Saturday Apr, 27 2024 02:40:27 AM

NDBC BIDA BALITA SEPT. 3, 2015

 • 06:50 AM Fri Sep 4, 2015
2,156
By: 
NDBC

NEWSCAST

SEPTEMBER 03,
2015 (THU)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong HUWEBES, SEPTEMBER
3, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. SUPPLY NG TUBIG sa Cotabato City,
apektado sa pagdating ng strong El Niño sa Oktubre, ayon sa Metro Cotabato
Water District.

2. PULIS, protektor daw ng mga iligal
drug dealer sa Magpet, North Cotabato

3. KORONADAL CITY MAYOR at iba pang mga
lokal na opisyal ng lungsod, kinasuhan sa office of the ombudsman kaugnay ng
umano ay overpriced public terminal.

4. APPOINTMENT ng Comelec Chairperson
at commissioner, bigong makalusot sa Commission on Appointments.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

local………………….

AMINADO ang Metro Cotabato Water
District o MCWD na malaki ang magiging epekto sa supply ng tubig sa Cotabato
city ng parating na strong El Niño sa Oktubre na pinangangambahang magtatagal
hanggang Disyembre o sa Enero ng susunod na taon.

Sinabi ni MCWD executive officer Alma
Rodriguez na posibleng umabot ng 5 to 10% ang volume reduction o pagbaba ng
lebel ng tubig sa mga water source na magiging dahilan naman para kulangin ang
supply ng tubig.

Ayon kay Rodriguez, posible rin magtaas
ang singil sa tubig.

Sa ngayon sinabi ni Rodriguez na
nagsasagawa na sila ng mga mitigating measure bilang paghahanda sa darating na
tagtuyot.

Tiniyak ni Rodriguez na nasa maayos na
kondisyon ang lahat ng kanilang mga pasilidad para patuloy na makapagbigay ng
magandang serbisyo sa kanilang mga kliyente.

Gayunman, sinabi ni Rodriguez na
mahalaga pa rin na ngayon pa lang ay ugaliin nang mag imbak ng tubig.

Nakiusap din si Rodriguez sa publiko na
magtipid sa paggamit ng tubig at huwag nang hintayin na tuluyang mawala ang
supply nito.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

Matibay na pundasyon ang Encyclical
Letter on Ecology na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pagtatanggol
sa kalikasan ngayong Season of Creation.

Ayon kay Father John Leydon, Convenor
ng Global Catholic Climate Movement, kahanga-hangang panimula na idineklara ng
Kanyang Kabanalan Francisco ang unang araw ng Septyembre bilang World Day of
Prayer for Care of Creation.

Inihayag ng pari na ang pagiging aktibo
ng Santo Papa sa pangangalaga sa kalikasan ay lalong nagpapalakas sa
pananampalataya ng mga tao.

Samantala hinikayat din ng pari ang mga
mananampalataya na tumugon sa pangangailangan ng ating inang kalikasan.

Binigyang diin ni Father Leydon na ang
pagkasira ng kalikasan ay hindi lamang obligasyon ng ilang tao kundi tungkulin
ng lahat ng naninirahan sa mundo.

Kaugnay dito, patuloy ang pangangalap
ng lagda ng GCCM para sa signature campaign na ihaharap sa Conference of
Parties sa Paris ngayong Nobyembre.

Local …………………

NAGLABAS ng
kanilang hinaing sa gobyerno ang Moro National Liberation Front o MNLF kasabay
ng kanilang pagdiriwang ng ika-19 na anibersaryo ng GRP-MNLF FINAL PEACE
AGREEMENT na nilagdaan noong SEPTEMBER 02, 1996.

Hanggang
ngayon kasi hindi pa rin kumpletong naipatupad ng pamahalaan ang lahat ng mga
nakasaad sa naturang kasunduan.

Iginiit ni MNLF
chairperson Datu Muslimin Sema na tila nabale-wala ang GRP-MNLF final peace
agreement matapos na pumasok muli sa isa pang kasunduan ang pamahalaan.

