Friday Apr, 26 2024 08:05:02 AM

NDBC BIDA BALITA Sept. 25, 2015

 • 06:21 AM Sat Sep 26, 2015
2,118
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 25,
2015 (FRIDAY)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong BIYERNES , SEPTEMBER
25, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. DALAWANG
BAHAY sa Cotabato city, pinasok ng mga ligaw na bala sa pagsalubong sa Eid’l Adha.

2. Ina ng dalawang menor de edad na
ginahasa ng sariling tatay sa kidapawan city, magsasampa ng kaso laban sa
mister.

3.
Justice Secretary De lima, nagpaalam na
sa DOJ

CUE VO………….. ‘ANG
DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

NAGREPORT
kahapon sa pulisya si Jessica Cristobal Biruar, 46 anyos, residente ng Spring
site, Mabini street, Barangay Bagua tres, Cotabato city matapos umanong pasukin
ng ligaw na bala ang kanilang bahay pasado alas syete nang umaga kahapon

Ayon
sa salaysay ni Biruar, nakita na lamang ng kanyang anak na si Maicka ang isang
slug ng caliber 45 pistol sa kanyang kwarto habang nakaupo ito sa kanyang kama.

Nabutas
rin umano ang pader ng kwarto ng kanyang anak.

Inilahad
din ni Biruar na maging ang pamilya Cimafranca na kanilang kapitbahay ay
nakakita din ng isang slug ng kalibre 45 sa kanilang bahay sa kapareho ding
oras.

Mabuti
na lamang at walang tinamaan sa nasabing insidente.

kahapon
lamang ay IDINEKLARA bilang isang MUSLIM REGULAR at LEGAL non-working sa buong
Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, ganundin sa Cotabato city.

Samantala,
sa pamamagitan naman ng proclamation no. 1128, idineklara ng office of the
president ngayong araw bilang regular holiday sa buong bansa.

Kaugnay
nito, hinihikayat ng pamunuan ng ARMM at City LGU ang lahat ng mga Muslim sa
lugar na kanilang nasasakupan, na gamitin ang pagkakataong ito para gawing
makabuluhan ang paggunita ng Eidl Adha kaisa ng mahigit dalawang bilyong Muslim
sa buong mundo.

Hamon
naman para sa mga non-muslim, gawing kapaki-pakinabang ang long weekend kasama
ang pamilya.

Ang
Eidl Adha o Pagdiriwang ng Sakripisyo o Mas Malaking Eid ay
isang kapistahang ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo upang alalahanin
ang pagpapaunlak ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na lalaking si
Ismael bilang isang gawain ng pagsunod sa Diyos.

Ito
ang pangalawa at panghuli sa dalawang mga kapistahang Eid na ipinagdiriwang ng
mga Muslim, na ibinatay mula sa Quran.

0- local....Minamadali na
ni Kidapawan City

Councilor Jivy
Roe Bombeo, ang

chair ng
Transportation and

Communications
ng Sangguniang

Panlungsod ng
Kidapawan ang

pagrebisa sa
umiiral na speed limit

ordinance sa
lungsod.

Ayon kay
Bombeo 1996 pa unang

ipinasa ang
nasabing ordinansa.

Pero
nakasentro lamang umano ang

naturang speed
limit sa mga

pangunahing
kalye sa Kidapawan.

Nais ni Bombeo
na isali rin ang

National
Highway kung saan

kadalasang
nangyayari ang mga

aksidente.

Sa lunes ay
sisimulan ng

tatalakayin
ang naturang usapin sa

SP.

Magsasagawa
rin sila ng

konsultasyon
sa mga driver

operators kung
anong tamang bilis

ang kanilang
ipapatupad sa

babaguhing
ordinansa.

VC- BOMBEO

Si City
Councilor Jivy RoeBombeo

Ayon kay
Bombeo nararapat lamang na

madaliin ang
pagbabago sa nasabing

ordinansa
dahil na rin sa ilang mga

aksidenteng
naitatala sa Kidapawan

City.

Matatandaang
inararo ng isang 10

wheeler truck
ang limang mga

sasakyan sa
bahagi ng brgy.

Balindog,
Kidapawan na ikinamatay

ng sanay
ikakasal na binatlyong

tricycle
driver at inakasugat naman

ng mahigit 30
iba pa.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

Titiyakin ng Simbahang Katolika at
Climate Change Congress of the Philippines, na mapangalagaan ang kalusugan at
kinabukasan ng mga katutubo na pangunahing taga-pangalaga ng kalikasan.

