit-lapit sa inihahain na bersyon ng gobyerno.

Ayon kay Escudero hindi nagdadamot ang
pamahalaan sa inaasahang Bangsamoro Government.

Umaasa lamang siya na hindi masasayang
ang mga inihahanda ng gobyerno sa naturang panukala at sa inaasahang Bangsamoro
Government.

Inilathala naman ng senador ang mga
maaring matanggap ng bangsamoro sakaling tuluyang maipasa ang panukala.SA usapin naman ng halalan sa susunod
na taon, nilinaw ng senador na mananatili siyang senador hanggang 2019 at
tatakbo lamang siya bilang pangulo kung mismo si Sen. Grace Poe ang kanyang
magiging running mate.

Nilinaw din ng senador na hindi niya
kailangan magkaron ng rason para bumisita sa Cotabato City at maging sa ibang
lugar sa Mindanao.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

INIHALINTULAD ng CBCP Permanent
Committee on Public Affairs ang nararansang kaguluhan sa Gitnang Silangan sa
lokal na nangyayari sa mga Lumads sa Mindanao.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop
Broderick Pabillo., chairman ng komisyon, pangunahing nabibiktima rito ay ang
mga inosenteng sibilyan dahil niyuyurakan ang kanilang dignidad at karapatan na
makapamuhay ng tahimik

Umiiral din ayon sa Obispo ang
pansariling interes ng mga negosyante na pangunahing dahilan ng kaguluhan upang
kamkamin ang likas na yaman sa lugar ng mga Lumads.

Ayon kay Pabillo, Dapat na tingnan ang
mga refugees mula sa Middle East na resulta ng mga aktibidad ng militar.

Kung saan ganun rin ang nangyayari sa
Mindanao na naaabuso ang maraming tao lalo na ang mga maliliit tulad ng mga
katutubo.

0- LOCAL... Naghihimas na ng malamig na bakal ngayon ang isang ahente ng Globe Telecom matapos mahuli sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP sa perez st. Kidapawan kahapon ng umaga. Ang suspek ay kinilalang si Sandy Bayhon Portillo, 33 may asawa na taga Poblacion, Kidapawan. Sa naturang operasyon bakuha mula sa suspek ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu at 500 peso bill bilang marked money. Nakakulong na ngayon ang suspek sa Kidapawan City PNP lock up at nakatakda ng kasuhan sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 0- 2ND BREAK

Local …………………

KINUMPIRMA ni
Bureau of fire protection ng Autonomous region in Muslim Mindanao o BFP-ARMM
Regional Director Adam Guiamad ang nangyaring sunog sa Brgy. Buyan sa Datu
Piang, Maguindanao.

Ayon kay
Guiamad, nangyari ang insidente alas-9:30 ng gabi na tumagal ng mahigit isang
oras bago idineklarang fire out.

Humigit
kumulang dalawampong mga bahay ang natupok kabilang na rin ang ilang mga
tindahan sa lugar.

Sa inisyal n
imbestigasyon ng BFP-ARMM, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Dats Piang na
residente rin ng nasabing barangay.

Pero patuloy
pang inaalam kung ano ang dahilan ng naturang sunog.

Aabot ng
mahigit isang milyong piso ang tinatayang danyos sa naturang insidente.

Wala namang
nasaktan sa nasabing insidente.

Nagpapasalamat
naman si Guimad sa inisyatiba ng iba pang bfp group mula sa bayan ng Midsayap,
Ampatuan, Sharif aguak, DOS, Talayan at Datu Saudi sa lalawigan ng Maguindanao
na tumulong upang maapula ang sunog.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

NILAGDAAN
ng National Food Authority o NFA Inter-agency Food Security Committee o FSC on
Rice ang pag-angkat ng 250 thousand metriko-tonelada ng bigas.

Ito ay
bilang paghahanda ng gobyerno sa magiging epekto ng El Niño phenomenon sa
supply ng pagkain sa bansa.