Dagdag pa ni
Sema, tulad ng nangyari sa GRP-MNLF final peace agreement, posibleng muling
magpakita ng kawalang sensiridad ang gobyerno sa pinapasok na kasunduan ngayon
sa Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Kaugnay nito
ay iginiit ni Sema na patuloy silang magsusulong para sa ganap na
implementasyon ng naunang kasunduan.

Iginiit din
nito na mataas ang kamulatan ng mga mamamayang Moro kaya mararamdaman nila kung
pinaglalaruan sila at patuloy na pinapaasa ng pamahalaan.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

BIGONG
makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments o CA ang kumpirmasyon
nina Commission on Elections o Comelec Chairperson Andres Bautista at
Commissioner Sherif Abas.

Hinarang
ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang kumpirmasyon nina Bautista at
Abas matapos nitong hanapin ang report ng Comelec sa transmission ng boto noong
2013 elections.

Sa
datos na hawak ni Enrile, 18,486 na mga presinto ang hindi nakapag-transmit ng
boto manually at electronically.

Dahil
hindi pa available ang hinihinging datos, nagdesisyon si Senador Teofisto
Guingona III, chairperson ng CA committee on constitutional commission, na
ipagpaliban ang confirmat

Pero
sabi naman ni Bautista, isinumite na ng Comelec sa Joint Congressional
Committee on Automated Elections ang nasabing report.

Hindi
rin aniya nawawala ang resulta ng boto sa mga nasabing presinto pero hindi
lamang na-transmit sa pamamagitan ng machines.

Local…………………….

INIREKUMENDA
ng North Cotabato provincial government ang pagsasagawa ng cloud seeding
operation ngayong Setyembre.

Sinabi
ni North Cotabato Gov. Emmylou Mendoza na pupulungin nito ngayong linggo ang
agriculture department kasama ng kanilang provincial disaster team para sa
paghahanda sa mahabang tagtuyot.

Ayon
kay Mendoza, mahalagang mapangalagaan ang mga sakahan ng mga mamamayan sa
lalawigan na tinaguriang

‘fruit
basket’ ng bansa.

Aniya,
ang pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga mamamayan ng lalawigan kaya naman
gagawin nila ang lahat ng paraan para tulungan ang mga ito sa darating na
mahabang tagtuyot.

Ang
North Cotabato ay nagdiwang ng Kalivungan festival kamakailan bilang pasasalamat sa magandang aning tinamasa sa mga nagdaang
araw.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Hiniling
kahapon ng National Union of Journalists of the Philippines sa liderato ng Iglesia
ni Cristo na magpalabas ng public apology kaugnay sa pagkuyog at pananakit ng
ilang mga mamamahayag sa kasagsagan ng kilos protesta ng mga ito malapit sa
EDSA Shrine sa Ortigas, Quezon City.

Sa
isang press statement, kinondena ng NUJP ang insidente dahil ginagawa lang
naman ng media ang kanilang trabaho.

Isa sa
mga kinuyog ng INC protesters ang cameraman ng ABS-CBN na si Melchor Pinlac.

Si
Pinlac ay hinila sa leeg, sinapak sa panga, katawan at likuran sabay sigaw ng
‘bias, bias’ ng INC members na kumuyog sa biktima na nagsasagawa lamang ng
‘coverage’ sa rally.

Maging
si DZBB reporter Olan Bola ay itinaboy din ng INC members nang tangkain nitong
awatin ang pagkuyog at pananakit laban kay Pinlac.

NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

Tiniyak
ni Department of Health o DOH Secretary Janette Garin na nananatiling MERS-free
ang Pilipinas.

Ito
ay sa kabila ng mga balita na mayroong 2 Koreano sa bansa, na nagkaroon ng
sakit na MERS.

Ayon
kay Garin, nakapasa ang dalawang Koreano sa dalawang incubation period na
ibinigay ng otoridad, bago sila bumiyahe.

Sinabi
pa ni Garin na, patuloy ang pagbabantay ng otoridad sa mga pumapasok sa bansa,
at makakatulong din kung agad ikokonsulta sa doktor, ang mga hindi kanais-nais
na nararamdaman.

