Friday Apr, 26 2024 05:49:08 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 23, 2015

 • 06:19 AM Thu Sep 24, 2015
1,859
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 23,
2015 (WEDNESDAY)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong MIYERKULES , SEPTEMBER
23, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. SIYAMNA’PONG INDIBIDWAL na diumano’y
sangkot sa Mamasapano clash, kinasuhan na ng NBI

2. Abot sa P1.3 billion na revolutionary taxes nakulekta raw ng New
Peoples' Army sa mga negosyante sa buong Eastern Mindanao region, ayon sa isang
international peace group

3. Higit 20 libong konsumedores ng
COTELCO makakatanggap ng subsidy mula sa Kidapawan City LGU.

4. Freedom of Information Bill, malabo
ng maipasa sa ilalim ng Administrasyong Aquino

CUE VO………….. ‘ANG
DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

SINAMPAHAN na nang kaso ang
siyamna'pong indibidbawal na pinaniniwalaang sangkot sa pagkamatay ng 44 na
miyembro ng Special Action Force o SAF sa tinaguriang Mamasapano Clash sa Brgy.
Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong January 25 ng taong kasalukuyan.

Mismo ang National Bureau of
Investigation o NBI ang nagsampa ng kaso sa Department of Justice o DOJ.

Sa siyamnapong indibidwal, 26 rito ay
miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF 12 mula sa Bangsamoro Islamic
Freedom Fighters o BIFF at 52 mula sa private armed groups.

Pinili naman ni Justice Sec. Leila De
lima na hindi pangalanan ang mga akusado dahil dadaan pa sa preliminiary
investigation ang kaso.

Ayaw din nilang pangalanan dahil
maaaring wala na silang maabutan o masilbihan ng subpoena kung papangalanan
nila ang mga ito.

Makikipag-ugnayan naman ang DOJ sa
pamunuan ng MILF at Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities para
imbitahan ang mga akusado.

Tiniyak naman ng kalihim na meron
silang matibay na ebidensya laban sa 90 indibidwal kung saan base ito sa
testimonya ng limang testigo na nasa lugar nang maganap ang engkuwentro na
kasalukuyang nasa Witness Protection Program ng DOJ.

Matatandaan na 44 SAF commandos ang
nasawi sa nangyaring Mamasapano Clash laban sa MILF at BIFF nang ihain ng elite
troopers ang arrest warrant laban sa teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas
Commander Marwan.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

LUMAGDA sa isang Memorandum of
Agreement ang tatlong institusyon ng Simbahang Katolika para palakasin ang
ugnayan sa pagtugon sa mga pangangailangan kapag may kalamidad.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng
Simbahang Lingkod ng Bayan, Jesuit Volunteers Philippines Foundation,
inaasahang mas mapapalawak at mapapalakas ang mga programa na naglalayong
umagapay at maghatid ng impormasyon sa mga mananampalataya sa tuwing may
kalamidad.

Mahalaga ang pagtutulungan ng
iba’t-ibang institusyon ng Simbahan lalo na’t mas marami pang mamamayan ang
matutulungan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Tiniyak naman ni Jesuit Volunteers
Philippines Foundation Executive Director George Nathaniel Hipolito ang
aktibong pakikilahok ng kanilang mga volunteers sa iba’t-ibang panig ng
Pilipinas sa layunin ng tatlong organisasyon.

