Friday Apr, 26 2024 06:23:12 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 16, 2015

 • 05:52 AM Thu Sep 17, 2015
2,037
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 16,
2015 (WED)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong MIYERKULES, SEPTEMBER
16, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at ito ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. LOLO, patay sa pamamaril sa Cotabato
city isa pang babae, nadamay.

2. Apat katao nasawi matapos mahulog sa
bangin ang sinakyang truck sa T’boli, South Cotabato

3. Bagong Cotabato PNP Provincial
Director, posibleng uupo na ngayong linggo.

4. PALASYO, hindi titigil maisulong ang
pagpapababa ng income tax rate sa bansa

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang
lolo matapos pagbabarilin pasado alas kwatro nang hapon kahapon sa Sinsuat
avenue corner Pansacala street, Barangay Rosary Heights 6, Cotabato city.

Kinilala ang nasawing biktima na si
Hadji Satar Patah, 79 anyos, residente ng Barangay Tabuan, Datu Blah Sinsuat,
Maguindanao.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng
pulisya, nakasakay sa isang kulay pulang pampasaherong town ace ang biktima na
may licensed plate MVT 887 nang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa
motorsiklo gamit ang kalibre 45 na pistola.

Nagtamo ng maraming tama ng bala si
Patah sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nadamay naman ang isa pang pasahero sa
insidente na kinilalang si Janeth Tuan Mhek, 26 anyos, taga-Koronadal city.

Nagtamo ng tama ng bala si Mhek sa kanyang
tiyan at kasalukuyan pang ginagamot sa ospital dito sa lungsod.

Inilarawan naman ng mga nakasaksi ang
mga suspek na nasa 20 hanggang 25 years old, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi
ang kulay ng balat at nakasakay sa isang Honda XRM motorcycle na walang plaka.

Personal na galit kay Patah ang
nakikitang motibo ng mga imbestigador sa nasabing pamamaril.

Local …………………….

Nasawi ang apat
katao nang mahulog ang sinasakyang Elf truck sa Sitio Kinalom, Barangay Salacafe
T’boli, South Cotabato.

Kinilala ni
T’boli Mayor Dibu Tuan ang mga nasawing biktima sa mga pangalan lamang na
Marlon Gal, alyas Rem,at ang driver ng naksidenteng truck na si Alyas Ayeng.

Ang isang
nasawing biktima ay di pa kilala ng mga otoridad.

Habang ang
kasama naman nilang kinilala lamang sa pangalang Dalican ay nagaagaw buhay pa
sa ospital.

Ang
insidente ay naganap dakong alas syete trenta’y singko ng umaga kahapon.

Ayon kay
Tuan posibleng nahulog ang truck sa may dalawang daang talampakang bangin nang
madulas sa daan dahil sa sunod sunod na
mga pag-ulan.

Inaalam din
ng mga otoridad kung nakainom ang driver nitong si Ayeng.

Nagsagawa pa
ng retrieval operation at imbistigasyon ang rescue team ng local na pamahalaan
ng T’boli upang malaman kung may naiwan pang biktima sa lugar.

Nabatid na
ang elf truck na sinakyan ng mga biktima ay pagaari ng isang kooperatiba na
kinontrata ng isang kompanya ng saging sa t’boli.

Tiniyak
naman ni Tuan na magbibigay ng burial
assistance at iba pang kaukulang tulong ang local napamahalaan sa pamilya ng
mga biktima.

Local……………………

Anumang araw mula ngayon ay uupo na ang bagong Director ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO matapos mabakante ang naturang pwesto noong nakaraang buwan.

Ito ang kinumpirma mismo sa DXND Radyo Bida ni Supt. Danilo Peralta ang Head sa Personnel and Human Resource Office sa Police Regional Office 12 na dati ring Director ng CPPO.

Sinabi ni Peralta na si Senior Supt. Alexander Tagum, ang Commander sa Criminal Investigation and Detection Grop o CIDG Regiona 10 ang siyang papalit sa kanyang iniwang posisyon.

Maliban sa pagiging kwalipikado ni Tagum, lokal din itong residente ng North Cotabato dahilan sa mas mabilis nitong pagtanggap ng basbas mula kay Governor Emylou Mendoza.

Ibinunyag ni Peralta na bago lamang ding natanggap ng kanilang opisina ang order mula sa PNP Camp Crame na mag lilipat kay Tagum sa Region 12.