Panawagan
naman ni Garin na kung nagmula sa ibang bansa, dapat ideklara kung saang
nanggaling na bansa dahil nabibigyan nito ng idea ang mga doktor kung mayroon
pang ibang sakit na kanilang binabantayan tulad ng bird flu at ebola.

0- local...

Abot sa 120
indigent parents ang tatangap ngayong araw ng livelihood assistance mula sa
Department Labor and Employment o DOLE sa Kidapawan City.

Sinabi ni
Public Employment Service Office o PESO Manager Herminia Infanta, 70 sa kanila
ay mga miembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps at magulang rin ng
mga Child Laborer sa lungsod.

Nabatid na
abot sa sampung libong starter kits ang matatanggap ng bawat benipisyaryo na
may mga lamang gamit para sa kanilang pagsisimula sa isang maliit na negosyo
kagaya ng pagpiprito ng saging,
fishball, at repair shop.

Ayon pa kay
Infanta, napili ang mga benipisyaryo sa pamamagitan ng rekomendasyon sa
kanilang barangay officials at sa ginawang validation ng kanilang opisina.

Isinailalim na
rin nila sa bookepeing seminar ang mga benipisyaryo para mapalago ang kanilang
piniling pangkabuhayan.

Ilulunsad rin
ng PESO ang monitoring sa beneficiaries para magabayan sila sa direksyon sa
kanilang negosyo at maiwasan ang pagkalugi nito.

Inaasahan
namang sasaksihan ngayon araw ang nasabing pamamahagi ni DOLE provincial
Manager Margie Latoja at mga opisyales
ng Kidapawan City Governement.

0-local...Ipinahayag ni
Dr. Glicerio Sotea, ang Municipal Health Officer ng Mlang, North Cotabato na
bumaba sa below alert level ang kaso ng Dengue sa Bayan ng Mlang nitong buwan
ng Agosto.

Ayon kay Dr.
Sotea, dala na rin ito sa kanilang mas pinagting na kampanya kontra dengue at
sa kanilang nagpapatuloy na fogging operation, information drive at check up
drive sa mga liblib na area ng Mlang.

Samantala,
umabot naman sa alert level ang kaso ng dengue sa bayan noong nakaraang Hulyo
na umabot sa 16-katao ang tinamaan ng sakit na dengue.

Partikular ni
tinukoy ni Sotea ang Barangay Poblacion A at B.

Sinabi ng
opisyal na isa sa mga pangunahing rason kung bakit meron pa rin naitatalang
kaso ng dengue sa nabanggit na lugar ay ang mga naii-imbak na tubig at mga
baradong kanal kung saan namumugad ang mga lamok na may dalang sakit na dengue.

Kasama narin
dito ang paglobo ng populasyon sa naturang barangay.

Sa kabuan abot
sa mahigit 50 katao ang nagkaskit ng dengue mula Enero hanggang Hulyo ngayong
taon.

Wala namang
naiulat na namatay sa naturang sakit.

Nanawagan
ngayon si Sotea na makipag tulungan at makilahok sa kanilang mga programa
dahill para namn ito sa kanilang kapakanan.

0-

local...Patuloy
ngayong iniimbistigahan ng Kabacan PNP ang pagsaksak at pagpatay sa isang
lalaki sa isang sakahan sa Purok National, Poblacion, Kabacan North Cotabato
kahapon ng gabi.

Kinilala ni
Senior Ins. Ronnie Cordero ang hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Vergilio
Narvas Jr. na taga Malvar street, Poblacion Kabacan.

Ayon kay
Cordero nagtamo ng maraming saksak ang biktima sa kanyang likod na naging sanhi
ng kanyang agarang kamatayan.

Narekober sa
pinangyarihan ng krimen ang kulay asul na sombrero at isang stick ng sigarilyo
na posibleng pagmamay-ari ng mga suspek na agad ring tumakas patungong Mantawil
Street Poblacion Kabacan.