0-local...KUNG si Magpet vice-mayor Efren Pinol ang tatanungin, POLITICAL PERSECUTION ang tingin niya sa pagtutol ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga na ‘wag ibalik sa puwesto bilang municipal budget officer si Erly Baude – kahit pa mayroon nang order ang Civil Service Commission central office sa naturang kaso.Si Baude ay in-appoint ni Pinol noong 2004 noong siya pa ang alkalde ng munisipyo. Itinanggi rin ni Pinol na walang turnover na nangyari sa opisina ni Baude at sa tatlo pang mga department managers ng Magpet LGU, taliwas sa naging pahayag ni Gonzaga sa RADYO BIDA. Katunayan, maging ang P13.7 million na surplus mula sa budget ng Magpet LGU noong July 2013 ay pormal ding itinurnover ni Pinol sa liderato ni Gonzaga. Sa kabila nito, kinasuhan pa rin si Pinol ng graft and corruption sa Office of the Ombudsman Mindanao ni Gonzaga at ng iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan.Isinama rin sa mga kinasuhan si Baude ang dating general services office manager dating municipal accountant at dating municipal resident auditor.Maging ang kaso’ng ito – sa tingin ni Pinol, ay may bahid pulitika rin.NAUNA nang sinabi ni Gonzaga na performance, at hindi pulitika, ang dahilan niya kung bakit tutol siya na ma-re-instate si Baude at tatlo pang mga dating department managers ng LGU. At pangalawa, kawalan niya ng trust and confidence dito. Sisimulan na sa Lunes, September 28 ang pamimigay ng Kidapawan City LGU ng COTELCO subsidies para sa mahigit 26,000 na member consumers ng kooperatiba sa lungsod.Ibinunyag ni City Mayor Joseph Evangelista na inabisuhan na niya ang City Treasurer's office na ibigay ang nasabing subsidy sa mga constituent na miyembro ng Cotelco sa mga barangay.Ang nasabing subsidy ay abot sa sampung milyong pisong halaga na nagmula sa buwis na binayaran ng Energy Development Corporation o EDC sa City Government.Eksaktong P408.16 na electric subsidy naman ang matatanggap ng bawat concessionaire ng Cotelco na miyembro ng kooperatiba mula 2011 pababa.Habang may matatanggap din na subsidy ang Cotelco concessionaires na nagpa miyembro mula 2012 hanggang 2013.Ayon kay Evangelista pupunta mismo sa barangay ang kinatawan ng City Treasurer's Office upang ibigay ng direkta ang 'cash' na subsidy mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.Narito ang mga schedule at barangay kung saan gagawin ang pamimigay ng subsidiesand September 28(Ilomavis, Balabag, Meohao at Ginatilan) September 29(Sibawan, Amazion, Paco at Binoligan), September 30 ( Birada, Mua-an, Perez at Indangan) October 1 (Kalasuyan, Luvimin, Marbel at Mateo) October 2 (Junction, Kalaisan, Magsaysay, Macebolig at Sumbac) October 3 (Lanao) October 4 (Singao, Sandawa Phase 1 at 2) October 5 ( Manongol, Nuangan at Sudapin) October 6 ( Gayola, San Isidro, San Roque at Sto Nino) October 7 ( Balindog, New Bohol at Linangkob) October 8 ( Katipunan, Malinan at Sikitan) October 9 (Amas, Patadon at Onica) at October 10 (Poblacion).Magdala lamang ng isang Valid ID at resibo ng August Monthly Bill na binayaran sa Cotelco. Kapag hindi ang mismong member ng Cotelco ang kukuha ng subsidy, pwede ang kanyang kaanak na mag claim basta lamang may dalang authorization letter na pirmado ng mismong member consumer. local...Pagsasarili o Monopolyo ang itinuturong dahilan ng Free Tappers Federation o FTF sa patuloy na pagbaba ng presyo ng rubber o goma sa North Cotabato.Sinabi ni FTF Chairperson Jerry Alborme, kinokontrol at pinipigilan raw ng malalaking kapitalista sa probinsya ang presyo ng goma dahilan kaya halos wala man lang pagtaas sa presyo nito.Tinukoy ni Alborme ang ilan sa mga Rubber traders sa lalawigan na umano magkasabwat sa presyohan ng goma ay ang DAVCO, SUPREME, Pharma, Pacheco, Pioneer, at Platinum ni Sandique na parehong nasa bayan ng Makilala.Una na umanong binisita ng FTF ang mga nabanggit na planta para hilingin na dagdagan ng kahit limang piso ang presyo ng goma kada kilo.Pero hindi raw sila pinagbigyan at pinakinggan ng mga ito sa kabila ng kanilang personal na pagtungo sa lugar. Iginiit rin ni Alborme na naging bingi rin ang gobyerno sa nasabing usapin dahil wala itong ginawang paraan kahit bumisita man lang sa mga barangay para bigyan ng dagdag na ayuda ang mga apektadong magsasaka. local...Kulong ang dalawang lalaki matapos mahuli sa inilunsad na drug buy bust operation ng Mlang PNP kahapon ng madaling araw. Huli sa akto ang dalawang suspek na kinilalang sina Juharto Makagba, 32 anyos, Jerel Cordero, 23 anyos kapwa taga Matalam North COtabato na ini-abot ang ilegal na droga sa isang pulis na nagpakilalang buyer.Sinabi ni Senior Ins. Jenameel Toñacao, hepe ng Mlang PNP na nagkahabulan pa ang mga pulis at suspek ng ilunsad ang operasyon pero pagdating nila sa bahagi ng brgy. Magsaysay, Mlang ay tuluyan na itong nalambat ng mga otoridad. Nakuha rin sa dalawang suspek ang apat pang sachet ng pinaniniwalaang shabu.Naniniwala si Toñacao na maraming dalang droga ang dalawa suspek na itinapon ng mga ito nong nagkahabulan na.Sa ngayon, naghihimas na ng malamig na bakal sina Cordero at Makagba habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Actc of 2002 na isasampa laban sa kanila. 0-2ND BREAK Local …………………