Binigyan diin ni Climate Change
Congress of the Philippines Convenor at Cagayan de Oro Archbishop Antonio
Ledesma ang kahalagahan ng mga komunidad ng mga katutubo, bilang mga
pangunahing taga-pangalaga ng mga kagubatan.

Ayon sa Arsobispo, ang mga Indigenous
People na naninirahan sa kagubatan ang pinakamalapit sa kapaligiran kaya’t
ramdam ng mga ito ang paghihinagpis ng kalikasan sa tuwing may magaganap na
iligal na pagpuputol ng mga puno o pagmimina.

Dahil dito, magsasagawa ng Medical and
Humanitarian Mission ang CCCP bilang pasasalamat sa mga katutubong
nagpapanumbalik ng kaayusan sa mga kabundukan.

Inihayag ni Archbishop Ledesma na
pagkakalooban din ng Department of Environment and Natural Resources ng mga
kaalaman ang mga Indigenous People sa Environmental Protection upang mas
mapalawig pa ang ginagawang forest Rehabilitation ng mga Peoples Organizations.

0- Local …………………

INAASAHANG
sisikip ang trapiko sa kahabaan ng SK pendatun avenue Cotabato City nagyong
araw sa pagbubukas ng CENTRO department store sa lungsod.

Ang CENTRO
department store ay may 13 branches sa buong bansa,

At sa buong
region 12, sa Cotabato City lamang ito nagpatayo ng kanilang branch.

Kasabay ng
pagbubukas ngayong araw, tampok ang artistang si Martin Del Rosario para aliwin
ang Cotabatenyos.

Ang centro
department store ay pangalawa sa bagong malaking establishment na nagbukas sa
lungsod ngayon lamang buwan ng Setyembre.

Noong
nakaraang linggo lang ng isagawa ang soft opening ng Mall of Alnor o MOA sa
lungsod kung saan naging tampok din ang pagdating ng mga artista at sikat na
bandang Rivermaya.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

EMOSYONAL
nang MAGPAALAM sa kaniyang mga kasamahan sa Department of Justice o DoJ si Sec.
Leila de Lima, kasabay ng ika-118 founding anniversary ng kagawaran.

Ito
matapos niyang balikan ang kanyang mga dinaanang pagsubok sa ahensya mula nang
umupo siya sa pwesto noong 2010.

Ipinagmalaki
naman ng kalihim na nanindigan ang DoJ sa kaniyang pamumuno sa harap ng iba't
ibang pressure.

Kabilang
na rito ang high profile cases, katulad ng inihaing criminal charges laban sa
mga miyembro ng sanggunian ng Iglesia ni Cristo na nagresulta pa sa malaking
protesta sa Maynila.

Pero
tila nabitin ang mga tauhan ng DoJ dahil wala pa ring binanggit ang kalihim
ukol sa kaniyang political plan sa 2016 elections.

Bago
nagtapos sa kanyang talumpati tiniyak ni De Lima na may irerekomenda siya na
posibleng papalit sa kanya.

0- Local…………………….

EMOSYONAL si Jerry Canwel
ang kapatid ng lalakeng nagpatiwakal sa Aleosan, North Cotabato habang binabasa
ang iniwang suicide note ng kapatid.

Kahapon lang ng umaga ng
matagpuang wala ng buhay ang nagpakamatay na si Jonathan Canwel.

Sa panayam ng Radyo Bida
kay Jerry, hindi naman nila nakikitang may dinadalang problema ang kanilang
kapatid.

Sa tatlong pahinang
suicide note na iniwan ni Jonathan, sinabi ni Jerry dito na desisyon niya ang
pagpapatiwakal at walang ibang dapat sisihin.

Inihayag naman ni Jerry
ang kanyang hinanakit sa sinapit ng kanyang kapatid.

Aniya, hindi niya
inaasahang gagawin ito ni Jonathan lalo na't aktibong miyembro ang kanyang
kapatid sa MAGDALO at nangunguna ito sa mga proyektong kanilang ginagawa sa North
Cotabato.

Naniniwala si Jerry na
walang foul play sa insidente bagama't hindi isinaad ni Jonathan kung ano ang
dahilan ng kanyang pagpapatiwakal.

Nabatid na nasa Maynila
ang kanyang asawa na si Rebecca kasama ang isa nilang babaeng anak, habang nasa
labas naman ng kanilang bahay ang dalawa niyang anak na lalake nang mangyari
ang insidente.