Samantala,
napag alaman naman ng pulisya na paulit-ulit nang inirereklamo ang biktima sa
kanilang himpilan dahil sa pagnanakaw nito at pambabato umano sa kanyang mga
kapitbahay at maging sa kanyang mga kamag-anak.

Iniimebstigahan
na ngayon ng mga pulis ang insidente habang tinutugis na rin nila ang mga
suspek na responsable sa naturang krimen.

0-
local...SINAMPAHAN na
ng Maramag PNP ng kasong illegal possession of firearms and explosives ang
labing-dalawang mga magsasaka na hinuli ng mga pulis noong nakaraang linggo sa
Kitao-tao, Bukidnon dahil sa duda na sila ay mga kasapi ng New Peoples’ Army o
NPA.

Ang inquest
proceedings at ang pagsasampa ng reklamo ay isinagawa, kahapon, sa Malaybalay,
Bukidnon.

Kinilala ang
mga kinasuhan na sina Ellen Manlibaas, ang chairperson ng Kahugpungan ng mga
Mag-uuma sa Kitao-tao o KMK Gino Manlibaas na anak ni Ellen ang mag-asawang
Leni at Apolinario Labanan Loida Manlomaray Loleng Maasin Markie Manlomaray
Ar-ar Manlomaray Gino Manlibaas Jun-jun Pelisar Camilo Asunan Lolok
Manlipay at Rodolfo Tambok, pawang taga-Barangay White Kulaman, Kitao-tao.

Ang isa sa mga
hinuli noong nakaraang linggo na si Josie Laparinay ay pinakawalan din kahapon
matapos hindi isinama sa kinasuhan dahil sa human consideration.

Pitong buwan
pa raw ang anak nito.

Sinabi ni
Captain Patrick Martinez, spokesman ng 4th Infantry Division, na ginamit ding
ebidensiya ng PNP sa isinampa nilang kaso kontra sa mga magsasaka ang
na-recover na mga subersibong dokumento mula sa NPA.

Dahil dito,
ayon kay Martinez, lumakas ang hinala nila na sina Manlibaas at iba pang kasapi
ng KMK ay mga rebeldeng komunista.

Samantala,
inamin ni Martinez na may tatlong mga residente ng Barangay White Kulaman ang
ginamit nila bilang ‘guide’ nang pasukin nila ang lugar noong nakaraang linggo.

Ang mga ito ay
sina Adon Maginday Selmo Manlomaray at Locenio Labanan.

Kailangan daw
ng mga sundalo at PNP ang tulong ng tatlong mga guide para ituro kung saan
nakatira ang kanilang mga hinahanap at kung saan itinago ang mga armas at mga
pampasabog tulad ng landmine.

Ang ginawang
ito ng PNP at ng 4th ID ay mariing kinondina ng Kilusang Magbubukid ng
Pilipinas at ng iba pang grupo ng mga human rights advocates sa Southern
Mindanao.

Pinasinungalingan
ni Isidro Indao, spokesman ng KMK, ang alegasyon ng kanilang mga barangay
official at ng mga sundalo at PNP na ang kanilang grupo ay sumusuport asa
kilusang komunista.

0-local..Isang
magkapatid ngayon sa Poblacion Magpet, North Cotabato ang isinailalim sa
survielance ng PNP na umano responsable sa pagbebenta ng iligal na droga sa
ilang mga barangay sa bayan ng Magpet.

Ito matapos
makatanggap ng text message ang Radyo Bida tungkol sa talamak na bentahan ng
ilegal na droga particular sa Crossing Matas, Poblacion Magpet bagay naman na
kinumpirma ni Sr. Ins. Felix Fornan ang OIC head ng Magpet PNP.

Ayon kay
Fornan una na rin siyang nakatanggap ng kaparehong mensahe na ngayoy
iniimbestigahan at tinututukan na ng kanilang hanay.

Hinihikayat
naman ni Fornan ang mga taga Magpet na huwag matakot na magsumbong sa kanila
lalo na sa usapin ng droga.