NAREKOBER
ng Highway patrol group o HPG -ARMM ang isang motorsiklo na pinaniniwalaang
kinarnap sa Cotabato City at ibinenta sa Bayan ng Midsayap.

Ito ay
bunsod ng nagpapatuloy na operasyon ng HPG-ARMM.

Ayon
kay SPO4 Taha Enong, isa sa mga team leader ng HPG-ARMM, walang naipresentang
mga kaukulang dokumento ang hindi pinangalanang driver ng motorsiklo at sinabi
lamang na nabili nila ito sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Nadiskubre
pa ng HPG-ARMM na ang ginamit na plate na 2775 MJ ng naturang motorsiklo ay
peke.

Ipinasuri
naman ito sa Land Transportation Office o LTO at Nabatid na ang orihinal na
plaka nito ay licensed plate MF3839 at nakarehistro sa pangalan ni Marilyn
Diolanen na residente ng lungsod ng Cotabato.

Sa
ngayon, nasa tanggapan ng HPG-ARMM ang motorsiklo.

Nananawagan
si Enong sa naturang may-ari na kung maaari ay tumungo sa kanilang tanggapan at
magdala ng mga kaukulang dokumento at valid ID cards.

Maaari
rin tumawag ang may-ari ng motorsiklo sa hotline ng HPG-ARMM sa 09984290120.

Sa
Kabuuan, umabot na sa mahigit 40 motorsiklo na ang narekober ng HPG-ARMM at
ilang sa mga ito ay nananatiling naka-impound sa compound ng tanggapan hanggat
walang mga tunay na may-ari na mismong kukuha.

Paalala
naman ng HPG-ARMM sa mga may-ari ng motorsiklo na ibayong pag-iingat pa ang
gawin laban sa mga mgnanakaw.

Sa
bibili naman ng motorsiklo, dapat maging alisto at mapanuri.

TIMRA

NARITO ang mga balitang mula sa Tingog
Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3
CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI Medical Supplies.

TIMRA 09-23-2015 ARGIE
GRATUITO

NASAWI ang isang security guard habang tatlong katao pa ang
sugatan dahil sa masamang panahon sa Zamboanga del sur.