Nananawagan naman si
Jerry sa mga nakakakilala sa kanyang kapatid na si Jonathan Canwel alias MAMA.

local...Pursigido ang
ina ng dalawang menor

de edad na
magsampa ng kasong rape

laban sa asawa
nitong nanghalay sa

kanyang
sariling mga anak na ngayoy

nakakulong na
sa Kidapawan City

PNP.

Sa ekslusibong
panayam ng DXND

Radyo Bida sa
ina ng mga biktima,

nitong
nakalipas na araw pa lamang

niya nalaman
ang pambababoy umano

ng kanyang
asawa ng magsumbong na

mismo ang mga
anak nito.

Halos dalawang
taon na raw itong

ginagawa ng
kanyang asawa.

Sinisi pa siya
na siya raw ang

dahilan kaya
nagawa ito ng kanyang

mister.

VC- INA

Aminado naman
ang ama ng mga bata

sa kanyang
ginawang kasalanan dahil

na rin sa
lumabas sa medico legal

ng mga
biktima.

Sa panayam sa
suspek pilit niya pa

ring isinisisi
sa kanyang misis ang

dahilan kaya
nagawa ito sa kanyang

mga anak.

VC- AMA

Sa ngayon ang
nais lamang mangyari

ng ina ng mga
biktima ay mabulok sa

bilangguan ang
kanyang asawa at

pagsisihan ang
ginawang kasalanan.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Mariing
pinabulaanan ng Malacañang ang alegasyong otorisado ng Pangulong Benigno
Noynoy Aquino III ang pagsasara ng AFP at pagkubkob sa mga Lumad
schools sa Mindanao.

Una
nang sinabi ni ACT Representative Antonio Tinio na maliban dito, may
direct hand din umano ang Pangulong Aquino sa harassment at
karahasan laban sa mga tribal communities.

Sinabi
ni Communications Sec. Sonny Coloma, walang katotohanan at batayan ang
alegasyon ng ACT congressman.

Ayon
kay Coloma, tiniyak ni Education Sec. Armin Luistro na ginagawa ng DepEd
(Department of Education) ang lahat upang mapanatiling lugar ng katahimikan ang
lahat ng mga paaralan.

Ang
mga guro rin ay ginagawa ang nararapat upang mapangalagaan ang kaligtasan ng
mga mag-aaral.

0-local...Iginiit ni
Traffic Management Unit

Head Rey Manar
na hindi tumitigil

ang kanilang
tanggapan sa

panghuhuli ng
mga gumagamit ng

Bora-Bora o
open pipe sa Kidapawan

City.

Ito matapos
ang kabi-kabilang

reklamo na
kanilang natatanggap

mula sa ilang
mga residente

partikular sa
Barangay Lanao,

Kidapawan.

Halos
gabi-gabi kasing

nagsisilabasan
ang mga sasakyang

gumagamit ng
bora-bora kung saan

walang mga
personahe ng TMU ang

nakabantay sa
kanila.

Matinding
ingay at disturb na kasi

ang kanilang
ibinibigay sa mga

mamamyan.

Kaugnay nito,
dahil sa mas

pinalakas na
kampanya ng TMU kontra

bora bora,
abot na sa mahigit 700

mga open pipe
na tambutso ang naka

impound sa
kanilang opisina dala

narin ng
kanilang araw-araw na

panghuhuli sa
mga sasakyang

gumagamit nito
na kalimitan ay

halos mga
motorsiklo.

Samantala,
naipasa narin ni Manar

noong
nakaraang araw ang kanilang

sulat at
rekomendasyon sa Committee

on Peace and
Order at Committee on

Transportation
ang tungkol sa pag

balangkas ng
resolusyon upang

rebisahin ang
speed limit ordinance

sa lungsod.

Layunin nito
na mabigyan ng gabay

ang mga driver
operators sa tamang

bilis at takbo
ng kanilang mga

Sasakyan.

Sa
rekomendasyon ng TMU, nais

nilang abot
lamang sa mahigit 30

kilometer per
hour mula landmark

hanggang
crossing balindog at 60

kilometer per
hour naman hanggang

kilometer 114
ng Barangay Paco ang

ipapatupad na
speed limit.

Nakadepende na
umano sa mga

nabanggit na
komite ang magiging

penalty sa mga
lalabag nito sa

panahong pinal
na ang bagong

ordinansa.

NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

Madalas bang mabigat ang iyogn
pakiramdam dahil sa hindi maayos na relasyon o alitan ninyong magasawa?

Mahirap po iyan na posibleng magdulto
ng heart attack o bad health.

Narito ang maaring makatulong sa inyo
mga Bida..

Bago makipagdiskusyon o mag-away...