Samantala,
iniimbestigahan na rin ng PNP ang umano isang pulis na protector ng mga dealer
ng shabu sa bayan.

Sa ngayon nasa
sampung barangay na sa bayan ng Magpet ang umano napasukan ng ilegal na droga
na ngayo'y kanilang mahigpit na binabantayan.

Mas pinaigting
rin ngayon ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga na suportado naman ni
Magpet Mayor Florenito Gonzaga.

0-local...Pinaiimbestigahan
na ng Magpet PNP ang umano isang pulis na nagbibigay ng proteksyon sa
magkapatid na responsable sa pagbebenta ng iligal na droga sa ilang mga
barangay sa bayan.

Kinumpirma
naman ni Sr. Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP, na nakarating na sa kanya
ang balita at kilala niya ang naturang pulis.

Subalit hindi
niya muna ito pinangalanan habang isinasagawa nila ang surveillance para
patunayan ang partisipasyon ng nabanggit na pulis sa ilegal na droga.

Samantala,
tinututukan rin ng pulisya ang magkapatid na responsable sa pagbebenta ng
iligal droga sa bayan.

Sa kabilang
dako kinumpirma rin ni Fornan na tatlong mga barangay na sa bayan ng Magpet ang
napasok ng ilegal na droga.

May mga
minamanmanan na rin aniya sila na posibleng sangkot sa naturang aktibidad.

Idinagdag pa
ni Fornan na ang mga ilegal na droga na ibinebenta sa Magpet ay nagmumula raw
sa bayan ng Matalam, Kabacan at President Roxas. 0- local...Tinangayan na ng motorsiklo binaril pa.

Ito ang sinapit ng isang security guard sa kamay ng
di kilalang salarin sa bayan ng Sto. Nino, South Cotabato.

Kinilala ng Sto Nino PNP ang biktima na si Romel
Suobiron, biente singko anyos security guard at residente ng Barangay
Guinsang-an, Sto. Nino.

Lumabas sa inisyal na imbisitigasyon ng mga pulis na
ang biktimang si Suobiron na nagsa-side line din bilang habal habal driver ay
kinontrata ng di kilalang suspek para magpahatid mula Guinsang-an patungong
Barangay Teresita sa bayan.

Ngunit pagdating sa liblib na intersection ng Purok
Barotac, Barangay Sajaneba at Sitio Cajanedo ng Barangay Teresita, ang
biktima ay binaril ng suspek.

Ang krimen ay naganap dakong alas dos ng tanghali
kamakalawa.

Dahil sa matinding tama ng bala ng di pa tukoy na baril
sa kanyang ulo patay agad ang biktima.

Tinangay din ng di kilalang suspek ang minanehong nitong
kulay puti na Suzuki 110 motorcyle
pagaari ng kanyang kaptaid na si Ronald Duobiron.

Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Sto. Nino
Police para matukoy kung sino ang pumatay at tumangay sa motorsiklo ng biktima.

0-Maasahan ng mga mamamayan ang mas masaya at mas
makabuluhang Tuna Festival sa General
Santos City.

Ito ang ipinahayag ni General Santos City Mayor
Ronnel Rivera kaugnay sa ipinagidirwang ngayong 47th Charter
Anniversary at 17th Tuna Festival sa lungsod.

Ang selebrasyon ngayong taon ayon kay Rivera ay
nakatuon din sa pagresolba sa mga problemang kinakaharap ng Tuna Industry .

Ang mga ito ayon kay Rivera ay paguusapan sa 17th Tuna Congress na gagawiin sa September 3 at
4.

Tatalakayin din sa pagpupulong ayon kay Rivera ang
mga paghahanda at epekto ng ASEAN Economic Integration sa Tuna Industry.

Umaasa din si Rivera na sa tulong ng Philippine
Fisheries Development Authority ay magiging mas makabulan ang pagdiriwang
ngayong taon at makakaengganyo pa ng mas maraming mga mamumuhunan ang Gensan.