Maraming bahay din sa ilang barangay na nasa bababang lugar ang
lumubog sa tubig-baha makalipas ang ilang oras na buhos ng malakas na ulan.

Umapaw din ang tubig sa mga pangunahing kalsada na nagpakahirap sa
daloy ng trapiko.

Ayon sa report ng pulisya, natabunan ng landslide ang nasawing
biktima sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Una rito, bumigay umano ang pader ng isang bodega ng uling na
binabantayan ng security guard at bumagsak sa kanya na sinundan pa ng landslide
kaya natabunan ng buhay ang biktima.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang biktima pero dEniklara na
itong dead on arrival.

Sa ngayon ay unti-unti na ring bumubuti ang lagay ng panahon sa
lungsod sa sa iba pang mga lugar sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.

SUMAINYO ang mga balitang mula sa
Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid
ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI Medical Supplies.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

TULUYAN
nang lumalabo ang pag-asang maipasa ang Freedom of Information o FOI Bill sa
ilalim ng administrasyong Aquino.

Tila
nagpapasahan ang mga kongresista sa pagapruba sa naturang panukala na
magsusulong ng transparency sa gobyerno.

Una
nang sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte na hanggang sa June 30, 2016
ang kanyang palugit sa panukala.

Malaki
ang epekto ng mahinang suporta ng mga mambabatas sa FOI bill dahilan upang
mabalam ang pagapruba rito.

Maliban
sa hindi ito isinama ni Pangulong Noynoy Aquino bilang priority bill sa kanyang
State of the Nation Address.0- 03RD BREAK Local…………………….

PANGUNGUNAHAN
NI ARMM GOVERNOR MUJIV HATAMAN ANG TURN OVER NG DALAWANG CLASSROOMS SA BARANGAY
META, DATU UNSAY MAGUINDANAO.

Gagawin ang
turn over ngayong umaga sa presensiya ni Maguindanao 1 Schools Superintendent
Meriam Kawit, LGU, Barangay officials, 6th Infantry Division Chief Major
General Edmundo Pangilinan, PNP, at
Media.

Ang nabanggit
na school building ay pinagtulungang ayusin ng militar, DeptEd Maguindanao, at
local officials para muling magamit ng mga mag-aaral sa Meta Elementary School.

Nagpasalamat
ang magulang ng mga estudyante sa effort na ginawa ng pamahalaan para muling
mabigyan ng maayos na silid-aralan ang mga bata.

Isa lamang
ito sa mga classrooms na inayos ng Engineering Brigade ng Philippine Army na
nakatalaga sa Maguindanao matapos ang sunod-sunod na engkuwentro ng militar
laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

INAPRUBAHAN
ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala na
ma-disqualify ang sino mang kandidato na nabigong bakantehin ang posisyon sa
araw ng paghahain ng kanyang Certificate of Candidacy o COC.

Pinagtibay
ng komite sa ilalim ni si Rep. Fredenil H. Castro ang House Bill 1976 na inakda
ni Rep. Rufus B. Rodriguez.

Ayon
kay Rodriguez na batay sa Batas Pambansa 881 o Omnibus Election Code, ang mga
taong humahawak ng appointive office ay otomatikong resigned sa petsa o araw ng
paghahain ng COC.

NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

Pinayuhan ng Department of Health (DoH)
ang publiko na sa mga accredited pharmacy lamang bumili ng mga generic drug.

Ayon sa DoH, ang mga generic drug ay
kasing bisa at epektibo rin ng mga branded na gamot ngunit mas mura.

Isinusulong ng DoH ang Republic Act No.
6675, o ang Generics Act of 1988, bilang bahagi nang pagsusumikap na makamit
ang universal healthcare.

Sa ilalim ng batas na ito, inaatasan
ang mga doktor na magreseta ng mga generic drug bilang opsyon sa mga nais
bumili ng mas murang gamot.