Aniya, hinihitay na lamang ang final order mula kay PRO-12 Director General Lester Camba para sa gagawing turn over ceremony sa Provincial Headquarters, Amas, kidapawan City.

Si Tagum ay una nang naging hepe ng Kidawapan City PNP at naging commander din ng Public Safety Battalion. 0-

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

NANANAWAGAN si Novaliches Bishop
Emeritus Teodoro Bacani sa mga mananampalataya na maging responsableng magulang
sa gitna ng paglaki ng populasyon ng bansa.

Naniniwala si Bishop Bacani na
kailangan pang palawigin ng pamahalaan ang serbisyo nito sa gitna ng paglago ng
ekonomiya lalo na ang programa nito para sa mahihirap.

Nanindigan rin ang Obispo na hindi
kailangan isisi ang lahat sa pamahalaan ang problema sa populasyon kundi sa
sariling pamamaraan na paghihimok sa lahat na maging mabuting magulang.

Sa inilabas na pag–aaral ng Philippine
Statistics Authority o PSA umabot na sa 101.8 milyon ang populasyon ng bansa na
mataas ng 10% kumpara sa 92.3 milyon noong 2010.

0- 2nd break

Local …………………

HULI
ang isang babaeng suspected drug pusher na matagal nang minamanmanan ng mga
otoridad sa Pigcawayan, North Cotabato.

Sinabi
ni Pigcawayan PNP Chief police Sr. Insp. Donald Cabigas na nadakip ang suspek
na si Marissa Paligyan, 40 years old, pasado alas otso kamakalawa ng gabi
malapit sa kanilang bahay sa barangay Buluan, Pigcawayan.

Nakuha
mula kay Paligyan ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu na ilalako sana
nito.

Nabatid
na ang naarestong suspek ay asawa ng isa pang suspected drug pusher na si Joel
Paligyan na ngayon ay nakakulong na sa Amas Provincial Jail.

Samantala,
sa Midsayap naman, naaresto ang isa pang suspected drug pusher sa isinagawang
drug buy bust operation ng Midsayap PNP pasado alas dyes kagabi sa Quezon
Avenue, tapat lang ng isang gasoline station sa bayan.

Nakilala
ang suspek na si Carlito Labio, 54 years old at taga – barangay Bual Norte.

Nakumpiska
mula sa kanya ang apat na sachets ng suspected shabu at ang ginagamit na marked
money.

SA KABILANG DAKO
pa, HULI naman ang isa sa top 5 most wanted persons sa Datu Odin Sinsuat
Maguindanao, alas-dyes ng umaga kahapon.

Naaresto si
Claro Ducoyan Cortel sa bisa ng arrest warrant criminal case number 2013-6189
sa kasong rape na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim ng RTC branch 13 sa Cotabato
City.

Si Cortel ay
nagtatrabaho bilang contractor ng Cotabato Light and power company o COLIGHT sa
Cotabato city kung saan ito nahuli.

Ayon kay
Chief Inspector Lendsy Sinsuat, ang hepe ng DOS PNP, lumabag ang suspek sa RA
7610 o mas kilala bilang Protection against child abuse, exploitation and
discrimination.

Nadakip ang
suspek sa tulong naman ng City PNP na nagsagawa ng entrapment operation.

Nabatid na
taong 2013 pa nang mangyari ang panggagahasa ni cortel sa kanyang menor de edad
na pamangkin.

CUE....SINSUAT

Si Chief
Inspector Lendsy Sinsuat ang hepe ng DOS PNP.

Local …………………

Kulungan ang bagsak ng dalawang miembro ng third sex matapos maaresto sa inilunsad na buy bust operasyon ng Kidapawan City PNP partikular sa PINKHOUSE” boardinghouse, sa First Block Rizal St, Poblacion, Kidapawan City pasado alas onse ng umaga kahapon.

Kinilala ang dalawang mga suspek na sina JONATHAN FELICIO MILANO at DENJIE ANDEA CALUMPITA, nasa tamang edad at temporaryong nakatira sa nabanggit na boarding house.

Ayon sa report sa pamamagitan ng isang police asset huli sa akto ang mga suspek kung saan nakuha mula sa kanila ang siyam na mga sachet ng pinaniniwalaang shabu, mga drug paraphernalia at 500 peso bill bilang marked money.

Nakakulong na ngayon sa Kidapawan City PNP ang dalawang mga suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanya.