Ayon kay Rivera ang pinahigpit na regulasyon sa
pangingisda sa mga international waters
at climate change ay nakaapekto sa Tuna Industry sa Gensan sa nakalipas na limang
taon

Kabilang sa mga aktibidad na tampok sa Tuna Festival
na inaabangan ng publiko ang Grand Fish Fest sa Fishport kahapon, at Tuna Fest
Skills Olympics sa September 3 at 4.

Ayon kay Rivera sa kauna unahang pagkakataon
magiging kabahagi din ng pagdiriwang ang Sugbahan sa Dalan na gaganapin sa
September 5.

Magkakaroon din ng Street Dancing Competition sa
September 6.

Ang selebrasyon ay sinimulan sa pamamagitan ng float
parade noong Setyembre a uno.

0-local...Binalewala umano ng ilang mga local na opisyal ng
Koronadal ang appraisal report ng real estate aprraiser na si Fred Dumasis.

Ito ang binigyang punto ng office of the Ombudsman
Mindanao,para panagutin ang ilang mga opisyal ng lungsod na sumulong sa pagbili
ng lupaing pagtatayuan ng public terminal sa crossing Diaz, Barangay Zone 3.

Ayon sa Ombudsman lumabas sa report ng independent
appraiser na si Dumasis na ang 59, 481 sqm na lupain na pagtatayuan ng proyekto
ay nagkakahalaga lamang ng 190 pesos per square meter o mahigit labin isang
milyong piso.

Ngunit ito ay nabili ng city government sa halagang
676 pesos per square meter o mahigit apatnapung milyong piso.

Ang mas mataas na halaga ay inirekomenda naman ng
City Appraisal Committee.

Ang mga ito ay binubuo nina City Assessor Joselo
Gallego, City Treasurer Marloun Gumbao at City Engineer Reuel Tianson na kasama
rin sa mga kinasuhan.

Ayon sa Ombudsman ang pagsunod sa rekomendasyon ng
mga myembro ng appraisal committee na kahit alam nilang hindi noon lisensyadong
real estate appraiser ay paglabag sa Real Estate Act Services of the
Philippines.

Kabilang din sa mga kinasuhan ng paglabag sa Anti
Graft and Corrupt Practices Act sina Koronadal City Mayor Peter Miguel, Vice
Mayor Eliordo Ogena, mga konsehal noon na sina Rogelio Cadeleno, Mark Lapidez,
Gregorio Ogoy, Oscar Pagunsan, Floro Calixton, Sagin Monday, Kristianne Gem
Joquino at Ellen Grace Subere-Albios na board member na ng South Cotabato
ngayon.

Nahaharap din sa asunto sina dating City
Administrator Edgar Tabago at Jorge Fabella ang tumayong kinatwan sa nabiling
lupain.

Abswelto naman dahil sa pagtutol sa pagbili noon ng
lupain sina Councilors Rebecca Bona, Erlinda Araquil,dating councillor Rey Millan
at Esther Marin CAtorce na isa na ring South Cotabato Board Member.

Binigyan naman ng ombudsman ng sampung araw ang mga
akusado na sagutin ang kaso laban sa kanila.

Binigyan diin naman ni Vice Mayor Ogena na bilang
presiding officer ng konseho naging patas siya sa pagtalakay sa isyu at hindi
umano siya nakipag kuntsaba sa mga kinasuhan.

Voice Clip……Si Koronadal City Vice Mayor Eliordo
Ogena

Ang kaso ay isinampa sa ombudsman ng grupong Lay
Empowered through Principled Politics or LETPP.

Sinisikap pa ng DXOM Radyo Bida Koronadal na makuha
ang panig ng mga kinasuhan

0-local...Paghandaan ang pagdating ng El Nino Phenomenon.

Ito ang payo ni Koronadal Agriculture Officer
Emelita Miguel sa mga magsasaka ng lungsod.

Ayon kay Miguel, sa halip na magtanim ng palay, at mais mas makabubuting magtanim na
lamang ng mga drought resistance o mga produktong makatatagal sa mahabang
tagtuyo’t ang mga magsasaka ng Koronadal.