0-4TH BREAK Local……………….

ARESTADO
ang walo katao na aktong gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang
drug buy bust operation sa bayan ng Buluan sa lalawigan ng Maguindanao kahapon
ng hapon.

Sa
report ng Buluan PNP, kasama ang Provincial Anti Illegal Drugs Special
Operation Task Force, target sana nila ang isang alyas Valdo na tauhan ni alyas
Chocoy na pangunahing suspek naman sa naganap na panununog at pagsaksak sa
isang 18 anyos na working student sa bayan ng Buluan.

Pero
walong indibidwal ang kanilang naaresto sa Brgy. Poblacion, Quiapo Street sa
Buluan.

Nakuha
sa mga ito ang ilang mga drug paraphernalia.

Agad
na isasailalim sa drug test ang mga hindi pinangalanang suspek dahil sa ilan sa
mga ito ay sinasabing menor de edad pa.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

HINATULANG
mabilanggo ng apat na buwan ang isang Pinoy nurse sa bansang Singapore.

Ito
matapos mapatunayang nagsinungaling sa mga awtoridad dahil sa pangiinsulto
umano sa mga Singaporeans at nanawagan ng pagkubkob sa nasabing bansa.

Ibinaba
ni State Courts Judge Siva Shanmugam ang hatol laban sa Pinoy nurse na si Ello
Ed Mundsel Bello, 29-anyos, dating nagtatrabaho sa government-run Tan Tock Seng
Hospital, na tatlong buwang pagkakakulong dahil sa kasong sedisyon at isang
buwang kulong naman sa pagsisinungaling.

Nabatid
na isinulong ng prosekusyon na makulong ng limang buwan si Bello.

Pero
umapela ang abogado nito na wala nang planong iapela ang hatol kung saan
inaasahang sa buwan ng Disyembre ay makakabalik na ang akusado sa Pilipinas.

0-5TH BREAK Local…………………..

NAGBIGAY
ng reaksyon si Mus Sema, ang dating Alkalde ng Cotabato City sa sinabi ni City
Mayor Japal Jojo Guiani na diumano'y sinira ng dating administrasyon ang old
city hall sa lungsod.

Ito
matapos makapanayam ng Radyo Bida si Guiani kahapon ukol sa napabalitang
proyekto ng City government sa dating city hall.

Una ng
sinabi ni Guiani na aayusin nila ang dating city hall.

Reaksyon
naman ni Dating Mayor Sema, isang kasinungalingan ang sinabi ni incumbent Mayor
Guiani.

Sa katunayan
aniya, noon pa ay may ginagawa ang City government pero hindi na ito
napagpatuloy.

Ayon
kay Sema, planong gawing isang City library o museum ang naturang old city
hall.

SPORTS ……………. (Play Stinger)

Iaanunsyo
na ng Belgium ang venue ng Davis cup finals kung saan makakalaban nila ang
Great Britain sa Nobyembre 27-29.

Kabilang
sa mga pinagpipilian ang Ghent’s Flanders Expo Centre, Sportpaleis sa Antwerp
at Palais12 sa Brussels.

Nakapasok
ang Belgium matapos talunin ang Argentina sa iskor na 3-2 habang wagi naman ang
Britain kontra sa Australia, 3-2 sa Glasgow.

Ito
ang unang pagkakataon na nakapasok ang Great Britain sa finals mula 1978 habang
ang Belgium naman ay mula 1904.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong MIYERKULES, SEPTEMBER 23, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan
ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na
naghahanda para sa kanilang IKA- 200 TAONG PAGDIRIWANG ng pagkaka-tatag bilang
misyonaryong kongregasyon ng simbahang katoliko.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...

Civet cat and PH deer turned over to DENR-12

KORONADAL CITY - A Philippine Palm Civet Cat (Paradoxurus philippensis) locally known as “Milo” and a Philippine deer (Rusa Marianna) were...