Ang
FSC ay pinangangasiwaan ng National Economic Development Authority kung saan
ang pag-angkat ng bigas ay gagawing food security stock bago matapos ang taong
kasalukuyan.

Ang
epekto ng El Niño ay inaasahang mararamdaman ng mga magsasaka simula sa Oktubre
at pinangangambahang tatagal ito hanggang sa Mayo 2016.

0- 3RD BREAK LOCAL....Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Banga ang pagpapatayo ng housing project para sa mga maralitang residente ng Bayan ng Banga, South Cotabato.
Ayon kay Banga Mayor Albert Palencia, ang proyekto ay ipatatayo sa Barangay Benitez .
Kaugnay nito, hiniling ng Alkalde sa Sangguniang Bayan na magpasa ng ordinansa para tuluyan nang maipatupad ang proyekto.
Sa ngayon kasi ayon kay Palencia, ay hinihintay na lamang ng local na pamahalaan ang pag-release ng national housing authority o NHA ng pondo para sa proyekto.
Bukod sa housing project, hiniling din si Palencia sa SB na magkaroon ng legislative actions sa iba pang mga proyektong nais ipatupad ng local na pamahalaan.
Kabilang dito ayon kay Palencia ang pagpapatayo ng double AA slaugher house, material recovery facility, at pagbili ng prime mover truck.
Ito ang ipinahayag ni Palencia sa kanyang State of the Municipal Address o SOMA kaninang umaga.
Ang SOMA ng alkalde ay isa sa mga tampok na aktibidad sa 62d Foundation Anniversary ng bayan ng Banga kahapon. 0- LOCAL... Nasawi sa pamamaril ang ang isang magsasaka sa Liblib na Sitio ng Segawit, Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.
Kinilala ng Lake Sebu PNP ang biktima na si Ronilo Villamor, trenta’y singko anyos at residente din sa lugar.
Nabatid na matapos makipag away sa mga kinilala lamang sa pangalang Rod-rod at Kitong, ang lasing na biktima ay pinakalma ng kapatid na si James Villamor at dinala sa bahay nito.
Ngunit pagdating nila sa lugar bigla na lamang umanong kumuha ng itak si Ronilo at tinaga sa likod ang kanyang kapatid na si James bago tumakbo sa kanilang bahay.
Dito na sila nakarining ng putok at nangg puntahan ni James ang bahay ni Ronilo, nakita na lamang nila itong walang buhay habang hawak hawak ng kanyang misis.
Ito ay matapos magtamo ng lubhang mga tama ng bala ng di pa matukoy na uri ng armas.
Ang insidente ay naganap dakong alas otso ng gabi kamakalawa.
Ang mga labi ng biktima ay isasailalim pa sa autopsy.
Nagpapautloy pa ang imbistigasyon ng pulisiya para matukoy kung sino ang suspek at ano ang motibo nito sa pamamaril. 0- LOCAL... Nakahanap na ng lupain para gawing relocation site sa may dalawampung mga pamilya ang lokal na pamahalaan.
Ang relocation site ay laan sa mga residente na inilikas sa peligrong dala ng landlide sa kanilang lugar sa Sitio, El Gawel, Barangay Saravia, Koronadal City.
Ito ay ayon kay Cyrus Urbano, ang Action officer ng Koronadal City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC .
Ayon kay Urbano ang may kalahating ektaryang lupain ay matatagpuan di kalayuan sa dating tirahan ng mga residente.
Layon nito ayon kay Urbano ay upang maitaguyod din ng mga bakwit ang kanilang kabuhayan sa lugar.
Para matiyak ang kaligtasan ng relocation site, isasailalim naman ito sa assessment ng Mines ang Geosciences Bureau o MGB.
Ang lupain ay nakatakda ring isasailaim sa appraisal para matukoy kung magkano ang ilalaang pondo dito ng lokal na pamahalaan.
Ang mga inilikas na residente ay nakatira ngayon sa Camp Mariano, sa Barangay Saravia na nagsilbi nilang temporaryong tirahan nitong mga nakalipas na mga buwan buwan.
0- LOCAL... Inaasahang makikilahok sa Mindanao Leg ng batang Pinoy Games ang mahigit lima hanggang anim na libong mga atleta.
Ito ay ayon kay Koronadal City Sports Coordinator Tony Aguilar.
Kaugnay nito ipinahayag ni Aguilar na dumating na sa Koronadal ang mahigit isang libong mga matress na gagamitin ng mga atleta sa patimpalak.
Ang mga ito ay ibibigay naman ng Philippine Sports Commission o PSC sa local na pamahalaan pagkatapos ng patimpalak.
Ayon kay Aguilar aasahan pa ang pagdating sa lungsod ng iba pang mga gamit na gagamitin sa patimpalak.
Ang Mindanao Leg ng Batang Pinoy Games ay gaganapin sa Koronadal City sa Oktobre biente kwatro hanggang biente siyete nitong taon.
Ito ay lalahukan ng mga atletang nag-aaral at mga out of school youth na inirekomenda ng kanilang mga lokal na pamahalaan o barangay. 0- Local…………………….