Ipinahayag ng City Agriculturist na batay sa
advisory ng Pagasa, posibleng mararanasan sa bansa ang El Nino Phenomenon mula
Octobre hanggang Abril sa susunod na taon.

Maliban sa mga root crops, tulad ng kasaba at
kamote, maari ring magtanim ng mga gulay
na mabinyagan ang mga magsasaka para makapag-survive sa tagtuyo’t.

Sa pamamagitan nito ayon kay Miguel ay kahit papaano
ay magkakaroon ng alternatibong kabuhayan ang mga magsasaka pagsapit ng
pinangangambahang El Nino Phenomenon.

Tiniyak din ni Miguel na may nakahandang mga
vegetable seedlings na ipamimigay sa mga magsasaka ang City Agriculture Office
ng Koronadal.

0-local...Tumanggap ng Galing Pook Award ang provincial government ng South
Cotabato.

Ito ay dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng
dalawang mga programa nito na nakatulong upang maibsan ang kahirapan.

Kabilang sa mga programang nagpanalo sa lalawigan ay
ang Minahang bayan ng Provincial Environment and Management Office O PEMO at
ang The Friendly Drugs a PPP on Health Plus Project ng Integrated Provincial
Health Office o IPHO.

Ang minahang bayan ayon kay PEMO OIC Segfried
Flaviano ay susmusulong ng sustainable
small scale mining kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.

Ito ay ipinatutupad sa bayan ng T’boli, kung
saan ang mga minero ay binigyan ng
Miner’s Identification ID matapos sanayin sa basic first aid, disaster risk
reduction and climate change adaption at
Solid Waste Management.

Habang ang Health Plus Project naman ay nagbigay ng
pagkakataon sa mga mahihirap na mamamayan na magkaroon ng access sa mura ngunit
de kalidad na mga gamot sa South Cotabato Provincial Hospital.

Nabatid na ang dalawang mga programa ng South Cotabato ay kabilang sa 153 na mga entries sa buong
bansa.

Ang sampung mga awardees ay pinili mula sa labin
anim na mga semi finalist .

Ang parangal ay tinaggap mismo ni South Cotabato
Governor Daisy Avance Fuentes kasama ang mga Department Heads at iba pang
opisyal ng lalawigan.

Ang awarding Ceremony ay isinagawa sa SMX Convention
Center sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Ang minahang Bayanihan ng South Cotabato ay nasa
panglimang pwesto habang pang siyam naman ang Friendly Drugs ng lalawigan.

Kabilang din sa mga tumanggap ng Galing Pook Awards
ang I luv Taytay Rizal Garments, Phil Cuckatoo Conservation ng Palawan, Team
Albay ng lalawiganng Albay, Education
360 ng Valenzuela City, Ambao fish sanctuary ng Southern Leyte, Sirib
Wxpress ng Ilocos Norte at Managutang pamahala ng Graceville sa Bulacan.

Ang galing pook award ay ibinibigay ng pamahalaang
nasyonal .

Ito ay ibinigay sa mga programang nagkaroon ng
positibong epekto sa pamumuhay ng mga mamamayan, humihikayat ng partisipasyon
ng publiko, at natitiyak ang patuloy na pagpapatupad o sustainability ng mga
ito.

0- Local……………….

BUMUO
ng isang Tri-People Cluster for Peace and Development ang 1st Marine Brigade, Marine
Battalion Landing Team-5 kasama ang USAID-ENGAGE, at mga Local Government Units
ng Upi, South Upi, at Datu Blah Sinsuat.

Sinabi
ni USAID-ENGAGE Area Coordinator Clarissa Echavez-Rendon na naisakatuparan ang
naturang proyekto pagkatapos ng mahigit pitong buwang preparasyon, pagpaplano
at konsultasyon.

Ang cluster
ay nakatuon sa pagtutulungan at pagbibigay suporta sa bawat bayang kasapi para
sa pagbibigay ng mga programang pangkabuyahan sa kanilang mga mamamayang
Muslim, Kristyano at Lumads

Nabatid
na nauna nang lumagda sa isang memorandum of agreement sina Upi mayor Ramon
Piang Hon. Datu Marshall Sinsuat ng Datu Blah Sinsuat at Abdullah Campong,
Al-Hadj ng South Upi para sa pagsasakatuparan ng Tri-People Cluster for Peace
and Development.