ALAMIN muna kung ano ang direktang
ikinagagalit ng inyong asawa.

Kadalasan kasi ay ginagamit ang mga
maliliit na bagay upang awayin ang asawa dahil sa isang mas malalim na
pinaghuhugutan.

Sa tuwing sisigawan kayo ng inyong
asawa, huminto muna ng limang segundo bago magsalita. Ito ay upang mabigyan ng
sapat na oras ang inyong sarili na isipin ang inyong sasabihin.

Aminin ang totoo sa inyong asawa at
huwag gamitin ang dahilan na mas makabubuti kung hindi niya malalaman ang
totoo.

Dagadagan din ng lambing ang inyong
pakikipag-usap sa kanya upang mapilitan siya na babaan ang kanyang boses.

MGA BIDA, pinakamainam na solusyon sa
anumang awayan ay tamang komunikasyon.

0local...Kritikal
ngayon sa bahay pagamutan sa Kidapawan
City ang isang grade

six pupil
matapos mabundol ng

rumaragasang
pampasaherong van sa

National
Highway ng Sitio Caimito,

Brgy. Kisante,
Makilala North

Cotabato.

Ang biktima ay
kinilala ni Brgy.

Kisante
Chairperson Anatalio Abeng

na si Carly
Talabon Sigampong, 12-

anyos, grade
six pupil ng Kisante

Central
Elementary School.

Ayon kay Abeng
tatawid na sana ang

biktima sa
kalsada nang mabangga

ito ng Toyota
D4D Van na minamaneho

ni Romel
Casinello Guerero, 45

anyos na taga
brgy. Sibawan

Kidapawan
City.

Puno ang
pasahero ng naturang van

na nagmula pa
sa Davao City

patungong
bayan ng Midsayap.

Dahil sa lakas
ng pagkakabangga sa

biktima
tumilapon ito at nagtamo ng

seryusong
sugat sa kanyang ulo at

katawan.

Hanggang sa
ngayon nanatiling

unconscious
ang biktima ayon pa kay

Kapitan Abeng.

Bulontaryo
namang sumuko ang driver

ng van na
ngayon ay nasa kustodiya

na ng Makilala
PNP.

Samantala,
makitid raw na kalsada

ang
itinuturing dahilan kung bakit

parami ng
parami ang nangyayaring

vehicular
accident sa nabanggit na

lugar ayon pa
kay Abeng kabilang na

rin ang
mabilis na pagpapatakbo ng

mga Sasakyan.

Hiling ngayon
ng opisyal sa ahensya

ng gobyerno na
bilisan na ang pag

implementa ng
Speed Limit ordinance

sa bayan ng
Makilala.

VC-ABENG

Matatandaang
ilang mga indibidwal

na rin ang
nasawi dahil sa

aksidente na
nangyari sa kaparehong

lugar nitong
mga nakaraang buwan

lamang. Local……………….

UMALMA
ANG MUSLIM COMMUNITY, HINDI LAMANG DITO SA PILIPINAS KUNDI MAGING SA IBANG
BANSA SA PAHAYAG NG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION NA MUKHANG MUSLIM ANG SUSPEK SA ZAMBOANGA BUS BOMBING NOONG
SEPTEMBER 18, 2015.

Iginiit
ng mga nagreact sa pamamagitan ng social media na bias ang pahayag ng NBI at
hindi maganda ang implikasyon nito sa mga muslim.

Ginamit
ng muslim netizens ang social media tulad ng facebook upang ipahayag ang
kanilang sentimyento.

Naglagay
sila ng mga bagong litrato na may tagline na I am a MUSLIM type and I am not
a bomber”.

Dumarami
ang bilang ng mga nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at maari itong Makita
sa facebook sa pamamagitan ng paggamit
sa hashtags ENDdiscrimination NOW and #PassHouse Bill 659.

Base sa
pahayag ng ilan sa mga netizens dapat ay maging sensitibo ang mga police
provers upang hindi lumalabas na bias ang kanilang imbesigasyon sa kaso.

May
Christian netizens din na naghayag ng
kanilang pagkadismaya at sinabing, I’m a Roman Catholic. But this is
discrimination sa mga kapatid kong muslim.

Sinabi
naman ni Cristina Tolentino, I am a Catholic,
iginiit na unfair ang ginawa ng NBI at hindi maaring gamitin ang
paglalarawan na Muslim Type para lang ituro ang supek sa isang krimen.