Nitong Setyembre a-dyes lamang isa ring drug courier na kinilalang si JOSEPH GASATAN GO ang naaresto ng mga pulis sa PINKHOUSE” boardinghouse kung saan limang mga sachet rin ng shabu ang nakuha mula sa kanya.

local.... Tiklo
sa operasyon laban sa illegal na droga
ng mga pulis sa Barangay Zone, III,Koronadal City ang isang lalaki kahapon ng
tanghali.

Ang
anti illegal drug operation ay pinangunahan ni Police Senior Inspector Michael
Elopre, ang team leader ng Regional Public Safety Battalion o RPSB 12 .

Kinilala
ang suspek na si Sandy Ali Mamasaingod, residente ng Kitapok, Datu Saudi
Ampatuan, Maguindanao Province.

Narekober
ng mga pulis sa suspek ang kalahating jumbo pack o mahigit 25 grams heat sealed transparent sachet na may lamang
white crystalline substance na pininiwalaang shabu.

Bago
naaresto, nakipaghabulan pa ang suspek sa mga pulis.

Inihahanda
na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous
Drugs Act laban kay Mamasaingod na nasa kustodya ng RSPB 12 sa General Santos
City.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

HINDI
PIPIGILAN ng Malacanang ang mga mambabatas na isulong ang pagbabawas ng income
tax rate ng mga manggagawa sa likod ng hindi pag-sangayon ng Pangulong Aquino
sa nasabing panukala.

Sabi ni
Communications Secretary Sonny Coloma, nirerespeto nila ang kalayaan ng
Kongreso.

Aniya,
sa kasalukuyang sistema ng pamahalaan, ang Kongreso ay independiente at hiwalay
na sangay at kapantay ng Ehekutibo.

Ayon
kay Coloma, trabaho ng mga mambabatas ang magbuo ng mga batas kaya’t hihintayin
na lamang ng palasyo ang magiging pasya nito.

Nitong
Lunes lang nagpahayag ng pagtutol ang Pangulong Aquino hinggil sa nasabing
panukala dahil hindi aniya ito makakatulong sa mga mamamayan bagkus ay mas
mahihirapan pa ito.

0--0 3rd break

Local…………………….

HANDANG
MAGBIGAY ng cash reward si Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa sinumang
makapagbibigay ng mahahalagang impormasyon para sa ikalulutas ng kaso ng
biktimang si Bainora Sulaiman, 18 years old at working student ng Mahad
National High School sa Buluan, na pinaniniwalaang ginahasa, pinatay at sinunog
na nasa pito hanggang walong mga lalaking suspek.

Sabi ni
Mangudadatu, isang malayong kamag-anak niya ang biktima kaya’t maging siya ay
nakikiisa sa pamilya ni Sulaiman na nanawagan ng hustisya sa sinapit ng dalaga.

Kaugnay nito
ay ipinag utos na ni Mangudadatu sa mga pulis sa lalawigan na ituloy ang
pagsasailalim sa inquest proceeding ng mga nahuling suspek sa pagpatay at
panununog sa isang dalagita sa Buluan, Maguindanao.

Ito matapos
na kumalat ang usap-usapang na pino-protektahan ng isang maimpluwesiyang tao
ang mga nadakip na tatlong suspek.

Binigyang
diin ni Mangudadatu na dapat managot ang sinumang may kasalanan at may
kinalaman sa naturang insidente.

Kasalukuyang
nakakakulong ang tatlong mga suspek sa Buluan municipal police station habang
pinaghahanap ang iba pang mga kasamahan nila.

Local………………….

Nasawi
ang isa katao matapos maaksidente sa minamaneho nitong motorsiklong may topdown
sa National Highway Barangay, Magsaysay, Polomolok, South Cotabato, dakong alas
dos ng hapon kamakalawa.

Kinilala
ng Polomolok PNP ang biktima na si Consolito Agustin, kwarenta’y nuebe anyos at
residente ng Purok 3, Crossing Palkan, Polomolok.

Lumabas
sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na habang minamaneho ni Agustin ang
kanyang topdowm motorcycle patungong
General Santos City.

Nawalan
umano ito ng control dahil sa kalasingan na naging sanhi para maka-head on
collision ang kasalubong na Mitsubishi Montero Wagon na minamaneho ni Susan
Mercado, singkwenta’y tres anyos ng Dulay, Subdivision Polomolok.