Laman
ng kasunduan ang pagpapalakas pa ng kanilang partnership at pagbahagi ng kani
kanilang mga kaalaman, lakas at yaman.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

NAARESTO
NA ang pangunahing suspek sa nangyaring pagsabog sa isang sikat na pasyalan sa
Bangkok, Thailand.

Sa
ulat ng BBC, sinabi ni Thailand Prime Minister Prayuth Chan-o-cha, na nadakip
ang ikalawang suspek sa probinsya ng Sa Kaeo sa silangan ng Bangkok sa border
ng Cambodia na umano’y siyang tunay na utak sa nangyaring pagsabog.

Nabatid
na hawak na ng mga pulis ang 28-anyos na suspek ngunit tumanggi ang mga ito na
pangala­nan ang lalaki.

0- Local…………………..

BINALAAN
ngayon ng National Bureau of Investigation o NBI ang publiko sa patuloy na pagkalat
ng iba’t ibang uri ng pyramiding scam lalo ang mga pinakakalat sa pamamagitan
ng social networking sites gaya ng Facebook.

Kaugnay
nito, ipinatawag ni Anti-Fraud Division chief Atty. Dante Jacinto ang mga
opisyal ng Alpha Networld Corporation sa pangunguna ni Julius Allan Nolasco
matapos silang ireklamo ng pyramiding scam ng negosyanteng si Emmanuel
Estrella.

Ginagamit
daw ni Nolasco at ng iba pang kasabwat ang kanilang FB accounts upang maka-engganyo
ng recruits sa pyramiding scam na pinagpapasok ng pera sa kanilang bank
accounts kapalit ng pangakong daang libong tubo.

Nabatid
na nagsimula si Nolasco sa pyramiding scam sa Dubai at maraming nahikayat na
mga Overseas Filipino Workers, marami sa kanila ay mula sa Mindanao.

Samantala,
sinabonnaman?ni
Sen. Cynthia Villar ang mga opisyal ng National?Telecommunications
Commission o NTC dahil bigo pa rin ang mga itong pigilan ang pagkalat ng text
scams.

Maraming Pinoy na kasi ang naloloko nito
kabilang na ang foundation
na pag-aari ng senadora.

Giit
ni Villar, isang sindikato ang gumamit sa pangalan ng Villar Foundation Inc.
para sa kanilang modus operandi kung saan kumalat ang text messages na nagsasabing
may nanalo?sa?raffle?draw ng?kanilang?foundation.

Nai-ulat
na ?nila ang? problema
ito?sa
NTC noong 2012 subalit hindi pa rin natutugunan hanggang ngayon.

SPORTS ……………. (Play Stinger)

Ginawang pangatlong biktima ng Gilas Pilipinas ang Japan, 75-60,
sa Jones Cup sa Xinchuang gym sa Taiwan kahapon.

Nai-angat ng Nationals ang kartada sa 3 to 1, nakakuha ng
magandang momentum sa pakikipagsalpukan sa Iran kahapon ala-una ng hapon.

Nasilat ang Iranians sa US, 81-66, kahapon din na dumungis sa
dating malinis na baraha ng Asian powerhouse, 4-1.

Laban sa Americans ay iniupo ng Iran si 7-foot-2 NBA veteran
Hamed Hadadi.

Ipinahinga naman ni coach Tab Baldwin si Asi Taulava kahapon
kontra Japan para sariwa sa inaasahang pakikipagpukpukan kay Hadadi.

Matibay ang finishing kick na pinakawalan ng Filipinos, nagising
sa dulo ng third quarter para kumalas sa dikitang laro.

Sa last two minutes ay nagising ang Japanese, pero halos final
score na lang ang hinihintay.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong HUWEBES, SEPTEMBER 3, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng
NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT
75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...