Humingi
naman ng paumanhin ang PNP at NBI sa Zamboanga matapos lumabas ang isyu sa
isang radio station sa Zamboanga City.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

KINUMPIRMA
ng ating Department of Foreign Affairs na walang Pilipinong nadamay sa stampede
na nangyari sa kasagsagan ng hajj sa Saudi Arabia, kung saan 200 ang napaulat
na nasawi.

Ayon sa
Kagawaran, wala naitala ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh na nadamay na
Filipino pilgrim.

Aabot
naman sa 8,000 Pilipinong Muslim ang tumungo sa Saudi Arabia ngayong taon upang
makiisa sa kanilang tradisyon.

Samantala,
ayon sa mga otoridad sa Saudi, nasa 450 iba pa ang nagtamo ng sugat sa nasabing
stampede.

0- Local…………………..

Isinagawa
kahapon ang essay writing contest kung saan pinangunahan ng Moro Gulf Sterling
Products Development Corporation katuwang ang Magindanaw Unity Summit at
nilahukan ng 13 public at private secondary schools sa lungsod ng Cotabato.

Sinabi
ni MNLF chair at former mayor Mus Sema na siya ring chief executive officer ng
Moro Gulf Sterling Products Development Corporation at pinuno rin ng Magindanaw Unity Summit, layunin ng
paglunsad ng essay writing contest ay upang maitanim sa isip at lalo pang
madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante hinggil sa kahalagahan ng pagdiriwang
ng Eid'l Adha o Feast of Sacrifice.

Kasabay
nito, sinang-ayunan naman ito ni Maguindanao first district with Cotabato City
congresswoman Bai Sandra Sinsuat Sema sa pagsasabing may panahon na minsan
nakakaligtaan na ang tunay na kahulugan ng pagdiriwang ng Eidl Adha na kung
tutuusi'y isa ito sa malalaking festival o okasyon na dapat idaraaos ng
makabuluhan.

0-local...Naaresto ang
tatlong mga

kalalakihan
matapos mahulihan ng

ilegal na
droga sa isinagawang

Highway
inspection ng PNP sa brgy.

Dalingawen,
Pikit, North Cotabato

pasado alas
dos ng hapon kahapon.

Sinabi ni
Police Ins. Sindatu

Karim, hepe ng
Pikit PNP, may

nagtimbre sa
kanilang concerned

citizen
kaugnay sa tatlong

indibidwal na
nagdadala umano ng

ilegal na
droga.

Ilang minuto
lamang ang lumipas ay

pinara na ng
PNP ang isang Honda

XRM Motorcycle
na may license plate

3129 MN at
hiningan ng lisensya.

Habang
dinidukot na umano ng driver

na kinilalang
si Jun Salagundang

Talib ay
aksidenteng nahulog mula

sa kanyang
bulsa ang isang sachet

ng
pinaniniwalaang shabu.

Dito na rin
kinapkapan ng mga pulis

ang dalawang
kasama pa nito na sina

Nelson
Gerodias Noble, 32 anyos at

Rey Ibanyes
Calambro, 36 anyos

parehong mga
taga brgy. Dalangawen,

Pikit na
nakuhanan rin ng ilegal na

droga.

Agad pinosasan
ang tatlong mga

suspek na
ngayo'y nakakulong na sa

Pikit PNP lock
up Cell habang

inihahanda na
ang kasong paglabag

sa RA 9165 o
Comprehensive

Dangerous
Drugs Act of 2002.

SPORTS ……………. (Play Stinger)

Nagtala
ng world record ang isang 105-anyos Japanese sprinter.

Ito ay
matapos takbuhin ni Hidekichi Miyazaki ang 100 meter dash sa pinakamabilis na
oras na 42 segundo lamang sa ilalim ng 105+ category.

Kasunod
nito, hinamon ni Miyazaki si Usain Bolt sa isang karera upang mapatunayan na
nanatili pa rin siyang mabilis at magilas sa kabila ng katandaan.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong BIYERNES, SEPTEMBER 25, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan
ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na
naghahanda para sa kanilang IKA- 200 TAONG PAGDIRIWANG ng pagkaka-tatag bilang
misyonaryong kongregasyon ng simbahang katoliko.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Halos 80 kataong dumalo sa kasal naospital dahil sa food poisoning sa South Upi

HALOS 80 mga mamamayan ang na-isinugod sa matapos na sila kumain ng ginataang manok sa isang kasal sa Barnagay Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur...

1 patay, 3 huli sa gun buy bust sa Maguindanao del Sur

TALAYAN, Maguindanao del Sur - ISA sa ang patay matapos mauwi sa shootout ang ikinasang firearms buy bust operation ng CIDG-BARMM sa Barangay...

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...