Dahil
sa lakas ng pagkakabangga nito, nakaladkad
ng Montero wagon ang topdown ng biktima dahilan para mabangga din ito ng
kasunod na Isuzu D-max Pick up na minamaneho ni Police Superintendent Salman
Sapal, kwarenta’y tres anyos residente ng Isulan, Sultan Kudarat.

Ang
biktimang si Agustin na nagtamo ng matinding sugat sa ulo at katawan ay dead on
arrival sa Polomolok Municipal Hospital.

Ang
tatlong nagkarambolang sasakyan ay pansamantalang ikinustodya ng Polomolok PNP
habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon sa insidente.

Local……………………

Turnover ng mga lote para sa mga residente na nakatira malapit sa ilog at mga bangin sa Kidapawan City isinagawa

MATAPOS ang ilang taong paghihintay, kahapon ay tuluyan ng na-i-turn-over sa mga benepisyaryo ang mga lote sa itinayong resettlement area sa Kidapawan City, partikular sa Barangay Magsaysay.
Kahapon, ginawa ang draw lots sa may ISANG DAAN AT ISANG benepisyaryo.
Abot pa sa 269 na mga bepenisyaryo ang di pa nabibigyan ng lote dahil na rin sa kakulangan nila ng mga papeles tulad ng certificate of non-land holding voter’s affidavit income tax return community certificate at iba pa.
Paliwanag ni Kidapawan City councilor Judith Navarra, siya’ng chair ng Committee on Housing ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan, sa ilalim ng Pabahay Project ng city LGU, ang bawat benepisyaryo ay nabigyan ng lupa na ang lawak ay abot sa hanggang 72 square meter.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 24 million pesos na pinondohan ng National Housing Authority.
Layon nito na mailipat sa mas ligtas na lugar ang mga informal settlers na nasa flood-prone at landslide-prone area sa lungsod.
SOTand NAVARRA
Si Kidapawan City councilor Judith Navarra.
SINAKSIHAN ang naturang draw lots ng mga opisyal mula sa City Government, National Housing Authority, City Urban Poor Federation at maging ang mga napabilang sa secod priority na mga benipisyaryo ay nainimbitahan rin.
Matatandaang ilang pagkakataon ding naudlot ang turnover ng proyekto dahil sa umano mabagal na trabaho ng Nirvana Construction Company na nakabase sa kalakhang Maynila.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

UPANG MATUGUNAN
ang pagtataas sa pensyon ng mga miyembro ng Social Security System o SSS,
iginiit ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang pagtapyas sa perks at bonuses ng
mga board ng institusyon gayundin ang pagpapalakas sa kanilang koleksyon.

Kabilang
sa mga isinusulong na dapat ipatupad ng SSS ay pala­kasin ang kanilang
koleksyon sa mga employers upang matugunan ang pangangailangan sa pondo .

ISA
RITO ay ang pagkolekta ng 13 Billion pesos na kontribusyon mula sa mga
delingkwenteng employers na hindi nagre-remit ng kontribusyon sa halos mahigit
sampung taon.

At
pagbawas sa bonus at perks ng board members at kolektahin ang multang ipinataw
ng korte sa mga employers na lumabag sa SSS law.

NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

Alam n’yo ba mga BIDA na ang iba’t-ibang
extreme emotions ay may epekto rin sa ating kalusugan?

Narito ang top 5 emotions na maaaring
maging sanhi ng iba’t-ibang sakit, ayon sa mga eksperto.

Una na riyan ang selos na maaaring
magdulot ng ilang uri ng sakit na cancer.

Ang palagiang pagkairita naman ay
maaaring magdulot ng problema sa ating respiratory system.

Kung ikaw naman ay madalas makaramdam
ng emosyon na nais gumanti sa mga nakasakit sa’yo, maaari kang magkaroon ng
sakit sa lalamunan at insomnia.

Maaari namang maging sanhi ng sakit na
ulcer ang pag-iwas na makipagkaibigan at pag-iisip na wala kang
mapagkakatiwalaan.

Kung nararamdaman mo naman na panay ang
hanap mo ng gulo, posibleng magdulot yan ng enlargement of thyroid sa iyo. 0- 4th break

Local……………….

DALAWANG mga bomba ang sumabog sa highway ng
barangay Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao.

Maswerte na lang at naisara na ng mga pulis at
sundalo ang naturang daan para sa mga motorista bago pa man nangyari ang
pagsabog.

Sinabi ni Army’s 6 th Infantry Division
spokesperson Captain Joann Petinglay na naging maagap ang kanilang pagresponde
matapos na makatanggap ng report mula sa isang Lawani Odin at mga kasamahan
nito hinggil sa

naturang mga bomba na itinanim sa tabing daan.