NILINAW
ni Insp. Victorino Pansoy, ang hepe ng Buluan Municipal Police station sa
Maguindanao na walang ebidensyang magkukumpirma na ginahasa ang isang babae
bago ito sinunog.

Ito
matapos na kumalat ang impormasyon sa social media na diumano'y isang babae ang
ginahasa saka sinunog sa bayan ng Buluan na animo'y parehong-pareho sa naunang
kumakalat na insidente sa Marawi City.

Ayon
kay Insp. Pansoy, September 15 nitong taon nang mangyari ang isang sunog sa
Sitio Majad Compound sa brgy Poblacion sa Buluan na nagresulta sa pagkasunog ng
katawan ng isang babae.

Ang
biktima ay kinilalang si Bai Nor Solaiman, 18-anyos, taga-Datu Paglas, at
working-student.

Binigyang
diin ni Pansoy, na base sa kanilang imbestigasyon, kumpirmadong pinatay ang
biktima ng hindi pa nakikilalang suspek bago ito sinunog upang takpan ang
naturang pangyayari.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

PINASASAMPAHAN
NG KASO ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang limang commissioner at
isang director ng Presidential Commission on Good Government o PCGG.

Ito
ay dahil sa panlilinlang ng mga ito sa gobyerno sa pamamagitan ng isang
compromise agreement noong 1987.

Kabilang
sa mga kakasuhan ng paglabag sa Section 3 ng RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt
Practices Act ay sina Commissioners Magtanggol Gunigundo, Reynaldo Guiao,
Hermilo Rosal, Julieta Bertuben at Herminio Mendoza pati na rin si PCGG
Director Mauro Estrada.

Nag-ugat
ang kaso sa paghahain ng PCGG ng petition for forfeiture sa Sandiganbayan para
sa ill-gotten wealth ni dating Muntinlupa Mayor Maximo Argana noong Hulyo 1987.

Gayunman,
naghain ang PCGG at Office of the Solicitor General ng dalawang mosyon, ang
motion to rescind compromise agreement at motion to set aside judgment by
compromise dahil sa panlilinlang at insidious misrepresentation noong Oktubre
1998.

NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

NAKAKARAMDAM KA BA NG labis na panghihina
ng katawan?

Narito ang ilang tips upang malabanan
ito at manumbalik ang iyong energy.

Tuwing makakaramdam ng fatigue,
subukang maghilamos ng malamig na tubig upang magrelease ng hormone ang katawan
na makakatulong upang tayo ang magising.

Makakatulong din ang pagnguya o pagkain
ng mint candies upang maging alerto ang isipan, ayon sa isang pag-aaral na
ginawa sa Philadelphia.