Ayon kay Petinglay, sa tulong ng mga barangay
official sa lugar ay mabilis din nilang na nailikas ang mga residente na
nakatira malapit sa lugar na pinagtamnan ng bomba.

Naniniwala naman si Petinglay na remotely detonated
ang naturang mga bomba o pinasabog mula sa malayo gamit ang cell phone bilang
detonator.

Local…………………….

Arestado
dahil sa pagpaputok ng illegal na armas
ang isang myembro ng Provincial Security Unit o PSU South Cotabato.

Kinilala ni
PSU Chief Retired Col. Romeo Rufino ang suspek na si Arsenil Nigat, biente sais
anyos at residente ng Figuroa Highway, Barangay Zone IV, Koronadal City.

Nabatid na
dahil sa galit matapos umanong muntik ng
mahagaip ng isang motorsiklo, nagpaputok umano si Nigat sa bahagi ng Luna Street.

Ito ay para sana maalarma ang driver ng sasakyang
muntik ng makahagip sa kanya.

Sa halip
ilang mga mamamayan na nakapaligd sa lugar ang naalarma at nagsumbong sa mga
pulis kamakalawa ng gabi.

Nakumpiska
ng mga pulis mula kay Nigat ang isang paltik na 45 pistol at anim na mga bala
nito.

Nabatid
na si Nigat na nagtatrabaho bilang job
order employee ng provincial government ng South Cotabato ay kinasuhan na ng
illegal possession of fire arms.

Ayon kay
Rufino, siya ay nakaditine ngayon sa koronadal city PNP lock up cell.

Inihayag
din ni Rufino na ang desisyon nang
posibleng pagtaggal sa trabaho kay Nigat ay nakadepende na kay South Cotabato
Governor Daisy Avance Fuentes.

0

Local………………….

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

INILATHALA
ng United States ang 22 bansa sa Middle East at Central America bilang mga
pangunahing drug-producing at trafficking state.

Ayon
sa U.S. State Department kabilang rito ang Afghanistan, the Bahamas, Belize,
Bolivia, Burma, Colombia, Costa Rica, Dominican Republic, Ecuador, El Salvador,
Guatemala, Haiti, Honduras, India, Jamaica, Laos, Mexico, Nicaragua, Pakistan,
Panama, Peru and Venezuela,”

Ipinagutos
naman ni President Barack Obama ang Congress sa ilalim ng Foreign Relations
Authorization Act o FRAA tungkol sa mga bansang ito na markahan ng kanyang
administrasyon bilang nalalabing drug producer o trafficker.

0 5th break

Local…………………..

PATULOY na nagluluksa ngayon ang maraming
mga mamamayan at lokal na opisyal ng pamahalaang panglungsod ng Cotabato city
sa pagpapanaw ng isa sa mga pioneering member ng Sangguniang Panglungsod na si
Atty. Wilfredo Bueno sa edad na 85.

Si Bueno na kilala rin sa tawag na Willie”
at tinaguriang Mr. public servant ay nasawi noong Sabado, September
12, pasado alas dos ng hapon habang ginagamot sa ospital dito sa lungsod.

Ang kanyang labi ay nakaburol sa kanilang
bahay sa Ortouste-Jasmine Street, ng lungsod katabi lang ng Divine Mercy
Chapel.

Isa sa mga lubos na nanghinayang ay si
councilor Bruce Matabalao na naging kasama ni Bueno sa SP.

Ayon kay Matabalao, balak pa sanang
maglingkod sa publiko ni Bueno at tatakbo sa halalan sa susunod na taon.

Iginiit ng konsehal na bagaman at senior
citizen na si Bueno ay may kakayahan pa rin itong magtrabaho.

Aniya, si Bueno ay magaling na abogado at
mambabatas ng SP.

Ipinangank noong March 25, 1930, si Bueno
ay isa sa unang mga konsehal na nahalal noong 1960 matapos na maging chartered
city ang lungsod noong June 20, 1959 sa bisa ng Republic Act No. 2364.

Katunayan, si Bueno na lang ang natira at
huling namayapa sa lahat ng mga pioneer city councilors.

nagtapos ng kanyang elementarya si Bueno
taong 1941 sa Cotabato City Elementary School at sekondarya sa Notre Dame of
Cotabato.

Nakuha niya ang kanyang Bachelor of Laws
noong 1956 sa Notre Dame of Cotabato, ngayon ay Notre Dame University.

Naging direktor din siya ng Commission on
Elections sa Central Mindanao noong 1996.

Local…………………….

Posibleng
makararanas ng matinding epekto ng El Nino Phenomenon ang tatlong mga lalawigan
sa rehiyon dose.

Ito ay ayon
sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC 12.

Ayon kay
Minda Morante,ang regional director ng office of the civil defense o OCD 12
at Chairman ng RDRRMC sa rehiyon, ang
South Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat ay kabilang sa dalawamput isang mga
lalawigan na maaring labis na salantain ng mahabang tagtuyo’t.

Ayon kay
Morante aasahan ang mas matinding epekto ng El Nino Phenomenon sa huling quarter ng 2015 at unang anim na buwan
ng 2016.

Inihayag ni
Morante na batay sa advisory ng PAGASA-DOST at NDRRMC mararanasan ang pinakamababang rainfall sa
lalawigan ng Sultan Kudarat.

Kaugnay
nito pinulong ng RDRRMC ang mga concerned government agency at iba pa nilang
mga stakeholders kahapon.

Layon nito
na mabigyan ng update ang mga ito sa matinding taginit at makapagbalangkas ng mga kaukulang hakbang
para maibsan ang epekto ng El Nino Phenomenon sa mga susunod na buwan. 0-

Local…………………..

Simula ngayong darating na Oktubre mararanasan na ang panahon ng tag-init sa probinsya ng North Cotabato.

Ito ang sinabi ni Governor Emylou Mendoza sa DXND RADYO BIDA ayon na rin sa pinakahuling update ng PAG-ASA.

Ayon kay Mendoza, mararamdaman na ang init ng panahon sa ilang mga lugar sa lalawigan sa Oktubre hanggang Pebrero.

Mahaba-haba umano ang mararanasang dry spell sa buong lalawigan bagay naman na pinaghahandaan na rin ngayon ng Office Of Provincial Agriculture Office o OPAG.

Matatandaan noong marso lamang nitong taon ay nakaranas ng matinding init ng panahon ang buong rehiyon dose kung saan milyong milyong halaga ng agrikultura ang sinira nito.

Kaya dahil sa naturang pangyayari todo paghahanda ngayon ang ginagawa ng provincial Government dahil na rin sa una ng pahayag ng PAG-ASA na hindi ito ordinaryong tag- init lamang.

VC- MENDOZA

Hinihikayat ng gobernadora ang publiko na ngayon pa lamang ay ihanda na ang mga water collection tanks para makapag ipon ng tubig mula sa ulan para magamit sakali mang mararanasan na ang El Niño.

Naniniwala si Mendoza na ang tamang paghahanda ay makakatulong ng malaki para laban ang matinding epekto ng nasabing kalamidad.

SPORTS ……………. (Play Stinger)

MAS
TUMINDI pa ang laban ng Pilipinas sa 2015 World 9-Ball Championship sa Al Arabi
Sports Club sa Doha, Qatar matapos maka-usad sa Last 64 ang walong cue artists
na pambanto ng bansa.

Umabante
sa knockout round sina Warren Kiamco, Oliver Mendenilla at Johann Chua matapos talunin ang mga katunggali sa Group elimination mula
sa loser’s bracket.

Sina
Kiamco at Mendenilla ay naglaro sa Group 5 at tinalo ng una si Shannon Ducharme
ng Canada, 9-6, habang ang huli ay umani
rin ng 9-6 panalo laban kay Vegar Kristansen ng Norway.

Hinarap
naman ni Chua ang batikang manunumbok ng Chinese Taipei na si Chang Jun-lin at
nanalo siya sa 9-6 iskor sa Group 6.

Naunang
kumuha ng puwesto sa Last 64 sina Dennis Orcollo, Carlo Biado, Antonio Gabica,
Jeffrey Ignacio at Raymund Faraon nang hindi sila natalo sa kanilang grupo.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong MIYERKULES, SEPTEMBER 10, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan
ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na
naghahanda para sa kanilang IKA- 200 TAONG PAGDIRIWANG ng pagkaka-tatag bilang
misyonaryong kongregasyon ng simbahang katoliko.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...

Civet cat and PH deer turned over to DENR-12

KORONADAL CITY - A Philippine Palm Civet Cat (Paradoxurus philippensis) locally known as “Milo” and a Philippine deer (Rusa Marianna) were...