Sa tulong naman ng hormones na
endorphin na inilalabas ng utak sa pamamagitan ng pagtalon, maaaring makatulong
ito na maging masaya at energetic sa buong araw.

0- 4TH BREAK

Local……………….

Naghahanda
ang Department of Environment and Natural Resources Autonomous Region in Muslim Mindanao at

Metro
Cotabato Water District sa inaasahang
pagpasok ng El Nino Phenomenon
umpisa ngayong buwan ng

Oktubre
taong kasalukuyan.

Bahagi
ng kanilang paghahanda ang pagbibigay impormasyon sa publiko kaugnay sa
masamang epekto ng

naturang
kalamidad sa tao at kalikasan.

Ngayong
September 16, bibisitahin ng DENR-ARMM at MCWD kasama ng Media ang kanilang
Plant/Pumping Station sa Dimapatoy, Sitio Lomboy, Datu Odin Sinsuat
Maguindanao.

Sa
pamamagitan ni MCWD Engineering Departmernt Manager Engr. Venancio Villarma
Jr., ipapaliwanag sa media ang action plans at mga proyekto na ipinatutupad ng
kanilang tanggapan at kung ano ang magiging epekto ng tag-init sa suplay ng
tubig patungo sa kanilang service areas.

Local…………………….

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

Bumida
ang iba’t ibang pagkaing Pinoy sa bansang Netherlands sa inorganisang
Philippine Culinary Week ng embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa.

Ayon
sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang sa mga pagkaing Pinoy na
inihanda ng Purple Yam chefs sa mga dumalong bisita sa nasabing okasyon ang ipinagmamalaking
Filipino dishes na chicken adobo gayundin ang oyster at tuna kinilaw sinigang,
inihaw na hipon, lumpia pork baby back ribs adobo, vegetable fried okoy na may
itlog at panghimagas na suman.

Pinangunahan
ni Philippine Ambassador to the Netherlands Jaime Victor Ledda ang nasabing
okasyon na ginawa sa Michelin star restaurant sa The Netherlands.

0- LOCAL... Pinaiimbestigahan na ni Johny Lu ang Regional Chairperson sa Filipino Alliance Movement Support Group o FAM SG ang pagkakaugnay ni Isagani Muesco na nagpakilalang director ng FAM SG sa North Cotabato matapos itong masangkot sa Traffic violation sa Kidapawan City. Una na rin kasing kinumpirma ni Barrientos,ang vice chair sa FAM SG na miembro nila si Muezco. Pero, nilinaw naman ni Lu, na kabilang rin si Barientos na temporaryong out of command sa FAM SG National Office dahil sa umano hindi nito pagsunod sa mga polisiya at violations nito sa kanilang grupo. Sa ngayon pinaiimbestigahan na ng FAM SG Reginal Office si Muesco at nais rin nilang matukoy ang mga dokumentong hawak nito na magpapatunay na siya nga ay miembro ng FAM SG. Nais rin nilang suriin kung sino ang pumirma sa ipinakita nitong identification card para malaman rin kung sino sino ang mga kasamahan nito sa nabanggit na organisasyon. VC- LU 1 Una nang nasangkot sa kontrobersyal na usapin si Muezco matapos nitong suwayin ang one way policy partikular sa dayao street ng lungsod na nahuli mismo ng Traffic Management Unit Personnel noong August 30, 2015. 0- 5TH
BREAK

Local…………………..

SPORTS ……………. (Play Stinger)

BIGO ANG APAT na ipinadalang batang boksingero ng Alliance of
Boxing Associations in the Philippines o ABAP sa ginaganap na AIBA Junior World
Boxing Championships sa St. Petersburg, Russia.

Unang nakalasap ng kabiguan ang 15-anyos na si Criz Sander
Laurente sa Light Flyweight noong Miyerkules ng hapon matapos yumukod kay Angel
Martinez ng USA sa kontrobersiyal na desisyon, 2-1, upang tuluyang mamaalam ang
delegasyon sa torneo na walang maiuuwing medalya.

Gayunman, hindi naging pabor sa isa sa magkapatid na miyembro ng
ABAP at naging Palarong Pambansa gold medalist na si Criz Sander ang puntos sa
ikatlong round, 28-29, at mabigong tumuntong sa quarterfinals.

Bigo rin sina Criztian Pitt Laurente sa Light Bantam division
si Ronald Chavez Jr., sa lightweight division (60kg) at Ranjo Gil Napoles sa
light welterweight division.

0-LOCAL... APRUBADO na ng Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan ang budget sa city government para sa taong 2016 na abot sa P689 million.
Sa naturang budget, P660 million nito ay para sa general appropriations fund P22 million para sa operasyon ng market at slaughter house at P7.5 million ang para sa overland terminal.
Kabilang rin sa naaprubahan kasabay ng SP session ay ang P33 million pesos para sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund at climate change adaptation plan at P110 million mula sa 20 percent Economic Develpment Fund para sa 2016.
Isinulong ito sa pamamagitan ng Commitee on Finance sa Sangguning Panlungsod.
PERO bago tuluyang naaprubahan ang budget, naglabas muna ng kanyang manifestation si Kidapawan City councilor Lauro Taynan, ang chair sa SP Committee on Finance and Appropriations.
Partikular na pinuna niya ang kakulangan ng budget para sa Gender and Development senior citizens, at sa persons-with-disabilities o PWDs. A KABILA ng kanyang manifestation, natuloy pa rin ang pag-apruba ng Sanggunian sa naturang budget. 0- LOCAL... Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang dating Civil Security Unit Chief ng Mega Market sa Kidapawan City matapos itong pagbabarilin ng mga di pa kilalang suspek sa Quezon Boulevard Kidapawan alas onse kagabi.

Kinilala ang biktima na si Andres Malinao, 42 anyos at asawa nito na si Sheila Malinaom 41-anyos.

Sa ekslusibong panayam ng DXND Radyo Bida sa biktima na si Andres, galing siya sa pagsundo sa kanyang asawa na nagtatarbaho sa isang hospital at habang papauwi na ito sakay sa kanilang motorsiklo ay sinundan na pala sila ng riding tandem suspek at pinagbabaril partikular sa harap ng BIR Building.

Natumba naman ang kanyang minamanehong sasakyan matapos ang pamamaril at tinamaan siya sa kanyang kamay.

Ang ipinagtataka lamang ni Malinao ay hindi sila binalikan ng mga suspek dahil mabilis itong tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon kay Malinao wala naman itong mga natatanggap na mga banta sa kanyang buhay at wala rin itong natatandaang may nakaway na posibleng dahilan para sa pagbaril sa kanya. Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente at inaalam na rin kung mistaken identity lamang ang naturang pamamaril. 0- Sumainyo ang mga bidang balita ngayong SABADO, SEPTEMBER 12, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng
NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT
75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Coast Guard member hurt in Basilan gun attack dies in hospital

COTABATO CITY - The 26-year-old Philippine Coast Guard member wounded in a gun attack in Lamitan City on Thursday afternoon died in a hospital in...

Lalaki, binaril sa loob ng Mosque sa Maguindanao Sur, suspect kilala na ng mga otoridad 

COTABATO CITY - KINILALA ang biktima na si Mohammad Bato Ampatuan alias "Mads", 43 years old, at residente ng Sitio Siawan, Barangay Tamontaka, Datu...

Cops seize smuggled cigarettes in Jolo and Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - About 1500 reams of smuggled cigarettes were recovered by troops from Jolo MPS together with augmented...

350 pamilya, apektado ng bakbakan ng 2 MILF groups sa MagSur

BATAY YAN sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Datu Unsay na isinumete sa Provincial Disaster Office....

Hundreds displaced as 2 MILF groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY - Some 200 villagers have fled to neutral grounds as two rival groups in the Moro Islamic Liberation Front clashed and reportedly...